Paglalayag Sa Puso NG Isang Bata Pagsusuri

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

PAGSUSURI NG

MAIKLING KUWENTO

“Paglalayag sa Puso ng Isang Bata”


ni Genoveva Edroza-Matute

Ipinasa nina:
G. PREXON FELIX MALAYAO
G.JOHN MICHAEL P. PURIFICACION

Ipinasa kay:
GNG. WILMA LAGUITAO
PROPESOR SA FILIPINO
I. BANGHAY
A. Simula
Ang kuwentong “Paglalayag sa Puso ng isang Bata” ay sinimulan sa
paglalarawan ng guro sa ginugunitang katauhan ng batang kanyang naging
estudyante dati. Nabanggit din dito ang paglalarawan niya sa edad at
pangangatawan nito.
“Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay
kung nkaaligtas siya sa nakaraang digmaan…ngunit ayaw kong isiping baka
hindi. Sa akin, siya’y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o
isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siya’y mananatiling isang batang
lalaking may kaliitan, may kaitiman at walong taong gulang.”

B. Saglit na Kasiglahan

“Isang mabagal na paraan: ang pag-akit na iyon sa kaniya at ang


pagtiyak na siya’y mahalaga at sa kaniya’y may nagmamahal. Napasuot na
siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat bata. Nanukso na siya sa
mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo siyang lalo siyang
naging maalala at mapagmahal. Maligaya na siya.”

Sa likod ng pagiging mahiyain ng bata ay nagsimula na itong maging normal


na nakikipaghalubilo, naging masayahin at tuluyang napalapit sa kanyang
guro.

C. Suliranin

Isang araw nang mag-init ang ulo ng guro ay napagsalitaan niya ng mga
nakasasakit at masamang salita na ipinaliit at naging sanhi ng muling
pagtahimik ng bata.

“At ang hindi dapat gawin ay aking nagawa – napatangay ako sa bugso ng
damdamin. Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon
na aking ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong
galit sa kanya, ang pagsasalita ko sa kaniyang ipinanliit niya sa kanyang
upuan. Nakalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang kanyang kalumbaya, ang
mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya’y mahalaga at
minamahal.”

D. Tunggalian
TAO LABAN SA TAO
Mababasa sa kuwento ang pangyayaring nasaktan ng guro ang damdamin ng
isang bata sa pamamagitan ng mga masasakit na salitang kanyang binitiwan
nang magalit siya rito.
“Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking
ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa
kanya, ang pagsasalita ko sa kaniyang ipinanliit niya sa kanyang upuan.”

TAO LABAN SA SARILI

Ang paulit-ulit na pagsambit niya sa mga katanungan na nagpapakita ng


pagsisisi sa bagay na kanyang nagawa at ang pagkagulo ng kanyang
damdamin buhat ng nakikita niyang reaksyon ng bata matapos niya ito
pagalitan ay nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa sarili.

“Lumabas siya nang tahimik at ang kaniyang mabibigat na yabag ay lumayo


nang lumayo. Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang
itinanong ko nang paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin. At ito’y
sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili.”

E. Kasukdulan
Ang hindi pagkibo ng bata at ang patuloy na paggawa ng kanyang mga
gwain gaya ng paglilinis at pagpapantay sa mga upuan ay ang naging
kasukdulan sa kuwento.
“Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong
kapasiyahan sa kanyang loob. Nagtungo siya sa pintuan at ang kaniyang mga
yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming
buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, “Goodbye,
Teacher.” Lumabas siya nang tahimik at ang kaniyang mabibigat na yabag ay
lumayo nang lumayo.”

F. Kakalasan
“Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata’y nakita ko sa pintuan.
Ang mga mata niyang nakipag-salubungan sa aki’y may nagugulumihang
tingin. “Goodbye, Teacher,” aniya. Pagkatapos ay umalis na siya. Nagbalik siya
upang sabihin iyon sa akin.”
Sa bahaging ito ng kwento, makikita ang biglaang pagsulpot ng bata na sa
likod ng kanyang dinaramdam ay bumalik pa rin upang magpaalam sa
kanyang guro gaya ng nakagawian.

G. Wakas
Sa pag-aakala ng guro na napopoot ang bata sa kanya ay natulala na lamang
siya sa ginawang pagpapakumbaba nito sa kanya kahit pa wala itong
ginawang kasalanan. Sa pagkakaupo’y hindi na batid ng guro kung gaano
katagal siyang nanatili. Sa pagkakataong yaon, ang batang pangit ay kanyang
naging guro at ang ginawa nito ang nagsilbing aral sa kanya.

“Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo ay hindi ko na magunita ngayon.


Ang tangi kong nagugunita’y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng
munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang
sandaling yaon, siya ang aking naging guro.”

II. TAUHAN

Bata – munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod


bilang utusan, kalahating araw na pumapasok sa paaralan upang may
makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang amo.
 Tauhang LAPAD

Panlabas
- maliit (pinakamaliit sa klase)
- pangit
- bilog at pipis ang ilong
- may punto ang pagsasalita
- maitim ang balat
Panloob
- masipag
- maalalahanin
- mapagpatawad
- huwaran
- mahiyain
- mapagmahal
- mapagkumbaba
- magalang
- mapagtimpi
- masunurin
- mabait
- maayos
Guro – ang patuloy na gumugunita sa pinagsamahan nila ng maliit na batang
naging estusyante niya dati na nagbigay sa kanya ng aral.
 Tauhang LAPAD

Panlabas

- Walang preno sa pagsasalita


- Pormal ang kasuotan
- Maputi
- May kaya sa buhay

Panloob

- Mabilis magalit/mainitin ang ulo


- maunawain
- Mabait
- Mapagmahal
- Mabuting guro

III. TAGPUAN

Pinangganapan
 Caloocan – ang lungsod kung saan lumuwas ang bata mula sa kanilang
lalawigan.
Hindi man tuwirang nasabi sa kwento subalit ayon sa aking
pananaliksik, ang pangyayaring ito ay nakabase sa karanasan ng may
akda na kung saan noong nagtuturo pa ito sa paaralang elementarya ng
Caloocan (Cecilio Apostol Elementary School), ang batang nasa kwento
ay siyang estudyante niya na lumuwas mula sa kanilang lalawigan.
Patunay:
“Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanan tungkol sa
kanyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siya’y isang munting ulilang
galling sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan.”

 Bataan – nasa parte ng lungsod na ito ang lalawigan kung saan


nanggaling ang batang estudyante
Hindi rin tuwirang sinabi na ang lungsod na iyon ay Bataan subalit sa
panimula ng kwento ay nabanggit ang lugar na ito na kung saan ay
sinabi ng nagsasalaysay na hindi maaring hindi maging tanyag ang
marahil ngayo’y binata na o ama na ng isang mag-anak na noo’y
kanyang estudyante.

Mga Patunay:

“Sa akin, siya’y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang
alaala kaya ng Bataan.”
“Payak ang mga katotohanan: siya’y isang munting ulilang galling sa lalawigan,
lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan.”

 Sa silid-aralan – kung saan umikot ang buong pangyayari sa kwento na


ginugunita ng guro.
Nagsimula ang kwento sa loob ng silid at natapos naman ito na nasa
loob pa rin ng silid-aralan ang ganapan ng pangayayari.

Mga Patunay:

“Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit hindi na siya kahit hindi na siya
hilingan nang gayon. Tumutulong siya sa mga tagalinis at siya ang
pinakamasipag sa lahat. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa
buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis. Lihim ko siyang
pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at
pagkatapos ay magtutungo sa likod ng mga hanay ng upuan upang tingnan
kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa pagsasabi
ng, “Goodbye, Teacher!””

“Nang hapong iyo’y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan.
Ngunit siya’y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang
paghiwalayin ang mga iyon at upang itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya
sa tindahang katapat upang ibili ako ng minindal at nagpaiwan siya upang
likumin ang mga kagamitan sa paglinis at upang ayusin ang mga iyon sa
lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin niya ang mga upuan sa bawat
hanay, gaya nang kanyang kinahimasmasan. Ngunit hindi siya tumingin sa
akin akin minsan man lamang nang hapong iyon.”

“Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata’y nakita ko sa pintuan.


Ang mga mata niyang nakipag-salubungan sa aki’y may nagugulumihang
tingin. “Goodbye, Teacher,” aniya. Pagkatapos ay umalis na siya. Nagbalik siya
upang sabihin iyon sa akin. Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo ay
hindi ko na magunita ngayon.”

Panahon o Oras
 Ang kabataan ng marahil ngayo’y binata na o ama na ng isang mag-
anak na tauhan sa kwento

Patunay:

“Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay


kung nkaaligtas siya sa nakaraang digmaan…ngunit ayaw kong isiping baka
hindi. Sa akin, siya’y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o
isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siya’y mananatiling isang batang
lalaking may kaliitan, may kaitiman at walong taong gulang.”

 Tuwing hapon

Patunay:

“Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit hindi na siya kahit hindi na siya
hilingan nang gayon. Tumutulong siya sa mga tagalinis at siya ang
pinakamasipag sa lahat. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa
buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis.”

 Isang araw at umagang-umaga pa

Patunay:

“Isang araw, nangyari ang hindi ko inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong


nagdaa’y naamin ko sa sariling ang lahat nang iy’y aking kasalanan. Mainit
noon ang aking ulo, umagang-umaga pa.”

 Sa parehong araw (hapon)

Patunay:
“Nang hapong iyo’y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan.”

Kalagayan
 “Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit hindi na siya kahit hindi na siya
hilingan nang gayon. Tumutulong siya sa mga tagalinis at siya ang
pinakamasipag sa lahat. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot
muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis.”
 “Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa
lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng mga hanay
ng upuan upang tingnan kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi
siyang lumilingon sa pagsasabi ng, “Goodbye, Teacher!””
 “Nakikita ko siyang gumagawa nang tahimik at nag-iisa – umiiwas sa
iba.”
 “Habang tinatanaw ko siya tuwing hapon, pinakahuli sa kaniyang mga
kasamahan, ay naiisip kong alam na alam niya ang kaniyang
kapangitan, ang kakatuwang paraan ng kaniyang pagsasalita.”
 “Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat bata.
Nanukso na siya sa mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa
akin. Lalo siyang lalo siyang naging maalala at mapagmahal. Maligaya
na siya.”
 “Mainit noon ang aking ulo, umagang-umaga pa. At ang hindi dapat
gawin ay aking nagawa – napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi
ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking
ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit
sa kanya, ang pagsasalita ko sa kaniyang ipinanliit niya sa kanyang
upuan. Nakalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang kanyang kalumbaya,
ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya’y
mahalaga at minamahal.”
 “Nang hapong iyo’y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng
upuan. Ngunit siya’y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking
tsinelas, upang paghiwalayin ang mga iyon at upang itapat sa aking mga
paa.”
 “Nagtungo siya sa tindahang katapat upang ibili ako ng minindal at
nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa paglinis at upang
ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin niya
ang mga upuan sa bawat hanay, gaya nang kanyang kinahimasmasan.
Ngunit hindi siya tumingin sa akin akin minsan man lamang nang hapong
iyon.”
 “Sa munti niyang puso’y kinapopootan niya ako ng pagkapoot na
kasintibay ng pagmamahal sa iniukol niya sa akin nitong mga huling
buwan.”
 “Nagyo’y paalis na siya, ang naisip ko nang may kapaitan sa puso.”
 “Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong
kapasiyahan sa kanyang loob. Nagtungo siya sa pintuan at ang kaniyang
mga yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod.”
 “Lumabas siya nang tahimik at ang kaniyang mabibigat na yabag ay
lumayo nang lumayo.”
 “Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata’y nakita ko sa
pintuan. Ang mga mata niyang nakipag-salubungan sa aki’y may
nagugulumihang tingin. “Goodbye, Teacher,” aniya. Pagkatapos ay umalis
na siya. Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.”
 “Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo ay hindi ko na magunita
ngayon.”
IV. BUOD
Sa paggugunita ng tagapagsalaysay sa samahang matagal na
niyang naranasan subalit hindi niya makalimutan ay muli itong
nanumbalik sa kanya.
Isang batang maliit at pinakapangit sa klase, may pipis na ilong at
may kakatuwang punto ng pagsasalita na nagpapatunay na siya’y taga-
ibang lalawigan ay nasa walong taong gulang. Siya’y munting ulila na
lumuwas sa lungsod upang maging utusan. Pumapasok lamang ito
upang may kasaby sa pag-uwi at pagpasok ang anak ng kanyang
panginoon. Sa likod ng kahusga-husgang panlabas na anyo ay may isang
bagay na ka-ibig-ibig dito. Siya’y masipag na tumutulong sa mga tagalinis
ng klasrum at nagpapaiwan ito upang ayusin ang mga panlinis na
naiwang hindi napulot. At bago ito tuluyang umaaalis ay lagi itong
lumilingon sa guro mula sa pintuan sa pagsasabi ng “Goodbye, Teacher.”
Umiiwas rin ang batang ito sa ibang bata at gumawa ng mga bagay
nang mag-isa at tahimik. Sa kanyang mga ikinikilos ay tila alam na alam
nito ang kanyang kapangitan at kakaibang paraan ng pananalita. Ngunit
sa mabagal na paraan ay naging malapt ang batang ito sa guro. Naging
maligaya ito.
Isang araw, sa di malamang dahilan ay sobrang nagalit dito ang
guro at napagsalitaan siya ng mga masasakit na salita. Nalimutan ng
guro ang pag-iisa ng bata. Ngunit kahit pa napagalitan siya ng guro ay
patuloy pa rin siya sa paggawa ng mga gawaing kanyang nakagawian.
Inabotan niya ng tsinelas ang guro, at tuloy pa rin sa pagpapantay-
pantay ng mga upuan nang hindi man lamang lumilingon sa direksyon
ng guro.
Nagtungo ang bata sa pintuan na may mabibigat na yabag at sa
pagkakataong yaon, noon lamang siya hindi nagsabi ng “Goodbye,
Teacher.” At ang mga yabag nito ay lumayo na nang lumayo.
“Napopoot siya sa akin. Ano ang ginawa kong ito?” paulit-ulit na
sambit at tanong ng guro sa kanyang sarili.
Biglang-bigla, ang pipis at pangit na mukha ng bata’y nakita ng
guro sa pintuan. Ang mga mata niyang nakipag-salubungan sa aki’y may
nagugulumihang tingin, “Goodbye, Teacher” aniya at tuluyan nang
umalis.
Kung gaano katagal ang pagkakaupo ng guro ay ay hindi na nito
magunita ngayon, ang tangi niya lamang magunita ay ang
pagpapakumbaba ng guro sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon
nang sandaling ang bata ang kanyang naging guro.

V. PAGLALAPAT NG MGA TEORYANG PAMPANITIKAN


1. TEORYANG BAYOGRAPIKAL
Si Genoveva Edroza-Matute, o mas kilala sa tawag na “Aling
Bebag,” ay isang sa pinakadakilang manunulat at kuwentista ng
panitikang Filipino. Nagtapos ng Bachelor of Secondary Education
major in English, master’s, at doctorate degree sa UST. Si aleng
Bebang ay nagkamit ng iba’t ibang parangal tulad ng Carlos
Palanca Memorial Awards for Literature, Gawad Cultural Center of
the Philippines para sa Sining (Panitikan), Republic Literary
Awards ng National Commission for Culture and the Arts, at
Lifetime Achievement Awards para sa Panitikan na ginawad ni
dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Nagwagi ang kanyang
akdang “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” ng Palanca noong
1955. Ilan sa kanyang mga akda ay kadalasang nasa walong taong
gulang ang mga pangunahing tauhan.
Ang kuwentong “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” ay masasabi kong may
teoryang bayograpikal sapagkat ang kwentong ito ay nakabase sa katauhan ng
isang batang lalaki na naging estudyante dati ng may-akda (G.E.M) sa kanyang
pagtuturo noon sa elementarya. Ito ay repleksyon ng kanyang karanasan.

2. TEORYANG PORMALISTIKO
Porma ng wika at istilo
Ang kwentong ito ay nakasulat sa purong Wikang Filipino, maayos at payak
lamang ang pagkakalahad ng mga pangayayari maging ang mga salitang
ginamit sa pagbuo ng kwento.
Ang kwento ay isinalaysay sa paraang “flashbacking” na kung saan ay inlahad
ng guro ang mga pangayayari noong simula pa lamang na makilala at
makasama niya ang batang minsan na niyang naging guro.

Patunay:
“Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo ay hindi ko na magunita ngayon.
Ang tangi kong nagugunita’y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng
munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang
sandaling yaon, siya ang aking naging guro.”
Mapapansin din sa kwento na kahit nakasulat ito sa paraang flashbacking ay
batid pa rin ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ang
kwento ay simple at napapalooban ng seryosong paksa at mga tapat na
pahayag.
Panauhan
Ang kwentong “Paglalayag sa puo ng isang bata” ni Genoveva Edroza-Matute ay nasa
ikatlong panauhan dahil malinaw na ang naglalahad ng kwento ay mismong nasa
kwento at tinutukoy nito ang taong pinag-uusapan gamit ang mga panghalip na “siya,
kanya, at niya.”

Patunay:
“Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay
kung nkaaligtas siya sa nakaraang digmaan…ngunit ayaw kong isiping baka
hindi. Sa akin, siya’y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o
isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siya’y mananatiling isang batang
lalaking may kaliitan, may kaitiman at walong taong gulang.”
3. TEORYANG KULTURAL
 Wika
Ang wika ay kabuhol ng kultura na kung kaya masasabi
kong mailalapat ang pahayg na ito sa teoryang kultural sapagkat
bahagi ng kultura ng isang lipunan ang wikang kanilang

sinasalita. At ang punto ng pagsasalita ng bata ay nagpapakitang


siya’y kabilang sa isang etnikong pangkat.
Patunay:
“Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang
kakatuwang “punto” na nagpapakilalang siya’y taga-ibang pook.”
 Pagiging magalang
Ang pagiging magalang ay bahagi ng kultura ng mga taong
nasa lalawigang bahagi ng Bataan na siyang pinanggalingan ng
bata bago pa siya lumuwas ng lungsod. At ang palaging
pamamalam ng bata sa guro bago ulais sa klasrum ay maaaring
naimpluwensyahan ng kanilang kultura sa lalawigan.
Patunay:

“Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa


lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng mga hanay ng
upuan upang tingnan kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang
lumilingon sa pagsasabi ng, “Goodbye, Teacher!””

 Marespeto sa Guro
Kahit na napagalitan ng guro ang bata ay hindi pa rin siya
nawalan ng respeto rito.
Patunay:
“Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata’y nakita ko sa pintuan.
Ang mga mata niyang nakipag-salubungan sa aki’y may nagugulumihang
tingin. “Goodbye, Teacher,” aniya. Pagkatapos ay umalis na siya. Nagbalik siya
upang sabihin iyon sa akin.”
 Pang-aalipin/pagkakaroon ng utusan

Patunay:

“Payak ang mga katotohanan: siya’y isang munting ulilang galling sa lalawigan,
lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang
pumapasok sa paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang
anak ng kanyang panginoon.”

4. TEORYANG REALISMO
 Maraming taon man ang lumipas, sadyang may mga tao sa ating
buhay na kusang dumarating, nananatili saglit at nakakalungkot
mang isipin ay lumilisan din. At sa alaalang nakintal sa gunita ng
guro ay isang mahalagang karanasang mananatili habambuhay.

Patunay:

“Pagkaraan ng daan-daang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at lumisan


pagkatapos, pagkaraan ng mga taong ang ila’y nagdumali, ang ila’y
nagmabagal at ang ila’y nakintal sa gunita, buhay na buhay pa sa aking isipan
ang kaniyang mukha at ang kanyang pangalan. Ngunit ang buhay sa lahat ay
ang isang bagay na itinuro niya sa akin, isang araw, nang siya ang aking
maging guro, at ako ang kanyang tinuruan.”

 Hindi maikakaila na minsan ay nagiging mapanghusga at


mapandiri sa panlabas na kapangitan ng isang tao ang lipunang
ating ginagalawan. Talamak ang diskriminasyon sa panlabas na
anyo ng isang tao mula noon hanggang ngayon.

Patunay:

“Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit. Ang bilog at pipis
niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo’y mahahabag
na sa kanya ang tumutingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din
sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang “punto” na nagpapakilalang siya’y taga-
ibang pook.”

 Kung sino pa yung mga taong may pangit na panlabas ay siyang


nabibiyayaan ng kabusilakan ng puso.

Patunay:
“Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti’t pangit na batang ito, kahit sa
simula pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit hindi na siya kahit
hindi na siya hilingan nang gayon. Tumutulong siya sa mga tagalinis at siya
ang pinakamasipag sa lahat. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot
muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis.”

“Ang tangi kong nagugunita’y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng


munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa.”

 Pagkakaroon ng utusan

Patunay:

“Payak ang mga katotohanan: siya’y isang munting ulilang galling sa lalawigan,
lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang
pumapasok sa paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang
anak ng kanyang panginoon.”

5. TEORYANG IDEALISMO
 BATA
Ang batang inilalarawan sa kwento ay isang huwaran ng
kanyang kapwa bata. Isang batang masipag, matulungin, at higit
sa lahat ay mabait. Kahit hindi siya inuutusan ay ginagawa niya
pa rin ang kanyang tungkulin bilang mag-aaral gaya na lamang ng
paglilinis at pagsasaayos ng kanilang silid.
Patunay:

“Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit hindi na siya kahit hindi na siya
hilingan nang gayon. Tumutulong siya sa mga tagalinis at siya ang
pinakamasipag sa lahat. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa
buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis. Lihim ko siyang
pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at
pagkatapos ay magtutungo sa likod ng mga hanay ng upuan upang tingnan
kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa pagsasabi
ng, “Goodbye, Teacher!”

6. TEORYANG KLASISISMO
 Wala man itong paksang pumapatungkol sa dalawang taong nag-
iibigan na may magkaibang estado sa buhay ay malalapatan pa rin
ito ng teoryang klasisismo sapagkat ang kwento ay nagtapos ng
may kaayusan at payak lamang ang pagkakalahad ng mga
pangyayari.

Patunay:

“Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata’y nakita ko sa pintuan.


Ang mga mata niyang nakipag-salubungan sa aki’y may nagugulumihang
tingin. “Goodbye, Teacher,” aniya. Pagkatapos ay umalis na siya. Nagbalik siya
upang sabihin iyon sa akin.

Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo ay hindi ko na magunita


ngayon. Ang tangi kong nagugunita’y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng
puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang
kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro.”

7. TEORYANG MARKISMO
Ang pagkakaroon ng kakayahan ng batang lumuwas ng lungsod
uang maging utusan at makapag-aral upang makaahon sa
kahirapan ng buhay.
Patunay:

“Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanan tungkol sa


kanyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siya’y isang munting ulilang
galling sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At
kalahating araw siyang pumapasok sa paaralan upang may makasama sa
pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang panginoon.”
8. TEORYANG EKSISTENSIYALISMO
Ang pagkakaroon ng kakayahan ng bata na magdesisyon kung ano
ang dapat na gawin bago umalis ng klasrum gayong hindi pareho
ng dati ang kalagayan sa pagitan nila ng guro. Ngunit sa huli ay
nagdesisyonan niya pa ring patuloy na ipakita ang kanyang
pagkakaroon ng respeto sa guro sa pamamagitan ng pagsasabi ng
“Goodbye, Teacher” bago siya umalis.
Patunay:
“Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong
kapasiyahan sa kanyang loob. Nagtungo siya sa pintuan at ang kaniyang mga
yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod.”
“Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata’y nakita ko sa
pintuan. Ang mga mata niyang nakipag-salubungan sa aki’y may
nagugulumihang tingin. “Goodbye, Teacher,” aniya. Pagkatapos ay umalis na
siya. Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.”

9. TEORYANG ROMANTISISMO
 Galit
Ang matinding galit na naramdaman ng guro na naging sanhi ng
pagtapon niya ng mga masasamang salita sa bata na siyang
ikinatahimik nitong muli.
Patunay:
“Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking
ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa
kanya, ang pagsasalita ko sa kaniyang ipinanliit niya sa kanyang upuan.”

 Pagmamahal
Pagmamahal ng bata sa guro nang mapalapit na siya rito at
tuluyang naging maligaya sa loob ng ilang buwan ng pagiging

Patunay:
malapit hindi niya ipag-inda sa sakit na naidulot ng guro sa kanya at
sa isa’t patuloy pa rin siya sa pagrespeto at pagkagiliw rito ay
isa. Ang nagpapakita rin ng pagmamahal.

“Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo siyang lalo siyang naging maalala at
mapagmahal. Maligaya na siya.”

“Ang mga mata niyang nakipag-salubungan sa aki’y may nagugulumihang


tingin. “Goodbye, Teacher,” aniya. Pagkatapos ay umalis na siya. Nagbalik siya
upang sabihin iyon sa akin.

Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo ay hindi ko na magunita


ngayon. Ang tangi kong nagugunita’y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng
puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang
kaluluwa.”

Pagmamahal rin ng guro sa bata sapagkat nakaramdam siya


ng pagsisisi sa kanyang nagawa at nagdulot iyon ng kirot sa
kanyang puso na isang patunay ng kanyang pagmamahal sa
batang yaon.
Patunay:

“Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at kalumbayan ng pag-iisa’t


kawalan ng pagmamahal ay makadarama ka rin sa kawalan ko ng katarungan.
Nagyo’y paalis na siya, ang naisip ko nang may kapaitan sa puso.”
 Maari ring napopoot ang bata sa guro sapagkat nagpapakita siya
ng mga salik gaya nalang ng hindi pag-imik at paglingon sa guro.

Patunay:

“Napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso’y kinapopootan niya ako ng


pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal sa iniukol niya sa akin nitong mga
huling buwan.”

10. TEORYANG MORALISTIKO


Ang kamaliang ginawa ng guro na pinagalitan niya ito nang walang
malinaw na dahilan na nakasakit sa damdamin ng isang bata.
Patunay:
“Isang araw, nangyari ang hindi ko inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong
nagdaa’y naamin ko sa sariling ang lahat nang iyo’y aking kasalanan. Mainit
noon ang aking ulo, umagang-umaga pa. At ang hindi dapat gawin ay aking
nagawa – napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita
ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking ikinagalit. Ang
nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang
pagsasalita ko sa kaniyang ipinanliit niya sa kanyang upuan. Nakalimutan ko
ang kanyang pag-iisa, ang kanyang kalumbaya, ang mabagal na paraan ng pag-
akit at pagtiyak sa kanyang siya’y mahalaga at minamahal.”

11. TEORYANG NATURALISMO


 “Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit hindi na siya kahit hindi na siya
hilingan nang gayon. Tumutulong siya sa mga tagalinis at siya ang
pinakamasipag sa lahat. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot
muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis. Lihim ko
siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa lalagyan,
ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng mga hanay ng upuan
upang tingnan kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang
lumilingon sa pagsasabi ng, “Goodbye, Teacher!””
 “Nakikita ko siyang gumagawa nang tahimik at nag-iisa – umiiwas sa
iba. Paminsan-minsa’y nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin upang
bawiin lamang agad ang kaniyang paningin. Habang tinatanaw ko siya
tuwing hapon, pinakahuli sa kaniyang mga kasamahan, ay naiisip kong
alam na alam niya ang kaniyang kapangitan, ang kakatuwang paraan ng
kaniyang pagsasalita.”
 “Siya’y isang munting ulilang galling sa lalawigan, lumuwas sa
malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang
pumapasok sa
paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng
kanyang panginoon.”
 “Nang hapong iyo’y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng
upuan. Ngunit siya’y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking
tsinelas, upang paghiwalayin ang mga iyon at upang itapat sa aking mga
paa. Nagtungo siya sa tindahang katapat upang ibili ako ng minindal at
nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa paglinis at upang
ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin niya
ang mga upuan sa bawat hanay, gaya nang kanyang kinahimasmasan.
Ngunit hindi siya tumingin sa akin akin minsan man lamang nang hapong
iyon.”
 “Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong
kapasiyahan sa kanyang loob. Nagtungo siya sa pintuan at ang kaniyang
mga yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod.”

12. TEORYANG SIMBOLISMO


 Nakaraang digmaan
Mga hamon na kinakaharap ng bata sa pagpapatuloy ng
kanyang buhay.
Patunay:
“Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay
kung nkaaligtas siya sa nakaraang digmaan…ngunit ayaw kong isiping baka
hindi. Sa akin, siya’y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o
isang alaala kaya ng Bataan.”
 Nanliit sa upuan
Ang paggamit ng pagmamalabis na nanliit ang bata sa
kanyang upuan ay nagpapahiwatig na siya’y napahiya at
nawalan ng lakas ng loob dahil sa nangyari.
Patunay:
“Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang
pagsasalita ko sa kaniyang ipinanliit niya sa kanyang upuan.”

13. TEORYANG HUMANISMO


Nagdesisyon ang bata na patuloy na ipakita ang kanyang
pagkakaroon ng respeto sa guro sa pamamagitan ng pagsasabi ng
“Goodbye, Teacher” bago umalis ng klasrum.
Patunay:
“Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong
kapasiyahan sa kanyang loob. Nagtungo siya sa pintuan at ang kaniyang mga
yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod.”
“Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata’y nakita ko sa
pintuan. Ang mga mata niyang nakipag-salubungan sa aki’y may
nagugulumihang tingin. “Goodbye, Teacher,” aniya. Pagkatapos ay umalis na
siya. Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.”
VI. MGA KABISAAN
1) Bisa sa isip

Para sa bisa sa isip, mapupuna sa maikling kwentong “Paglalayag sa


puso ng isang bata” ang pagkakaroon ng hindi pantay-pantay na estado ng tao
sa lipunan na mayroong mahirap at mayaman. Subalit, sa kabila ng
pamumuhay ng bata ay masasalamin sa kanya ang pagiging mabuting taoat
hindi nakakalimot sa kanyang tinuturing na responsibilidad. Na kung iuugnay
sa kasalukuyan ay bihira na lamang.

2) Bisa sa asal

Sa kabila ng kalungkutan ng bata ay hindi niya nagawang magtanim ng


galit o sama ng loob para sa kanyang guro. Bagkus ay pinagpatuloy niya kung
ano ang kanyang nakagawian sa loob ng klasrum.

3) Bisa sa damdamin
Ang damdaming mas nanguna para sa akin bilang mambabasa ay awa.
Awa para sa bata na walong taong gulang pa lamang ay kailangan ng
magtrabaho para sa kanyang sarili na humantong pa sa kanyang pagiging
utusan. Na sana’y hindi naging malupit sa kanya ang tadhana at naging
katulad nalang sana siya sa mga batang nagsasaya lamang at naglalaro
kasama ng mga batang kaedad at kagaya rin niya.

VII. SIMBOLO
 “Ito ay kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan…ngunit
ayaw kong isiping baka hindi.”

Ang pahayag na ito ay may nakakubling pahiwatig na kung saan ay


nakapagbibigay-buhay sa simula ng kwento. Nais ihayag ng linyang ito ang
nakaraang digmaan bilang problema at kalupitan ng buhay na naranasan ng
tauhan sa kwento mula sa edad na walong taong gulang hanggang sa kanyang
paglaki. At binanggit rin ng tagapagsalaysay na sa mga pagsubok na iyon ay
sana nalampasan niya ito.

 Bata – sinisimbolo ng bata ang kaugalian na nararapat


isabuhay ng mapanghusgang lipunan. Anumang estado ng isang tao sa
lipunan ay nararapat lamang na bigyan ng halaga sapagkat bahagi rin sila ng
mundo.
VIII. TEMA AT PAKSANG DIWA
Ang akda ay umiikot sa pagkakaibigan ng dalawang tao sa kabila
ng malaking agwat sa buhay. Kung paano ang isang guro ay nakahanap
ng isang tunay na kaibigan sa isang batang ulila at bukas na ang isipan
sa buhay na kinalakhan sa murang edad pa lamang. Ganoon din sa
parte ng bata. Ipinapakita ang pagmamahalan at pagmamalasakit bilang
pundasyon ng pagkakaibigan.

IX. PAGPAPALIWANAG NG PAMAGAT


Ang pamagat na “Paglalayag sa puso ng isang bata” ni
Genoveva Edroza-Matute ay nangangahulugan ng kalumbayan na
nararamdaman ng isang bata na sa kanyang murang edad ay
naranasan na nito ang kalupitan ng buhay. Ang paghangad niya na sa
kanyang paglalayag tungo sa kung saan man siya dalhin ng tadhana ay
maramdaman man lamang ng kanyang munting puso ang mahalin,
mapabilang at mapahalagahan ng taong makaiintindi sa kanya. Ngunit
sa kalupitan ng pagkakataon ay biglang dumating ang unos na
pumukaw ulit sa kalumbayan ng kanyang pag-iisa, subalit sa kalakhan
ng kanyang puso ay nananatili iyong matibay na nagpatangay sa alon
ng buhay.

X. PANGKALAHATANG PAGSUSURI
Ang kwentong “Paglalayag sa puso ng isang bata” ni Genoveva
Edroza-Matute ay kapupulutan ng aral, makalubag-damdamin at may
panlipunang kamalayan sapagkat naipakita rito ang mga pangayayaring
repleksyon ng mga kaganapan sa kasalukuyan. Ang akdang ito ay
masasabi kong napapanahon dahil kakikitaan pa rin ito ng mga
kaganapang nangyayari pa rin sa buhay ng isang guro, maging ng mga
bata sa ngayon. Maliwanag na nailahad sa pagsusuring ito ang pagiging
totoo ng mga pangyayari na naranasan mismo ng may akda na
makapagbibigay-liwanag sa isipan ng mga mambabasa na mamulat sa
mga kaganapan sa lipunan. Maging ang kabusilakan ng puso ng isang
bata ay tunay na nakapagbibigay ng aral sa kahit sino mang nakaiintidi
rito. Ang pagtanggap at pagpapakumbaba sa bagay na alam mong ikaw
ang mali ay isa ring mabisang paraan sa mabilisang pag-intindi sa sarili
Malaki ang naging epekto ng pagiging ulila ng isang bata sa
pagharap ng kanyang buhay. Hindi na bago sa atin ang makatuklas ng
ganitong sitwasyon, maraming ulilang mga bata ang nagtatagumapy sa
buhay kahit na walang magulang na gumagabay sa kanila dahil na rin
sa sariling pagsisikap na magtagumpay ngunit hindi rin lingid sa ating
kaalaman na marami ring napariwara dahil sa nawalan na sila ng pag-
asa sa buhay. Ipinakita sa kwentong ito na maraming naidudulot ang
kahirapan sa buhay ng tao, maaaring magsilbi itong inspirasyon para
magtagumpay.

XI. ARAL

1. Ang mga bata ay may sariling mga paraan upang ipaalala sa mga matatanda ang
mga bagay na hindi nila magawa dahil sa pagmamataas.

2. Ang pagmamataas ay nakabibigat ng loob at wala itong naidudulot na maganda.

3. Huwag basta-basta magpapadala sa nugso damdamin para hindi makaapekto sa


damdamin ng iba.

You might also like