Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

CTE STARTER PACK

John Bernard D. Degracia

Ibang-iba na talaga kapag nasa kolehiyo. Napakadaming mga pangyayari at kailangan sa


buhay ng isang estudyante. Minsan, nakalulungkot, nakatatakot at nakababahala. Pero,
kadalasan nama'y napakasaya. Narito si Juana, isang dalagang nangangarap maging guro.
Halina't ating tuklasin ang laman ng kanyang wonder backpack! Malay niyo, sa pagiging
estudyanteng-guro ninyo, may nakalimutan kayong banal na gamit na sa loob ng silid ay inyong
magagamit!

Una, huwag kalimutan ang 1x1 PICTURE! Ito ang pinakaimportante sa lahat. Pero
kadalasanan, havey din, sapagkat, imbes na disenteng larawan ang ipinapasa para sa seat
plan, walang kakabog sa mga crinop na graduation picture ni ateng at ang masaklap pa ay ang
mga selfie na puting-puti buhat sa filter na ginamit tulad ng Retrica at Camera 360.

Pangalawa, PAPEL. Uso sa CTE ang Lesson Plan kaya 'wag na 'wag kang magmamayabang
kung sa klase, ikaw ay pabuhat at tagahingi. Laging tandaan, kulang ang benteng pad paper
kung sa lesson plan na ginawa mo ay puno ng pulang puna ng teacher mo. Kaya kung ako sa
iyo, saka ka na magmayabang kung sa mga estratehiya at ispeling sa LP mo ay tama at
magkakakonektado!

Pangatlo, alam kong sa buhay ng isang estudyante, laging taggutom. Kaya huwag kalilimutan
ang BISCUIT na binili pa kay Aling Bebang, sapagkat, sa mga oras na nakatalikod si ma'am,
ikaw at mga kaibigan mo'y tamang subo lang. Hinay-hinay, baka ikaw ay mabilaukan.

Pang-apat, VICKS. Normal sa atin ang sumakit ang ulo buhat ng puyat at pagod sa kagagawa
ng LP. Hindi 'yan sign of aging [unless old ka na talaga, atwe]. Yung iba nga, nakatutulog sa
klase eh, atleast ikaw, tamang vicks pa lang, tamang dilat ng mata lang kahit tulog na sa
kaloob-looban.

Panglima, INDEX CARD. Oo, kinakatakutan pero kailangan ito. Ito ang nagsisilbing mahika ni
teacher sa tuwing recitation. Tamang flash and pick lang. Swertehan at dasalan na lang para
pagkabunot ng pangalan ay maiwasan.

Pang-anim, EXTRA CASH. Hindi ka pa man nakauupo, nakataas kilay na si Treasurer na nag-
aabang sa iyo sa may pintuan. Free education ba talaga? Hay nako. Ambagan pala para sa
teacher's day o 'di naman ay pahanda sa mga may birthday. Hep hep hep, `wag magmalinis,
dahil sa mga tirang pakain, ikaw naman ang nangunguna sa pagsupot ng pancit at chicken.
Pang-pito, KIKAY KITS. Ito yung bag na laman ng inyong bag. [Gets ba?] Ang ibig kong sabihin,
may seperate bag ito sa inyo sapagkat laman nito ang mga lipstick, pulbo, pabango, eye liner at
kung ano-ano pa. Pero, ambilis maubos no? Kapag nilabas mo kasi ito, instant friendly ka dahil
ultimo mga kaklase mong kontrabida, lalapit at hihingi ng pampaganda. [As if naman kung
gaganda pa sila!?]

Pangwalo, ALCOHOL. In demand ito mga sis. Tila ba si ex na kapag nilabas mo na, 'wag kang
umasang babalik pa dahil pinagpasa-pasahan na ito ng mga kaklase mong feeling neat.
Opppsss, iwas COVID-19 daw pala kaya yung isa mong kaklase, nagtransfer pa ng alcohol sa
container niya. Tipid tips ba, atwe ghourl?

Pangsiyam, ROSARYO. Ameeeennnn. Totoo 'to. Kapag nasa gitna ka ng peligro sa klase,
hawak ka dito. O 'di kaya'y kapag hirap sa right minus wrong na exam ni teacher, hawak ulit.
Pero ang pinakahavey, kapag natatae ka na sa klase at hindi ka makapa-excuse dahil sa hiya
mong mapagalitan at pagtawanan, bes, HAWAK KA LANG DITO. Sabi nga ni Cardo, "Kung
wala ka nang makapitan, kapit ka sa akin, kumapit ka sa akin, hindi kita bibitawan..."

Pangsampu at ang panghuli, UTAK. Tatak ng isang estudyanteng-guro ang pagiging talakera at
bungagera sa klase. Sa isang iglap, kayang makipagtalastasan sa kahit kanino man. Lalong-
lalo na sa mga paligsahan, hindi tayo natatalo diyan. Kung kaya't tamang hasa lang, sis! Huwag
kakalimutan, ang 'substance over form'. 'Di baleng ngarag basta ba fighting ang pag-iisip,
ghourl.

Nako, si Juana talaga. Daig pa si Dora sa daminng gamit niya. Hindi na ako magtataka kung
pati mapa ay bitbit niya. Ikaw, mayroon ka rin ba ng mga gamit tulad niya? Kung wala pa,
puwes, bumili ka na dahil sa pagiging estudyanteng-guro, ITO ANG MGA BIDA.

You might also like