Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 45

PAGSASALING

-WIKA:
SINING o
AGHAM?
Panimula

Ano nga ba ang
pagsasaling-wika:
sining o agham?
Arte o syensya?
May mga aklat na
nagsasabing ito’ y
isang sining. May
mga aklat namang
nagsasabing ito’ y
isang agham.
2
Panimula
Bago natin talakayin ito ay linawin muna
natin kung ano ang pagkakakatulad at
pagkakaiba ng sining at ng agham. Hindi
na tayo magpapakalunod sa kung anu-
anong masasalimuot na depinisyon. Kunin
na lamang natin kung ano ang sinasabi ni
Webster tungkol sa mga ito at subukin
hating ipaliwanag sa simpleng paraan.
3
Ang sabi ni Webster:

1. Art - conscious use of skill and creative


imagination; the making of things that have form or
beauty, or aesthetic appeal, such as painting,
sculpture, etc.

2. Science - systematized knowledge derived from


observation, study, and experimentation; one that
skillfully systematizes facts, principles, and
methods, as the science of music, science of
theology, etc.

4
Batay sa sinipi nating kahulugan, ano
ang masasabi nating pagkakatulad ng
sining at agham?

Hindi ba ang mga ito' y parehong


nangangailangan ng “skill,” ng
kahusayan, ng karunungan?

5
Ano naman ang pagkakaiba?

Ang sining ay nakatuon sa mga bagay na


estetiko, sa kagandahan na resulta ng
malikhaing imahinasyon, samantalang ang
agham ay nakatuon sa sistematisasyon o
pagsasaayos ng kanmungan, ng prinsipyo
o pamamaraan na resulta ng sistematikong
proseso ng pagmamasid, pag-aaral at
eksperimentasyon

6
Sinasabi nating ”sining ng
pagpipinta, sining ng paglilok o
eskultura." At sinasabi rin nating
"agham ng musika, agham ng
teolohiya" at hindi ”sining ng
musika, sining ng teolohiya."

7
Ang totoo ay nahahati ang mga dalubhasa sa pagsasaling-wika
sa bagay na ito. May naniniwalang ang pagsasaling-wika ay
isang sining; may naniniwala namang ito’y isang agham. Sa
pamagat lamang ng sumusunod na dalawang aklat sa
pagsasaling-wika na sinulat ng dalawang kilalang awtor ay
makikita na natin ang katotohanan ng nagkakaibang
paniniwala: “Toward a Science of Translating” ni Eugene A.
Nida at ”Art of Translation” ni Theodore Savory.

8
Pagsasaling-wika
Bilang Agham
Nida
Is translating an art or a science though
no one will deny the artistic elements in
good translating, linguists and
philologists are becoming increasingly
aware that the processes of translation
are amenable to rigorous description.”

10
✘ Ipinaliwanag niya na kapag pinag-usapan natin ang
agham n'g pagsasaling-wika (science of translating),
hindi natin maiiwasang mapasuong sa aspeto ng
paglalarawan. Kung ang linggwistika, aniya, ay
mauuring”descriptive science," ang paglilipat ng
mensahe mula sa isang wika tungo sa ibang wika ay
maaari ring ituring na isang syentipiko o makaagham
na paglalarawan.

11
• Ang isang taong nagpipilit na ang
pagsasaling-wika ay isang sining at
wala nang iba pa ay maaaring
nagiging paimbabaw lamang ang
kanyang pagsusuri sa kanyang
ginagawa.
12
• Hindi siya lumalalim nang husto upang malimi niya ang mga
makaagham na aspeto ng pagsasalin na kalimitang nakatago sa
ilalim ng lantad na mga simulain at prinsipyo

• Tinanggap din niya ang katotohanan na ang isang taong


yumayakap naman sa paniniwalang ang pagsasaling-wika ay
isang agham at wala nang iba pa ay hindi marahil napag-aaralan
nang husto ang kanyang ginagawa upang mapahalagahan ang
makasining na aspeto ng pagsasalin -isang di dapat mawalang
sangkap sa isang mabuting salin, lalo na sa mga obrang
pampanitikan.

13
Sinasabi pa ng mga hindi naniniwala na
ang pagsasaling-wika ay isang sining na
kung may sining man sa pagsusulat, sa
pagsasaling-wika ay wala sapagkat
isinasalin lamang isang likhang-sining

14
Tingnan naman natin ang
sinasabi ng mga naniniwalang ang
pagsasalingwika
ay isang sining at hindi isang agham.

15
o Nangunguna si Savory sa paniniwalang ito
na hindi maikakailang siya naming
kinikilingan sapagkat pati pamagat ng
kanyang aklat ay aming tinularan ....
”Sining pagsasaling-wika” (Art of
Translation) at hindi ”Agham ng
Pagsasaling-wika” (Science of Translation).
16
Gayunpaman, linawin natin na ito ay pagkiling
lamang. Hindi nangangahulugan na kami’y
nakapikit na upang hindi makita ang aspeto ng
kaaghaman ng pagsasaling-wika. Sapagkat kung
iisipin, sa tanong na kung ano ang pagsasaling-
wika, sining ba o agham, para na ring itinanong
kung alin ang una, ang manok ba o ang itlog?

17
Sa bahaging ito’y malilimi natin na ano man ang
maging sagot sa tanong na kung ano ang
pagsasaling-wika, sining ba o agham, ay parehong
may katwiran. Depende lamang ang sagot sa kung
alin ang higit na binibigyang-diin sa dalawa o kung
anong lente o salamin ang ginagamit, wika nga.

18
Pagsualing-
Wika Bilang
Sining Savory
Narito ang sabi ni Savory
The without hesitation by all who have had
much experience of the work of translating;
there may be others who will not so readily
agree (but) a sound method is to compare the
task of translating in all its forms with
universally acknowledge arts of painting and
drawing. They will be found to be parallel,
step by step. contention that translation is an
art will be admitted
20
✘ At kanyang ipinaliwanag na sa
pagpipinta, ang maling kulay o laki ng
isang guhit ay katumbas ng isang maling
salita sa pagsasaling-wika; na ang
pagkakamali sa dimensyon, sukat o
proporsyon ng alinmang bahagi ng
larawan ay katumbas ng pagkakamali sa
pagbibigay-kahulugan sa tunay na diwa
ng isang parirala.
21
Kapag ang isang tula, ayon sa kanya, ay isinalin ng isang
karaniwang tagapagsalin sa paraang tuluyan, katulad lamang
ito ng sketch ng isang patakbuhing pintor na hindi naging
matapat sa orihinal na larawan. Ang diwa ng tula ay naroon
din sa saling tuluyan at ang tanawin sa sketch ay katulad din
ng nasa orihinal subalit sa saling tuluyan ay masasabing
nawala na ang ”musika” na nadarama ng mambabasa sa
orihinal na tula. Gayundin naman, sa sketch ng pintor ay
namodipika na rin ang "buhay” na pumipintig sa orihinal na
larawan; na kung may kulay ang orihinal, ang sketch ay
naging black and white.
22
Gayunpaman, ang bihasang tagapagsalin ay
maaaring makagawa ng isang saling tuluyan nang
hindi nawawalang lubusan ang himig o”musika” ng
orihinal, tulad din naman ng isang bihasang pintor
na nabibigyang-buhay pa rin ang kanyang
kinokopyang larawan kahit iba ang kanyang mga
gamit at pamamaraan. Mababanggit na ang salin ng
mga literatura sa agham at iba pang paksang
teknikal ay maihahambing sa mga larawang kuha
ng isang litratista.

23
Ito’y matapat, tiyak, sapagkat ang
mahalaga sa mga ito ay ang nilalaman o
diwa at hindi ang estilo ng awtor.
Gayundin, ang pagsasaling di-malaya ay
maihahambing sa matapat na
paglalarawan ni Michaeangelo sa kanyang
mga painting, samantalang ang malayang
pagsasalin ay maitutulad naman sa
pamaraan Picasso.
24
Ang pagsasaling-wika, ulitin natin, ay isang sining. At bilang
sining, ito’y hindi nga madaling gawain. Subalit isang
katotohanang kahit mahirap na gawain ang magsalin, ang isang
tagapagsalin ay laging nakukubli sa anino ng awtor; hindi
napapansin. Ito marahil ang dahilan kung bakit lagi na lang
nakakabit sa kanyang pangalan ang paniniwala na siya’y
tagapagsalin lamang ng isang mangangatha na siyang dapat
pag-ukulan ng anumang pagkilala o pagdakila. Kung mahusay
ang pagkakasalin, hindi na napapansin ang tagapagsalin at ang
pinupuri ng mambabasa ay ang awtor; kung pangit ang
pinipintasan ay ang tagapagsalin. 25
Gaya ng nabanggit na, ang mga may sapat na karanasan lamang
sa pagsasalingwika ang makapagsasabing ito’y hindi biru-
birong gawain.
Narito ang sabi Savory tungkol dito: ...(T)he translator’s
task is much harder than that of original author. When the
latter seeks a word with which to express a thought or
describe an experience, he has available many words in his
own language, and can without great difficulty or delay
choose the one that suits him best and pleases him most.
The translator of the word thus chosen has to decide on the
nearest equivalent, taking into consideration the probable
thoughts of the author’s readers and of his own readers,
and the period of history in which the author lived.

26
Tiyak na sasalungatin ng mga manunulat at ng mga wala
pang karanasan sa pagsasah’ng-wika ang pahayag na ito
ni Savory. Tiyak na ipagdidiinan nila na ang manunulat
ay lumilikha, samantalang ang tagasaling-wika ay
isinasalin lamang sa ibang wika ang kanilang nilikha.
Ang paggamit ng ”isinasalin lamang” ay malinaw na
isang makitid o mababaw na pagpapakahulugan o
pagkaunawa sa pagsasaling-wika.

27
Ipaliwanag natin sa Filipino ang sinipi nating
pahayag Savory sa itaas na ang gawain ng
tagapagsaling-wika ay higit na mahirap kaysa
gawain ng manunulat. Ang isang manunulat,
aniya, ay may lubos na kalayaang pumili ng mga
salitang gagamitin upang ipahayag ang diwang
ibig niyang isatitik. Samantala, ang isang
tagapagsalin ay masasabing "nakatali” sa
kahulugan ng bawat salitang napili ng awtor.
28
Kailangang maging maingat ang tagapagsalin sa
pagbibigay ng katumbas na salitang maging angkop
na angkop o kung hindi man ay magiging malapit na
malapit ang kahulugan pagkatapos timbang-
timbangin at muni-muniin ang tunay na ibig
ipahayag ng awtor. Dapat pa ring isaalang-alang ng
tagapagsalin ang magiging damdamin ng
mambabasang babasa ng orihinal na katha ng awtor
sapagkat kung ano sana ang magiging damdamin ng
mambabasa ng orihinal ay siya ring dapat maging
damdamin ng babasa ng salin 29
Anupat sa tuwi-tuwina’y nagsasagawa ang
isang tagapagsalin ng pagpapasya kung anong
salita ang gagamiting panumbas, kung aling
salita sa malalapit na kahulugan nito ang
dapat piliin upang maisalin nang maayos ang
diwa ng orihinal. Ang ganitong pagpapasya ay
hindi niya namamalayang nakukulayan sa
maraming pagkakataon ng kanyang
personalidad, karanasan, panlasa at iba pa.
30
Pagsaling-wika bilang Sining
(Savory)

Tungkulin ng tagapagsalin na
ihatid niya sa mambabasa ang
diwang ibig ipahayag ng awtor
sa pamamagitan ng paggamit ng
angkop na mga salita at estilo o
paraan ng paglalahad.
31
Pagsaling-wika bilang Sining
(Savory)
Sa mga likhang pampanitikan,
kung ang awtor ay naging tahas,
matipid, maingat, masaya o
malungkot, dalusdalos, o kaya’y
maligoy sa kanyang pagpapahayag,
kinakailangang ang salin ay magtaglay
din ng alinman sa nabanggit na mga
katangian ng awtor.
32
Pagsaling-wika bilang Sining (Savory)

Ang pagsasaling-wika ay siyang sining,


nangangahulugan lamang na ito’y walang
pinipiling panahon.
Sa ibang salita, masasabing ito’y isang
gawaing walang katapusan; na hindi ngayo’t
naisalin na ng isang tagapagsalin ang isang
akda o artikulo ay hindi na ito kailangang isalin
pang muli.

33
Pagsaling-wika bilang Sining
(Savory)

Maaaring ang isang salin ay mabisa


sapagkat angkop na angkop ito sa mga
mambabasa nang panahong iyon.
Ngunit pagkaraan ng maraming taon ay
maaaring mangailangan ang susunod
na henerasyon ng mga mambabasa ng
iba namang salin na naaangkop sa
kanilang panahon.

34
Pagsaling-wika bilang Sining
(Savory)
Linawin natin, kung sabagay, na
hindi ang ibig sabihin ay gagawing
makabago ang mga tauhan at
pinangyarihan; na si Maria Clara,
halimbawa, sa Noli Me Tangere, ay
magsusuot ng mini-skirt o ang ayos
ng kanyang buhok ay ilalarawang
tulad ng kay Demi Moore.
35
Pagsaling-wika bilang Sining
(Savory)
Ang ibig sabihin ay ang mga
salitang ginagamit, ang paraan ng
pagpapahayag.
Sapagkat kung totoong
nagkakaroon ng pagbabago o
karagdagang kahulugan ang isang
salita habang ang wika ay patuloy na
umuunlad.
36
Bukod sa katotohanang may mga
salitang lumilipas at namamatay sa
paglakad ng panahon at napapalitan
ng ibang salitang higit na angkop sa
kasalukuyang panahon. Walang
katapusan kung gayon ang magiging
pagsasalin ng isang pyesa ng
literatura habang ito’y nananatiling
buhay na bahagi ng panitikan.

37
Pagsaling-wika bilang Sining
(Savory)

Anupat ang isang tagapagsalin


ay katulad lamang ng isang pintor
na hindi ngayo’t napakarami nang
gumuhit ng larawan ng Belen ay
hindi na “O kailangang iguhit pang
muli”.

38
Pagsaling-wika bilang Sining
(Savory)

Taun-taon, tuwing sasapit ang


Pasko ay mapapatunayan natin na
lumalabas ang Belen sa iba't ibang
paraan ng Paglalarawan, bagamat
ang mensahe o paksa ay iisa ang
pagsilang ni Hesus.

39
Pagsaling-wika bilang Sining
(Savory)
Nabanggit na sa unang kabanata na mga
Biblia ay nagkakaroon ng iba't ibang salin sa
paglakad ng panahon dahil sa ibang
kadahilanan. At ang isa mga dahilan ay
sapagkat ang uri ng wikang ginamit sa mga
sinaunang salin ay hindi na halos
maunawaan ng kasalukuyang mambabasa.
Magandang halimbawa rito ay ang klasikong
salin ng English Bible.
40
Maaaring dumating ang
panahon na ang Mahal na
Pasyon na sinulat ni Fr. Mariano
Pilapil, halimbawa, ay
magkaroon din ng bersyon na
angkop sa kasalukuyang
henerasyon.

41
Anupat kung babalikan natin
ang tanong na kung ano ang
pagsasalingwika (sining o agham?),
alinman ang kailangan ng
mambabasa o mag-aaral sa dalawa,
ay hindi kasinghalaga ng mga
simulain sa pagsasaling-wika na
matututuhan sa sumusunod na mga
kabanata.
42
Pagsaling-wika bilang Sining (Savory)

Maging sining o maging agham man


ang pagsasaling-wika, ang mahalaga sa
lahat ay ang mga kaisipang mapapasa-
mag-aaral tungkol sa isyung ito upang
makatulong sa pagsasagawa ng salin
na maituturing na may kasiningan o
kaaghaman.

43
Pagsaling-wika bilang Sining (Savory)

Kung papaano maipapasok ng


tagapagsalin ang kasiningan o
kaaghaman sa kanyang salin,
maihahalintulad ito sa mga simulain
sa pagsasaling-wika na kalimita’y
nagsasalungatan sapagkat bawat
tagapagsalin ay may kanya-kanyang
sinusunod o pinaniniwalaang
simulain.
44
MARAMING
SALAMAT!

You might also like