Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Implikasyon ng Misyon at Bisyon ng Pamantasan para sa Ikauunlad ng Sarili

Bawat organisasyon, maging mga pamantasan ay mayroong bisyon at misyon na isinasaisip at


isinasapuso. Ito ang nagsisilbing direksyon na nais patutunguhan kaya napakahalagahang maging
malinaw ang mga ito sa bawat isa upang magkaroon ng iisang landas na tatahakin.Ang bisyon at misyon
ng pamantasan ay nagiging gabay sa hangarin ng pamantasan sa mag-aaral nito.

Ang bisyon ng pamantasan na isang napakalawak na paglalahad ng ambisyon nito sa pagtuturo sa mga
mag-aaral. Mula sa konteksto nito isang pamantasan na lilinang ng mga lider at kinatawan ng
pagbabago para sa panlipunang tanspormansyon/pagbabago at pag-unlad.Tunguhin ng unibersidad na
ito na humubog ng mga kabataan bilang maging isang magaling na mamayan na kayang
makipagkumpitensya ‘di lamang panlipunan kung hindi pati narin sa pandaigdigan. Ito rin ay
naglalayong makapaglikha ng mga magagaling na mamamayan na magdadala sa ating lipunan sa
pagbabago at pag-unlad ng ating ekonomiya.Ang misyon ng pamantasan ay naiiba sa mga misyon ng
ibang unibersidad at institusyon.Mapapansin na misyon nitong humubog at magturo ng mga kaalaman
na propesyunal at teknikal sa mga mag-aaral.Makapagbigay kalidad na edukasyon sa makabagong
pamamaraan na pagtuturo.Layunin ng misyon na pamantasan na maglinang ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pandalubhasang pagtuturo.

Bilang konklusiyon,ang pamantasan ay nakakatulong tungo sa pagkakaroon ng isang mataas at matibay


na edukasyon na isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang
masaganang ekonomiya sa pamamagitan ng misyon at bisyon nito.

You might also like