Professional Documents
Culture Documents
EsP 3-Q4-Module 1
EsP 3-Q4-Module 1
Edukasyon
sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan-Modyul 1:
Pagpapakita ng Pananalig sa Diyos
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.
Pagpapakatao 3
Ikaapat na Markahan
Modyul 1 Para sa Sariling
Pagkatuto
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3– Modyul 1 ukol Pagpapakita
ng Pananalig sa Diyos
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nito na
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
PAUNANG PAGSUBOK
BALIK-ARAL
paksa. ARALIN
MGA PAGSASANAY
PAGLALAHAT
PAGPAPAHALAGA
PANAPOS NA PAGSUSULIT
PAUNANG PAGSUBOK
Lagyan ng (/) ang patlang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pananalig sa Diyos
at (X) kung hindi.
_____1. Hindi nakakalimot sin Nica na magdasal tuwing sasali siya sa paligsahan sa
paaralan.
_____2. Hindi na muli nagsimba si Reynaldo dahil hindi siya nakakuha ng mataas na
marka sa pagsusulit.
_____3. Hindi na kailangan pa ng tulong ni Darwin mula sa Diyos dahil bilib siya sa
kanyang sariling kakayahan.
_____4. Isinisi ni Fernan sa Diyos ang kanyang pagiging lumpo.
_____5. Nananalig si Jimmy na makakaahon ang kanyang pamilya mula sa
pananalanta ng bagyo.
BALIK-ARAL
Panuto: Suriin ang mga larawan. Bilugan ang mga bagay na ginawa ng Diyos at ikahon
naman ang hindi.
Maliban sa mga bagay na ito,ano pa ang ibang bagay sa iyong paligid ang ginawa ng
Diyos?
ARALIN
➢ Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging relihiyoso kaya maraming paraan kung
paano natin naipapakita ang ating pananalig sa Diyos. Maaaring sa pamamagitan
ng pagsisimba,pagsasabuhay at pagsunod sa kanyang mga utos,pagpapasalamat
sa kanyang mga biyaya,pakikipag kapwa-tao at paghingi ng tawad o
kapatawaran sa mga nagawang kasalanan.
MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon. Iguhit ang kung ito ay nagapakita
ng pananalig sa Diyos at kung hindi.
________1. Si Bert ay madalas pumunta sa simbahan para manalangin at humingi ng
gabay sa Diyos.
________2. Hindi iniisip ni Jake ang pagod sa trabaho dahil alam niya na may Diyos
na nagbibigay sa kanya ng lakas araw-araw.
________3. Madalas bigyan ni Alice ng pagkain ang pulubi na dumaraan sa kanilang
bahay dahil ito ay nakalulugod sa Diyos.
________4. Hindi pinapansin ni Denis ang kanyang kaklase dahil sila ay magkaiba ng
relihiyon.
________5. Hindi nawawalan ng pag-asa si Susan na makakaahon ang kanilang
pamilya sa kahirapan basta’t maging masipag siya at manalig sa Diyos.
Pagsasanay 2
Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang kaisipan.
PAGLALAHA
T
Panuto: Hanapin ang angkop na salita sa loob ng kahon para makumpleto ang pahayag.
nagbabago suliranin
PAGPAPAHALAGA
Paano mo ipinapakita ang iyong pananalig sa Diyos ngayong panahon ng
pandemya?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Hanay A Hanay B
1. May pananalig si Kiko na mananalo siya sa
A. pananalig
paligsahan sa pagkanta sa kanilang
paaralan dahil sa _______ na nagmumula sa
Diyos. B. nag-aaral
2. ___________ ni Jake ang patuloy na C. gabay
paggaling ng mga taong tinamaan
ng sakit na covid19.
3. Malakas ang _________ ni Mika na D. mabuti
makakapasa siya sa pagsusulit dahil nag-
aaral siya ng kanyang aralin at nagdarasal bago
matulog.
4. Ipinagdarasal ni Faye na makakapagtapos siya
E. Ipinagdarasal
ng kanyang
pag-aaral kaya _______ siya ng mabuti.
5. Ang paggawa ng ______sa kapwa
ngayong panahon ng pandemya ay
pagpapakita ng pagmamahal sa ating Diyos.
SUSI SA PAGWAWASTO
Paunang Pagsubok
1.
2.
/
X
Sanggunian
3. /
4. X
5. / Pagsasanay 1
1. 2.
3. 4.
5.
Pagsasanay 2 Sanggunian
1. Diyos
2. puso
3. kahilingan
4. sipag
5. pananalig
Panapos na Pagsusulit
1. c
2. e
3. a 4. b
5. d
Sanggunian
Aklat
Victoria V. Ambal,Leah D. Bongat,Rosa Anna A. Canlas,Maria Carla M. Caraan, Rodel A. Castillo,
Rolan B. Catapang,Erico M. Habijan et al. Edukasyon sa Pagpapakatao 3: Kagamitan ng Guro. Kagawaran ng
Edukasyon, 2015.
q=clipart+chicken https://www.google.com.ph/search?q=clipart+house
https://www.google.com.ph/search?q=clipart+airplane https://www.google.com.ph/search?
q=clipart+of+an+ocean
HU1KDIYQ2-cCegQIABAA&oq=clipart+of+mountain