Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

\

Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino:
Konseptong Pangwika (Barayti
ng Wika)
Module 2
Inihanda ni: Bb.Melanie O.
Navarro
TABLE OF CONTENTS
Paunang Salita ……………………………………………………………
Module 2……………………………………………………………….
Barayti ng wika………………………………………………………….
. ………………………………………………………...

Paunang Salita

Sa araling ito, iuugnay mo ang mga konseptong


pangwika sa iyong mga sitwasyong napanood sa
telebisyon. Aalamin mo rin ang kaugnayan ng mga
konseptong pangwika sa iyong sariling pananaw,
karanasan at kaalaman.
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay
malilinang sa iyo ang kasanayan na:
1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa
mga napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa
telebisyon. (F11PD-Ib-86)
2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa
sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan.
(F11PS-Ib-86)

Alam kong gusto mo nang simulan ang iyong pag-


aaral ngunit kailangan mo munang sagutan ang unang
gawain

2
MARY THE QUEEN COLLEGE OF QUEZON CITY
BASIC CALCULUS
MODULE NUMBER:2 (Barayti ng Wika)

Paunang Pagsubok

Basahin ang sumusunod na katanungan. Isulat sa patlang bago ang bilang ang tamang letra ng iyong
sagot.
`
_______1. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng bilingguwalismo?
A. Isang batang ipinanganak sa Pilipinas ngunit lumaki sa Amerika kaya Ingles ang sinasalitang wika.
B. Isang batang ipinanganak sa Pilipinas at lumaking ang sinasalitang wika ay Filipino.
C. Isang batang may lahing Pilipino at Tsino at pareho niyang nagagamit ang dalawang wika ng lahing
pinagmulan.
D. Isang batang may lahing Pilipino at Hapon ngunit ang sinasalitang wika ay Filipino lamang.

_______2. Ayon sa kaniya, ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na
makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa
pang wika maliban sa kaniyang unang wika.
A. Emmer at Donaghy C. Uriel Weinreich
B. John Macnamara D. Ducher at Tucker

_______3. Ano ang konsepto ng multilingguwalismo?


A. Ang isang indibidwal ay may kakayahang makapagsalita at makaunawa ng iisang wika lamang.
B. Ang isang indibidwal ay may kakayahang makapagsalita ng dalawang wika.
C. Ang isang indibidwal ay may kakayahang makapagsalita at makaunawa ng dalawa at higit pang wika.
D. Ang isang indibidwal ay may kakayahang makaunawa ng isang wika.

_______4. Ito ay ang pag-angkop ng isang nagsasalita ng uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at
sa kausap.
A. Rehistro C. Dayalek
B. Sosyolek D. Jargon

_______5. Ito ang tawag sa mga salita o wikang nabubuo ng mga grupong propesyunal o sosyal bunga
ng okupasyon, trabaho, o kaya ay gawain ng isang grupo.
A. Idyolek C. Sosyolek
B. Jargon D. Etnolek

Balik-Tanaw

Isulat ang salitang TAMA kung tama ang isinasaad ng sumusunod na pahayag sa ibaba at MALI
naman kung mali ang pahayag.
Isulat ang inyong sagot sa nakalaang patlang sa bago ang bilang.
______1. Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo.
______2. Ang Pilipinas ay multilingguwal at multikultural na bansa.
______3. Filipino ang itinawag sa ating Wikang Pambansa upang magkaroon ng kongkretong
sagisag ang modernisasyong pinagdaraan ng ating Wikang Pambansa.
______4. Pinag-aaralan na sa iba`t ibang bahagi ng mundo ang Filipino bilang programa at
asignatura.
______5. Sa kasalukuyan, ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at Tagalog.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang kahulugan ng mga konseptong pangwika at kung ano ang
kaugnayan nito sa iyong sarili.

3
MARY THE QUEEN COLLEGE OF QUEZON CITY
BASIC CALCULUS
Alam mo ba?
`
Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kapwa ay isang katangiang
unique o natatangi lamang sa tao. Ayon kay Chomsky (1965), ang pagkamalikhain ng wika ay makikita sa
kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang nilalang tulad ng mga hayop.

Ayon kay Leonard Bloomfield (1935), isang amerikanong lingguwista, bilingguwalismo ang tawag
sa paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ang kaniyang katutubong
wika. Ayon naman kay John Macnamara (1967), isa pa ring lingguwista, ang bilingguwal ay isang taong
may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig,
pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kaniyang unang wika.

Dahil sa napakaraming wika na umiiral sa ating bansa, ang Pilipinas ay maituturing na


multilingguwal. Ang multilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na
makapagsalita at makaunawa ng iba`t ibang wika. Ayon kay Cummins (1981), ipinakikita ng mga
pananaliksik na mas pleksibol at bukas sa pagbabago ang mga multilingguwal, gayundin, may mas
malalim na pag-unawa at paggalang sa iba`t ibang kultura at paniniwala.

Ang pagiging homogenous o heterogenous ng isang wika ay tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang


porma o istandard na anyo nito o kaya ay pagkakaroon ng iba`t ibang porma o barayti. Ang salitang
homogenous ay nagmula sa salitang Griyego na homogenes mula sa hom- na nangangahulugan ng uri o
klase at genos na nangangahulugang isang kaangkan o kalahi. May palagay ang ganitong pagtingin sa
wika na may nag-iisang tama at angkop na paraan lamang sa paggamit ng wika at may mga katangiang
matatagpuan sa ideyal na tagapagsalita nito. Ang heterogenous na wika ay ang pagkakaiba-iba ng uri at
katangian ng isang wika. Maaaring magkaroon ng magkakaibang porma at uri ang wikang Ingles batay sa
iba`t ibang grupo ng taong nagsasalita.

Mag-aral tayo ng Barayti at Rehistro ng Wika

Ang barayti ng wika ay isang pagkakaroon ng pagkakaiba depende sa estilo, punto at iba pang
salik pang wika na ginagamit ng isang lipunan.

Barayti ng Wika
Dayalek – ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng
lalawigan.
Halimbawa nito ay ang Tagalog, Cebuano, Ilonggo, Ilocano, at iba pa.

Idyolek – ay iba`t ibang accent ng mga tao. Ito ang dayalek na personal sa isang nagsasalita.
Isang halimbawa nito ay kung paano binibigkas ni Ginoong Noli De Castro ang salitang “Kabayan.”

Sosyolek – wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong
gumagamit ng wika.
Isang halimbawa nito ay ang Gay Lingo na sinasalita ng mga nasa ikatlong kasarian.

Jargon – ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain. Ang rehistro ng wika
ay ang pag-angkop ng isang nagsasalita ng uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
Halimbawa: “Ikaw bili tinda mura.”

Pidgin – tinatawag na nobody`s native language. Kapag ang dalawang taal ng tagapagsalita ng dalawang
magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong makeshift

Creole – ito ay isang wikang unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized).
Nagkakaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang kanilang
unang wika.
Halimbawa: Wikang Chavacano na hindi puro dahil naimpluwensyahan ito ng katutubong estruktura.

4
MARY THE QUEEN COLLEGE OF QUEZON CITY
BASIC CALCULUS
Mga Gawain
Gawain 1.1 Paglinang ng Talasalitaan:
Magbigay ng tatlong halimbawang salita sa bawat barayti at rehistro ng wika mula sa mga
napanood mong palabas sa telebisyon o pelikula. Gamitin sa pangungusap ang mga nakuhang salita.
1. Dayalek

2. Sosyolek

3. Creole

4. Pidgin

5. Idyolek

6. Jargon

Sagutin ang sumusunod na tanong:


Ipaliwanag ang sagot batay sa iyong pagkakaunawa sa naging aralin. (2 puntos bawat bilang)
1.Ibigay ang konsepto ng bilingguwalismo at bakit nagkaroon nito sa Pilipinas?
_______________________________________________________________________
2. Bakit mas naaangkop na gamitin ang Filipino kaysa sa mga rehiyunal o bernakular na wika ng bansa?
_______________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, maituturing ba na multilingguwal ang Pilipinas? Patunayan.
_______________________________________________________________________
4. Kailan dapat ginagamit ang konseptong bilingguwalismo at multilingguwalismo? Ipaliwanag ang iyong
kasagutan.
_______________________________________________________________________

5
MARY THE QUEEN COLLEGE OF QUEZON CITY
BASIC CALCULUS
Konseptong Pangwika at Barayti at Rehistro ng Wika

1.Ang bilingguwalismo at multilingguwalismo ay mga patakarang binuo at ipinatupad sa bansa sa


hangaring mapabuti ang kalagayan ng pag-aaral at pagkatuto ng mga Pilipino.

2. Sa dalawang patakarang ito, kinikilala ang papel ng wika sa pagpapalawak ng kaalaman at paglinang
ng kahusayan sa anumang larangan.

3. Binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagpili ng wikang gagamitin bilang midyum na panturo sa lahat
ng antas.

4. Ang Bilingguwalismo ay ang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo at pagsasalin ng kaalaman:


Filipino at Ingles.

5. Ang Multilingguwalismo ay ang paggamit ng higit pa sa dalawang wika sa pagtuturo at pagsasalin ng


kaalaman: katutubong wika, Filipino at Ingles.

6. Lubhang dinamiko ang wika kaya nagkakaroon ng iba`t ibang rehistro batay sa konteksto ng paggamit
nito at kung sino ang gumagamit nito.

7. Mahalagang matukoy ang iba`t ibang rehistro ng wika upang maging tiyak ang pag-unawa at
paghahatid ng mensahe sa iba`t ibang larang o disiplina.

Pag-alala sa mga Natutuhan


Isulat ang lahat ng iyong natutuhan mula sa aralin.

Sanaysay
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______
________________________________________________

6
MARY THE QUEEN COLLEGE OF QUEZON CITY
BASIC CALCULUS
ACTIVITY NO. ____
NAME: ADVISER:
GRADE AND SECTION: CONTACT NUMBER:

Piliin ang letra ng tamang sagot.


Isulat lamang ang letra sa linya bago ang bilang.
______1. Ito ay tinatawag na sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan.
A. Dayalek C. Sosyolek
B. Idyolek D. Creole

______2. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook.
A. Creole C. Sosyolek
B. Idyolek D. Dayalek

______3. Nagkakaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nagangkin dito bilang
kanilang unang wika.
A. Pidgin C. Jargon
B. Creole D. Idyolek

______4. Ito ang dayalek na personal sa isang ispiker.


A. Idyolek C. Dayalek
B. Sosyolek D. Pidgin

______5. Ito ang tinatawag na nobody`s native language.


A. Sosyolek C. Creole
B. Pidgin D. Dayalek

______6. Ito ang mga tanging salita o bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain.
A. Sosyolek C. Creole
B. Pidgin D. Jargon

Para sa bilang 7-10: Konseptong Pangwika

______7. Ito ang tawag sa paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito
ang kanyang katutubong wika.
A. monolingguwalismo C. bilingguwal
B. multilingguwalismo D. bilingguwalismo

______8. Ayon sa kaniya, ipinakikita ng mga pananaliksik na mas pleksibol at bukas sa pagbabago ang
mga multilingguwal, gayundin, may mas malalim na pag-unawa at paggalang sa iba`t ibang kultura at
paniniwala.
A. Chomsky C. Bloomfield
B. Cummins D. Macnamara

______9. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng iba`t


ibang wika.
A. multilingguwalismo C. bilingguwal
B. bilingguwalismo D. monolingguwalismo

______10. Ang ______________ na wika ay ang pagkakaiba-iba ng uri at katangian ng isang wika. A.
homogenous C. heterogenes
B. homogenes D. heterogenous

7
MARY THE QUEEN COLLEGE OF QUEZON CITY
BASIC CALCULUS

You might also like