(Fla 3) Estandardisasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ESTANDARDISASYON

REAKSYON:

Sa pag-uulat, ang estandardisasyon ay isa sa mga hakbang upang mapaunlad at


mapalawak ang ating wika. Ayon sa pag-uulat ni Bb. Jasmine, ang estandardisasyon ay isang
pamamaraan o proseso kung paano maaaring tanggapin at gamitin ng nakararaming taong
gumagamit ng wika ang isang tiyak na talaan ng mga talasalitaan o bokabularyo sa isang tiyak
na disiplina ng karunungan. At ito ay dinagdagan ng aming guro na kapag estandardisado ang
isang wika, nagkakaroon ng gabay at tuntunin sa paggamit ng wika. Tapos, dinagdagan ni Bb.
Hillary na may kahalagahan ang estandardisasyon ng wika at ito ay (1) upang maiiwasan ang
kaguluhan sa paggamit ng mga salita o katawagan sa alin pa mang disiplina ng karunungan at
(2) para ang Filipino ay higit na uunlad at maitataas ang antas nito bilang wika. Dahil sa
pagpapakahulugan na ito sa pag-uulat, mas naintindihan ko kung ano ang estandardisasyon at
gaano ito kahalaga sa ating Wikang Filipino.

Sa aking pagkakaintindi, ang estandardisasyon ay napakahalga na proseso sa


pagpapaunlad ng wika dahil kung estandardisado na ang wika ay magkakaroon ito ng
pamantayan, tuntunin at mga gabay. Dahil dito, nabubuo ang pagkakaisa ng isang lipunan na
sumasalamin sa pagiging kilanlan ng isang bansa at ng komunidad na kung saan naniniraan
ang isang tagapagsalita. Mahalaga rin ang estandardisasyon dahil nagkakaroon ng pormalidad
ang isang wika na kung saan nagkakaroon ang wika ng mga tuntunin at gabay sa paggamit
nito at ito ang magiging tulay upang maging ganap na isa ang konsepto at pang-unawa sa
wikang ginagamit.

You might also like