Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Dalawang Ayos ng Pangungusap

I. Layunin
Pagkatapos ng 60 minutong talakayan, inaasahan na ang bawat mag-aaral ay:
a. Nakakikilala ng dalawang ayos ng pangungusap.
b. Nakakagamit ng dalawang ayos ng pangungusap nang matino at mabisa.
c. Nakagagawa ng sariling pangungusap ayon sa dalawang ayos ng nito.

II. Paksang aralin


a. Paksa: Dalawang Ayos ng Pangungusap
b. Kagamitan: Kartolina, pisara at yeso
c. Sanggunian: BEC – PELC Pagsasalita d. 44; Gintong Aklat sa Wika ph. 48; Lunsarang Babasahin
“Pilipinas, Perlas ng Silangan”

III. Pamamaraan
A. Panimulang gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagkuha ng pagdalo

B. Paglinang sa Gawain
1. Pagbabalik-aral
Noong nakaraang talakayan, natutunan natin ang bahagi ng pangungusap. Ano-
ano ang bahagi ng pangungusap at ang mga uri nito?

 Paksa
 Paksang Pangalan
 Paksang Panghalip
 Paksang Pang-uri
 Paksang Pang-abay
 Paksang Pandiwa
 Paksang Pawatas

 Panaguri
 Panaguring Pangalan
 Panaguring Panghalip
 Panaguring Pang-uri
 Panaguring Pandwia
 Panaguring Pawatas

2. Paglalahad
(Activity) Papangkatin ang klase sa limang grupo at ipapatukoy kung ano ang
pagkakaiba sa bawat pangungusap na nakaprinta sa cartolina.

3. Pagtalakay (Analisis)
Pangungusap - Ang Pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng isang
buong diwa.
Dalawang Ayos ng Pangungusap
3.1 Karaniwang Ayos - Ayos ng pangungusap na nauuna ang panaguri kaysa paksa.

Hal.: Maganda si Ana.

3.2 Di-Karaniwang Ayos - Ayos ng pangungusap na nauuna ang paksa kaysa panaguri. Ito ay
may panandang “ay”.

Hal.: Si Ana ay maganda.

IV. Pagtataya

I. Panuto: Tukuyin ang ayos ng bawat pangungusap. Lagyan ng KA kung ang pangungusap
ay nasa Karaniwang ayos at DKA naman kung ang pangungusap ay nasa Di-karaniwang ayos.
1. Doktor ang pangarap ko.
2. Makulay ang bahaghari.
3. Si Kiko at Kika ay magkapatid.
4. Ako ay nakapunta na sa zoo.
5. Naglalakad ako kanina sa paaralan.
6. Si Lito ay nadapa dahil sa kakatakbo niya.
7. Sinipa ni Daniel ang bato.
8. Ang paborito kong kulay at bughaw.
9. Ang aking guro ay masipag at mabait.
10. Malinis at makulay ang aking kwarto.

II. Gumawa ng tatlong karaniwang ayos ng pangungusap at tatlong di-karaniwang ayos ng


pangungusap.

V. Kasunduan
Gumawa ng isang sanaysay na may labinlimang (15) pangungusap patungkol sa buhay.
Gamitan ito ng karaniwan at di-karaniwang ayos ng pangungusap.

Magsaliksik ng Kayarian ng Pangungusap. Isulat ito sa inyong kwaderno para sa susunod na


talakayan.

You might also like