Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Reflection

Ang kalupi ay kwento ng isang batang nagngangalang Andres Reyes. Siya ay

isang musmos at inosenteng bata gaya ng lahat. Malinaw na nailahad sa kwento kung

paanong ang gaya ni Andres ay naging biktima ng mapanghusga at malupit na lipunan.

Nakakapanghinayang na maagang paglisan sa mundo ang naging solusyon upang

hindi na siya parusahan pa ng malupit na mundo kung saan tila ba umiikot sa laman ng

kalupi ang magiging kapalaran mo. Narinig niyo na ba ang ganitong storya? marahil ay

oo, dahil isa lamag si andres sa milyong-milyong kabataan na naging biktima; hindi

siya nag iisa. Maniwala ka! Marami sa kanila ang nabanat na ang buto, lumululon ng

bato, nahubaran ang pagkatao at napaso ng sigarilyo. Nasilayan, naramdaman at

narinig namin sila kaya’t marapat lamang na maibahagi ang kanilang storya sa isang

monolgo na mulat at mumulat sa inyo.

Ang kwento ni andres ay naging pundasyon ng talakayan sa aming monologo

dahil bilang mga susunod na guro naniniwala kaming higit sa ano pa man ang buhay ng

mga kabataan ngayon at sa hinaharaap ay mas mahalaga sa kahit anong salapi

mayroon sa iyong kalupi. Ang paglaban sa bangis ng lipunan ay tila ba isang hamon na

hinamon na lang din ng mga kabataan. Bilang mga batang mulat, pinili naming hamunin

ang pagsubok na ito. Bakit kailangang mamuhay ng may takot ang mga kabataan

gayong pagmamahal, respeto, simpatsya at konsenya lamang ang hinihingi upang ikaw

ay maging mabuting tao. Nais ipakita nang aming grupo ang bahagi ng story na hindi pa

nababasa ng iba. Ang mga kabataan; sila talaga ang biktima. Si andres ang nagging

representasyon nila. Siya ang tumayong imahe ng mga kabataang na api, namaliit at

namaltrato.
Langit, lupa, impyerno saksak, puso tutulo ang dugo. Marami pa sila. Si andres

ay hindi nag iisa. Maniwala ka! Naranasan ng lahat ang maging bata at wala ng mas

masaya pang bahagi ng buhay kung hindi ang maging bata at maging magulang ng

mga bata. Kaya’t bakit natin ipagkakaait sa kanila ang napaka ikling sandali ng pagiging

inosente, malaya, at maligaya. Paulit-ulit nating babangitin ang katagang iniwan ng

ating pambangsang bayani “kabataan ang pag-asa nga bayan,” kabataan parin

hangang ngayon at kalian pa man. Napakahalaga na tulungan natin silang magkaroon

ng buhay na nararapat lamang para sa kanila. Baguhin na natin ang sisteama; wag

nating hayaan na magpatuloy ang pang-aabuso sa kahinaan nila. Bagamat takot at

walang laban pinili ni Andres na panindigan, hindi niya ninakaw ang kahit ano man.

Lalaban din ako, ikaw, lalaban tayo. dahil TAYO… AY ISANG ANDRES REYES.

You might also like