Professional Documents
Culture Documents
Posisyong Papel
Posisyong Papel
12-Archimedes
Kilala ang mga mamamayang Pilipino sa pagiging mahilig sa pagkain. Sa Pilipinas, ang
fast food chains ay matatagpuan sa iba’t-ibang bahagi nito. Hindi natin maitatanggi ang
katotohanan na ang mga fast food ay talagang masarap at matatawag ng ilan na ‘comfort food’.
Noong 2018, 35.09 porsyento ng mga respondente sa Pilipinas ang nagsabing kumain sila ng fast
food mas mababa sa isang beses bawat linggo. Ngunit, alam nga ba natin ang tunay na epekto nito
Ang mga fast food ay iniluluto o inihahanda sa mabilis na paraan at ibinebenta sa mga
restaurants. Ilan sa mga sikat na fast food chains dito sa Pilipinas ay ang Jollibee, McDonald’s,
KFC, at iba pa. Ito ay patok sa mga matatanda, kabataan, at lalong-lalo na sa mga bata. Subalit,
Ang mga ganitong uri ng pagkain ay hindi maaaring kinokonsumo ng madalas sapagkat
ito ay mataas sa sodium, saturated fat, trans fat, at cholesterol. Ang madalas na pagkain nito ay
maaaring magdulot sa mga sakit tulad ng pagtaas ng presyon, sakit sa puso, at mabilis na
pagdagdag ng timbang. Ngunit, dahil sa mabilis na serbisyo at murang presyo, maraming tao
ang kumakain sa mga fast food chains nang walang sapat na kaalaman sa kung ano
ang maidudulot nito sa kanilang kalusugan. Ayon kay Dr. David Ludwig, isang eksperto,
isang dahilan ng pagkain ng fast food ay ang pagtaas ng timbang na nagreresulta ng masama sa
ating kalusugan, marami ring sakit ang maaaring makuha dahil sa pagtaas ng timbang tulad ng
Hindi masama ang pagkonsumo nito kung hindi madalas at sobra. Kailangan nating maging
maalam sa ating mga kinakain at isipin at maaaring maging kahitnatnan nito. Ngunit hanggat
maaari ay iwasan natin ang mga ganitong uri ng pagkain nang sa ganoon ay magkaroon ng