HENERALLUNA

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: Andal, Carlos Miguel L

Kurso: BSN1-C

Heneral Luna

Katanungan: Paano natulungan ng mga gawaing pangkomunikasyong ito ang bida sa


pelikula upang maharap niya ang mga hamon upang maresolba ang mga problema na
itinatampok sa kwento?

Sa aspeto ng pakikipagtalastasan at pakikipag ugnayan sa buhay, kabalikat natin


ang komunikasyon upang maging banayad at mairaos ang isang ideya at paksa ng
pinag-uusapan. Sa gitna ng isang napaka-ingay na mundo na puno ng samu’t saring
hinaing, nagpapakita lamang ito na ang bawat isa ay nais tumindig at magsalita,
mapakinggan at maunawaan. Sa isang naratibong naglalatag ng kasaysayan ng
digmaan, isang napakalaking papel ang ginampanan ng komunikasyon. Pamula sa
mga mungkahi ng bawat isa hanggang sa sigaw ng nag-aalab na puso, mababakas ang
presensya ng pakikipag-ugnayan.

Ang komunikasyon ay nagsisilbing tulay upang maisakatuparan ang ilan sa


kanilang mga layunin. Mapapansin ang palitan ng liham at mga pagtitipon ng mga
kinatawan, ang mga ito ay nabibilang sa ilalim ng aspeto ng komunikasyon.
Naisasakatuparan ang ilang mga utos, dahil nagiging matagumpay ang pagpapahayag
o pagbabahagi ng kautusan pamula sa puno ng usapan hanggang sa taong tagapakinig.
Mababakas din natin ang ilan sa mga negatibong aspeto ng komunikasyon, halimbawa
na lamang dito ay ang chismis at pagdadagdag sa eksenang ang mga kinatawan ay
nag-ulat na ninais daw ni Heneral Luna na maging isang diktador. Sa tulong ng
komunikasyon natulungan nito sina Heneral Luna upang maipahayag ng maliwanag
ang kanilang sarili, “Negosyo o kalayaan bayaan o sarili pumili ka” tulad na lamang
ng katagang nabanggit ni Heneral Luna sa isang pagpupulong taos puso niyang
naipahayag ang kanyang paga dismaya sa kahinaang loob at pagsasawalang bahala ng
ilang kinatawan sa presensya ng mga Amerikano. Nakatulong ang komunikasyon sa
napaka-raming paraan, nawa ay maging mas mapanuri at masigasig ng pagpapaliwaig
ng mas makabuluhan at makatotohanang pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Labas sa paksa at akin lamang pong natutunan at nais banggitin:

“Sa unang tingin, sa madilim na paligid. Di madaling mataos ang


nagkukubling repleksyon”, para sa akin di nila lubos naintindihan ang layunin ni
Heneral Luna. Nagpadala sila sa kung ano ang kanilang oberbasyon at palagiang
nakikitang karakter mula sa Heneral. Nagkulang lamang sila sa pagtatanong at pag-
intindi kung bakit, ano at para saan ang lahat ng hakbanging ginawa ng nasirang
Heneral. Kung kaya’t napaka halagang makipag-ugnayan, di lamang upang ikaw ay
maunwaan kundi na rin para irespeto nila ang iyong pansariling desisyon at pananaw
sa buhay.

You might also like