WEEK 003 Sinstesis

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)

1
Sintesis

Sintesis

Mga Batayang Kasanayang Dapat na Matamo:


 Nailalahad ang kahulugan at kalikasan ng sintesis
 Nabibigay ang mga gabay at mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng
sintesis
 Nakasusulat ng sintesis nang wasto.

Talakayin at unawain: Sintesis (Buod)


Kahulugan at Kalikasan
Ang sintesis (synthesis) ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na
nangangahulugan sa Ingles na put together o combine. Ito ay pinagsama-
samang mga ideya mula sa iba’t ibang pinagkunang impormasyon upang
makabuo ng sariling pagpapahayag ukol sa isang paksa. Mula sa pagbabasa,
pagtitipon ng mga impormasyon at pagkuha ng mga pangunahing ideya,
isinusulat ang mga nahinuha sa isang partikular na paksa. Karaniwang
ginagawa ito sa anyong deduktibo. Makabubuo ng isang kongklusyon batay
sa mga espisipikong halimbawa, paliwanag at obserbasyon.
Ang ganitong sulatin ay nagbibigay lamang ng limitadong panahon at
pagkakaton na makapaglahad ng mga kahulugan, kahalagahan, layunin,
kaunting nilalaman at kongklusyon ukol sa isang paksang nais talakayin.
Ang pagkakabuo nito ay mula sa sariling sikap ng isang manunulat na
makabuo ng isang pinaikling tekstong tatalakay sa napiling paksa nang hindi
binabanggit ang napakaraming impormasyon. Inilalahad lamang dito ang
mga nahinuha sa hindi maligoy na paraan. Sinusulat ito sa ilang paraan ng
pagpapahayag—paglalahad, paglalarawan, pangungumbinsi o
pagsasalaysay—ngunit sa pinaikli, pinakapayak at pinakamagaan na anyo
nang hindi nawawala ang orihinal na kaisipan ng akda.
Sa madaling sabi, ito ay isang anyo ng pagbubuod o paglalagom ng isang
binasang akda. Mag-aanyo ito ng pinaikling bersyon ng isang orihinal na
teksto.

Mga hakbang at dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang sintesis:


1. Magbasa at sanaying magbasa. Paunlarin ang sariling kakayahang
umunawa, magkaroon ng perspektibo at interpretasyon sa mga
binabasa.
2. Kung magtatangka nang magsulat ng isang sintesis ukol sa isang
partikular na paksa, basahin ang buong teksto upang maunawaang
lubos ang nilalaman nito. Dapat na maunawaang lubos sapagkat

Course Module
kinakailangang mag-iwan ito sa isipan ng mga mahahalagang detalye
upang makakabuo ng sintesis.
3. Alamin ang pinakakaisipan ng teksto. Buksan ang isipan, damdamin o
pandama upang magkaroon ng ugnayan sa may-akda at makamit ang
layuning malaman ang ideya o diwa ng teksto.
4. Sa pag-uumpisa ng pagsulat ng sintesis isaalang-alang ang mga bahagi
ng teksto. Magkaroon ng kamalayan sa nilalaman ng panimula, gitna
at wakas.
5. Isaalanga-alang din ang tatlong uri ng pagkakasunud-sunod ng mga
detalye (Garcia, 2016).
a. Sekwensiyal—pagkakasunod-sunod na mga pangyayari sa
isang kuwento o salaysayin na ginagamitan ng mga panandang
naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod tulad ng una,
pangalawa. Maaari ring gamitan ng noong una, sumunod,
pagkatapos at iba pa.
b. Kronolohikal—pagsusunod-sunod ng mga impormasyon sa
mahahalagang detalye ayon sa pangyayari.
c. Prosidyural-- pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng
paggawa.
6. Maging mapanuri sa nilalaman sapagkat kailangang wasto ang
nilalaman ng bawat bahagi ng teksto upang hindi maligaw ang
mambabasa.
7. Isa-isip na kailangang mas maging simple, maikli at hindi nawawala
ang diwa ng teksto sa pagbabagong anyo nito.
8. Basahing muli upang makita ang ilang pagkakamali o pagbabagong
nais gawin sa ginawang sintesis.

SURIIN:

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Ano ang sintesis o buod?
2. Bakit kailangang matutong magbuod?
3. Anong kapakinabangan o mga tulong ang dulot ng pagbubuod?
4. Paano mo ilalahad ang mga pangyayari o ang pagbibigay ng
impormasyon sa pinakasimpleng paraan? Bakit?
5. Anong estratehiya ang dapat isaalang-alang upang mapaunlad ang
kakayahan sa pagbubuod at maihatid ang mga ideya sa payak na
paraan?
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
3
Sintesis

GAWAIN:
Pasulat
Magsaliksik ng mga detalye ukol sa pangyayari sa ating kasaysayan na hindi
nabigyang diin. Isulat ito ayon sa mga bahagi ng teksto.

SIMULA:_______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
GITNA:________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
WAKAS:_______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

Kaugnayan sa Media
Manood ng isang sikat na sikat na pelikula ngayong taon na ito. Ibuod ito
batay sa grapikong representasyon sa ibaba.

PAMAGAT:

MGA TAUHAN AT TAGPUAN:

P P P P
A A A A
N N N N
G G G G
Y Y Y Y
A A A A
Y Y Y Y
A A A A
R R R R
I I I I

WAKAS:
1 2 3 4

Course Module
References:
Essay instructions. Retrieved from:
www.csub.edu/.../Synthesis%20Essay%20instructions.doc
Synthesis Paper Guidelines. Retrieved from:
https://www.colby.edu/.../GE127-Synthesis-Paper-Guidelines.p...
Florante C. Garcia, PhD., 2016, Filipino sa Piling Larangan (Akademik), SIBS
Publishing House, Inc. Quezon City

You might also like