Goyo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Tagasuri: Romalyn Mandani-Sipe BA-Fil 3

Pamagat ng Pelikulang Susuriin: GOYO: Ang Batang Heneral

Pangalan ng May-akda o Direktor ng Pelikula: Jerrold Viacrusis Tarog

Introduksyon:
Goyo: Ang Batang Heneral, ay isang pelikulang makasaysayang epiko ng
2018 na pinagbibidahan ni Paulo Avelino bilang ang "Batang Heneral" na si
Gregorio del Pilar, na namatay sa makasaysayang Battle of Tirad Pass sa
Philippine – American War. Isinulat ito at dinirek ni Jerrold Tarog, at ito ang
sumunod sa pelikulang Heneral Luna noong 2015, na nagsasalaysay sa buhay
ni Antonio Luna. Ang mga karagdagang miyembro ng pelikula ay kinabibilangan
nina Carlo Aquino, Mon Confiado, Epy Quizon, Gwen Zamora, Empress Schuck,
Alvin Anson, at Rafa Siguion-Reyna. Ito ay inilabas noong Setyembre 5, 2018.

Buod:
Kasunod ng pagpatay kay Heneral Antonio Luna, ang paglilinis ng mga
loyalista ni Luna sa Hukbong Militar ay naging gawain ni Heneral Gregorio
"Goyo" del Pilar, isang batang heneral at paborito ni Pangulong Emilio
Aguinaldo.
Sa loob ng limang buwan na pahinga mula sa labanan, dinakip nina Del Pilar
at ng kanyang nakatatandang kapatid na si Julian at ang matalik niyang kaibigan
na si Vicente Enriquez, si Angel Bernal, ang nakababatang kapatid ng dating
aides-de-camp ni Luna na sina Manuel at José.
Hindi nagtagal natagpuan nila si Manuel na nagtatago kasama ang
mayamang mangangalakal na si Don Mariano Nable José. Pinahirapan at pinilit
si Manuel na sumali sa mga tauhan ng militar ni Goyo.
Nang tumanggi si Manuel, pinatay nila siya. Samantala, si Joven Hernando,
na ngayon ay nagtatrabaho para sa kanyang tiyuhin, ay itinalaga upang maging
litratista ni Goyo.
Habang ang Hukbong Militar ay kalmado at panatag, ang mga puwersang
Amerikano naman ay naghahanda para sa isang ikalawang pag-atake.
Si Heneral José Alejandrino, isang kaalyado ni Luna, ay nakipagtagpo kay
Apolinario Mabini, na siya namang nagbitiw sa gabinete ni Aguinaldo mula nang
namatay si Luna. Pinakiusapan ni Mabini si Alejandrino na alamin ang totoong
sanhi ng pagkamatay ni Luna.
Samantala, sumali si Aguinaldo kanila Goyo sa Bulacan at hinirang siya
bilang Major-General ng Pangasinan.
Sinisimulang ligawan ni Goyo si Remedios, ang mailap na anak ni Don
Mariano. Sa panahong ito, nilapitan ni Aguinaldo si Mabini at inalok sa kanya
ang posisyon ng Chief Justice, kung saan nag-atubiling tanggapin ni Mabini.
Pumunta si Alejandrino sa Manila upang makipagnegosasyon kanila Heneral
Elwell Otis at Heneral Arthur McArthur Jr., ngunit tumanggi sila sa kaniyang
panukala. Iniutos ni Aguinaldo ang pagpunta ng mga miltar sa Pozorrubio upang
makipagtagpo kay Heneral Manuel Tinio at mag-ayos ng isang puwersang
labanan.
Gayunpaman, ang pagkatalo ni Tinio sa mga Amerikano ay siyang pumilit
kay Aguinaldo na umatras pa hilaga. Ang pag-atras ni Aguinaldo at ng kanyang
pamilya ay tumungo sa kanlurang bulubunduking lupain ng Cordilleras. Ang
pang-araw-araw na pag-atake ng mga Amerikano ay naging dahilan sa pag-
igting ng labanan sa pagitan ng mga dating sundalo ni Luna at ni Goyo, na
siyang dahilan sa panghihina ng kanilang mga depensa laban sa mga
puwersang Amerikano na umaatake sa kanilang likuran at tuluyang nakuha ang
ina at anak ni Aguinaldo.
Kinalaunan, narating ng grupo ang Bundok ng Tirad na kung saan gumawa
ng stratehiya si Heneral Goyo upang magkaroon ng oras si Aguinaldo na
tumakas.
Kasama ng dating tirador ni Luna na si Tenyente García, pinatibay nila ang
depensa sa mga ruta ng bundok. Kinabukasan, mabilis na nakuha ng mga
Amerikano ang isang bayan sa paanan ng bundok ngunit sa una ay hindi nila
napasok ang mga depensa. Ngunit sa tulong ng kanilang gabay sa Tingguian
igorot, ang limang daan o higit pang mga Amerikano, karamihan sa 33rd
Volunteer Infantry Regiment sa ilalim ni Major Peyton C. Marso, ay natagpuan
ang lihim na landas na patungo sa tuktok ng bundok, sa likuran ng mga
kakahuyan.
Si Del Pilar, ay nagpasyang tapusin ang laban, ngunit binaril at napatay ng
isang tirador na Amerikano. Bilang isang resulta, ang moral ng kanyang hukbo
ay nasira at ang mga tagapagtanggol ay mabilis na sumuko, habang si
Aguinaldo ay tumakas.
Si Joven at Kiko, anak ni Garcia, ay tumakas din, ngunit si Joven ay nahulog
sa isang bangin matapos ang isang engkwentro sa isang sundalong Amerikano.
Hinubad ng mga Amerikano ang uniporme ni Goyo at kinuha ang mga gamit
at inilibing siya sa Mount Tirad.
Si Aguinaldo ay dinakip ng mga Amerikano sa Palanan, Isabela noong
Marso 23, 1901, na siyang hudyat sa pagtatapos ng giyera. Ginawa siya bilang
isang bilanggo sa Malacañang Palace, siya ay binisita ng kanyang dating aide-
de-camp na si Manuel Quezon. Sumuko si Quezon sa mga Amerikano sa utos
ng kanyang nakatataas na si Heneral Tomás Mascardo, at binisita si Aguinaldo
upang mapatunayan ang kanyang pagdakip at kumunsulta kung dapat ba siya
ay sumuko. Sinabi ni Aguinaldo kay Quezon na ang desisyon na sumuko si
Mascardo ay nasa kay Mascardo mismo.
Si Mabini ay dinakip ng mga Amerikano at ipinatapon sa Guam kung saan
nagsulat siya ng kanyang sariling salaysay ng giyerang pinamagatang La
Revolución Filipina (The Philippine Revolution). Ang kanyang mga sinulat ay
tumutukoy sa pagkabigo ni Aguinaldo bilang isang hindi mabisang pinuno ng
Pilipinas. Ang posisyon ni Heneral Alejandrino ay natapos na rin.
Si Remedios naman ay nakatanggap ng liham mula kay Goyo.
Sa isang serye ng mga eksena, si Joven ay nailigtas nina Kiko at Eduardo
Rusca, dating katulong ni Luna.
Si Aguinaldo noong 1935 at ang kanyang kasama na si Raymundo Melliza,
ay nanuod habang ang kanyang mga mukha sa kampanya ng pagkapangulo ay
pinalitan ng mga sumusuporta ni Quezon.

Pagsusuri:

a) Pamagat
Ang pamagat na Goyo: Ang Batang Heneral ay kaakit-akit at tiyak
sapagkat ang pelikula ay nahahango sa totoong karanasan at buhay ni
Gregorio Del Pilar o mas kilala sa tawag na Goyong o Goyo.

b) Mensahe
Ang mensahe ng pelikula ay umiikot sa ideyang dapat tanawin at
tingnan mo bilang isang mamamayan ng Pilipinas ang mga historikal na
pangyayari ng ating nakaraan. Nakatatak sa pelikula na hindi lamang
mga kabataan ngayon ang makakaintindi nito pagkat maiintindihan ito ng
buong henerasyon.
c) Mga Pangunahing Tauhan (Ginampanang Papel, Pagkakaganap at
bisa sa pelikula)
 Paulo Avelino: Gumanap bilang si Gregorio “Goyo” Del Pilar.
Ang bida ng ating pelikula. Napakahusay ng pagkakaganap nito,
pagkat damang-dama at dalang-dala ang mga nanonood sa
ekspresyon ng kanyang mukha at sa lalim ng kanyang pag-
aarte. Nagampanan nito nang buong husay ang pagiging isang
“Goyo”.

 Carlo Aquino: Gumanap bilang si Colonel Vicente Enriquez.


Kaibigan ni Goyo. Nagustuhan ko ang papel na ginampanan
nito, sapgkat siya ang nagiging pambalanse kung nagiging
matindi na ang eksena sa pelikula.

 Mon Confiado: Gumanap bilang si Emilio Aguinaldo. Ang


kauna-unahang pangulo ng Pilipinas. Mabisa ang pagkakaganap
nito dahil makakaramdam ka ng pagkagigil at pagkagalit sa
kanyang papel. Dito mo maiintindihan kung sino at ano ang
tunay na ugali ng unang pangulo.

 Epy Quizon: Gumanap bilang si Apolonario Mabini. Ang ating


Utak ng Himagsikan. Makikita sa kanyang papel kung papaano
niya gampanan ang pagiging isang Utak ng Himagsikan dahil
dito mo maiintindihan kung paano siya makipaglaban gamit ang
kanyang ideya at utak sa paraang kalmado at hindi sa paraang
madugo’t magulo.

 Gwen Zamora: Gumanap bilang si Remedios Nable Jose. Ang


babaeng sineryoso ni Goyo. Makikita sa papel ni Gwen ang
pagiging isang Maria Clara ng Pilipinas.

 Empress Schuck: Gumanap bilang si Felisidad Aguinaldo.


Kapatid ng unang pangulo. Na naging kasintahan din ni Goyo.
Makakahinuha ka sa kanyang papel kung magiging mapang-
agaw ba siyang babae o magiging mapagpalaya sa
pagmamahal na babae. Gayunpaman, nagampanan nito ng
magaling ang kanyang karakter.

 Alvin Anson: Gumanap bilang si General Jose Alejandrino.


Napagkamalang si Antonio Luna nung una. Mahusay ang
pagkakaganap nito dahil magkakaroon ka ng agam-agam sa
kanyang papel kung siya ba ay kaaway o kakampi ni Aguinaldo.
 Rafa Siguion-Reyna: Gumanap bilang si Colonel Julian Del
Pilar. Kapatid ni Goyo. Mabisa ang pagkakaganap nito dahil
maiinis ka sa kanyang karakter. Sapagkat mukhang masama at
mapang-abuso, malaki naman ang papel nito sa pag-alalay sa
karakter ni Goyo.

 Arron Villaflor: Gumanap bilang si Joven Hernando. Ang


litratista ni Goyo. Malaki ang ginampanan nito sa pelikula
sapagkat isinusulat nito ang mga pangyayari noong unang
panahon na siyang naging basehan sa pagbubuo ng kwento sa
pelikula. Mapapaisip ka kung sasanib ba siya o magiging
mapang-abuso rin siya sa pelikula. Sa karakter ding ito nalaman
ang pagkataong mapaglaro sa babae si Goyo.
d) Musika, Cinematograpiya, at daloy ng mga pangyayari
Hindi mabubuo ang isang pelikula kung walang mga musika. Ang
pelikulang Goyo ay binubuo ng pitong musika na pinili mismo ng deriktor
na si J. Tarog. Ngunit ang mas naukit sa aking isipan ay ang mga
musikang pinamagatang “Bato sa Buhangin”, “Sa Dakong Silangan” at
ang “Susi”.
Ang sinematograpiya naman ay kuha ni Ginoong Pong Ignacio.
Maganda at maayos ang pagkakakuha nito. Hindi magulo at hindi
nakakahilo. Makulay at masigla ang mosyon sa pelikula.
Maganda at maayos din ang daloy ng mga pangyayari. Lubos na
mauunawaan at hindi nakakalito. Maganda ang stratehiyang pagbabalik-
tanaw at ang foreshadowing sa karakter ni Goyo. Dahil mas
mauunawaan ang karakter nito.

e) Pagpapahalagang Moral na taglay


Ang pagpapahalagang moral na taglay ng pelikula ay ang
pagpapakita ng pagmamahal sa bayan, ang pagsasakripisyo ng isang
binatilyo sa ating bayan at higit sa lahat, mas naukit sa aking isipan ang
mora,l na bayani ka man o hindi, sadyang may mga kapintasan na
taglay ang mga tao. Ngunit, ang mga kapintasang ito ay hindi hadlang sa
mga misyon at pangarap mo sa iyong buhay.

f) Kaugnay sa kasalukuyang panahon at sa lipunan


Wika nga nila, walang kasalukuyan kung walang nakaraan.
Naniniwala ako na malaki ang ugnay ng pelikulang Goyo sa kasalukuyan
sapagkat makikita sa pelikula kung papaano ipaglaban at ipagtanggol ng
ating mga dating bayani ang ating bayan. Sapagkat nagkulang at
nagkaroon ng pagkakamali ang plano at desisyon nilang mag-aklas
laban sa mga Amerikano, nangingibabaw pa rin ang kanilang nag-iisang
misyon at ninanais na makawala sa pamumuno ng mga Kano.

You might also like