Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ilang buwan na rin mula noong unang araw na ating kinaharap ang isang

kalabang hindi natin mamataan. Tayo'y napilitang dumistansya at gumising araw-araw


sa isang panibagong normal. Ang pangaraw-araw natin ay apektado mula sa maliliit na
bagay katulad ng, pagc- comute, pageehersisyo tuwing umaga, paghahatid sa ating
mga anak sa eskwela, simpleng mga pagdiriwang matapos ang nakakapagod na araw;
hanggang sa malalaking mga prayoridad katulad ng edukasyon, kalusugan, at
pangkabuhayan; at dahil ito ay patuloy na nangunguna sa pang-araw-araw na saklaw
ng balita, hindi maikakaila na ang COVID-19 ay nagsilang ng isa pang malawakang
karamdaman.
Dahil sa ang pandaigdigang ekonomiya ay paralisado ---- ang pagbagsak nito ay
humantong sa kawalan ng trabaho at kahirapan, partikular ang lockdown, ay ang s'yang
naging sanhi ng pagkahiwa-hiwalay ng lipunan, pagkawala ng kita, kawalan ng
aktibidad, limitadong pagkukuhaan ng pangunahing mga serbisyo, mataas na access
sa hindi masusustansyang pagkain, alkohol, at social media sites, habang mababang
acces naman sa suporta ng pamilya at panlipunan. Ang mga kadahilanang pang-
ekonomiya na ito, kasama na ang epekto ng nasabing virus sa ating pang-araw-araw
na pamumuhay ay maaaring magdulot ng mga problema sa mental health ng mga
apektadong tao at negatibong makaapekto naman sa mga mayroon nang mental health
bago pa man magkaroon ng pandemya.
Ang paulit-ulit na mukha ng dingding at paikot-ikot na mga kuwestiyon sa ating
utak na 'tila baga'y isang sirang plaka, dagdag pa ang mga agwat at espasyo sa ating
mga kwarto na s'yang nagpaparamdam na tayo'y 'tila isang bilanggo, ay ang s'yang
nagpapahirap sa ating sarili ngayong may pandemya. Tayo'y balisa sa walang
kasiguraduhang bukas, punong-puno tayo ng pangamba sa mga bagay-bagay at dahil
wala tayong pagkaka-abalahan bukod sa pagbubukas ng ating cellphone na s'ya ring
minsan nagiging dahilan ng ating kalungkutan, nahihirapan tayong intindihin ang
sitwasyon sa mas positibong pananaw.
Ayon sa mga pananaliksik, ang mga adolescents, ay dumedepende sa kanilang
mga kaibigan, upang mapanatili ang kanilang pagtanggap sa sarili at mabawasan ang
anxiety at depression. Sa pananaliksik na may partisipasyon ng 3,300 high school
students, ⅓ ng nasabing bilang ang hindi masaya at nakikitaan ng sintomas ng
depresyon sa mga nakaraang buwan. Isa ang UNICEF sa nabahala patungkol sa
mental health ng kabataan ngayong may pandemya, naglista sila ng sampung mga
paraan upang makontrol ang anxiety at depresyon ngayong quarantine.

1. Imbis na mainis lang sa t'wing pinagiinitan ng magulang, subukang kausapin sila


ng masinsinan at gawing pagkakataon ang pagkakasama-sama sa bahay para
makipag-bonding sa mga magulang. Makipagkwentuhan nang mas makilala at
maunawaan ninyo ang isa’t isa.
2. Kung nam-miss naman ang barkada'y gamitin ang social media, video call, chat
o text para kumustahin at makausap ang mga kaibigan. Makinig sa mga mga
kwento, naiisip at nararamdaman ng isa’t isa.
3. Maaring maghanap ng pagkakaabalahan o mapaglilibangan. Subukan
matutunan ang isang hobby, skill, o talent. Nakakatulong ito sa pagbawas ng
anxiety sa panahong ito. Kahit wala ka sa school, pwede ka pa ring matuto ng
mga bagong bagay.
4. Gumawa ng routine at sikaping sundin ito. Pwede kang tumulong sa gawaing
bahay sa umaga, mag-practice ng pagtugtog sa hapon, at magbasa para
linangin ang kaisipan sa gabi. Gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo.
Huwag rin kalilimutang mag-relax at magpahinga.
5. Gumalaw-galaw at magpapawis. Mag-exercise. Gawin ang mga dance challenge
sa TikTok o YouTube. Nakakatulong ang exercise at paggalaw ng katawan sa
pagpapalakas ng resistensya laban sa COVID-19 at iba pang mga sakit.
6. Kahit may na-miss kang mga milestone sa buhay dahil sa quarantine, tulad ng
graduation o birthday celebration, kaya mo pa ring lumikha ng memories.
Ipagdiwang ang mga achievements at special occasions sa sariling paraan. Mag-
photoshoot, vlog, mini-ceremony, at virtual celebration sa social media kasama
ang iyong mga kaibigan at kamag-anak.
7. Maging isang smart at responsableng netizen. Dahil virtual na ang karamihan sa
ating connections, maging maingat at mapanuri online. Suriin ang mga
impormasyon at nakakasalamuha online.
8. Tumulong sa mga gawaing bahay hangga’t makakaya, lalo na’t kung nahihirapan
ang pamilya mo sa panahong ito dahil sa pagkawala ng trabaho o kakulangan ng
pangtustos sa mga pangaraw-araw na pangangailangan.
9. Kung kailangan ng kausap ay hindi ka nag-iisa. Makipag-chat o text sa mga
kaibigan o kamag-anak, o kaya nama’y tumawag sa mga National Mental Health
Crisis Hotline ng Department of Health (DOH)
10. Maging boses ng kabataan at magbigay-inspirasyon sa iba! Nakararanas tayong
lahat ng lungkot at hirap dahil sa krisis na ito. Makakatulong ang pag-unawa sa
isa’t isa, at pag-share ng saya at pag-asa.

Higit sa lahat, ngayong may pandemya, ang pinakamaiging paraan upang makaiwas
sa mga nakakapagod na boses sa ating mga utak, ay ang pagiging matatag at paghingi
ng tulong. Laging tatandaan na ang iyong nararamdaman ay hindi 'wala lang'. Hindi 'yan
simpleng pagkabalisa na maidadaan lamang sa pagtulog at pagpupuyat. Wag kang
mahihiyang humingi ng tulong sapagkat may nakikinig, at kung umabot muli sa puntong
ikaw ay kinakalaban ng iyong sarili at ng ‘yong mga insekyuridad, laging tatandaan, na
ang buhay mo ay mahalaga, at hindi magiging pareho ang mundo kung wala ka.
Padayon!

You might also like