Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mahal Ko O Mahal Ako

Ni Raquel H. Paran
BASED ON MY TRUE STORY

Ako nga pala si Shira Marie Elvera. Ako ay Labing Anim na taong gulang at
nasa 3rd year high school na. Ako ngayon ay nakatira sa Purok 6 Valencia City
Bukidnon. Ito ang akong kwentong “ Mahal ko O Mahal Ako”
Pasukan na ulit kaya medio excited ako kasi makikita ko na naman mga
kaklase ko na halos dalawang buwan kung di Nakita. (FF) Na sa loob na ako ng
room kung saan naka lista ang pangalan ko, at mamaya ay nagsimula na ring mag
salita yung adviser namin. Habang nag oorient yung guro namin napasilip ako
saglit sa may pinto at nakita ko ang isang lalaki na studyante sa katabi naming
room na talagang pamilyar sakin. Kaya napaisip ako. “ Diba yun yung lalaking
nakasama ko sa pag tatanim ng tubo kina te Meme? Nag-aaral din pala sya? Ehh
parang may edad na yun para sa isang Grade-9? Ano nga ulit pangalan nun? Ahh
naalala ko na Kevin! tamaAhh! basta mula nganyon ay susubaybayan ko sya”.
Hindi ko alam kung bakit pero medyo kinabahan ako ng mga oras na yun at hindi
ako mapakali mula nung nakita ko sya. Dahil na nga sa curiosity ko, pagkatapos ng
pag katapos ng orientation namin agad akong lumabas para tignan siya. Nakita ko
naman sya agad na nag wawalis kaya kinausap ko sya. “Nag-aaral ka pala?”
Tanong ko sa kanya. “Oo” tipid niyang sagot. “Ang Bait ha” panunukso ko sa
kanya. “Hindi na man masyado, napag-utusan lang (sabay ngiti)” sagot nya ulit
sakin. Pero nung time na yun napangiti rin ako, di ko alam parang iba yung
naramdaman ko nang mga oras na yun. Parang kinilig ako nung ngumiti siya. Mula
noon ay lage ko na s’yang nakakausap at nakikita kapag break time.
Si kevin ay dalawampung taong gulang na, hindi sya nakakapag- aral ng
tuloy-tuloy dahil hindi siya sinusuportaan ng magulang niya sa kanyang mga
pangangailan. Kahit ganun ay matalino parin siya at talented. May itsyura at
malakas din ang sex appeal. Hindi sya mahirap kausapin dahil may pagkamadaldal
rin sya at palakaibigan. Habang tumatagal ay mas lalo ko pa s’yang nakikila. At
habang tumatagal ay unti-unti rin palang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Noong
napagtanto ko na may gusto ako sakanya, talagang nag sumikap ako na makuha
ang mga attensyon niya. Kapag nakikita ko s’yang naglalaro ng volleyball sumasali
ako. Napakakalma ko pa habang naglalaro pero kapag nasa loob na ako na room
halos mabiyak na ang sahig namin sa kakatalon ko sa tuwa. Ikaw ba naman
makasama mo Crush mo sa paglaro di ka ma babaliw sa tuwa? Minsan na rin
akong nag sulat ng isang letter, sinulat ko roon kung paano ko sya nakilala at kung
paano ako nahulog sa kanya. Nung mga panahon na yun wala na akong ibang
inisip kundi ang ma pansin niya. Hindi ko lubos maiisip na hahantong ako sa ganun
(kapal na talaga ng mukha ko).
Isang araw, habang nag eeFB ako. May nakita akong isang challenge kung
saan kailangan magpapicture sa crush at epost sa facebook na may caption na
“#challengeAccepted #selfieWithCrush” dahil nga hahamakin ang lahat para
mapansin lang ay ginawa ko talaga. Kinabukasan, break time na nilapitan ko sya
kaagad(kapal talaga kahit umamin nako na crush ko sya ang high parin ng self-
confidence ko hahaha). “Pwede makipagselfie” tanong ko sa kanya habang
pinipigilan ang sariling magwala. “para san?” sagot niyang patanong. “para sa
isang challenge sana picture with crush daw” sagot ko na para na talagang
sasabog ang puso ko sa kaba. “sige ba! Mamaya pagkatapos nating mag lunch
(sabay ngiti)” sagot niya sakin. Tumango na ako at umalis dahil hindi ko na talaga
mapigilang mag wala. Para akong isang ice cream na natunaw nung makita ko
yung mga ngiti niya. Imagine pumayag s’ya parang gusto mo na lang e tanong
kung pwede ba s’yang jowain agad. (hahahahaahah FF) Oras na, nanginginig
kamay ko habang inaabot sa kanya ang cp. Nag selfie kami na para bang normal
lang ang lahat, na para bang hindi ako kinikilig pero deep inside gusto ko na syang
yakapin nang mahigpit. Akala ko ako lang ang mag kakaroon ng ganoon na
experience sa kanya, akala ko lang pala yun. Hanggang kinabukasan pagkadating
ko sa tapat ng room. Nakita ko syang pinag-aagawan ng mga studyante dahil
gusto rin mag papicture sa kanya. Na lugmok ako bigla, parang gusto kong ma
iyak. Gusto ko syang ipagdamot sa iba, pero tulad ng ibang babae sa school ay
wala rin akong Karapatan sa kanya. Akala ko hanggang doon lang yung
mararamdaman kung sakit pero sa bawat araw na lumipas ay mas lalong
dumadami ang mga babae na nagkakandarapa sa kanya. Hanggang sa napa isip na
lang ako “magugustohan rin niya kaya ako? Parang d na ang daming babae nag
kakagusto sa kanya magaganda pa. Mas Mabuti pa siguro kung tigilan ko na tong
mga pinaggagaw ko, hindi na sya makakagusto sakin kahit ano pang mangyari”.
Kaya mula noon ay pinipilit ko nang binubbura yung nararamdaman ko sa kanya,
kaso may mga panahon talaga na bumabalik-balik yung kilig na nararamdan ko sa
tuwing nginingitian niya ako. Nagpatuloy ang mga araw na pilit kung pinipigal ang
sarili ko sap ag kahumaling sa kanya. (FF)
Pista sa aming Parokya, naatasan kami kasama ng mga kasamahan ko sa
simbahan na mag serve ng pagkain.(FF) Meron akong nakilalang isang lalake. Siya
si Erven ang malapit na kaibigan ni Kevin(ang crush ko). Tapos na kaming mag
serve kaya papauwi na kami, pero bago kami umuwi kinausap niya ako. “alam ko
na, dahil may activity tayo sa youth doon ko gagawain yung plano” wika ni Erven s
akin. “Anong plano?” tanong ko sa kanya. “gagawa ako nang laro, hanapan ng
kaparis sa heart. Tapos yung isang paris ng heart itatago ko para sa inyong
dalawa”. Wika niya uli sakin. Gusto ko yung plano niya pero dahil nga sa
nanawalan na akong ng pag-asa kaya hindi ko na lang masyadong sineryoso yung
plano niya. (ff) pagkagabihan nagkasama kami ulit, pero ng mga oras na yun
nandoon din si Kevin. Nakay Kevin lang talaga ang mga mata ko. Yung mga oras
din yun ay kinukulit din ako ni Erven pero hindi ko na sya masyadong napansin
kasi kinukulit ko rin crush ko. Natapos na ang mga paligsahan kaya nagsiuwian na
kami. Marami kaming nag lalakad pauwi is ana dun si Kevin at Erven, pero si Kevin
mas una syang nag kasama iba naming kasama, habang si Erven nag dahan-dahan
sa paglakad hanggang sa nag kasabay kami. Ang ginawa nami nag usap kami ni
Erven hanggang sa makarating kami sa mga distinasyon naming. Ewan ko ba, ang
gaan ng pakiramdam ko kai Erven. Mahinhin sya magsalita pero medyo may
pagkamadaldal rin.(Ff) Nakuha ni Erven ang Cp # kaya nagging Txtmate ko rin sya.
Araw-araw syang nag tetext sa akin. Kahit ganun ay di parin ma wala wala sa isip
ko si Kevin. Isang araw walang text na dumating galing kay Erven, nag taka ako “
siguro walang load yun? Di bali nan ga”. Nag daan ang isang lingo bago sya nag
paramdam uli sa akin. “sorry ha ngayon lang ako naka pag text ulit Nawala kasi
yung cp ko may naka pulot buti na lang sinuli” text ni Erven sa akin. Pag ka kita ko
pa lang na message nya galling subrang natuwa ako, hindi alam kung bakit bxtah
subrang saya ko. Hanggang sa may sumunod na message. “pwede ba
mangligaw?” pag kabasa ko pa lang ay subrang lakas na ng tibok ng puso ko. Hindi
ko ma intindihan na para bang sinasabi ng puso ko na OO kahit yung isip ko nakay
Kevin parin. Hindi ko sya agad na replyan kasi parang nag loading yung braincells
ko. FF) inisip kung Mabuti bago ako nag desisyon. Alam kong wala akong pag -asa
kai Kevin kahit e buhis ko pang buhay ko. Kaya napagdesisyonan kung sagutin si
Erven dahil natutunan ko na rin syang mahalin at alam kung higit pa sap ag
mamahal ni Kevin ang kaya kung maiparamdam kai Erven.

You might also like