FILIPINO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Lorraine Grace P. Go Grade 10 – St.

Mark Filipino 10

1. Bilang isang Pilipino, paano mo maipapakita ang iyong pagiging makabayan lalo
na sa panahon ng krisis tulad na lamang ng Covid-19 Pandemic?

Una, ipagdadasal ko palagi ang kaligtasan ng aking mga kababayan lalo na sa mga
frontliners na bigyan sila ng ating Panginoon ng lakas ng loob sa pagharap laban
sa corona virus. Pangalawa, tutulong ako sa mga taong lubos na apektado sa
paraan ng pagbibigay donasyon. Pangatlo, hihikayatin ko ang lahat na maging
maingat at malinis upang hindi tayo madapuan ng kahit anong sakit.

2. Sino-sino sa mga tauhan sa El Fili ang dapat na tularan at hindi tularan ng mga
Pilipino upang mapagtagupayan ang malaking problemang ito ng ating bansa?

Ang dapat na tularan na tauhan sa EL Fili ay si Isagani. Siya ay may labis na


pagmamahal sa kanyang bayan. Bago dumating sa kanyang buhay si Paulita ay
itinuring niyang kasintahan ang kanyang bayan. Ginagawa niya ang lahat para sa
ikabubuti ng kanyang mga kababayan. Handa siyang mamatay para sa bayan. Ang
hindi naman dapat tularan na tauhan ay si Padre Salvi. Siya ay isang masamang
klaseng tao. Wala siyang ibang ginagawa kundi siraan at pabagsakin ang mga
taong walang ginawang masama. Wala siyang pakialam, respeto, at pagmamahal
para sa kanyang bayan.

3. Ilarawan gamit ng 3 pang-uri ang iyong mga karanasan sa pang araw-araw na


buhay mula nang magsimula ang lockdown sa ating lalawigan?

Malungkot ang aking nadaramma sa pang araw-araw na buhay mula nang


magsimula ang lockdown dahil alam kong maraming tao ang nahihirapan sa
sitwasyon na ating hinaharap ngayon halimbawa na lamang ng mga taong
nawalan ng trabaho. Sobrang lungkot dahil hindi ko rin nakakasama ang aking
mga kaibigan. Nanibago ako dahil hindi ito ang nakasanayan kong mundo. Yung
dating maingay at magulong mundo ay sa isang iglap bigla nalang naging tahimik.
KABANATA 24
Mga Pangarap

Nagkita sina Paulita at si Isagani. Napag-usapan nila ang maraming bagay-bagay


tuland ng mga pangarap hindi lamang sa kanyang sarili kundi para sa kanyang
bayan.
1. Isa-isahin ang mga pangarap na gustong makamit ni Isagani.

 Pangarap ni Isagani ang makamtan ng mga kababayan niya ang Kalayaan.


 Pangarap din ni Isagani na mapangasawa si Paulita at maksama ito habang
buhay.
 Nais na mamuhay ni Isagani ng simple sa kanyang kinalakihang lugar na
mapayapa.

2. Ipaliwanag: “Karangalan ang mamatay nang dahil sa bayan” anong katangian ang
ipinamalas ni Isagani sa pahayag na ito.

Karangalan talaga ang mamatay dahil sa bayan sapagkat lumalaban ka hindi


lamang para sa sarili mo kundi para sa kapakanan ng iyong mga kababayan.
Handa si Isagani mamatay para lang sa kapakanan ng kanyang bayan at dahil dito
ipinamalas niya ang pagiging Makabayan.

You might also like