Professional Documents
Culture Documents
Modyul 6
Modyul 6
Modyul 6
(Aralin 6)
Grade 12 STEM | HUMSS
Unang Semestre, TP 2021-2022
II. ALAMIN MO
Sa pagsisimula ng aralin, bisitahin ang https://www.youtube.com/watch?v=Fl5Dyd312hM.
Pakinggan ang talumpati ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagdiriwang ng Kalayaan 2014. Kung
walang kompyuter at akses sa internet, basahin ang talumpati sa ibaba. Pakinggan o basahing
mabuti ang talumpati. Hindi kailangang magtala ng impormasyon.
1|
MODYUL SA FILIPINO SA PILING LARANG
(Aralin 6)
Grade 12 STEM | HUMSS
Unang Semestre, TP 2021-2022
2|
MODYUL SA FILIPINO SA PILING LARANG
(Aralin 6)
Grade 12 STEM | HUMSS
Unang Semestre, TP 2021-2022
3|
MODYUL SA FILIPINO SA PILING LARANG
(Aralin 6)
Grade 12 STEM | HUMSS
Unang Semestre, TP 2021-2022
program – lahat po ito, sakaling mabasa o maikuwento natin sa ating mga apo, ay
marahil tatapatan lamang nila ng hikab at kibit ng balikat. Hindi po mauukit sa ginto
ang lahat ng ating mga Executive Order, ang mga batas na pinagpuyatan ng ating
lehislatura, at maging ang pinakamalalalim na desisyon ng hudikatura.
Tinatanggap ko po ito, at ilang ulit ko na pong idiniin na hindi palakpakan o
pagpupugay ang nagtutulak sa aking bumangon araw-araw upang maglingkod sa akin
pong mga Boss. Nagtatrabaho tayo para sa bata sa lansangan na kayang maghibla
ng isang kuwintas ng sampagita, ngunit ni hindi pa nakakatapak sa loob ng eskuwela.
Nagtatrabaho tayo dahil sa isang malayong baryo, sa isang maliit na isla ng Filipinas,
maaaring may sanggol na magiging tulad ni Rizal: tapat ang puso, walang-kapantay
ang talino, walang-hanggan ang malasakit sa kapuwa, at may wagas na pag-ibig sa
bayan. Nagtatrabaho po tayo upang wala nang Filipino ang mangailangan pang
magbuwis ng buhay para sa kapakanan ng mga susunod sa kanya.
Noong ika-19 ng Hunyo, 1861, isang sanggol ang isinilang dito sa bayan ng
Calamba. Wala pong kakaiba sa kanya: Marahil kasinlaki lang ng 76 isang nakakuyom
na kamao ang kanyang ulo, at ni hindi kayang humawak ng panulat ang kanyang
maliliit na kamay na paglaon ay lilikha ng dalawang dakilang obra.
Nabanggit ko na rin lang po, hinihikayat ko po kayong bisitahin ang mga
orihinal na manuskrito ang mga nobelang Noli me Tangere at El Filibusterismo sa
National Library. Bukas po iyan ngayong kaarawan ni Rizal, at kung hindi kayo
makadaan ngayon, puwede pa rin po ninyo itong bisitahin bukas. Kaya nga po natin
idineklarang holiday bukas: para habang ginugunita natin si Rizal, mas makikilala rin
natin ang mga gawa niya.
Malinaw po: Hindi ipinanganak na superhero si Jose Rizal. Walang
prediksyon sa kanyang kadakilaan; walang nakapagsabing ang anak ng magasawang
Mercado ay magiging pambansang bayani ng lahing Filipino.Isa’t kalahating siglo ang
nakalipas, ginugunita pa rin natin ang kanyang kapanganakan, at tinitingala ang
kanyang kadakilaan.
4|
MODYUL SA FILIPINO SA PILING LARANG
(Aralin 6)
Grade 12 STEM | HUMSS
Unang Semestre, TP 2021-2022
Ipaliwanag ang sagot: Maaaring i-post ninyo ang sagot sa ating discussion board.
1. Ano ang paksa at tungkol saan ang talumpati?
2. Ano ang epekto ng napakinggan o nabasa mong talumpati sa iyong sarili
III. TUKLASIN MO
Ang pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa
paraaang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa. Ito ay karaniwang isinusulat upang
bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Ang isang talumpating isinulat ay hindi magiging ganap na
talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap ng madla.
5|
MODYUL SA FILIPINO SA PILING LARANG
(Aralin 6)
Grade 12 STEM | HUMSS
Unang Semestre, TP 2021-2022
Ang talumpati ay isang tekstong binibigkas sa harap ng maraming tao at ito ay isang uri
ng akademikong sulatin na maaaring gamitan ng paglalarawan, pagsasalaysay, paglalahad at
pangangatuwiran.
Gamit ang concept web sa ibaba, anong mga salita ang maaari mong iugnay sa paglalahad,
pangangatwiran, pagsasalaysay at paglalarawan? Pagkatapos ay ihambing ang iyong sagot sa
talakayan sa ibaba.
PAGLALAHAD PANGANGATUWIRAN
TALUMPATI
PAGSASALAYSAY PAGLALARAWAN
Para sa paglalahad, ang susing salita ay pagpapaliwanag na sumasagot sa mga tanong na Sino,
Ano, Bakit, Saan, Kailan at Paano. Dito, maaaring magbigay ng enumerasyon ng mga bagay na
inilalahad o di kaya’y suriin ito batay sa bahagi o uriin ayon sa kategorya. Nagpapaliwanag din ito
ng kahulugan at kahalagahan ng isang konsepto o salita
6|
MODYUL SA FILIPINO SA PILING LARANG
(Aralin 6)
Grade 12 STEM | HUMSS
Unang Semestre, TP 2021-2022
Para sa pagsasalaysay, ang susing salita naman ay pagkukuwento. Pagkukuwento ito ng isang
pangyayari o mga pangyayaring ugnay-ugnay at may karakterisasyon o pag-unlad ng tauhan.
Para sa paglalarawan, ang susing salita dito ay pagpapakita ng katangian. Nagpapahayag ito
ng mga katangian batay sa limang pandama: pangingin, pandinig, pang-amoy, panlasa at panalat
Para sa pangangatwiran, ang susing salita ay panghihikayat. Nanghihikayat itong pumanig sa
opinyon ng tagapagsalita. Binubuo ito ng mga matitibay na argumento o mga dahilan upang
mapasang-ayon ang mga tagapakinig. Sinusuportahan naman ng mga ebidensya ang mga argumento
upang mapatibay ito at mas makumbinsi ang mga tagapakinig.
May iba pang uri ng talumapti ayon sa layunin:
1. Talumpating nagbibigay ng impormasyon o kabatiran
2. Talumpating panlibang
3. Talumpating pampasigla
4. Talumpating panghikayat
5. Talumpati ng pagbibigay-galang
6. Talumpati ng papuri
May iba pang uri ng talumpati ayon sa paghahanda:
1. Impromptu
2. Extempore
3. Isinaulong talumpati
4. Pagbasa ng papel sa Komperensiya
Kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng talumpati:
1. Introduksyon - pinakapanimula ng talumpati. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig
para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan
ng talumpati.
2. Diskusyon o Katawan - Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati. Dito tinatalakay
ang mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Taglay ang:
a. kawastuhan
b. kalinawan
c. kaakit-akit
7|
MODYUL SA FILIPINO SA PILING LARANG
(Aralin 6)
Grade 12 STEM | HUMSS
Unang Semestre, TP 2021-2022
IV. SAGUTAN MO
Sumulat ng isang talumpati ayon sa paksang kinawiwilihan. Dapat lagyan ng pamagat, may
introduksyon, may lohikal na pagkakasunod-sunod ang katawan at may kongklusyon ang isusulat
na talumpati. Mga kahingian sa pagsulat ng talumpati:
1. Lagyan ng pangalan, at grade at strand.
2. May pamagat, introduksyon, katawan at konklusyon.
3. Bibigkasin ito sa loob ng 8-10 minuto (virtual).
Pamantayan sa Pagmamarka
Katamtamang
Napakahusay Mahusay Nakagawa
Katangian Husay
(5) (4) (2)
(3)
May isang May isang
malinaw at tiyak malinaw at tiyak May isang paksa.
na paksa, na na paksa, ngunit Hindi gaanong Hindi malinaw
sinusuportahan hindi detalyado malinaw ang ang paksa at
Pokus at detalye
ng mga ang mga mga suportang ang mga
detalyadong suportang impormasyon o argumento.
impormasyon o impormasyon o argumento.
argumento. argumento
Kawili-wili ang
introduksyon,
naipakilala nang
mahusay ang May Hindi malinaw
paksa. Mahalaga introduksyon, May ang
at nauukol sa mahusay na introduksyon, introduksyon
Organisasyon paksa ang mga pagtalakay, at pagtalakay, at pagtalakay sa
impormasyon na may karampatang pagtatapos o paksa, at ang
ibinahagi sa isang pagtatapos o konklusyon. pagtatapos o
maayos na konklusyon. konklusyon.
paraan. Mahusay
ang pagtatapos o
konklusyon.
8|
MODYUL SA FILIPINO SA PILING LARANG
(Aralin 6)
Grade 12 STEM | HUMSS
Unang Semestre, TP 2021-2022
V. PAHALAGAHAN MO
Bakit nagsusulat ng talumpati?
Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa iyong pag-aaral sa K-12?
VI. TANDAAN MO
Ang pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa
paraaang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa. Ito ay karaniwang isinusulat upang
bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Ang isang talumpating isinulat ay hindi magiging ganap na
talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap ng madla.
9|