Activity Sheet Epp V - Entrepreneurship & Ict - Bbrodriguez

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF OLONGAPO CITY
OLD CABALAN INTEGRATED SCHOOL
BENNET ROAD, OLD CABALAN, OLONGAPO CITY

Activity Sheet

Pangalan:___________________________________________________________________

Baitang at Pangkat:___________________________________________________________

Markahan/Linggo____________________________________________________________

Gawain 1

ALAMIN NATIN:

Basahin ang mga talata at sagutin ang sumusunod na katanungan.

Si Alexa Magtalas ay isang doktor sa sikat na ospital, dahil sa sobrang dami ng


pasyente na nagpapagamot, wala na siyang oras upang magpahinga. Ito ang naging
sanhi upang siya ay magkasakit kaya minabuti niyang magpaalam muna na hindi papasok
ng ilang araw. Sa unang araw ng kanyang pahinga, minabuti niyang pumunta sa
isang supermarket upang mamili ng mga gamit at pagkain sa bahay. Kumuha siya ng
gatas, sardinas, pasta, sariwang isda, karne, gulay at tinapay na tulad ng
Gardenia. Pagkatapos ay umuwi na siya upang makapagluto. Sa ikalawang araw,
siya ay pumunta sa isang Beauty Parlor upang magpalinis ng kuko at magpagupit ng
buhok. Sinubukan din niya ang magpamasahe sa isang “Massage Parlor”, hinilot sya
ng isang masahista sa loob ng isang oras na nagbigay ng kaginhawaan sa kanya. At
sa huling araw, ay pumunta sya sa kaibigan nyang doktor upang magpakunsulta kung
ano ba ang kanyang kalagayan.

1. Ano ang naging problema ni Alexa Magtalas?  Ano ang kanyang trabaho?
2. Ano ang ginagawa nya sa kanyang trabaho?
3. Ano- anong mga paninda ang kanyang binili sa super market? Ito ba ay
maituturing na produkto?
4. Saang lugar siya nagpunta maliban sa super market?

OLD CABALAN INTEGRATED SCHOOL


Address: Bennet Road, Old Cabalan, Olongapo City
Contact Number: (047) 222 – 2376
e-mail Address: ocis-es@deped-olongapo.com
ocis-hs@deped-olongapo.com
School ID: 500756
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF OLONGAPO CITY
OLD CABALAN INTEGRATED SCHOOL
BENNET ROAD, OLD CABALAN, OLONGAPO CITY

5. Ano ang ginawa kay Alexa Magtalas ng siya ay nagpunta sa Beuty Parlor? Massage
Parlor? Ito ba ay maitutuing na serbisyo?

LINANGIN NATIN:

Basahin ang kahulugan ng produkto at serbisyo. Alamin ang pagkakaiba ng dalawa.

 Ang produkto ay ang mga bagay na maaaring iniaalok sa merkado na


nakapagbibigay ng kasiyahan sa pangunahing pangangailangan o kagustuhan ng
isang mamimili. Halimbawa: prutas, gulay, basket, at iba pa

 Serbisyo ay tumutukoy sa paglilingkod na iniaalok ng taong nagtatrabaho o ng


isang uri ng negosyo sa mga konsyumer o mamimili.

Gawain A-Subukin Mo!

Tukuyin ang mga larawan kung ito ay produkto o serbisyo.


Isulat ang inyong sagot sa ibaba ng mga larawan.

OLD CABALAN INTEGRATED SCHOOL


Address: Bennet Road, Old Cabalan, Olongapo City
Contact Number: (047) 222 – 2376
e-mail Address: ocis-es@deped-olongapo.com
ocis-hs@deped-olongapo.com
School ID: 500756
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF OLONGAPO CITY
OLD CABALAN INTEGRATED SCHOOL
BENNET ROAD, OLD CABALAN, OLONGAPO CITY

TANDAAN NATIN:

Lagi pakaisipin na ang produkto ay ang mga bagay na maaaring inaalok sa merkado
na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pangunahing pangangailangan o kagustuhan ng isang
mamimili samantalang ang serbisyo ay tumutukoy sa paglilingkod na iniaalok ng taong
nagtatrabaho sa isang uri ng negosyo.

GAWIN NATIN:

OLD CABALAN INTEGRATED SCHOOL


Address: Bennet Road, Old Cabalan, Olongapo City
Contact Number: (047) 222 – 2376
e-mail Address: ocis-es@deped-olongapo.com
ocis-hs@deped-olongapo.com
School ID: 500756
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF OLONGAPO CITY
OLD CABALAN INTEGRATED SCHOOL
BENNET ROAD, OLD CABALAN, OLONGAPO CITY

Tukuyin kung ang mga sumusunod na salita o grupo ng mga salitang may salunguhit ay
produkto o serbisyo. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

______________1. Si Luisa ay pumunta sa Baguio upang mamasyal sa loob ng isang araw.


Sa huling araw ng kanyang pananatili, pumunta siya sa pamilihan at bumili ng peanut
brittle, strawberry at ube jam.

______________2. Nasira ang tubo ng tubig sa bahay nila Miko, tumawag ang kanyang ina
ng tubero upang palitan at ayusin ang tagas nito.

______________3. Nagkaroon ng isang sunog sa malaking bahagi ng pamilihang bayan,


tumawag si Jenna ng bumbero upang patayin ang apoy na likha ng pagsabog ng tangke ng
gasul.

______________4. Malapit na ang kaarawan ng kapaitd ni Lorena kaya minabuti niya na


bumili ng isang bag na mataas ang kalidad bilang regalo.

______________5. Bilang isang propesyonal, pagtuturo sa mga mag-aaral ang palaging


iniisip ni G. Melody tuwing siya ay papasok sa paaralan.

PAGYAMANIN NATIN:

Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtatala ng mga produkto at serbisyong


makikita sa inyong barangay.

PRODUKTO SERBISYO

OLD CABALAN INTEGRATED SCHOOL


Address: Bennet Road, Old Cabalan, Olongapo City
Contact Number: (047) 222 – 2376
e-mail Address: ocis-es@deped-olongapo.com
ocis-hs@deped-olongapo.com
School ID: 500756

You might also like