Mga Bahagi NG Pananalita

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MGA BAHAGI NG PANANALITA

Pangngalan- Ang pangngalan ay salitang tumutukoy sa tao, hayop, bagay, lugar, at


pangyayari.
HALIMBAWA:
1. Malaki ang pagbabago ng ating bansa.
2. Maraming malalaking gusali ang makikita doon.
3. Iba’t ibang pangkat ng sasakyan ang kalimitang nagdaraan.
4. Ang kanayunan ay masasabing nagbago na rin.
5. Maraming kabuhayan ang alay sa kanila.

Panghalip- Ang panghalip ay salitang panghalili sa pangngalan.


HALIMBAWA:
1. Ating igalang ang ating magulang.
2. Pag-usapan natin ang hindi nauunawaan.
3. Kanilang nakikita ang pagmamalasakit sa kapwa.
4. Ipagpaliban mo ang mga ginagawa upang makinig.
5. Nagsisimula na siyang mawalan ng lakas ng loob.

Pandiwa- Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos.


HALIMBAWA:
1. Magtuturo si Gng. Cruz ng tungkol sa tamang paraan ng pagtatanim.
2. Pupunta sa Davao ang aming klase sa darating na buwan.
3. Kaming mag-anak ay mamamasyal sa taniman sa darating na Linggo.
4. Maghahain na siya ng para sa almusal nang maalala niya ang programa.
5. Sumali sa paligsahan si Rose noong isang araw.
Pang-uri – ang pang-uri ay ang tawag sa mga salitang naglalarawan o nagbibigay ng
katangian sa pangngalan (tao, bagay, pook, at pangyayari) at panghalip (pamalit sa
pangngalan).
HALIMBAWA:
1. Masasabing mapalad ang Pilipinas dahil sa likas na yaman nito.
2. Sa lupa man o sa tubig ay makikita ang napakagandang lugar nito.
3. Sa Boracay ay maaari mo nang maranasan ang maglakad sa ilalim ng dagat at
makita ang makukulay na mga isda na naninirahan sa mga bahura.
4. Ito ay siyamnapu’t walong nautical miles ang layo.
5. Dito matatagpuan ang pinakamaliit na isda sa buong mundo.

Pang-abay – ang pang-abay ay ang tawag sa mga salitang naglalarawan sa pandiwa o


salitang kilos, pang-uri, at kapwa pang-abay.
HALIMBAWA:
1. Malinaw na ipinahayag ni Al Gore ang kanyang mensahe.
2. Ginawa niya ang pagtalumpati sa Oslo, Norway.
3. Nararamdaman natin ngayon ang bunga ng ating pagpapabaya sa kalikasan.
4. Ginusto natin ang mabilis na umunlad kaya’t nalimutan natin na pangalagaan
ang daigdig.
5. Dahan-dahan na ipagpatuloy natin ang nasimulan nilang pagsagip sa kalikasan
at sa mga mamamayan ng daigdig.

You might also like