Informed Consent For The Interview

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

INFORMED CONSENT PARA SA INTERVIEW

Ako, si __________________________________________ (pangalan), _____________ (edad) taong gulang, ay


binibigyang pahintulot ang Humanitarian Legal Assistance Foundation, Inc. (HLAF) na
makapangalap ng impormasyon tungkol sa aking personal na data na nasa anyo ng video
footage/image o voice recording sa pamamagitan ng gagawing panayam o online
engagements, kasama na ang paggamit at pagbahagi sa mga ito, hangga’t naaayon sa mga
hangganan at kondisyon na nakasaad sa dokumentong ito.
Binibigyang pahintulot ko ang HLAF sa pamamagitan ng pagtugon gamit ang aking opisyal
na email account, messenger, at viber. Ang aktuwal na paglagda ng consent form na ito ay
gagawin ko sa pagkakataong pahihintulutan ng sitwasyon.

Sa paglagda sa dokumentong ito, pinatutunayan kong:


a) nabigyan ako ng maayos na oryentasyon at sapat na kaalaman tungkol sa layunin ng
panayam;
b) pumapayag akong gamitin ang mga impormasyon na ibabahagi ko para ilabas sa social
media at iba pang publikasyon na may kaugnayan sa HLAF;
c) kusang-loob akong pumayag at walang nangyayaring pamimilit para maisakatuparan
ang panayam;
d) binigyan ako ng karapatan upang hindi sagutin ang ibang katanungan kung hindi ako
komportableng sagutin ang mga ito;
e) pinayagan ko ang kumapanayam na magsulat habang nangyayari ang panayam o i-
record ito para sa mas malinaw na detalye ng mga impormasyong ibinahagi ko; at
f) sinagot ko ang lahat ng katanungan nang buong tapat.

Pangalan ng kinapanayam:

______________________________________________
(Lagda ng kinapanayam)

Pangalan ng kumapanayam:

______________________________________________
(Lagda ng kumpanayam)

Petsa: ______________________________

You might also like