You are on page 1of 5

Ibat ibang Uri ng Teksto

Proyekto sa
Pagbasa
Impormatibong teksto

Ang kahirapan ang isa sa dahilan kung bakit lugmok and bansang Pilipinas.
Kahirapan ang humahadlang sa bawat pag unlad ng bayan. Maraming nagsasabi na ang
Pilipinas ay isa sa mahirap na bansa sa buong mundo. Bakit nga ba nabibilang tayo
dito? Ayon sa ating dating pangulo na si Benigno Aquino III, na susugpuin niya ang
matinding kahirapan na nararanasan pa din hanggang ngayon ng bansa, na kabilang sa
kanyang ipinangakong “tuwid na daan”. Heto tayong mga Pilipino kumapit na naman
tayo sa mga paasang pangako ng mga pulitiko. Ang bansang Pilipinas ay sinasabing
malayang bansa pero bihag pa din tayo ng kahirapan na sumisira sa bansag na
“bansang malaya”.

Ang kahirapang nagaganap ay dahil sa apat na rason ang kakulangan sa


edukasyon, lumalaking populasyon, kawalan ng trabaho at ang matinding kurapsyon.
Ang edukasyon ang pinakamahalagang sangkap sa ating buhay ngubit dahil sa kawalan
ng trabaho n gating mga magulang, napipilitan tayong huminto sa pag aaral. Dahil dito,
lumalaki ang populasyon ng mga mahihirap na mamamayan dito sa bansa dala na rin
ng kurapsyon na nagaganap madalas ditto sa Pilipinas.

Argumentatibong teksto

Bakit nga ba nagkakaroon ng kahirapan sa ating bansa? Ang pamahalaan ba ang


dapat sisihin o tayong mga mamamayan? Tanging kahirapan ba ang uunlad sa bansang
ating kinamulatan?

Tayong mga Pilipino ang nahaharap ngayon sa isang matinding krisis na animo’y
ito na papatay sa atin. Taun-taon ay mas lumalala pa ang problema n gating bansa na
hindi masolusyunan dahil sa matinding kahirapn. Isa sa pangunahing dahilan nito ay
angmga kurap na opisyal ng gobyerno na ninanakaw nila ang kaban ng bayan kaya
heto tayo at lumalangoy sa kahirapan. Hindi niyo ba naitatanong sa inyong mga sarili
na “bakit ba hindi na tayo umangat sa buhay?”. May ilan sigurong nasagot na ito ngunit
may halong iba’t ibang emosyon. Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay sa salat?
Bakit nga ba hindi tayo makaahon sa kahirapan? Kalian pa tayo kikilos kung
pamahalaan an gating aasahan? Bakit hindi na lamang tayo dumiskarte upang mabago
ang takbo ng ating buhay. Saka na tayo umasa sa pamahalaan kung alam nating
matutugunan agad ang ating mga pangangailangan. Makiramdam tayo sa lagay at agos
ng buhay.
Persweysib na teksto

Tayong mga Pilipiino ay masyadong pilian sa trabaho. Paano tayo aasenso kung
hindi natin pahahalagahan ang mga bagay na kahiit maliit pero may malaking tulong?
Bilang isang Pilipino, dahil sa kumakaharap tayo sa Kahirapan, matuto tayong
pahalaghan ang mga trabahong meron tayo. Mmarami sa atin ang naghahangad ng
trabaho kahit simple lang, may mapagkunan lamang ng kita.Dapat tayong kumilos para
sa ika uunlad naten. Maraming trabahong tambak ditto sa bansa , na dapat sinusubkan
nating gawin. Matuto tayong wag sayangin ang mga oportunidad na trabahong nang sa
gayun tayo ay makaahon sa kahirapan. Pilitin nating maalis ang kahirapan sa ating
bansa upang makahabol man lamang tayo sa unlad na inaasam nating lahat.
Pagsikapan nating lahat. Pagsikapan nating iahon ang bansa sa mga suliranin sa bawat
sektor. Huwag tayong umasa sa tulong ng iba o ng gobyerno. Matuto tayong tulungan
an gating sarili upang magkaroon ng magandang buhay. Sipag at tiyaga lamang sa
trabaho ang ating kailangan upang magtagumpay sa pagsubok ng kahirapan sa ating
buhay. Isa tayo sa mga Pilipinong magpapaunlad sa ating sariling bansa. Tayong mga
Pilipino ay may kanya-kanyang paraan at kakayahan upang malutas ang mga suliraning
ating kinakaharap ngayon tulad ng kahirapan sapagkat tayo rin ang susi sa magandang
kinabukasan.

Naratibong teksto

May isang pamilya na kung saan ay nakatira sa lungsod ng Maynila. Wala silang
permanenteng trabaho, pa sildeline-sideline lamang sila. Ang pamilya San Jose ay isa
lamang sa pamilyang dumaranas ng kahirapan. Kung tatatawagin ay isang kahig, isang
tuka. May sampung anak sina Gng. Tinay at G. Juan. Bagaman malaki ang kanilang
pamilya wala silang sapat na pera upang ipambili ng kanilang pangangailangan sa
araw-araw. Maswerte na lamang sila kapag nakumpleto nila ang pagkain ng tatlong
beses sa isang araw. Kapag walang kita umaasa na lamang sila sa bigay ng iba o kaya
minsan ay sa pagpag o kung tawagin ay pagkain na tira-tira. Dahiil sa responsibilidad
ng gobyerno na tulungan ang mahihirap, nagsagawa sila ng pagbibiigay ng donasyon
sa pamilyang mahihirap. Pagbibiigay ng mga pagkain, gamit at maliit na halaga ng pera
upang maging puhunan sa pagsisimula ng maayos na trabaho. Nang dahil sa tulong na
ito ng gobyerno, kahit papaano ay may pagkukunan na ng pang araw-araw
napangangailangan ang pamilya San Jose.

Deskriptibong teskto

Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na suliranin ng ating bansa. Bakit nga
ba laganap ang kahirapan sa ating bansa? Ang maling pamamalakad ba ng pamahalaan
ang maituturing na sanhi nito? Anu-ano nga ba ang dahilan kung bakit marami ang
naghihirap?

Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding krisis. Naaari na


tayong mamuhay ng mahirap, hindi mabili ang mga pangangailangan dahil sa walang
maayos na trabaho. Kung makikita natin ngayon ang mga taong walang kakayahang
mamuhay ng marangya ay nkatira sa isang maliit at maduming lugar kung saan halos
lahat ng dumi ay nandoon na, walang maayos na kasuotan, walang matibay na
matirahan, walang makain, walang maayos na palikuran, maiitim at wala ng pag aalaga
sa sarili.kung titingnan natin ay hindi lamang ang pamahalaan ang dapat sisihin dito
kundi tayong mga mamamayan. Marami sa atin ang tamad, sinasayang ang mga
oportunidad na trabaho dahil kuntento na sa salat na pamumuhay. Kalimitan sa trabaho
ng mahihirap ay tanging panlilimos sa daan, pagbebenta ng sampaguita,
pagkakargador na cabinet. Musmos pa lamang ay natuto narin na magbanat ng buto
para sa pamilya, mga batang nagbabakal bote at namamasura na maaaring maging
sanhi pa ng kanilang pagkakasakit. Lahat ng mga ito ay kalimitan lamang sa
pangunahing trabaho ng mga mamamayan nating mahihirap.

Kung iisipin,maaaring ang mali ay nasa ating mga mamamayan ng sariling


bansa. Kung tayo ay masipag at matiyaga sa paghahanap ng maayos na trabaho ay
posibleng iilan ang mma mahihirap sa ating bansa, hindi natin dapat ibunton lahat ng
sisi sa pamahalaan.

Prosijural na teksto

Hakbang sa paglalaba

 Ihiwalay ang mga putting damit sa de kolor


 Unahing labhan ang mga puting damit
 Sa paglalaba, malinis na nakusot ang mga parte na madumi katulad ng kwelyo,
manggas at sa iba pang parte ng damit
 Pagkatapos ng puti saka isunod labhan ang mga de kolor
 Siguruhing kusutin ng maayos ang mga de kolor.
 Banlawan muna ang mga puti bago ang mga de kolor hanggang mawala ang
sabon
 Isampay ng maayos ang mga damit
 Pagkatuyo, ligpitin ang mga amit at itupin ng maayos.

Hakbang sa pagluluto ng adobong manok


 Pagsamahin sa isang kaserola ang manok, suka, isang kutsara ng bawang,laurel,
toyo,asin at paminta.
 Pakuluin, pagkatapos ay hinaan ang apoy at lutuin hanggang sa lumambot.
 Kapag natuyuan ng sabaw, dagdagan ng tubig.
 Kapag malambot na ang manok ay alisin na ito sa sarsa.

You might also like