Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 127

Bartenders Series 7: Cordials (Complete)

by rhodselda-vergo

Japanese-Filipino, ipinanganak sa Pilipinas ngunit namulat sa batas ng mga ninunong


Hapón. Seryoso, prangka, sarkastiko at mahilig mam-bully ng mga babae. Sadista sa
salita ngunit malambing sa gawa. Mataas ang pride. Mahilig siya sa Asian at Organic
foods. Child lover. Masunuring anak, butihing leader. Mailap nga lang siya sa mga
babae, pero kahinaan din niya ang mga ito. Liquor lover pero hindi mahilig uminom
ng alcoholic drinks.

=================

Teaser

HINDI gusto ni Anniza Montales ang tinapos na kurso. Wala sa plano niya ang maging
Architect. Gusto niyang maging modelo pares ng ate niya. Ngunit dahil wala siyang
kapatid na lalaki, siya ang pinilit ng papa niya na sundan ang yapak nito.

Ipinasok siya nito sa Construction site na pag-aari ng kaibigan nito. Hindi niya
inseryoso ang trabaho niya. Ngunit nang makilala niya ang Engineer na walang ginawa
kundi pintasan ang trabaho niya ay bigla siyang nagpursige na paghusayan at
paglaanan ng panahon ang trabaho niya.

Si Engr. Hanzen Kurama—unang pagkikita pa lamang nila ng lalaki ay sinusungitan na


siya, minamaliit ang kakayahan niya at ipinamukha sa kanya na wala siyang
karapatang maging Architect. Nainsulto siya sa sinabi nitong... “Dapat Miss
Universe Crown ang ipinatong sa ulo mo hindi safety cap. Wala ka namang ginawa
kundi rumampa, e. Mag-audition ka kaya baka suportahan pa kita...”

Nagtanim siya ng poot sa lalaki, ngunit bakit sa halip na mainis ay tila kinikilig
siya sa tuwing nagsusungit ito sa kanya? Magagawa kaya niyang paamuhin ang puso
nitong kasing ilap ng tigre?

=================

Special Chapter

Bartenders Series ay napapatungkol sa mga magkakaibigan na natagpuan ang isa't-isa


sa parehong pagkahilig sa iba't-ibang uri ng liquor. Umiikot ang kani-kanilang mga
buhay sa isang Bar na kanilang naitatag at hindi hadlang ang tunay nilang propisyon
upang pangatawanan nila ang negosyo. Sa propisyon din nilang iyon matatagpuan ang
babaeng magpapatibok sa kani-kanilang mga puso. Naging sandigan nila ang isa't-isa
sa panahon ng dusa at hirap, sa luha at saya...

Ang nobelang ito ay napapatungkol sa kuwento ng pag-ibig, pagkakaibigan, pamilya at


mga propisyong napapanahon. Nawa’y magbigay insperasiyon sa bawat mambabasa ang
bawat kaganapan sa kuwento. Isa itong Fictional Story pero ito po ay may kinalaman
sa totoong kaganapan sa buhay ng bawat tao.

History: Ang series novel na ito ay nabuo dahil sa isang lasing na lalaki na nakita
ko minsan sa isang bar noong taong 2010. Sumama ako sa mga katrabaho ko pero sila
lang ang uminom. Hindi kasi ako talaga umiinom maliban sa tubig, hehehe.

Hindi naalis ang paningin ko sa mamang lasing na nagsasalita mag-isa. Nagagalit


siya, minsan naman ay tumatawa at umiiyak. Sabi ko sa sarili ko, “Baliw ata ‘to.”
Natanong ko sa sarili ko, “Bakit nga ba naglalasing ang isang tao?” Sagot naman ng
‘anghel’ na nasa gawing kanan ng isip ko. ‘May problema sila kaya sila umiinom.
Para kahit sandali ay makakalimot sila. Maraming dahilan, minsan, para magdiwang ng
tagumpay. Ang iba naman, gusto lang makatulog ng mahimbing,’

Sumagot naman ang ‘demonyong’ nasa gawing kaliwa ng isip ko, ‘E kasi, gusto nilang
magkaroon ng lakas ng loob para makagawa ng imposible. Para kumapal ang mukha nila
at makapaghasik sila ng kasamaan, HAHAHAHAHAHA!’ Nanrindi ang tenga ko. Hinayaan ko
na ang ‘anghel’ at ‘demonyo’ na mag-diskusyon sa likod ng isip ko.

Nang tingnan ko ang mama ay nakatulog na ito sa ibabaw ng mesa. Iginala ko ang
paningin ko sa paligid, iba-ibang klase ng tao ang nakikita ko. May lalake, babae,
bakla, tomboy, matanda, binata, dalaga, piling binata’t dalaga. Ang daming
nangyayari, may nag-aaway, naghahalikan sa gigilid, may nagtatawanan, may
nagbabahagi ng problema etc. Ganito pala ang buhay sa mundong ibabaw. Napagtanto
ko, hindi naman pala sa lahat ng pagkakataon ay bad impluence ang alak. Ngayon ko
lang na-realize na marami din pala itong magagawa sa buhay ng tao. Noon, naiirita
ako sa taong lasing. Nakakainis kasi talaga! Pero ngayon, naiintindihan ko na kung
bakit.

At dahil sa experience ko na iyon, bigla akong nagka-ideya para sa isang naiiba at


in-demmand na nobela. Hum, ang daming pumapasok sa isip ko hanggang sa mabuo ko ang
nakakaaliw na kuwento.

Ang una kong naisip na pamagat ng series ay “Hangovers” at nang malaman ko na nag-
aral ng Bartending ang dalawa kong kapatid na lalaki ay bigla kong naisip ang
“Bartenders” mas cool. Tinanong ko sila sa mga napag-aralan nila, nag-research ako.
At doon ko nalaman na ang dami pala ang uri ng liquor sa mundo.

So nakapagsulat na ako, pero draft lang. Nang i-post ko sa facebook at booklat site
nitong taon lang ang advertisement ng series—ay nagulat ako nang marami ang nag-
like. Plano ko sana na apat lang ang gagawin ko, kaso maraming friend ko sa fb at
co-writer ko na nag-request na gawin ko silang leading-lady ng mga hero ko.

E, ang dami nila. Kaya tuloy, ang apat ay naging isang dosena. Haha, napasubo ako.
Pero sige na nga. Naging insperasyon ko rin ang nobelang ito kasi natutuwa ako sa
concept na ginamit ko at naging mas open minded ako at ang dami kong bagong
natutunan. Ito ang history ng series na ito. Thank you!
Cordial’s Identity: 

Pen name: Cordials

Real name: Hanzen Kurama

Signature Attitude: The Man with arrogant Heart

Catch line: “Oo, makasarili ako kasi hindi kita kayang ipamigay sa iba. Akin ka
lang, mahirap bang unawain ‘yon..?”

Age: 31

Status: In a relationship with Anniza Montales

Occupation: Engineer/Martial Arts Instructor

Short Profile: Japanese-Filipino, ipinanganak sa Pilipinas ngunit namulat sa batas


ng mga ninunong Hapón. Seryoso, prangka, sarkastiko at mahilig mam-bully ng mga
babae. Sadista sa salita ngunit malambing sa gawa. Mataas ang pride. Mahilig siya
sa Asian at Organic foods. Child lover. Masunuring anak, butihing leader. Mailap
nga lang siya sa mga babae, pero kahinaan din niya ang mga ito. Liquor lover pero
hindi mahilig uminom ng alcoholic drinks.
Trivia about Cordials:

         Liqueurs, or cordials, are just as important as the base liquors in the
bar, and some are more important than others. A liqueur is a sweet distilled spirit
with sugar contents starting at 2.5 percent, with the sweetest (i.e. crèmes) going
far beyond that.

These spirits often begin with a base liquor, which could be anything from a
neutral grain alcohol to a brandy, whiskey, or rum. Sugar is added to the base
along with a mix of herbs, fruits or spices depending on the desired result and
flavor.

                 

    Gentlemen’s Bar & Restaurant members:

                  

         #1-Rum Lorence Ong- Manager/Bartender

         #2-Gin Andrew Baltazar- Investor/Bartender

         #3-Whiskey Jason Del Rosario- General Manager/Bartender

         #4-Brandy Martin Duellas- Investor/Bartender

         #5-Bourbon Sean Lee- Investor/Music operator/Bartender

         #6-Scotch James Miller- Flair Bartender/Waiter

         #7-Cordials Hanzen Kurama- Investor/Bartender

         #8-Cognac Mateo Abarde- Bartender/Waiter

         #9-Vodka Israel Montel- Investor/Bartender

         #10-Tequila Miguel Rosales- Executive Chef/Restaurant Manager


         #11-Moonshine Ruzlee Young- Bartender/Waiter

         #12-Wine Wallace de Vega- Investor/Bartender/Manager

=================

Chapter One

NAIINGGIT si Anniza sa ate niya sa tuwing mapapanood niya ito na rumarampa sa


intablado. Noong mga bata pa sila ni Arian ay madalas silang nagpapasiklaban sa
pagandahan.

Siya ang mas interesado na maging modelo pero mas nabigyan ng oportunidad ang ate
niya na wala naman noon balak maging modelo. Lahat ng pinangarap niya noon ay
walang ni isang natupad. Napunta ang lahat ng iyon sa ate niya.

Masama ang loob niya sa Papa niya dahil sa pagtutol nito sa kagustuhan niya. Wala
siyang nagawa nang pag-aralin siya nito para maging Architect. Kahit papano’y
tinapos niya ang kurso at nakapasa siya sa exam.

Nagdaos ng munting salo-salo ang magulang niya bilang pagpapasalamat sa kasipagan


niya sa pag-aaral. Dumalo rin ang ilang mga kaklase niya at guro. Masaya naman siya
kahit papano.

“Congratulations, Anniza!” bati ni Engr. Duellas kay Anniza. Si Engr. Duellas ang
may-ari ng construction site na pinagtatrabahuhan ng Papa niya.

“Maraming salamat po, Engineer,” malumanay na tugon naman niya.

Sa kasalukuyang dinaraos ang piging para sa kanyang tagumpay na ginaganap sa bahay


nila sa Quezon city. Naroroon lahat ng mga kaibigan ng Papa niya.

Nilapitan pa siya ni Engr. Duellas sa table niya para lang batiin. Minsan na niya
itong nakita noong isinama siya ng Papa niya sa kompanya ng mga ito.

“Excited na akong mapabilang ka sa kompanya ko, hija. Ikaw ang kauna-unahang


Architect na babae sa kompanya ko pagkuwan,” wika ng ginoó.

Natigilan siya. Hindi niya malaman kung dapat ba siyang matuwa o malulungkot.
Talaga palang gagampanan niya ang kursong tinapos. Akala niya’y magagawa na niya
ang gusto niya kapag nakapagtapos siya ng pag-aaral.

“Ano po’ng ibig n’yong sabihin, Engineer?” pagkuwa’y tanong niya.


“Napag-usapan namin ng Papa mo na pagkatapos mong mag-aral ay magtatrabaho ka sa
kompanya ko. Natutuwa ako at iyon din pala ang plano niya,” anito.

      Nag-aalangan siyang ngumiti. Plano kasi niya na pumasok sa fashion company na
pinagtatrabahuhan ng ate niya. Plano niyang kakausapin ng masinsinan ang papa niya.
Pero tila hindi na siya mabibigyan ng pagkakataon.

Nang mapagsolo sila ng Papa niya ay sinubukan niya itong kausapin. Nagpapahinga na
ito sa sala nang lapitan niya. May iniinom itong red wine habang nanonood ng
telebisyon.

“Congratulations, Anak!” bati ni Welfredo kay Anniza.

Umupo naman siya sa tabi nito at kunwari ay naglalambing. Yumakap siya sa likod
nito.

“Ang guwapo talaga ng Papa ko at ang matcho pa,” aniya. Pinisil-pisil siya ang
muscle nito sa braso.

“Naku, kinakabahan ako sa mga paglalambing mo na iyan, anak, a,” natatawang wika ng
ginoó.

“E, Papa naman....” Bahagyang lumuwag ang pagkakayakap niya rito.

“Anak, alam kung kukumbinsihin mo na naman ako tungkol riyan sa pagmomodelo.


Sinasabi ko sa iyo, huwag ka nang umasa na mapapayag mo ako. Ngayon pa na
nakapagtapos ka na. Bukas makalawa ay magsisimula ka na sa trabaho bilang Architect
kaya tigilan mo na ang pangungulit sa akin,” prangkang pahayag ni Welfredo.

Bumusangot siya at dagling kumalas sa pagkakayakap mula sa Papa niya. Alam naman
niyang hindi niya ito makukumbinsi pero heto pa rin siya at nangungulit.

“Puwede naman ako mag-model kahit nagtatrabaho ako sa construction site, eh. Hindi
naman araw-araw ay magtatrabaho ako sa fashion company,” giit niya.

Inakbayan siya nito. “Anak, ayaw ko’ng umasa ka. Huwag mong hintayin ang
pagkakataon na pagtatalunan na naman natin ito,” anito.

Hindi na lamang siya umimik. Humalik na lamang siya sa pisngi nito saka padabog na
umakyat siya sa hagdan at tinungo ang kuwarto niya.

Makalipas ang isang linggo, sumama na si Anniza sa construction site na


pinagtatrabahuhan ng Papa niya. Ang alam niya’y bibisita lamang siya kaya tudo ayos
siya sa sarili.
Plano kasi niyang dumiretso sa studio kung saan rarampa ang ate niya mamayang gabi.
Isinuot niya ang pinakamaganda niyang casual dress na pula na terno sa three inches
niyang sandals. Manipis na make-up lamang sa mukha baka masita na naman siya ng
Papa niya.

Pagdating sa naturang construction site ay nalintikan na siya. Masisira pa ata ang


beauty niya sa kakaakyat-panaog nila sa ikalawang palapag. Pinakilala naman siya ni
Engr. Duellas sa anak nitong Engineer din.

“Siya si Martin, Anniza. Siya ang magiging guide mo,” sabi sa kanya ni Engr.
Duellas matapos silang magkadaupang palad ni Martin.

Pagkuwa’y iniwan na siya ng Papa niya at ni Engr. Duellas kay Martin sa Engineers’
office.

Napansin niya si Martin na para bang walang balak tumayo. Nakaluklok lang ito sa
silya nito habang abala sa pagtipa sa cellphone nito. Umupo siya sa katapat nitong
silya.

“Nagpasa ka na ba ng resume mo sa HR?” mamaya’y tanong nito sa kanya.

“Ah, oo,” tipid niyang sagot.

Pagkuwa’y ibinaling nito ang tingin sa kanya. Guwapo si Martin, mukhang mabait.
Pakiwari niya’y may dugo itong banyaga dahil sa kayumanggi nitong mga mata at
mamula-mulang balat.

“Fresh graduate ka pala, ano? Mukhang marami ka pang kakaining bigas para
magustuhan mo ang propisyon mo,” anito. Nakangisi ito.

Tinitigan niya ito. “Baka nga maubos na lang ang bigas sa kakakain ko, e, hindi ko
magugustuhan ang propisyon ko. Anemic pa ang labas ko,” pilyang sabi niya.

Bahagyang natawa si Martin. “I got you. Ramdam kita kaya huwag ka nang malungkot.
Masasanay ka rin naman kapag nagtagal ka rito. Huwag kang mag-alala, mababait kami
rito,” anito.

Ngumiti lamang siya. Mababait nga ba?

Mayamaya’y may kumatok sa pinto sabay bumukas iyon at lumitaw ang bulto ng isang
guwapo at seryosong lalaki. Nagkasabay pa sila ni Martin na napatingin sa pumasok
na lalaki.

“O, Gin, akala ko hindi ka papasok,” bungad ni Martin sa lalaking dumating.


“Tinawagan ako ng daddy mo,” sagot lamang ni Gin.

Hindi na naalis ang tingin niya sa lalaki na tila isang gayuna na sa isang iglap ay
nakuha nito ang puso niya. Kumakabog ang dibdib niya lalo na nang mapatingin ito sa
kanya.

“Siya nga pala, Anniza, siya si Archt. Andrew Baltazar, A.K.A Gin,” pagkuwa’y
pakilala ni Martin.

Tumayo naman siya at lumapit kay Gin. “Hi!” aniya sabay alok ng kanang kamay sa
lalaki.

“Siya si Anniza, Gin, anak ni Engr. Montales. Siya ang bagong Architect natin,” ani
Martin.

Tinitigan lamang siya ni Gin at tila hindi nito nakikita na naka-abang ang kamay
niya. Nangangawit na siya, hindi ba nito alam?

“Welcome!” bagkus ay sabi lamang ni Gin. Tinalikuran siya nito at umupo ito sa tabi
ni Martin.

Uminit ang bunbunan niya. Sobrang pagkapahiya ang nararamdaman niya. Naikuyom na
lamang niya ang palad niya. Abala na ang dalawang lalaki sa pag-uusap kaya hindi na
niya inabala ang mga ito.

Lumabas na lamang siya. Isang minuto na lang kasi ay kakausapin na siya ng HR.
Hindi pa rin siya maka-take over sa asal na pinamalas sa kanya ng guwapong si Gin.
Iyon ang unang pagkakataon na may lalaking dinidedma siya.

Kainis! Akala ko soul mate na ‘yon pala evil from hell! Tsk! naiinis na naisaloob
niya habang tinatahak niya ang daan patungo sa HR office.

Dinukot niya sa bag ang cellphone niya at nagtitipa habang malalaki ang hakbang.
Kung kailan nai-deal na niya ang numerong tatawagan niya ay bigla namang may
lapastangang bumunggo sa balikat niya.

Napalakas ang pagkakabunggo kung kaya’y nabitawan niya ang pinakamamahal at


kaingat-ingatn niya’ng cellphone. “O my gosh!” bulalas niya.

Hinabol niya ang tingin ang lalaking tila walang pakialam at tumuluy-tuloy sa
paglalakad.

“Hoy!” Sinigawan niya ito.

Aba’y hindi man lang ito huminto o lumingon. Sa inis niya’y hinabol niya ito at
hinablot ang laylayan ng t-shirt nito. Sa paraang iyon ay napahinto ang lalaki at
humarap sa kanya.

Mariing nakakunot ang noo nito. Lalong naningkit ang medyo singkit na nitong mga
mata.

“May problema?” masungit pang tanong nito. Itinabing pa nito ang kamay niya na
nakahawak sa laylayan ng damit nito.

“Huh, tinanong mo pa ako? Bulag ka ba? Manhid? Hindi mo man lang nakita o
naramdaman na may nabangga ka?” nakapamaywang na saad niya.

“Nagmamadali ako,” sabi lang nito.

“Nagmamadali? Paano ang cellphone ko na nawasak? Ni sorry sana, ano?” mataray na


sabi niya.

“Magkano ba ‘yong cellphone mo?” tanong pa nito.

Nayayabangan siya rito.

“Kahit hindi mo na bayaran. I want to hear something from you,” aniya.

“Nagmamadali ako,” giit nito.

Gusto na niya itong sambunutan. Gusto lang naman niyang marinig mula rito ang
salitang ‘sorry’.

“Wala ka man lang bang sasabihin?” tanong niya.

“Marami na akong sinabi,” pilosopong tugon nito.

“Binangga mo ako. Ano ba dapat ang sasabihin mo? Diyos por santo, ginoó,”
naiiritang sabi niya.

“Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo. Kasalanan ko pa ngayon kung tatanga-


tanga ka? Masyado mo na akong naaabala, o,” sabi pa nito sabay sipat sa relos na
suot nito.

Awtomatiko’y umusok ang bunbunan niya. Kumilos siya upang sampalin ito ngunit
tinalikuran na siya nito. Hangin ang nasampal niya.

“Hoy! Wala kang modo!” sigaw niya.


Talagang hindi na siya nito nilingon hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.
Nanggagalaiti siya.

“Arg! Nakakainis siya!” Pakiramdam niya’y sasabog ang puso niya sa sobrang inis.

Binalikan na lamang niya ang cellphone niya at pinagpupulot ang mga nagkalat na
piyesa niyon. Basag na ang LCD niyon at hindi na mabuksan. Gusto niyang umiyak at
maglumpasay.

“Hindi ko ata ma-take na makatrabaho ang mga ganoong tao. Hindi bale na lang. Kahit
ipagtabuyan na ako ni Papa, hindi ako magtatrabaho sa kompanyang ito!” nagmamaktol
na sabi niya.

Hindi na siya tumuloy sa HR office. Pumasok siya sa palikuran at inayos niya ang
kanyang sarili. Nilamon na siya ng iritasyon.

Sa inis niya’y umalis siya na hindi nagpapaalam sa Papa niya. Dinala niya sa repair
shop ang cellphone niya. Ang nakakainis pa’y hindi na raw iyon maayos sabi ng
manggagawa. Bumili na lang daw siya ng bago kisa bumili siya ng mga piyesa para
makompuni at mabuhay sa panibagong anyo ang cellphone niya. Mapapamahal pa siya.

Masamang-masama ang loob niya. Regalo pa ng yumao niyang lola ang cellphone na iyon
kaya hindi siya makapapayag na masira iyon ng ganun-ganoon lang. Lalo lamang lumayo
ang loob niya sa kanyang propisyon dahil doon.

Bumili na lamang muna siya ng bagong cellphone para may gagamitin siya. Dahil sa
kakagala niya sa mall ay nakaligtaan niya ang fashion show ng ate niya.

Naiinis na naman siya. Sirang-sira na ang araw niya. Pagdating niya sa studio na
dinarausan ng fashion show ay tapos na ang palabas.

Nadatnan niya si Arian na nag-aasikaso na ng gamit at pauwi na rin. Kasama na naman


nito ang nobyo nitong si Eric.

“Hi, Anniza!” nakangiting bati sa kanya ni Eric.

Hindi na niya magawang ngumiti. Nagkandahaba na ang nguso niya.

“Bakit parang ginahasa ka ng sampung demonyo, Anniza?” natatawang saad ni Arian


nang makapasok na sila sa restaurant kasama si Eric.

“E, paano, nabuwisit ako sa mga tao kanina sa construction site nila Papa,”
nakabusangot na sumbong niya.
Umupo na silang tatlo sa bakanteng mesa. Si Eric na ang nagtawag ng waiter.

“Bakit?” kunot-noong tanong ni Arian.

“Basta. Hindi talaga ako magtatrabaho sa kompanyang iyon!” matatag na sabi niya.

“Ohs, kakalabanin mo ba si Papa?” ani Arian.

“Bahala na. Hindi pa nga ako nagsisimula, may na-encounter na akong tao na hindi
makain ng aso ang ugali,” aniya.

Tumawa na lamang si Arian. Nagbukas na siya ng menu book na iniabot ng waiter. Wala
siyang makitang putahe na gusto niya.

“Ayaw ko ng heavy meal. Lasagna na lang ang akin at black gulaman,” sabi niya sa
waiter.

“Dinner mo na iyan?” tanong sa kanya ni Eric.

“Wala akong ganang kumain ng kanin,” aniya.

“Italian citizen kasi ang sikmura ni sister, Babe. Hindi iyan kumakain ng kanin na
hinaluan ng ulam. Mash potato and pasta ang carbohydrates niyan,” sabad naman ni
Arian.

“Kaya pala mas napagkakamalan kang model kisa sa ate mo,” sabi naman sa kanya ni
Eric.

“What ever.” Pinag-ikot niya ang mga eye balls niya.

“Tinatawagan kita kanina, out of caberage area ‘yong number mo. lowbat ba ang phone
mo?” pagkuwa’y usisa ni Arian.

Naalala na naman niya ang cellphone niyang natsugi dahil sa lalaking bastos.
Nagsimula na namang uminit ang ulo niya.

“Pinaglalamayan na ngayon ang cellphone ko,” simpatikang sabi niya.

“H-ha?” Natatawa si Arian. Ganoon din si Eric.

“Bakit? Ano ba ang nangyari? Nalaglagan ba ng bakal ang phone mo?” tanong ni Eric.
“Hindi. Na-hit in run,” pilyang sagot niya.

Humagalpak ng tawa ang magkasintahan. “Bumili ka nga ng kausap mo, Anniza,” ani
Arian.

“Nakakainis kasi ang lalaking iyon. Wala man lang modo,” aniya.

Mamaya’y dumating na ang order nilang pagkain.

“Alam mo, ikain mo na lang iyan baka mahimasmasan ka,” ani Eric sabay abot sa kanya
ng tinidor.

“Salamat.” Pagkuwa’y kumain na siya.

Panay ang sipat niya sa magkasintahan na kulang na lang ay langgamin sa ka-sweet-


an. Naiinggit siya sa ate niya. Pakiramdam kasi niya ay malayang-malaya ito sa kung
ano ang gusto nitong gawin sa buhay.

Nagseselos siya, oo. Wala kasing tinutulan ang Papa niya sa mga ginusto ni Arian sa
buhay. Ni hindi nga tumutol ang Papa niya nang ipakilala ni Arian si Eric bilang
nobyo nito.

Samantalang siya ay mistulang alagaing ibon na nagkasya lamang sa loob ng hawla na


walang karapatang lumaya. Marami siyang manliligaw pero natatakot siyang sagutin
dahil binalaan na siya ng Papa niya. Hatid-sundo siya sa School at may limit ang
oras niya sa galaan.

Ibang-iba ang trato sa kanya ng Papa niya kumpara sa ate niya. Gusto niyang
magrebelde pero mahal niya ang Papa niya. Kahit papano’y mabait siyang anak at may
hangganan ang pagkamaldita niya.

Pinaghahandaan na niya ang mangyayari mamaya pag-uwi niya sa bahay. Siguradong


tatambakan na naman siya ng mga katanungan ng Papa niya. Nagsasanay na rin siya ng
mga isasagot niya.

PAGDATING nila sa bahay ay sinabat kaagad siya ng papa niya sa sala. Hindi pa man
siya nakakaupo sa sofa ay pumalatak na ang Papa niya. Ang dami na nitong sinabi.

“Ano ba ang nakain mo kanina at umalis ka na hindi nagpapaalam? Hindi ka man lang
nag-report sa HR. Parang tanga silang naghintay sa iyo. Kailan mo ba aalisin sa
kokoti mo na hindi ka magiging modelo, Anniza? Architect ka na. Profissional ka na
at lalong hindi ka na bata, Anak!” litanya ng Papa niya. Panay ang kumpas ng kamay
nito habang palakad-lakad sa harapan niya.
“I’m sorry, Pa, pero hindi ko kayang magtrabaho sa kompanya ninyo. Sorry, pero
hindi talaga ako komportable,” diretsong sabi niya.

“At bakit? May nakita ka bang hindi mo nagustuhan sa kompanya? Hindi mo pa nga
nasusubukang magtrabaho, nagrereklamo ka na? You should try and you will see,
Anniza. Wala nang mas komportableng kompanya para sa iyo kundi doon lang.”

“Pero, Pa—”

“Tama na, Anak! Ayaw ko na nagtatalo na naman tayo dahil riyan sa kagustuhan mo.
Magtatrabaho ka sa kompanya sa ayaw mo’t sa gusto. Huwag mo akong bigyan ng
kahihiyan, Anniza. Malaki ang expectation ko sa iyo at ni Engr. Duellas. Inaasahan
ka niya sa kompanya kaya utang na loob, Anak, huwag mo kaming bibiguin,” matatag na
sabi ng ginoo at basta na lamang siyang iniwan.

Pabagsak na umupo siya sa sofa. Ang inis niya’y iniluha na lamang niya. Naninikip
na naman ang dibdib niya, tuluyang tumagistis ang luha niya.

Napansin niya ang Mama niya na nakatanaw sa kanya buhat sa bukana ng pinto sa
kusina. Wala namang magawa ang Mama niya para depensahan siya o ito mismo ang
sasalungat sa kagustuhan ng Papa niya.

Walang boses ang Mama niya sa pamamahay na iyon. Masyado itong mabait na ina. Wala
naman siyang karapatang sulsulan ang Mama niya para ito na lang ang magkumbinsi sa
Papa niya.

Mamaya’y nilapitan siya ni Almera at umupo ito sa tabi niya. Ginagap nito ang kamay
niya at pinisil-pisil iyon. Napawi kahit papano ang pagdaramdam niya nang
maramdaman niya ang init ng palad nito.

“Sundin mo na lang ang Papa mo, Anak. Wala namang mawawala sa iyo kung susunod ka.
Para din naman sa iyo ang lahat ng desisyon niya,” malumanay na wika ni Almera.

“Naiintindihan ko naman po si Papa, Ma, e. Hindi lang talaga ako komportable sa


propisyon ko. Matagal ko ring inaral sa sarili ko na mahalin ang propisyon ko pero
may mga pagkakataon na nahihirapan ako,” imosyonal na pahayag niya.

“Masasanay ka rin naman, Anak. Mababait naman ang mga kasama ng Papa mo sa trabaho
at natitiyak ko’ng hindi ka kaagad nila isasalang sa mahirap na proyekto. Tuturuan
ka rin naman nila kung ano ang nararapat mong gawin.”

Naalala na naman niya ang nakakainis na lalaki. Hindi siya naniniwala na mababait
ang mga makakatrabaho niya. Mula kay Gin na in-dedma siya sa unang pagkakataon na
makilala niya. Ang masungit na HR na kung tumingin sa kanya ay gusto siyang lamunin
ng buo.
“Hindi ko po alam kung makakapag-adjust kaagad ako,” aniya.

“Siyempre hindi naman agad-agad ‘yon. Matalino ka, kayang-kaya mong makipagsabayan
sa mga batikang Architect o Engineer man sa kompanya ninyo. Matutunan mo ring
mahalin ang trabaho mo, Anak.”

Nagkasya na lamang siyang yakap ng kanyang ina. Naguguluhimanan pa rin siya at


hindi siya makapagdesisyon ng maayos.

“Sisikapin ko, Ma. Ayaw ko’ng magkagalit kami ni Papa,” pagkuwa’y sabi niya.

“O, iyon naman pala, eh. Huwag mo na lang bigyan ng sama ng loob ang Papa mo.
Tumatanda na rin siya at mababaw na rin ang kaligayahan. Bukas, magising ka ng
maaga at ipakita mo sa kanya na interesado kang magtrabaho sa kompanya nila.”

“Sige po.”

“Ano, kumain na ba kayo ng ate mo?” pagkuwa’y usisa ng Mama niya.

“Opo.”

“O, e magpahinga ka na at matulog. Gigisingin na lang kita ng maaga bukas, ha?”

“Opo, Ma.”

Tumayo na siya matapos humalik sa pisngi ng kanyang ina.

=================

Chapter Two

 ALAS-ONSE na ng gabi pero nasa Bar pa rin si Cordial kasama si Brandy. Pagkagaling
nila kanina sa trabaho ay dumiretso na sila roon para mag-unwind. Hindi siya
alcoholic at lalong hindi siya sanay na nalalasing. Mahilo lamang siya ng kaunti ay
tumitigil na siya sa pag-inom.

On duty si Gin at ito ang nagtitimpla ng inumin nila ni Brandy. Hanggang roon ay
pinag-uusapan nila ang trabaho.

“Nakapag-deal ka na ba sa Batangas project, dude?” tanong niya kay Brandy.

Nahipo ni Brandy ang batok. “Deal or no deal ba ‘yon? Sa palagay mo may choices pa
ako kapag si Daddy ang nagdesisyon?” anito.

“Hindi pa ata nakipag-deal ang daddy mo sa client, pero nakita ko na ang contract
noong isang araw na pumunta sa site si Mr. Chun,” aniya.

“Kulang pa nga tayo sa tao, e,” angal ni Brandy.

“May bagong hired, a,” sabad naman ni Gin.

Kumislot si Brandy at tinapik ang balikat niya. “Oo nga pala, may bago tayong
Architect. ‘Yong anak ni Archt. Montales,” maligalig na wika ni Brandy.

Mariing kumunot ang noo niya. “May anak bang lalaki si Archt. Montales?” maang na
tanong niya.

Inakbayan siya ni Brandy. “Dude, lalaki lang ba ang alam mong Architect? Siyempre
babae. Wala atang anak na lalaki si Archt. Montales, puro diyosa,” sabi ni Brandy.

Tumawa siya ng pagak. “Baka sa halip na makatulong e, sakit sa ulo ‘yon,” pilyong
sabi niya.

“Hey, don’t judge her gender, malay mo, siya pala ang hinihintay natin para mabuo
ang Batangas Project,” ani Brandy.

“Tsk! Wala akong bilib sa mga babaeng Architect. Dakilang ina lang ang alam kong
epektibong papel ng mga babae sa mundo,” simpatikong turan niya.

“Ang talas naman ng dila mo, dude. Bully ka talaga ng mga babae. Hindi mo pa nga
nakikita o nakilala ‘yong tao. Oy, you never know, hindi ka magiging lalaki kung
walang babae. Palibhasa hindi ka catholic at iba ang pananaw mo sa mga babae,”
litanya ni Brandy.

“I don’t care. Para sa akin, walang karapatan ang mga babae na maghanap-buhay.
Gawain iyon ng mga lalaki. Dapat sa bahay lang sila at gumagawa ng mga gawaing
bahay,” depensa niya.

“Iyon ba ang sabi ng mga ninuno mo’ng hapón? Dude, noong panahon pa iyon ni kupong-
kupong. Wala nang gano’n ngayon. Practical na ang mga babae ngayon. Nakakalalaki
pero ganoon talaga. Hindi lahat ng pagkakataon ay lalaki ang nasa ibabaw. Madalas
na ngayon ay babae ang nangingibabaw,” makahulugang pahayag ni Brandy.

Napansin niyang pangiti-ngiti si Gin. Mabilis siyang napipikon sa tuwing


nalalamangan siya sa usapan. Gusto niya siya ang tama at nasusunod sa daloy ng
usapan. Iyon ang ugali niya na minsan ay ikinababanas niya.
“Never mind,” aniya.

Inabutan pa siya ni Gin ng cocktail na tinimpla nito. Ayaw na sana niyang uminom
dahil medyo nahihilo na rin siya. Pampatulog lang sana ang iinumin niya, pero heto,
napasubo na siya. Sumasarap na rin kasi ang usapan nila ni Brandy lalo pa’t
dumating ang makulit na si Moonshine at nakisawsaw sa usapan.

Ala-una na ng umaga nang makarating sa bahay nila sa Cubao si Cordial. Tanging aso
na lamang ang nadatnan niyang gising. Hindi pa siya bumababa ng kotse. Napansin
niya ang itim na Toyota Enova na nakaparada sa garahe katabi lamang ng kotse niya.

Wala siyang ideya kung sino ang bisita nilang dumating. Mayamaya’y bumaba na rin
siya. Tahimik ang kabahayan pagpasok niya. Nakapatay ang lahat ng ilaw.

Limang taon pa lamang silang naninirahan sa mansiyon na iyon ng lolo niya. Ang mga
magulang niya ay nasa Bulacan at minsan sa isang buwan dumadalaw roon. Adapted siya
ng grandparents niya at lahat ng gusto niya ay naibibigay ng mga ito ngunit
nakakulong naman siya sa batas ng mga ito.

Iniisip niya na marahil ay mga magulang niya ang dumating at nag-arkila lamang ng
sasakyan. Hindi ganoon karangya ang buhay nila. Simpleng may bahay lamang ang Mama
niya at ang Papa naman niya ay dating sundalong Hapón na tumiwalag sa batas at
namuhay ng tahimik sa Pilipinas at nagtayo ng maliit na hardware.

Matagal na panahon din bago tinanggap muli ng lolo niya ang Papa niya at
nagdesisyon na rin ang grandparents niya na mamuhay sa Pilipinas. Sampung taon na
ring naninirahan sa bansa ang lolo at lola niya.

Senior citizen na ang mga ito pero mas malakas pa sa kalabaw kung kumayod sa
negosyo ng mga ito. May-ari ng isa sa malaking Heavy Equipment Auction sa Subic Bay
ang lolo niya. Gayunma’y hindi siya nagnasa na magkaroon ng malaking bahagi sa
kompanyang naipundar ng lolo niya.

Nagtatrabaho siya at palihim na sinusuportahan niya ang mga magulang niya na nasa
Bulacan kahit hindi man hilingin ang mga iyon. Nag-iisang anak siya at alam niya na
hindi ganoon kadali para sa magulang niya na sapilitan siyang kunin ng lolo niya sa
mga ito.

Limang taon pa lamang siya noon at wala siyang alam sa mga napagkasunduan ng mga
magulang niya at grandparents niya noon pero nitong malaki na siya ay kusa siyang
nagsiyasat. Wala naman siyang hinanakit sa parehong mga magulang.

Kinabukasan paggising ni Cordial, naligo na siya at nagbihis para papasok sa


trabaho. Pagdating niya sa kusina ay nasurpresa siya nang madatnan roon ang
kababata na si Akiko—Japanese din ang tatay nito at malapit na kaibigan ng lolo
niya ang lolo nito.

“Kunichiwa, Han-chan!” bati nito sa kanya. Parang bata na talimang lumapit ito sa
kanya at ginagap ang kamay niya.

Wala pa ma’y nabuwisit na siya. Ayaw niya na kinakausap siya sa lenguwaheng hindi
niya kabisado. Half Japanese siya pero hindi pa siya nakakaapak sa Japan.

Mabilis na binawi niya ang kamay na hawak nito. Bumusangot si Akiko.

“Ang sungit mo naman,” anito.

“Si lolo?” tanong lamang niya.

“Nasa pool nagkakape sila ni Lolo. Hali ka samahan mo na akong mag-almusal,” anito
at yumakap na naman sa braso niya.

“Sa office na ako kakain. Late na ako,” aniya at binawi niya ang braso mula sa
kamay nito.

Hindi na niya pinansin si Akiko. Pinuntahan na lamang niya ang lolo niya na nasa
pool side umbrella cottage kasama ang lolo ni Akiko. Yumukod siya sa mga ito bilang
paggalang.

“Hanzen, ikaw ba kain almusal?” tanong ng Lolo niya.

“Ah, sa office na po, Lolo,” aniya.

“Akiko hintay sa ‘yo,” anito. Baluktot pa rin itong magtagalog.

“Nagkita na po kami,” sabi niya.

Tumitig siya kay Mr. Yamasuki. Panay lang ang ngiti nito sa kanya.

“Sige, take care, son,” sabi lang ni Takami.

Yumukod siyang muli saka nilisan ang mga ito. Narinig pa niya ang pag-uusap ng mga
ito gamit ang lenguwahe ng mga ito. May motibo na siya kung bakit naroroon si Mr.
Yamasuki at ang apo nitong si Akiko.

Hindi pa niya nakakalimutan ang sinabi ng lolo niya noon na kapag professional na
siya ay puwede na siyang maikasal. At lalong hindi siya nakakalimot. Si Akiko ang
babaeng gusto ng lolo niya na pakasalan niya. Ngayon lamang siya nairita ng husto
habang iniisip ang bagay na iyon.

Mas gugustuhin pa ata niyang tumandang binata kung sapilitan siyang ipapakasal ng
lolo niya sa babaeng kinaiinisan niya. Kung tutuusin ay maganda naman si Akiko,
matalino, mabait at malambing. Siguro nga ay mailap lang talaga ang puso niya.

Hindi naman siya torpe. Ayaw lang talaga niyang magkaroon ng babaeng iisipin niya
sa araw at gabi. Ayaw niya na may naglalambing sa kanya, ayaw niya na may
nagkakagusto sa kanya. Ang weird, pero ganoon siya. Pinanganak ata siyang bato ang
puso.

PAGDATING niya sa Construction site ay dala-dala niya ang iritasyon. Huwag lamang
siyang makakatagpo ng taong lalo magpapainit sa ulo niya. Huli na siya sa meeting.

Pagpasok niya sa conference room ay nagsisimula na ang agenda. Tahimik na naupo


siya sa tabi ni Brandy na tila hindi naman nakikinig sa nagsasalitang Daddy nito.
Abala ito sa pagtipa sa cellphone nito.

“Late ka ata?” wika sa kanya ni Brandy.

“Napasarap ang tulog ko,” halos pabulong na sagot niya.

Bumungisngis si Brandy. “Nilasing ka ni Gin at Moonshine, e.”

Sinipat niya si Gin na katabi ni Architect Montales. Sa gawing kaliwa ni Gin ay


bakanteng silya.

Nakatingin na siya sa Presedente ng kompanya at nakikinig. Mamaya’y bumukas ang


pinto at iniluwa niyon ang magandang babae na mukhang naligaw ata dahil sa postora
nito. Nagkasabay pa sila ni Brandy na napatingin sa babae.

Bigla niyang naalala—ang babaeng iyon ang nabangga niya noong isang araw at nag-
amok dahil sa nawasak nitong cellphone. Una’y sinipat niya si Brandy na pilyo ang
ngiti habang pinapasadahan ng tingin ang kabuoan ng babae.

Pagkuwa’y sinuyod na rin niya ng tingin ang babaeng napako na ata ang mga paa sa
tapat ng pinto. Bughaw na casual dress ang suot nito na kinapos ata ang tela sa
laylayan. Kalahati ng makikinis na mga hita nito ang nahantad sa mga mata niya.
Three inches sa palagay niya ang takong ng sandals nito na terno ang kulay sa damit
nito. Nakalugay ang mahaba nitong buhok na kinulot sa dulo. Ang ayos ng make-up
nito ay tipong pang beauty queen.

“Dude, may bisita atang beauty queen ang daddy mo,” bulong niya kay Brandy.

Siniko naman nito ang tagiliran niya. “Loko, anak ‘yan ni Architect Montales. Siya
ang bagong Architect natin,” anito.

Pagkuwa’y humakbang na si Anniza palapit sa Papa nito. Umupo ito sa tabi ni Gin.
Halos lahat ng atensiyon ng mga tao roon ay nakatuon lamang sa magandang binibini.
“Oh, nice!” narinig niyang bulong ni Gerald na nakaupo sa gawing kaliwa niya.

Si Gerald ang isa sa Landscape Architect nila. Napansin niya na halos kay Anniza
lang ito nakatitig hanggang sa matapos ang pagpupulong. Ngayon lamang sila
nagkaroon ng Architect na babae. Center of attructions si Anniza at hindi niya
maikakailang mainit din ito sa mga mata niya.

Matigas ang puso niya pero hindi niya maitatago ang pagiging lalaki niya. Noon
lamang niya napansin ang naiibang ganda ng dalaga gayong hindi siya stress sa
kakaisip ng trabaho.

Tumaas ang isang kilay niya habang hinahabol ng tingin si Anniza na papalabas ng
pinto kasunod ng Papa nito. Dating gawi, naiwan na naman silang tatlo ni Brandy at
Gin sa loob ng conference room. Wala pang tumatayo ni isa sa kanila.

Abala si Brandy sa pagtipa sa cellphone nito. Si Gin naman ay abala sa pagbabasa ng


papeles. Samantalang siya ay nakamasid lang sa dalawa.

“What do you think, Cords?” mamaya’y tanong sa kanya ni Brandy.

Tinitigan niya ito na abala pa rin sa pagtipa sa cellphone nito. “What?” kunot-
noong tanong niya.

“Anong tingin mo kay Anniza?” paglilinaw nito sa tanong.

“Wala akong bilib sa kanya,” prangkang sagot niya.

“Ohoy! Agad-agad? Dahil ba sa looks niya?” anito.

Napansin niyang tumingin sa kanya si Gin. Umiling-iling siya.

“Ano bang meron sa looks niya?” may halong pan-uuyam na tanong niya.

“She looks hot and gorgeous. Nakita mo naman kung paanong mawala sa konsentrasyon
ang staff kanina. Parang may anghel na dumating,” nakangising wika ni Brandy.

Bumungisngis siya. “Architect ang kailangan natin hindi beauty queen,” aniya.

Humagalpak ng tawa si Brandy. “Isipin mo na lang si Miss. Shamcy Supsup. Hindi ba’t
Architect siya? Parang si Anniza. Pabor nga iyon para sa mga lalaki rito na
tatamad-tamad magtrabaho,” ani Brandy.
“Baka hindi na makapagtrabaho kamo. Hindi mo ba nakita ang postora niya? Iyon ba
ang gustong magtrabaho rito? Magpapa-cute lang ‘yon,” naiiritang sabi niya.

Sa wakas narinig niya ang bungisngis ni Gin. Binato siya nito ng nilukot na papel.
Sapol ang pisngi niya.

“House and lot ipupusta ko,” wika ni Gin.

Mariing kumunot ang noó niya habang nakatitig kay Gin. “Para saan naman ang pustang
iyan?” tanong niya kay Gin.

“Hindi matatapos ang taong ito iibig ka sa Anniza na ‘yon,” seryosong wika ni Gin.

Umupo ng tuwid si Brandy. “Seryoso ka diyan, Gin?!” manghang tanong ni Brandy kay
Gin.

Sa halip na mainis ay tumawa na lamang siya. Pero sa kaloob-looban niya ay naroroon


ang kaba. May sa demonyo kasi minsan ang dila ni Gin. Hindi ito nagbibiro ng
ganoon.

“Seryoso ako,” sagot ni Gin kay Brandy.

“Wow ha! Ang bilis ng simpatya mo. Ako, saka na ako pupusta kung may nasilip na
akong positibo,” ani Brandy sabay tawa.

Bigla siyang tumayo. “Kalokohan ‘yan. Ihanda mo na ang house and lot mo, Gin,”
aniya.

“Sure. Pero drawing muna hangga’t wala pang sentomas,” nakangiting wika ni Gin.

Napangiti siya. Ibinato niya pabalik rito ang nilukot na papel na binato nito sa
kanya kanina. Minalas siya dahil naka-ilag si Gin.

“Hanep kang magbiro, Gin. Aasahan ko ang bahay at lupa mo kahit pa sa pasô iyan
nakatirik,” buwelta niya.

Tawa lang ng tawa si Brandy. Pagkuwa’y iniwan na niya ang mga ito. Hanggang sa
labas ay nadidinig niya ang pagtawa ni Brandy. Napapa-iling na nilisan niya ang
lugar.

Habang naglalakad siya sa pasilyo ay bigla namang humilab ang sikmura niya. Naalala
niya, hindi pa pala siya nag-aalmusal. Sa halip na sa Gatekeeper’s lodge siya
pupunta ay dinala siya ng mga paa niya sa canteen.
Hindi pa man siya nakakapasok ay naamoy na niya ang mga pagkain na lalong
nagpahilab sa sikmura niya. Pagpasok niya’y diridiretso siya sa counter at
nagtitingin ng mga lutong ulam na nasa loob ng salaming estante. Wala siyang
makitang gulay pero may pancit canton.

“Good morning, Engineer!” nakangiting bati sa kanya ng kahera at food server na si


Malet.

“Good morning! Wala pa bang gulay?” pagkuwa’y tanong niya.

“Nagluluto pa po, Sir,” tugon naman nito.

“Anong gulay ‘yon?”

“Laing po, sir.”

Napangiwi siya. Ayaw niya ng may gata. “Bigyan mo na lang ako ng pancit at apat na
slice bread,” aniya.

“Sige po, Sir. Pahintay na lang po.”

Habang inaasikaso ni Malet ang pagkain niya ay pinagmamasdan niya ito kung paano
nito iyon isinasalin sa plato niya. “Bigyan mo na rin ako ng tea, ‘yong Lipton,
ah,” dagdag niya.

“Yes, sir.”

Mayamaya’y may lumapit na babae. “Excuse me, Miss. Meron ba kayong pineapple juice
in can?” tanong ng babae kay Malet.

Hindi niya sinisipat ang babae pero pamilyar niya ang tinig nito. Katabi lamang
niya ito at dahil sa mahalimuyak na pabango nito ay natukso siyang sipatin ito. Si
Anniza—heto na naman ang pakiramdam niya na parang wala nang ibang babae sa mundo
kundi ito lang.

Kung kailan babawiin na niya ang tingin ay saka naman ito napatingin sa kanya. Tila
nakakita ito ng multo at titig na titig sa kanya. Animo’y may magnet ang tingin
nito at hindi na niya maalis ang pagkatitig sa mukha nito.

May munting apoy siyang nasisilayan sa mga mata nito. Oo nga pala, may atraso pa
siya rito. E, ano naman? Kung may balak itong singilin siya ay nakahanda naman
siyang depensahan ang sarili niya.

“Sir, heto na po ang order n’yo,” sabi ni Malet, ngunit hindi niya iyon narinig.
Aliw na aliw siyang nakatitig sa nangangalit na mukha ng babaeng katabi niya.
“Sir?” ani Malet.

Saka lamang nanumbalik sa balintataw niya ang kasalukuyan. Kanina pa inaabot sa


kanya ni Malet ang pagkain niya na nakapatong sa serving tray. “Thank you!” aniya
pagkatanggap ng pagkain niya.

Sinipat niyang muli si Anniza na kausap na si Malet. “Kain tayo!” wala sa loob na
alok niya sa dalaga—na tila hindi makapaniwalang napatingin sa kanya.

“Salamat na lang,” tugon naman nito sabay baling muli ng tingin kay Malet.

Umupo na siya sa bakanteng mesa at nilantakan ang pancit canton na pinalaman niya
sa slice bread. Napansin niya si Gerald na papalapit sa kanya.

“Hi, Hanz! Almusal ba ‘yan?” nakangiting tanong nito sabay tapik sa balikat niya.

Tumango lamang siya. Napansin niya ang mabilis na paglakbay ng paningin ni Gerald
patungo sa counter kung saan si Anniza. Pilyo ang ngiti nito sabay sa pagkislap ng
mga mata nito.

“Enjoy your breakfast, pare,” anito saka siya iniwan.

Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa lapitan nito si Anniza. Nahihinuha niya’ng
tinamaan si Mokong. Napapa-iling siya habang kumakain. Maya’t-maya naman ay
sinisipat niya ang babae—sa makinis at mapuputi nitong binti at balingkinitang
katawan nakatotok ang paningin niya. Hindi pa siya minsan nakadama ng pagnanasa sa
isang babae na maganda mula ulo hanggang paa.

Kung tutuusin ay seductive kind of woman si Anniza, pero wala sa vocabulary niya
ang maakit sa babae sa unang tingin. Maarte at sosyal si Anniza, at ayaw niya sa
ganoong uri ng babae. Masarap lamang itong asarin at paglaruan. Hindi niya alam
kung ano ang gusto niya sa isang babae.

Si Akiko ay kilala na niya dahil mga bata pa lamang sila ay magkasama na sila.
Kilala niya ang pamilyang kinabibilangan nito, pero hindi ni minsan nagbago ang
pagtingin niya rito kahit pa sobrang bait nito at maraming bagay ang pareho nilang
gusto. Bukod sa pareho silang may dugong Hapón ay magkaibigan ang mga ninuno nila.
Kahit ngayong pinagkakasundo sila ng mga ito at pinagpaplanuhan ang pag-iisang
dibdib nila ng dalaga—ay hindi pa rin siya nagkaroon ng interes.

Kung ayaw niyang magmahal, mas ayaw naman niyang makasal sa babaeng hindi niya
ginusto kailanman. Hindi pa man siya kinakausap ng lolo niya ay alam na niyang
arrange marriage ang gusto ng mga ito para sa kanila ni Akiko. Oo, gusto siya ni
Akiko at mahal siya nito. Pero ayaw niya sa lahat ay ang pinapangunahan siya. Ayaw
din niya na ang babae ang unang maghahayag ng pag-ibig sa kanya.
Masyadong mataas ang pride niya at iyon marahil ang sisira sa magandang ugnayan
nila ng grandparents niya. Masyado siyang abala sa trabaho at wala siyang panahong
pag-usapan ang pag-aasawa. Hindi siya natatakot tumanda mag-isa. Naniniwala siya na
wala namang limitasyon ang pagiging lalaki. Magkakaanak pa rin naman siya kahit
matanda na siyang makapag-asawa o kung kailan lalambot ang puso niya.

Pagkatapos mag-almusal ni Cordial ay dumiretso na siya sa Gatekeepir’s Lodge at


hindi niya inaasahang madatnan niya roon si Anniza kasama si Engr. Duellas. Umiba
na nga siya ng daan pero nahagip pa rin siya ng paningin ng Presidente ng kompanya.

“Engr. Kurama, mabui at nagawi ka rito,” anang ginoo nang lapitan siya nito kasama
si Anniza.

“Yes, sir,” aniya.

“Nagkakilala na ba kayo ni Anniza?” tanong ni Engr. Duellas.

“Yes, sir,” tipid niyang sagot. Ang totoo hindi pa sila nagkakilala ng maayos ni
Anniza.

Tumitig sa kanya si Anniza. Tumaas ang isang kilay nito sabay inirapan siya. Dahil
sa ekspresiyon nito ay nagtagis ang mga bagang niya. Ayaw niya na ginaganoon siya
ng isang babae. Ngali-ngali niyang dukutin ang magaganda nitong mga mata.

“Good, dahil siya ang makakasama ninyo sa Batangas project,” wika ni Engr. Duellas.

Marahas ang pagbaling niya ng tingin kay Engr. Duellas. “Siya?!” may pang-uuyam na
tukoy niya kay Anniza sabay tingin sa dalaga. Isang tingin na hindi nagtitiwala.

Isang mahayap na sulyap naman ang ipinukol sa kanya ni Anniza—na tila nabuwisit sa
kanya. Napansin niya ang pilyong ngiti ni Engr. Duellas.

“What’s wrong with Anniza, Hanz? Dahil ba fresh graduate siya? Hindi ba dapat mas
ma-challenge ka?” prangkang wika ng ginoó.

“Hindi basta-basta ang Batangas project, Sir. Kailangan natin ng magagaling na


personalidad dito,” aniya. Tila hindi nila kasama si Anniza kung pag-usapan nila
ito.

“Hanz, hindi mabibilang sa top ten Architectures student ng UP si Anniza kung hindi
siya magaling,” depensa naman ni Engr. Duellas.
Medyo natigilan siya. “I think her only good in theory, not in actual
responsibility. She must reach at least a couple of year’s experiences. I don’t
judge her, anyway, sir,” seryosong wika niya.

“Fine. I’ll respect your opinion. Pero subukan muna natin si Anniza. Mas mainam
siguro kung kilalanin ninyo ang isa’t-isa. Alam ko’ng naninibago ka lang dahil
babae siya,” ani Engr. Duellas sabay tapik sa balikat niya.

Tama ba ang iniisip niya? Iiwan nito si Anniza sa kanya? “Ikaw na muna ang bahala
sa kanya,” wika ni Engr. Duellas. Pagkuwa’y iniwan na sila nito.

Nang sipatin niya si Anniza ay nakatanaw ito sa papaalis na si Engr. Duellas.


Sinusuyod niya ng tingin ang kabuoan nito.

“Huwag mo akong titigan ng ganyan, mister,” mataray na saway sa kanya ni Anniza,


ngunit hindi ito nakatingin sa kanya.

Ngumisi siya. “May mga mata ako,” pilyong sabi niya.

Bumaling ito ng tingin sa kanya. “May tamang paraan ng pagtitig sa isang tao,”
nakataas ang isang kilay na sabi nito.

Napabungisngis siya. “Hindi ka naman kagandahan ‘no? Kung ayaw mong


pinagpapantasyahan ang katawan mo, magsuot ka ng damit na mukha mo lang ang
nakikita,” sarkastikong wika niya.

Ngumisi naman ito. “Anong pakialam mo? Huwag mo akong titigan o takpan mo ang mata
mo kapag nasalubong mo ako.”

Hindi na naalis ang ngiti sa labi niya. “Hindi por que nakatingin ako sa iyo ay
naaaliw ako. Insecurity ang nararamdaman ko, in a bad way,” aniya.

Tumawa ito ng pagak. “Insecurity? Huh! Bakla ka ba?”

 Awtomatikong uminit ang bunbunan niya. “Don’t you dare me, lady!” marahas na sabi
niya.

“Ah, kaya pala. Ayaw mo ng may kasamang maganda,” anito.

“Say it again,” may pananakot na sabi niya.

“Say, what? Na bakla ka?”

Mariing nagtagis ang bagang niya. “That’s it!”


“Then what? Hahalikan mo ako?” hamon nito.

=================

Chapter Three

NAGULAT si Anniza nang bigla siyang hawakan ni Hanzen sa kanang braso at kinaladkad
siya papasok sa stock room na ubod ng dilim. Ni-lock nito ang pinto. Saka siya nito
pinakawalan.

“Anong ginagawa mo, hoy!” bulyaw niya rito. Hindi niya ito makita.

Kinapa-kapa niya ang dingding upang mahagip ang switch ng ilaw pero kamay nito ang
nakapa niya. “How dare you! Let me out of here!” asik niya.

“Hindi ko hahalikan ang babae dahil lang napikon ako. Sabi nga ni Engr. Duellas,
kailangan nating makilala ang isa’t-isa. So this is a good way,” anito.

Malapit lang ito sa kanya dahil nasasamyo niya ang mabangong hininga nito. “You’re
crazy! Pambu-bully itong ginagawa mo, Hanzen!” naiiritang wika niya.

“Exactly, Anniza. Tingnan natin kung o-obra ang kaartehan mo sa akin,” pilyong wika
nito.

Pinaglakbay niya ang mga kamay ngunit nakapa naman niya ang matigas na dibdib nito.
“Ops, nanmumulisya ka,” anito.

“You, shet! Isusumbong kita sa Papa ko!” banta niya.

“Go ahead. Alam ng papa mo na hindi ko ito magagawa sa iyo.”

“Damn you! Bastard!” Pinagmumura na niya ito.

“Oh, I like the taste of your damn tongue. So yeah, Anniza,” pilyong sabi nito.

Akmang susugurin niya ito ngunit may kung anong malamig at malambot na bagay ang
tumawid sa paa niya. Namanhid ang buong katawan niya. Kung hindi siya nagkakamali,
daga ang dumaan sa paa niya! Ang pintig ng puso niya ay parang panapos na. Tumili
siya ngunit naudlot nang biglang sakupin ng palad ni Hanzen ang bibig niya.

“Sssshh, behave,” saway nito.


May tumawid na naman sa paa niya. Pakiramdam niya’y hihimatayin na siya sa labis na
hilakbot. Nang muling daanan ng bubuwit ang paa niya ay hindi na siya nakapagpigil.
Hindi siya makatili pero napayakap siya ng mahigpit kay Hanzen. Wala na siyang
pakialam kahit pa pagnasaan nito ang katawan niya. Umapak siya sa mga paa nito.

“Shet! Ang sakit ng takong ng sandals mo!” reklamo nito.

Natigilan siya nang maramdaman ang kamay nito na nakayapos sa baywang at balakang
niya. Nagtayuan ang balahibo niya sa katawan. Ang dibdib niya’y tila tambol na
pinapalo. Dinig niya ang tibok ng puso nito sapagkat mariing naglapat ang mga
dibdib nila.

“S-sorry na...palabasin mo na ako, utang na loob...” umiiyak na samo niya.

“Wala ka namang kasalanan. This is my warm welcome for you,” pilyong sabi nito.

“Hindi ka nakakatuwa, Hanzen,” aniya ngunit hindi pa niya kayang kumawala sa mga
bisig nito. Mas masarap nga namang yakapin ito kisa sa dagang tumatawid sa paa
niya.

“Hindi kita binibigyan ng permiso para tawagin ako sa pangalan ko. May posisyon ako
sa kompanyang ito para sa kaalaman mo, Miss. Montales,” matatag na sabi nito.

“Huh! Paano kita igagalang kung ganito ang pagtrato mo sa akin, Engr. Kurama?”

Pinakawalan siya nito. Binuksan na nito ang pinto at hinayaan siyang makalabas.
Pagkuwa’y lumabas na rin ito. Animo’y santo na ito nang halos magkasabay silang
naglalakad sa pasilyo ng Gatekeeper’s lodge. Hindi akalaing makakagawa ito ng
kalokohan.

Paglabas nila ng lodge ay nasalubong naman nila ang Papa niya. Malapad ang ngiti
nito nang makita sila. Nagulat siya nang makitang inakbayan ng papa niya si Hanzen
na para bang magkaibigan lang ang mga ito.

“Kamusta naman ang anak ko, Hanz? Sumusunod ba siya sa iyo?” tanong ng Papa niya
kay Hanzen.

“Ah, oo naman. Mukhang nag-e-enjoy naman siya dito,” tugon naman ni Hanzen.

Sinulyapan naman siya ng Papa niya. “See, Anak? Masarap kasama ang mga tao rito at
oo nga, mukhang magkasundo na kayo ni Hanzen,” wika ng Papa niya.

Binato niya ng mahayap na tingin si Hanzen. Pangiti-ngiti lamang ito. Kung alam
lamang ng Papa niya ang ginawa nito sa kanya. Gusto niyang magsumbong pero sa
nakikita niya kay Hanzen at sa Papa niya ay mukhang mas close pa ang mga ito
kumpara sa kanya.

“Libre ka ba mamayang gabi, Hanz?” pagkuwa’y tanong ni Welfredo kay Hanzen.

Tinitigan niya ang Papa niya. Wala pa ma’y kinakabahan na siya.

“Bakit po?” kunot-noong tanong ni Hanzen.

“Anniversary kasi namin ng misis ko at maghahanda kami ng munting salo-salo.


Inimbita ko rin ang ibang staff,” ani Welfredo.

Natigilan siya. Hindi niya alam na ngayon pala ang aaniversary ng mga magulang
niya. Masyado siyang nagtampo sa Papa niya dahil sa pagsalungat nito sa kagustuhan
niya. Kaya pala namalengke ng pagkarami-dami ang Mama niya kahapon.

“Ahm, sige po. Maasahan n’yo ako,” pagkuwa’y sang-ayon ni Hanzen.

“Alam mo naman ang bahay namin ‘di ba? Pupunta rin daw si Martin at Andrew,” ani
Welfredo.

“Wow! Sige.” Maya’t-maya ang sulyap sa kanya ni Hanzen.

Hindi lamang siya umimik.

ALAS-SIYETE pa lamang ng gabi ay nasa bahay na nila si Anniza at tinulungan niya


ang Mama niya sa paghahanda ng mga pagkain. Hindi rin pumasok sa trabaho si Arian
at tumulong din maging ang nobyo nitong si Eric.

“Kailangan masarap ang dessert, Anniza. Mga binatang Engineer at Architect pa naman
ang karamihan sa bisita natin. Baka mapintasan iyang maja blanca mo, Hija,” wika ni
Almera kay Anniza habang hinihiwa niya sa katamtamang laki ang niluto niyang maja-
blanca.

“Masarap ito, Ma kahit minadali ko. Ilalagay ko na lang sa chiller para lumamig.
Tamang-tama pagdating ng mga bisita puwede nang ihain,” maligalig na wika niya.

“Saan ka naman natutong magluto ng maja blanca, Anak?”

“Pinagbasihan ko lang po ‘yong recipe sa likod ng karton ng corn starch,” aniya.

“Naku e, parang kinakabahan ako, ah. Patikim nga,” nababahalang saad ni Almera.
Kumuha ito ng isang hiwa ng maja blanca at kinain.

Matagal bago ito nakaimik. “Aba, nakatiyamba ka, Anak,” hatol nito.

Bumungisngis siya. “Ayaw ko pong mapahiya, Ma,” aniya.

Mamaya’y iniwan na siya ng Mama niya sa kusina at ang sabi’y magbibihis na ito. Sa
garden gaganapin ang party at sa kasalukuyan nang inihahain ni Manang Alice at
Arian ang mga putaheng niluto ng mga ito. May ilang bisita na ring dumarating.

Pagkatapos niya sa dessert ay tinulungan naman niya sina Arian sa paglalagay ng mga
plato sa buffet table kung saan nakahain ang mga pagkain. Meron silang biniling
katamtamang laki na litsong baboy. Nagsimula na ring tumugtog ang bandang inimbita
ng Papa niya.

Sunud-sunod nang nagsidating ang ilang bisita. At nariyan na nga ang mga kasama
nila sa construction site. Mula sa kinatatayuan niya sa kaliwang dulo ng buffet
table ay natatanaw niya si Martin at Andrew. Kasunod sa likod ng mga iyon si
Hanzen.

Ewan niya bakit tumibok ng mabilis ang puso niya. Bigla niyang naalala ang ginawa
nito sa kanya kaninang umaga sa Gatekeeper’s Lodge. Hindi niya maiwasan na
alalahanin ang sandaling nayakap niya ang katawan nito.

Kumurap-kurap siya nang bumalandra sa harapan niya ang malaking pangangatawan ni


Andrew—ang guwapong suplado na co-Architect niya. Bakit ito nasa harapan niya? May
bitbit itong malaking paper bag. Tumitig siya sa guwapo nitong mukha.

Hindi niya alam kung ang kabog ng dibdib niya ay para kay Andrew o kay Hanzen. Ewan
niya. Bigla ata siyang na-hook ngayon kay Andrew.

“Magandang gabi! Regalo naming tatlo nina, Martin at Hanzen,” seryosong wika ni
Andrew.

“H-ha? B-bakit sa akin mo binibigay?” kunot-noong tanong niya.

“Hindi ko alam kung saan ilalagay ang regalo. Please..?” anito.

“Salamat.” Kinuha na lamang niya ang regalo ng mga ito.

Pagkuwa’y nakihalubilo na si Andrew sa mga kaibigan nito. Tumingin siya sa gawi


kung saan nakapuwesto ang mga ito. Napansin niya si Hanzen na abala sa pagtipa sa
cellphone nito. Kung titingnan lamang niya ito mula sa malayo ay tipong hindi ito
makakagawa ng kalokohan tulad ng ginawa nito sa kanya. Mukha itong maamong tupa na
hindi marunong manakit ng kapwa.
Mayamaya pa’y nagsimula na ang pagdiriwang. Lumabas na ang guwapo at maganda niyang
mga magulang. Kinikilig siya habang pinapanood ang mga itong sumasayaw sa saliw ng
romantikong awitin. Nag-iisa siya sa mesa na malapit sa kinalalagyan ng mga
pagkain.

Si Arian at Eric ay magkasama sa iisang mesa at mas matamis pa sa pulot ang


paglalampungan ng mga ito. Maya’t-maya rin ay nababaling ang tingin niya sa puwesto
ng tatlong barako. May sariling mundo ang mga ito. Kung anuman ang pinag-uusapan ng
mga ito—tiyak na wala sa pagdiriwang.

Nang sipatin niya ulit sila Martin ay napakislot siya nang mamataang nakatingin sa
gawi niya si Hanzen. Tila napasong mabilis itong umiwas ng tingin. Napalunok siya
nang madama ang hindi mawaring kabog ng dibdib niya.

Mahayap kung tumitig si Hanzen, mainit at malalim. Hindi niya alam kung dapat ba
niyang bigyan ng kahulugan ang mga titig nitong iyon. May presence of evil si
Hanzen sa loob ng pagkatao nito at hindi niya ito maaring pagkatiwalaan. Hindi siya
nito sasantuhin kahit pormal siyang babae.

May nakilala na rin siyang katulad ni Hanzen noong nag-aaral siya ng college. Isang
lalaking mahilig mam-bully ng mga babae. Pero kung kasing guwapo ni Hanzen ang
bully lord—siguradong maraming babae ang papayag na ma-bully nito. Hindi lamang
niya alam kung paano ito manakit ng babae. Physical ba o emotional? Ewan niya.
Basta, hindi siya makapapayag na maging biktima nito.

Tapos na ang sayawan pero nakatingin pa rin siya sa gitna kung saan sumayaw ang mga
magulang niya. Wala siyang kibo. Mamaya’y biglang may pumisil sa balikat niya.
Napakislot siya.

“Tulala ka, a,” si Gerald na bigla na lamang sumulpot sa tabi niya.

Hindi niya alam na pupunta ito. Ang alam niya’y may ibang party itong pupuntahan.
Mukhang bagong ligo ito. Nasasamyo pa niya ang sabong ginamit nito, maliban sa
pabangong ginamit nito. Guwapo naman ito at malakas din ang appeal, pero tipong
kaibigan lamang ang maituturing niya rito.

Umupo sa tabi niya si Gerald. Inilapag nito sa mesa ang wine glass nito na
nangalahati ang laman.

“Bakit nagsusolo ka dito?” tanong nito.

“Ah, nakaabang kasi ako sa mga bisita na kukuha ng pagkain at baka may kailangan
sila. So kailangan ko sila e-assist,” aniya.

“Buffet naman ang set up ng pagkain, so hindi mo kailangang mag-abala. May katulong
naman ata kayo,” wika nito habang iginagala ang paningin sa paligid.
“Wala kaming katulong na mag-aasikaso sa bisita. May cook kami pero hanggang sa
pagkain lang siya mag-aasikaso,” aniya.

“Sayang hindi ka mag-e-enjoy.”

“Nag-e-enjoy naman ako.”

Marami na rin sa mga bisita ang kumukuha ng mga pagkain sa buffet table. At nakita
na nga niya si Martin na kumukuha ng pagkain. Tumingin na naman siya sa mesa ng mga
ito. May iniinom na red wine si Andrew at Hanzen. Bigla siyang kinabahan nang
makita ang ilang hiwa ng maja blanca sa plato at pinapapak ni Hanzen. Para bang
kinikiliti ang talampakan niya.

Pinagsupling niya ang mga daliri at inipit ang mga iyon sa mga hita niya. Ayaw
niyang mahalata ni Gerald na kinakabahan siya. Talagang si Hanzen pa ang unang
bisita na nakita niyang tumikim ng luto niya. Kung Japanese treats ang hilig nito—
malamang hindi papasa sa panlasa nito ang maja blanca niya.

“MASARAP ba, dude?” tanong ni Gin kay Cordial.

Konti pa lang ang natitikman niya sa maja blanca. Dahil sa tanong ni Gin ay
nilakihan niya ang hiwa ng maja na isinubo niya. Inibos muna niya ang laman ng
bibig.

“Masarap naman,” hatol niya.

“Satisfied?” tanong muli ni Gin.

“Sakto lang. Tama lang ang tamis pero may nalalasahan akong coconut milk,” aniya.
Mariing kumunot ang noo niya.

“First time mo bang kumain niyan?” tanong na naman ni Gin.

Tumango siya. “Hindi ata tama na ito ang una kong kinain,” aniya.

“Bakit?”

“Parang nagrereklamo ang sikmura ko,” wika niya.

Ngumisi si Gin. Mamaya’y dumating na si Brandy dala ang dalawang plato ng iba’t-
ibang uri ng mga putahe. Magkasalo na silang tatlo roon.
“Oh, let’s eat!” wika ni Brandy pagkalapag nito ng pagkain sa mesa nila.

Nanlaki ang mata niya nang makita ang ga-bundok na pagkain sa bawat plato.
“Bibitayin na ba tayo, dude?” natatawang tanong niya kay Brandy.

“Alam ko gutom kayo kaya dinamihan ko na,” ani Brandy. Tiningnan nito ang maja
blanca na pinapapak niya.

“Cords, huwag kang papasobra sa maja, may gata iyan. Dessert ‘yan hindi mo ba alam?
Main course muna tayo,” sabi sa kanya ni Brandy.

“Na-curious kasi siya. Akala niya agar-agar santan,” apila naman ni Gin.

Bumungisngis si Brandy. “Agar-agar santan? ‘di ba parang gulaman din iyon? Asian
dessert din iyon,” ani Brandy.

Umiling siya habang panay ang nguya ng maja. “No, mas malasa ito sa agar-agar.
Malaysian treats naman iyon at may version din niyon ang Japan,” wika niya.

“Oh, saan mo natutunan ‘yan, dude? Nag-aral ka ba ng culinary?” tudyo ni Brandy.

“Sinabi ni Tequila minsan sa akin noong nagpaluto ako sa kanya ng Sukiyaki,” aniya.

“Specialty din ba ni Tequila ang Japanese?” tanong naman ni Gin.

Pagkain naman ngayon ang topic nila. “Lahat ng Asian cuisines. Nitong taon lang
naman siya nag-specialize ng Italian and American cuisines, noong mag-open na ang
restaurant. Request din ni Whiskey,” paliwanag niya.  

Nalula siya nang makita ang taba ng litsong baboy. Mukhang masarap dahil takam na
takam si Brandy sa malutong na balat ng litson. Hindi siya mahilig sa grilled or
roast meat. Ayaw din niya ng masyadong dry na pagkain.

“Wala bang may sabaw?” tanong niya sa mga kasama. Nagkasya lamang siya sa pagpapak
ng mixed vegetables.

“Wala akong nakita, e. May sarsa lang,” ani Brandy.

“Tsk, nanunuyot ang lalamunan ko,” reklamo niya.

Tumawa ng pagak si Brandy. “Uminom ka na lang ng wine,” sabi naman ni Gin.


Ubos na ang wine na iniinom nila. Iginala niya ang paningin sa paligid at
naghahanap siya ng waiter na maaring magbigay sa kanya ng wine. Nababanas na siya.
Pakiramdam niya’y kumukulo ang sikmura niya.

“Dude, parang tinatawag ata ako ng kalikasan,” makahulugang sabi niya sa dalawa.

Tila nasamid si Brandy dahil sa sinabi niya. “Damn! Nagugutom ako, Cords,” ani
Brandy.

“I can’t help it!” naiiritang wika niya.

“Shet! Tawagin mo si Anniza,” utos ni Brandy sa kanya.

Nagtagis ang bagang niya. “Where is she? Damn!” tumayo na siya. Nagkanda haba na
ang leeg niya sa kakahanap kay Anniza.

Hayon! Nakita niya si Anniza sa buffet table kasama si Gerald. Lalo lamang siyang
nababanas. Nag-aalburuto pa lalo ang tiyan niya at pinagpapawisan na siya ng
malamig.

Kakain pa ata si Anniza at nakakahiyang abalahin niya ito at sabihing tinatawag


siya ng kalikasan. Shit! Hinanap niya si Mr. Montales o ang asawa nito pero hindi
ito nahagip ng paningin niya. Kinagat niya ang ibabang labi.

Dinadala na siya ng mga paa niya sa kinaroroonan ni Anniza. Abala ang dalaga sa
pagsasalin ng pagkain sa plato nito. Iba na ang damit nito. Pulang blouse with
collar ang pan-itaas at maong pants na puti sa pan-ibaba. Tsinelas lamang ang sapin
nito sa paa. Wala itong make-up o lipstick pero maganda ito kahit sa dilim.

Nagulat ito nang hawakan niya ang braso nito. Maging si Gerald ay napatingin sa
kanya. “Puwede ka bang makausap?” mahinahong tanong niya kay Anniza.

Tila nabikig na ang lalamunan ng dalaga. Bahagya pang nakaawang ang bibig nito
habang nakatungo sa kanya. Puno ng katanungan ang namimilog nitong mga mata.

“Sige, Ann. Ako na ang magdadala ng food mo sa table natin,” sabi naman ni Gerald.

Ibinigay naman nito ang plato nito kay Gerald saka sumama sa kanya palayo sa mga
tao. Hindi pa rin ito umiimik.

“Naghahanap ako ng katulong pero wala akong makita,” aniya nang nasa bukana na sila
ng main door ng bahay.

“H-ha? W-wala naman kaming katulong. B-bakit?” kunot-noong tanong saad nito.
“Sorry sa isturbo. Kailangan ko lang kasing mag-CR,” nababalisa pang sabi niya.

“H-ha? B-bakit?” tanong pa nito.

Kung wala lamang siyang kailangan dito ay hindi niya ito kakausapin ng ganoon. Kaya
lang hindi na niya masupil ang halimaw sa tiyan niya.

“Dahil siguro sa nakain ko,” aniya na tila balak pang sisihin ang pagkaing inihain
ng mga ito.

Napansin niya ang pamumutla ng dalaga. Kitang-kita niya iyon kahit malamlam ang
ilaw sa bahaging iyon ng bahay.

“Maja blanca lang naman ang kinain ko kanina,” aniya.

Mabilis na natutop ni Anniza ang bibig. Rumehistro sa mukha nito ang takot;
nanginginig ang ibabang labi nito. Tumaas naman ang isang kilay niya. Hindi ba siya
nito igigiya sa palikuran ng mga ito?

“Ah, s-sige, sumunod ka sa akin,” pagkuwa’y sabi nito.

Sumunod naman siya sa loob ng kabahayan. Itinuro nito sa kanya ang palikuran. Hindi
na ito sumunod sa kanya at hanggang sala lang ito.

“Holy shit!” Pumasok na siya sa palikuran.

HINDI na muling kumain si Cordial nang makabalik siya sa puwesto nila. Tapos nang
kumain ang dalawa. Napansin niya si Anniza na bumalik na rin sa inakupa nitong mesa
kasama si Gerald.

“Succes, dude?” natatawang tanong sa kanya ni Brandy.

“Mula ngayon, isinusumpa ko na ang maja blanca na iyan,” naiinis na sabi niya.

Sa unang pagkakataon ay narinig niyang napabunghalit ng tawa si Gin kasunod ni


Brandy. Ngali-ngali niyang pagsasapakin ang mga ito. “It’s not funny,” aniya.
Uminom na lamang siya ng brandy.

“You made my night, dude,” natatawang sabi ni Brandy.


Hindi man niya sinasadya—naliligaw ang paningin niya sa kinaroroonan ni Anniza.
Napansin niya ang labis na pag-aalala ng dalaga kanina habang pabalik-balik siya sa
palikuran. Nataranta pa ito sa pagbigay sa kanya ng gamot na dalawang beses pang
nalaglag sa sahig bago niya nainom. Sa awa ng kalikasan, tumalab naman ang gamot na
pinagulong pa muna sa sahig bago niya nalunok. Wala na siyang pakialam doon.

Hindi siya natutuwa sa nakakahiyang karanasan niyang iyon. Habang pinagmamasdan


niya si Anniza mula sa kinaluklukan niya ay may kung anong damdamin na umuusig sa
kanya. Naiinis siya, oo, pero hindi niya maipaliwanag kung saan niya hinuhugot ang
inis na iyon kay Anniza. Hindi naman niya ito sinisisi sa pagkasira ng sikmura niya
kanina. Pakiramdam niya’y may kinalaman din ito.

“Mga dude, tingnan n’yo si Gerald. Mabilis pa sa alas-kuwatro kung dumiskarte kay
Anniza, ano?” wika ni Brandy.

Hindi niya akalaing nakatingin din ang mga ito kay Anniza at Gerald. At noon lamang
niya napansin si Gerald na katabi ni Anniza.

“Sila na ba?” narinig niyang tanong ni Gin.

Bumungisngis si Brandy. “Dude, ang bilis naman ata. Hindi naman mukhang easy to get
si Anniza. Nanliligaw si Gerald, oo, pero mukhang dadaan muna sa santong paspasan
si Gerald bago niya mapasagot si Anniza. Palagay n’yo, ilang buwan aabutin ang
panliligaw niya?” ani Brandy.

Hindi sumagot si Gin. Hindi rin siya sumagot. “Hey, sagutin n’yo naman ako,” usal
ni Brandy.

“No comment,” sagot lang ni Gin.

“Ikaw, Cords?” tanong naman sa kanya ni Brandy.

“Magkano ba ang ipupusta mo?” hamon niya kay Brandy.

“Ohoy! I like that? Cash or cridet?” pilyong tanong ni Brandy.

“Credit as of now,” aniya.

“How much?”

“Kalahati sa kontrata ko sa Batangas project,” aniya.

Tumawa si Gin. “You’re insane, Hanz,” anito.


“No, gusto ko ng laro, dude,” sabi niya kay Gin.

“Deal that damn game, dude,” ani Gin.

“Two months, mapapasagot ni Anniza si Gerald. Ikaw, Cords?” ani Brandy.

“For me, never,” aniya.

“Never, what?” si Brandy.

“Hindi niya mapapasagot si Anniza,” tugon niya.

“Ikaw, Gin, sali ka ba?” pagkuwa’y tanong ni Brandy kay Gin.

“Me too, hindi mapapasagot ni Gerald si Anniza,” sagot ni Gin.

“Ang daya n’yong dalawa, ah. Tingnan natin. Personalan ba ‘to?” pagkuwa’y tanong ni
Brandy.

“It’s up to you, dude,” aniya saka siya tumayo.

“Kailangan ko nang umuwi,” pagkuwa’y apila niya.

“Ingat ka, Cords,” ani Brandy.

“Me too. Papasok pa ako sa bar,” sabi naman ni Gin. Tumayo na rin ito.

Napatayo na lang rin si Brandy. “Aba’y ano pang gagawin ko rito kung iiwan ni’yo
ako?” wika ni Brandy.

Sabay na silang nagpaalam kay Architect Montales.

=================

Chapter Four

DALAWANG linggo nang nagtatrabaho si Anniza sa construction site at aminado siyang


nahihirapan pa rin siyang mag-adjust lalo na sa mga kasama niya sa trabaho. May
ilan kasi na sadyang mailap sa kanya. Medyo okay na sa kanya si Andrew, si Martin
at si Gerald. Si Hanzen lang talaga ang medyo nahihirapan siyang espilingin ang
ugali.

Pagsapit ng tanghalian ay pumunta na siya sa canteen para kumain. Hindi niya


inaasahan na madadatnan niya roon ang tatlong barako. Ngayon lamang siya nagtaka
bakit madalas magkasama sina Andrew, Martin at Hanzen. Naisip niya na baka may
ibang grupo pang kinabibilangan ang mga ito maliban sa magkatrabaho at nasa iisang
industriya. Hanga siya sa ganda ng samahan ng mga ito.

Nag-order na siya ng pagkain niya at naghanap siya ng bakanteng mesa na malayo sa


puwesto ng tatlo. Tahimik siyang kumakain nang makita niya si Gerald na papalapit
sa kanya dala ang pagkain nito. Okay na rin kisa magmukha siyang ewan na kumakain
mag-isa habang pinagtitinginan ng ibang kumakain. Malimit lamang kasi ang babae sa
kompanya nila at hindi naman kumakain sa canteen ang ilang staff na babae.

Gusto niyang ipakita sa iba na hindi siya mailap. Gusto niya ng kaibigan kahit pa
mga lalaki o matatanda. Palaging out of town ang Papa niya kaya wala siyang choice
kundi makihalubilo ng sapilitan sa mga katrabaho niya. Gusto rin niyang magtrabaho
sa ibang lugar at magkakontrata sa isang malaking proyekto. Matagal pa naman ang
sinsabi ni Engr. Duellas na Batangas project.

“Palagi ka na lang nag-iisa,” wika ni Gerald nang makaupo na ito sa katapat niyang
silya.

“Hindi ko naman gustong mag-isa, Gerald, e. Siguro bitter lang talaga ako,” aniya.

“Bitter saan?” kunot-noong tanong nito.

“Sa kaibigan. Hindi naman ako mapili or wala lang sa lugar na ito ang taong
nababagay na pakisamahan ako,” malungkot na sabi niya. Hindi na siya nahihiyang
magkumpisal kay Gerald. Nakikinig naman ito sa kanya.

“Bakit mo naman nasabi ‘yan? Busy lang ang mga tao rito at siyempre, babae ka at
medyo walang ka-level ang edad mo. Naiilang din siguro ang ibang lalaki na lapitan
ka. Maraming binata dito, hindi lang ako,” ani Gerald.

Tumingin siya sa ulam nito. Mahilig ito sa pork. Noong nasa party kasi sila ng
parents niya ay panay ang kain nito ng litson at matatabang parte pa. Hindi naman
ito mataba, katunayan ay maganda ang pangangatawan nito. Maaring mabilis lang
talaga ang metabolism nito. Marami ito kung kumain at malakas din ito sa kanin. May
mga tao talagang ganoon.

Nauumay siya sa tuwing nakakakita siya ng taba ng baboy na nagmamantika pa at


gagalaw-galaw. Ew! Pork tenderloin o serloin lang ang kaya niyang kainin sa parte
ng baboy at ang luto ay steak. Ayaw niya ng may sabaw, like sinigang o nilaga. Okay
na sa kanya ang may sarsa basta huwag maasim.
Tila bigla siyang nawalan ng gana nang makita ang taba ng baboy na pinapapak ni
Gerald mula sa ulam nitong pork humba. Saging lang ata ang kaya niyang kainin sa
uri ng ulam na iyon.

Hindi man niya sinasadya—nabaling ang paningin niya sa puwesto nila Hanzen. Hindi
niya akalaing nakatingin din pala sa kanila ang mga ito. Biglang uminit ang mukha
niya. Kung hindi siya nagkakamali—pinag-uusapan sila ng mga ito.

Aba, loko ‘tong mag ito a, sa loob-loob niya.

Ganoon din ang pag-ilag ng tingin ng tatlong mokong. Masyadong hantad ang mga ito.
Mariing nagtagis ang bagang niya. Tumingin siyang muli sa pagkain niya. Malamig na
ang kanin niya maging ang Adobong manok na ulam niya. Matatapos na ring kumain si
Gerald.

“Bakit hindi ka na kumakain?” tanong ni Gerald habang may laman ang bibig.

“Parang bigla akong nabusog,” aniya.

Bahagya itong natawa. “Bakit? Para ka namang nakaka-insulto,” anito.

“Ha? H-hindi, ano kasi...nagmeryenda ako kaninang alas-nuwebe. Marami na rin akong
nakain,” paliwanag niya.

“Kumain ka pa,” udyok ni Gerald.

Napilitan na lamang siyang ubusin ang pagkain niya. Nang matapos sila ni Gerald ay
wala na ang tatlong barako nang sipatin niya ang kinaluklukan ng mga ito kanina.
Hindi pa rin siya mapakali sa isiping pinag-uusapan siya ng mga iyon kanina.

Ayaw niya ng ganoong sestema. Ayaw niya na pinapalatakan siya kung kailan
nakatalikod siya. Naiinis siya. Ayaw niya na may iniisip. Napa-paranoid na rin
siya.

Pagsapit ng alas-tres ng hapon ay nagkaroon ng kalahating oras na pagpupulong ukol


sa Batangas project. Pormal na iyong naaprobhan. Kompermado na rin na kasama siya
sa proyektong iyon. Ang nakakainis lang, kasama niya ang tatlong barako sa
proyektong iyon. Pasalamat na lamang siya at kasama si Gerald pero nasa Landscaping
Department ito. Ngayon lamang niya nalaman na Landscape Architect si Gerald.

Hindi rin pala sila madalas magkakasama. Magiging sunod-sunuran pala siya kay
Hanzen at Martin. Hindi rin niya sigurado kung magagabayan siya ni Andrew. Hindi
siya komportableng kasama ang tatlo. Pero nang magyaya si Martin na mag-unwind ay
sumama siya sa mga ito.

Noon lamang niya nalaman na may investment pala ang mga ito sa isang kilalang bar
sa Alabang. Namangha siya nang malamang Parttime bartender din pala ang mga ito
lalo na si Andrew.

Namangha na naman siya. Kaya pala may mga code names ang mga ito na hinango sa mga
alak. Naloka siya sa natuklasan. Ngayon lamang nabigyan ng kasagutan ang tanong
niya. Kaya pala kapit-tukô ang tatlo dahil magkakaibigan ang mga ito sa labas ng
kompanya. Kahanga-hanga!

Si Martin, natutuwa na sumama siya at ipinakilala pa siya sa ibang mga kaibigan ng


mga ito. Si Hanzen na pinasakay pa siya sa kotse nito ay ito pa ang mailap sa kanya
pagdating sa bar.

Naalala na naman niya ang gabi sa party na nagka-LBM ito dahil sa kinain nitong
maja blanca—na niluto niya. Wala namang ibang nagreklamo kundi ito lang. May
problema lang siguro si Hanzen sa digestive system nito kaya ganoon na lamang ang
reaksiyon ng tiyan nito sa kinain.

Pagkatapos na maipakilala siya ni Martin sa mga kaibigan nito ay lumapit siya sa


counter at nag-order ng inumin. Matagal din na hindi siya nakapag-unwind at libre
pa siya ayon kay Martin. Nagbibiro lang naman siya na kung puwede ay libre siya.
Matagal din siyang naghahanap ng bar na may mga guwapong staff, at heto na nga—ang
Gentlemen’s Bar and Restaurant.

Si Bourbon ang napansin niyang pinakamabait at mukhang interesadong makilala siya.


At ang iba ay hindi na siya interesadong makasundo dahil mukhang mga langit ito na
kay hirap maabot.

Mabait din ang bartender on duty na si Rum. Palagi itong nakangiti at makuwento.
Ipinagtimpla siya nito ng cocktail. Maya’t-maya naman ang sipat niya sa
kinaroroonan nila Hanzen. Napakurap-kurap siya nang hindi na niya masipat ang bulto
ng lalaki. Dumarami na rin ang mga costumer na pumapasok.

Mayamaya’y lumapit si Bourbon at umupo sa tabi niya. “Hi Bourbon!” nakangiting bati
niya rito.

“Hello!” bati naman nito.

“Uuwi ka na ba, dude?” tanong naman ni Rum kay Bourbon.

“Yeah, good night!” ani Bourbon saka ito nagmadaling umalis.

Wala siyang makausap. Abala na rin si Rum sa pagtitimpla ng inumin ng mga costumer
nito. Mamaya’y hinagilap na niya ng tingin ang mga kasama. Nakikita niya si Martin
na kasama pa rin ang mga kaibigan habang nag-iinuman. Beer lamang ang iniinom ng
mga ito. Napansin niya’ng wala si Gin, wala rin si Hanzen.

Bigla siyang kinabahan. Sino na ang maghahatid sa kanya pauwi? Paano kung malasing
si Martin? Bumaba siya sa stool chair at naglakad. Nahihiya naman siyang abalahin
si Martin. Pakiwari niya’y nalalasing na ito.

Alas-onse na ng gabi. Nag-text na rin ang Mama niya at nagtatanong kung nasaan na
siya. Lumabas siya ng bar at hinanap sa garahe ang kotse ni Hanzen. Wala na ito
roon. Talaga palang iniwan siya ng mokong.

Bumalik siya sa loob ng bar. Nagdadalawang isip siya kung aabalahin ba niya si
Martin. Lasing na ito at maingay na rin, namumula na ang mukha nito. Baka ika
niya’y hindi na nito kayang mag-drive. Lumabas na lamang siya ulit ng bar. Low
battery na ang cellphone niya para sana matawagan niya si Eric at magpapasundo
siya.

Nababanas na siya. Tiwala siyang ihahatid siya ni Hanzen tapos iiwan din pala siya
nito sa bar. Wala naman itong sinabi na si Martin ang maghahatid sa kanya o sumakay
na lang siya ng taxi. Hindi niya kabisado ang Alabang. Parang pusang ‘di mapaanak
at labas-masok siya sa bar.

Hindi rin siya makapagpasya kung papara na ba siya ng taxi. Hindi pa siya
nakapagpaalam kay Martin. Pumasok na muli siya sa bar. Kung kailan nakumbinsi na
siyang kausapin si Martin ay saka naman niya ito nadatnang tulog sa kinaluklukan
nito. Kung minamalas nga naman.

Kay Rum na lamang siya nagpaalam. Pagkuwa’y lumabas na siya ng Bar. Nag-aabang na
siya ng taxi. Ngunit nakalipas na ang kalahating oras ay walang taxi na tumitigil
para pasakayin siya. Pinapapak na ng lamok ang makinis niyang binti.

“May araw ka rin sa aking Hanzen ka,” bulong niya.

Isang oras na ang nakalipas pero wala pa siyang masakyan. Alas-dose pasado na.
Nabubugnot na siya. Mahapdi na ang binti niya sa kakasampal niya sa lamok na
dumadapo roon. Arg! Buwisit!

Mamaya’y napapikit siya nang may ilaw ng kotse na tumutok sa mukha niya. Napaatras
siya. Naramdaman niya’ng may pumarang sasakyan sa harapan niya pero hindi siya
kaagad nagmulat ng mga mata. Narinig niyang bumukas ang pinto ng sasakyan at muli
ring sumara.

“Bakit nandito ka pa?”

Dagli siyang dumilat nang maulinigan ang pamilyar na tinig na iyon. Si Hanzen! Oo
nga. Si Hanzen at naisapn pang bumalik. Hindi niya inisip na kaya ito bumalik ay
para sunduin siya.

“Pumasok ka na sa kotse,” pagkuwa’y sabi nito.

Pumanting ang tenga niya. Napamulagat siya habang nakatitig sa tila kagigising lang
nitong mukha. Ang reaksiyon niya ay tila hindi niya naintindihan ang sinabi nito.

“Hoy! Pumasok ka na bago ka pa ma-dengue riyan!” udyok ni Hanzen.

Napalunok siya. Ngayon pa, ang dami nang dugo ang nakuha ng lamok sa akin,
naisaloob niya habang kumikilos papasok sa kotse nito.

Sa driver side siya umupo. Pumasok pa sa bar si Hanzen. May dalawang minuto ito sa
loob bago muling lumabas. Paglabas nito ay akay na nito si Martin na lantang gulay
na. Umismid siya. Hindi pala siya ang dahilan kaya ito bumalik roon.

Si Martin pala ang sinusundo nito. Ewan niya bakit bigla siyang nanlumo. Nang
naisakay na nito si Martin sa back seat ay pumasok na rin ito at binuhay na nito
ang makina ng kotse. Pagkuwa’y dahan-dahan na nito iyong pina-usad.

Tahimik ito at mukhang mainit ang ulo. Kanina pa kasi niya napapansin ang panay
pagngitngit ng mga ngipin nito. Si Martin ang una nitong inihatid na inakay pa nito
hanggang sa loob ng bahay.  Hindi pa ito kaagad nakabalik.

Alas-dos na ng umaga wala pa siya sa bahay nila. Hindi rin niya matawagan ang Mama
niya. Siguradong nag-aalala na iyon sa kanya. Inaantok na rin siya. Mabuti na
lamang Sabado bukas at wala siyang pasok sa construction site.

Napapapikit na siya nang bumukas ang pinto at sumakay si Hanzen. May hawak itong
isang maliit na kahon ng chocolate bars. Pumuwesto na ito sa harap ng manobela.

“Gusto mo?” tanong nito sabay abot sa kanya ng kahon na tinalian ng pulang laso.

Tumitig siya sa mukha nito sa halip sa ini-aalok nito sa kanya. Hindi siya
makasagot. Lutang na kasi ang isip niya.

“Kunin mo, sa iyo na. Hindi naman ako kumakain nito,” anito at kusa nang ipinatong
sa mga hita niya ang kahon saka ito nagmaniobra.

“S-salamat,” sabi na lamang niya.

Tumutulin na ang pagpapatakbo nito sa sasakyan. Palibhasa’y wala nang traffic.


Nalipasan na rin siya ng antok.

“Shet!” bulalas ni Hanzen at bigla nitong inihinto sa gilid ng kalye ang kotse.

Napamulagat siya. Hindi niya alam kung ano ang naisip nito. Palinga-linga siya sa
paligid. Wala namang umabala sa kanila sa kalsada. Malamlam ang ilaw sa kalye at
nasa over past sila. Ang alam niya’y bawal huminto ang sasakyan roon.
“Bakit?” tanong niya sa ilalim ng namamalat na tinig.

“Na-short ako ng gas. Hindi ko napansin kanina,” batid nito.

Nabuhayan siya ng dugo. Mabilis na bumalot ang kaba sa dibdib niya. Kung minamalas
nga naman.

“Paano ‘yan?” nababahalang tanong niya.

“Mag-taxi ka na lang total malapit ka na sa inyo,” anito.

“H-ha? Ikaw?” may pag-aalalang saad niya.

“I’ll call my friend for rescue,” sabi nito.

Nag-aalangan siyang iwan ito sa ganoong sitwasyon. Gusto niyang masiguro kung
talagang naubusan ng gas ang kotse nito. Nagawa pa niyang sumilip sa gawi ng metro
kung saan masisilip niya ang level ng gas.

“What are you doing?” naiiritang tanong nito. Iniharang nito ang katawan sa harap
ng manobela.

“Gusto kong makita kung wala na talagang gas,” siguristang sabi niya.

“Damn! You think I’m kidding?!” asik nito.

“Baka kasi niloloko mo lang ako,” aniya.

“Holy shit!” Umibis ito ng sasakyan. Pinabayaan siya nitong masilip niya ang level
ng gas.

Medyo madilim kaya hindi niya masyadong maaninag. Pero nakita niya’ng halos zero na
ang level ng gas. Umayos na siya ng upo.

“What?” anito nang pumasok itong muli.

“Sorry. Dahil sa ginawa mo sa akin noon sa Gatekeepr’s Lodge ay naging aware na


ako,” aniya.

“Ano sa palagay mo ang gagawin ko sa iyo dito? Pagsasamantalahan? God, Anniza!


Hindi ako rapist!” walang abog na sabi nito.
Ini-angat niya ang mukha at tinitigan niya ito ng masama. “Hindi ko iniisip na
pagsasamantalahan mo ako. Alam ko’ng hindi mo iyon magagawa. At hindi ka ganoong
uri ng lalaki. Baka kasi binu-bully mo na naman ako,” matapang na sabi niya.

“Bully? Yes, but not this time. Kahit siguro rapist ako ay hindi ka papasa sa
panlasa ko. Mapait ka,” anito. Nag-dial ito ng numero sa cellphone nito.

“Paano mo nasabing mapait ako? Nalasahan mo ba? Ang yabang mo!” nakabusangot na
wika niya.

Hindi na ito sumagot sa kanya. Kausap na nito kung sinumang anghel sa porgatoryo
ang tinatawagan nito.

“Nandito ako sa over past ng Quezon Avenue. Urgent please, manganganak na ang
kasama ko.”

Marahas na naibaling niya ang tingin kay Hanzen. Uminit ang tenga niya dahil sa
sinabi nito. Sino ang tinutukoy nitong manganganak, siya? Ngali-ngali niya itong
hambalusin ng bag niya.

Nang wala nang kausap si Hanzen ay isinubsob nito ang mukha sa manobela. Hindi na
ito muling nag-angat ng mukha. Pakiwari niya’y inaantok na rin ito.

“Mag-aabang na ba ako ng taxi?” mahinahon niyang tanong.

Umangat ito ng mukha saka ito umupo ng maayos. “Parating na ang kaibigan ko.
Nariyan lang naman siya sa Taff Avenue,” anito.

“So hindi na ako magta-taxi?” tanong niya.

Nababanas na hinarap siya nito. “Alam mo, ang hirap mong maka-pick-up e, no?
Parating na nga ang kaibigan ko!” Tumaas pa ang timbre ng bosses nito.

Hindi na lamang siya umimik.

Mayamaya’y may kumatok sa pinto. Dagli namang binuksan ni Hanzen ang pinto nang
matiyak na kaibigan na nito ang dumating. Bahagya pang sumilip ang matangkad na
lalaki na nakasuot ng itim na jacket.

“Oy, kahit pala magdamag kang tumirik dito, okay lang,” narinig niyang sabi ng
lalaki.

Bumaba na si Hanzen. “Maaasahan ka talaga, Scotch. Mabuti nandito ka sa QC,”


narinig niyang sabi ni Hanzen.
Scotch? Ang pangalan ng lalaki. Kung hindi siya nagkakamali, isa rin ito sa staff
ng bar. Hango din kasi sa alak ang pangalan. Pinagninilayan niya ang dalawang
lalaki sa pamamagitan ng side mirror. Nagbubulungan ang mga ito na parang mga
bubuyog. Wala siyang maintindihan.

“Thanks, Scotch! Credit muna ito, a,” sabi ni Hanzen nang siguro’y naisalin na nito
ang gasolina na dala ni Scotch.

Nasa bukana na ng pinto sa driver side si Hanzen. “Drive safety, dude. Baka
mapaanak ‘di oras ‘yang kasama mo,” narinig niyang sabi ni Scotch sabay tawa ng
malakas.

Nanrindi ang tenga niya. Tumawa din si Hanzen. Mayamaya pa’y narinig niya ang pag-
andar ng motorsiklo na marahil ay sasakyan ni Scotch. Nang makaalis si Scotch ay
pumasok na rin si Hanzen at binuhay na nitong muli ang makina ng sasakyan.

Nakahinga na rin siya ng maluwag nang pina-usad na nito ang sasakyan. Alas-tres
pasado na ng umaga. Hindi na siya inaantok pero pakiramdam niya’y nakalutang siya
sa hangin.

Pagdating sa tapat ng bahay nila ay nagmadali na siyang mabuksan ang pinto ngunit
naka-lock pa iyon. Tumingin siya kay Hanzen. Nakatitig lang din ito sa kanya. Wala
ata itong balak na pababain siya.

“Open the door please...” pakisuyo niya.

“Bukas na iyan,” anito.

Sinubukan niyang buksan muli ang pinto pero naka-lock pa rin iyon. Pumihit siya
paharap kay Hanzen. “Inaasar mo ba ako?” napipikong tanong niya.

“Tsk! Magdamag na tayong magkasama, inaantok na ako, sa palagay mo may gana pa


akong asarin ka?” pilyong saad nito.

“E ano ‘to? Hindi mo binubuksan ang pinto!” naiiritang sabi niya.

“Come on, ipagbubukas pa ba kita? Ignorante ka lang. Push the button hindi ‘yong
hila ka ng hila para naman sa bintana iyang hinihila mo. May balak ka pang manira
ng kotse. Hindi mo ba nakikita ang button? Or inaantok ka na?” tila nang-uuyam pang
sabi nito.

Napalunok siya. Kinapa niya ang button na sinasabi nito. Oo nga at meron. Nakadama
siya ng pagkapahiya. Nang pindutin niya ang button ay may pumitik sa pinto.
Nabuksan na niya iyon.
“See?” anito.

Sinipat niya ito. Hindi na lamang siya umimik saka siya bumaba.

“Ops! Nakalimutan mo ang chocolate bars,” anito at ini-abot pa sa kanya ang kahon
ng chocolate bars.

“Salamat,” sa wakas ay sambit niya.

“Your welcome! Sleep well and good morning!” nakangiting sabi nito. Ngiting may
bahid ng kasakiman.

Bumuntong-hininga siya saka niya isinara ang pinto. Bumusina pa ito bago ito
umalis.

=================

Chapter Five

ALAS-ONSE na ng umaga nang magising si Cordial. May nakahain nang mga tanghalian
nang makapasok siya sa kusina. Naroroon pa din si Akiko pero ang Lolo nito ay umuwi
na. Si Akiko ang nagluto ng tanghalian.

“Good morning, Hanz! Umaga ka na raw nakauwi. Saan ka ba nanggaling?” tanong nito
habang naglalagay ito ng plato sa mesa.

“Wala ka nang pakialam,” supladong tugon niya. Umupo na siya sa harap ng hapag.

“Ang sungit mo naman. Worried lang naman ako sa iyo. Nasa Subic pala ang Lolo mo at
ang Lola mo naman ay nasa Davao kasama si Manang Rose. So meaning, tayong dalawa
lang ngayon ang nadito,” batid nito.

Pumanting ang tenga niya. Nakakaramdam na siya. Gusto talaga ng lolo niya na
magkaroon sila ng solong oras ni Akiko. Napansin nga niya ang tahimik ng bahay at
sila nga lang dalawa ni Akiko ang naroroon.

“Bakit ang dami mong niluto kung dalawa lang tayo dito?” seryosong tanong niya.
Nagsasalubong ang makakapal niyang kilay.

“Para kapag hindi maubos ay mamayang gabi. Para hindi na ako magluluto ulit,”
nakangiting tugon ng dalaga. Umupo na rin ito sa katapat niyang silya.
“Nagsasayang ka lang ng pagkain. Hindi ako kumakain ng re-heat foods. Gusto ko
sariwa na ihahain. Don’t say na ang iba rito ay kagabi pa at in-init mo lang!”
paasik na saad niya.

Nababakas sa mukha ni Akiko ang takot. “Kaluluto ko lang lahat iyan. ‘Yang beef
sukiyaki ay kanina ko lang din niluto. Paborito mo ‘yan ‘di ba?” mahinahon pa ring
wika nito.

Mariing nagtagis ang bagang niya. Ewan niya bakit kumukulo ang dugo niya kapag
nakikita niya si Akiko, samantalang wala naman itong ginagawang masama sa kanya.
Nawalan na siya ng ganang kumain.

“Ayo’kong kumain,” aniya saka tumayo.

“Bakit?” tumayo rin si Akiko.

“Huwag mo na akong tanungin. Bakit ba umaasta ka na parang asawa kita? Huwag kang
assuming. Por que pinagkakasundo tayo ng mga lolo natin ay puwede mo nang isipin na
pakakasalan kita!” asik niya.

Bahagyang napaatras si Akiko. “Wala namang kinalaman dito ang kasunduan ng mga Lolo
natin. Gusto kita kaya ko ito ginagawa. Mahal kita, Hanzen!” Naglalandas na ang mga
luha ng dalaga sa pisngi nito.

Binato niya ito ng mahayap na titig. Manhid na nga siguro ang puso niya. “Wala
akong pakialam sa nararamdaman mo, Akiko. Ilang ulit ko bang sinabi sa’ ‘yo? Hindi
kita gusto! Hindi ako natatakot itakwil ng grandparents ko. Naiintindihan mo ba
ako?!” may riing sabi niya.

“Ginagawa ko naman ang lahat para magustuhan mo ako. Bakit ba ang tigas ng puso
mo?!” may hinanakit na saad nito.

Bumuntong-hininga siya. “Alam mo, ikaw itong manhid, e. Hindi mo ba naramdaman na


halos ipagtabuyan na kita? Tanga ka ba?!” walang pasubaling sabi niya.

Nagulat na lamang siya nang biglang lumipad ang palad ni Akiko sa pisngi niya.
“Ikaw ang manhid, Hanzen! Ang sama mo! Kakarmahin ka rin sa ginagawa mo!” asik
nito.

“I don’t care about karma! Magsumbong ka, wala akong pakialam!” aniya.

Humagulgol ng iyak si Akiko. “Darating ang araw, wala ring babaeng tatanggap sa iyo
dahil sa sama ng ugali mo!” anito at basta na lamang siyang iniwan.
Pinabayaan niya itong mag-empake. Naligo na lamang siya. Pagkatapos niyang mag-
asikaso ay niligpit na niya ang mga pagkain. Nakaalis na si Akiko. Mayamaya’y
umalis na rin siya.

Magre-report pa siya sa Martial Arts studio para magturo sa mga estudiyante niya.
Sirang-sira ang araw niya kaya tatlong oras lamang ang inilaan niya sa pagtuturo.
Pagsapit ng alas-tres ng hapon ay dumiretso na siya sa bar.

Restaurant pa lamang ang bukas. Mamayang alas-sais pa ang operasyon ng bar.


Naroroon si Bourbon at nag-aasikaso para sa live band mamaya. Hindi pa siya
kumakain ng tanghalian.

Pagpasok niya sa kusina ay nadatnan niya roon si Tequila at Cognac. Bihira niyang
naaabutan si Tequila sa puwesto. Madalas kasi ito sa barko. Lalo lamang humilab ang
sikmura niya nang maamoy ang niluluto ni Tequila na Beef tacos.

“Dude, naliligaw ka ata,” bungad sa kanya ni Cognac. Nagluluto din ito ng sarili
nitong beef tacos at burger.

“Nagugutom ako, dude,” aniya.

“Hi, Cords!” bati sa kanya ni Tequila.

“Parang masarap ‘yang niluluto n’yo, a,” aniya. Pumagitan siya sa dalawa at
parehong inakbayan.

“Kung gusto mo rin ng tacos, magluto ka. Food trip kami ngayon ni Chef Tequila,”
ani Cognac.

“Hindi ako kumakain ng Mexican foods, pero mukhang masarap ‘yan. Gusto ko ‘yong
maraming letuce at cucumber,” aniya.

“Kumuha ka sa chiller ng tacos dough at lutuin mo dito saka lagyan mo ng suited


ground beef at bahala ka na sa ibang topings,” turo sa kanya ni Tequila.

Tumalima naman siya. Kumuha siya ng fresh tacos dough sa chiller saka siya bumalik
sa cooking area. Pinagmamasdan niya ang dalawa kung paano niluluto ng mga ito ang
dough.

“Anong gagawin ko, dude?” tanong niya sa mga kasama.

“Ilatag mo na rito sa frying pan ang dough mo at hintayin mong mag-brown saka mo
baliktarin,” sabi ni Tequila.

Inilatag naman niya ang dough sa mainit na frying pan kung saan din niluluto ni
Cognac ang burger patties na ipapalaman nito sa burger bans nito. Nag-e-enjoy siya
sa ginagawa niya. Abala ang ibang cook sa pagluluto ng order ng mga costumer nila.
Sila rin ay abala sa pagluluto ng mga pagkain nila.

Naluto na ang dough niya. Inilagay na niya iyon sa malapad na plato saka pinunasan
ng hot sauce. Tinutularan niya ang procedure na tinuturo ni Tequila. Binudburan
niya ng dalawang kutsurang suited ground beef ang ibabaw ng dough kasunod ang
ginayat na lettuce at pipino. Saka niya binudburan ng shredded cheddar cheese.

Ang problema niya ngayon ay hindi niya alam kung paano kainin ang fresh tacos niya.
“Kukutsarahin ko ba ito, dude?” natatawang tanong niya kay Tequila.

Humagalpak ng tawa si Cognac. “Kinakamay ‘yan, dude,” sagot naman ni Cognac.

Natatawa rin si Tequila. “Itupi mo, dude. Sana kanina mo pa tinupi bago mo nilagyan
ng toppings, pero okay lang ‘yan,” ani Tequila.

“Okay. Sorry, engot ako sa ganitong pagkain,” aniya. Kinamay na niya ang tacos.

“Baka gusto mo ring sabawan ang tacos mo, dude,” biro sa kanya ni Cognac.

Tumawa lamang siya. Pagkuwa’y tahimik na siyang kumakain habang nakaupo sa ibabaw
ng stainless na mesa. Nagkukuyakoy pa ang kanang paa niya. “Sarap, ah,” aniya
habang puno ang bibig.

Pagkatapos na mabusog ay lumabas na ng kusina si Cordial at naghagilap ng wine sa


bar counter. Naroroon na si Gin para mag-duty. May iilan na ring costumer para mag-
unwind. May live band kasi kaya alas-singko pa lamang ng hapon ay marami na ang
pumapasok sa bar. palibhasa weekend.

“Bakit nandito ka, dude?” tanong sa kanya ni Gin habang nagpupunas ito ng mga baso.

Nakaupo naman siya sa ibabaw ng stainless na mesa habang sumisimsim ng red wine.
“Bad trip sa bahay,” pagkuwa’y tugon niya.

“Wala ka bang pasok sa Martial Arts Club?”

“Meron pero sandali lang ako.”

“Nalasing daw kagabi si Brandy, a. Sino ang naghatid kay Anniza?” mamaya’y usisa ni
Gin.

Awtomatiko’y naiisip niya si Anniza. “Ako,” mabilis niyang sagot.


Tumitig sa kanya si Gin. “Hindi ba sabay tayong umuwi kagabi?” anito.

“Bumalik ako. Tinawagan kasi ako ni Rum. Sabi niya lasing na si Brandy at nakatulog
na. Sinabi rin niya na hindi pa nakakauwi si Anniza,” aniya.

“Nag-alala ka rin pala kay Anniza,” nakangising tudyo ni Gin.

Binato niya ito ng mahayap na tingin. “Tsk! Si Brandy ang inalala ko kagabi,”
aniya.

Umungos si Gin. “Ilang beses nang nakatulog sa bar si Brandy, ngayon ka lang nag-
alala? Puwede naman siya matulog sa Lodge. Mag-diny ka pa ba?” seryosong wika ni
Gin.

Tumayo siya. “Fine! Nag-alala ako kay Anniza at walang ibang kahulugan iyon. Baka
kasi magalit sa akin si Mr. Montales kapag napano ang anak niya,” paliwanag niya.

“Oh, talaga?” ani Gin.

“Anong gusto mong sabihin ko?”

“Gusto mo si Anniza?” prangkang tanong ni Gin.

“Huh! No way! ‘yon? Kung magbiro ka wagas, Gin,” napipikong saad niya.

“Hindi ako nagbibiro, Hanz. Isipin mo na lang ang pinagpupustahan nating tatlo ni
Brandy. Paano kung sasagutin nga ni Anniza si Gerald? Mababaliwala ang paghihirapan
natin sa Batangas project kung kalahati ng kikitain natin ay mapupunta lang kay
Brandy. Tuso si Brandy, he will do anything to win. Malamang, tutulungan niya si
Gerald na mapasagot kaagad si Anniza. Nauunawaan mo ba ako, dude?” mahabang pahayag
ni Gin.

Lumawak bigla ang isip niya. May point si Gin. Malaking pera nga naman ang makukuha
sa kanila ni Brandy sakaling manalo ito sa pustahan nila. Hindi niya akalaing
siseryosohin pala talaga nila ang pustahang iyon. Tiwala kasi siyang mananalo siya
kaya parang kalmado lang siya. Pero hindi niya gusto ang suhestiyon ni Gin.

“Ligawan mo rin si Anniza, Hanz,” sabi sa kanya ni Gin.

Nasamid siya ng wine. Napaubo siya. “Shit!” bulalas niya.

“Bakit?” tanong ni Gin.

“Huwag ka ngang magbiro ng ganyan, Gin. Para kang nakakaloko,” aniya.


“Hindi naman ako nagbibiro.”

Oo nga at seryoso si Gin. Pero hindi siya natutuwa sa suhesyon nito. Tinulungan na
lamang niya itong magsalansan ng baso sa serving tray. Napansin niya na panay ang
sipat sa kanya ni Gin habang abala ito sa pagtipa sa cellphone nito.

Mayamaya’y may lumapit na magandang babae at nag-order ng inumin. “Cocktails daw,


dude,” sabi niya kay Gin.

Kumilos naman si Gin. Tinulungan na niya ito sa paghiwa ng mga prutas na gagamitin
nito. Maya’t-maya rin ang subo niya ng binalatan niyang dalandan. Napakislot siya
nang sikuhin ni Gin ang tagiliran niya.

“Naglilihi ka ba?” tanong ni Gin.

“Nangangasim ako,” aniya.

“Kasama sa inventory ‘yang kinakain mo.”

“Charge mo sa akin.”

NAGTATAKA si Anniza bakit nagtext sa kanya si Gin at pinapapunta siya sa bar ng mga
ito. Mag-uusap daw sila tungkol sa Batangas project over dinner. Tinatamad pa naman
siyang lumabas.

Naglalaba siya ng mga damit niya. Mamayang gabi naman ay manunuod siya ng fashion
show ng ate niya. Nang tanungin niya si Gin kung bakit ay hindi naman na iyon
sumagot. Naisip na lang niya na baka importante talaga.

Pagkatapos niyang maglaba ay nagpaalam na siya sa Mama niya. Nakahain na ang


hapunan nila. “Bakit hindi ka muna kumain, Anak?” tanong ni Almera.

“Dinner meeting naman po ang pupuntahan ko,” aniya.

“Baka abutin ka na naman ng umaga, a. Huwag kang papaabot ng umaga baka mapano ka.”

“Hindi, Ma. Pupunta rin ako sa studio nina ate pagkatapos. Promise, uuwi ako ng
maaga,” aniya.

“Sige, mag-iingat ka.”


“Opo.”

Pagkuwan ay umalis na siya. Patungo na siya ngayon sa Gentlemen’s Bar. Wala pa rin
siyang ideya kung ano ang pag-uusapan nila ni Gin. Pabor iyon sa kanya dahil si Gin
mismo ang lumalapit sa kanya. Isa si Gin sa gusto niyang maka-close sa kompanya
nila.

Pagdating sa naturang bar ay agad niyang hinagilap si Gin, pero natagpuan naman
niya ito sa bar at naka-duty. Paano sila mag-uusap? Habang papalapit siya sa
counter ay may natatanaw pa siyang isang lalaki na pamilyar. Bigla siyang sinalakay
ng kaba.

Ano naman ang ginagawa roon ni Hanzen? Ang alam niya hindi naman nagdu-duty roon si
Hanzen, pero tumutulong ito kay Gin. Nang maibsan na ang tao sa counter ay lumapit
na rin siya at umupo sa stool chair.

“Hi, Gin!” bati niya kay Gin.

Awtomatiko naman itong tumingin sa kanya. Napatingin din sa kanya si Hanzen habang
abala ito sa pagsasalin ng ice cube sa mga baso. Bakas sa mukha nito ang
pagkasurpresa. Matagal na nagtama ang mga mata nila.

“Akala ko hindi ka pupunta,” sabi ni Gin sa kanya.

Naibaling naman niya ang tingin kay Gin. “Mukhang importante kasi ang pag-uusapan
natin kaya pumunta ako kahit may iba akong lakad,” aniya.

“Actually hindi ako ang may gustong kausapin ka. Si Hanzen,” ani Gin.

Natigilan siya. Binato niya ng tingin si Hanzen na niyon ay nakitaan niya ng labis
na pagkabigla sa mukha. Napansin niyang siniko nito ang tagiliran ni Gin at
bubulung-bulong ito. Wala namang imik si Gin. Hindi niya alam kung ano ang pakulo
ng dalawang ito. Nahihinuha niya’ng may pinaplanong hindi maganda ang mga ito sa
kanya.

“S-si Hanzen?” manghang tanong niya kay Gin.

“Yes,” matatag na sagot ni Gin.

Tumitig siya kay Hanzen. Tinaasan lamang siya nito ng isang kilay. Malapit na
siyang mainis sa dalawang ito. “Hanzen?” bulong niya.

Lumabas ng counter si Hanzen. Inakala niyang lalapitan siya nito pero diridiretso
ito ng lakad. Nabuwisit na siya. Sinundan niya ito hanggang sa dining area.
“Hanzen, hoy! Alam mo bang inabala mo ako? May iba pa akong lakad. Pinagluluko ba
ninyo ako ni Gin?” pumapalatak siya habang nakasunod sa likuran nito.

Bigla itong huminto. Huminto rin siya. Sa wakas ay hinarap siya nito. “In-set up
tayo ni Gin,” sabi nito.

Kumunot ang noo niya. “Para saan naman?” naiinis na tanong niya.

“Aba’y ewan ko! Nananahimik ako. Nagpa-uto ka rin? Por que si Gin ang nag-imbita sa
‘yo agad kang susunggab? Hindi ka rin patay kay Gin, ano?” anito.

Bumuka ang bibig niya pero walang salitang lumabas. Nawiwindang siya sa pinagsasabi
nito. Iniisip ba nito na may gusto siya kay Gin? Gusto niya ng hustisya.
Pinagtitripan siya ng mga ito.

“Wait, hindi ako kumain dahil sabi ni Gin, dinner meeting. Tapos ngayon sasabihin
niya na ikaw ang nagpapunta sa akin dito? Ano ‘to?” naiiritang saad niya.

Narinig niya ang pagdaiti ng ngipin ni Hanzen. “Bakit naman kita papupuntahin dito?
Parang binigyan ko lang ng sakit ang ulo ko,” anito.

Nainis siya sa sinabi nito. “Ako? Sakit sa ulo?”

Hindi siya nito sinagot. “Umupo ka riyan at pakakainin kita,” bagkus ay sabi nito
saka siya nito iniwan.

Umupo naman siya sa bakanteng mesa. Mayamaya pa’y bumalik na si Hanzen at may dala
na itong pagkain. Hindi man lang ito nagtanong kung ano ang gusto niyang kainin.
Umupo rin ito sa katapat niyang silya.

“Kumain ka muna,” sabi nito.

Tinitigan niya ang pagkaing inihain nito. Beef tenderloin steak with broccoli and
baby carrot, mash potato at coleslaw. May kasama pang maliit na hiwa ng mustard
cake. Mahal masyado ang set ng pagkaing iyon. Isang libo mahigit ang halaga niyon
sa restaurant na pinagkainan nila minsan ni Arian. Gustong-gusto niya iyon pero
bibihira lamang siya nakakakain niyon dahil mahal.

“Anong gusto mong inumin?” pagkuwa’y tanong nito.

Hindi siya makapaniwala na tinatrato siya nito ng ganoon. Hindi naman ito mukhang
may binabalak na masama sa kanya. “Four season juice, please...” aniya.
“Cocktails, ayaw mo?”

Umiling siya. Pagkuwa’y tumayo na ito upang kunin ang inumin niya. Kanina pa siya
nagugutom kaya nilantakan na niya ang pagkaing inihain ni Hanzen. Masarap nga
namang kumain ng libre.

Mamayamaya pa’y bumalik na si Hanzen dala ang inumin niya. May dala rin itong
inumin nitong red wine. Umupo na itong muli sa harapan niya.

“Pagkatapos mong kumain ihahatid na kita sa inyo,” wika nito.

Tumigil siya sa pagsubo. “Ganoon lang ‘yon? Nag-effort ako papunta rito,” reklamo
niya.

“Pinakain naman kita. Amanos na tayo,” anito.

“Nagmadali pa akong pumunta dito, hindi ko na nga nakusot ng mabuti ang labahan ko,
tapos—”

“Kay Gin mo sabihin ‘yan huwag sa akin, bastard!” paasik na sabi nito.

“Ano? Ako bastard? Go to hell, Hanzen!” tinusok niya ng mariin ng tinidor ang
steak.

“Kumain ka lang,” anito.

“Baka may lason pa itong kinakain ko!” protesta niya.

“Huh! Ang dami mo nang nakain ngayon ka pa nagreklamo. Ubusin mo na ‘yan para hindi
masayang ang ibabayad ko.”

“Pag-uuntugin ko talaga kayo ni Gin, mga walang hiya kayo!” tumaas na ang tinig
niya.

“Sssh, behave, lady. Baka isipin ng mga tao away mag-asawa ito,” sarkastikong sabi
nito.

“Agr! Isusumbong na talaga kita kay Papa. Hindi na nakakatuwa ang ginagawa mo sa
akin,” banta niya.

“Okay, magsumbong ka. Pagkatapos, ano?”

Hindi siya umimik. Pinagpatuloy na lamang niya ang pagsubo. Pakiramdam niya’y may
malaking bara sa lalamunan niya. Hindi na niya nalasahan ang masarap na pagkain.

“Gusto mo ng fresh tacos? Ipagluluto kita?” tanong pa nito.

“Nang-aasar ka ba?”

Tumawa ito ng pagak. “Inaalok lang kita, masama ba ‘yon?” tanong nito.

Pakiramdam talaga niya may binabalak itong hindi maganda sa kanya. Wala siyang
tiwala sa kabutihang pinapakita nito. Ayaw na niyang mabiktima ng pambu-bully nito.
Baka pagkatapos niyang kumain ay makakatulog siya at magising siya kinabukasan na
nasa loob ng isang madilim at mabahong silid.

“Ikukuha kita ng tubig,” sabi nito saka ito tumayo at iniwan siya.

Kung ganoon lang sana palagi si Hanzen ay magpapantasya siya na maging nobyo ito.
Kaso kawawa ang magiging nobya nito. Baka itatali lamang siya nito sa poste ng kama
saka ipalapa sa mga alaga nitong daga at ipis. Karamihan sa nakilala niyang may
dugong Japanese ay mga sadista. Hindi niya pinangarap na malahian ng mga sadista.

Bumalik si Hanzen dala ang tubig niya. Katatapos lamang niya kumain. “Salamat,”
aniya pagkatanggap ng tubig.

Umupo itong muli at nakatitig lamang sa kanya. Kamuntik na siyang masamid nang
mamataan kung paano siya nitong titigan. “Bakit?” tanong niya.

“Alam mo bang hindi bagay sa ‘yo ang propisyong Architect?” seryosong sabi nito.

Pinahiran niya ng tissue ang bibig. “Inaamin ko,” aniya.

“E bakit ka pa kumuha ng Architecture?” umuusig na tanong nito.

“Gusto ni Papa, e,” tipid niyang sagot.

“Oh, so hindi mo ginusto?”

“Wala lang akong choice.”

“Dapat nagprotesta ka. Kasi kapag hindi ka masaya sa trabaho mo, wala kang
magagawang maganda,” anito.

Tinitigan niya ito sa mga mata. “Ginagawa ko naman ang lahat para matatawag akong
magaling na Architect,” aniya.
“Paano ka magiging magaling kung hindi ka naman nagsiseryoso sa trabaho mo? Wala
ngang sense ang mga layout mo sa lobby sketch pa lang,” prangkang sabi nito.

Napaaray siya ng palihim. Hindi ata nito naisip na nakakainsulto ito. Maganda naman
para sa kanya ang layout niya ng lobby para sa isang hotel. Pinagpuyatan pa naman
niya iyong iguhit sa sketch paper tapos lalaitin lang nito?

“Ano ba ang mali sa ginawa ko?” tanong niya.

“Dull ang kalalabasan kapag nayari na ang lobby. Walang artist effect. Baka naman
bulaklak lang ang nakasanayan mong iguhit sa papel,” anito.

Ngali-ngali niya itong sapatusin. Kung makapanlait ito sagad sa balunbalunan. “Kaya
nga kitang iguhit, e,” pagmamalaki niya.

“Ohs...sige nga!” hamon nito.

“Bigyan mo ako ng break,” aniya.

“Okay. Dapat pala Fine Arts ang kinuha mo hindi Architecture,” wika nito.

“What ever.” Inirapan niya ito.

“Huwag mo akong tinitirikan ng mata baka dukutin ko ‘yan,” babala nito.

“So what? E gusto ko.” Pinaikot niyang muli ang mga mata.

“Gusto mo atang patirikin ko nang tuluyan ‘yang mata mo,” hamon nito.

Hindi siya nakaimik nang mamataan niya ang pilyong ngiti nito. Inayos na niya ang
mukha niya. “Aalis na ako, salamat sa dinner,” aniya. Pagkuwa’y tumayo na siya.

“Ihahatid kita ‘di ba?” apila nito. Tumayo na rin ito.

“May pupuntahan pa ako,” aniya.

“Kahit sa impiyerno ka pa pupunta, basta ihahatid kita,” giit nito.

“Fine.” Lumakad na siya. Nakabuntot lamang ito sa kanya.


=================

Chapter Six

DALAWANG beses nang inulit ni Anniza ang lobby sketch na pinagawa sa kanya ni
Hanzen. Noong nakaraang gabi nang ihatid siya nito sa studio nina Arian ay sinabi
nitong ulitin daw niya ang layout na ginawa niya. Para iyon sa Hotel na ginagawa ng
grupo nila sa Bulacan.

Nagpuyat na naman siya para pagpasok niya kinabukasan ay maipresenta na niya iyon
kay Hanzen. Huwag lamang nito iyong lalaitin dahil baka punitin niya sa harapan
nito ang papel.

Kinabukasan pagpasok niya sa Site ay dumiretso siya sa conference room para sa


meeting. Dala-dala niya ang naka-rolyong sketch paper. Katabi niya si Gerald sa
upuan at panay ang kuwento nito kaya wala siya masyadong naintindihan sa sinasabi
ni Engr. Duellas.

Pagkatapos ng meeting ay nagpaiwan siya kasama si Hanzen at Gin. Pinakita niya kay
Hanzen ang bagong gawa niyang plano para sa lobby ng hotel. Matagal bago nito iyon
hinatulan. Nakaupo lamang siya sa tabi nito habang sinusuri nitong maigi ang bawat
anggulo ng obra niya.

“Masyadong matakaw sa space. Hindi mo man lang nilakihan ang pasilyo papuntang
second floor. Kahit layout lang, bigyan mo ng buhay. Ayaw ko ng scratch,” hatol
nito sabay ibinalik sa kanya ang sketch paper niya.

“Pangatlong ulit ko na ito,” aniya.

Tumayo ito. “Alam mo, sayang ang mga punong pinuputol para gawing papel. Pag-aralam
mo muna ang kabuuan ng plano na ginawa ni Gin. Hindi ka naman nagtanong sa kanya o
sinilip man lang ang ginawa niya.” Pumapalatak ito habang kumikilos.

Lumabas na ito. Nagmadaling sinundan niya ito. “Dapat kasi si Gin na rin ang gumawa
ng additional part doon sa plano, e. Siya pala ang gumawa,” reklamo niya.

Huminto ito sa paglalakad. Hinarap siya nito. “In-give up na nga ni Gin ang project
na ito dahil sinisimulan na niya ang Batangas project. Ang client ang nag-request
ng additional facilities para sa hotel. Hindi kasi kasama sa planong ginawa ni Gin
ang lobby na gustong makita ng client. Hindi na panagutan ni Gin iyon dahil labas
na ito sa kontrata niya. Tapos na ang project,” paliwanag nito. Muli na naman itong
naglakad.
“Hanzen, napapagod na ako sa kakaulit sa lobby sketch,” reklamo niya habang
nakabuntot pa rin rito.

“Then quit! Walang problema doon, Ms. Montales,” anito.

Nasalubong nila si Brandy na kararating lang. “Ano, uulit na naman ako?” tanong
niya.

“As soon as possible, do it please...” anito.

Sa inis niya’y nagtiuna siya sa paglalakad. Hindi na ito nakasunod sa kanya.


Marahil ay sumabit iyon kung saan. Naiinis na pumasok siya sa canteen at nag-order
ng almusal.

“Nakakainis siya! Ano kaya ang gusto niyang makita sa sketch?” bulong niya habang
humihigop siya ng sabaw ng sopas.

Abot lalamunan na ang inis niya kay Hanzen. Wala na siyang ginawang tama sa mga
mata nito. Bakit ba kasi sa dami ng Engineer sa kompanya nila ay sa panig pa siya
ni Hanzen napunta?

Pagkatapos niyang mag-almusal ay isinama siya ni Hanzen sa Bulacan kung saan ang
hotel na project nila. Ipinakilala siya nito sa kliyente nilang si Mr. Chan—na
siyang may-ari ng hotel. Tapos na ang hotel pero ang extension sa harap ng hotel ay
sa kasalukuyan pang nakabinbin dahil hindi pa naaprobahan ang panibagong kontrata
para sa lobby.

Doon na rin sila nananghalian kasama si Mr. Chan, habang pinag-uusapan nila ang
tungkol sa extension ng hotel. Kahit hindi gusto ni Hanzen ang ginawa niyang plano
ng lobby ay pinakita pa rin niya iyon kay Mr. Chan.

At sa awa ng May Kapal, nagustuhan iyon ni Mr. Chan. Meron lang itong pinabago na
ilang bahagi sa plano pero nagustuhan nito ang kabuoan. Inirapan niya si Hanzen
nang nagustuhan ni Mr. Chan ang gawa niya. Dahil sa ipinakita niyang plano para sa
extension ng hotel ay nagpasya si Mr. Chan na isagawa ang proyekto sa lalong
madaling panahon.

Pagbalik nila sa site ay agad inaprobahan ni Engr. Duellas ang extension ng project
at nagtalaga na ito ng mga tao para gumawa sa naturang proyekto. Tuwang-tuwa naman
si Anniza at agad niyang inayos ang plano ng extension para sa hotel. Iyon na ang
pagbabasihan ni Hanzen sa ayaw man nito’t sa gusto.

Meyerkulis ng umaga ay tumulak na sila sa Bulacan para sa proyekto. Naroroon na rin


sa hotel ni Mr. Chan ang ilang construction workers at kompleto na rin ang mga
materyales na gagamitin. Kahit sasalang na siya sa construction ay hindi niya
maiwasan na magsuot ng three inches na sandals, fitted jeans na puti at Hawaiian
blouse with collar. Hinayaan niyang nakalugay ang ga-baywang niyang buhok na tuwid
na tuwid at nagsuot siya ng dilaw na safety cap.

Napansin niya na sobrang seryoso ni Hanzen habang nagmamando sa mga tauhan nila.
Mukhang mainit ang ulo nito dahil maaga pa’y nagsisigaw na ito sa mga manggagawa
habang sinisimulan ang construction ng extension ng hotel.

Sumuong na rin siya sa ilalim ng tirik na tirik na araw at nag-uutos sa mga tauhan.
Kausap ni Hanzen ang foreman nilang si Roland pero mayamaya rin ang sipat nito sa
kanya. Naghuhukay na ang ibang manggagawa para pagtirikan ng poste, habang ang
iba’y nagpuputol at nagbabaluktot ng mga naglalakihang round bar metal.

Masakit na sa balat ang sikat ng araw at ininda niya iyon pero hindi pa rin siya
umalis sa ilalim ng initan. Samantalang si Hanzen ay nakatayo lang sa lilim ng puno
ng palm tree. Mayamaya’y lumapit ito sa kanya.

“Dapat Miss. Universe crown ang ipinatong sa ulo mo hindi safety cap. Wala ka
namang ginawa kundi rumampa, e. Mag-audition ka kaya baka suportahan pa kita,” wika
nito sa kanya.

Binato niya ito ng mahayap na tingin. Nagawa pa siya nitong insultuhin. “Ano ba ang
dapat kong gawin? Tumunganga?” masungit na tanong niya.

“Wala ka namang maitutulong ditto, e. Tapos mo na ang trabaho mo. Kaya mo bang
magputol ng bakal, maghalo ng semento, magpala ng buhangin?” anito.

Pinamaywangan niya ito. “Gusto ko lang mag-assist kung saan ipupuwesto ang mga
poste. Alam ko ang sukat kung gaano kalaki ang espasyo ng bawat poste,” aniya.

“Ako ba hindi ko alam? It’s my turn. Sumilong ka na roon at baka mangitim ka at


masunog ang makinis mong balat,” supladong wika nito. Tinalikuran siya nito.

Aywan niya bakit ang lakas ng dating nito sa kanya habang nagsusungit ito. Kinilig
siya sa parte na nag-aalala ito sa kutis niya. Ei! Naroroon na siya sa point na
nakakaramdam na siya ng paghanga sa lalaki. Hindi niya namamalayan na napapangiti
siya habang pinagmamasdan si Hanzen na nagmamando sa mga tao. Namamawis ang likod
at dibdib nito na nababakat sa suot nitong itim na t-shirt.

Bigla atang uminit ito sa paningin niya. Lalo na nang nagpapawis ito at namumula
ang maputing balat buhat sa sikat ng araw. Naghanap na siya ng masisilungan. May
nag-abala namang bigyan siya ng upuan habang nasa gilid siya ng entrance ng hotel.
May dala siyang pamaypay. Panay ang tahip niya niyon habang nakatanaw sa mga
nagtatrabaho.

Mayamaya pa’y iniwan na ni Hanzen ang mga trabahador. Naglalakad na ito palapit sa
kinaroroonan niya—habang ito ay nagpupunas ng pawis sa dibdib at likod. Napalunok
siya habang pinagmamasdan ito. Pakiramdam niya’y biglang nanuyot ang lalamunan
niya. Ang dibidb niya’y kumakabog ng husto.
“Tara!” anito nang dumaan ito sa harapan niya.

Napakislot siya sabay tayo. “Saan tayo pupunta?” tanong niya habang nakasunod sa
likuran nito.

“Kakain muna tayo bago bumalik sa site,” sabi nito. Patungo na sila sa garahe kung
saan nakaparada ang kotse nito.

“Get in,” utos nito nang buksan na nito ang pinto ng kotse at sumakay na ito.

Sumakay na rin siya. Mabuti na lamang at naroon ang mga gamit niya sa back seat ng
kotse. Umupo siya sa tabi nito. Nakaupo na siya ng maayos nang biglang maghubad ng
damit si Hanzen.

Hindi niya natuloy ang pagsipat rito sapagkat nasilip niya ang nahantad nitong
katawan. Hindi man kasing laki ng mga maskuladong lalaki na alaga ng fitness gym
ang katawan nito—may maibubuga pa rin ito pagdating sa ka-matcho-an. Natural ang
pagkakahubog ng mga kalamnan nito na hindi pinaghihirapan upang mamukol.

Nakikita pa rin niya ito buhat sa rare view mirror. Mukhang wala pa itong balak
magsuot ng damit. Pinapahiran pa nito ng bimpo ang likod at dibdib nito. Hindi pa
nito binubuksan ang aircon ng sasakyan kaya medyo mainit.

“Sa bahay tayo kakain. Tinawagan ko si Mama kanina,” pagkuwa’y wika nito.

Napilitan siyang harapin ito. Nakaharap din pala ito sa kanya. Sus maryusep!

Sa halip na sa mukha siya nito titingin ay naligaw ang paningin niya sa dibdib at
mga asb nito na nahahati sa walo, animo’y maliliit na pandisal na pinagdikit. Sapat
lamang ang pamumukol ng mga iyon—pero tila bigla siyang pinagsikipan ng dibdib.
Bahagyang nalaglag ang panga niya.

Pumihit sa likod si Hanzen at may dinampot itong packbag na itim. Binuksan nito
iyon ay naglabas ng nakatuping damit. Pagkuwa’y muli nitong inihagis sa likuran
nila ang bag nito.

“Okay ka lang?” tanong nito sa kanya.

Napalunok siya at dagling naibaling niya ang tingin sa harapan. Nagsusuot na ng


damit si Hanzen.

“S-saan tayo kakain?” tanong na lamang niya.

“Sa bahay nga,” mabilis na sagot nito habang patuloy sa pagkilos.


“Saan? Sa Maynila?” tanong na naman niya.

“Dito lang, sa Kalumpit,” anito.

Nagtataka siya. Ang alam niya’y sa Cubao ito nakatira. “Dito mismo sa Bulacan?
Akala ko sa Cubao?” aniya.

“Taga rito talaga ako sa Bulacan. Nandito ang tunay kong mga magulang.” Pagkuwa’y
binuhay na nito ang makina ng kotse.

Nalilito siya. Kung magkagoon pala, hindi nito tunay na magulang ang tinitirahan
nito sa Cubao. Bigla ata siyang nagka-interes na usisain ang personal nitong buhay.

“Sino pala ang tinitirhan mo sa Cubao?” usisa niya habang tinatahak na nila ang
kahabaan ng kalye.

“Grandparents ko na umampon sa akin. Nag-iisang anak ako pero pumayag ang mga
magulang ko na ang grandparents ko ang magtayong magulang ko at magpalaki sa akin,”
seryosong pahayag nito.

Sinipat niya ito. May nararamdaman siyang kakaiba kay Hanzen na maaring may
kinalaman sa katauhan nito. “Okay lang sa iyo ‘yon?” maingat na tanong niya.

“No choice ako. I love my parents, both of them. Alam ko ang batas na umiiral sa
pamilya namin. Walang sapat na kinikita ang parents ko noon kaya inampon ako ng
Lolo ko. Iyon ang kabayaran sa pagtataksil ni Papa sa batas ni Lolo,” kaswal na
kuwento nito.

“Pagtataksil? Nagtaksil ang papa mo sa Lolo mo?” usisa niya.

“Yeah. Tumiwalag sa batas militar sa Japan si Papa sa kagustuhan niyang makasama si


Mama. Nakatakda nang ikasal si Papa sa babaeng ipinagkasundo ni lolo sa kanya. Ayaw
ni Papa dahil si Mama ang gusto niya. Pauwi na noon ng Pilipinas si Mama at sa
kasalukuyang isang buwan akong nasa sinampupunan niya. Sinuway ni Papa si Lolo,
sumama siya kay Mama dito sa Pilipinas hanggang sa magpakasal sila at maisilang
ako. After a couple of years, dumating dito sa bansa si Lolo kasama si Lola.
Naghihirap noon sina Mama at Papa dahil wala silang magandang trabaho pareho noon.
Lumapit si Papa kay lolo at humingi ng tawad. Pinatawad siya pero ang kapalit niyon
ay ako. Hindi ko na alam kung paanong nakumbinsi sina Papa at Mama na ipamigay ako.
Mura pa ang isip ko noon. Plano nila Lolo na isama ako pabalik sa Japan pero hindi
ako pumayag. Kaya ang nangyari ay nanatili na sila dito sa bansa at nagtayo na
lamang ng negosyo,” mahabang kuwento ni Hanzen.

Sa isang iglap lamang ay dinala siya nito sa mundo nito. Nakalimutan niya ang
lahat. Ngayon ay may namumuo na kung ano sa puso niya, isang pangitain na
nagkakaroon siya ng interes kay Hanzen. Wala na siyang mga katanungan mataps nitong
ikuwento na detalyado ang buhay nito. Hindi rin pala basta ang pinagdaanan nito sa
buhay.

Mayamaya pa’y inihinto na ni Hanzen ang sasakyan sa tapat ng dalawang palapag na


bahay na nababakuran lamang ng steel matting. Naliligiran ng malalago at berdeng
halaman ang paligid ng bahay. Hindi kalakihan ang bahay at maliit lamang ang
espasyo ng lupang kinatitirikan nito. Medyo old passion ang desinyo at madilim ang
aura ng bahay buhat sa matatarik na punong kahoy sa paligid nito.

“Tara na,” anyaya nito at nagtiuna na itong bumaba.

Bumaba na rin siya. Nasa labas pa lamang sila ng gate ay sinalubong na sila ng
dalawang malalaking aso. Walang puknat sa kaka-kahol ang mga ito at mukhang hindi
rin kilala si Hanzen.

“Ma!” tawag ni Hanzen. Tatlong beses ito nagtawag bago may lumabas na babae na
hindi naman katandaan. Maganda ito at nasa early fifty ang edad.

Pinagsasaway nito ang mga aso saka nag-abalang pagbuksan sila ng gate. “Naku,
nagluluto kasi ako, Anak,” wika ng ginang.

Pumasok na sila. Panay ang sipat niya sa mga aso baka kasi bigla siyang sakmalin.
Wala sa loob na napakapit siya sa braso ni Hanzen habang umiiwas sa aso na
nakabuntot sa kanya.

Napakislot siya nang biglang dumapo ang kamay ni Hanzen sa baywan niya at bahagya
siyang naitulak papasok sa kabahayan. Pinauna siya nitong pinapasok. May kung anong
kurywnteng dumalantay sa mga ugat niya nang panandaliang kapitan ng kamay nito ang
sensitibong parte ng baywang niya—kung saan malakas ang kiliti niya.

“Maupo muna kayo habang inihahain ko ang mga pagkain,” wika ni Gng. Emelia.

Iiwan na sana sila ng ginang nang awatin ito ni Hanzen. “Wait, ‘Ma. Si Anniza
Montales nga pala, bagong Architect ko,” pakilala ni Hanzen.

Hinarap naman siya ng ginang. Natataranta ito kaya siguro nakalimutan nitong
kilalanin siya.

“Hello po!” bati niya rito.

“Naku, pasensiya ka na, hija, late na kasing tumawag itong si Hanzen kaya medyo
natataranta ako. Wala kasi akong kasama rito sa bahay,” anito.

“Okay lang po, hindi naman po kami nagmamadali,” aniya.


“Ay, mabuti naman. O siya, maiwan ko na muna kayo dini,” wika nito saka nagmadaling
pumasok sa kusina.

Nahihiya naman siyang umupo. “Tulungan ko na lang kaya ang mama mo,” suhesyon niya.

“Huwag na, lalo lang siyang matataranta. Ako na lang ang tutulong sa kanya, dito ka
lang,” sabi nito. Pagkuwa’y iniwan na siya nito.

Umupo na lamang si Anniza. Una niyang napansin sa pamamahay na iyon ay ang aliwalas
ng paligid. Wala kasi masyadong kagamitan maliban sa mga sofa, center table at
malaking estante na kinalalagyan ng mga abubot. Walang TV o anumang appliances o
baka naman sa kuwarto ng mga magulang ni Hanzen ang TV.

Napansin din niya ang mga antigong kagamitan na made in Japan. Mga obra na mula rin
marahil sa Japan. Nasipat din niya ang kuwadradong larawan na nakasabit sa dingding
sa gawing kaliwa sa paanan ng hagdan. Black in white pa ang kuha ng mga magulang
roon ni Hanzen noong ikinasal ang mga ito.

Napansin niyang nahati ang hitsura ni Hanzen mula sa Mama at Papa nito. Hindi naman
kasingkitan ang mga mata ng papa nito at ang ganda pala talaga ng Mama nito noong
araw. Para itong si Mama Mary. Guwapo rin ang papa ni Hanzen. Kahit nasa larawan ay
nakikita niyang matikas at matapang ang hilatsa ng mukha.

Mayamaya pa’y lumabas si Hanzen mula sa kusina. “Hali ka na,” sabi nito sa kanya.

Ewan niya bakit bawat bitiw nito ng mga salita ay tila ba siyang dinuduyan sa ere.
Hindi niya maalala kung kailan siya nagsimulang makadama ng ganoon. Naiilang siya
ng sobra kay Hanzen.

Hindi ganoon kaluwag ang espasyo sa kusina. Karugtong lamang ng dining area ang
cooking area. Tulad sa sala, wala rin iyong masyadong kagamitan. Ref lamang ang
appliances roon at stand fan. Napaka-simple lang nga ng pamumuhay ng mga magulang
ni Hanzen kung tutuusin.

Umupo na siya sa harap ng hapag kaharap si Hanzen. Sa gawing kaliwan naman niya ang
Mama nito. Napansin niya ang iba’t-ibang klase ng putahe ang nakahain at karamihan
ay may sabaw. Isa lang ang kilala niya—ang yakisoba na minsan ay nabibili ng ate
niya sa Tokyo-tokyo reastaurant. May tuna sashimi rin na isang beses pa lang ata
niya natikman.

Japanese culture pa rin talaga ang umiiral sa pamumuhay ng pamilya ni Hanzen. Hindi
rin masyadong mahilig sa meat ang mga ito. Gulay at noodles. Natural na sa mga ito
na paghaluin ang kanin, ulam at sabaw sa iisang mangkok at kakainin gamit ang
chopstick.

Mabuti na lamang at marunong siyang gumamit ng chopstick dahil madalas din silang
kumakain ni Arian sa Chinese restaurant. Tinularan niya kung paano kumain si Hanzen
at ang Mama nito.
Ang tahimik ng mga itong kumain. Napansin niyang medyo mailap si Gng. Emelia. Hindi
ito katulad ng ibang Nanay na kinikilatis ang katauhan ng bisita na dinadala ng
anak sa bahay ng mga ito. Parang hindi siya kasalo ng mga ito sa hapag-kainan.

“Tumawag pala kagabi ang Lolo mo sa Papa mo, Anak,” basag ni Emelia sa katahimikan.

Awtomatiko’y tinitigan ni Hanzen ang mama nito. “Ano pong sabi?” tanong lang ni
Hanzen.

“Tungkol kay Akiko. Pinalayas mo raw siya sa bahay ninyo,” sabi ng ginang.

Patay malisya lang si Anniza pero pumapasok sa kokoti niya ang pinag-uusapan ng
mag-ina. Napansin niya ang matagal na pananahimik ni Hanzen.

“Nagagalit ang Lolo mo, Anak. Ayaw ko sanang konsentihin ang gusto niya para sa iyo
pero sana huwag mo siyang bigyan ng sama ng loob. Kilala mo ang Lolo mo kapag
nagalit, Hanzen,” wika ng ginang. Nasa ilalim ng takot ang tinig nito.

“Huwag n’yo na pong intindihin si Lolo, ako na po ang bahalang kumausap sa kanya,”
sabi lamang ni Hanzen.

“Pero totoo bang pinalayas mo si Akiko?” usig ng ginang sa binata.

“Kusa siyang umalis, ‘Ma at hindi ko siya pinalayas,” sagot ni Hanzen sa ilalim ng
namumurong tinig.

“Pero hindi siya aalis kung wala kang ginawang masama sa kanya,” giit ng ginang.

“Let’s eat, ‘Ma,” sabi lamang ni Hanzen.

Hindi na umimik ang ginang.

Patuloy lamang sa pagsubo si Anniza pero lumalawak ang isip niya. Kung anu-ano na
ang pumapasok sa isip niya. Maraming katanungan ang umuusig sa pagkatao niya. Sino
si Akiko sa buhay ni Hanzen? Anong klaseng lalaki ba si Hanzen? Mapanakit? Siguro,
oo. Kung tutuusin ay wala na siyang pakialam roon pero tila apektado ang damdamin
niya nang mga sandaling iyon.

Pagkatapos nilang kumain ay nagboluntaryo siyang maghugas ng plato pero sinaway


siya ni Hanzen. Pinalabas kaagad siya nito sa kusina.

“Hintayin mo na lang ako sa sala,” sabi nito sa kanya.


Tumalima naman siya.  

=================

Chapter Seven

“PUMAYAG ka na lakulo ng dalawang ito. Nahihinuha niya’ng may pinaplanong hindi


maganda ang mga ito sa kanya.

“S-si Hanzen?” manghang tanong niya kay Gin.

“Yes,” matatag na sagot ni Gin.

Tumitig siya kay Hanzen. Tinaasan lamang siya nito ng isang kilay. Malapit na
siyang mainis sa dalawang ito. “Hanzen?” bulong niya.

Lumabas ng counter si Hanzen. Inakala niyang lalapitan siya nito pero diridiretso
ito ng lakad. Nabuwisit na siya. Sinundan niya ito hanggang sa dining area.

“Hanzen, hoy! Alam mo bang inabala mo ako? May iba pa akong lakad. Pinagluluko ba
ninyo ako ni Gin?” pumapalatak siya habang nakasunod sa likuran nito.

Bigla itong huminto. Huminto rin siya. Sa wakas ay hinarap siya nito. “In-set up
tayo ni Gin,” sabi nito.

Kumunot ang noo niya. “Para saan naman?” naiinis na tanong niya.

“Aba’y ewan ko! Nananahimik ako. Nagpa-uto ka rin? Por que si Gin ang nag-imbita sa
‘yo agad kang susunggab? Hindi ka rin patay kay Gin, ano?” anito.

Bumuka ang bibig niya pero walang salitang lumabas. Nawiwindang siya sa pinagsasabi
nito. Iniisip ba nito na may gusto siya kay Gin? Gusto niya ng hustisya.
Pinagtitripan siya ng mga ito.

“Wait, hindi ako kumain dahil sabi ni Gin, dinner meeting. Tapos ngayon sasabihin
niya na ikaw ang nagpapunta sa akin dito? Ano ‘to?” naiiritang saad niya.

Narinig niya ang pagdaiti ng ngipin ni Hanzen. “Bakit naman kita papupuntahin dito?
Parang binigyan ko lang ng sakit ang ulo ko,” anito.

Nainis siya sa sinabi nito. “Ako? Sakit sa ulo?”


Hindi siya nito sinagot. “Umupo ka riyan at pakakainin kita,” bagkus ay sabi nito
saka siya nito iniwan.

Umupo naman siya sa bakanteng mesa. Mayamaya pa’y bumalik na si Hanzen at may dala
na itong pagkain. Hindi man lang ito nagtanong kung ano ang gusto niyang kainin.
Umupo rin ito sa katapat niyang silya.

“Kumain ka muna,” sabi nito.

Tinitigan niya ang pagkaing inihain nito. Beef tenderloin steak with broccoli and
baby carrot, mash potato at coleslaw. May kasama pang maliit na hiwa ng mustard
cake. Mahal masyado ang set ng pagkaing iyon. Isang libo mahigit ang halaga niyon
sa restaurant na pinagkainan nila minsan ni Arian. Gustong-gusto niya iyon pero
bibihira lamang siya nakakakain niyon dahil mahal.

“Anong gusto mong inumin?” pagkuwa’y tanong nito.

Hindi siya makapaniwala na tinatrato siya nito ng ganoon. Hindi naman ito mukhang
may binabalak na masama sa kanya. “Four season juice, please...” aniya.

“Cocktails, ayaw mo?”

Umiling siya. Pagkuwa’y tumayo na ito upang kunin ang inumin niya. Kanina pa siya
nagugutom kaya nilantakan na niya ang pagkaing inihain ni Hanzen. Masarap nga
namang kumain ng libre.

Mamayamaya pa’y bumalik na si Hanzen dala ang inumin niya. May dala rin itong
inumin nitong red wine. Umupo na itong muli sa harapan niya.

“Pagkatapos mong kumain ihahatid na kita sa inyo,” wika nito.

Tumigil siya sa pagsubo. “Ganoon lang ‘yon? Nag-effort ako papunta rito,” reklamo
niya.

“Pinakain naman kita. Amanos na tayo,” anito.

“Nagmadali pa akong pumunta dito, hindi ko na nga nakusot ng mabuti ang labahan ko,
tapos—”

“Kay Gin mo sabihin ‘yan huwag sa akin, bastard!” paasik na sabi nito.

“Ano? Ako bastard? Go to hell, Hanzen!” tinusok niya ng mariin ng tinidor ang
steak.
“Kumain ka lang,” anito.

“Baka may lason pa itong kinakain ko!” protesta niya.

“Huh! Ang dami mo nang nakain ngayon ka pa nagreklamo. Ubusin mo na ‘yan para hindi
masayang ang ibabayad ko.”

“Pag-uuntugin ko talaga kayo ni Gin, mga walang hiya kayo!” tumaas na ang tinig
niya.

“Sssh, behave, lady. Baka isipin ng mga tao away mag-asawa ito,” sarkastikong sabi
nito.

“Agr! Isusumbong na talaga kita kay Papa. Hindi na nakakatuwa ang ginagawa mo sa
akin,” banta niya.

“Okay, magsumbong ka. Pagkatapos, ano?”

Hindi siya umimik. Pinagpatuloy na lamang niya ang pagsubo. Pakiramdam niya’y may
malaking bara sa lalamunan niya. Hindi na niya nalasahan ang masarap na pagkain.

“Gusto mo ng fresh tacos? Ipagluluto kita?” tanong pa nito.

“Nang-aasar ka ba?”

Tumawa ito ng pagak. “Inaalok lang kita, masama ba ‘yon?” tanong nito.

Pakiramdam talaga niya may binabalak itong hindi maganda sa kanya. Wala siyang
tiwala sa kabutihang pinapakita nito. Ayaw na niyang mabiktima ng pambu-bully nito.
Baka pagkatapos niyang kumain ay makakatulog siya at magising siya kinabukasan na
nasa loob ng isang madilim at mabahong silid.

“Ikukuha kita ng tubig,” sabi nito saka ito tumayo at iniwan siya.

Kung ganoon lang sana palagi si Hanzen ay magpapantasya siya na maging nobyo ito.
Kaso kawawa ang magiging nobya nito. Baka itatali lamang siya nito sa poste ng kama
saka ipalapa sa mga alaga nitong daga at ipis. Karamihan sa nakilala niyang may
dugong Japanese ay mga sadista. Hindi niya pinangarap na malahian ng mga sadista.

Bumalik si Hanzen dala ang tubig niya. Katatapos lamang niya kumain. “Salamat,”
aniya pagkatanggap ng tubig.

Umupo itong muli at nakatitig lamang sa kanya. Kamuntik na siyang masamid nang
mamataan kung paano siya nitong titigan. “Bakit?” tanong niya.
“Alam mo bang hindi bagay sa ‘yo ang propisyong Architect?” seryosong sabi nito.

Pinahiran niya ng tissue ang bibig. “Inaamin ko,” aniya.

“E bakit ka pa kumuha ng Architecture?” umuusig na tanong nito.

“Gusto ni Papa, e,” tipid niyang sagot.

“Oh, so hindi mo ginusto?”

“Wala lang akong choice.”

“Dapat nagprotesta ka. Kasi kapag hindi ka masaya sa trabaho mo, wala kang
magagawang maganda,” anito.

Tinitigan niya ito sa mga mata. “Ginagawa ko naman ang lahat para matatawag akong
magaling na Architect,” aniya.

“Paano ka magiging magaling kung hindi ka naman nagsiseryoso sa trabaho mo? Wala
ngang sense ang mga layout mo sa lobby sketch pa lang,” prangkang sabi nito.

Napaaray siya ng palihim. Hindi ata nito naisip na nakakainsulto ito. Maganda naman
para sa kanya ang layout niya ng lobby para sa isang hotel. Pinagpuyatan pa naman
niya iyong iguhit sa sketch paper tapos lalaitin lang nito?

“Ano ba ang mali sa ginawa ko?” tanong niya.

“Dull ang kalalabasan kapag nayari na ang lobby. Walang artist effect. Baka naman
bulaklak lang ang nakasanayan mong iguhit sa papel,” anito.

Ngali-ngali niya itong sapatusin. Kung makapanlait ito sagad sa balunbalunan. “Kaya
nga kitang iguhit, e,” pagmamalaki niya.

“Ohs...sige nga!” hamon nito.

“Bigyan mo ako ng break,” aniya.

“Okay. Dapat pala Fine Arts ang kinuha mo hindi Architecture,” wika nito.

“What ever.” Inirapan niya ito.


“Huwag mo akong tinitirikan ng mata baka dukutin ko ‘yan,” babala nito.

“So what? E gusto ko.” Pinaikot niyang muli ang mga mata.

“Gusto mo atang patirikin ko nang tuluyan ‘yang mata mo,” hamon nito.

Hindi siya nakaimik nang mamataan niya ang pilyong ngiti nito. Inayos na niya ang
mukha niya. “Aalis na ako, salamat sa dinner,” aniya. Pagkuwa’y tumayo na siya.

“Ihahatid kita ‘di ba?” apila nito. Tumayo na rin ito.

“May pupuntahan pa ako,” aniya.

“Kahit sa impiyerno ka pa pupunta, basta ihahatid kita,” giit nito.

“Fine.” Lumakad na siya. Nakabuntot lamang ito sa kanya.

=================

Chapter Six

DALAWANG beses nang inulit ni Anniza ang lobby sketch na pinagawa sa kanya ni
Hanzen. Noong nakaraang gabi nang ihatid siya nito sa studio nina Arian ay sinabi
nitong ulitin daw niya ang layout na ginawa niya. Para iyon sa Hotel na ginagawa ng
grupo nila sa Bulacan.

Nagpuyat na naman siya para pagpasok niya kinabukasan ay maipresenta na niya iyon
kay Hanzen. Huwag lamang nito iyong lalaitin dahil baka punitin niya sa harapan
nito ang papel.

Kinabukasan pagpasok niya sa Site ay dumiretso siya sa conference room para sa


meeting. Dala-dala niya ang naka-rolyong sketch paper. Katabi niya si Gerald sa
upuan at panay ang kuwento nito kaya wala siya masyadong naintindihan sa sinasabi
ni Engr. Duellas.

Pagkatapos ng meeting ay nagpaiwan siya kasama si Hanzen at Gin. Pinakita niya kay
Hanzen ang bagong gawa niyang plano para sa lobby ng hotel. Matagal bago nito iyon
hinatulan. Nakaupo lamang siya sa tabi nito habang sinusuri nitong maigi ang bawat
anggulo ng obra niya.
“Masyadong matakaw sa space. Hindi mo man lang nilakihan ang pasilyo papuntang
second floor. Kahit layout lang, bigyan mo ng buhay. Ayaw ko ng scratch,” hatol
nito sabay ibinalik sa kanya ang sketch paper niya.

“Pangatlong ulit ko na ito,” aniya.

Tumayo ito. “Alam mo, sayang ang mga punong pinuputol para gawing papel. Pag-aralam
mo muna ang kabuuan ng plano na ginawa ni Gin. Hindi ka naman nagtanong sa kanya o
sinilip man lang ang ginawa niya.” Pumapalatak ito habang kumikilos.

Lumabas na ito. Nagmadaling sinundan niya ito. “Dapat kasi si Gin na rin ang gumawa
ng additional part doon sa plano, e. Siya pala ang gumawa,” reklamo niya.

Huminto ito sa paglalakad. Hinarap siya nito. “In-give up na nga ni Gin ang project
na ito dahil sinisimulan na niya ang Batangas project. Ang client ang nag-request
ng additional facilities para sa hotel. Hindi kasi kasama sa planong ginawa ni Gin
ang lobby na gustong makita ng client. Hindi na panagutan ni Gin iyon dahil labas
na ito sa kontrata niya. Tapos na ang project,” paliwanag nito. Muli na naman itong
naglakad.

“Hanzen, napapagod na ako sa kakaulit sa lobby sketch,” reklamo niya habang


nakabuntot pa rin rito.

“Then quit! Walang problema doon, Ms. Montales,” anito.

Nasalubong nila si Brandy na kararating lang. “Ano, uulit na naman ako?” tanong
niya.

“As soon as possible, do it please...” anito.

Sa inis niya’y nagtiuna siya sa paglalakad. Hindi na ito nakasunod sa kanya.


Marahil ay sumabit iyon kung saan. Naiinis na pumasok siya sa canteen at nag-order
ng almusal.

“Nakakainis siya! Ano kaya ang gusto niyang makita sa sketch?” bulong niya habang
humihigop siya ng sabaw ng sopas.

Abot lalamunan na ang inis niya kay Hanzen. Wala na siyang ginawang tama sa mga
mata nito. Bakit ba kasi sa dami ng Engineer sa kompanya nila ay sa panig pa siya
ni Hanzen napunta?

Pagkatapos niyang mag-almusal ay isinama siya ni Hanzen sa Bulacan kung saan ang
hotel na project nila. Ipinakilala siya nito sa kliyente nilang si Mr. Chan—na
siyang may-ari ng hotel. Tapos na ang hotel pero ang extension sa harap ng hotel ay
sa kasalukuyan pang nakabinbin dahil hindi pa naaprobahan ang panibagong kontrata
para sa lobby.

Doon na rin sila nananghalian kasama si Mr. Chan, habang pinag-uusapan nila ang
tungkol sa extension ng hotel. Kahit hindi gusto ni Hanzen ang ginawa niyang plano
ng lobby ay pinakita pa rin niya iyon kay Mr. Chan.

At sa awa ng May Kapal, nagustuhan iyon ni Mr. Chan. Meron lang itong pinabago na
ilang bahagi sa plano pero nagustuhan nito ang kabuoan. Inirapan niya si Hanzen
nang nagustuhan ni Mr. Chan ang gawa niya. Dahil sa ipinakita niyang plano para sa
extension ng hotel ay nagpasya si Mr. Chan na isagawa ang proyekto sa lalong
madaling panahon.

Pagbalik nila sa site ay agad inaprobahan ni Engr. Duellas ang extension ng project
at nagtalaga na ito ng mga tao para gumawa sa naturang proyekto. Tuwang-tuwa naman
si Anniza at agad niyang inayos ang plano ng extension para sa hotel. Iyon na ang
pagbabasihan ni Hanzen sa ayaw man nito’t sa gusto.

Meyerkulis ng umaga ay tumulak na sila sa Bulacan para sa proyekto. Naroroon na rin


sa hotel ni Mr. Chan ang ilang construction workers at kompleto na rin ang mga
materyales na gagamitin. Kahit sasalang na siya sa construction ay hindi niya
maiwasan na magsuot ng three inches na sandals, fitted jeans na puti at Hawaiian
blouse with collar. Hinayaan niyang nakalugay ang ga-baywang niyang buhok na tuwid
na tuwid at nagsuot siya ng dilaw na safety cap.

Napansin niya na sobrang seryoso ni Hanzen habang nagmamando sa mga tauhan nila.
Mukhang mainit ang ulo nito dahil maaga pa’y nagsisigaw na ito sa mga manggagawa
habang sinisimulan ang construction ng extension ng hotel.

Sumuong na rin siya sa ilalim ng tirik na tirik na araw at nag-uutos sa mga tauhan.
Kausap ni Hanzen ang foreman nilang si Roland pero mayamaya rin ang sipat nito sa
kanya. Naghuhukay na ang ibang manggagawa para pagtirikan ng poste, habang ang
iba’y nagpuputol at nagbabaluktot ng mga naglalakihang round bar metal.

Masakit na sa balat ang sikat ng araw at ininda niya iyon pero hindi pa rin siya
umalis sa ilalim ng initan. Samantalang si Hanzen ay nakatayo lang sa lilim ng puno
ng palm tree. Mayamaya’y lumapit ito sa kanya.

“Dapat Miss. Universe crown ang ipinatong sa ulo mo hindi safety cap. Wala ka
namang ginawa kundi rumampa, e. Mag-audition ka kaya baka suportahan pa kita,” wika
nito sa kanya.

Binato niya ito ng mahayap na tingin. Nagawa pa siya nitong insultuhin. “Ano ba ang
dapat kong gawin? Tumunganga?” masungit na tanong niya.

“Wala ka namang maitutulong ditto, e. Tapos mo na ang trabaho mo. Kaya mo bang
magputol ng bakal, maghalo ng semento, magpala ng buhangin?” anito.

Pinamaywangan niya ito. “Gusto ko lang mag-assist kung saan ipupuwesto ang mga
poste. Alam ko ang sukat kung gaano kalaki ang espasyo ng bawat poste,” aniya.

“Ako ba hindi ko alam? It’s my turn. Sumilong ka na roon at baka mangitim ka at


masunog ang makinis mong balat,” supladong wika nito. Tinalikuran siya nito.

Aywan niya bakit ang lakas ng dating nito sa kanya habang nagsusungit ito. Kinilig
siya sa parte na nag-aalala ito sa kutis niya. Ei! Naroroon na siya sa point na
nakakaramdam na siya ng paghanga sa lalaki. Hindi niya namamalayan na napapangiti
siya habang pinagmamasdan si Hanzen na nagmamando sa mga tao. Namamawis ang likod
at dibdib nito na nababakat sa suot nitong itim na t-shirt.

Bigla atang uminit ito sa paningin niya. Lalo na nang nagpapawis ito at namumula
ang maputing balat buhat sa sikat ng araw. Naghanap na siya ng masisilungan. May
nag-abala namang bigyan siya ng upuan habang nasa gilid siya ng entrance ng hotel.
May dala siyang pamaypay. Panay ang tahip niya niyon habang nakatanaw sa mga
nagtatrabaho.

Mayamaya pa’y iniwan na ni Hanzen ang mga trabahador. Naglalakad na ito palapit sa
kinaroroonan niya—habang ito ay nagpupunas ng pawis sa dibdib at likod. Napalunok
siya habang pinagmamasdan ito. Pakiramdam niya’y biglang nanuyot ang lalamunan
niya. Ang dibidb niya’y kumakabog ng husto.

“Tara!” anito nang dumaan ito sa harapan niya.

Napakislot siya sabay tayo. “Saan tayo pupunta?” tanong niya habang nakasunod sa
likuran nito.

“Kakain muna tayo bago bumalik sa site,” sabi nito. Patungo na sila sa garahe kung
saan nakaparada ang kotse nito.

“Get in,” utos nito nang buksan na nito ang pinto ng kotse at sumakay na ito.

Sumakay na rin siya. Mabuti na lamang at naroon ang mga gamit niya sa back seat ng
kotse. Umupo siya sa tabi nito. Nakaupo na siya ng maayos nang biglang maghubad ng
damit si Hanzen.

Hindi niya natuloy ang pagsipat rito sapagkat nasilip niya ang nahantad nitong
katawan. Hindi man kasing laki ng mga maskuladong lalaki na alaga ng fitness gym
ang katawan nito—may maibubuga pa rin ito pagdating sa ka-matcho-an. Natural ang
pagkakahubog ng mga kalamnan nito na hindi pinaghihirapan upang mamukol.

Nakikita pa rin niya ito buhat sa rare view mirror. Mukhang wala pa itong balak
magsuot ng damit. Pinapahiran pa nito ng bimpo ang likod at dibdib nito. Hindi pa
nito binubuksan ang aircon ng sasakyan kaya medyo mainit.

“Sa bahay tayo kakain. Tinawagan ko si Mama kanina,” pagkuwa’y wika nito.
Napilitan siyang harapin ito. Nakaharap din pala ito sa kanya. Sus maryusep!

Sa halip na sa mukha siya nito titingin ay naligaw ang paningin niya sa dibdib at
mga asb nito na nahahati sa walo, animo’y maliliit na pandisal na pinagdikit. Sapat
lamang ang pamumukol ng mga iyon—pero tila bigla siyang pinagsikipan ng dibdib.
Bahagyang nalaglag ang panga niya.

Pumihit sa likod si Hanzen at may dinampot itong packbag na itim. Binuksan nito
iyon ay naglabas ng nakatuping damit. Pagkuwa’y muli nitong inihagis sa likuran
nila ang bag nito.

“Okay ka lang?” tanong nito sa kanya.

Napalunok siya at dagling naibaling niya ang tingin sa harapan. Nagsusuot na ng


damit si Hanzen.

“S-saan tayo kakain?” tanong na lamang niya.

“Sa bahay nga,” mabilis na sagot nito habang patuloy sa pagkilos.

“Saan? Sa Maynila?” tanong na naman niya.

“Dito lang, sa Kalumpit,” anito.

Nagtataka siya. Ang alam niya’y sa Cubao ito nakatira. “Dito mismo sa Bulacan?
Akala ko sa Cubao?” aniya.

“Taga rito talaga ako sa Bulacan. Nandito ang tunay kong mga magulang.” Pagkuwa’y
binuhay na nito ang makina ng kotse.

Nalilito siya. Kung magkagoon pala, hindi nito tunay na magulang ang tinitirahan
nito sa Cubao. Bigla ata siyang nagka-interes na usisain ang personal nitong buhay.

“Sino pala ang tinitirhan mo sa Cubao?” usisa niya habang tinatahak na nila ang
kahabaan ng kalye.

“Grandparents ko na umampon sa akin. Nag-iisang anak ako pero pumayag ang mga
magulang ko na ang grandparents ko ang magtayong magulang ko at magpalaki sa akin,”
seryosong pahayag nito.

Sinipat niya ito. May nararamdaman siyang kakaiba kay Hanzen na maaring may
kinalaman sa katauhan nito. “Okay lang sa iyo ‘yon?” maingat na tanong niya.
“No choice ako. I love my parents, both of them. Alam ko ang batas na umiiral sa
pamilya namin. Walang sapat na kinikita ang parents ko noon kaya inampon ako ng
Lolo ko. Iyon ang kabayaran sa pagtataksil ni Papa sa batas ni Lolo,” kaswal na
kuwento nito.

“Pagtataksil? Nagtaksil ang papa mo sa Lolo mo?” usisa niya.

“Yeah. Tumiwalag sa batas militar sa Japan si Papa sa kagustuhan niyang makasama si


Mama. Nakatakda nang ikasal si Papa sa babaeng ipinagkasundo ni lolo sa kanya. Ayaw
ni Papa dahil si Mama ang gusto niya. Pauwi na noon ng Pilipinas si Mama at sa
kasalukuyang isang buwan akong nasa sinampupunan niya. Sinuway ni Papa si Lolo,
sumama siya kay Mama dito sa Pilipinas hanggang sa magpakasal sila at maisilang
ako. After a couple of years, dumating dito sa bansa si Lolo kasama si Lola.
Naghihirap noon sina Mama at Papa dahil wala silang magandang trabaho pareho noon.
Lumapit si Papa kay lolo at humingi ng tawad. Pinatawad siya pero ang kapalit niyon
ay ako. Hindi ko na alam kung paanong nakumbinsi sina Papa at Mama na ipamigay ako.
Mura pa ang isip ko noon. Plano nila Lolo na isama ako pabalik sa Japan pero hindi
ako pumayag. Kaya ang nangyari ay nanatili na sila dito sa bansa at nagtayo na
lamang ng negosyo,” mahabang kuwento ni Hanzen.

Sa isang iglap lamang ay dinala siya nito sa mundo nito. Nakalimutan niya ang
lahat. Ngayon ay may namumuo na kung ano sa puso niya, isang pangitain na
nagkakaroon siya ng interes kay Hanzen. Wala na siyang mga katanungan mataps nitong
ikuwento na detalyado ang buhay nito. Hindi rin pala basta ang pinagdaanan nito sa
buhay.

Mayamaya pa’y inihinto na ni Hanzen ang sasakyan sa tapat ng dalawang palapag na


bahay na nababakuran lamang ng steel matting. Naliligiran ng malalago at berdeng
halaman ang paligid ng bahay. Hindi kalakihan ang bahay at maliit lamang ang
espasyo ng lupang kinatitirikan nito. Medyo old passion ang desinyo at madilim ang
aura ng bahay buhat sa matatarik na punong kahoy sa paligid nito.

“Tara na,” anyaya nito at nagtiuna na itong bumaba.

Bumaba na rin siya. Nasa labas pa lamang sila ng gate ay sinalubong na sila ng
dalawang malalaking aso. Walang puknat sa kaka-kahol ang mga ito at mukhang hindi
rin kilala si Hanzen.

“Ma!” tawag ni Hanzen. Tatlong beses ito nagtawag bago may lumabas na babae na
hindi naman katandaan. Maganda ito at nasa early fifty ang edad.

Pinagsasaway nito ang mga aso saka nag-abalang pagbuksan sila ng gate. “Naku,
nagluluto kasi ako, Anak,” wika ng ginang.

Pumasok na sila. Panay ang sipat niya sa mga aso baka kasi bigla siyang sakmalin.
Wala sa loob na napakapit siya sa braso ni Hanzen habang umiiwas sa aso na
nakabuntot sa kanya.

Napakislot siya nang biglang dumapo ang kamay ni Hanzen sa baywan niya at bahagya
siyang naitulak papasok sa kabahayan. Pinauna siya nitong pinapasok. May kung anong
kurywnteng dumalantay sa mga ugat niya nang panandaliang kapitan ng kamay nito ang
sensitibong parte ng baywang niya—kung saan malakas ang kiliti niya.

“Maupo muna kayo habang inihahain ko ang mga pagkain,” wika ni Gng. Emelia.

Iiwan na sana sila ng ginang nang awatin ito ni Hanzen. “Wait, ‘Ma. Si Anniza
Montales nga pala, bagong Architect ko,” pakilala ni Hanzen.

Hinarap naman siya ng ginang. Natataranta ito kaya siguro nakalimutan nitong
kilalanin siya.

“Hello po!” bati niya rito.

“Naku, pasensiya ka na, hija, late na kasing tumawag itong si Hanzen kaya medyo
natataranta ako. Wala kasi akong kasama rito sa bahay,” anito.

“Okay lang po, hindi naman po kami nagmamadali,” aniya.

“Ay, mabuti naman. O siya, maiwan ko na muna kayo dini,” wika nito saka nagmadaling
pumasok sa kusina.

Nahihiya naman siyang umupo. “Tulungan ko na lang kaya ang mama mo,” suhesyon niya.

“Huwag na, lalo lang siyang matataranta. Ako na lang ang tutulong sa kanya, dito ka
lang,” sabi nito. Pagkuwa’y iniwan na siya nito.

Umupo na lamang si Anniza. Una niyang napansin sa pamamahay na iyon ay ang aliwalas
ng paligid. Wala kasi masyadong kagamitan maliban sa mga sofa, center table at
malaking estante na kinalalagyan ng mga abubot. Walang TV o anumang appliances o
baka naman sa kuwarto ng mga magulang ni Hanzen ang TV.

Napansin din niya ang mga antigong kagamitan na made in Japan. Mga obra na mula rin
marahil sa Japan. Nasipat din niya ang kuwadradong larawan na nakasabit sa dingding
sa gawing kaliwa sa paanan ng hagdan. Black in white pa ang kuha ng mga magulang
roon ni Hanzen noong ikinasal ang mga ito.

Napansin niyang nahati ang hitsura ni Hanzen mula sa Mama at Papa nito. Hindi naman
kasingkitan ang mga mata ng papa nito at ang ganda pala talaga ng Mama nito noong
araw. Para itong si Mama Mary. Guwapo rin ang papa ni Hanzen. Kahit nasa larawan ay
nakikita niyang matikas at matapang ang hilatsa ng mukha.

Mayamaya pa’y lumabas si Hanzen mula sa kusina. “Hali ka na,” sabi nito sa kanya.

Ewan niya bakit bawat bitiw nito ng mga salita ay tila ba siyang dinuduyan sa ere.
Hindi niya maalala kung kailan siya nagsimulang makadama ng ganoon. Naiilang siya
ng sobra kay Hanzen.

Hindi ganoon kaluwag ang espasyo sa kusina. Karugtong lamang ng dining area ang
cooking area. Tulad sa sala, wala rin iyong masyadong kagamitan. Ref lamang ang
appliances roon at stand fan. Napaka-simple lang nga ng pamumuhay ng mga magulang
ni Hanzen kung tutuusin.

Umupo na siya sa harap ng hapag kaharap si Hanzen. Sa gawing kaliwan naman niya ang
Mama nito. Napansin niya ang iba’t-ibang klase ng putahe ang nakahain at karamihan
ay may sabaw. Isa lang ang kilala niya—ang yakisoba na minsan ay nabibili ng ate
niya sa Tokyo-tokyo reastaurant. May tuna sashimi rin na isang beses pa lang ata
niya natikman.

Japanese culture pa rin talaga ang umiiral sa pamumuhay ng pamilya ni Hanzen. Hindi
rin masyadong mahilig sa meat ang mga ito. Gulay at noodles. Natural na sa mga ito
na paghaluin ang kanin, ulam at sabaw sa iisang mangkok at kakainin gamit ang
chopstick.

Mabuti na lamang at marunong siyang gumamit ng chopstick dahil madalas din silang
kumakain ni Arian sa Chinese restaurant. Tinularan niya kung paano kumain si Hanzen
at ang Mama nito.

Ang tahimik ng mga itong kumain. Napansin niyang medyo mailap si Gng. Emelia. Hindi
ito katulad ng ibang Nanay na kinikilatis ang katauhan ng bisita na dinadala ng
anak sa bahay ng mga ito. Parang hindi siya kasalo ng mga ito sa hapag-kainan.

“Tumawag pala kagabi ang Lolo mo sa Papa mo, Anak,” basag ni Emelia sa katahimikan.

Awtomatiko’y tinitigan ni Hanzen ang mama nito. “Ano pong sabi?” tanong lang ni
Hanzen.

“Tungkol kay Akiko. Pinalayas mo raw siya sa bahay ninyo,” sabi ng ginang.

Patay malisya lang si Anniza pero pumapasok sa kokoti niya ang pinag-uusapan ng
mag-ina. Napansin niya ang matagal na pananahimik ni Hanzen.

“Nagagalit ang Lolo mo, Anak. Ayaw ko sanang konsentihin ang gusto niya para sa iyo
pero sana huwag mo siyang bigyan ng sama ng loob. Kilala mo ang Lolo mo kapag
nagalit, Hanzen,” wika ng ginang. Nasa ilalim ng takot ang tinig nito.

“Huwag n’yo na pong intindihin si Lolo, ako na po ang bahalang kumausap sa kanya,”
sabi lamang ni Hanzen.

“Pero totoo bang pinalayas mo si Akiko?” usig ng ginang sa binata.


“Kusa siyang umalis, ‘Ma at hindi ko siya pinalayas,” sagot ni Hanzen sa ilalim ng
namumurong tinig.

“Pero hindi siya aalis kung wala kang ginawang masama sa kanya,” giit ng ginang.

“Let’s eat, ‘Ma,” sabi lamang ni Hanzen.

Hindi na umimik ang ginang.

Patuloy lamang sa pagsubo si Anniza pero lumalawak ang isip niya. Kung anu-ano na
ang pumapasok sa isip niya. Maraming katanungan ang umuusig sa pagkatao niya. Sino
si Akiko sa buhay ni Hanzen? Anong klaseng lalaki ba si Hanzen? Mapanakit? Siguro,
oo. Kung tutuusin ay wala na siyang pakialam roon pero tila apektado ang damdamin
niya nang mga sandaling iyon.

Pagkatapos nilang kumain ay nagboluntaryo siyang maghugas ng plato pero sinaway


siya ni Hanzen. Pinalabas kaagad siya nito sa kusina.

“Hintayin mo na lang ako sa sala,” sabi nito sa kanya.

Tumalima naman siya.  

=================

Chapter Seven

“PUMAYAG ka na lang na makasal kayo ni Akiko, Anak,” wika ni Emelia kay Hanzen
habang nasa kusina sila.

Lalo lamang nainis si Hanzen. “‘Ma, hanggang ngayon ba naman natatakot pa rin kayo
kay Lolo? Hindi ko gusto si Akiko, ‘Ma at lalong hindi ko pipilitin ang sarili ko
na makasal sa kanya,” giit niya.

“Paano ang Lolo mo? Magagalit siya sa iyo.”

“I don’t care, Ma! Hindi niya madidiktahan ang puso ko. Tumigas lalo ang puso ko
dahil sa kanya. Lahat ng gusto niya sinunod ko pero hindi na ngayon. Kahit pa
sabihin niyang wala akong utang na loob. Sila ang may gusto nito. Hindi ako ang
nagmakaawa para kupkupin ako. Kung tutuusin may mga magulang pa ako. Nariyan pa
kayo ni Papa.”

Tila nabikig na ang lalamunan ng Ginang. Mamasa-masa na ang pisngi nito buhat sa
luha.
“Hindi ko naman kayo sinisisi ni Papa, ‘Ma, kung bakit nakakulong ako sa batas ni
Lolo. Alam ko wala din kayong choice. Siguro panahon na para ako ang maglalagay sa
tama nitong sitwasyon natin. Alam ko walang legal na papel na nagsasabing ampon ako
nina lolo. At kung ipagpipilitan niya na pakasalan ko si Akiko—hindi ako mag-
aatubiling ungkatin ang kasunduan ninyo na walang basbas ng korte,” matatag na sabi
niya.

Tumitig sa mukha niya ang ginanag na may takot. “Huwag mong gagawin ‘yan, anak.
Lalong masisira ang relasyon ng Lolo mo at ng Papa mo. Mahal na mahal ng Papa mo
ang lolo mo kaya hanggat maari ay huwag kang gagawa ng hakbang na ikasasama rin ng
loob ng papa mo. Matagal na panahon ding inasam ng papa mo na mapatawad siya ng
lolo mo kaya sana huwag mong sirain iyon,” nababahalang pahayag ng ginang.

Bumuntong-hininga siya. “Hindi naman makatarungan iyon, ‘Ma. Hindi habang buhay
magpapatali tayo kay Lolo. Kung hindi n’yo kayang pumiksi, ako ang gagawa nang
matapos na ang kahibangang ito,” mahinahong wika niya.

Mabilis na kinabig ng ginang ang braso niya dahilan upang hindi siya matuloy sa
paghakbang. “Pag-uusapan namin ito ng papa mo, Anak. Bukas makalawa ay darating sa
Maynila ang lolo mo mula sa Subic. Mag-uusap-usap tayo,” wika nito.

Hindi na siya umimik. Mamaya’y dinampot na niya ang cellphone niya na nakapatong sa
ibabaw ng mesa. “Aalis na kami. Salamat sa tanghalian,” aniya saka lumisan.

“Tara na,” sabi niya kay Anniza nang datnan niya ito sa sala.

Tumayo naman ang dalaga at tila ayaw pang umalis. “Teka, hindi pa ako nagpapaalam
sa mama mo,” anito.

“Ipinagpaalam na kita,” aniya.               

Nang hindi pa rin ito kumikilos ay hinawakan na niya ang kaliwang kamay nito at
iginiya na ito palabas ng bahay. Kusa na rin itong sumakay ng kotse. Sumakay na rin
siya at dagling binuhay ang makina ng kotse saka nagmaniobra.

Hindi na sila dumaan sa hotel ni Mr. Chan. Dumiretso na sila sa Maynila baka abutin
pa sila ng gabi. Ayaw na rin niyang mag-report sa site. Pakiramdam kasi niya’y
pagod na pagod siya.

“May kukunin ka pa ba sa site?” pagkuwa’y tanong niya kay Anniza nang palabas na
sila ng Bulacan.

“Wala na,” tugon naman nito.

“Saan kita ibababa?” tanong niya.


Matagal bago sumagot ang dalaga. “S-sa SM MOA na lang,” anito.

“Anong gagawin mo doon?” wala sa loob na tanong niya.

Hindi man niya sinasadya ay kusang dumapo ang paningin niya sa mapipintog nitong
mga hita na bakat na bakat sa suot nitong fited jeans. Mahahaba ang biyas nito at
maganda ang pagkakahubog ng mga hita nito. Pagkuwa’y umangat ang tingin niya sa
dibdib nito. Hindi naman iyon ganoon ka-lusog pares sa ibang babae pero buhay na
buhay iyon saloob ng manipis na blusa nito.

Ngali-ngali niyang batukan ang kanyang sarili. Bakit ba dumako ang isip niya sa
katawan ni Anniza? Ngayon pa ba magigising ang pagnanasa niya?

“May gusto lang akong bilhin sa mall,” pagkuwa’y sagot ni Anniza.

“Magtatagal ka ba?” bigla’y naitanong niya.

“Hindi naman.”

“Pagkatapos saan ka pupunta?”

Hindi sumagot si Anniza. Tumitig ito sa kanya. Siguro’y nagtataka ito bakit marami
siyang tanong. Sinipat din niya ito. “Bakit?” tanong niya.

“W-wala. Ang dami mo kasing tanong,” anito.

“Masama bang magtanong?”

“Hindi naman. Daig mo pa kasi si Papa kung magtanong,” nakangising sabi nito.

Wala sa loob na napangiti siya. Ngiti na may bahid ng ligaya. Pakiramdam niya’y
hindi siya ang nagdadala ng katawan niya—na tila ba nagkaroon ito ng sariling
buhay.

“Anniza...” sambit niya. Nakatuon lamang sa kalsada ang paningin niya.

“Bakit?” tanong nito.

Ramdam niyang nakatingin ito sa kanya. “Nililigawan ka ba ni Gerald?” diretsong


tanong niya.

“E-ewan, parang...” walang puwang na sagot nito.


“Kung liligawan ka ba niya, sasagutin mo siya?” Hindi niya masyadong pinag-isipan
ang tanong na iyon. Basta natutuwa siya.

Bumungisngis ang dalaga. “Bakit parang interesado kang malaman?” pagkuwa’y tanong
nito.

“Sagutin mo muna ang tanong ko,” simpatikong sabi niya.

“Ewan din, hindi ko alam,” sagot lamang nito.

“Paanong hindi mo alam? Mabait naman si Gerald, mayaman, guwapo, desente at


malambing,” aniya.

Matagal na tumahimik ang panig ni Anniza. Sa pagkakataong iyon ay sinipat niya ito.
Nakatitig pa rin ito sa kanya. “Huwag mo akong titigan,” nakangiting sabi niya.

HINDI maipaliwanag ni Anniza ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Hindi
niya masupil ang mabilis na pagtahip ng dibdib niya. Hindi siya makapaniwalang si
Hanzen ang kasama niya ngayon.

“H-hindi pa ako tumatanggap ng manliligaw sa ngayon,” sabi niya.

“Bakit?” tanong nito sabay sipat sa kanya.

“Ewan. Wala pa namang deserving na lalaki. Ayaw ko ring magpadalus-dalos,” aniya.

“Bakit si Gerald? Sa palagay ko deserving siyang maging boyfriend,” anito.

Tila may kumurot sa ilang bahagi ng puso niya. Bakit ba ipinagpipilitan nito si
Gerald sa kanya, e wala naman siyang amor sa lalaking iyon? Hindi na niya maiilag
ang tingin sa lalaking ito.

“Oo, nanliligaw si Gerald, pero hindi ko siya gusto,” prangkang sabi niya saka niya
itinuon sa kalsada ang paningin.

“Aw. Kung ako si Gerald, masasaktan ako,” anito.

“Sorry, si Hanzen ka,” sabi niya.

“What if liligawan din kita?”


Natigilan siya. Awtomatiko’y muli siyang napatingin rito. Bahagyang umawang ang
bibig niya pero walang anumang salitang nanulas.

“For sure sasabihin mo rin na hindi mo ako gusto. Don’t mind me, nagbibiro lang
ako,” pagkuwa’y sabi nito.

Kung papano’y biglang bumigat ang dibdib niya. Sumagi na naman sa isip niya ang
narinig kanina sa usapan ni Hanzen at ng mama nito. Hindi na napalis sa balintataw
niya ang pangalang Akiko. Alam niya babae iyon.

“Bakit bigla kang tumahimik riyan?” mamaya’y tanong nito.

“Ahm, wala lang akong masabi,” sabi lamang niya.

“Malapit na pala ang simula ng Batangas project natin. Maglambing ka na kay Andrew
para mag-participate siya ng maayos sa ‘yo. Selfish pa naman si Andrew pagdating sa
project. Next week busy na tayong lahat kaya magseryoso ka na sa trabaho,” anito.

“Seryoso naman ako, a,” aniya.

“Kailan ka naging seryoso? Ang dami mo ngang sinayang na papel at oras,” sabi pa
nito.

“Ikaw lang naman ang mahirap kausap. Masyado kang demanding,” nakasimangot na wika
niya.

Ngumisi ito. “Natural. Gusto ko ng good quality na produkto kaya kailangan ko rin
ng good quality na trabaho mula sa co-workers ko. Walang excuse sa akin at hindi
excepted ang baguhan sa akin. Top four ka sa board ‘di ba? Then prove it to me.
Make me proud—tipong hahalihan kita sa paa dahil sa sobrang husay mo. Hindi kasi
ako naniniwala sa records lang.”

Kung magsalita ito ay parang ito ang big boss niya. Oo nga at under siya ng grupo
nito pero wala pa rin itong karapatang hatulan siya na parang wala na siyang nai-
aambag na maganda sa grupo nila.

“Opo, Engineer,” magalang na sagot niya. Sinipat siya nito. Pilyo ang ngiti nito.

Mayamaya pa’y inihinto na nito ang kotse sa tapat ng MOA. Isinukbit na niya ang bag
sa balikat. Binuksan na niya ang pinto.
“Salamat sa paghatid at sa dinner. Hindi na ako nakapagpasalamat sa mama mo,”
aniya.

“Don’t mind. Ingat na lang, babe,” sabi nito.

Sa halip na bababa na siya ay napaupo siyang muli at marahas na tinitgan si Hanzen.


Bumayo ng husto ang dibdib niya buhat sa huling salitang binigkas nito. Nakangiti
ito.

“What’s wrong?” tanong pa nito.

“W-wala,” aniya. Saka siya tuluyang bumaba. Marahang isinara niya ang pinto.

Pagkuwa’y umalis na rin si Hanzen. Hindi pa siya nakaka-recover sa sinabi ni


Hanzen. Makapangyarihan ang huling katagang sinabi niyon sa kanya. Nayanig ang
pagkatao niya. Hindi tama na bigyan niya iyon ng kahulugan, pero sadyang
nagpuprotesta ang puso niya.

“HI ANDREW!” masiglang bati ni Anniza kay Gin nang magpang-abot sila sa canteen.

Naglakas loob na siyang lapitan ito nang sa gayun ay magkasundo sila sa pagplano
para sa Batanggas project. Sinamahan niya sa mesa nito si Gin na abala sa
binabasang papeles. Binigyan naman nito ng espasyo sa mesa ang mga gamit niya.

“Bakit?” tanong nito sa kanya nang makaupo na siya sa katapat nitong silya.

“Kailan natin sisimulan ang layout ng five story building? Hindi ba tayo mag-set ng
araw para gawin ang proyekto?” tanong niya.

“Bukas. Pumasok ka ng maaga,” sabi lang nito.

“Okay. Kumain ka na ba?” pagkuwa’y tanong niya.

“Tapos na,” tipid nitong sagot.

“May baon kasi ako at naparami. Akala ko hindi ka pa kumain,” aniya. Inilabas niya
ang lunch box niya mula sa bag.

“Si Hanzen na lang ang alukin mo. Hindi pa iyon kumakain,” anito.

Natigilan siya. Lilinga-linga siya sa paligid. Aywan niya bakit gusto niyang makita
si Hanzen, pero si Gerald naman ang namataan niyang palapit sa kanya. Malapad ang
ngiti ng lalaki.

“Hi, Anniza! Kakain ka na ba?” tanong sa kanya ni Gerald nang lapitan siya nito.

“Ah, oo,” aniya.

“Sabay na tayo. Naroon ako sa kabilang table,” ani Gerald.

Hindi pa niya naibubuka ang bibig ay umapila na si Gin. “May lunch meeting kami ni
Anniza kaya dito na siya kakain,” sabi ni Gin.

Awtomatiko’y tumitig siya kay Gin. Tila napahiya naman si Gerald. “Ah, ganoon ba?
Pasensiya na. Sige pala, Anniza,” sabi na lamang ni Gerald. Pagkuwa’y umalis na
ito.

Hindi na naalis ang tingin niya kay Gin. Mariing kumunot ang noo niya. “Bakit? May
lunch meeting ba tayo?” tanong niya kay Gin.

Hindi siya nito sinagot. Mamaya’y nasipat niya si Hanzen na papalapit sa


kinaroroonan nila. Wala pa ma’y kumakabog na ang dibdib niya. Lalo pa iyong nagwala
nang nasa harapan na niya ang lalaki.

“Bakit, Gin?” tanong nito kay Gin.

Sinipat naman ito ni Gin. “Sabi mo kanina nagugutom ka. Kumain ka na at samahan mo
na rin si Anniza,” sabi ni Gin kay Hanzen.

Pakiramdam niya’y paparating na unos. Hindi na naging normal ang tibok ng puso
niya. Tumayo si Gin at pinag-aalis ang mga gamit nito sa ibabaw ng mesa.

“Maiwan ko na kayo,” sabi ni Gin saka ito umalis.

Si Hanzen ang pumalit sa upuan ni Gin. “Mukhang balak talaga tayong ipagkasundo ni
Gin, ah,” nakangiting sabi nito.

Tinitigan niya ito sa mga mata. “Anong ipagkakasundo? Malakas lang magtrip si Gin
at hindi siya nakakatuwa,” nakasimangot na sabi niya.

“Hindi lang naman siya ang may gusto na magkasundo tayo. Ako rin naman, gusto kong
maging close tayo. Kaso nga lang ang hirap mong makasundo lalo na sa trabaho,”
anito.

“Ikaw nga itong mahirap pakisamahan, e.”


“Ohs, close na nga tayo ‘di ba?”

“Kailan?”

Natigilan siya nang bigla nitong hawakan ang kaliwang kamay niya na nakahawak sa
lunch box. “Come on. May galit ka ba sa akin?” tanong nito.

Animo’y napaso at mabilis na iniwaksi niya ang kamay nito. Pakiwari niya’y may
binabalak itong kalokohan sa kanya. Maaring kasabwat nito si Gin sa kung anumang
pinaplano ng mga ito sa kanya. Napa-paranoid na siya.

“Hindi ako nakikipaglukuhan sa inyo, Hanzen,” aniya.

“Sino ba ang nagluluko? Wala akong ginagawang masama, Anniza. Sasamahan lang kitang
kumain, masama ba iyon?” seryosong sabi nito.

Hindi na siya umimik. Binuksan na niya ang baon niya. Nahihiya naman siyang alukin
ito.

“Mukhang masarap ang ulam mo, a,” anito.

“Bakit hindi ka pa bumili ng pagkain mo?” tanong niya rito.

“Wala akong dalang pera,” tugon nito.

“Puwede namang meal stab muna,” aniya.

“Hindi ba puwedeng share na lang ako sa baon mo? Konti lang naman ang kakainin ko,”
sabi pa nito.

Hindi na niya kailangang magpakipot. Ilang beses na siyang pinakain ni Hanzen na


libre. Hindi rin naman niya mauubos ang baon niya dahil naparami ang lagay ng mama
niya.

“Sige, kumuha ka ng plato mo at magdagdag ka na lang ng kanin,” pagkuwa’y sabi


niya.

Tumayo naman si Hanzen at lumapit sa counter. Pagbalik nito ay may dala na itong
plano na may konting kanin. Sa kabilang kamay nito’y may bitbit itong dalawang bote
ng mineral water. Umupo na itong muli sa tapat niya.

Kinuha naman niya ang plato nito saka sinalinan ng ulam niyang calderetang manok.
“Konti lang,” sabi nito.

Pagkuwa’y ibinigay na niya rito ang plato nito. Kumain na rin ito. Hindi naman ito
malakas kumain pares sa karamihang lalaki. Mapili ito sa pagkain.

“Ikaw ba ang nagluto nito?” mamaya’y tanong nito.

“Ang Mama ko,” aniya.

“Hindi ka ba nagluluto?” tanong na naman nito.

“Nagluluto pero bihira.”

“So sino ang nagluto noong anniversary ng parents mo?”

Natigilan siya. Naalala na naman niya ang maja blanca. “M-may cook kami,” tipid
niyang sagot.

“So siya rin ang nagluto ng maja blanca?”

Kinabahan na siya. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin rito na siya ang
nagluto niyon. Tiyak na may masasabi na naman ito. Ididiin ba niya ang cook nila?

“Ahm, o-oo,” pagsisinungaling niya.

Ngumiti si Hanzen. “First time kong kumain niyon. Naparami ako ng kain kaya sumama
ang sikmura ko. Ang sarap kasi,” anito.

Napangiti ang puso niya. Nagsisi siya bakit hindi niya inamin na siya ang nagluto
ng maja blanca. “Masarap talaga magluto ang cook namin,” sabi na lamang niya.

“Ikaw, anong alam mong lutuin?” mamaya’y tanong nito.

“Marami. Mga lutong bahay lang. Bata pa lang ako ay tinuruan na ako ng Mama ko’ng
magluto,” maligalig na tugon niya.

“Parang ang sarap mong makasama,” anito.

Mabilis na napalis ang ngiti niya. Nagpatuloy na lamang siya sa pagsubo.

“Majority sa mga lalaki, gusto ang babaeng masarap magluto. Para sa akin, okay na
‘yong marunong magsaing. Gusto ko lang ng babaeng mamahalin ako kung sino ako,”
seryosong wika ni Hanzen.

Sinipat niya ito. Walang bahid ng ngiti sa mga labi nito. Sobrang bagal nitong
kumain na tila walang gana. Pakiwari niya’y may mabigat itong problema.
Nahihiwagaan siya sa kuwento ng buhay nito.

“Kamusta naman kayo ni Gerald, Anniza?” mamaya’y tanong nito sa kanya.

Natigilan siya. “Bakit si Gerald na naman?” pagkuwa’y saad niya.

“Hindi mo pa ba siya sinasagot?”

Bigla siyang nairita. “Bakit ba gusto mong sagutin ko si Gerald? Stalker ka ba


niya?” tanong niya.

“Maswerte siya kung ako ang stalker niya. Bagay kasi kayo,” anito.

Inirapan niya ito. “Ayaw ko na pinapares ako sa lalaking hindi ko gusto,” aniya.

“E, sinong gusto mo? Si Andrew?”

Matiim na tinitigan niya ito. Lalo lamang siyang naiinis dito.

“Sorry, may girlfriend na si Andrew. Kung si Martin naman ay may girlfriend na


rin.”

Ikaw? ngali-ngali niyang itanong.

“If you don’t mind, puwede mo rin akong subukan,” sabi nito.

Tila bumara sa lalamunan niya ang pagkaing isinubo niya. Titig na titig siya sa
mukha nitong matiim ring nakatitig sa kanya. Hindi niya mahatulan kung seryoso ba
ito. Nahihirapan kasi siyang pagkatiwalaan ito gawa ng mga panunuya nito sa kanya.

“Oh, bakit?” mamaya’y tanong nito.

Ibinaba niya ang tingin sa pagkain niya. “Nagkaroon ka na ba ng boyfriend dati,


Anniza?” mamaya’y tanong nito.

Muli’y tinitigan niya ito. “Hindi pa,” aniya.

“Bakit?”
“Ayaw ni Papa.”

“Pero umibig ka na?”

Umiling siya.

“Imposible,” nakangising sabi nito.

“Puppy love, oo. Pero true love? never. Masyadong mataas ang pangarap ko kaya wala
akong panahong makipagrelasyon sa lalaki. Pinagbawalan ko rin ang sarili ko na
magmahal dahil natatakot ako kay papa lalo na at nag-aaral pa ako noon. Ayaw kong
masira ang tiwala niya sa akin,” seryosong pahayag niya.

“Pareho lang pala tayo,” sabi nito saka ito muling sumubo ng natitira nitong
pagkain.

Naiilang na siyang makipagtitigan rito. Masyado na kasing seryoso at personal ang


usapan nila. Inubos na muna niya ang laman ng lunch box niya.

“Anniza...” mamaya’y sambit ni Hanzen.

Napilitan siyang tumingin sa mukha nito. Itinaas lamang niya ang isang kilay.

“Puwede ba kitang ligawan?” diretsong tanong nito.

Nawindang siya, nalilito. Mukhang hindi nagbibiro si Hanzen. Ewan niya bakit bigla
siyang nilamon ng kaba na bigla na lamang nagpamanhid sa buong katawan niya.

“For what reason?” wala sa loob na tanong niya.

“I’m not kidding, Anniza.”

“So... what?”

“I like you,” anito.

“Like what?”

“Come on!” rumehistro sa mukha nito ang pagkainip.


“Hindi ako nakikipagbiruan, Hanzen. Kung may balak kang paglaruan ako—”

Napakislot siya nang bahagya niyong yanigin ang mesa nila. Kung titigan siya nito
ay para ba itong lion na biglang napikon.

“Ganoon ba ako kasama sa pagkakakilala mo, Anniza? Oo, mapaglaro ako, pero wala ako
sa mood ngayon para makipagbiruan o asarin ka,” tiim-bagang na sabi nito.

Naiinis siya. Uminom siya ng tubig at niligpit ang pinagkainan niya. “Thanks for
nice talking, Hanzen,” aniya sabay tumayo.

Hindi pa siya nakakahakbang ay sumabit na ang kamay niya sa kamay nito. Hindi nito
binitawan ang kamay niya hanggang sa maka-inom ito ng tubig. Pagkuwa’y tumayo na
rin ito. Nagulat siya nang bigla siya nitong hatakin palapit rito.

Nagdikit ang mga balikat nila saka nito ipinulupot ang kamay sa baywang niya at
iginiya siya nito palabas ng canteen. Sa halip na pumiglas ay tahimik siyang
sumunod dito bago pa may makapuna sa kanila.

Pinakawalan lamang siya nito nang makarating na sila sa garahe kung saan walang mga
tao at naliligiran sila ng magagarang kotse. Bumuntong-hininga siya upang maibsan
ang malakas na kabog ng dibdib niya. Gusto niyang sampalin si Hanzen pero naisip
niya na baka lalo lamang itong magalit.

“Alam mo bang kinikilabutan ako sa iyo?” prangkang wika niya.

Humalukipkip ito habang tuwid na nakatayo sa harapan niya. Isang dangkal lamang ang
pagitan nito sa kanya. “Bakit? Wala naman akong ginagawa sa ‘yo?” anito.

Inirapan niya ito. Napansin niya ang pagtagis ng mga bagang nito. Pinagkalas nito
ang mga kamay. Umatras siya nang humakbang ito palapit sa kanya.

“Babalik na ako sa trabaho,” apila niya. Tinangka niyang iwasan ito pero sumabit na
naman ang braso niya sa kamay nito.

Sa pagharap niyang muli rito ay wala nang pagitan ang mga katawan nila. Napakabig
siya sa mga braso nito nang mawalan siya ng panimbang. Hindi siya nakailag sa
mapanuksong mga titig nito.

“Naniniwala ka ba na iniibig kita, Anniza?” anas nito.

“Hindi.”

“Bakit?”
“Wala sa bocavolary mo ‘yon,” aniya.

“Sigurado ka?”

“Sigurado ako kaya bitawan mo ako,” bulong niya.

“Okay.”

Akala niya’y pakakawalan na siya nito pero tila huminto ang oras nang bigla nitong
yapusin ang baywang niya at walang abog na siniil nito ng halik ang mga labi niya.
Napaatras siya ngunit tila namanhid ang buo niyang katawan, na-blanko ang isip
niya. Mabilis na dumaloy ang bayolenteng init sa mga ugat niya. Unexpected first
kiss niya iyon kaya naparalisa siya.

Mapusok ang halik nito, naghahangad ng tugon. Dahil nasurpresa siya sa hakbang nito
—hindi niya nalimitahan ang pag-angkin nito sa mga labi niya. Malaya nito iyong
inalipin. Hindi nakayanan ng timbang niya ang intensidad ng halik nito, nanlulumo
ang mga tuhod niya.

Nang isandal siya nito sa kotse ay kapwa silang nagulantang nang mag-alarm ang
kotse at naglikha ng iskandalusong ingay. Saka lamang siya nito pinakawalan at
hinila siya nito palayo sa kotse.

“Ano ba! Kasi naman!” asik niya saka marahas na iniwaksi ang kamay nito. Huminto
siya sa paglalakad.

Huminto naman ito saka humarap sa kanya. Nagkibit-balikat lang ito. Tinitigan niya
ito ng masama.

“Gusto mo akong sampalin? Go ahead!” udyok nito.

Kung sasampalin niya ito ay parang ginaya lang niya ang mga eksena sa pelikula.
Wala rin namang magbabago kung sasampalin niya ito.

“Hindi ka sana makatulog,” naiinis na sabi niya.

Ngumiti ito. “Baka ikaw ang hindi makatulog,” pilyong sabi naman nito.

Inirapan niya ito sabay bira ng talikod. Malalaki ang mga hakbang na iniwan niya
ito.
=================

Chapter Eight

HINDI ininda ni Cordial ang suntok na natamo mula sa nanggagalaiting lolo niya.
Kamao nito ang bumungad sa kanya pagpasok niya ng bahay. Kagagaling lamang niya sa
bar at inaasahan na niya na iyon ang madadatnan niya.

Naroroon ang Mama at Papa niya sa sala. Naroroon din ang lola niya. Wala namang
magawa ang mga ito para pigilan ang lolo niya. Malakas ang suntok ng matanda at
napadugo niyon ang bibig niya.

“I was disappointed in you, Hanzen. Ako wala tiwala sa ‘yo. Bakit ikaw palayas si
Akiko?!” nanggagalaiting bulyaw nito sa kanya.

“Hindi ko po siya pinalayas, kusa siyang umalis!” depensa niya.

“Kasi sinaktan mo siya!”

“Hindi ko siya sinaktan!” buwelta niya. Hindi niya napigil ang pagtaas ng tinig.

Pinaglakhan ng mga mata ang lolo niya at bigla na naman siyang sinuntok. Bumalya
ang likod niya siya sa dingding. Sa pagkakataong iyon ay umapila na ang Papa niya.

“Enough, Pa!” awat ni Hesaki sa matanda.

“Layas ka, Hanzen! Ayaw ko makita mukha mo!” asik ng Lolo niya.

Hindi na umimik si Hanzen. Pumanhik siya sa kuwarto niya at nag-empake. Inaasahan


na niyang susundan siya ng mama niya.

“Anak saan ka pupunta?” tanong nito nang pasukin siya nito sa kuwarto niya.

“Hindi n’yo ba narinig, pinapalayas ako ni Lolo? Sa lugar na malayo sa kanya,”


aniya habang patuloy sa pagsisilid ng mga damit sa maleta.

“Mag-sorry ka sa lolo mo. Huwag kang umalis, Anak.”

“Pagbibigyan ko si Lolo.”

Narinig niya ang paghikbi ng Mama niya. Humahagod ang mga kamay nito sa likod niya.
“Sorry, anak. Alam kong nahihirapan ka. Malaki ang utang na loob namin sa lolo mo,”
anito.
Mariing nagtagis ang mga bagang niya. Marahas na humarap siya sa mama niya. “Utang?
Utang na loob? Lintik na utang na loob na iyan!” asik niya. Nahagip ng kamay niya
ang lampshade na nakapatong sa ibabaw ng bed side table.

Napaatras si Emelia. Nagkulay suka ang mukha nito. Umabot na sa lalamunan ang poot
niya.

“Maraming naghihirap dahil sa utang na loob na iyan, ‘Ma. Kung tutuusin, materyal
na bagay lang ang ibinigay niya sa atin— mababayaran iyon. Pero ang sakripisyo
ninyo ni Papa ay walang katumbas na halaga. Alam kong labag sa loob ninyo ni Papa
na ipamigay ako kay lolo. Nag-iisang anak n’yo lang ako at alam kong hindi n’yo
gustong mawala ako!” may hinanakit na pahayag niya.

“Hindi ka naman inilayo sa amin ng lolo mo, Anak. Binibigyan naman niya kami ng
pagkakataon na makasama ka.”

“Kahit na, hindi pa rin tama ‘yon! Mahal ko si Lolo pero kung pati puso ko ay
kukontrolin niya, hindi na po ako papayag, ‘Ma. Aalis ako para malaman niya na
hindi lahat ng pagkakataon ay mapapasunod niya ako sa gusto kiya,” aniya.
Pinagpatuloy na niya ang ginagawa.

“Saan ka naman pupunta? Kung gusto mo sa bahay ka muna.”

“Makikita rin ako ni lolo roon. May project kami sa Batangas next week na
sisimulan. Doon na muna ako,” aniya.

“Puwede mo pa namang kausapin ang lolo mo, Anak.”

“Saka na po kapag humupa na ang galit niya.”

“Paano kung ipagpipilitan pa rin niya na makasal ka kay Akiko?”

“Hindi pa rin po ako papayag.”

Inilabas na niya ang maleta. Nakabuntot pa rin sa kanya ang mama niya hanggang sa
makarating sila sa garahe. Hindi na niya nakita ang lolo niya maging ang lola niya.
Nadatnan niya ang Papa niya na nakaabang sa labas ng kotse niya.

Hindi niya pinansin ang Papa niya. Nagmamadaling isinakay niya sa compartment ng
kotse ang mga maleta at iba pang mga gamit niya. Hindi rin naman kumikibo ang Papa
niya. Samantalang ang Mama niya ay hindi na natuyuan ng luha ang mga mata.

Imosyonal na niyakap siya ng Ginang. “Palagi mo akong tawagan, Anak, ha?” anas
nito.
Hindi siya umimik. Pagkuwa’y binuksan na niya ang pinto sa driver side. Wala pa rin
siyang naririnig mula sa Papa niya. Pinagmamasdan lamang siya nito hanggang sa
makapasok siya sa sasakyan. Lalo lamang nanikip ang dibdib niya dahil sa pag-ignora
sa kanya ng Papa niya.

Inaasahan niya na pipigilan siya nito at papakiusapan pero wala siyang narinig.
Pinabayaan siya nitong umalis. Kung kailan nakalabas na siya sa bakuran ng Lolo
niya ay saka lamang lumaya ang mga luha buhat sa kanyang mga mata.

Tinatahak na niya ang daan patungo sa bar. Wala siyang ibang malalapitan kundi ang
mga kaibigan niya. Pansamantala ay doon muna siya sa lodge nila habang hinihintay
ang pagpunta nila sa Batangas. Alas-dose na ng gabi ay marami pa rin silang
costumer.

Tamang-tama ang dating niya sa bar. Naroroon sina Whiskey, Wine, Brandy at Scotch.
Umiinom ang mga ito ng beer habang masayang nagkukuwentuhan. Ngayon niya kailangang
makihalubilo sa mga ito at lasingin ang sarili.

“Cords, bumalik ka. Pinalayas ka ba ng butihin mong lolo?” tanong sa kanya ni


Brandy nang umupo siya sa tabi nito.

“Hindi ka nagkakamali, Dude,” aniya.

Inakbayan naman siya ni Scotch na nasa gawing kaliwa niya. “‘Yan tayo e, good boy.
Hindi mo pa kasi pakasalan ‘yong kababata mo. Ano bang ayaw mo doon, e maganda
naman iyon, mabait at mahal ka,” sabi ni Scotch.

“Oo nga, dude. Bakit ba?” gatong naman ni Wine.

“Akiko ba ang pangalan niyon?” tanong naman ni Whiskey.

“Oo,” si Brandy na ang sumagot.

Inabutan naman siya ni Wine ng kabubukas nitong beer. “Shot ka muna, pampakalma,”
ani Wine.

“Thanks, dude,” aniya.

“Doon ka na lang sa bahay, dude,” sabi naman sa kanya ni Whiskey.

“Salamat pero nakakahiya. Dito na lang ako sa bar. Next week naman ay nasa Batangas
kami nina Brandy at Gin,” aniya.
“Ikaw ang bahala,” ani Whiskey.

Napansin niya na hindi naka-duty si Gin. Dalawang araw na rin niya itong hindi
nakikita. “Nasaan pala si Gin, Brandy?” pagkuwa’y tanong niya kay Brandy.

“Kauuwi lang. Uminom lang siya ng konti. Pinuntahan ata si Cat. Baka mag-aasawa na
rin ang mokong na iyon,” tugon naman ni Brandy.

Ngumisi siya. “In-love ba talaga si Gin kay Cat?” tanong niya muli kay Brandy.

“Naman. Sinisipingan na nga ata niya,” natatawang sabi ni Brandy.

Bahagya siyang natawa. “E kamusta naman ang plano para sa Batangas?” tanong na
naman niya kay Brandy.

“Tapos na nila ni Anniza. Pinagpuyatan nila noong nakaraang gabi sa site,” ani
Brandy.

Napangiti siya nang maisip niya si Anniza. Magbuhat nang makasama niya sa Bulacan
si Anniza ay hindi na nawaglit sa balitataw niya ang imahe ng dalaga. Kapag hindi
niya ito nakikita ay para bang nanghihina siya. Noon ay naiinis siya kaya niya
inaasar si Anniza, ngayon naman ay inaasar niya ito dahil natutuwa siya,
nakakalimutan niya ang problema niya.

Gustong-gusto niyang kasama madalas si Anniza sa trabaho man o sa labas. Hindi niya
maikakaila na may espisyal siyang nararamdaman sa dalaga. Noon ay nilalaro lamang
niya sa isip ang udyok ni Gin na ligawa si Anniza, pero nitong nakaraang mga araw
na madalas silang magkasama ay nakalimutan na niya ang kasunduan. Natagpuan na
lamang niya ang sarili na nagkaka-interes sa dalaga. Nakakadama siya ng pananabik
sa tuwing nakikita niya ito, at pakiramdam niya’y gumagaan ang pakiramdam niya sa
tuwing napipikon ito sa kanya.

Hindi na naalis ang ngiti sa mga labi niya habang unti-unting nilalamon ng alak ang
utak niya.

ISANG LINGGO pa lamang ang grupo ni Hanzen sa Batangas ay naging abala na sila sa
pagsisimula ng proyekto. Sinisimulan na nilang itatag ang limang palapag na gusali
para sa pabrika. Maliban sa limang palapag ay may ilang gusali pang sabay din
nilang itatatag sa parehong lupain.

Korean national ang may-ari ng establishment na ipapatayo nila at kasama na ang


planta maging ang pantalan na pagdadaungan ng mga barko para sa eksportasyon ng mga
produkto. Malapit sa dagat ang itatayong gusali pero natitiyak nilang matibay ang
pundasyon niyon. Malapit lang din doon ang resort na pag-aari ni Mr. Chun—kung saan
sila mag-stay ng ilang buwan habang ginagawa ang proyekto.
Isang villa house ang inilaan ni Mr. Chun para sa kanilang mga Engineer at mga
Architect. Ang ilang tauhan naman nila ay sa mga native cottage o kaya’y nagtayo ng
mga barung-barong sa tabing dagat para minos gastos.

Kinabukasan ng umaga ay nagtimpla ng kape si Hanzen. Nakita niya si Gin kaya


ipinagtimpla rin niya ito. Mukhang kagigising lang din nito. Nilapitan niya ito sa
balkonahe at tinabihan sa sofa na yari sa kawayan.

“Magkape ka,” aniya. Inilapag niya sa harapan nito ang isang tasang kape.

Tinitigan lamang ni Gin ang kape. Napansin niya ang pamumutla nito at parang
matamlay. Nangalahati na niya ang kape niya pero si Gin ay nakatitig pa rin sa tasa
nito.

“Bakit hindi mo pa hinihigop ang kape mo, Gin? Lalamig na iyan?” aniya.

Mayamaya’y biglang tumayo si Gin at tumakbo palabas. Sinundan niya ito ng tingin.
Nagtiungko sa lilim ng palm tree si Gin at tila nagsusuka. Napansin niya si Brandy
na pinuna si Gin pero dumaan lang din ito.

Nang siguro’y mahimasmasan ay bumalik na sa kanya si Gin. Namumutla pa rin ito at


nanlalalim ang mga mata nito. Masama nga ang pakiramdam nito. Umupo itong muli sa
tabi niya.

“May problema ba, Gin?” nag-aalalang tanong niya.

“Bigla lang akong sinikmura,” anito.

“Wala ka pa namang kinakain, ah. Hindi ka ba nakatulog?” usisa niya.

“Maaga naman akong nakatulog kagabi. Dahil siguro sa lamig ng panahon,” tugon lang
ni Gin.

Hindi na siya umimik. Pagkuwa’y tumayo na si Gin at iniwan siya. Hindi na nito
nainom ang kape na tinimpla niya. Malamig nga naman ang klema roon lalo na sa
umaga.

Tatayo na sana siya nang mapansin niya si Anniza na tumatakbo palapit sa


kinaroroonan niya. Mukhang naligo ito sa dagat. Manipis na t-shirt na puti lamang
ang pan-itaas nito at itim na cycling panbaba. Tsinelas lamang ang sapin nito sa
paa. Basa ito at bakat na bakat ang hubog ng katawan nito. Naaaninag din niya ang
itim na bra nito.

Bigla atang uminit ang klema sa pakiramdam niya. Hindi niya maikakailang
nahuhumaling siya sa magandang pangangatawan ng dalaga at ang maputi at makinis
nitong kutis. Napalunok siya nang makalapit na ito sa kanya pero dumaan lamang ito.

Hindi siya nito pinapansin. Magbuhat pa noong hinalikan niya ito sa garahe sa site
ay hindi na siya nito pinapansin—may tatlong linggo na rin ang nakakalipas. Inaamin
niyang namimis na niya ito.

Mayamaya naman ay dumapo sa isip niya ang Lolo niya. Ilang beses siyang tinatawagan
ng lola niya pero hindi niya sinasagot. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob
niya. Namimis niya ang lola niya maging ang lolo niya. Kahit anong pagmamatigas
niya ay hindi pa rin maalis sa sestema niya na minahal niya ang grandparents niya
higit pa sa sarili niya. Ayaw rin niyang mawala ang mga ito sa buhay niya.

PAGSAPIT ng tanghali ay inanyayahan ni Mr. Chun ang grupo ni Hanzen para sa meeting
sa mismong resort nito. Alanganin ang oras kaya si Anniza ay kumain muna sa villa.
Kumain na rin pala ang mga kasama niya. Nag-iisa lamang siya sa kuwarto niya—habang
ang mga lalaki ay dalawa sa isang kuwarto.

Paglabas niya ng kuwarto ay siya rin namang paglabas ni Hanzen sa kuwarto ng mga
ito. Hindi niya inaasahang sulyapan siya nito. Napakaseryoso nito. Napansin din
niya ang bahagyang pangayayat nito. Iniisip niya na dahil siguro sa dami ng mga
ginawa nila noong nakaraang linggo.

Hindi niya ito pinapansin pero may pagkakataon na namimis niya ito, iniisip niya
ito anumang oras. Wala na ang galit niya buhat noong hinalikan siya nito. Ang
nararamdaman niya ngayon ay lungkot. Lungkot dahil namimis niya ang pan-aasar nito
sa kanya, ang mga pan-iinsulto nito.

Nagpasya na siyang pansinin ito—pero nang babatiin na niya ito ay saka naman siya
nito tinalikuran. Umalis na ito. Hindi niya maintindihan bakit masyado niyang
dinaramdam ang pagdedma nito sa kanya. Mabuti na lang nariyan si Gerald—may kasabay
siyang pupunta sa meeting.

Pagkatapos ng isang oras na meeting ay nagpasama siya kay Gerald sa palengke. Siya
kasi ang may hawak ng budjet nila para sa pagkain at siya rin ang nagluluto.
Iniiwasan niyang mapalapit kay Gerald dahil sa hangarin nito, pero hindi niya
maiwasan. Ito lang kasi ang interesadong pakisamahan siya ng matagal.

Si Gin kasi ay isang tanong isang tanong, isang sagot lang at bugnutin. Si Martin
naman ay hindi nakikinig kapag kinakausap niya. Panay lang ang tipa sa cellphone.
Si Hanzen naman ay hindi niya pinapansin at hindi rin naman siya pinapansin. Minsan
nga ay sarili na lang niya ang kinakausap niya.

“Ako ang magluluto mamaya, Anniza. Okay lang ba?” tanong ni Gerald habang nasa
harap sila ng bilihan ng karne.
“Sure, pero tutulong pa rin ako,” aniya.

“Sige ba. Ayaw ko sanang mapagod ka,” anito.

“Sus, wala naman ako masyadong ginagawa. Ikaw nga ay nagbibilad din sa araw.”

“Siyempre lalaki ako. Ikaw kasi ay hindi ka puwede magtrabaho tulad naming mga
lalaki.”

“Bakit hindi? Pantay lang naman tayo sa trabaho. Nahihiya nga ako sa inyo, e,”
aniya.

“Bakit ka mahihiya? Nagawa mo naman ang trabaho mo.”

“Ayaw ko kasi na may masasabi ang iba. Por que babae ako, e hindi na ako puwedeng
magbilad sa araw.”

“Si Hanzen naman ang may gusto na huwag ka nang pupunta sa construction area.”

Natigilan siya. Awtomatiko’y tumitig siya kay Gerald. “Si Hanzen?” maang niya.

“Oo. Sabi niya kapag pumunta ka raw sa working place ay pababalikin raw kita sa
villa.”

Hindi na siya umimik. Akala ba niya walang excepted kay Hanzen pagdating sa
trabaho? Anong nakain niyon? Tapos pag wala siyang ginagawa ay pipintasan siya na
tamad?

Pagsapit ng alas-sais ng gabi ay pinagtulungan na nila ni Gerald na lutuin ang


hapunan nila. Tinolang manok at pritong bangus ang ulam nila. Noon niya nalaman na
masarap palang magluto si Gerald. Kung tutuusin ay wala na siyang hahanapin pa kay
Gerald.

Mayamaya pa’y dumating na ang tatlong barako. Nangingibabaw ang boses ni Brandy na
para bang may kakatwang paksa na pinag-uusapan ang mga ito. Ewan niya bakit bigla
siyang na-tense nang marinig niya ang boses ni Hanzen na papalapit sa kanila.

“Wow! Ang sweet naman, cooking together. Kayo na ba?” bungad sa kanila ni Brandy.
Pilyo ang ngiti nito nang harapin niya ang mga ito.

Nakapasok na ang mga ito sa kusina. Napansin niya ang agarang pag-iwas ng tingin ni
Hanzen sa kanya. Lumakad ito patungo sa hapag-kainan.

“Bakit kasi hindi mo pa sagutin si Gerald, Anniza?” udyok sa kanya ni Brandy.


Hindi siya natutuwa, naiinis siya. Pangiti-ngiti lamang si Gerald habang naghahain
ng pagkain sa mesa. Hindi niya pinansin si Brandy. Nagpatuloy lamang siya sa
pagsalin ng kanin sa malaking serving plate.

“Nakakapagod kayang umasa ano, Gerald?” sabi pa ni Brandy kay Gerald.

“Nakakapagod talaga,” gatong naman ni Gerald.

“Huwag na kasing pilitin ang ayaw,” narinig niyang sabi ni Gin.

Napangiti siya dahil sa sinabi ni Gin. Kahit mailap sa kanya si Gin ay alam niyang
kakampi niya ito. Pagkuwa’y inilapag na niya sa mesa ang kanin. Nakapuwesto na rin
sa kani-kanilang silya ang tatlo ganoon din si Gerald.

Ang natitirang silya ay sa pagitan ni Hanzen at Gerald. Malamang doon siya uupo.
Nagsisimula nang kumain ang mga kasama niya.

“Hali ka na, Anniza,” anyaya sa kanya ni Gerald.

“O, Anniza, sabayan mo na ang darling mo. Siya pa pala ang nagluto,” tudyo ni
Brandy.

Ang totoo’y kanina pa siya nagugutom. Umupo na lamang siya sa pagitan nina Gerald
at Hanzen. Hindi niya inaasahan ang hakbang na gagawin ni Gerald. Pinagsilbihan
siya nito. Ito pa ang nagsalin ng kanin sa plato niya at nagsalin ng sabaw sa
mangkok niya.

Pakiramdam niya’y may nagsisiga ng apoy sa paligid niya. Si Hanzen ay tahimik na


kumakain sa gawing kaliwa niya. “Kumain ka na. Alam ko kanina ka pa nagugutom,”
sabi sa kanya ni Gerald.

Hindi niya alam kung makakakain pa siya ng maayos. Pinapaligiran siya ng


nagguguwapuhang lalaki. Iyon ang unang pagkakataon na sabay-sabay silang lahat na
kumain. Narinig niyang tumikhim si Brandy.

“Magandang place dito para mag-date,” sabi ni Brandy.

Hindi talaga ito titigil sa panunukso sa kanila ni Gerald. Ito namang si Gerald ay
feel na feel ding sumakay. Kung hindi lamang siya naiilang kay Brandy ay
susupladahan niya ito. Malapit na rin siyang mapikon dito.

Kalagitnaan ng hapunan ay tumayo si Gin. “Excuse me,” anito at nagmadaling lumabas


ng kusina.
Kanina pa rin niya napapansin na walang ganang kumain si Gin at matamlay ito,
maputla at parang palaging inaantok. Kanina sa meeting nila ay nakatulog pa ito.

“May sakit siguro itong si Gin,” ani Brandy.

“Pansin ko nga,” sabad naman ni Gerald.

Mayamaya’y sinalinan ni Gerald ng tubig ang baso niya. “Gusto mo ng juice, Anniza?
Ipagtitimpla kita,” ani Gerald.

“Hindi na, salamat na lang,” tanggi niya.

“Si Anniza pakipot pa, eh,” tudyo na naman sa kanya ni Brandy.

“Bakit naman ako magpapakipot?” naiinis na tanong niya kay Brandy.

“Pinapahirapan mo pa si Gerald, e mukhang gusto mo naman.” Nang-aasar pa si Brandy.

Sa inis niya’y sinakyan niya ang biro nito. “Oo na, kami na ni Gerald. Ano naman
ang problema?” bunyag niya kunwari.

Tiwala naman siyang maiintindihan siya ni Gerald. Nakita niya kung paanong lumapad
ang ngiti ni Brandy. Bigla nitong inabala ang nananahimik na si Hanzen.

“Narinig mo, Hanz? May love team na sa grupo!” nagagalak na wika ni Brandy kay
Hanzen.

Hindi naman umimik si Hanzen bagkus ay bigla na lamang itong tumayo. “Excuse me,”
anito at basta na lamang umalis na hindi pa tapos kumain.

“Oy, Hanz! Bakit aalis ka na?” awat ni Brandy pero tumuloy-tuloy sa pagalis si
Hanzen na pabalya pang isinara ang pinto.

“Anong nangyari?” tanong ni Gerald.

Nagkibit-balikat lamang siya, ngunit sa kaibuturan niya’y labis siyang naapiktuhan


sa kilos na iyon ni Hanzen.
=================

Chapter Nine

ALAS-ONSE na ng gabi pero nasa lobby pa rin si Anniza at nagbabasa ng manual ng mga
machine na ginagamit nila sa constructions. Tulog na ang mga kasama niya maliban
kay Hanzen na umalis kaninang alas-newebe at hindi pa nakakabalik.

Nang bumigat ang talukap ng mga mata niya ay tumayo siya at naglakad-lakad sa
hardin. Malamig ang simoy ng hangin na nagmumula sa karagatan. Bumuntong-hininga
siya habang nakatayo sa lilim ng puno ng palm tree.

“Bakit gising ka pa?”

Napakislot siya nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon buhat sa likuran niya.
Awtomatiko’y hinarap niya ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Ganoon na lamang ang
tulin ng tibok ng puso niya nang makita si Hanzen.

Nakasuot ito ng itim na jagging pants at itim na jacket. Mukhang galing ito sa
tabing dagat. Hindi niya inaasahan na papansinin pa siya nito. Napakaseryoso nito.
Maliwanag ang buwan kaya kitang-kita niya ang hitsura nito.

“Bakit hindi ka pa natutulog?” muling tanong nito.

“Ahm, hindi pa ako inaantok,” tugon lamang niya.

“Wala ka namang pinagpupuyatan,” anito.

“Hindi nga ako makatulog,” naiiritang sabi niya.

“Bakit?”

“Kailangan bang sabihin ko pa sa iyo kung bakit?” masungit na saad niya sabay bira
ng talikod.

Nararamdaman niya ang yabag nito na papalapit sa kanya. Nararamdaman rin niya ang
init ng enerhiya na nagmumula sa katawan nito. Hindi lamang niya matantiya kung
gaano na ito kalapit sa kanya. Nadama na lamang niya ang pagwawala ng puso niya.
Hindi niya napigil ang agarang pagkabog ng dibdib niya.

“Akala ko ba’y hindi mo gusto si Gerald,” mamaya’y wika nito.

Natigilan siya. Hindi niya alam kung anong esperitu ang sumapi sa kanya at naisipan
niyang sakyan ang panunukso ni Brandy—at sinabi na sinagot na niya si Gerald.

“Wala naman akong nakitang masama kay Gerald. So I decided to give him a chance.
Hindi siya mahirap mahalin,” pagsisinungaling niya pero hindi niya hinaharap si
Hanzen.

“Seryoso ka?” tanong nito.

“Seryoso ako,” matatag na sagot niya.

“Hindi na magbabago ang isip mo?”

Matagal siyang nag-isip ng isasagot. “Wala namang dahilan para baguhin ko ang isip
ko. Mas mainam na ‘yong piliin ko ang lalaking nagmamahal sa akin kisa sa lalaking
gusto ko pero hindi ako mahal. Ayaw kong masaktan kaya sisiguraduhin kong mahal ako
ng lalaking pipiliin ko,” aniya.

“Mahal din naman kita, a.”

Pumanting ang tenga niya; uminit ang buong katawan niya. Ang puso niya ay tila
luluwa na sa dibdib niya. Malaking apoy ang katagang binitawan nito na sa isang
iglap ay unti-unting tumutupok sa damdamin niya—upang gisingin ang natutulog niyang
pag-ibig. Noon niya napagtanto na kay laon na pala siyang nagmamahal—pagmamahal na
natagpuan kay Hanzen—na akala niya’y simpleng paghanga lang.

Hindi niya alam kung paano ipaliwanag ang nararamdaman niya. Nahihibang siya sa
labis na kaligayahan. Hindi na nanumbalik sa normal niyong tibok ang puso niya.
Wala na sa tamang huwisyo ang isip niya. gusto niyang umiyak sa galak, pero hindi
niya alam kung paano iyon ipapakita.

“Bakit ayaw mo akong harapin, Anniza?” mamaya’y tanong ni Hanzen.

Napalunok siya. Alam niya kapag hinarap niya ito ay hindi niya mapipigilan ang
pagsabog ng damdamin niya; baka hindi niya maawat ang katagang nais manulas sa
bibig niya.

“Galit ka ba, Anniza? Naiinis ka ba sa akin?” usig nito.

Hindi ako galit, hindi ako naiinis sa iyo, Hanzen. Namimis lang kita, o hindi,
mahal lang siguro kita. Oo, mahal na nga kita, ngali-ngali niyang sabihin ngunit
hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob.

“Hindi ko naman dapat sasabihin sa iyo ang nararamdaman ko pero natakot ako nang
sabihin mong sinagot mo na si Gerald. Pakiramdam ko pinagkaitan ako ng karapatang
lumigaya. Hindi ko naman planong sabihin na mahal kita, pero hindi ko napigilan ang
sarili ko. Akala ko kasi hindi ko kayang panindigan ang nararamdaman ko, pero
nasaktan ako kanina nang aminin mo ang tungkol sa inyo ni Gerald. Nagsisisi ako,
Anniza. Nagsisisi ako kung bakit dinaan ko pa sa pan-aasar ang feelings ko sa iyo.
Nagtiwala ako na kusa kang mahuhulog sa akin, pero mas matigas pala ang puso mo—mas
manhid ka pa pala sa akin,” mapusok na pahayag nito.

Kung papano’y biglang may kumirot sa malaking bahagi ng puso niya. Gustong-gusto na
niyang harapin si Hanzen pero kinakabahan siya, natotolero ang isip niya. Wala
siyang maisip na sasabihin.

“Anniza...” sambit nito sa malamig na tinig.

Bumuntong-hininga siya ngunit hindi pa rin niya ito kayang harapin. Mayamaya pa’y
naramdaman niya ang dalawang kamay nito na sumampa sa magkabilang balikat niya.
Bumayo ng husto ang dibdib niya.

“Naniniwala ka ba sa akin, Anniza? Kung naniniwala ka, harapin mo ako, tingnan mo


ako sa mga mata,” wika nito.

Nararamdaman niya ang init ng hininga nito sa batok niya; ang init ng mga kamay
nito; ang matigas na dibdib nito na nakalapat sa likod niya. Pakiramdam niya’y
sasabog na ang puso niya. Wala na siyang pakialam. Hinarap niya ito.

At sa kanyang pagharap ay tuluyang naglapat ang mga katawan nila. Wala na halos
pagitan ang mga mukha nila. Hindi niya magawang tumitig sa mga mata nito bagkus ay
nakatitig siya sa mga labi nito. Nanginginig ang ibabang labi niya nang mamataang
ga-daliri na lamang ang pagitan ng mga labi nila.

“Mahal kita, Anniza. Wala na akong pakialam kung maniniwala ka o hindi. Hindi na
rin ako interesado kung bibigyan mo pa ako ng espasyo sa puso mo. Hindi ako
mapilit. Ang gusto ko lang ngayon ay maipadama sa iyo kung ano ang nasa puso ko.
Hindi ko alam kung kailan ko simulang naramdaman ang lahat nang ito, basta
natagpuan na lang kita sa puso ko. Palagi kitang naiisip, namimis, at nakadama
akong ng pagseselos kay Gerald,” anas nito.

Na-blanko na ang isip niya buhat sa nakahihibang na damdaming iyon. At wala siyang
nagawa nang ipaghinang nito ang mga labi nila. Bigla na lamang bumigat ang talukap
ng mga mata niya. Pumikit siya. Ang kanyang mga kamay ay mahigpit na kumapit sa mga
braso ni Hanzen. Hindi siya dumilat kahit nang maghiwalay ang mga labi nila.

Mamaya’y muli nitong hinalikan ang labi niya. Hindi na iyon basta halik, kumikilos
ang mga labi nito; sumisiil at mapusok, animo’y naghahangad ng katugon. Nasa isip
niya na hindi siya tutugon, ngunit naramdaman na lamang niya ang munting dila nito
na malayang nakapasok sa bibig niya at naggalugad.

Natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na tumutugon sa halik nito. Pakiramdam
niya’y hindi siya ang may dala sa katawan niya. Nararamdaman niya ang intensidad
ngunit hindi niya namamalayan ang ikinikilos niya, ang ginagawa ng katawan niya.
Naramdaman na lamang niya ang kamay ni Hanzen na humuhubog sa baywang niya, sa
kanyang likod. Wala sa loob na pinaglakbay niya ang mga kamay sa dibdib ng binata.
Hindi pa rin siya dumilat ng mga mata. Ngunit nang madama niya ang isang kamay ni
Hanzen na dinama ang isang dibdib niya ay napilitan siyang dumilat.

Umiinit na ang mga tagpo. Kung hindi niya ito pipigilan o pigilan ang sarili niya
ay mauuwi sila sa mas maalab pa sa paghahalikan. Ngunit bakit wala siyang lakas?
Wala siyang kakayahan na supilin ang apoy na nagsisimulang lumiyab sa pagitan nila
ng lalaki? Lumalambot ang mga tuhod niya; nanginginig ang mga kalamnan niya.

Umungol siya nang madama ang init ng palad ng binata na pumaloob sa blouse niya at
kinatagpo ang kaumbukan ng dibdib niya. Pinaghiwalay niya ang mga labi nila ngunit
mayamaya rin ay muli nito iyong pinaghinang. Naging alipin na nito ang katawan
niya. Wala na siyang lakas para pigilan ito. Magpapaubaya na ba siya?

Ipinikit na lamang niyang muli ang kanyang mga mata. Nagpaubaya siya. Wala na
siyang inintindi kundi damhin ang nakahihibang na sensasyong iyon—na nagbibigay
ligaya sa buong pagkatao niya. Gusto niya ang nagaganap at wala na isyang pakialam
saan man sila dalhin ng tagpong iyon.

Mayamaya’y biglang tumunog ang cellphone ni Hanzen na nasa bulsa ng jacket nito.
Kapwa’y nagulat at kusa na silang kumalas sa isa’t-isa.

Pakiramdam ni Anniza ay binuhusan siya ng nagyeyelong tubig. Bahagyang lumayo sa


kanya si Hanzen at sinagot nito ang tawag.

“Hello, Ma!” tugon nito sa tumawag.

Pagkatapos ay wala na siyang narinig mula rito at bigla na lamang nitong pinutol
ang tawag. Nagmadali itong pumasok sa villa na tila hindi na siya nakita. Pumasok
na rin siya sa Villa at dumiretso sa kuwarto niya.

Nakahiga na siya sa kama pero dilat pa rin ang mga mata niya. Mayamaya’y may
kumatok sa pinto. Bumalikwas siya ng banggon at tinungo ang pinto. Nang buksan niya
iyon ay tumambad sa kanya si Hanzen na nakabihis ng pang-alis. Sinuyod niya ito ng
tingin.

“S-saan ka pupunta?” tanong niya.

“Luluwas ako’ng Maynila. Naisugod sa ospital ang Papa ko,” anito.

Nabigla siya. Nag-iisip pa lamang siya ng sasabihin ay hinila na siya nito papasok
sa kuwarto. Isinara nito ang pinto. Nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin.

“I love you, Anniza. Huwag mo sanang kakalimutan na nandito ako at nagmamahal sa


‘yo kahit anong mangyari. Seryoso ako. Naniniwala ka ba?” anas nito habang kulong
ng mga palad nito ang mukha niya.
Tumango lamang siya. Nalilito siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.
Natataranta siya sa mga ikinikilos nito. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig
nitong sabihin.

“Mahal mo ba ako, Anniza?” mamaya’y tanong nito.

“Hanzen...” walang puwang na bigkas niya.

“Please...gusto kong marinig ang sagot mo, Anniza.”

“Oo, mahal kita,” sa wakas ay tugon niya.

Ngumiti ito. “Pero bakit mo sinagot si Gerald?” may hinanakit na tanong nito.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. “Hindi ko siya sinagot. Sinakyan ko lang ang
biro ni Martin,” bunyag niya.

Umaliwalas ang mukha ni Hanzen “Sigurado ka?”

“Oo, Hanzen.”

“Thank you,” anito at bigla na lamang siniil ng halik ang mga labi niya.

Hindi na siya nag-aatubiling tugunan ang halik nito. Ngunit bakit may nararamdaman
siya na tila iyon na ang huli na madama niya ang halik nito?—na tila hindi
mabibigyan ng kalayaan ang pagmamahalan nilang iyon? May nararamdaman siyang
banayad na kirot sa ilang bahagi ng puso niya.

Naramdaman niya ang mahigpit na yakap nito na tila ayaw siyang pakawalan. Kung
hindi lamang siya nagpumiglas ay hindi siya nito palalayain.

“Sige na,” aniya nang makalaya siya sa yakap nito.

“Babalikan kita, Anniza. Mag-uusap tayo ng maayos,” matatag na sabi nito.

Tumango lamang siya.

“Aalis na ako,” pagkasabi nito’y muli siya nitong hinalikan sa mga labi.

“Bahala ka nang magsabi kina Martin. Tatawagan ko rin sila,” sabi nito pagkuwan.
“Sige. Mag-iingat ka,” aniya.

Binuksan na nito ang pinto. Mamaya’y muli siya nitong binalikan at hinalikan na
naman siya. Isang mainit at makahulugang halik. Pagkuwa’y nagmadali na itong
umalis.

Isang oras na ang nakakalipas magbuhat nang umalis si Hanzen pero hindi pa rin
madalaw-dalaw ng antok si Anniza. Pabiling-biling siya sa higaan. Magkahalong tuwa,
kaba at pagkabahala ang nararamdaman niya. Nagsisimula pa lamang sumibol ang pag-
ibig nila ni Hanzen ay may pangitain na siyang nakikita na tila hindi mabubuhay ang
pag-ibig na iyon.

Lumuluha siya na walang dahilan. Nasasaktan siya na hindi niya mawari kung bakit.
Hindi niya naiwasang isipin ang buhay meron si Hanzen, ang kulturang sinusunod
nito, batas ng pamilya nito at kung ano-ano pa. Bigla na lamang siya inuusig ng mga
iyon. Ngunit kalauna’y nanaig pa rin ang tiwala niya na paninindigan siya ni Hanzen
at ipaglalaban sa anumang balakid na maaring sisiil sa kasisibol pa lamang nilang
relasyon.

NANIKIP ng dibdib ni Hanzen nang malaman ang kondisyon ng Papa niya. May liver
cancer ang Papa niya at kinakailangan itong maisailalim sa chemoteraphy sa lalong
madaling panahon. Kinailangan niyang maglabas ng pera para maisagawa iyon.

Nadatnan niyang umiiyak ang Mama niya habang nakaupo ito sa gilid ng kama ng Papa
niya na natutulog. Namumugto ang mga mata ng ginang buhat sa puyat at lubhang pag-
iyak.

“‘Ma...” bigkas niya.

“Tinawagan ko ang lolo mo, hindi niya ako sinasagot,” wika nito.

“Huwag na po kayong umasa na tutulungan niya tayo,” aniya.

Bumaling siya sa likuran nito at hinahagod ang likod nito. “Saan tayo kukuha ng
malaking pera? May isang milyon pang utang ang papa mo sa lending at baka ang
hardware na lang ang pambabayad namin, pero hindi pa iyon sapat,” madamdaming
pahayag nito.

“Meron naman po akong ipon sa banko,” aniya.

“Pera mo iyon, Anak.”

“Buhay ni Papa ang nakasalalay dito, ‘Ma. Naglabas na ako ng isang daang libo para
maisagawa ang chemo niya at para sa iba pang kailangan.”

Napahagulgol ng iyak ang Mama niya. “Ang tigas din kasi ng ulo ng Papa mo.
Sinabihan ko na siyang tigilan na ang paglalasing gabi-gabi. Matagal na niyang
iniinda ang sakit niya pero ayaw pa niyang magpagamot,” kumpisal ng Ginang.

Bumuntong-hininga siya. Mariing naisambunot niya ang mga daliri sa sarili niyang
buhok. Hindi niya kayang titigan ng matagal ang papa niya.

“Lalabas muna ako, ‘Ma,” aniya.

Nahihirapan siyang mag-isip. Wala pa siyang tulog. Kanina lamang ay sinabi ng


doktor na nasa stage two na ang cancer ng Papa niya. Makakatulong ang chemotherapy
pero kailangan pa rin daw ng maagap na liver transplant sa Papa niya para tuluyan
itong gumaling. Anumang sandali ay tataas pa ang estado ng cancer ng Papa niya.

Saan siya ngayon kukuha ng isang milyon mahigit upang maisagawa ang liver
transplant sa Papa niya? Tatlong daang libo na lang ang natitirang pondo niya sa
banko. Iniiisip pa niya ang idinadaing ng Mama niya na utang ng Papa niya sa
lending. Hindi niya sigurado kung puwede na niyang makuha ang share niya sa
Batangas project. Kababayad lang kasi niya sa balance ng kotse niya na six hundred
thousand.

Kung hindi sana sila nagkasamaan ng loob ng lolo niya ay wala sana siyang problema.
Mataas din ang pride niya. Ayaw niya ring lumalapit sa ibang tao para humingi ng
tulong.

Naisagawa ang unang chemotherapy sa Papa niya at lumakas na itong muli. Pero sabi
ng doktor maari pang magsagawa ng pangalawang chemo hanggat hindi pa naisagawa ang
liver transplant. Pera na naman ang kailangan. Inilabas muna nila sa ospital ang
Papa niya at babalik na lamang siya sa susunod na linggo para sa pagsusuri.

Makalipas ang isang linggo ay nag-file na ng emergency leave si Hanzen sa kompanya.


Nakapag-loan siya pero kulang pa rin. Habang nasa ospital muli ang Papa niya,
nagtambay muna siya sa Bar para kahit papano’y makapagpahinga siya.

Ilang araw na rin siyang hindi nakakatulog ng maayos. Mabuti na lamang at may mga
kaibigan siyang handang dumamay. Hindi man niya hiniling ay kusa nang nagbigay ang
mga ito. Ayaw niya na kinaawaan siya pero dahil desperado na, tinanggap niya ang
kaunting tulong ng mga kaibigan niya.

Hindi na niya kailangang isanla ang kotse niya bagay na balak niyang gawin.
Nakalikom siya para sa operasyon ng Papa niya. Ngunit kung kailan okay na ang lahat
ay saka naman sila nagkaproblema sa Papa niya. Naging makulit ito at ayaw magpa-
opera. Hinamon siya nito, binigyan siya ng kondisyon. Sinabi nito na magpapa-opera
lamang ito kung hihingi siya ng tawad sa lolo niya at sundin ang anumang hilingin
nito.
Nagimbal siya, hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya. Kahit ang Mama niya ay
hindi mapilit ang Papa niya. Ayaw na nitong pumunta sa ospital, ni ayaw na nitong
uminom ng gamot. Natutulero na siya kaya hindi na muna siya umuwi sa bahay nila.

“Bakit hindi ka lumapit sa Lolo mo, dude?” tanong sa kanya ni Wine nang nasa loob
na sila ng lodge at nanunood sa CCTV na nag-uugnay sa buong bar.

Matapos niyang ikuwento ang tungkol sa sinabi ng papa niya ay sunod-sunod na


nagkomento ang mga kaibigan niya.

“Oo nga naman, Hanz,” sabad naman ni Cognac.

Bumuntong-hininga siya. “Komplekado ang sitwasyon namin ni Lolo. Marami siyang


hinihinging kapalit kapag lumalapit kami sa kanya,” aniya.

“Ibang klase rin ang lolo mo ano? Bakit ganoon siya?” wika ni Wine.

“Ganoon talaga si Lolo,” aniya.

“E ‘di sumdin mo na lang kung ano ang gusto niya. Wala namang mawawala sa ‘yo.
Alang-alang sa buhay ng papa mo,” udyok ni Cognac.

“Hindi naman puwedeng lahat ng gusto niya ay susundin ko. Sumusobra na rin kasi
siya minsan,” sabi niya.

Inakbayan naman siya ni Wine. “Alam mo, dude, nandito ka na sa point na kailangan
mong pababain ang pride mo. Matanda na ang lolo mo at lalong tumataas ang pride
niyon. Ikaw ang mas may malawak na pag-unawa kaya ikaw ang magpakumbaba,” payo ni
Wine.

“Tama si Wine, Hanz,” gatong naman ni Cognac.

“Hindi naman biro ang gusto niya para sa akin. Habang buhay kong pagsisisihan kapag
nagkataon,” aniya.

“Alin? Ang makasal kay Akiko? Dude, napag-aaralan ang pagmamahal. Matututunan mo
rin siyang mahalin. Wala ka namang nobya ‘di ba?” ani Wine.

Bigla niyang naisip si Anniza. Kung hindi niya siguro nakilala si Anniza ay baka
susugal na lang siya, pero tahasang pagmamahal na ang nararamdaman niya para kay
Anniza at alam niya na masasaktan siya kapag hindi niya ipinaglaban ang pag-ibig
niya sa dalaga.

“May gusto akong babae at siya ang gusto kong pakasalan,” bunyag niya.
Nagkasabay pang bumalikwas ng upo sina Wine at Cognac buhat sa pagkakahiga sa kama.
“Oh...” sabay pang sabi ng mga ito na tila hindi makapaniwala.

“Hindi nga, Hanz?” tudyo ni Cognac.

Hinagud-hagod ni Wine ang likod niya. “Binata ka na pala, dude,” biro nito.

“Sira, wala ba kayong bilib sa akin?” nakangiti nang saad niya.

“Mahirap pala ‘yan Hanz. Sakit sa puso niyan. Kaya ayaw ko masyadong nagpapa-
spoiled sa mga grandparents ko, e,” ani Cognac.

“Sino naman ang maswerteng babae na iyon, dude?” pagkuwa’y tanong sa kanya ni Wine.

“Nakilala n’yo na ata siya,” hindi siguradong sabi niya.

“‘Yong Architect mo’ng maganda?” tanong ni Wine. Si Anniza ang tinutukoy nito.

Tumango siya.

“Nyay, may taste ka rin, ah. Kaya pala sinuway mo ang lolo mo,” ani Wine.

Humiga siya sa kama. “Bahala na,” aniya.

“Anong bahala?” tanong ni Cognac.

“Bahala na si kupido,” biro niya.

Nagtawanan ang dalawa.

=================

Chapter Ten
ISANG buwan nang nasa Batangas sila Anniza. Si Martin at Gerald na lamang ang
kasama niya dahil si Gin ay umuwi rin ng Maynila. Nalaman niya mula kay Martin na
nag-file pala ng three months leave si Hanzen. Ilang araw na ring hindi siya
nakakatulog ng maayos.

Nang Linggo ng umaga ay nasurpresa siya nang makita si Hanzen sa Villa at kausap ni
Martin. Malaki ang ipiniyat ni Hanzen at mukhang pasan nito ang langit. Namimis
niya ito ng sobra.

Wala siyang ideya kung bakit naroroon ito samantalang ikinansila nito ang isang
taong kontrata nito sa proyekto nila. Kagagaling lamang niya sa dagat at naligo
kasama ang ilang staff ng resort. Hindi siya napansin ni Hanzen nang dumaan siya sa
likuran ng mga ito.

Pagkatapos niyang maligo at makapagbihis ay dumiretso na siya sa kusina at nagluto


ng tanghalian nila. Abala siya sa pagbabalat ng patatas nang maramdaman niya ang
pagbukas ng pinto. Awtomatiko’y naibaling niya ang tingin sa kabubukas na pinto.

Bigla na lamang tumulin ang tibok ng puso niya nang makita si Hanzen. Napakaseryoso
nito, tipong maiilang siyang kausapin ito. Nagpatuloy siya sa pagbabalat ng patatas
habang nakaupo sa harap ng hapag-kainan.

Mayamaya’y umupo ito sa katapat niyang silya. “Kamusta ka?” tanong nito.

“Okay lang. Ikaw? Kamusta pala ang Papa mo?” pagkuwa’y tanong niya.

“Okay lang ako. Si Papa, may liver cancer siya,” diretsong sabi nito.

Natigilan siya. Matiim na tumitig siya sa mga mata nito. Akala niya ay karaniwang
karamdaman lamang ang sakit ng Papa nito. Kaya pala ganoon na lamang ang pangayayat
nito. Hindi biro ang problema nito.

“A-anong sabi ng doktor?” tanong niya.

“Kailangan ni Papa ng liver transplant para tuluyan siyang gumaling. Nasa stage two
na ang cancer niya,” anito.

Hindi siya nakaimik. Kinikilabutan siya. Wala man siya sa sitwasyon ni Hanzen pero
ramdam niya ang hirap ng kalooban nito. May kung anong kumurot sa puso niya.

Tumayo na siya at hinugasan muli ang binalatan niyang patatas saka iyon hiniwa sa
apat. Magluluto siya ng pininyahang manok. Hindi niya alam kung paano niya
kakausapin si Hanzen. Mamaya’y tumayo ito at tinulungan siya sa pagluluto.

“Bakit pala pumunta ka pa dito? Hindi ba dapat binabantayan mo ang Papa mo,” aniya
habang nagsasangkutsa ng bawang.

Si Hanzen naman ay binubuksan ang nasa lata na pineapple chunk. “Babalik din ako
mamaya sa Maynila,” tugon nito.

“May naiwan ka pa bang gamit?” tanong niya. Hinulog na niya sa kawali ang mga
hiniwang karne ng manok.

“Wala. Namimis lang kita,” anito.

Naibaling niya ang tingin sa binata. Hindi ito tumitingin sa kanya. Sinasalin nito
sa baso ang juice ng pinya. Sa halip na matuwa ay tila bahagyang kumirot ang puso
niya, iniisip niya ang sitwasyon nito.

“Kung ako sa sitwasyon mo, hindi ko kakayaning mawala kahit sandali sa tabi ng Papa
mo,” pagkuwa’y sabi niya.

“Lalaki ako, Anniza. Hindi kasing pusok ng puso mo ang puso ko. Hindi ko kayang
nakikita na naghihirap ang mahal ko sa buhay. Hindi ko kayang iluha kung ano ang
sakit na nararamdaman ko. Kailangan ko ng taong aalo sa akin at magpapagaan sa
bigat na nararamdaman ko,” seryosong pahayag nito.

“Wala akong kakayahang pagaanin ang loob mo, Hanzen. Hindi kasi ako sanay na
nadadarang sa problema, lumaki ako sa masyang pamilya at walang hinanakit sa puso,
kaya hindi ko alam kung paano mahimasukan sa sitwasyon mo,” sabi niya.

“Hindi mo kailangang mag-eefort, Anniza. Makita lang kita ay gumagaan ang loob ko.
Gusto lang talaga kitang makita kaya ako nandito.”

Tinakpan na niya ang niluluto at hinayaang lumambot ang karne ng manok. Pagkuwa’y
lumapit siya sa lababo at sana’y maghuhugas ng kamay ngunit mabilis na ginagap ni
Hanzen ang kamay niya. Kunot-noong tinitigan niya ito sa ma mata.

“Kagagaling mo lang sa init ng apoy tapos magbabasa ka?” seryosong saad nito. Nasa
ilalim ng galit ang tinig nito.

“Bakit? Marumi ang kamay ko,” aniya.

“Mga kamay mo ang sandata mo sa trabaho. Sa palagay mo, makakapagguhit ka ng maayos


kung pasmado ka na?” tiim-bagang na sabi nito.

Sapilitang binawi niya ang mga kamay buhat sa pagkakahawak nito. Hindi na lamang
siya nagbasa ng kamay. Nagpunas na lamang siya ng mesa.

“Anniza...” mamaya’y bigkas ni Hanzen.


Hinarap niya itong muli. “May gusto ka bang sabihin?” namumurong tanong niya.

“Kahit mawala ako ng matagal, mamahalin mo pa rin ba ako pagbalik ko?” seryosong
tanong nito.

Natigilan siya. “A-anong ibig mong sabihin?” nababahalang tanong niya.

Hindi siya nito sinagot bagkus ay nilapitan siya nito at ginagap ang dalawang kamay
niya. “Kailangan kong magdesisyon para sa Papa ko. Ayaw kong mawala siya, pero
maraming mga bagay ang kailangan kong isakripisyo. Naniniwala ka ba sa destiny,
Anniza?”

Tumango siya. Ngumiti ito.

“Ako rin. Naniniwala ka rin ba na mahal na mahal kita?” pagkuwa’y saad nito.

Tumango siya. Hindi niya napigil ang paglandas ng mga luha niya. “Iiwan mo ba ako,
Hanzen?”

Matagal bago kumibo ang binata. “Hindi ko alam. Meron lang akong kailangang ayusin.
Sana huwag magbago ang pagtingin mo sa akin kahit anong mangyari. Huwag ka sanang
magagalit sa akin.”

“Kung sasaktan mo ako magagalit ako. Ikaw lang ang lalaking natutunan kong mahalin
sa maikling panahon, Hanzen. Parang hindi ko kaya na mawala ka sa akin. Puwede mo
namang sabihin sa akin ang problema mo baka matulungan kita,” aniya.

Umiling ito. “Huwag mo na akong alalahanin.”

Tinangka niyang bumitiw sa kamay nito ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakahawak
nito sa mga kamay niya. Kinabig nito ang baywang niya.

"I love you, Anniza,” anas nito at bigla na lamang siniil ng halik ang mga labi
niya.

Hindi niya napigil ang damdamin niya. Ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito at
may pananabik na tumugon siya sa halik nito. Tila ayaw siya nitong pakawalan kahit
ramdam niyang kinakapos na ito ng hininga.

“Ehemm! Nasusunog na ata ang niluluto n’yo.”

Kapwa’y kumalas sa isa’t-isa nang pareho nilang marinig ang boses ni Martin buhat
sa pinto. Nataranta siya nang maamoy niya ang niluluto  na malapit nang mag-amoy
inihaw.

Pagkatapos niyang maisalba ang niluluto ay tila naiilang na siyang harapin si


Martin. Mainit pa rin ang mukha niya. Walang imik rin si Hanzen habang tinutulungan
siya.

“Nagugutom na ako,” sabi ni Martin nang umupo ito sa harap ng hapag.

“Ano kaya kung mag-over night ka na lang dito, Hanz? Natamlay kasi si Anniza kapag
wala ka,” patuloy pa ni Martin.

“Sinisingil lang kita, Martin kaya ako nandito,” sabi naman ni Hanzen.

“Oh, talaga? Disqualified ka nga, e. Sabi walang personalan,” sabi naman ni Martin.

Hindi niya naintindihan ang daloy ng usapan ng mga ito. Pero may pakiramdam siya na
may kinalaman siya sa pinag-uusapan ng mga ito. Mamaya’y nagpaalam sa kanya si
Hanzen. Lumabas ito kasunod si Martin.

HINDI alam ni Brandy na may namamagitan sa kanina ni Anniza. Wala pang binabanggit
si Hanzen tungkol roon. Nang makarating sila sa umbrella cottage sa tapat ng Villa
ay hindi na rin nagpatumpik-tumpik pa si Brandy.

“Hanz, ‘di ba boyfriend na ni Anniza si Gerald? Bakit nakikipaghalikan siya sa


‘yo?” seryosong tanong ni Brandy nang makaupo na sila na magkaharap.

“Hindi sinagot ni Anniza si Gerald,” aniya.

“Anong hindi? Alam ko sinakyan niya lang ang biro ko noon, pero sila na, dude,”
giit ni Brandy.

Mariing kumunot ang noo niya. “Hindi. Wala nang kinalaman dito ang pustahan natin.
Gusto ko si Anniza at hindi ko kinuha ang loob niya para lang manalo ako sa
pustahan natin. Mahal ko na siya, dude,” giit rin niya.

“Hanz, sigurado ka ba? Hindi ako nakikialam pero naguguluhan lang ako. Ang alam ko
talaga boyfriend na ni Anniza si Gerald.”

Nagtagis ang mga bagang niya. Ngayon lamang siya nainis kay Brandy. “Hindi nga
sila, Brandy! Sinabi ni Anniza na mahal niya ako. Bago ako umalis noon ay nag-usap
kami.”
“Gaano ka ba katagal nawala, Hanz? Umalis din si Gin. Madalas na naiiwan sa Villa
sina Anniza at Gerald. Ilang beses kong nakita si Gerald na pumasok at lumabas sa
kuwarto ni Anniza. Una, hindi ko pinansin, pero one time—nakita ko sila na
naghahalikan,” bunyag ni Brandy.

Natigilan siya. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya si Brandy. Namuo pa ang
galit niya para sa kaibigan. Tumayo siya.

“Niloloko mo ba ako, Brandy?” namumurong tanong niya.

Marahas na tumayo si Brandy. “Dude, matagal na tayong magkaibigan, ngayon mo pa ako


pag-iisipan ng ganyan? Hindi ko sinasabi ito para sirain kayo ni Anniza. Concern
lang ako sa ‘yo, dude. Sinasabi ko lang kung ano ang nakita ko pero hindi ko
ipinagririinan na niloloko ka ni Anniza. Hindi ko alam na may relasyon kayo.
Nagulat nga ako nang makita ko kayo kanina. Nabigla lang din ako, Hanz. Sorry,”
paliwanag ni Brandy.

Bigla na lamang nanikip ang dibdib niya. Unti-unting inaalipin ng galit ang puso
niya. Kilala niya si Brandy at alam niyang hindi ito gagawa ng kuwento na ikasasama
ng loob niya. Maaring totoo ang sinasabi nito. Wala silang malinaw na napag-usapan
ni Anniza bago siya umalis. Maari nga kayang niloloko lamang siya ni Anniza?

Bago tuluyang sumabog ang galit niya ay nagpasya siyang kausapin ng masinsinan si
Anniza. Ngunit nang bumalik siya sa kusina upang kausapin sana si Anniza ay hindi
siya natuloy sa pagpasok nang madatnan si Gerald na tinutulungan si Anniza sa
paghahain ng pagkain. Kumubli lamang siya sa gilid ng pinto habang sinisilip ang
dalawa.

“Sasama ka ba sa akin pagluwas ko ng Maynila?” narinig niyang tanong ni Gerald kay


Anniza.

“Kailan ka ba luluwas?” tanong naman ni Anniza.

“Next week. Sasamahan na rin kita sa ospital. Dapat kasi huwag ka nang sumasama sa
akin sa dagat para hindi ka napapagod. Hayaan mo, pagdating natin sa Maynila
ipapakilala kita kay Mommy. Sigurado akong sisermunan ka niya,” maligalig na wika
ni Gerald.

“Oo na. Gusto ko na ring makilala ang Mommy mo,” sabi ni Anniza.

Unti-unting dinudurog ang puso niya habang inuunawa ang daloy ng usapan ng dalawa.
Hindi nga nagbibiro si Brandy, may relasyon nga si Anniza kay Gerald. Nang muli
niyang silipin ang dalawa ay nasaksihan niya ang kamay ni Gerald na nakaalalay sa
likod ng dalaga at mayamaya pa’y yumakap si Anniza kay Gerald.

Doon na siya nakumbinsi. Niloloko nga siya ni Anniza. Bigla na lamang dumilim ang
paningin niya. Nagngingitngit siya sa galit. AKmang dudugurin niya ang mga ito
ngunit biglang tumunog ang cellphone niya. Tumatawag ang Mama niya. Dagli siyang
lumayo at sinagot ang tawag. Hagulgol ang naririnig niya at sa huli’y nasabi ng
Mama niya na inatake na naman ang Papa niya.

Nataranta siya, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Isinintabi na muna niya
ang galit sa puso niya. Hindi na siya nakapagpaalam sa mga tao roon at bumalik na
siya ng Maynila.

Kailangan nang operahan ang Papa niya pero ayaw pa rin nitong magpa-opera, ni ayaw
nitong magpadala sa ospital. Gulong-gulo na ang isip niya nang mga sandaling iyon.
Nagkagulo na rin ang mga sitwasyon sa utak niya, hanggang sa nagbitiw siya ng
desisyon.

“Kakausapin ko na po si Lolo, ‘Pa, basta pumunta na tayo sa ospital,” sabi niya sa


Papa niya.

“Pupunta ako sa ospital, pero hindi ako magpapa-opera hanggat hindi ko nakikita ang
lolo mo,” pagmamatigas na sabi ng Papa niya.

“Okay.” Bumuntong-hininga siya.  

Hindi siya pumunta sa ospital sa halip ay pinuntahan niya ang lolo niya sa bahay
nila. Hindi siya nito hinarap pero ang lola niya ay sabik na sabik sa kanya. Wala
na siyang mapagpipilian. Nakahanda na siyang magsugal bugso na rin ng magkahalong
pait, galit at lungkot sa puso niya. Pakiramdam niya’y namatay ang kalahati ng
katauhan niya nang mga oras na iyon. Hindi na niya pinag-iisipan ang mga salitang
lumalabas sa bibig niya.

Ang lola niya ang nakiusap sa lolo niya para harapin siya. Hinarap naman siya nito
ngunit katakot-takot na panunumbat ang natamo niya.

“Gipit ka na kaya ikaw lapit sa ‘kin,” wika ng lolo niya.

Lumuhod siya sa harapan nito at paulit-ulit na humingi ng tawad. “Gagawin ko na po


ang lahat ng gusto n’yo. Huwag n’yo sana ituring na parang hindi n’yo kadugo ang
papa ko. Huwag kayo sa kanya magalit, ako ang may pagkakamali. Hindi po ito tungkol
sa pera. Kailangan po kayo ni Papa para lumakas ang loob niya. Ako po ang nagkulang
sa inyo kaya sana huwag na ninyong idamay si Papa,” samo niya.

Sabi kasi ng mama niya, magmula nang umalis siya ay sinumbatan na naman ng lolo
niya ang papa niya at sinisi bakit lumaki siya na matigas ang ulo at ayaw nang
sumunod rito. Sinusulsulan daw siya ng papa niya na huwag sumunod sa lolo niya.
Nagdamdam ang papa niya dahilan kaya lalo itong nagkasakit.

“Get up,” utos nito sa kanya.

Tumayo siya. Tumitig siya sa mga mata ng lolo niya.


“Ako tulong sa Papa mo, pero ikaw sama sa amin sa Japan pagkatapos,” diretsong sabi
nito.

Natigilan siya. “B-bakit ho?”

“Nabenta ko kompanya. Ikaw gusto kasal kay Akiko sa Japan,” anito.

“Nasa Japan si Akiko?!” manghang tanong niya.

“Yes, with her parents. Akiko parents helped to recover our company. Malaki ang
utang-loob ko kanila. I’m old enough, Hanzen. I want you to take over my position
in our company, you and Akiko together with her parents. Naka-usap na kami ni
Emelia. I want you to decide right now, Hanzen,” pahayag ng Lolo niya.

Matagal bago siya nakapagpasya. Naghirap muna ang kalooban niya. Ang daming umuusig
sa kanya at sa kabila ng lahat ay dumako pa rin sa isip niya si Anniza, pero may
banayad siyang nadamang kirot sa puso niya. Pero buo na ang loob niya. “Hindi ko po
maipapangako na mapapakasalan ko si Akiko,” sabi niya.

“You don’t need to hesitate, son. I will process your papers as soon as passible,”
matatag na sabi nito at bigla na lamang siyang iniwan.

Ibinagsak niya ang buong bigat sa sofa. Pakiramdam niya’y nakalutang na lamang siya
sa hangin.

MAKALIPAS ang dalawang linggo, bumalik na ng Maynila si Anniza kasama si Gerald.


Sinamahan siya nito sa Ospital kung saan naka-confind ang Papa ni Hanzen. Kasama
rin nila ang ilang katrabaho. Katatapos lang ang matagumpay na operasyon sa Papa ni
Hanzen.

Pagpasok nila sa hospital room ni Mr. Kurama ay naabutan nila si Hanzen na kausap
ang Mama nito. Nasurpresa ang mga ito nang makita sila. Si Gng. Emelia lamang ang
nakipag-usap sa kanila. Napansin niya ang pag-iwas sa kanya ni Hanzen. Nginitian
niya ito pero tila hindi siya nito nakita. Lumabas lamang ito ng silid. Ikinababag-
loob niya ang kilos na iyon ni Hanzen. Iniisip niya na marahil sa sobrang pagod
kaya wala itong mood makipag-usap kahit kanino.

Kinabukasan pagpasok niya sa site ay maugong ang usapan na nag-resign na raw sa


kompanya nila si Hanzen. Hindi siya naniniwala kaya nilapitan niya mismo ang Papa
niya na nasa opisina nito. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Bakit kailangan
pang ma-resign ni Hanzen, e naka-recover naman na ang papa nito?

“Kailan ka babalik ng Batangas, Anak?” tanong ni Welfredo nang makaupo siya sa


harap ng office table nito.
“Next week, Pa,” aniya.

“Kamusta naman ang trabaho n’yo roon?”

“Okay naman po. Ahm, totoo po bang nag-resign na si Engr. Kurama, Pa?” pagkuwa’y
usisa niya.

“Yes, effective today.”

“Bakit daw po?” kinakabahang tanong niya.

“Aalis na kasi siya papuntang Japan. Doon na siya titira kasama ng Lolo niya at
siya ang mamamahala ng kompanya nila. Balita ko rin na ikakasal siya sa anak ng
business partner ng Lolo niya.”

Nawindang siya. Pakiramdam niya’y tumigil sa pagtibok ang puso niya—na tila may
libo-libong karayom na tumulos roon. Abot lalamunan ang paninikip ng dibdib niya.

“Ikakasal si Hanzen, Pa?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Oo, iyon ang sabi ni Engr. Duellas. Inimbita nga ako kaso ang layo ng Japan,”
nakangiting sabi ng Papa niya.

Hindi siya nakatiis, bigla siyang tumayo at iniwan ang Papa niya. Bago pa siya
makapasok sa palikuran ay tumulo na ang luha niya. Lalo lamang sumidhi ang kirot sa
puso niya dahilam upang mapahagulgol siya ng iyak.

Isang oras din siyang nagkulong sa palikuran at nang mahimasmasan ay lumabas na


siya. Patungo siya sa HR office nang makita niya si Hanzen na kalalabas ng naturang
opisina. Tila hindi siya nito nakita at nilagpasan lamang siya nito.

Hindi siya nakatiis, hinabol niya ito at hinawakan ang braso nito. Hinarap naman
siya nito. Wala pa ma’y muli nang tumulo ang luha niya.

“Bakit, Hanzen? Anong nangyari?” may hinanakit na tanong niya.

“Wala naman,” sabi lang nito. Nagawa pa nitong ngumiti.

“Anong wala? Aalis ka, magpapakasal. Bakit hindi mo sinabi na ganito pala ang plano
mo?!” asik niya.

Iniwaksi nito ang kamay niya. “Wala ka nang pakialam kaya huwag kang umarte na
parang apektado ka, Anniza!” anito sa ilalim ng gigil na tinig.

Lalo lamang kumirot ang dibdib niya. “Niloko mo’ko. Sana hindi mo na lang sinabi na
mahal mo ako kung iiwan mo lang ako! At sana hindi ko na lang sinabi na mahal kita
nang hindi ako nasasaktan ng ganito!”

“Sana nga! Sana nga hindi na lang, Anniza! Masakit pala, eh. Pero alam mo kung ano
ang mas masakit? Ang isiping mahal ka ng isang tao pero hindi pala totoo!”

“Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan,” maang niya.

“Come on, Anniza. Hindi naman ako tanga, e. Mabuti na lang may mga kaibigan akong
concern sa akin. Well, masyado mo na akong naabala. May mas importente pa akong
kailangang asikasuhin kisa makipag-usap sa iyo,” pagkasabi nito’y basta na lamang
siya nitong iniwan.

Tila napako na ang mga paa niya sa kinatatayuan niya. Iniwanan siya nito ng
malaking tanong na magpapahirap sa damdamin niya. Anong nagawa niya? Labis ang
paninikip ng dibdib niya; napahagulgol na naman siya ng iyak.

=================

Chapter Eleven (Finally)

MAKALIPAS ang isang taon, napaiyak si Anniza nang malamang ikakasal na ang ate
niya. Naiinggit siya dahil almost perfect ang love life nito kung ikukumpara sa
kanya. First boyfriend nito si Eric at wala pa siyang naririnig na matinding away
ng dalawa.

Umabot ng limang taon ang relasyon ng mga ito bago napagpasyahan ang pagpapakasal.
Pero masaya na rin siya sa buhay niya dahil sa wakas ay pumayag na ang Papa niya na
pasukin niya ang fashion industry. Nagtatrabaho pa rin naman siya bilang Architect.

Sa kasalukuyang dinadaos ang engagement party nina Eric at Arian sa hotel na pag-
aari ng pamilya ni Eric sa Pasay. Kasama niya ang mga co-model at mga kaibigan ni
Arian. Matapos ang ilang seremonya ay nilapitan siya ng nagniningning na si Arian
suot ang magarang evening gown na kulay pula.

“Sis, this is it!” naiiyak na sabi ni Arian at nagyakap silang dalawa.


Nauna pang tumulo ang luha niya. “Iiwan mo na talaga ako, Ate?” aniya.

“Ano ka ba? Wala pa ngang kasal, e.”

“Anong feelings?” natatawang tanong niya.

“Masaya, sobra. Hindi ko maipaliwanag. Kaya ikaw, sagutin mo na si Prince,” anito.

Napalis ang ngiti niya. Pinipilit na naman nito sa kanya ang pekeng prinsepe na isa
sa may magandang mukha ngayon sa larangan ng pagmomodelo. Masyadong mayaman si
Prince, masyadong guwapo, masyadong mabait, masyadong masakit din sa ulo kapag
nagkataon.

Tumawa siya. “Ayaw ko sa isang prinsepe, ate. Okay na sa akin ang kawal sa
palasyo,” biro niya.

Humalakhak si Arian. “Alam mo, kailangan na talaga nating kumain. Join ka na sa


table namin nila Eric,” pagkuwa’y wika ni Arian.

“Mamaya na ako kakain, Ate,” aniya.

“Naku, masyado kang nagpapa-sexy, e, malapit ka nang magbuto’t-balat,” anito.

“Naku, effortless ang pagpapa-sexy ko, no,” aniya.

“Effortless nga dahil sa depress kaya ka sumiksi lalo.”

Hindi na niya nagawang ngumiti nang banggitin ni Arian ang minsang depresyon na
naranasan niya. Matagal na panahon rin bago siya naka-recover sa nangyari sa kanila
ni Hanzen. Hanggang ngayon ay kumikirot pa rin ang puso niya sa tuwing maiisip ang
binata.

Masyadong maikli ang isang taon para tuluyan siyang makalimot. Pero itinatak niya
sa isip niya na wala na si Hanzen; ikinasal na iyon sa iba at malamang may anak na
iyon. Panahon na rin siguro para magkaroon na rin siya ng seryosong relasyon.

Dumating pa ang panahon na natukso siyang tanggapin ang panliligaw ni Gerald, pero
lalo lamang niyang naiisip si Hanzen. Hanggang ngayon ay kaibigan pa rin naman niya
si Gerald at nakalimutan na ang feelings sa kanya. Nagkaroon na rin ito ng
kasintahan na isa sa mga kaibigan niya sa fashion industry.

Marami siyang manliligaw pero wala siyang napupusuan. Nagsawa na rin siya sa mga
guwapo at mayayamang lalaki. Sa trabaho na lamang niya naibuhos ang lahat ng oras
niya.

Kumakain na ang mga panauhin pero si Anniza ay hindi mapakali na palakad-lakad.


Hanggang sa masipat niya si Martin kasama si Engr. Duellas. Ninong nga pala sa
magiging kasal ni Arian si Engr. Duellas at imbitado ang pamilya nito.

Bihira din ang pagkakataon na nakakausap niya si Martin. Tila nagkalamat na rin ang
samahan nila magbuhat nang umalis si Hanzen. Si Andrew naman ay bihira na niyang
nakikita. Nabalitaan na lamang niya na ikinasal na rin si Andrew sa nobya nitong si
Catharina.

Namimis niya ang samahan nila noon. Namimis niya ang kakulitan ng tatlong barako
kahit mga seryosong tao. At higit sa lahat—namimis niya si Hanzen—ang pan-aasar at
panunuya nito sa kanya. Hindi niya namamalayan na tumutulo na ang luha niya habang
mag-isa siyang nakaluklok sa inakupa niyang mesa at nakatanaw sa mga nagsasayawan.

“Hi, Anniza!”

Napakislot siya. Dagling pinahiran niya ng tissue ang pisngi niyang namamasa sa
luha. Namataan niya si Martin na nakaupo sa tabi niya.

“Hi!” bati naman niya.

“Bakit ka umiiyak?” tanong nito.

“Ahm, masaya lang ako dahil ikakasal na ang ate ko,” pagsisinungaling niya.

“Gano’n ba? Bakit pala nag-iisa ka?” pagkuwa’y tanong nito.

“Wala lang,” aniya.

“Nalulungkot ka ba dahil iiwan ka na ng ate mo?”

Tumango siya.

“Baka gusto mong mag-unwind, manood ng live band,” suhesyon nito.

Sinipat niya ito. Mukha ngang maganda ang suhesyon nito. Matagal na rin siyang
hindi nakakapag-unwind.

“Kaya lang hindi pa tapos ang party,” aniya.

“Ikaw.”
Mamaya’y tumayo siya. “Sige, magbibihis lang ako at magpapaalam ako kay Papa,”
aniya. Pagkuwa’y iniwan niya si Brandy.

Nagpalit siya ng maong pants at blouse na pula. Inalis niya ang make-up niya.
Pinayagan naman siya ng Papa niya pero nilimitahan nito ang oras niya. Huwag daw
siya magpaabot ng umaga.

“Mabuti naman pinayagan ka ng Papa mo na maging modelo,” wika ni Martin nang


makasakay na sila sa kotse nito.

Tinatahak nila ang daan patungo sa Alabang kung saan ang bar ng mga ito. “Siguro
naawa rin siya sa akin,” natatawang sabi niya.

Ngumisi si Brandy. “Siguro mahihirapan ka ring kombinsihin ang papa mo kapag


magpapalasal ka na.”

Bumungisngis siya. “Mukha nga. Lahat nga ng manliligaw ko ay kinikilatis niya. Wala
rin naman siyang nagustuhan. Gusto kasi niya ay ‘yong kilala na niya.”

“Tulad ni Gerald?”

“Sana, kaso hindi nakuha ni Gerald ang puso ko.”

Napansin niya ang matagal na pananahimik ni Martin. “May kasalanan ako sa ‘yo,
Anniza,” mamaya’y sabi nito.

Matiim na tinitigan niya ito. “A-anong kasalanan?” kunot-noong tanong niya.

“Nagkamali ako ng iniisip sa inyo noon ni Gerald noong nasa Batangas tayo. Akala ko
talaga boyfriend mo na noon si Gerald dahil madalas ko kayong nakikita sa hindi
pangkaraniwang eksena. Hindi ko rin alam na kayo pala talaga ni Hanzen ang may
relasyon. Akala ko kasi niloloko mo lang noon si Hanzen. Masyado akong nag-alala sa
kaibigan ko. Sorry, Anniza, nasira kayo ni Hanzen dahil sa maling akala ko,”
seryosng pahayag ni Martin.

Natitigilan siya. Hindi niya inaasahan ang mga ikukumpisal sa kanya ni Martin.
Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman niya. Dapat ba siyang magalit at
sisihin si Martin? Malinaw naman na hindi nito sinasadya ang nangyari.

“Iyon ba ang dahilan bakit biglang nagalit sa akin si Hanzen?” usisa niya.

“Oo, akala talaga niya niloko mo siya. Siguro nakita rin niya kayo ni Gerald.”
“Iyon din ba ang dahilan kung bakit bigla siyang nagpasya na umalis at magpakasal
sa iba?” may hinanakit na tanong niya.

“Siguro, pero ibang usapan ang pagpunta niya sa Japan. Tinanggap niya ang inaalok
sa kanya ng lolo niya kapalit ng pagpapa-opera ng Papa niya at iba pang dahilan.
Siguro masyado na siyang nagigipit kaya tinanggap niya ang kagustuhan ng lolo niya.
Wala na siyang masyadong naikuwento sa akin bago siya umalis. Bihira na rin siyang
tumatawag sa amin.”

“Nagpakasal ba siya?” wala sa loob na tanong niya.

“Ewan, siguro. Kasama iyon sa kasunduan nila ng lolo niya.”

Pagdating sa bar ay iginiya siya ni Martin sa music bar at pansamantalang iniwan.


Pinagsilbihan naman siya ng waiter at kinuha ang order niya. Maraming tao at
maingay pero hindi siya nainis. Mayamaya’y dumating na ang order niya.

Pagbalik ni Martin ay may dala itong isang bote ng Champaign. Bigla siyang
kinabahan. “Dalawa lang ba tayo ang iinom?” tanong niya.

“Hindi. May bisita kasi kami kaya may munting salo-salo rin kaming inihanda. Ganito
kami kapag may balik-bayan kaming kaibigan, nagsasama-sama kami,” ani Martin.

Wala siyang pakialam kung sino ang tinutukoy nitong kaibigan na balik-bayan. Kumain
na muna siya ng Bake Macaroni na in-order niya. Pagkuwa’y sinalinan na ni Martin ng
Champaign ang baso niya.

“Gusto ko rin sana na magkaroon ng reunion ang grupo natin dati sa site,” wika ni
Martin.

Napangiti siya. “Kamusta na pala si Gin?” tanong na lamang niya.

“Si Gin? Naku, may anak na. Nalaman na lang namin na ikanasal na pala siya kay Cat
sa probinsya pero sa huwis palang naman. Next year ata balak nilang magpakasal sa
simbahan. Malihim kasi masyado si Gin.”

“E, ikaw, kailan ka ikakasal?” mamaya’y tanong niya.

“Ahm, malapit na rin. Medyo nag-aadjust pa kami pareho ng girlfriend ko. Ang tagal
din kasi naming naghiwalay,” seryosong pahayag ni Martin.

“Na-meet ko na pala ang girlfriend mo. Isa siya sa fashion designer namin. Si Mss.
Shania Gonzales?” aniya.

“Yeah, nagkakilala na pala kayo?”


“Oo pero masyado siyang busy kaya hindi kami madalas nagkakuwentuhan, pero mabait
siya, a.”

“Oo, mabait talaga siya.”

“Ang suwerte mo.”

“Suwerte din siya sa akin,” pagmamalaki nito.

Ngumisi siya.

“Ah, Anniza...” ani Martin.

“Hum?”

“Okay lang ba sa ‘yo kung ipapakilala kita sa kaibigan kong balik-bayan?” tanong
nito.

Bigla siyang natawa. “Sinong kaibigan? Ang alam ko naipakilala mo na silang lahat
sa akin, e,” aniya.

“Oo nga, pero gusto ka kasi niyang makilala ng personal. Kaso nahihiya siya sa ‘yo.
Matagal ka na raw niyang gusto lalo na nang makita niya ang larawan mo sa fashion
magazine. Alam mo bang bihira humanga itong kaibigan ko sa isang babae na minsang
lang niya nakilala?”

Mariing kumunot ang noo niya. May pakiramdam siya na niloloko lamang siya ni
Martin. “Alam mo, kahit kailan ang galing mong mang-asar,” aniya.

“No, seryoso ako, Anniza. Sumama ka sa akin sa lodge namin,” anito.

Ewan niya bakit bigla siyang kinakabahan. Tumayo si Martin at binitbit ang inumin
nila. Tumayo na rin siya. Iginiya siya nito sa sinasabi nitong lodge na karugtong
lamang ng music bar.

Nang buksan ni Martin ang pinto ng kuwarto ay tumambad sa kanila si Hanzen kasama
ang nangangalang Scotch. Nakamasid ang mga ito sa Monator ng CCTV. Namanhid ang
buong katawan niya nang makita si Hanzen—na tila hindi naman nasurpresa nang makita
siya.

“Oy, may bisita pala tayo,” sabi ni Scotch. Tumayo ito at lumapit sa kanya.
“Hi! I’m James, AKA, Scotch,” pakilala ni Scotch sabay alok sa kanya ng kanang
kamay.

Inakala niya na si Scotch ang tinutukoy ni Martin na kaibigan nitong balik-bayan.


Ngayon pa lamang kasi niya ito nakaharap ng personal maliban noong gabi na ma-trap
sila ni Hanzen sa Quezon road.

Dinaup naman niya ang palad nito. Wala namang pakialam si Hanzen. Nakaupo lamang
ito sa silya habang nakaharap sa monitor ng CCTV. Hindi pa rin siya makapaniwala na
nakikita niya ngayon si Hanzen. Para ba siyang kagigising na hindi pa
nahihimasmasan. Nawiwindang siya ng sobra.

Nagtataka siya bakit lumabas si Scotch at ganoon din si Martin. Isinara ng mga ito
ang pinto at iniwan siya sa loob kasama si Hanzen. Nang pihitin niya ang seradura
ay hindi na iyon mabuksan. Kinakalampag niya ang pinto.

“Martin!” sigaw niya. Pakiramdam niya’y nasa loob siya ng isang kulungan kasama ang
isang gutom na tigre.

“Martin!” sigaw na naman niya habang kinakalampag niya ang pinto.

“Walang makakarinig sa ‘yo kahit anong sigaw mo,” narinig niyang sabi ni Hanzen.

Sinipat niya ito. Ang kaba at inis niya ay bigla na lamang nahalinhan ng pananabik.
Bigla siyang nanabik kay Hanzen.

Tumayo si Hanzen at humakbang palapit sa kanya. “Natatakot ka ba? Huwag kang mag-
alala, hindi kita kakainin,” seryosong wika nito.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. “Anong kalokohan ito?” tanong niya.

“Na-bully ka na naman. Pagpasensiyahan mo na ang mga kaibigan ko. Sobrang


supportive lang talaga sila sa akin kaya lahat ng hilingin ko ay sinusunod nila.
Pinasundo kita kay Martin,” anito.

Natigilan siya. Ang tibok ng puso niya ay waring naghihingalo. Napasandal siya sa
pinto nang akmang yayakapin siya nito. Ikinulong na lamang siya nito sa magkabilang
braso nito.

“Miss na miss na kita, Anniza. Marami akong gustong sabihin at ihingi ng tawad sa
iyo—kung bibigyan mo ako ng pagkakataon,” anas nito.

“Tapos na ‘yon, Hanzen. Ayaw ko na ring balikan,” aniya.

“Hindi, Anniza. Kailangan nating balikan ang nakaraan. Mali iyon, kailangan nating
ulitin,” makahulugang sabi nito.

Tinulak niya ito at pinalaya naman siya nito. “Nakakapagod kayang paulit-ulit. At
bakit pa natin uulitin, e tapos na iyon? Hindi na kailangan. Naiintindihan ko na
kung bakit ka nagalit sa akin,” aniya.

“Alam mo na si Gerald ang dahilan? Ngayon mo ipaliwanag sa akin ang mga hinala ko
at ni Martin. Noong nag-uusap kayo sa kusina sa Villa. Anong mga napag-usapan
ninyo?!” may hinanakit na usig nito.

Bumuntong-hininga siya. “God! Ang tagal na niyon, Hanzen.”

“Kahit na. Gusto ko pa ring marinig. Ipaliwanag mo ang sinabi sa akin ni Martin na
madalas niyang nakikita si Gerald na pumapasok sa kuwarto mo ng gabi!” asik nito.

Sa halip na mainis ay natutuwa siya na hanggang ngayon ay nagseselos pa rin ito kay
Gerald. “Noong gabi na iyon, nilalagnat ako dahil sa UTI ko. Nilalagnat ako tuwing
gabi at si Gerald ang nag-aasikaso sa akin. At nang bumuti ang pakiramdam ko ay
napag-usapan namin na lumuwas ng Maynila at para dalawin ang Papa mo—at makapagpa-
chick-up na rin ako. Doktor ang mama ni Gerald sa ospital kung saan isinugod ang
Papa mo. Sinamahan niya ako sa mama niya. Iyon ‘yong araw na dinalaw namin ang Papa
mo,” paliwanag niya.

Matagal bago ito muling kumibo. “Kung hindi mo sinagot si Gerald noon, bakit nakita
kayo ni Martin na naghahalikan?” may hinanakit pa ring tanong nito.

Bigla niyang naalala noong nangahas si Gerald na halikan siya. Hindi niya iyon
ginusto, pero humingi rin naman ng tawad noon si Gerald. “Pinuwersa lang ako ni
Gerald. Alam mo naman kung gaano kalaki ang pagkagusto niya sa akin. Humingi siya
ng tawad sa akin pagkatapos noon,” aniya.

“Pero sinagot mo rin naman siya noong wala na ako, ‘di ba?”

Nagulat siya. Kahit pala nasa Japan ito ay alam pa rin nito ang mga kaganapan sa
buhay niya. At sino naman ang lapastangang nagsabi rito na sinagot niya si Gerald?

“At sino naman ang nagsabi sa iyo niyan?” kinakabahang tanong niya.

“Si Martin. Tinatanong ko siya kung ano ang kaganapan sa buhay mo,” anito.

Noon na muli siya nainis kay Martin. Magsusumbong na nga mali-mali pa. Ganoon din
naman kabilis nawala ang iretasyon niya. Hindi na niya sinagot si Hanzen tungkol
kay Gerald. Mas iniintindi niya ang tungkol sa kanilang dalawa.

“Bakit mo pa inaalam ang nangyayari sa buhay ko? Wala naman tayong relasyon at isa
pa, nagpakasal ka na,” masama ang loob na sabi niya.
Umupo sa kama si Hanzen at tumitig sa CCTV monitor. “Hindi ako nagpakasal, Anniza,”
bunyag nito.

Mabilis na binalingan niya ito ng tingin. Naghihintay siya ng karagdagang


impormasyon. Pumintig na naman ng ubod bilis ang pulso niya. Hindi siya
makapaniwala sa natutuklasan.

“Nakaplano na ang kasal namin ni Akiko, pero bago iyon, nag-usap kami. Sinabi ko sa
kanya na may iba akong mahal. Siguro naawa siya sa akin dahil halos hindi na ako
natutulog at hindi kumakain. Nagdesisyon siya na huwag nang ituloy ang kasal.
Nakapag-move on na rin pala siya sa akin. May mahal na rin siyang iba. Hindi na
umapila ang Lolo ko at mga magulang niya. Pinabayaan na lang nila kami. Pero galit
pa rin sa akin ang Lolo ko,” pahayag nito.

Nilapitan niya ito at umupo sa tabi nito. Tila nabunutan siya ng malaking bara sa
dibdib. “Pinalayas ka na naman ba ng Lolo mo?” tanong niya.

“Oo, at huwag daw akong babalik hanggat hindi ko kasama ang babaeng pakakasalan
ko.”

Matiim na tinitigan niya ito. Hinarap naman siya nito. “Sinong boyfriend mo
ngayon?” pagkuwa’y tanong nito.

Hindi siya sumagot basta’t nakatitig lamang siya sa mukha nito. “Gusto ko siyang
makilala at nang mapag-aralan ko kung paano kita aagawin sa kanya,” wika nito.

Gusto niyang umiyak sa tuwa. Gusto niya itong saktan. Uminit na ang sulok ng mga
mata niya at handa na sanang pumatak ang luha niya, pero naudlot dahil sa sinabi
nito.

“Makasarili ka. Gusto mo ikaw lang ang palaging nasusunod. Hindi mo iniisip na may
nasasaktan kang tao. Sarili mo lang iniintindi mo,” walang puwang na sabi niya, at
tuluyan na lamang nangilid ang mga luha niya.

“Oo, makasarili ako dahil hindi kita kayang ipamigay sa iba. Mahirap bang unawain
‘yon? Ayaw ko na may kahati, ayaw ko na may kaagaw. Gusto ko akin ka lang, gusto ko
ako lang ang lalaking mamahalin mo,” anito.

“Magaling ka lang magsalita, pero hindi mo naman ako pinaglaban sa pride mo. Hindi
mo manlang inalam ang totoo bago ka nagalit.”

“Naunahan na ako ng galit, nasaktan na ako. I’m sorry. Masyado rin akong ginipit ng
Lolo ko at siguro dahil na rin sa matindi ang pangangailangan ko. Pero masakit sa
akin ang lumayo sa iyo, Anniza.”
Nasilayan niya ang paglandas ng mga luha nito. Bigla siyang naawa, nalulungkot
habang iniisip ang mga pinagdaanan ni Hanzen. Dapat ay karamay siya nito noong may
pinagdadaanan ito. Hindi niya alam kung paano maipadama rito ang pagmamahal niya na
hindi niya kailangang sabihin.

Hinawakan niya ang kamay nito. “Huli na ba para damayan kita?” tanong niya.

“Naaawa ka ba sa akin?”

“Nag-aalala ako. Naaawa din ako sa sitwasyon mo noon pero hindi ko alam kung paano
ka damayan. Alam ko hindi ka tatanggap ng tulong. Hindi na ako nagkaroon ng
pagkakataon noon na maipadama sa iyo ang pagmamahal ko dahil mahirap ding nakawin
ang oras mo.”

“Puwede mo naman ngayon ipadama sa akin.”

Tinitigan niya ito sa mga mata. Ngumiti siya. “Ano ba ang gusto mo?” wala sa loob
na tanong niya.

“Tinatanong mo ako?”

“Oo.”

“Mahal mo pa ba ako?” tanong nito.

“Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa ‘yo, Hanzen.”

“E, bakit sinagot mo pa si Gerald?” may tampong tanong nito.

“Mamaya, sasampalin ko si Martin dahil sa mali nanamang impormasyon na sinabi sa


iyo,” aniya.

Naningkit ang mga mata nito. “What do you mean?”

“Hindi ko sinagot si Gerald kahit kailan. Lokong Martin ‘yon,” aniya.

Ngumisi si Hanzen.

Nagulat siya nang bigla nitong hapitin ang baywang niya saka siya hinatak palapit
rito. Naglapat ang mga dibdib nila. “Sumama ka sa akin sa Japan,” anas nito.

“H-ha? B-bakit?”
“Para payagan na ako ni Lolo na magtayo ng company branch dito at para dito na ako
titira ulit,” anito.

“Bakit kailangan ko pang sumama sa Japan?”

“Magpapakasal tayo.”

Napalunok siya. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. “Kasal? Hindi ata madali
iyon,” aniya.

“Akong bahala. Gusto ni Lolo na mag-asawa muna ako bago ako manirahan ulit dito sa
Pilipinas. Anniza, isang buwan lang ang bakasyon ko rito.”

Bigla na lamang siyang kinabahan.

“Hanzen wala pa tayong pormal na relasyon,” protesta niya.

“Come on, Anniza. I love you. Mahal mo naman ako ‘di ba?”

Tumango siya. Bigla na lamang nitong siniil ng halik ang mga labi niya. Ang
simpleng halik nito ay unti-unting lumalalim hanggang sa manabik siyang tugunan
ito. Inihiga siya nito sa kama.

“Deal?” tanong nito nang sandaling iwan nito ang bibig niya.

“Anong deal? Hindi tayo naglalaro, Hanzen,” aniya.

“I know. Kakausapin ko ang parents mo,” anito.

“Sigurado ka ba?” natatawang tanong niya.

“Anniza naman. Seryoso ako, okay?”

“Okay.”

“Okay, what?”

“Kung kasal lang ang paraan para makasama kita habang buhay, bakit pa ako
tatanggi?” nakangiting sabi niya.

“Kasal lang, ah? Ngayon palang sinasabi ko na sa iyo. Gusto ko ng apat na anak.”
“Kahit ilan pa ang gusto mo,” pilyang sabi niya.

“Ah ganun? Well simulan na natin ngayon pa lang,” simpatikong sabi nito at muling
siniil ng halik ang mga labi nito.

Nang madama niya ang biglang pagkabuhay ng pagkalalaki nito ay nag-panic siya.
Bahagya niya itong naitulak. Umangat ito ng mukha.

“Bakit?” paanas na tanong nito.

“Ayaw mo ba ng virgin bride?” nakangiting tanong niya.

Ngumisi ito. “Siyempre gusto,” sagot naman nito pero hindi ito umaalis sa ibabaw
niya.

“So we need to stop this. Pagkatapos naman ng kasal ay baka agad mo akong
pagsawaan,” aniya.

Hinalikan siya nito sa labi saka ito umahon mula sa kanya. Umupo ito sa tabi niya.
Umupo naman siya.

“I think kailangan nating madaliin ang kasal,” seryosong wika nito.

“Bakit?” tinitigan niya ito.

“Gusto ko nang mag-asawa at magkaanak. Ikaw ba?”

“Oo naman. Naiinggit ako sa ate ko. Wait, paano ako makakadalo sa kasal ni Ate kung
pupunta tayo ng Japan? After three months from now na ang kasal nila,” nababahalang
saad niya.

“Ah, kakausapin ko na lang si Lolo para after na lang ng kasal ng ate mo tayo
pupunta sa Japan para makasama rin sila.”

“Talaga?”

“Uhum. Okay ba?”

“I love you!” sagot niya at bigla na lamang niyakap ang binata.

“I love you too,” tugon naman nito.


Muling naghinang ang kanilang mga labi. Halik na udyok ng matatag na pagmamahal.

Love is unexpected  

Wakas!

Subaybayan ang ilang detalye ng kanilang pagmamahalan sa ilang susunod na mga


aklat.

Susunod na....

Cognac-Mateo Abarde—ang binatang umiikot ang buhay sa sports at pagkahilig sa


kompitisyon. Pilyo, mahilig gumamit ng personalidad para sa kinagawiang lalokohan.
Medyo tahimik, seryoso pero may itinatago siyang kakulitan. Walang siniseryosong
babae. Pero may hangganan ang lahat.
Kilalanin ang babaeng magbibigay sa kanya ng hamon at leksiyon na magtatama sa mga
kamalian niya.

Abangan....

You might also like