Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

GENERAL SANTOS ACADEMY, INC.

Nat’l Highway, Polomolok, South Cotabato


Tel. No: (083) 500-2593

PINAL NA PAGSUSULIT
Guro: Jenny K. Encog, LPT Eskedyul: MWF/ 2:00-3:00 n.h
Asignatura: Fil 140 Kurso at Taon: AB Fil 3

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin nang mabuti ang mga panuto. Huwag


magmadali sa pagsagot. Isulat ang sagot sa malinis na papel.

I. Suriin kung saan nabibilang ang mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B.
sulat lamang ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

1. Maanyo o pormal na sanaysay a. Paglalarawan


2. Pagsulat ng Balita b. Paglalahad
3. Nobela c. Pangangatwiran
4. Konkretong uri ng paglalarawan d. Pagsasalaysay
5. Saklaw ng pamamahayag
6. Mga bahaging susuriin sa isang pelikula
7. Ang pagtatalo o Debate
8. Uri ng pakikipanayam
9. Alamat
10. Sanaysay
11. Bahagi ng Editoryal
12. Mga uri ng tangiang Lathalain
13. Tungkulin ng Pahayagan
14. Mga pamamaraan na paglalahad
15. Paglalarawan ng lugar

II. Isulat ang salitang TAMA kung ang nakasalungguhit na salita ay tama.
PALITAN at ISULAT naman ang tamang sagot kung ang nakasalungguhit
na salita ay mali.

16. Ang paglalarawan ay isang diskurso na ang layunin ay ipadama sa nakikinig


o bumabasa ang nakikita ng mata, ang naamoy ng ilong, ang nararamdaman ng
balat o ng katawan, ang nalalasahan ng dila o kaya naman ang naririnig ng
tainga.
17. Ang pagsasalaysay naman ay nangangahulugang pagpapaliwanag.
18. Mayroong pito (7) na pamamaraan ng paglalahad.
19. Ang pangangatwiran ay anyo ng diskurso na ang layunin ay humikayat.
20. Ang paglalahad ay isang diskurso na binubuo ng mga talatang
nagpapahayag ng mga kawing-kawing na pangyayari.
21. Masining ang tawag sa teknikal na paglalarawan.
22. Karaniwan ang tawag sa pagbibigay ng malinaw na larawan sa pamamagitan
ng mga palasaok na katangian ng bagay na inilalarawan.
23. Isang uri ng pagsasalaysay ang maikling kuwento.
24. Ang pagtatalo o debate ay ang gantihang pangangatwiran ng dalawa o higit
pang panig hinggil sa isang makabuluhang paksa o isyu.
25. Ang pagsusuri ay isang pamamaraan ng paglalahad na angkop na gamitin sa
pagpapahayag ng katangian ng isang sanhi at bunga.
26. Ang maanyo na sanaysay ay ang paraang ang paksa ay di-pangkaraniwan.
27. Ang malaya na sanaysay naman ang kuro-kuro, damdamin, palagay ng isang
patnugot.
28. Ang pasulat ay saklaw ng pamamahayag na nakikita sa pahayagan, pulyeto,
magasin at aklat.
29. Ang alamat ay ang kuwentong pinagmulan ng bagay-bagay.
30. Nasasakop ng balita ang anumang nangyayari na bago o di-pangkaraniwan
sa mundo.

You might also like