Core02 - SLG 4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Name: Baga, Jasmin HUMSS111-C LUALHATI BAUTISTA (Able Student)

SLG No. 4: Kasaysayan ng Wikang Pambansa


Subject Code/Number: Core02
Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Nakalaang Oras: Isang Linggo

I. Introduksiyon

Ang isang bansa ay nagkakaroon ng pagbubuklod- buklod dahil sa kanilang wika. Ang bansang Pilipinas at ang
wikang Filipino ay isang magandang halimbawa nito. Maraming kabanta ang nahubog mula sa kasaysayan ng
pambansang wika ng Pilipinas. Kung susuriin mo ang ating kasaysayan, matutuklasan na maging mahuirap ang
paglalakbay ng mga Pilipino upang makamit ang pambansang wika. Ang pagiging arkipelago isang sanhi kung
bakit nagkawatak- watak ang mga Pilipipino. Hindi natapos ang ating paghihirap sa heograpiya o sa
pagkakaroon ng sari-saring kultura. Naging mahirap para sa mga Pilipino na gumawa ng paraan upang
makagawa ng sariling wika dahil s amga sumakop na dayuhan. Sapagkat, hindi sila binigyan ng kalayaan.
Isinantabi ang mga katutubong wika at kaunti lamang ang pinagkalooban ng pagkakataong makapag-aral.

Nang maipaglaban ng mga Pilipino ang kalayaan mula sa mga dayuhang sumakop, hindi naging sapat ang
pagkakaroon ng pamahalaan upang magkaisa. Kinailangan ng isang wika upang matapos na ang dibisyon na
namumuo sa bawat rehiyon. Matapos ang mahabang panahon, ang wikang Filipino ang naging dahilan ng
pagkakaroon ng sariling identidad ng mga Pilipino. Kahit anong bansa o kultura ay hindi makukumpleto nang
wala ang kanilang sariling wika.

Makulay ang naging kasaysayan ng ating wika, tulad ng kasaysayan ng ating lahi. Bukod sa pagiging makulay,
mahaba rin ang panahong iniukol sa paglinang nito hanggang sa marating ang kasalukuyang kalagayan.

II. Mga kasanayang pampagkatuto


1. Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa Wikang
Pambansa.
2. Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika.

Kalalabasan
1. Natutukoy ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika.
2. Nakapagsaliksik ng mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika
3. Nabibigyang kahulugan ang kasaysayan ng wikang pambansa
4. Naipapaliwanag ang naging pananaw o opinyon sa napakinggang pagtalakay sa Wikang Pambansa

Pangkalahatang Paalala at Paunawa


Upang maisakatuparan ang pagkatuto sa modyul na ito, kailangan mong alalahanin at gawin ang mga
sumusunod.
1. Maglaan ng panahon at maaliwalas na lugar upang mabigyang-tuon ang pagtugon sa modyul na ito, at
siguraduhing walang makasasagabal sa iyong pag-aaral.
2. Sikapin na magkaroon ng sapat na kagamitan, mapagkukunan ng impormasyon o sanggunian tungo sa
ikatatagumpay ng pag-aaral ng modyul.
3. Tandaang ang karunungan ay para sa lahat ng tao ngunit matatamo lang ang higit na dunong sa taong may
pagsusumikap.
4. Laging sumangguni sa inyong guro at sa iba pang makatutulong para masagot ang mga tanong para sa
modyul na ito, at
5. Manalangin sa Diyos upang lagi kang pagpalain ng karunungan, sapat na lakas at iba pang pangangailangan
tungo sa ikapagtatamo ng hinanangad mong tagumpay.

III. Pagtatalakay

Paunang Aktibiti
Panuto: Isulat ang iyong sariling pagpapakahulugan sa salitang Wikang Pambansa.

Ang Wikang Pambansa ay ang wika o diyalekto na kumakatawan sa


isang bansa. Ang pambansang wika ay ang opisyal na wika na
ginagamit ng isang bansa. Ang kahalagahan ng Wikang Pambansa ay
tumutolong upang magkaroon ng pagkakaisa ang mga mamamayan at
ito din ay nagbibigay tulong sa pag unlad ng iba’t ibang aspeto sa ibang
bansa.
Pagtalakay

Kasaysayan ng Wikang Pambansa ( Pinagmulan ng Wika )

Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ngng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong
gumagamit ng iba’t ibang wika at diyalekto. Humigit kumulang 150 wika at diyalekto ang
umiiral sa ating bansa. Ang kalagayang ito ang naging pangunahing dahilan kung
kinakailangang magkaroon tayo ng isang wikang nauunawaan at masasalita ng karamihan sa
mga Pilipino. Ang wikang ito ang nagbubuklod sa atin bilang mamamayan sa bangsang Pilipinas
at tatawaging wikang pambansa.

Kung babalikan an gating kasaysayan,makikitang hindi naging madali ang pagpili sa wikang
pagbabatay ng wikang pambansa. Mahaba at masalimuot ang prosesong pinagdaanan nito. Sa
huling dalawang aralin tatalakayin nang mas malalim ana kasaysayan ng ating wika simula sa
panahon bago dumating ang mga Espanyol hanggang sa kasalukuyang panahon subalit sa
ngayon ay magkakaroon ka ng paunang impormasyon sa pamamagita ng timeline ng mg
pangyayaring nagbibigay-daan sa pangkahalahatang sa Filipino bilang isang wikang pambansa.

Kasaysayan:

1934: Dahil nga sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba’t ibang pulo at sa dami ng
wikang umiiral dito, naging isang paksang mainitang pinagtalunan, pinag-isipan, at tinalakay sa
Kumbensiyong Konstitusyonal noong 1934 ang pagpili sa wikang ito. Iminungkahi ng grupo ni
Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinusugan ni Manuel L. Quezon na noo’y Pangulo ng
Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.

1935: Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbibigay-daan sa probisyong pangwika


na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935.

1937: Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang
Tagalog upang maging batayan ng wikang pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa bisa
ng Kautusang Tagapagpaanap Blg. 134.

1940: dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap blg. 134,
nagsimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang pambubliko at
pribado.

1946: Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng
Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ding ang mga wikang opsiyal sa bansa ay Tagalog
at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt bilang 570.
1959: Pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog ito ay naging Pilipino sa bisa ng
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang kalihim ng Edukasyon
noon.

1972: Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyonal noong 1972


kaugnay sa usaping pangwika. Sa huli, ito ang mga naging probisyong pangwika sa Saligang
Batas 1973, Artikulo XIV, Seksiyon 3, blg. 2

1987: Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyonal na binuo ni dating


Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa wika.

2. Wikang Opisyal

Ayon kay Virgilio Almario (2014), ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na magiging
wikang opisyal na talastasan ng pamahalaan.Ibig sabihin nito ang wikang maaaring gamitin sa anumang
uri ng komunikasyon, lalo’t na sa anyong nakasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay ng ahensya ng
gobyerno

Mababasa sa Saligang Batas 1987, Artikulo XIV, Seksiyon na ““Ukol sa layuning komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila
at Arabic.”

3. Wikang Panturo

Ang wikang panturo naman ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang
wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pa pagsulat ng mga aklat
at kagamitang panturo sa mga silid aralan.

Sa pangkalahatan ay Wikang Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at wikang panturo samga
paaralan ngunit sa pagpasok ng K-12 Curriculum, Mother Tongue o unang wika ng mga mag- aaral
ang opisyal na wikang panturo mula Kindergaten hanggang Grade 3 na tinatawag na Mother Tongue
Based- Multilingual Education o (MTB-MLE). Ngunit sa ikalawa hanggang ikaanim na baitang ay
bibigyang-diin ang iba’t ibang component ng wika tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagsasalita,
pagbasa at pagsulat.

1. Paniniwala sa Banal na Pagkilos ng Panginoon-


- ang mga teologo ay naniniwalang ang pinagmulan ng wika ay matatagpuan sa banal na aklat.

Genesis 11 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

Ang Tore ng Babel

11 Sa simula'y iisa ang wika at magkakapareho ang mga salitang ginagamit ng lahat ng tao sa
daigdig. 2 Sa kanilang pagpapalipat-lipat sa silangan,[a] nakarating sila sa isang kapatagan sa Shinar at
doon na nanirahan. 3 Nagkaisa silang gumawa ng maraming tisa at lutuin itong mabuti para tumibay. Tisa
ang ginagamit nilang bato at alkitran ang kanilang semento. 4 Ang sabi nila, “Halikayo at magtayo tayo ng
isang lunsod na may toreng abot sa langit upang maging tanyag tayo at huwag nang magkawatak-watak
sa daigdig.”
5 Bumabâ si Yahweh upang tingnan ang lunsod at ang toreng itinayo ng mga tao. 6 Sinabi niya, “Ngayon
ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika. Pasimula pa lamang ito ng mga binabalak nilang
gawin. Hindi magtatagal at gagawin nila ang anumang kanilang magustuhan. 7 Ang mabuti'y bumabâ
tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan.” 8 At ginawa ni Yahweh na ang mga
tao ay magkawatak-watak sa buong daigdig, kaya natigil ang pagtatayo ng lunsod. 9 Babel[b] ang
itinawag nila sa lunsod na iyon, sapagkat doo'y ginulo ni Yahweh ang wika ng mga tao. At mula roon,
nagkawata

2. Ebolusyon- ayon sa mga antropologo, masasabi raw na sa pagdaan ng panahon ang mga tao ay
nagkakaroon ng mas sopistikadong pag-iisip.

a. Teoryang Ding-dong- nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao
sa mga tunog ng kalikasan.

b. Teoryang Bow-Wow- nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog


na nilikha ng mga hayop, katuad ng bow-wow para sa aso, ngiyaw ng pusa, kwak-
kwak para sa pato at moo para sa baka.

c. Teoryang Pooh-Pooh- nagmula raw ang wika sa saslitang namutawi sa mga bibig
ng sinaunang tao nang nakaramdam sila ng masisidhing damdamin tulad ng galit,
sakit, kalungkutan, sarap, at pagkabigla.

d. Teoryang Ta-Ta- may koneksyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa


paggalaw ng dila. Ito raw ay naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog
at matutong magsalita.

e. Teoyang Yo-he-ho- ang wika ay nabuo mula sa pagsasama- sama, lalo na kapag
natatrabaho ng magkakasama. Ang mga tunog o himig na namumutawi sa bibig ng
tao kapag sila ay nagtatrabaho nang sama-sama ay sinasabing pinagmulan ng wika.

III: Mga Aktibidad sa Pansariling Pagkatuto

Gawain 1:________________________________________________________________________________
Pagbibigay ng Opinyon/ Pananaw

( Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa Wikang


Pambansa. )

A. Panuto: Ang kasaysayan ng Wikang Pambansa ay nag-iwan ng isang hamon na sama-sama nating
itaguyod ang paggamit ng wikang Filipino. Ikaw bilang isang mag-aaral, ano-ano ang maari mong
gawin upang makatulong sa pangsulong ng wikang Filipino? Isulat ang iyong sagot sa hindi baba
sa limang pangungusap.

Bilang isang mag-aaral, ang mga maaari kong gawin upang makatulong sa pagsulong ng wikang
Filipino ay palawakin pa ito. Ipagmamalaki ko ang wikang meron tayo at aaralin pa ng mabuti
ang wikang Filipino. Hihikayatin ko ang mga kapwa ko kamag aral na palawakin pa ang wikang
Filipino at dapat ipagmalaki. Mamahalin ang wikang Filipino at wag na wag gagamit ng mga
salitang banyaga. Paghihikayat na magbasa ng mga akda noong sinaunang panahon.
B. Panuto: Batay sa tinalakay sa kasaysayan, nabatid natin napakalaki at napakahalaga ng papel na
ginampanan ng ga lider ng ating bansa sa pagtataguyod ng Wikang Pambansa. Kung ikaw ay mabigyan ng
pagkakataong maging lider ng ating bansang Pilipinas, anong mga proyekto o batas ang iyong pairalin
upang maisulong ang paggamit at pagpapalago ng wikang Filipino?
Gagawa ako ng batas na dapat ang mga batang bagong silang ay wikang Filipino ang unang
salitang dapat malaman nila. Dapat ay wikang Filipino ang gamit sa mga pampublikong lugar
katulad ng palengke paaralan atbp. Pagsasabihan ko ang mga tao na suportahan ang ating mga
kanta, palabas at lenguahe. Ipatutupad ko ang batas na dapat lahat ng bata sa paaralan ay
marunong magbasa, magsulat at magsalita ng wikang Filipino.
IV: Pagtataya

Gawain 2:________________________________________________________________________________
Pagbuo ng reaksyong papel

Panuto: Bumuo ng isang reaksyong papel batay sa napakinggang pagtalakay sa kasaysayan ng Wikang
Pambansa. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon na makikita sa ibaba.
Gawing gabay ang ibinigay na rubrik sa pagbuo nito.
4 3 2 1
Krayterya: May Masteri (Patungo (Patungo na o Nagsisimula na o
(Mastery or na sa Intermidyet antas
Proficiency)) pagkakaroon (Threshold or elementarya
ng Masteri intermediate)) (Waystage or
(Effective elementary))
Operational
Proficiency or
advanced))
Napakahusay ang Mahusay ang Kulang ang Kulang na kulang
kabuuan ng pagbuo ng nilalaman paglalahad ng ang paglalahad ng
Nilalaman nilalaman, malinaw at at nasambit ang nilalaman, naisali ang ideya at may mga
(50%) nailahad ang ilang mahahalagang mahahalagang bahagi katanungang hindi
pinakalayunin sa bahagi ng nilalaman. ngunit walang nabigyan ng
pagsulat. sumuportang ideya. kasagutan.
Napakalinaw at may Malinaw ang Hindi-masyadong Di-maganda at
kaisahan ang lahat ng kabuuan ng nakikitaan ng hindi malinaw ang
Kalinawan, impormasyon o ideya nilalaman o kaisipan kaisahan ang pagkakasulat nito.
Kaisahan at na isinulat. at maayos ang nilalaman at medyo
Kaugnayan Magkakaugnay-ugnay paghahanay ng mga Malabo ang kabuuan
(25%) ang lahat ng bahagi salita. nito.
ng talata.

Wastong Walang kamalian sa Walang kamalian sa Medyo may mga mali Nangangailangan
gamit ng mga gramatika, bantas at gramatika ngunit sa gramatika at pa ng ensayo sa
salita,wastong tamang-tama ang may konting tamanga paggamit ng tamang
baybay at estruktura ng mga kamalian sa bantas. pagbabaybay ng
wastong salita. paggamit ng bantas. salita.
gramatika.
( 15 %)

Nasusunod ang May konting Maraming kamalian Hindi


Pormat tamang pormat na kamalian sa pormat sa pagsunod ng nakasusunod sa
( 10%) ibinigay o inilahad. na ginamit sa sulatin. tamang pormat. tamang pormat na
ibinigay.
V: Pagpapalawak ng Kaalaman

Gawain 3:_______________________________________________________________________________
Pagbibigay ng Opinyon/ Pananaw

(Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa Wikang


Pambansa.)

1. Ano ang iyong naging opinyon o pananaw matapos mong malaman ang masalimuot na
kasaysayan ng ating wika?
Mahalagang bigyan ng pansin at pahalagahan ang ating wika dahil hindi madali ang pag pili nito at
mas lalong dapat mahalin natin ang ating wikang pambansa.
2. Bilang isang mag-aaral, ikaw ba ay naniniwala na ang wika daw ay nanggaling mula sa tunog na
nabuo ng mga sinaunang tao noon tulad ng tinatawag na Bow- wow at Ding- dong? Ano ang iyong
maging opinyon o pananaw tungkol dito? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Hindi po, sa tingin ko po pinag aralan po yan ng maigi ng mga sinaunang tao pinagtulong tulongan nila
para makabuo sila ng wika.
3. Sa makabagong kurikulum na inilunsad ng kagawaran ng edukasyon na kung saan ipinatupad ang
pagtuturo ng mother tongue mula kindergarteen hanggang Grade 3. Masasabi ba nating madaling
natutuhan ng mga kabataan ang pag-aaral dito? Magbigay ng sitwasyon at ipaliwanag.
Opo, mas madali pong maintindihan ng mga kabataan ang pagtuturo ng mother tongue dahil yan din
po yung unang wikang alam nila.

4. Ano ang magandang naidudulot ng pagkakaroon ng wikang opisyal na ginagamit sa ating bansa?
Gaganahan ang mga pilipino na gamitin ang ating wikang pambansa at madaling magkaintindihan ang
mga tao sa ating paligid.
5. Bilang isang indibidwal o mag-aaral, paano mo hikayatin ang iyong kapwa kabataan na tangkilikin
at gamitin ang wikang Filipino bilang kasangkapan sa pakikipagkomunikasyon?
Unang una ipapaunawa ko sa kanila ang halaga ng ating wika at kung paano eto binuo pagkatapos
hihikayatin ko silang mahalin, unawain at pahalagahan ang ating wika dahil ito ang ating pambansang
wika.

V. Talasanggunian

Aklat:
Montera, Godfrey. et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon City: Phoenix Publishing House,
Inc.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (Manual)

Websites:
https://www.slideshare.net/RichelleSerano/kasaysayan-ng-wikang-pambansa-81940212
https://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/
https://www.youtube.com/watch?v=JAFrdLVH8Ec
https://www.youtube.com/watch?v=_7OxnmLmP2k

You might also like