Professional Documents
Culture Documents
Yunit II Word Docs
Yunit II Word Docs
Yunit II Word Docs
PANIMULA
Kilala ang Pilipinas bilang isang multilingguwal na bansa na dumanas ng
kolonyalisasyon mula sa mga makapangyarihang kontinente tulad ng Europa, Hilagang
Amerika at Asya na nagdulot ng malawakang impluwensya hindi lamang sa kabihasnan at
kultura ng mga Pilipino kung hindi maging sa sinasalitang wika na pundasyon ng ating pagka-
Pilipino. Lumipas na ang isang siglo mula noong matamo ng bansa ang kalayaan mula sa
kolonyalisasyon subalit buhay na buhay at damang-damang pa rin ang anino ng kawalan ng
kalayaan - sa paraan ng pamumuhay, sistema ng edukasyon lalo’t higit sa wikang ginagamit
bilang panturo sa iba’t ibang larangan.
Sa yunit na ito, pag-uusapan kung ano ang mga kursong nasa ilalim ng humanidades at
agham panlipunan at kung ano na nga ba ang kalagayan ng wikang Filipino sa mga larangang
ito. Ganoon din, mababasa rito ang ilang halimbawa ng artikulo sa humanidades at agham
panlipunan na gumamit ng wikang Filipino.
Mga Layunin:
1. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa,
pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.
2. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso at pananaliksik na
nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino.
3. Makapagpabasa at makapagbuod ng mga impormasyon mula sa ilang artikulo sa
humanidades at agham panlipunan.
NILALAMAN
Proseso
Sa kalahatan, may sinusunod na proseso sa pagsulat sa Agham Panlipunan. Ang mga ito
ay ang sumusunod:
a. Pagtukoy sa genre o anyo ng sulatin gaya ng binanggit sa itaas.
b. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa. Wala pa bang nakapgatatalakay nito? Kung mayroon na,
ano ang bagong perspektibang dala ng pagtalakay sa paksa? Paano ito maiiba?
c. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap. Karaniwang sa simula inilalagay ito
ngunit maaari ding sa gitna o sa hulihan. Sa ibang pagkakataon, hindi ito isinusulat ngunit
nalilinaw sa takbo ng pagtalakay.
d. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos. Maaaring gamitin ang interbyu, mass media,
internet, social media at new media, aklatan, sarbey, focus-group discussion, obserbasyon
at iba pa.
e. Pagkalap ng datos bilang ebidensya at suporta sa tesis.
f. Analisis ng ebidensya gamit ang lapit sa pagsusuring kuwantatibo, kuwalitatibo,
argumentatibo, deskriptibo, at etnograpiko.
g. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado (simula, gitna at wakas),
angkop, sapat at wastong paraan ng pagsulat.
h. Pagsasaayos ng sanggunian at talababa sa mga ginamit na sulatin ng ibang may-akda.
Layunin ng Pagsasalin
1. Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan
mula sa ibang wika.
2. Mailahok sa pambansang kamalayan ang iba’t ibang katutubong kalinangan mula sa iba’t
ibang wikang rehiyonal at pangkating etniko sa bansa.
3. Mapagyaman ang kamalayan sa iba’t ibang kultura mula sa pagbubukas ng bagong
mundo mula sa mga salin.
Uri ng Pagsasalin
1. Pagsasaling Pampanitikan - nilalayon na makalikha ng obra maestra batay sa orihinal
na akdang nakasulat sa ibang wika
2. Pagsasaling siyentipiko-teknikal - komunikasyon ang pangunahing layon
Iba naman ang estratehiyang ginamit ng mga Hapon upang mapaniwala ang mga Pilipino
sa kanilang adhikain sa bansa. Ayon pa rin kina San Juan et al., ang Greater East Co-Prosperity
Sphere na may slogang Asyano para sa mga Asyano ang propagandang inilahad ng mga Hapon
sa mga Pilipino. Ang panahong ito ang itinuring na Gintong Panahon ng Panitikan dahil sa
paggamit ng wikang Tagalog o Pilipino (Filipino ngayon) sa pagsulat at pilit na pag-aalis sa
sistema ng mga Pilipino ng wikang Ingles. Ilang mga akdang pampanitikan din ang naisalin
noong panahong ito. Kadalasang may paksang politikal at panlipunan ang mga dula noon
samantalang ang mga maiikling kwento naman ay nasa anyong panitikang pambata.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagsasalin, hindi lamang ng iba’t ibang akdang
pampanitikan kung hindi maging mga teknikal na akda. Naging napakalaking pangangailangan
ng pagsasalin sa kasalukuyang panahon dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ng
kompyuter at komunikasyon. Dahil dito, lalong lumakas ang pagkakakapit ng wikang Ingles sa
mga Pilipino dahil sa paniniwalang ito ang wika ng globalisasyon. Napakahalaga ng papel na
ginagampanan ng wika sa buhay ng bawat mamamayan, subalit mawawalan ito ng saysay o
kabuluhan kung hindi ito maiintindihan ng mga taong nakikinig o makababasa nito. Dito
pumasok ang pagsasalin, kung saan kailangan ang puspusang pagpapayabong at pagtataguyod sa
gawaing ito. Ang mga dalubhasa ay puspusan ang ginawa/ginagawang pagsasalin sa mga
pinakamahuhusay na akda, lokal man o banyaga upang lubos na maipabatid sa mga Pilipino ang
diwa at ganda ng iba’t ibang kultura at kahusayan ng iba’t ibang kaalaman. Nakilala sa gawaing
ito sina Rufino Alejandro, Belvez Paz, Virgilio Almario, Buenvinido Lumbera at marami pang
iba.