Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

VILLARICA, SHEKINAH SHERAH V.

BSED FILIPINO
3 AKTO NG PAGSASALITA AT MAGBIGAY NG HALIMBAWA.

Ang tagapagsalita ay maaring makagawa ng tatlong akto ng pagsasalita (speech acts):

1) Gampanin o tungkulin lokyusyonari


Ang lokyusyonari ay ang tungkulin o gawain ng pagsasabi ng isang bagay na
makabuluhan o may literal na nauunawaan sa paggamit ng wika. Ang kaalamang
panglinggwistika na ang puhunan sa pagsasagawa ng akto o kilos na lokyusyonari.
(may kahulugan).

Halimbawa:
Pangako kong tuturuan kitang sumayaw.

2) Gampanin o tungkulin ilokyusyonari


Ang ilokyusyonari ay isang tungkulin sa pagsasagawa ng isang bagay o isang mensahe
ayon sa intensyon ng nagsasalita. (may pwersa- performans sa akto ng pagsasabi ng
bagay)

Halimbawa:
a)Pangako
Magkita tayo mamaya at tuturuan kita ng sayaw.

b) Pakiusap
Edwin, maaari bang turuan mo akong magsayaw?

c) Pag-utos
Turuan mo akong magsayaw, kung ayaw mong tanggalin kita sa trabaho.

3) Gampanin o tungkulin perlokyusyonari


Ang perloksyunari ay ang gampanin o tungkuling dulot ng pwersang ilokyusyonari.

Pagsasabi ng isang bagay na kadalasang nagproprodyus ng mga tiyak na


konsikwensyal na epekto. (May konsikwens)

Halimbawa:
Pinanganak akong mananayaw, mabubuhay akong mananayaw, mamamatay akong
mananayaw!
VILLARICA, SHEKINAH SHERAH V.
BSED FILIPINO
KATEGORISASYON NG INTENSION NG TAGAPAGSALITA SA AKTO NG PAGSASALITA.
BIGYANG PALIWANAG ANG MGA ITO.

1. Aktong Representatibo- ang intensyon ng nagsasalita ay ilagay ang sarili sa


pagkakatiwala ng katotohanan ng sinasabi tulad ng pagtanggap, pag-uulat, paghinuha
at iba pa.

2. Aktong direktibo- ang intensyon ng nagsasalita ay iparinig o ipabasa ang isinasaad ng


kilos na kanyang pahayag.

3. Aktong komisibo- ang intensyon ng nagsasalita ay ilagay ang sarili sa pagsasakatuparan


ng kanyang tinuran sa isang paraan at sa darating na panahon tulad ng tinuran na
pangako, pagparusa at iba pa.

4. Aktong ibalwatibo- ang intensyon ng nagsasalita ay ituring ang kanyang ebalwasyon sa


mga bagay- bagay na tinutukoy tulad ng pagpapasalamat, pamumuna, pagtanggi, at
pagsang-ayon o kaya ay parusa.

5. Aktong establisado- ang intensyon ng nagsasalita ay lumikha ng bagong kaayusan


batay sa nilalaman ng kaanyuang pahayag tulad ng pagbabala, paghirang,
pagpapahintulot, pagpapatawag, at pagbibigay-permiso.

MGA KONTEKSTO NG DISKURSO: MAGBIGAY NG MGA HALIMBAWA

KONTEKSTONG PANGGRUPO

Halimbawa: pulong ng pamunuan ng isang samahang pang-mag-aaral

KONTEKSTONG PANG-ORGANISASYON

Halimbawa: memorandum ng isang pangulo sa kanyang kumpanya sa lahat ng empleyado

KONTEKSTONG PANGMASA

Halimbawa: pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante

KONTEKSTONG INTERKULTURAL

Halimbawa: pagpupulong ng mga pinuno ng ASEAN

KONTEKSTONG PANGKASARIAN

Halimbawa: usapang mag-asawa

You might also like