Banghay Aralin Pagsulat Sa Piling Larangan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Banghay Aralin 3.

Paano nagiging akademikong


sulatin ang isang
Una at Ikalawang Araw (July 4-5, 2016) autobiography?
I. Mga kasanayang 4. Magbigay ng tatlong
Pampagkatuto sitwasyong ginagamit ang
sulating nanghihikayat.
A. Naiisa-isa ang mga Layunin ng 5. Sa inyong palagay, ano ang
Akademikong Pagsulat mangyayari kapag hindi
B. Nailalahad ang mga gamit ng malinaw sa iyo ang layunin
Akademikong Pagsulat isusulat?
C. Napahahalagahan ang pagsulat
ng Akademikong Pagsulat. IV. Pag-iinput ng Guro
-Mga gamit sa Akademikong
Pagsulat
 Depinisyon
II. Paksang Aralin
 Enumerasyon
A. Mga Layunin ng Akademikong
Pagsulat/ Mga Gamit ng  Order
Akademikong Pagsulat  Paghahambing o
B. Sanggunian: Pagsulat sa Filipino Pagtatambis
sa Piling Larangan: Akademik  Sanhi at Bunga
(Diwa Learning Town)  Problema sa Solusyon
C. Kagamitan: White Board Marker,  Kalakasan at Kahinaan
Permanent Marker, Manila
paper/Cartolina V. Pangkatang Gawain
-Pagsubok sa mga natutunan.
-Sagot mo, Isend mo.
III. Proseso ng pagkatuto
A. Panimulang Gawain
-Pagbabalik aral hinggil sa mga
nakaraang talakayan, VI. Takdang Aralin
-Magdala ng mga sumusunod:
B. Pagtalakay sa Aralin.  Permanent Marker,
1. Ano-ano ang mga  Manila paper/Cartolina
pangunahing layunin ng  Bondpaper.
Akademikong Pagsulat?  Cp with load
2. Bakit mahalagang malaman
ang layunin kapag nagsusulat
ng akademikong pagsulat? Inihanda ni:

James B. Fulgencio
Banghay Aralin

Ikatlong araw (July 6, 2016)

I. Mga kasanayang Pampagkatuto


A. Nailalahad ang kahulugan ng Abstrak.
B. Naiisa-isa ang Kalikasan at Bahagi ng Abstrak.
C. Nasasagot ang mga katanungan batay sa paksang aralin.

II. Paksang Aralin


A. Pagsulat ng Abstrak
B. Sanggunian: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik
C. Kagamitan: White board Marker

III. Proseso ng pagkatuto


A. Panimulang Gawain

-Pagbabalik aral sa nakaraang Talakayan

B. Pagtalakay sa Aralin.
1. Ano ang Abtrak?
2. Bakit Kailangan ng Abstrak?
3. Bakit karaniwang inilalagay sa unahan ng papel ang Abstrak?
4. Ano-ano ang mga kaibahan ng impormatibo at deskripbong abstrak ayon
sa nilalaman?

IV. Pag-iinput ng Guro


- Paglalahad ng mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak.

V. Pangkatang Gawain

-Pagpapabasa ng isang halimbawa ng Abstrak (Pagsulat sa Filipino sa Piling


Larangan: Akademik)

-Pagtukoy sa mga katangian ng mahusay na abstrak ayon sa nabasang halimbawa


nito.
Banghay Aralin

Ika-apat na araw (July 7, 2016)

I. Mga kasanayang Pampagkatuto


A. Nailalahad ang mga Katangian ng Mahusay na Abstrak
B. Nasasagot ang mga katanungan batay sa paksang aralin.

II. Paksang Aralin


A. Mga Katangian ng mahusay na abstrak
B. Sanggunian: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik
C. Kagamitan: White board Marker

III. Proseso ng pagkatuto


A. Panimulang Gawain

-Pagbabalik aral sa nakaraang Talakayan

B. Pagtalakay sa Aralin

1. Bakit mahalagang basahin mula ang buong papel bago isulat ang abstrak?

2. Paano ilalahad sa abstrak ang mga impormasyong nakuha sa papel?

3. Ano ang kahalagahan ng pagrerebisa ng unang draft ng abstrak?

4. Bakit kailangang gumamit ng ga simpleng salita at pangungusap sa abstrak?

IV. Pag-iinput ng Guro

- Mga Katangian ng mahusay na Abstrak

V. Sintesis
1. Batay sa mga natalakay tungkol sa uri, kalikasan, katangian, halimbawa, at mga
hakbang sa pagsulat ng abstrak, handa ka na bang magsulat nito?
2. Ano-anong mga paghahanda ang gagawin mo upang makalikha ng isang
mahusay na abstrak?
3. Paano mo tatayain ang kahusayan ng isusulat mong abstrak?
1.  AKADEMIKONG PAGSULAT
2. 2. Layunin: Matalakay ang batayang kaalaman sa pagsulat.1 Malaman ang kahulugan at
kalikasan ng akademikong pagsulat.2 Matutunan ang katangian ng tekstong ekspositori,
mga bahagi at nilalaman nito.3 Matalakay ang hulwaran ng tekstong ekspositori.4
3. 3. Akademikong Pagsulat Ito ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng kasanayan.
Ito ay isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalaim sa kultura, reaksyon at opinyon
base sa manunulat, gayundin ay tinatawag din na intelektwal na pagsusulat.
4. 4. Akademikong Pagsulat Ang akademikong pagsulat ay meron ding layunin ito ay ang
mailahad ng maayos ang mga sulatin at ang tema upang maayos itong maipabataid o
maiparating sa mga makakakita o makababasa.
5. 5. BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT
6. 6. Kahulugan at Kalikasan - Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang
magagamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng tao, o
mga tao sa layuning maipahayag ang isipan. - Ito ay kapwa pisikal at mental na activity na
ginagawa para sa isang layunin.
7. 7. 1.Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anuman g kasangkapang maaaring magamit na
mapagsas alinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustras yon ng isang tao. ( Bernales, et
al., 2001) 2. Ito ay kapwa pisikal at mental na aktiviti na gin agawa para sa iba’t ibang
layunin.(Bernales, et al., 2002)
8. 8. 3. Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay is ang komprehensiv na kakayahang
naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagb ubuo ng kaisipan, retorika at iba pang
elemento. 4. Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang
pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
9. 9. 5. Ito ay isang proseso ng imbensyon. 6. Isang Prosesong Panlipunan na maaaring bunga
ng m ga sumusunod : a. Bilang reaksyon ng isang tao sa kanyang nabasa, nara nasan o
namasdan upang maipaabot ang kanyang pa nanaw at panuntunan sa buhay; b. b. Sa
layuning makapagbigay lugod o kasiyahan lalo’t ito ay malikhaing sulatin na nagpapasigla ng
imahina syon at tumutugon sa damdamin.
10. 10. 7. Isang pansariling pagtuklas. 8. Isang proseso sa intelektwal “inquiry”. 9. Isang
paghuhunos ng damdaming bumubukal at nagp apahinog sa diwa’t kaisipan. 10. Isang
malikhaing gawaing binubuo sa papel. 11. Pagbibigay ng sustansya sa mga bagay na para
sa iba ay walang kahulugan. 12. Isang pakikipag-usap sa kapwa
11. 11. 13. Ayon kay White at Strunk ito ay matrabaho at mabagal na proseso dahil sa ugnayan
at koneksyon ng pag-iisip. 14. Pagbibigay ng sustansya sa mga bagay na para sa iba ay
walang kahulugan. 15. Isang pakikipag-usap sa kapwa
12. 12. SOSYO- KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT Isang paraan ng pagtingin sa pr
oseso ng pagsulat. Sa pa-nanaw na i to, ang pagsulat ay kapwa isang mental at sos-yal na
aktibiti.
13. 13. Mga Layunin sa Pagsulat •Impormatib na pagsulat o expository writing- naghahangad na
makapagbigay ng impormasyon •Mapanghiyakat na pagsulat- naglalayon na makumbinsi
ang mga mambabasa •Malikhaing pagsulat- pagpapahayag ng mga kathang- isip,
imahinasyon, ideya, damdamin o kombinasyon ng mga iyo
14. 14. Elemento ng Pagsulat 1. Paksa 2. Layunin 3. Pgsasawika ng Ideya 4. Mambabasa
15. 15. Proseso ng Pagsulat (Editing) Pag-eedit (Prewriting) Bago Sumulat (Drafting) Pagsulat
ng Burador (Final Document) Paglalathala (Revising) Pagrerebisa
16. 16. TEKSTONG EKSPOSITORI: Mga katangian at bahagi
17. 17. Ang tekstong ito ay may layuning magpaliwanag at mglahad ng mga impormasyon at
ideya.
18. 18. Ayon kay Rubin (1995), sinasaklaw ng pagpapahayag na ito ang malawak na bahagi ng
sinusulat at binabasa ng karaniwang tao. Hal.Pagsulat ng liham, pagbabasa ng dyaryo
19. 19. Katangian ng Tekstong Ekspositori 1. Obhetibo ang pagtalakay sa paksa 2. Sapat na
mga kaalaman na ilalahad 3. Malinaw ang pagkakahanay ng mga ideya 4. Analitiko ang
pagsusuri ng mga kaisipan at datos.
20. 20. Uri at Katangian 1. Pagbibigay katuturan 2. Pagiisa- isa 3. Pagsusunod- sunod 4.
Paghahambing at pagkokontras 5. Sanhi at bunga
21. 21. KATAWAN NG TEKSTO
22. 22. INTRODUKSYON GITNA O NILALAMAN WAKAS O KONGKLUSYON LAGOM
23. 23. Pinaka-mukha ng sulatin. Nagsisilbing pang- akit sa ma mbabasa INTRODUKSYON
24. 24. Pinaka-katawan ng sulatin. Ni lalaman din nito ang pinaka-kalul uwa ng teksto. GITNA O
NILALAMAN
25. 25. Ito ang pang-huling bahagi ng teksto . Ito ang nagsisilbing huling impresyon na
mananatili sa isipan ng mga mambabasa na maaaring maka-impluwensya sa pagba bago
ng kanyang pananaw ukol sa impormasyong natutunan. WAKAS O KONGKLUSYON
26. 26. Ang Hulwaran at Organisasyon ng Tekstong Ekspositori
27. 27. 1. Depinisyon 2. Pagkakasuno-sunod o order 3. Paghahambing o pagkokontra 4.
Problema at Solusyon 5. Sanhi at bunga 6. Pagiisa –isa o enumerasyon
28. 28. Sikwensyal
29. 29. kronolohikal - Pangyayari ayon sa tamang panahon at oras
30. 30. Prosidyunal
31. 31. EBALWASYON

Ang Kahulugan, Katangian, at Layunin ng


Akademikong Pagsulat
Ang akademikong pagsulat ay isang masinop at sistematikong pagsulat
ukol sa isang karanasang panlipunan. May katangiang itong pormal,
obhetibo, may paninindigan, may pananagutan, at may kalinawan.
Published
 2 years ago
on
 February 20, 2020
By
 Elcomblus Contributor 
Table of Contents
 KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
o 1. Pormal
o 2. Obhetibo
o 3. May Paninindigan
o 4. May Pananagutan
o 5. May Kalinawan
 LAYUNIN SA PAGSASANAY SA AKADEMIKONG PAGSULAT
Isa sa pinakamahahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol
sa akademikong pagsulat. Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang
karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa
ikatataguyod ng lipunan.
Ang akademikong pagsulat  ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan
kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong
pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang.
Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng
mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong isang paksa na may
magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap, talata, at seksiyon
upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang
estruktura ng isang akademikong sulatin ay may simula na karaniwang nilalaman ng
introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng resolusyon,
kongklusyon, at rekomendasyon. Ilan sa mga halimbawa ng akademikong teksto
ang abstrak, bionote, talumpati, panukalang proyekto, replektibong
sanaysay, sintesis, lakbay-sanaysay, synopsis, at iba pa.
Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang
indibidwal (Arrogante et al. 2007). Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng
manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang datos, mag-organisa ng mga
ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad ng gawa, at
may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis. Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko,
gumagamit ng piling-piling salita at isinasaalang-alang ang target na mambabasa. Mahigpit din
sa paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa
pagbibigay ng kaalaman.

KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


1. Pormal
Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o
balbal na pananalita. Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng
isang pag-aaral.

2. Obhetibo
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-
aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang
impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa (Alejo et
al., 2005).

3. May Paninindigan
Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay
pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan,
ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang
kahalagahan ng pag-aaral. Mahalaga rin ang paninindigan dahil ang mismong daloy ng mga
pangungusap, pangangatwiran, at layunin ay depende sa isinasaad ng paninindigan ng
manunulat.

4. May Pananagutan
Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon.
Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang
kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas.
5. May Kalinawan
Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat
na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa
pagsulat ay direktibo at sistematiko.

LAYUNIN SA PAGSASANAY SA AKADEMIKONG


PAGSULAT
1. Makapagsasagawa ng wastong pangangalap ng mga
imporamasyon at malikhaing pagsasagawa ng ulat.
Ang wastong pangangalap ng mga impormasyon at datos ay nangangailangan ng kasanayan sa
pagbabasa at pagsuri ng iba’t ibang sanggunian katulad ng diksiyonaryo, encyclopedia, annual
journals, almanac, atlas, magasin, academic journals, mga libro, pahayagan, at tesis at
disertasyon. Mahalaga ang paggamit ng mga ito sa matagumpay na pangangalap ng
impormasyon. Dapat ding matutuhan ang wastong pagbuo ng bibliyograpiya o listahan ng mga
ginamit na aklat at pagbanggit sa mga paglalahad ng impormasyon mula sa mga taong
kinauukulan upang maiwasan ang direktang pangongopya ng mga impormasyon o plagiarism. Sa
pagkatuto ng wastong pangangalap ng impormasyon at pagbuo ng bibliyograpiya, kinakailangan
din na malikhaing maipakita ang ulat na binuo upang maging nakapanghihikayat ang pagbasa ng
pag-aaral o sulatin.
2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng
iba’t ibang uri ng teksto na magagamit sa mga gawain ng
akademikong pagsulat.
Ang mag-aaral ay nararapat na nagtataglay ng tatlong antas ng pag-unawa sa pagbasa. Una, ang
pagkakaroon ng literal na pagpapakahulugan kung saan ang mambabasa ay nakauunawa ng
mga salita ng wikang ginamit. Pangalawa, pagbasa nang may pag-unawa. Ang mag-aaral ay
nakapagbibigay ng pagpapakahulugan gamit ang paghihinuha at komprehensiyon sa
ipinapahayag na mensahe ng awtor. Pangatlo, pagbasa nang may aplikasyon. Matapos ang
pagbasa, dapat ay naisasagawa sa isang pagkilos ang mensahe ng teksto na maaaring pasulat o
pag-uulat.
3. Natatalakay ang mga paksa ng naisasagawang pag-aaral ayon
sa pananaw ng may-akda kasabay ang pag-unawa ng mag-aaral
bilang mambabasa.
Ang mag-aaral ay inaasahang marunong magsuri ng ibang akda na makatutulong sa
kanyang pag-aaral—kritikal sa pag-iisip, obhetibo sa pagtalakay sa paksa, organisado ang mga
ideya at kaisipan, nakatutukoy ng sanhi at bunga, nakapaghahambing, nakabubuo ng konsepto, at
nakalulutas ng suliranin para sa ikabubuti ng kanyang sulatin.
4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa
tinalakay na pagksa nga mga naisagawang pag-aaral.
Ang pamanahong papel ay output ng mga mag-aaral bilang pagtupad sa pangangailangan ng
kanilang kurso. Bilang isang kritikal at mapanuring mag-aaral, kailangang makapagsagawa ng
pagsusuri sa mga naisagawa nang pag-aaral upang maging batayan ang mga ito sa pagbuo ng
sariling konsepto na magiging daan sa pagpapalawak ng pagsasanay at pagbuo ng sariling papel
pananaliksik.
5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng
iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin.
Inaasahang mapahuhusay pa ang kasanayan ng mag-aaral upang makasusulat ng iba’t ibang
sulatin sa larangan ng akademikong pagsulat.
6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na
lumilinang sa pagiging inobatibo ng mag-aaral sa pagkakaroon ng
mataas na pagkilala sa edukasyon.
Mahalagang katangian na dapat ding taglayin ng mag-aaral sa pagsulat ang pagkakaroon ng
mataas na pagkilala sa edukasyon bilang isang paraan ng pagpapabuti sa kondisyon ng tao
at lipunan. Sa ganito, lalabas at malilinang ang pagiging inobatibo ng mag-aaral sa kanyang
pagsulat tulad ng pagiging malikhain para sa kanyang mambabasa.
7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa
pamamagitan ng paggawa ng portfolio.
Ang portfolio ay kalipunan ng mga sulating naisulat para sa pangangailangan ng kursong
Akademikong Pagsulat. Ang kalagayan, ayos, at dating nito ay sumasalamin sa pagpapahalaga
ng mag-aaral sa kanyang sarili. 
RELATED TOPICS:AKADEMIKONG PAGSULATKAHULUGAN NG AKADEMIKONG PAGSULATKATANGIAN NG
AKADEMIKONG PAGSULATLAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

UP NEXT
Ang Proseso ng Pagsulat
ADVERTISEMENT

PAGBASA SA FILIPINO SA PILING LARANGAN: AKADEMIK

Kalikasan ng Akademikong Sulatin


Batayan o kalikasan ng akademikong sulatin ang paraan upang ito ay
maisulat. Ang paraan ng pagsulat ay umiikot sa batayang diskurso na
maaaring magsalaysay, maglarawan, maglahad, at mangatuwiran. Ang
apat na pangunahing akademikong diskursong ito kadalasan ay may
pinagbabagayang disiplina o larangan ng akademikong sulatin.

Published
 9 months ago
on
 January 3, 2021
By
 Elcomblus Contributor 
Likas o taglay ng akademikong sulatin ang maglaman ng samu’t saring kaalaman. Marapat na
ang makilalang kaalaman sa akademikong sulatin ay bago at mahalaga. Bago ang kaalaman kung
ang nilalaman ng pangungusap at ideya ay impormasyong magbibigay ng malawak na kabatiran
at mahalaga sapagkat ang impormasyong ipinababatid ay mapakikinabangan para sa pansarili,
pampamilya, panlipunan, at pambansang kapakinabangan. Bagama’t may posibilidad na ang
mga impormasyon ay dati nang alam ng makababasa ng akademikong sulatin, mahalagang may
dagdag itong paliwanag upang ikonteksto sa target na babasa at panahon upang tuwirang maging
makabuluhan ito. Samakatuwid, upang maging bago at mahalaga ang anumang hatid na
kaalaman ng akademikong sulatin, likas na kasanayan sa pagbasa at pananaliksik ang dapat
maging sandigan.

Batayan o kalikasan ng akademikong sulatin ang paraan upang ito ay maisulat. Ang paraan ng
pagsulat ay umiikot sa batayang diskurso na maaaring magsalaysay, maglarawan, maglahad, at
mangatuwiran. Ang apat na pangunahing akademikong diskursong ito kadalasan ay may
pinagbabagayang disiplina o larangan ng akademikong sulatin. Ngunit, dapat tandaan na nasa
kakayahan pa rin ng manunulat na gamitin ang anumang paraan upang ipahayag ang kaugnay ng
kaalaman. Ang paraan ng pagsulat ang magiging matibay na gabay upang ipahayag ang
kaalamang nais iparating ng akademikong sulatin.
Narito ang ilang gabay bilang hulwaran kung paano ang angkop na paraan ng akademikong
sulatin.

 Pagpapaliwanag o Depinisyon
 Pagtatala o Enumerasyon
 Pagsusunod-sunod
 Paghahambing at Pagkokontrast
 Sanhi at Bunga
 Suliranin at Solusyon
 Pag-uuri-uri o Kategorisasyon
 Pagpapahayag ng Saloobin, Opinyon, at Suhestiyon
 Paghihinuha
 Pagbuo ng Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon
Anumang paraan ng pagsulat ng akademikong sulatin, mahalagang mabigyan ito ng angkop na
pagsusuri batay sa pinagbatayang datos at sanggunian at sa huli ay makita ang pananaw ng
manunulat bilang hatid na ambag. Kaakibat ng akademikong sulatin ang magpahayag ng ibang
uri ng pang-unawa. Esensiyal ang gampanin ng pag-unawa na natatamo sa pagbuo ng
akademikong sulatin. Salamin ng kakayahang umunawa ang anumang ipinapahayag sa isinulat.
Upang masuri at maiwasto ang pag-unawa, mahalagang isaalang-alang ang hindi nagmamaliw na
pang-unawa o enduring understanding (Wiggins at McTighe, 1998) na sukatan nang
pangmatagalang pagkatuto ng isang m.anunulat sa paksa at konseptong pinag-aaralan. Ang mga
hindi nagmamaliw o panghabambuhay na kaalaman ay nailalapat ng manunulat sa pang-araw-
araw na pamumuhay. Kung pagtutuunan ng pansin ang kakayahang umunawa ng mga, mag-aaral
sa proseso ng pagsulat at pag-aaral, malalampasan nito ang mga nakasanayang tradisyonal na
pagpapasaulo ng mga konsepto. Magiging daan ito sa tunay na reporma ng paaralan at sistema
ng edukasyon, at higit sa lahat malilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa mas malalim na
pag-unawang konseptuwal. Ngunit, upang maisakatuparan ang layuning urnunawa ng mga mag-
aaral, mahalagang taglayin ng isang manunulat ang paglalaan ng oras at panahon na mapag-
isipan ang mga hinihinging pagbabago laban sa nakasanayang makalumang kaalarnan at paraan
at mapag-aralang mabuti ang planong gagawin sa pagsulat. Mahalagang benepisyo sa pagsusuri,
pagwawasto, at pagtataya ng pag-unawa ang mahusay na pagpaplano, pagtatangka, at pagtataya
ng nais na buuing akademikong sulatin. Ang manunulat na gumagawa ng ganitong pamamaraan
ay naghahanap ng iba’t ibang kasagutan na tukuyin, suriin, at tayahin ang pag-unawa.

Dapat tandaan ng isang manunulat na ang pag-unawa ay hindi simpleng pagtugon sa mga
katanungang naghahanap ng kasagutan. Marapat na ang kasagutan ay magmula sa:
Aspekto ng Pag-unawa
Kalikasan ng akademikong sulatin na magpahayag ng kaalaman batay sa angkop na paraan na
nakaugat sa kakayahang umunawa ng manunulat upang ipaunawa ang kaniyang naisip at
naranasan.

Katangian ng Akademikong Sulatin


Hindi na maaaring alisin ang pagiging sining at agham ng akademikong sulatin. Taglay na
katangian ng isang akademikong sulatin ang pagiging malikhain ng isang man,unulat sa
pagsasalansan ng mga konsepto na umiikot sa paksa. Binabagayan niya ito ng angkop na paraan
na dumaraan sa tumpak at makatotohanang p.araan.

Ano-ano ang katangian ng isang akademikong sulatin? Ito ay:

 makatao, sapagkat naglalaman ang akademikong sulatin ng mga makabuluhang


impormasyon na dapat mabatid para sa kapakinabangan ng mamamayan.
 makabayan, sapagkat ang kapakinabangang hatid ng akademikong sulatin ay
magtutulay sa kaunlaran ng mamamayan upang maging produktibong kasapi ng
pamayanan at bansa.
 demokratiko, sapagkat ang akademikong sulatin ay walang kinikilingan o
kinatatakutan dahil ang hangarin ay magpahayag ng katotohanan.
Iba pang katangian ng isang akademikong sulatin na dapat isaalang-alang:

 may malinaw na paglalahad ng katotohanan at opinyon sa mga sulatin


 pantay ang paglalahad ng mga ideya
 may paggalang sa magkakaibang pananaw
 organisado
 may mahigpit na pokus
 gumagamit ng sapat na katibayan
RELATED TOPICS:KALIKASAN NG AKADEMIKONG SULATIN

DON'T MISS
Mga Katangian ng Akademikong Sulatin
ADVERTISEMENT

PAGBASA SA FILIPINO SA PILING LARANGAN: AKADEMIK

Mga Katangian ng Akademikong Sulatin


Ang akademikong sulatin ay nagtataglay ng iba’t ibang katangian. Ito ay
ang pagkakaroon ng komprehensibong paksa, angkop na layunin, gabay
na balangkas, halaga ng datos, epektibong pagsusuri, at tugon ng
kongklusyon.

Published
 9 months ago
on
 December 31, 2020
By
 Elcomblus Contributor 
Table of Contents
 1. Komprehensibong Paksa
 2. Angkop na Layunin
 3. Gabay na Balangkas
 4. Halaga ng Datos
 5. Epektibong Pagsusuri
 6. Tugon ng Konklusyon
Hindi maaaring paghiwalayin ang pagsulat at kognisyon. Ang isip ang pinagmumulan ng proseso
ng kognisyon. Samakatuwid, magkatambal ang pagsulat at pag-iisip. Nakapaloob sa pag-iisip
ang kalipunan ng rnga kaalaman buhat sa biyolohikal at kaalamang idinulot ng karanasan.
Taglay rin ng lawak ng pag-iisip ang imahinasyon na pangunahing sangkap sa pagpapalawak ng
isang uri ng sulatin. Pinabibisa pa ito ng tamang gamit ng salita, kataga, ekspresyon, at kalipunan
ng mga pangungusap na binuo ng kaisipan ng isang tao. Isang uri ng pagsulat ang akademikong
sulatin. Ito ay makikilala sa layunin, gamit, katangian, at anyo nito. Taglay ng akademikong
sulatin ang mataas na gamit ng isip upang maipahayag ang ideya bilang batayan ng karunungan.
Tulad ng iba pang uri ng pagsulat, ang akadernikong sulatin ay nagtataglay ng tiyak na hakbang
o proseso. Sa paraan ng paggawa ng isang akademikong sulatin, makikita ang taglay nitong mga
katangian. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Komprehensibong Paksa
Batay ito sa interes ng manunulat. Kung ang pagsulat naman ay itinakdang ipagawa, madalas
nakabatay ang paksa sa isyung napapanahon na may kaugnayan sa mga usaping panlipunan
batay sa aspektong pangkabuhayan, pampolitika, pangkultura, at iba pa. Mahalaga ang gampanin
ng paksa sa kabuuan ng akademikong sulatin. Sa paksa mag-uumpisa ang pagpaplano upang
maisakatuparan ang makabuluhang akademikong sulatin.

2. Angkop na Layunin
Ang layunin ang magtatakda ng dahilan kung bakit nais makabuo ng akademikong sulatin.
Nakapaloob sa layunin ang mithiin ng manunulat kung nais na magpahayag ng iba’t ibang
impormasyon kaugnay ng, katotohanan, manghikayat na paniwalaan ang argumentong
inilalahad, suportahan o pasubalian ang mga dati nang impormasyon, at iba pang layuning
nakaugat sa dahilan ng pagbuo ng akademikong sulatin.

3. Gabay na Balangkas
Magsisilbing gabay ang balangkas sa akademikong sulatin. Gabay ito upang organisahin ang
ideya ng sulatin. May tatlong uri ng balangkas: balangkas na paksa, balangkas na pangungusap,
at balangkas na talata. Sa tulong ng pagbabalangkas, napadadali ng manunulat ang kaniyang
pagsulat ng sulatin. Kadalasan ang balangkas din ang nagiging burador ng anumang sulatin. Ang
paunang balangkas ang magiging batayan sa pagrerebisa ng pinal na sulatin.

4. Halaga ng Datos
Nakasalalay ang tagumpay ng akademikong sulatin sa datos. Maituturing na pinakamahalagang
yunit ng pananaliksik ang datos ng anumang akda. Kung walang datos, walang isusulat, susuriin,
o sasaliksikin. Nahahati sa dalawa ang pinagkukunan ng datos: primarya o pangunahing
sanggunian at sekondaryang sanggunian. Nakapaloob sa pangunahing sanggunian ang mga
orihinal na dokumento na naglalaman ng mahahalagang impormasyon ukol sa paksa. Sa
sekondaryang sanggunian, makikita ang sariling interpretasyon batay sa pangunahing
impormasyon.

Primaryang Sanggunian Sekondaryang Sanggunian


– talaarawan reaksiyon sa isang:
– pakikipanayam – aklat
– liham – palabas
– orihinal na gawang sining – manuskrito
– orihinal na Iarawan – pahayag ng isang tao
– orihinal na pananaliksik – buod ng anumang akda
Primaryang Sanggunian Sekondaryang Sanggunian
– mga isinuiat na panitikan
Lubhang hindi matatawaran ang ambag ng datos sa akademikong sulatin. Pinatatatag nito ang
paksa, layunin, at kabuuan ng sulatin upang maging katanggap-tanggap na kuhanan ng batayang
ka.alaman. Makatutulong ang datos upang maging sanggunian ng anumang sulatin.

5. Epektibong Pagsusuri
Bahagi rin ng isang komprehensibong akademikong sulatin ang pagsusuri. Upang maging
epektibo, lohikal ang dapat na gawing pagsusuri. Hindi makahihikayat ng mambabasa ang isang
akademikong sulatin kung ang nilalaman nito ay. nakabatay lamang sa pansariling pananaw ng
sumusulat. Kailangang lagpasan ang opinyon at mapalutang ang katotohanan. Ang pagsusuri ay
nakabatay sa ugat o sanhi ng suliranin at nagpapakita ng angkop na bunga kaugnay ng
implikasyon nito sa iniikutang paksa. Marapat lagpasan ng epektibong pagsusuri ang mga tsismis
o sabi-sabi. Ang paraan ng pagsusuri ng isang manunulat ang sukatan ng lalim ng kaniyang
ginawang obra o akademikong sulatin.

6. Tugon ng Konklusyon
Taglay ng konklusyon ang pangkalahatang paliwanag sa nais na maipahayag ng akademikong
sulatin. Makikita sa konklusyon ang kasagutan sa mga itinampok na katanungan sa isinulat na
pag-aaral. Kadalasang nasa anyong pabuod ang konklusyon na binuo batay sa natuklasang
kaalaman. Mula sa konklusyon, huhugot ng payo o rekomendasyon tungo sa bago o
pagpapatuloy ng isinagawang pag-aaral o akademikong sulatin. 

Likas sa pagsusulat ang paggamit ng isip, damdamin, at kilos. Ang ugnayan ng ideya,
nararamdaman o saloobin, at tiyak na kilos ang batayan ng isang komprehensibo at epektibong
pagsulat. Nakasalalay sa ugnayan ng isip, damdamin, at kilos ang nilalamang dapat maipahayag
sa anumang isusulat na akademikong sulatin. Ito ang batayang sandigan ng manunulat. Sa
pamamagitan nito mas nagiging malawak, malalim, at matibay ang anumang impormasyon
upang makapaglahad, makapagsalaysay, makapaglarawan, makapangatuwiran, at
ma.kapanghikayat.

Dahil sa pangkalahatang paliwanag na taglay ng konklusyon, may mga ilang paalala na dapat
tandaan para sa susulat:

1. Huwag magpasok ng bagong materyal. Ang konklusyon ay iyong lugar upang


tapusin ang iyong sulatin, hindi magtapon ng karagdagang puntos na hindi mo
nagawa sa katawan ng mga talata. Ibang usapin ang magbigay ng tuntuning
panlahat o ilagay ang iyong argumento sa mas malawak na kontekstong
akademiko, kumpara sa magpakilala ng panibagong ideya na wala ka nang
paglalagyan ng puwang.
2. Huwag pahinain ang iyong paninindigan sa paghingi ng tawad sa isang bagay
na pinaliwanag mo na. Kung sinunod ng iyong sulatin ang lahat ng kurnbensiyon
ng akademikong pagsulat — kung nakalikha ka ng tesis at nakapagbigay ng
ebidensiya upang patunayan ang iyong posisyon — nasagot mo na ang inaasahan
ng iyong mambabasa.
3. Huwag magtapos sa “cliffhanger”, na iniiwang bitin ang mga mambabasa.
Tandaan, na ang tanging layunin ng iyong sulatin ay magbigay ng katibayan para
sa iyong tesis kung kayat ang konklusyon mo ay naglalayon na masagot ang lahat
ng mga katanungan ng mambabasa. Kung ang iyong sulatin ay kulang pa sa
impormasyon, o nangakong malutas ang isang paksa ngunit hindi naman nagawa,
hindi ito makatutulong sa iyong argumento.

You might also like