Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

8

Unang Markahan – Modyul 3:


KARUNUNGANG-BAYAN
Uri ng Paghahambing
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3:Karunungang - Bayan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ADM Modyul

Manunulat: Regibel S. Dela Cruz


Editor: Ana Rizza M. Castro
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD, Elaine D. Chua
Tagaguhit: Carlo D. Yambao/Timothy M. Bagang (Cover Arts and Icons)
Tagalapat: Roland M. Suarez, Catherine P. Siojo

Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO-Schools Division Superintendent


Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID

Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino


Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III – Division of Pampanga

Office Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes, City of San Fernando,
Pampanga
Telephone No: (045) 435-2728
E-mail Address: pampanga@deped.gov.ph
Alamin

Ang pagpapala at kabutihan ng Diyos ay sumainyo!

Sa bahaging ito ay inaasahang mapapaunlad ang iyong kaalaman at


makikilala ang mga akdang pampanitikan na lumaganap noong Panahon ng
Katutubo. Ilan dito ay ang Karunungang-bayan (bugtong, salawikain,
sawikain, at kasabihan). Nakikita at nasasalamin sa panitikan ang
kalinangan ng isang lahi. Ito ay sumasalamin sa kultura at tradisyon ng
isang bansa.
Ang mga inihandang gawain ay tiyak na susukat sa iyong talino
tungkol sa aralin. Pagkatapos ng aralin ay masasagot ang katanungang
bakit mahalagang unawain ang mga akdang pampanitikan noong Panahon
ng Katutubo. Mahahasa rin ang iyong kaalamang panggramatika sa
paksang dalawang uri ng paghahambing. Mauunawaan kung bakit
mahalaga ang paggamit ng angkop na gramatika sa mga araling
pampanitikan.
Simulan natin ang aralin sa Karunungang-bayan na bagama’t payak
ay kapupulutan naman ng mga kaugalian, asal, at gawi. Tuklasin natin
kung bakit mahalagang unawain ang mga karunungang-bayan tulad ng
bugtong, salawikain, sawikain, at kasabihan nilang akdang pampanitikan
sa kasalukuyang panahon.

Sa Modyul na ito ay matatalakay at matutunan natin ang tungkol sa:


MGA TEKSTONG BABASAHIN: Karunungang-Bayan

GRAMATIKA: Uri ng Paghahambing


Narito ang mga kasanayang malilinang sa iyo sa pagtahak sa araling ito:
1. Nahuhulaan ang mahahalagang kaisipan at sagot sa mga karunungang-
bayang napakinggan
(F8PN-Ia-c-20)
2. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan
(F8PB-Ia-c-22)
3. Nabibigyang kahulugan ang mga talinghagang ginamit
(F8PT-Ia-c-19)
4. Nakikilala ang bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na ginamit sa
napanood na pelikula o programang pantelebisyon
(F8PD-Ia-c-19)
5. Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na
angkop sa kasalukuyang kalagayan
(F8PS-Ia-c-20)
6. Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong,
salawikain, sawikain o kasabihan (eupemistikong pahayag)
(F8WG-Ia-c-17)
Subukin

A. Ilarawan ang Katungungang-Bayan. Isulat ang sagot sa kahon.

1. 2.

Ano ang
Karunungang-
Bayan?

3. 4.

5.

B. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Ilagay ang salitang


TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng tama. Isulat ang salitang
MALI kung ang pahayag ay mali.

_____ 1. Ang Karunungang-Bayan ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging


daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng mga
tao.
_____2. Ang sawikain ay isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng
mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob.
_____3. Ang kasabihan ay bukambibig ng mga bata at matatanda na kung tawagin
sa Ingles ay Mother Goose o Nursery Rhymes.
_____4. Ang bugtong ay karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya
masarap pakinggan kapag binibigkas.

_____5. Ang salawikain ay pahulaan na may dalawang pantig, nakahanayna patula,


at naglalaman ng talinghagang nangangailangan ng talas ng isip.

_____6. Ang sawikain ay isang patalinghagang pananalita.

_____7. Ang salawikain ay tinatawag ding idyoma o eupemistikong pahayag.

_____8. Ang kasabihan ay sumasalamin sa kilos, ugali, at gawi ng isang tao.

_____9. Ang salawikain ay karaniwang patalinghaga na may kahulugang nakatago.

_____10. Ang mahusay na bugtong ay may tugma, sukat, diwa, at kagandahan.


Lesson
KARUNUNGANG-BAYAN
3 (Uri ng Paghahambing)

MASINSINANG PAGBASA!

Sa pagkakataong ito ay susubukan natin ang iyong kasanayan sa pagbabasa


ng isang tula mula kay Jose Rizal.

Balikan

Nais kong bigyan mo ng pansin ang tula ni Jose Rizal na bagaman naisulat
noong Panahon ng Espanyol ay makikita ang paggamit niya ng isa sa mga
karunungang-bayan na minana natin sa ating mga ninuno.

Sa Aking mga Kababata


ni Dr. Jose Rizal
Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
sa kanyang salitang kaloob ng langit,
sanlang kalayaan nasa ring masapit
katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagkat ang salita'y isang kahatulan
sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
at ang isang tao'y katulad, kabagay
ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
mahigit sa hayop at malansang isda,
kaya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad sa isang tunay na nagpala.
Ang wikang tagalog tulad din sa latin,
sa ingles, kastila at salitang anghel
sapagka't ang Poong maalam tumingin
ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati'y huwad din sa iba
na may alfabeto at sariling letra,
na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
ang lunday sa lawa noong dakong una.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Tuklasin

Karunungang-Bayan
Ang Karunungang-Bayan ay isang sangay ng panitikan kung saan
nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat
kultura ng mga tao. Nakatutulong ito sa pag-angkin ng kamalayang tradisyunal,
na nagpapatibay ng pagpapahalagang kultural.
Mga Karungang-Bayan
A. BUGTONG – ito ay pahulaan na may dalawang pantig, nakahanayna
patula, at naglalaman ng talinghagang nangangailangan ng talas ng isip.
Ang mahusay na bugtong ay may tugma, sukat, diwa, at kagandahan.
Pampasigla ito ng imahinasyon o larong pang-isipan na lahat ay
maaaring paksa.
Mga Halimbawa ng Bugtong:
 Malambot na parang ulap, Tinaga ko ang puno,
Kasama ko sa pangarap. Sa dulo nagdurugo.
Sagot: Unan Sagot: Gumamela

 Kay lapit lapit na sa mata Naabot na ng kamay,


‘Di mo pa rin Makita. Ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: Tainga Sagot: Kubyertos

B. SALAWIKAIN - isang patalinghagang pahayag na ginagamit ng mga


matatanda noong unang panahon upang mangaral at akayin ang mga
kabataan sa mabuting asal. Karaniwang patalinghaga ang salawikain na
may kahulugang nakatago. Ito ay karaniwang nasusulat ng may sukat at
tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.
Mga Halimbawa ng Salawikain:
 May tainga ang lupa Anak na di paluhain
May pakpak ang balita. Ina ang patatangisin.

 Ang sakit ng kalingkingan Kapag may isinuksok


Damdam ng buong katawan. May madudukot.
C. SAWIKAIN – isang patalinghagang pananalita. Ito ay isang paraan ng
pagpukaw at paghasa sa kaisipan ng tao. Ang sawikain ay isang paraan
ng pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang
maiwasan ang makasakit ng loob. Sa ibang sanggunian ito ay tinatawag
din idyoma o eupemistikong pahayag.
Mga Halimbawa ng Sawikain:
 Bulang-gugo – Galante
 Hulog ng langit – Biyaya
 Anak pawis – Dukha
 Makati ang dila – Madaldal

D. KASABIHAN – ito ay bukambibig ng mga bata at matatanda na kung


tawagin sa Ingles ay Mother Goose o Nursery Rhymes. Payak ang
kahulugan. Ang kilos, ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga
kasabihan.
Mga Halimbawa ng Kasabihan:
 Kasama sa gayak, Kung ano ang puno,
‘Di kasama sa lakad. Siya ang bunga.

 Ubos-ubos biyaya, Ang taong may hiya,


Bukas nakatunganga. Ang salita ay nanunumpa.
Suriin

A. Suriin at unawain ang bawat karunungang-bayan babasahin ng guro. Isulat


ang kahulugan nito at ang aral na makukuha. Gayahin ang pormat.

1. 2. 3.
Kahulugan: Kahulugan: Kahulugan:
____________________ ____________________ ____________________
Aral: Aral: Aral:
____________________ ____________________ ____________________
____________________ ____________________ ____________________
____________________ ____________________ ____________________
____________________ ____________________ ____________________
________ 4. ________ 5. ________

Kahulugan: Kahulugan:
____________________ ____________________
Aral: Aral:
____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
________ ________
B. Basahin at unawain ang mga nakahanay na bugtong, salawikain, sawikain
at kasabihan. Isulat ang kahulugan ng bawat isa. Gayahin ang pormat.

KARUNUNGANG-BAYAN

BUGTONG SALAWIKAIN

Isang butil ng palay, Walang humipo ng palayok na


Sakot ang buong buhay. di naulingan.

Kahulugan: Kahulugan:

________________________ ________________________
SAWIKAIN KASABIHAN

Kung ano ang puno,


Itaga mo sa bato
Siya ang bunga.
Kahulugan:
Kahulugan:
________________________
________________________

Pagyamanin

A. Malaki ang ginagampanan ng karunungang-bayan sa ating kultura, sa ating


lahi, at pagkakakilalan ng ating bansa. Bilang isang mabuting mag-aaral,
sumulat ng isang sanaysay na nagsasaad ng kahalagahan nito at kung paano
ito nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
PAMANTAYAN Pinakamahu Mas Mahusay Di gaanong Hindi
(10 puntos) say Mahusay Nakitaan Marka
3 puntos 2 puntos ng
5 puntos kahusayan
1puntos
Nilalaman Nailahad ng Nailahad ng Hindi Walang
5 puntos may mahusay ang gaanong kahusayan sa
kahusayan nilalaman/paks nailahad ang paglalahad ng
ang a ng sulatin. kahusayan ng nilalaman/pak
nilalaman/ nilalaman/pak sa ng sulatin.
paksa ng sa ng sulatin.
sulatin.
Wastong Walang May 5-6 na May 7-10 na May 11 o higit
Gramatika nakitang nakitang nakitang pa na
5 puntos kamalian sa kamalian sa kamalian sa nakitang
balarila ang balarila balarila kamalian sa
nasabing uri balarila
ng sulatin

Puna: Kabuoang Marka:

B. Sumulat ng bugtong, salawikain, sawikain, at kasabihan na naaangkop sa


kasalukuyang panahon.

BUGTONG: _________________________________________________
SALAWIKAIN: _________________________________________________
SAWIKAIN: _________________________________________________
KASABIHAN: _________________________________________________

C. Unawain at suriin ang isang programang pantelebisyon. Tukuyin ang mga


bugtong, salawikain, sawikain at kasabihan na napapaloob dito. Gamitin ang link
upang mapanood: https://www.youtube.com/watch?v=_S4Q6xkh8n4

Bugtong Salawikain

Sawikain Kasabihan
Isaisip

Alam mo ba na upang maging mabisa ang pagsusuri mo sa pagkakatulad at


pagkakaiba ng mga tao, bagay, pangyayari, ideya at iba pa, kailangan ang isang
maayos na paghahambing? Ang araling ito ay naglaaan ng mga gawain upang
mapaunlad ang iyong kakayahan sa paghahambing.

Pahambing o Komparatibo
Ito ay ginagamit kung naghahambing ng dalawang magkaibang antas o
lebel ng katangianng tao, bagay, ideya, pangyayari, at iba pa.
Dalawang Uri ng Paghahambing
A. Paghahambing na magkatulad – ginagamit ito kung ang dalawang
pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga
panlaping ka, magka, ga, sing, kasing, magsing, magkasing, at mga
salitangparis, wangis/ kawangis, gaya, tulad, hawig/ kahawig, mistula,
mukha/ kamukha.

 ka- nangangahulugan ng kaisa o katulad


Halimbawa: Ang Singapore ay dating kabilang sa Malaysia.

 magka- nangangahulugan din ng kaisahan o pagkakatulad.


Halimbawa: Magkamukha lamang ng kultura ang India at
Singapore.

 sing-(sin- /sim) gaya rin ng ka-, nagagamit ito sa lahat ng uri ng


pagtutulad.
Halimbawa: Magkasingganda ang India at Singapore.

 kasing- (kasin- /kasim-) ang paggamit at kahulugan ay katulad din


ng sing,(sin/sim). Pansining kapag ginamit sa pangungusap, ganito
ang pattern ng pagkabuo: kasing + s.u + ng/ ni + pangngalan + si/
ang + pang.
Halimbawa: Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng bayang ito
sapagkat sila ang sentro ng teknolohiya.

 magsing-(magkasing-/magkasim) ang pinagtutulad ay napipisan


sa paksa ng pangungusap.
Halimbawa: Ang dalawang bansa ay magkasingyaman.
 ga/ gangga- nangangahulugan ng gaya, tulad, para,paris
Halimbawa: Gamundo ang pagpapahalaga nila sa kalayaan sa
wika at relihiyon upang magkaroon ng pagkakaisa.
B. Paghahambing na Di- magkatulad – ginagamit ito kung
pinaghahambing ay may magkaibang katangian.
May dalawang uri ang hambingang di-magkatulad:
1. Hambingang Pasahol – may mahigit na katangian ang
pinaghahambingan sa bagay na inihahambing. Ginagamit ang mga
sumusunod upang maipakita ang ganitong uri ng paghahambing.
 Lalo - nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa
kulang na katangian. Sinusundan ito ng katuwang na
panghambing na kaysa kay kung ngalang tao ang
pinaghahambing, /kaysa / kaysa sa kung ngalang bagay /
pangyayari.

 Di-gasino - tulad ng ginagamit sa paghahambing ng uri o


katangian ng mga tao. Sinusundan ito ng alinman sa mga
katagang naghahambing, kabilang ang gaya, tulad, para o
paris na sinusundan ng panandang ni.

 Di-gaano - tulad ng- tulad din ng di-gasino subalit sa mga


hambingang bagay lamang ginagamit.

 Di-totoo- nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa


karaniwang uri. Nagagamit itong pamalit sa di-gasino at di-
gaano.

2. Hambingang Palamang- may mahigit na katangian ang


inihahambing sa bagay na pinaghahambingan.
 Lalo - Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan
at di kasahulan kung ang sinasamahang pang-uri ay
nagpapahayag ng kalakhan, kataasan, kalabisan o kahigtan.
Muli, katuwang nito ang kaysa/kaysa sa/kay. Halimbawa:
Lalong maunlad ang isa kaysa sa isa.

 Higit/mas - kaysa/kaysa sa/kay: sa sarili ay nagsasaad ng


kalamangan kung ginagamit ito sa paghahambing.
Halimbawa: Higit na malinis ang isa sa isa.

 Labis -tulad din ng higit o mas Halimbawa: Labis ang


kanilang pagmamahal sa bayan.

 Di-hamak -kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa


pang-uri Halimbawa: Di-hamak na mapuputi ang
Singaporean sa nga Hindu.
Isagawa

Basahin at unawain ang bawat pangungusap sa Hanay A.. Hanapin ang tamang
sagot sa Hanay B. Isulat ang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B
_____1. Paghahambing ng patas ang A. Lalo
katangian ng pinagtutulad.
_____2. May higit na katangian ang B. Labis
inihahambing sa pinaghahambingan.
_____3. Nangangahulugan ng gaya, C. Di- hamak
tulad, para, paris
D. Di-gaano
_____4. Tulad ng higit
_____5. Pagtawad o pagbabawas sa E. Di- gasino
karaniwang uri
_____6. Ginagamit sa paghahambing F. Di- totoo
ng bagay
_____7. Nangangahulugan ng G. Magkatulad
pagdaragdag o pagpapahigit sa
"kulang" na katangian H. Di- magkatulad
_____8. May higit na katangian ang
pinaghahambingan sa bagay na I. Ga-/gangga
inihambing
_____9. Ginagamit sa paghahambing J. Hambingang pasahol
ng uri o katangian ng mga tao
K. Hambingang palamang
_____10. Nagpapakita ng diwa ng
pagtanggi o pagsalungat.

Tayahin
Naunawaan mo ba ang dalawang paksa? Nahasa ba ang iyong kaalaman
tungkol sa mga karunungang-bayan na lumaganap noong Panahon ng Katutubo?
Naunawaan mo ba ang pagkakaiba ng dalawang uri ng paghahambing? Sa
bahaging ito ng iyong gawain, susubukin ang iyong kakayahan sa pagsulat.
Sumulat ka ng halimbawa ng karunungang-bayan na ginamitan ng paghahambing.
Gamitin ang tamang gamit at pagkakaiba-iba ng mga uri ng paghahambing.
ISAGAWA:
TAYAHIN 1. G 6. D
Malayang makapalalahad ng sariling opinyon ang 2. K 7. A
mag-aaral sa bahagi ng pagsasanay na ito. Nasa
3. I 8. J
ilalim ng patnubay at pagwawasto ng guro ang
bahaging ito. 4. B 9. E
5. F 10. H
PAGYAMANIN:
GAWAIN A.
Malayang makapalalahad ng sariling opinyon ang mag-aaral sa bahagi ng pagsasanay na ito.
Nasa ilalim ng patnubay at pagwawasto ng guro ang bahaging ito. Tunghayan ang kalakip na
pamantayan.
GAWAIN B at C.
Malayang makapalalahad ng sariling opinyon ang mag-aaral sa bahagi ng pagsasanay na ito.
Nasa ilalim ng patnubay at pagwawasto ng guro ang bahaging ito.
SURIIN: GAWAIN A at B
Maaaring iba-iba ang ideya ng ibibigay na mag-aaral sa bahagi ng gawaing ito ( nasa
magiging konsiderasyon ng guro ang magiging puntos).
A. (BABASAHIN NG GURO)
1. Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
2. Ang lumakad ng matulin, kung matinik ay malalim.
3. Nakikita ang butas ng karayom, hindi ang butas ng palakol.
4. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan.
5. Dungis sa mukha mo’y pahirin mo muna, bago ka mamintas ng mukha ng iba.
SUBUKIN:
A. 1-5. Maaring iba-iba ang pagpapaliwanag o ideya ng mga mag-aaral tungkol sa Karunungang-
bayan. Nasa ilalim ng patnubay at pagwawasto ng guro ang bahaging ito.
B. 1. TAMA 6. TAMA
2. TAMA 7. MALI
3. TAMA 8. TAMA
4. MALI 9. TAMA
5. MALI 10. TAMA
Susi sa Pagwawasto
TALASANGGUNIAN:
Bunyog, Padolina Lunday Wika at Panitikan Baitang 8
Modyul ng Mag-aaral sa Filipino
Unang edisyon 2013
Inilimbag sa Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.

Filipino– Grade 8
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan 1 – Modyul 1: TEKSTONG IMPORMATIBO
Unang Edisyon, 2020

https://www.google.com/
https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-filipino-learners-module

https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-by-dr-jose-rizal-sa-aking-mga-
kababata-ni-dr-jose-rizal-original-text-in-tagalog_616.html

https://www.youtube.com/watch?v=_S4Q6xkh8n4

https://www.slideshare.net/daniholic/dalawang-uri-ng-paghahambing

https://www.slideshare.net/CharissaLongkiao/mga-karunungang-bayan-at-kantahing-
bayan-87834924

You might also like