Professional Documents
Culture Documents
Activity Sheet in Esp 10
Activity Sheet in Esp 10
PANIMULA
Ang ISIP ay ang tutuklas ng mga bagay na tama at mabuti. Ang KILOS LOOB naman ang
siyang magsasagawa nito.
Ang isip at kilos loob ay kambal na kapangyarihan ng tao na nakakapagbukod tangi sa kanya.
Ang tao ay may mataas at malalim na antas ng pag-iisip at malayang kilos loob na nararapat niyang
gamitin nang tama sa pagpapasiya at pagkilos upang magamit niya nang tama sa pagpapasya at pagkilos.
Ang isip ay may kapangyarihang umunawa, umalam, tumuklas, magbigay kahulugan, at magsuri
sa mga kaalaman. Samantalang ang kilos loob naman ay may kapangyarihang magpasyang pumili batay
sa mga nakalap na impormasyon ng isip. Ang kilos loob ay malaya at nag-uudyok na piliin ang mabuti o
masama ayon sa pagkakaunawa ng isip.
Magkaugnay ang dalawang kapangyarihang ito at hindi mapaghihiwalay. Ang kilos loob ay likas
na pagkagusto o pagkahilig sa mabuti. Ang isip ay may kakayahang magsuri, magtaya at maghusga
tungkol sa mga bagay, pangyayari o sitwasyon na inilalahad sa kilos loob. Ang kilos loob ay likas na
mabuti dahil ang ating Manlilikha ay likas na mabuti, maaari lamang maimpluwensyahan ito ng isip.
GAWAIN 1
PANUTO: PAGHAMBINGIN MO
Alam mo ba ang pinagkaiba ng iba’t-ibang nilalang ng kinikilalang Diyos ng bawat isa? Alam mo
ba ang pinagkaiba ng mga hayop sa tao? Punan ang Diagram ng inyong kasagutan. Sa magkabilang panig
ay ang pinagkaiba, sa gitna ay ang pagkakapareho.
GABAY NA TANONG:
1. Ano ang mga bagay o katangian na wala sa hayop ngunit mayroon ang tao. Bigyang patunay.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Mula sa mga nakita mong pagkakaiba ng tao at hayop, alin sa dalawang ito ang mataas na uri ng
nilalang? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
GAWAIN 2
Ano ang mga naiisip mong Ano ang pipiliin mong gawin
Sitwasyon gawin? at bakit ito ang gagawin mo?
Niyaya ka ng
girlfriend/boyfriend mong
makipagtalik o makipagsex
KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Tungkulin ng tao na kumilos nang mabuti dahil ibinigay sa atin ng pinaniniwalaan nating
Diyos ang kapangyarihang mag-isip at ang kalayaang kumilos. Mula sa simbolo ng isip at kilos loob,
mag-isip ka ng mga kaparaanan kung paano mo mapauunlad o mapapahalagahan ang iyong isip at kilos
loob. Ito ang inyong unang proyekto sa ESP 10. Hahayaan ka ng iyong guro sa presentasyon ng iyong
proyekto.