Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Pagsusuring Pampelikula

Bonifacio:
Ang Unang Pangulo

Inihanda ni: Abiera, Brix T.


Layunin:
Layunin nito na ihatid sa manonood ang mga
nagging karanasan ni Andres Bonifacio noong siya
ay nabubuhay pa. Ipinakita rin ditto ang pamumuno
niya sa himagsikan upang makuha ang kalayaan
mula sa mga kastila na matagal na nilang
hinahangad.

Moral Values:
• Sa kabila ng nakaambang panganib, dapat lang
nating ipaglaban ang sariling atin at ang mga alam
nating tama.
• Maging mapagmahal sasariling bayan gaya ng
ginawa ng ating mga bayani, kabilang na si Andres
Bonifacio.

Elemento ng Nobela
Tauhan:
• Robin Padilla bilang
Andres Bonifacio
• Vina Morales bilang
Gregoria de Jesus
• Jericho Rosales bilang
Jose Rizal
• Joem Bascon bilang
Emilio Jacinto
• Rommel Padilla, Isko
Moreno, at Dennis
Marasigan bilang GomBurZa (Mariano Gomez, Jose Burgos, at
Jacinto Zamora)
• Jun Nayra bilang Emilio Aguinaldo
• Erlinda Villalobos bilang Tandang Sora

Tagpuan:
• Pugad Lawin
• Punong-himpilan
• Kulungan

Banghay:
• Simula:
Nakita ni Andres Bonifacio ang pagbitay sa tatlong paring GomBurZa noong kanyang
kabataan. Pinararatangan sila na nagrerebelde sa mga kastila. Dahil sa pangyayaring iyon,
maagang namulat si Andres Bonfacio sa pang-aalipin ng mga kastila sa bayan ng Pilipinas.
• Suliranin:
Nanakop ang mga kastila sa loob ng napakahabang panahon (300 years).

• Saglit na Kasiglahan:
Itinatag nila ang La Liga Filipina na may hangaring ipamulat sa lahat ng Pilipino ang
ginagawang pang-aalipin ng mga kastila.

• Tunggalian:
Tao laban sa Lipunan; Tao laban sa Tao

• Pataas na Pangyayari:
Dumating ang balita na namatay na si Dr. Jose Rizal kaya napagpasyahang itatag ang
katipunan upang ipaglaban ang mga Pilipino mula sa pang-aalipin.
SAbay-sabay nilang pinunit ang sedula na humahawak sa kanila simbolo ng pag-aalsa.

• Kasukdulan:
Nakipaglaban ang mga Pilipino sa mga kastila upang makamit ang kalayaan sa pangunguna ni
Andres Bonifacio.

• Kakalasan:
Nahuli si Andres Bonifacio at nilitas ng napakatagal na panahon. Nahatulan si Andres
Bonfacio na isang taksil kaya napapasyahan ng hukuman na sya ay lapatan ng parusang
kamatayan

• Wakas:
Namatay si Andres Bonifacio sa Cavite ngunit naiwan n’ya ang dadamdaming may hangad ng
kalayaan.

Pananaw:
• Pangatlong Tauhan - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-
akda.

Tema:
• Kabayanihan ni Andres Bonifacio noong panahon ng
pananakop ng mga kastila.

Damdamin:
• Matapang, damdaming pagrerebelde, at malungkot.

Pananalita:
• Agresibo na kung minsan ay pabulong at minsan ay pasigaw.

Simbolismo:
• Bolo
Sumisimbolo ito sa himagsikan at
tapang ng katipunan noong araw ng
pananakop ng mga kastila.

• Sedula
Sumisimbolo ito sa pang-aalipin ng mga
kastila sa mga Pilipino
• Pagpunit sa Sedula
Sumisimbolo ito sa pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa kastila.

Buod
Nagsimula ang lahat nang makita ng batang Andres Bonfacio
ang pagbitay sa tatlong paring GomBurZa. Dahil sa
pangyayaring iyon, maagan s’yang namulat at nagkaroon ng
hangarin na makuha ang kalayaan mula sa kamay ng mga
kastila.
Nabuo ang La Liga Filipina. Binigyan nila ng dahilan ang
bawat Pilipino na naalipin ng hangaring makuha ang kalayaang
matagal na nilang hinahangad. Kabilang na rito si Dr. Jose
Rizal. Kalaunan, namatay si dr. Jose Rizal at doon na nabuo ang
katipunan na pinamunuan ni Andres Bonifacio.
Nagsimula ang himagsikan at dumaan ang digmaan sa
pagitan ng mga kastila at mga Pilipino.
Nadakip si Andres Bonifacio at nilitis ng napakatagal na
panahon. Sa bandang huli ay nahatulan din siya ng kamatayan.
Namatay siya sa Cavite ngunit iniwan n’ya ang damdamin ng
tunay na Pilipino na may hangarin ng kalayaan.

You might also like