Ang komunikasyon ay maaaring maging mabisa sa maraming paraan, isa na sa mga ito
ay ang mungkahi na dinebelop ni Dell Hymes, ito ay ginamitan ng 'acronym' na SPEAKING:
Setting at Scene: Saan nag-uusap?
Ang setting ay tumutukoy sa lugar at panahon kung saan nangyari ang pagsasalita, samakatuwid, ito ay nagsasaad ng pisikal na pinangyarihan. Samantala, ang scene naman ay psychological setting o cultural definition ng isang senaryo, kabilang na ang mga katangian gaya ng lawak o saklaw ng pormalidad.
Participants: Sino ang kausap?
Ito ay tumutukoy sa ispiker at awdyens. Sino ang kalahok sa nasabing pag-uusap o talakayan.
Ends: Ano ang layunin?
Nakapaloob dito ang hangarin o layunin ng talakayan, sakop nito ang kalalabasan ng proseso ng komunikasyon.
Act Sequence: Takbo ng usapan.
Tumutukoy ito sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Keys: Pormal o Impormal?
Sa pamamagitan nito, malalaman natin kung ano ang kaparaanang gagamitin ng mga partisipante sa isang talakayan, maaring maging promal o impormal, berbal o hindi.
Instrumentalities: Ano ang midyum ng usapan?
Tumutukoy ito sa tsanel o daluyang gagamitin ng mga kalahok sa pakikipanayam o talastasan.
Norms: Ano ang paksa ng usapan?
Tuntuning panlipunang namamahala sa kaganapan at sa mga kilos/reaksyon ng mga partisipante.
Genre: Ano ang akto ng usapan?
Tumutukoy ito sa uri ng akto ng pagsasalita o kaganapan. Mahalagang mabatid ito ng mga kasali sa usapan upang malaman rin nila kung ano ang gagamitin ng genre, upang maki-ayon sa naturang usapan.