Sample Learning Plan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

COLLEGE OF ST.

CATHERINE QUEZON CITY


362 Quirino Highway, Sangandaan, Quezon City
Basic Education Department
Academic Year 2020 – 2021

Asignatura : FILIPINO- El Filibusterismo


Baitang : 10
Pangkat : St. Peter, St. Benilde,
ARALINSt. Francis, St. Vincent
Panahon ng
Pagmamarka : Kaligirang
Ikaapat Pangkasaysayan at mga
na Markahan
Petsa : Marso 1Tauhan ng El
hanggang Filibusterismo
Marso 4, 2021
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag- Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng


unawa at pagpapahahalaga sa nobelang El makabuluhang photo/video documentary na
Filibusterismo bilang isang obra maestrang magmumungkahi ng solusyon sa isang
pampanitikan. suliraning panlipunan sa kasalukuyan.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Matapos ang araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nababaliktanawan ang mahalagang tauhan at aral na nakuha sa nobelang Noli Me Tangere,
2. nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw/teoryang pampanitikang
angkop dito;
3. napahahalagahan at nasusuri ang kultura at pagpapahalagang African na masasalamin sa
nobela.

LEARNING MATERIALS
Batayang Aklat- Pinagyamang Pluma 10
PANIMULANG IDEYA SA ARALIN

Sa pagtalakay ng araling ito ay magkakaroon ka ng malalim na kaalaman hinggil sa


mahahalagang pangyayari kung bakit at paano naisatitik ni Jose Rizal ang walang kamatayang
nobelang El Filibusterismo. Mauunawaan mo rin mula rito ang mga layunin ni Rizal sa
pagsulat niya ng aklat na ito. Mababatid mo rin ang matitinik na nilandas ni Rizal at ng
kanyang pamilya bago niya tuluyang natapos at naipalimbag ang nobela. Tatalakayin din sa
araling ito ang mga balakid na ginawa ng pamahalaang Espanyol upang mahadlangan ang
pagpapakalat at paglilimbag ng akdang ito nang sa gayon ay hindi ito makarating sa kamay ng
mga Pilipino. Sasagutin natin ang mahahalagang tanong na “Paano masasalamin sa nobelang
El Filibusterismo ang mga mithiin at adhikain ni Dr. Jose Rizal para sa sambayanang
Pilipino?” at “Paano makatutulong sa mga kabataang Pilipinong tulad mo ang mga aral na
taglay ng nobelang ito at ang halimbawang ipinamalas ng ating pambansang bayani?”

GAWAIN SA PAG-UNAWA AT PAGPAPAKAHULUGAN

Bago talakayin ang araling pinamagatang “Kaligirang Pangkasaysayan at mga Tauhan


ng El Filibusterismo” ay sagutin muna ang gawain sa pahina 467 (Simulan Natin) patungkol sa
pagbabalik-tanaw sa ilang mahahalagang tauhan at aral na nakuha sa nobelang Noli Me
Tangere.

Magbalik-tanaw sa mahahalagang tauhan at aral na iyong nakuha sa Noli Me Tangere.


Isulat ang mga gintong aral na natutuhan sa nobelang ito kaugnay ng mga pangunahing tauhan
sa nobela.
COLLEGE OF ST. CATHERINE QUEZON CITY
362 Quirino Highway, Sangandaan, Quezon City
Basic Education Department
Academic Year 2020 – 2021

Mga Gintong Aral na Aking Natutuhan Mula sa mga Tauhan ng Noli Me Tangere

PAGSUSURI

Sa mga mag-aaral na may internet connection:


Sagutan ang “First Activity Sheet” sa inyong GSuite Account. Marapat na matapos hanggang
sa ika-5 ng Marso, 2021 sa ganap na Ikatlo (3) ng Hapon.

Sa mga mag-aaral na walang internet connection ngunit may kagamitang pang-online:


Sagutan ang Gawain sa pahina 487 (Magagawa Natin) at pahina 488 (Pag-uugnay sa
Kasalukuyan) sa inyong batayang aklat sa Filipino na tumutukoy sa pagsusuri ng mga
pangyayaring napakinggan tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo at pag-
uugnay sa kasalukuyang panahon ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal. Kuhanan ito ng litrato at
isend sa messenger: Mahilom Jovy ann. Ipasa sa o bago mag ika-5 ng Marso, 2021 sa ganap
na Ikatlo (3) ng Hapon.

Sa mga mag-aaral na walang internet connection at walang kagamitang pang-online:


Sagutan ang Gawain sa pahina 487 (Magagawa Natin) at pahina 488 (Pag-uugnay sa
Kasalukuyan) sa inyong batayang aklat sa Filipino na tumutukoy sa pagsusuri ng mga
pangyayaring napakinggan tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo at pag-
uugnay sa kasalukuyang panahon ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal. Ipadala sa paaralan at
hanapin si Bb. Josie Laspobres. Magsulat sa logbook na itinakda para sa inyong section at
guro.

KASUNDUAN SA PAGTATAPOS NG ARALIN

Maghanda para sa isang pagsusulit.

Prepared by: Checked: Verified: Noted:

Jovy ann B. Mahilom Christian C. Mendoza Julian Benedick M. Chun


Teacher, Subject Coordinator, Head, Principal
Filipino Filipino Elementary and Junior High
School

You might also like