Nanaginip Si Isko

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Nanaginip si Isko

Itong si Isko ay batang pitong taong


gulang
May pagkatamad at hindi basta nauutusan
Nang minsang pinaglabas siya ng basurahan
Itinapon niya ang laman nito sa kanal sa likuran.

Inisip niya na aanurin naman ng tubig ang basura


Hay naku, Isko, kulang ka talaga sa disiplina
At dahil wala naman sa kanyang nakakikita
Hindi na niya ginawa kung ano ang dapat at tama.

Maya-maya pa ay nakatulog si Isko


Napagod kasi siya sa maghapong paglalaro
Habang kapatid niya’y tumutulong sa pagluluto
Wala siyang ginawa, nakatatamad daw tumayo.

Paggising niya’y hindi siya makapaniwala


Tahanan niya’y pinasok ng mataas na baha
Naglutangan sa paligid ang mga basura
Wala na ring ibang tao maging kanyang ina.
Takot na takot siya kaya’t nagsisigaw
Hindi matigil-tigil kanyang pagpapalahaw
Maya-maya pa’y ginigising na siya ni Nanay
Panaginip lang pala, walang baha sa bahay.

Sa panaginip na ito si Isko ay may natutuhan.


Mga basura’y hindi dapat itapon kung saan-saan.
Dahil kung hindi, tiyak na ikaw ay babalikan
Mga daluyang tubig, di dapat tambakan.

Kaya naman, agad siyang lumabas halos humihingal


Basurang itinapon niya, ngayo’y nakabara na sa kanal
Dali-dali niyang kinuha at nagsabi ng isang dasal.
“Sorry po, hindi na po ako uulit,” ang kanyang usal.

You might also like