Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

8

Filipino 8
Quarter 2 – Module 6
Maikling Kuwento
Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata

Ikalawang Markahan – Modyul 6


Panimulang Pagtataya (Pre Test)

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Siya ang sumulat ng kuwentong “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata”.

A. Genoveva Edroza Maute


B. Genoveva Edroz Matute
C. Genoveva Edroza Matute
D. Geveva Edroza Matute

2. Ano ang palaging sinasabi ng estudyante sa kanyang guro bago ito umuwi.

A. “ Goodbye, Teacher”
B. “ Aalis na po ako teacher”
C. “ Ingat po kayo palagi teacher “
D. “ Paalam napo Teacher”

3. Ano sa palagay mo ang hindi kanais-nais na katangian ng isang guro sa kuwentong


tatalakayin?

A. Hindi kanais nais ang pag uugali.


B. Gusto niyang maging masaya ang mga bata
C. Maalalahanin sa mga estudyante
D. Nagpadala sa init ng kanyang ulo

4. Ano kaya ang kalagayan ng bata sa kuwento?

A. Siya ay inaapi ng kanyang kapitbahay.


B. Kaawa-awa dahil walang nag-aalaga sa kanya.
C. Mahirap sapagkat ito ay lumuwas lamang upang manilbihan at maging utusan.
D. Namuhay nang masagana dahil mayaman ang kanilang angkan.

5. Bakit kaya nasabi ng guro ang pahayag na “Nang sandaling iyon, siya ang aking
naging guro.”

A. Dahil sa siya ay nagsisisi sa kanyang ginawa o nasabi at napagtanto niya na


hindi lang ang bata ang dapat matuto sa paaralan kundi pati na rin ang guro.
B. Ipinadama ng bata ang pagmamahal sa kanyang guro sa pamamagitan ng
pagsunod nito sa kanyang mga utos.Karapat-dapat naman ang guro sa
pagmamahal ng bata dahil ang guro sa umpisa ay naghahangad na maging
masaya ang bata.
C. Sinuklian ng guro ang pagmamahal bata sa pamamagitan ng pag-unawa sa bata
kung ito ay pumupunta sa mga lugar na ipinagbabawal sa paaralan
D. Tama ang ginawa ng guro nap ag-uunawa sa bata dahil gusto din niyang
lumigaya ito.

iv
6. Paano sinuklian ng guro ang pagmamahal ng mag-aaral sa kanya?

A. Siya ay nagsisisi sa kanyang ginawa o nasabi at napagtanto niya na hindi lang


ang bata ang dapat matuto sa paaralang kundi pati na rin ang guro.
B. Ipinadama ng bata ang pagmamahal sa kanyang guro sa pamamagitan ng
pagsunod nito sa kanyang mga utos.Karapat-dapat naman ang guro sa
pagmamahal ng bata dahil ang guro sa umpisa ay naghahangad na maging
masaya ang bata.
C. Sinuklian ng guro ang pagmamahal bata sa pamamagitan ng pag-unawa sa bata
kung ito ay pumupunta sa mga lugar na ipinagbabawal sa paaralan
D. Tama ang ginawa ng guro na pag-uunawa sa bata dahil gusto din niyang
lumigaya ito.

7. Saan nangyari ang kuwento?

A. Sa Bahay
B. Sa Paaralan
C. Sa Simbahan
D. Sa Silid – Aklatan

8. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

A. Guro at mabuting estudyante


B. Guro at batang palaboy
C. Guro at masamang estudyante
D. Mga estudyante at mga guro

9. Ano kaya ang pamagat ng kuwentong tatalakayin?

A. Paglalayag sa Puso ng Isang Guro


B. Ang bata at ang Guro
C. Paglalayag sa Puso
D. Paglalayag sa Puso ng Isang Bata

10. Ilarawan ang bata sa kuwentong tatalakayin

A. Isang batang lalaki na maitim, may kaliitan at may kaitiman.


B. Isang batang lalaki na maputi, may kaliitan at may kaitiman.
C. Isang batang lalaki na maitim, may kalakihan at may kaitiman.
D. Isang batang babae na maitim, may kaliitan at may kaitiman.

v
Maikling Kuwento: Paglalayag sa
Aralin Puso ng Isang Bata
6

Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga layunin na dapat mong mapagtagumpayan


para sa iyong lubusang pagkatuto. Ang paksang pag-aaralan mo ay iikot sa isang kuwento
na Pinamagatang “ Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata “ na isinulat ni Genoveva
Edroza-Matute isang tanyag na manunulat sa Panahon ng Kasarinlan.
Sa araling ito, 80% antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ay inaasahan.

A. Nabibigyang-katangian ang mga tauhan batay sa napakinggang paraan ng


kanilang pananalita F8PN-IIg-h-26
B. Naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili, lipunan, at
daigdig F8PB-IIg-h-27.
C. Nabibigyang - kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa akda
F8PT-IIg-h-27

Handa ka na ba? Gagabayan kita sa pamamagitan ng modyul na ito. Huwag kang


mag-aalala magtiwala ka lamang sa sarili mo. Kaya mo ‘yan!

Subukin

Sa pamamagitan ng gawaing ito, susubukin ko ang kaalaman mo gamit ang


pagbibigay ng ebalwasyon sa tatalakaying aralin.

Gawain 1

Panuto: Sagutan ang tanong gamit ang isa hanggang tatlong pangungusap lamang.

Ano ang iyong hindi mo makakalimutan na karanasan kasama ang iyong guro?

1
Balikan

Gawain 2

Panuto: Naalala niyo pa ba ang ang nakaraamg tinalakay? Atin itong balikan sa
pamamagitan ng pagsagot.

Ilahad ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Tuklasin

Upang ganap na maunawaan ang aralin, bigyan mo ng pansin ang mga mahihirap
na mga salita na makikita natin sa akdang “Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata “.
Layunin nitong mapalawak ang iyong bokabularyo at mauunawaang lubos ang akda para sa
lubusang pagkatuto.

Gawain 3:

Panuto: Hanapin sa diksyunaryo ang kasingkahulugan ng mga salita at gamitin sa sariling

pangungusap ang mga ito.

Salita Kasingkahulugan Pangungusap

1. Nakintal

2. Punto

3. Pipis

4. Nagkakandirit

5. Kariktan

2
Suriin
Panuto: Basahin mo nang mabuti ang isang maikling kuwento

Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata


Ni: Genoveva Edroza Matute

Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung
nakaligtas siya sa nakaraang digmaan… nguni't ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin,
siya'y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa
akin, siya'y mananatiling isang batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may walong
taong gulang.

Pagkaraan ng daan-daaang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at lumisan


pagkatapos, pagkaraan ng mga taong ang ila'y nagdumali, ang ila'y nagmabagal at ang ila'y
nakintal sa gunita, buhay na buhay pa sa aking isipan ang kanyang mukha at ang kanyang
pangalan. Nguni't ang buhay sa lahat ay ang isang bagay na itinuro niya sa akin isang araw
nang siya angaking maging guro at ako ang kanyang tinuturuan.
Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog at pipis
niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tignan lamang iyo'y mahahabag na sa kanya
ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang
kakatuwang "punto" na nagpapakilalalng siya'y taga ibang pook.
Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti't pangit na batang ito, kahit sa simula
pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng gayon.
Tumutulong siya sa mga tagalinis at siya ang pinakamasipag sa lahat. Siya rin ang
pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang
panlinis. Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa lalagyan,
ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay ng upuan upang tingnan
kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa pagsasabi ng "Goodbye,
Teacher!"
Sa Simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahihiyain. Nakikita ko siyang
gumagawa nang tahimik at nag-iisa - umiiwas sa iba. Maminsan-minsa'y nahuhuli ko siyang
sumusulyap sa akin upang bawiin lamang ang kanyang paningin. Haba ko siyang tinatanaw
tuwing hapon, pinakahuli sa kanyang mga kasamahan, ay naiisip kong alam na alam niya
ang kanyang kapangitan, ang katutuwang paraan ng kanyang pagsasalita.
Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanna tungkol sa kanyang
buhay. Payak ang mga katotohanan: siya'y isang munting ulilang galing sa lalawigan,
lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa
paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang ank ng kanyang panginoon.

Nadama ko ang kakaibang kalungkutan: Nais kong makita siyang nakikipaghabulan


sa mga kapwa-bata, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal, napapasuot sa kaguluhang
bahagi ng buhay ng bawat bata. Kahit na hindi siya marunong, maging kanya lamang sana
ang halakhak at kaligayahan ng buhay-bata.
Tinawag ko siya nang madalas sa klase. Pinagawa ko siya ng marami't mumunting
bagay para sa akin. Pinakuha ko sa kanya ang mga tsinelas ko sa pinakahuling upuan sa
silid. Naging ugali niya ang pagkuha sa mga iyon, ang paghihiwalay sa mga iyon upang
itapat sa aking paa. Ang pagbili ng aking minindal sa katapat na tindahan, hanggang sa

3
hindi ko na kailangang sabihin sa kanya kung ano ang bibilhin - alam na niya kung alin ang
ibig ko, kung alin ang hindi ko totoong ibig.
Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munti't pangit na batang ito at
sa akin. Sa tuwi akong mangangailangan ng ano man, naroon na siya agad. Sa tuwing may
mga bagay na gagawin, naroon na siya upang gumawa. At unti-unti kong nadamang siya'y
lumiligaya - sa paggawa ng maliliit na bagay para sa akin, sa pagkaalam na may
pagmamalasakit ako sa kanya at may pagtingin sa kanya. Nahuhuli ko na siyang
nagpapadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan hanggang sa magkanghihiga sa likuran
ng silid. Nakikita ko na siyang nakikipaghabulan, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal.
Nagkakandirit hanggang sa tindahang bilihan ng aking minindal. At minsan o makalawa ko
siyang nahuling nagpapalipat-lipat sa pagtapak sa mga upuan.
At kung ang lahat ay wala na, kinakausap ko siya at sumasagot siya nang pagaril sa
Tagalog. At sa mga ganoong pagkakatao'y nagmumukha siyang maligaya at ang kanyang,
"Goodbye, Teacher," sa may-pintuan ay tumataginting. Sa mga ganoong pagkakatao'y
naiiwan sa akin ang katiyakang siya'y hindi na totoong napag-iisa at hindi na totoong
nalulumbay.
Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya'y
mahalaga at sa kanya'y may nagmamahal.
Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawa't bata. Nanukso na
siya sa mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo siyang naging maalala
at mapagmahal. Maligaya na siya.
Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong nagdaa'y
naamin ko sa sariling ang lahat ng iyo'y aking kasalanan. Mainit noon ang aking ulo,
umagang-umaga pa. At ang hindi ko dapat gawin ay aking gingawa - napatangay ako sa
bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na
aking ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang
pagsasalita ko sa kanyang ipinanaliit niya sa kanyang upuan. Nalimutan ko ang kanyang
pag-iisa, ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa
kanyang siya’y mahalaga at minamahal.
Nang hapong iyo’y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan. Ngunit
siya’y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang paghiwalayin ang
mga iyon at itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya sa tindahang katapat upang bilhin ang
aking minindal at nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa paglilinis at upang
ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay din niya ang mga upuan sa
bawat hanay, gaya ng kanyang kinamihasnan. Ngunit hindi siya tumingin sa akin minsan
man lamang ngang hapon iyon.
Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso’y kinapopootan niya ako ng
pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga huling buwan.
Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisa’t kawalan ng
pagmamahal ay makaaalam din sa kawalan ng katarungan. Ngayo’y paalis na siya, ang
naisip ko, nang may kapaitan sa puso.
Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong kapasiyahan sa
kanyang loob.
Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang
matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon upang
magsabi ng “Goodbye, Teacher.” Lumabas siya nang tahimik at ang kanyang mabibigat na
yabag ay lumayo nang lumayo.

4
Hango mula sa aklat “ Panitikang Filipino 8 p 63 ”

Nagustuhan mo ba ang kuwento? Upang ganap na masukat ang iyong pag-unawa


sa binasa, sagutan mo ang sumusunod na mga tanong.

Pagyamanin

Gawain 4

Mga Gabay na Tanong:


1. Anong katangian ang nakita ng guro kay Mabuti at bakit nais ng guro na mapalapit
sa kanya?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________

2. Ano ang tema o paksa ng nasabing akda? Patunayan


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______________________

3. Anong aral ang napulot mo sa kuwento?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________

5
Isaisip

Para mas mauunawaan mo pa ang aralin, gawin mo ang gawain na nasa ibaba para
sa iyong lubusang pagkatuto.

Gawain 5

Panuto: Punan ang mga kahon ng mga mensahe na nais ihatid sa atin ng may-
akda.Isaulat lamang ito sa iyong sagutang papel.

PAGLALAYAG SA PUSO NG
ISANG BATA

Ano ang mga katangian ni Mabuti? Ano ang mga katangian ng guro?
Ilarawan ang pagkakapareho ni Anong dinadanas ng ating lipunan
Mabuti at ng iyong sarili. na kung saan kailangan natin
maging kagaya ng Guro?

6
Isagawa

Gawain 6
Panuto: Mailalarawan mo ba ang hitsura ng upuan na ginamit nila Mabuti sa loob ng silid?
Iguhit ito sa kahon A. Ano kaya ang nais ipahiwatig sa palaging pagsasaayos ni Mabuti sa
mga upuan sa loob ng silid kahit na positibo o negatibo ang kanyang nararamdaman?
Ipaliwanag ito gamit ang dalawa hanggang limang pangungusap sa kahon B. Gawing gabay
ang rubrik sa pagbibigay puntos.

KAHON A KAHON B

Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
1. Angkop sa Paksa 40%
2. Pagkamalikhain 30%
3. Orihinalidad 20%
4. Kalinisan 10%
Kabuoan 100%

Tayahin

Gawain 7

Panuto: Basahin nang mabuti at unawain ang bawat tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Bakit natuwa ang guro sa bata?

A. Dahil mabait siyang bata at maaasahan sa lahat ng mga gawain .


B. Dahil siya ay malambing na bata, guwapo, makisig at malinis pa.
C. Dahil gumagawa siya ng mga bagay –bagay na nagpapasaya sa kanyang guro
mula sa pagbibigay sa kanya ng tsinelas hanggang sa pagtulong nito sa pag-
aayos sa klase.
D. Siya ay masunuring bata kahit anong iniutos sa kanya ay ginagawa niya kahit
labag sa kanyang kalooban

2. Bakit kaya nasabi ng guro ang pahayag na “Nang sandaling iyon, siya ang aking
naging guro.”

7
A. Dahil sa siya ay nagsisisi sa kanyang ginawa o nasabi at napagtanto niya na
hindi lang ang bata ang dapat matuto sa paaralang kundi pati na rin ang guro at
natutong magpakumbaba dahil sa ipinakitang magandang kalooban ng batang
iyon.
B. Ipinadama ng bata ang pagmamahal sa kanyang guro sa pamamagitan ng
pagsunod nito sa kanyang mga utos.Karapat-dapat naman ang guro sa
pagmamahal ng bata dahil ang guro sa umpisa ay naghahangad na maging
masaya ang bata.
C. Sinuklian ng guro ang pagmamahal ng bata sa pamamagitan ng pag-unawa sa
bata kung ito ay pumupunta sa mga lugar na ipinagbabawal sa paaralan
D. Tama ang ginawa ng guro na pag-uunawa sa bata dahil gusto din niyang
lumigaya ito.

3. Paano sinuklian ng guro ang pagmamahal ng mag-aaral?


A. Dahil sa siya ay nagsisisi sa kanyang ginawa o nasabi at napagtanto niya na
hindi lang ang bata ang dapat matuto sa paaralang kundi pati na rin ang guro at
natutong magpakumbaba dahil sa ipinakitang magandang kalooban ng batang
iyon.
B. Ipinadama ng bata ang pagmamahal sa kanyang guro sa pamamagitan ng
pagsunod nito sa kanyang mga utos.Karapat-dapat naman ang guro sa
pagmamahal ng bata dahil ang guro sa umpisa ay naghahangad na maging
masaya ang bata.
C. Sinuklian ng guro ang pagmamahal sa bata sa pamamagitan ng pag-unawa sa
bata kung ito ay pumupunta sa mga lugar na ipinagbabawal sa paaralan
D. Tama ang ginawa ng guro nap ag-uunawa sa bata dahil gusto din niyang
lumigaya ito.
4. Isang kilalang manunulat ng maikling kwento. Siya ay ginawaran ng Palanca Award
at pinarangalan.
A. Severino Reyes
B. Jose Corazon de Jesus
C. Lualhati Bautista
D. Genoveva Edroza Matute
5. Ano ang paksang diwang nakapaloob sa kuwento?
A. Maging masunuring estudyante
B. Dapat hindi basta-basta nagpadala sa damdamin upang hindi makasakit sa
kapwa
C. Igalang ang guro
D. Kilalanin muna ang tao bago manghusga.

Karagdagang Gawain
Para sa iyong karagdagang kaalaman sa panitikan ang simbolismo ay isang
bagay na kumakatawan sa iba pang abstract na ideya, na maaaring maging bagay, tao,
hayop, panahon o kahit na kulay. Halimbawa bandila na ang ibig sabihin ay sumisimbolo ng
ating bansa. Naunawaan mo na ba? Ibinahagi ko ito sa iyo dahil ito ay may kaugnayan sa
susunod na gawain .

8
Gawain 8:
Panuto: Iguhit ang iba pang simbolismo na ginamit ng may akda sa kuwento at ipaliwanag
kung bakit ito ang ginamit ng may akda? Gagamit ng rubrik para sa pagmamarka.

Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
5. Angkop sa Paksa 40%
6. Pagkamalikhain 30%
7. Orihinalidad 20%
8. Kalinisan 10%
Kabuoan 100%

Magaling! Binabati kita! Natapos mo ng sagutan ang mga gawain natitiyak


kong maraming kang natutunan. Ipagpatuloy mo ang iyong magandang kaugalian.

Pagtatasa (Post Test)

Panuto: Basahin nang mabuti at unawain ang bawat pangungusap. Bilugan ang letra
ng tamang sagot.

1. Ano ang palaging sinasabi ng estudyante sa kanyang guro bago ito umuwi.

A. “ Goodbye, Teacher “
B. “ Aalis na po ako teacher “
C. “ Ingat po kayo palagi teacher”
D. “ Paalam nap o Teacher”

2. Ano ang ibig sabihin ng salitang nagdumali?

9
A. Nag-aapura o gustong maging mabilis.
B. Tumanim sa isip at nabuo sa kaisipan
C. Umalis
D. Nabundol

3. Bakit natuwa ang guro sa bata?

A. Dahil mabait siyang bata.


B. Dahil siya ay malambing na bata.
C. Dahil sa mailiit na bagay na ginagawa ng bata gaya ng pagkuha ng tsinelas at
pagsasaayos ng silid. Ang guro ay nakararamdam ng saya.
D.Siya ay masunurin kahit anong inutos sa kanya ay ginagawa niya.

4. Bakit kaya nasabi ng guro ang pahayag na “Nang sandaling iyon, siya ang aking
naging guro.”

A. Dahil sa siya ay nagsisisi sa kanyang ginawa o nasabi at napagtanto niya na


hindi lang ang bata ang dapat matuto sa paaralang kundi pati na rin ang guro
at natutong magpakumbaba dahil sa ipinakitang magandang kalooban ng
batang iyon.
B. Ipinadama ng bata ang pagmamahal sa kanyang guro sa pamamagitan
ng pagsunod nito sa kanyang mga utos.Karapat-dapat naman ang guro sa
pagmamahal ng bata dahil ang guro sa umpisa ay naghahangad na maging
masaya ang bata.
C. Sinuklian ng guro ang pagmamahal bata sa pamamagitan ng pag-unawa sa
bata kung ito ay pumupunta sa mga lugar na ipinagbabawal sa paaralan
D. Tama ang ginawa ng guro nap ag-uunawa sa bata dahil gusto din niyang
lumigaya ito.

5. Paano sinuklian ng guro ang pagmamahal ng mag-aaral?

A. Dahil sa siya ay nagsisisi sa kanyang ginawa o nasabi at napagtanto niya na


hindi lang ang bata ang dapat matuto sa paaralang kundi pati na rin ang guro
at natutong magpakumbaba dahil sa ipinakitang magandang kalooban ng
batang iyon.
B. Ipinadama ng bata ang pagmamahal sa kanyang guro sa pamamagitan ng
pagsunod nito sa kanyang mga utos.Karapat-dapat naman ang guro sa
pagmamahal ng bata dahil ang guro sa umpisa ay naghahangad na maging
masaya ang bata.
C. Sinuklian ng guro ang pagmamahal sa bata sa pamamagitan ng pag-unawa
sa bata kung ito ay pumupunta sa mga lugar na ipinagbabawal sa paaralan
D. Tama ang ginawa ng guro nap ag-uunawa sa bata dahil gusto din niyang
lumigaya ito.

6. Sumulat ng kuwentong “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata”.

A. Genoveva Edroza Maute


B. Genoveva Edroz Matute

10
C. Genoveva Edroza Matute
D. Geveva Edroza Matute

7. Isang kilalang manunulat ng maikling kwento. Siya ay ginawaran ng Palanca


Award at pinarangalan.

A. Severino Reyes
B. Jose Corazon de Jesus
C. Lualhati Bautista
D. Genoveva Edroza Matute

8. Ano ang paksang diwang nakapaloob sa kuwento?


A. Maging masunuring estudyante
B. Dapat hindi basta-basta nagpadala sa damdamin upang hindi makasakit sa
kapwa
C. Igalang ang guro
D. Kilalanin muna ang tao bago manghusga.
E.
9. Alin sa sumusunod ang katangian ng guro sa kuwento
A. Mabait
B. Maalalahanin sa mga estudyante
C. Gusto niyang maging masaya ang mga bata
D. Nagpadala sa init ng kanyang ulo

10. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento?


A. Guro at mabuting estudyante
B. Guro at masamang
C. Guro at batang palaboy
D. Mga estudyante at mga guro

SANGGUNIAN
Enrijo et. Al, (2013). Panitikang Pilipino. Meralco Avenue, Pasig City. Philippines.Book
Media Press, Inc.

Villaverde, Sharon A., “ Daluyan” REX Publishing Inc 2015

11

You might also like