APan Q1 - Week4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

7

Araling Panlipunan
QUARTER 1 – WEEK 4
MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA
MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA

Balikan

Malaki ang bahaging ginagampan ng mga katangiang pisikal ng Asya sa


pamumuhay ng mga Asyano dahil sa idinudulot nitong samu’t saring kapakinabangan.
Ang mga likas na yaman na matatagpuan sa Asya ay isa sa mga patunay ng
pagkakaroon ng interaksyon ng mga Asyano sa kanyang kapaligiran. Ang mga ito ang
nagbibigay kabuhayan sa bawat mamamayan na nagbubunsod sa kabihasnan upang
magpatuloy sa pag -unlad sa kasalukuyan .

Hilagang Asya
GAWAIN 1

Kanlurang Asya Silangang Asya


Magbigay ng
maikling
paglalarawan sa
pisikal na
katangian ng
bawat rehiyon sa
Asya.

Timog Asya Timog-Silangang Asya

Tuklasin

GAWAIN 2: Ang mga sumusunod na larawan ay mga produkto/likas na yaman na


matatagpuan sa Asya. Tukuyin kung anong uri ng likas na yaman ang mga
ito, isulat sa kahon kung YAMANG GUBAT, YAMANG DAGAT, YAMANG LUPA
O YAMANG MINERAL.

1. 2. 3.

4. 5.

2
MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA

Mahalaga na matukoy at mailarawan mo ang mga likas na yaman ng Asya


upang mas maunawaan mo ang uri ng kabuhayan ng mga taong nakatira rito at kung
paano sila makiangkop at maki -ayon sa kanilang kapaligiran.

Suriin

Gawain 3: Suriin ang dayagram. Ano kaya ang nais ipahiwatig nito? Magtala
ng mga pakinabang ng bawat likas na yaman sa isang tao.
PAKINABANG
PAKINABANG:
:

PAKINABANG:
PAKINABANG:

Atin nang tuklasin ang iba’t ibang likas


na yaman na matatagpuan sa mga
rehiyon ng Asya!

May malawak na
damuhan na mainam
na pagpastulan ang
mga alagang hayop
ang HILAGANG ASYA.
Ang mga troso mula sa
Siberia ang tanging
. yamang gubat sa
rehiyong ito.

3
MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA

Tinatayang pinakamalaki sa
mundo ang deposito ng ginto sa
Sa yamang pangisdaan, Kyrgyzstan, samantala ang Tajikistan
produktong panluwas ng rehiyon ay may tatlong uri ng yamang
ng Siberia ay ang caviar (itlog) ng mineral; ang METALIKO tulad ng
mga sturgeon, isang malaking isda GINTO, PANGGATONG tulad ng
na likas sa rehiyon. NATURAL GAS at INDUSTRIYAL na
mineral tulad ng PHOSPHATE.
Pangunahing industriya ng
Turkmenistan ang natural gas,
pangalawa ang Russia sa
produksiyon nito at langis.
Samantala isa sa nangunguna sa
produksyon ng ginto sa buong
mundo ang Uzbekistan.

Sa mga lambak -ilog at mabababang burol ng mga bundok may


produksyon ng pagkaing butil na nakatuon sa pagtatanim ng trigo, palay at
barley gayundin ang bulak, gulay tabako, sugar beets, sibuyas,ubas at
mansanas. Sa pag -aalaga at pagpaparami ng mga hayop tulad ng baka
at tupa nagkakaroon ang mga tao ng lana, karne at gatas.

Ang KANLURANG ASYA ay


sagana sa yamang mineral
partikular na sa langis at petrolyo.
Pinakamalaking tagapagluwas ng
petrolyo sa buong daigdig ang
Saudi Arabia, at malaki rin ang
produksiyon ng langis ng mga
bansang Iran, Iraq, United Arab
Emirates (UAE), Kuwait at Oman.
Karamihan sa mga bansa ng
rehiyong ito ay may natural gas,
tanso, bauxite, potash, zinc,
magnesium, phosphate at iba pa.

DATES

Sa agrikultura, nagtatanim ang mga taga -Kanlurang Asya ng trigo at barley


sa mga oasis . Pangunahing produkto sa Iran ang trigo, barley, palay, bulak, mais,
tabako at mga prutas. Nangunguna ang Iraq sa produksiyon ng dates at dalandan
ang Israel. Paghahayupan ang karaniwang gawain ng mga naninirahan sa mga
lugar na bulubundukin at sa mga disyerto sa Iran, Iraq, Syria, Saudi Arabia at Turkey.

4
MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA

Pagsasaka ang pangunahing


ikinabubuhay ng mga tao sa mga bansa
sa TIMOG ASYA. Palay ang mahalagang
produkto rito bagama’t may mga
patanim din na trigo, jute, tubo at mga
gulay. Pinakamahalagang likas na
yaman sa India ay ang lupa lalo’t higit
ang kapatagan at lambak na
pinagyayaman ng mga ilog Indus,
Ganges, Brahmapu tra. Malaki rin ang
reserba ng bakal at karbon sa bansang
ito. Tanyag sa Afghanistan ang
pagtatanim ng opyo bagama’t ito ay
pinagbabawal ng pamahalaan. Ang
kagubatan sa Nepal ay matatagpuan sa
gulod ng bulubunduking Himalayas. Sa
mga baybaying dagat ng Pakistan ay
matatagpuan ang mga gubat bakawan.
Makapal at mayabong ang gubat sa
timog -kanluran ng Sri Lanka na hitik sa
puno ng mahogany at iba pang uri ng
palm. Sa dakong gitna ng pulong ito lalo
na sa matataas na lugar ay makikita ang
mga punog evergreen samantalang
hilaga at silangang bahagi nito ay naroon
OPYO ang mga punong ebony at satinwood.
Malaki ang kapakinabangan ng Indian
Ocean sa rehiyon dahil sa pagtustos nito
ng iba’t ibang yamang dagat. Sa ibang
bahagi ng rehiyon tulad ng Afghanistan
at Bangladesh ay paghahayupan.
Batong apog, bakal, karbon natural gas,
langis, asin at gypsium ay ilan sa
pangunahing yamang mineral ng
rehiyon.

Salat sa yamang mineral ang


Japan bagama’t nangunguna ito
sa industriyalisasyon. Nagtatanim
ito ng punong mulberry upang
maging pagkain ng mga silkworm
kanya nangunguna ito sa
industriya ng telang sutla .

SILKWORM MULBERRY TREE

5
MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA

Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay matatagpuan sa iba’t ibang anyo


nito. Ang China ay nangunguna sa produksiyon ng palay at ang iba pang
tinatanim ng mga mamamayan dito ay trigo, mais at oats. Mayaman din sa
deposito ng mineral ang Tibet(rehiyon sa China) at North Korea . May 7% karbon,
antimony, magnesium at tungsten ang bansang China. Ang ibang bansa sa
rehiyon nakatuon din sa paghahayupan, ang mga malalaking hayop ay
ginagamit sa paghahanapbuhay. Ang anyong tubig ay nililinang din para sa
kapakinabangan ng mga nakatria rito.

Sa Timog-Silangang Asya, nasa mga lupain ng


Myanmar at Brunei ang malawak na kagubatan.
Tinatayang 84% ng kagubatan sa Brunei ang nagsilbing
panirahan ng mga unggoy, ibon at reptiles . Sa
kagubatan ng Myanmar matatagpuan ang
pinakamaraming puno ng teak sa buong mundo.

Samantala sa Pilipinas pagdating sa


kagubatan sagana ito sa puno ng palm at
matitigas na kahoy gaya ng apitong, yakal,
lauan, kamagong, ipil, pulang narra, mayapis at
iba’t ibang species ng dapo. Isa rin ang bansa s a
nangunguna sa produksiyon ng langis ng niyog at
kopra . Ang pangunahing yamang mineral ng
bansa ay tanso.

Sa yamang mineral, malaki ang deposito ng langis at natural gas sa Indonesia


at ang mahigit 80% ng langis sa Timog -Silangang Asya ay nanggagaling sa bansang
ito, gayundin ang 35% ng liquefied gas sa buong daigdig. May liquefied gas, tin
bauxite, tanso, bakal, pilak at ginto ang bansang Malaysia.
Ang malalaking ilog ay pinagtatayuan ng dam ng il ang mga bansa sa rehiyon
at nilil inang para sa hydroelectric power na siya naming pinagkukunan ng kuryente.
Karaniwan naman inaalagaang hayop sa rehiyon ay ang kalabaw, baka,
baboy,manok at kambing. May iba’t ibang pananim din tulad ng mais, bulak,
tabako, kape, trigo, abaka at mga prut as.

6
MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA

AGRIKULTURA: Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang produktong
panluwas nito ay nagmumula sa pagsasaka. Kung malawak at mataba ang lupain,
mas matutugunan nito ang mga pangangailangan ng bansa at makapagluwas ng
mas maraming produkto. Sa pagl aki ng produksiyon, ang ilan ay gumagamit ng
mga makabagong makinarya. May ilang mga mamamayan na may maliit na
sakahan at nagbubukid para sa pansariling ikabubuhay lamang.

EKONOMIYA: Marami s a PANAHANAN: Sa


mga bansa sa Asya ay p atuloy na pagdami ng
papaunlad bunsod sa tao ay patuloy din ang
kasaganaan nito sa likas pagdami ng
na yaman. Ang mga ito nangangailangan ng
ay pinagkukuhanan ng ikabubuhay at
mga materyales na pananahanan nito. Ang
panustos sa kanilang dami ng populasyon sa
mga pagawaan. isang lugar ay
Maging ang maunlad nakabatay sa
na bansa ay dito katangian ng likas na
kumukuha ng mga yaman nito. Isang
hilaw na materyales katotohanan na ang
kung kaya’t halos populasyon ay lumalaki
nauubos ang likas na ngunit ang lup a ay
yaman. Ang mga likas hindi, kung kaya’t ang
na yaman ay iniluluwas ilan ay isinasagawa ang
kasabay nang land conversion, na
paggamit ng mga nagdudulot naman ng
tradisyonal at pagkasira ng tirahan ng
makabagong mga hayop.
teknolohiya upang Gumagamit ang tao ng
mapataas ang antas ng teknolohiya upang
pambansang kita nang baguhin ang
sa gayon ay mapabuti kakayahan ng lupa at
ang pamumuhay ng ng kanilang kapalig
mga mamamayan nito.

You might also like