Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mark Anthony S.

Briones 12 - SIRIUS

SURIIN MO NA!
Bakit kinakailangang pag-aralan ang kasanayan sa akademikong pagsulat?
Sapagkat kung pag-aaralan natin ang tamang pagsasanay sa akademikong pagsulat ay
maihahatid natin ng tama at wasto ang nais nating ipahayag na saloobin, kaisipan, opinyon,
damdamin atbp sa ating mga mambabasa.

Bakit kailangang mabatid at maunawaan ng mga mag-aaral na tulad mo ang mga layunin
ng Akademikong pag-sulat?
Importanteng mabatid at maunawaan ang layunin ng Akademikong pagsulat sapagkat sa
pamamagitan nito ay magagawa natin ng maayos ang ating sulat at maiiwasan ang pagkakamali,
dagdag pa ay magkakaroon din tayo ng wastong kaalaman patungkol rito.

Sa iyong palagay, bakit hindi mabuti ang plagiarism o ang pangongopya ng ideya ng iba
lalo na sa pangangalap ng matibay na impormasyon sa pananalilsik?
Ang pangongopya ng ideya ng iba ay hindi mabuti dahil ang pagkuha ng pagmamay-ari
ng iba at ituring na pagmamaya-ari mo ay matatawag na pagnanakaw lalo na kung ang
impormasyong ito ay gagamitin sa pananaliksik.

Bakit mahalaga ang bibliyograpiya sa wastong pangangalap ng impormasyon?


Sapagkat ang bibliyograpiya ang patunay ng kumuha ng impormasyon na ang lahat ng
kaniyang kaisipan o konseptong ginamit niya sa kaniyang pag-aaral ay pawang katotohanan
lamang at hindi kathang-isip.

ISABUHAY MO NA!
Ano-ano ang mga katangiang dapat mong taglayin upang magkaroon ng kasanayan sa
akademikong pagsulat? Magtala ng limang katangian at ipaliwanag.
PORMAL: Isa sa dapat taglayin upang magkaroon ng kasanayan sa akademikong pagsulat ay
ang pagsulat ng pormal sapagkat upang maging respetado ang iyong isinulat na pananaliksik.
MALINAW AT ORGANISADO: Upang mas madaling maintindihan at may linaw sa mga
mambabasa ang nais mong ipahiwatig na mga impormasyon at datos.
OBHETIBO: Dahil sa akademikong pagsulat ay hindi kinakailangan ng sariling opinyon o kuro-
kuro.
MAY PANININDIGAN: Magkaroon ng paninidigan at maging matiyaga upang ang mga datos
at impormasyon at maisagawa ng mahusay, maayos o matiwasay.
MAY PANANAGUTAN: Bigyan ng nararapat na pagkilala ang mga datos o impormasyon na
kinuha sa mga sanggunian.

LIKHAIN MO NA!
Ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa . Itinuturing ang bigas na isa sa mga
nangungunang produkto nito. Subalit dahil sa globalisasyon , nag-iimport na tayo ng bigas
.Noong 2008 , Pilipinas ang nangunguna sa buong mundo sa listahan ng mga bansang nag-
iimport ng bigas.
Bukod sa bigas , marami pang produkto ang inaangkat tulad ng bawang , prutas at karne.
Maraming Pilipinong magsasaka at maliliit na negosyante ang nalulugi dahil sa pagpasok ng
mga imported na produkto.
-Mula sa SIBIKOMIKS Magasin, June-August 2014

Sino ang mambabasang pinag-uukulan ng teksto?


Negosyante, magsasaka at mamamayan ng bansa ang pinag-uukulan ng teksto.

Ano ang layunin ng tekstong binasa para sa kiauukulan nito?


Hikayatin ang layunin ng tekstong binasa para sa kinauukulan nito at bigyan din ng
halaga ang mga tao at bagay na minsan nang itinaguyod ang ekonomiya ng bansa.

Ano ang iyong naging damdamin matapos mabasa ang teksto?


Nagalak ang aking puso nang matapos kong basahin ang teksto sapagkat minsan ng
naitaguyod ng mga maliliit na tao ang ekonomiya ng bansa at ilan na dito ay ang mga magsasaka
at maliliit na negosyante.

Paano ka nahihikayat ng damdamin ng teksto?


Nahikayat ako sa tekstong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga totoo at
maaasahang impormasyon.

Ano ang mahalagang mensahe na nais bigyang-halaga ng teksto para sa mambabasa?


Bigyang halaga ang lahat ng likas na yaman at pagyabungin sapagkat isa ang mga ito sa
magtataguyod o magpapaunlad ng ating bansa.

You might also like