Professional Documents
Culture Documents
Buod NG Noli Me Tangere
Buod NG Noli Me Tangere
Buod NG Noli Me Tangere
(KABANATA 38)
Nangunguna sa prusisyon ang taltong sakristan na may hawak na mga seryales na pilak.
Kasunod nila ang mga guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol na papel. Ang
mga agwasil at tinitini naman ay may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang
maniksik o humiwalay sa hanay. Mayroon din silang kasama na namimigay ng libreng
kandila para gamiting pang-ilaw sa prusisyon.
Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol sa pagdadarausan ng loa.
Mula sa tabing may isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at
may bigkis ang lumabas. Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa wikang Latin, Kastila
at Tagalog ay pinagpatuloy ang prusisyon hanggang sa mapatapat sa bahay ni Kapitan Tiyago.
Ang lahat ay natigilan sa magandang pag-awit ni Maria Claria ng Ave Maria ni Gounod sa
saliw ng kanyang sariling piyano. Kung napatigil si Padre Salvi ay sa ganda ng tinig ni Maria
Clara. Higit na nakadama ng kalungkutan si Ibarra. Nadarama niya ang mensahe ng tinig ng
kasiphayuan ng kasintahan. Saglit na naputol ang pagmuni-muni ni Ibarra nang palalahanan
siya ng Kapitan Heneral tungkol sa imbitasyon nitong makasalo sa pagkain upang pag-usapan
ang pagkawala nina Basilio at Crispin.