Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 10
Pananampalataya Mo,
Pasok sa Mundo ng Epiko

Unang Markahan
Ikaanim na Linggo
Modyul 6

Kasanayang Pampagkatuto:
1. Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga kinaharap na
suliranin ng tauhan
2. Naipaliliwanag ang mga alegoryang ginamit sa binasang akda

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang


lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong
gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng
panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng
modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil
madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri at magwasto sa iyong
mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang lawak ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para
lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa
pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na
ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga
bagong kaalaman at konseptona kailangang malinang sa
kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga
dating kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang
pangkalahatang ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng
may kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan
mo ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin

2
Aralin
Pagbibigay Interpretasyon sa
1 Binasang Akda

INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito,ikaw ay inaasahang:

1. Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang/nabasang epiko,


2. Naibibigay ang sariling interpretasyon sa kinakaharap na suliran ng tauhan

UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at pagkatapos isulat ang wastong
sagot.
1. Ang sumusunod na salita na maiuugnay sa salitang epiko ay_____.
A. kasaysayan B. kabayanihan C. opinyon D. Imbento

2. Sa pagbabasa ng epiko masasalamin sa bawat bansa ang kanilang_____.


A. kultura B. lenggwahe C. kasuotan D. politika

3. Isa sa mga katangiang taglay ng tauhan sa epiko ay_____.


A. kasikatan B. katapangan C. kabaitan D. kayabangan

4. Habang nasa digmaan ang kasintahan ay nanalangin ang dalaga nang


buong taimtim at nangako sa Panginoon at Mahal na Birhen na iaalay ang
sarili makabalik lamang ng buhay ang kasintahan. Masasabing ang dalaga
ay may_______.
A. pag-ibig B. pananampalataya C. pagmamahal D. kahinaan

5. Ang mahalagang bagay na makikita sa alinmang akda ay ang_____.


A. magandang katangian ng tauhan C. kagandahang asal
B. mga aral na matutuhan D. kalakasan ng tauhan

BALIK-TANAW
Sa bahaging ito, sukatin mo ang iyong sarili balikan mo ang dati mo ng alam
sa nagdaang aralin patungkol sa epiko.
Panuto: Hanapin at isulat sa iyong kwaderno ang mga salitang may kaugnayan sa
epiko. Maaaring pababa, pataas, pabaliktad o pahalang.

3
Bumuo ng konsepto batay sa nahanap na mga salita na may kaugnayan sa
salitang epiko. Isulat ito sa iyong kwaderno.
Salita
Salita

EPIKO Salita

Salita

Salita

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Ang mga salitang nasa itaas ay ang mga katangiang taglay ng epiko. Ang
babasahin mong halimbawa nito ay mula sa Slovenia bansa mula sa Rehiyong
Mediterrenean.
Sinasabing napakarami at iba’t iba ang paniniwala at kultura ng mga bansa
sa Mediterranean. Ito ay sa kadahilanang magkaiba ang naging pinagdaanan at
prinsipyo ng bawat lugar. Ang mga taga- Mediterranean ay naniniwalang sila ang
humubog at nagpabago ng lahat ng uri ng panitikan sa buong mundo dahil sila ang
nakatuklas ng sistema ng pagsusulat. Pinaniniwalaang sa kanila nagmula ang
maraming akda sa mitolohiya, epiko, nobela at iba pang panitikan. Sa panitikang
Mediterranean nakabatay ang halos lahat ng modernong panitikan ng mga bansa sa
ngayon. Nagiging tanyag ang pagiging pagkamalikhain at mahusay nito sa lahat ng
bagay. https://filipino33.wordpress.com/2016/08/17/panitikang-mediterranean/

Alam mo ba na ang bansang Slovenia ay may malaking populasyon ng


katoliko? kaya naman sa akda nila makikita ang pagpapahalaga nila sa relihiyon.
Matutunghayan mo ngayon kung paano hinarap ng tauhan na itinuring nilang bayani
ang pakikipaglaban lalo na sa relihiyon. Ang epikong ito ay naglalaman ng
pagkakakilanlan ng Slovene sa konteksto ng pagbabalik-loob sa Kristiyanismo.
Kung handa ka na simulan mo nang magbasa. Alam kong kayang-kaya mo!
Ang Pagbibinyag sa Savica
ni France Preseren
Saling Ingles ni Alasdair Mackinnon
at isinalin sa Filipino ni Rogelio G. Mangahas

Ang pagbibinyag sa Savica ay isang epikong Slovenian na tumatalakay sa


mga pangyayaring nagbigay daan upang ang mga Paganong Corinthian noong
ikasampung siglo ay maging binyagang Kristiyano.Sumentro ito sa pag-iibigan ng
dalawang pangunahing tauhan: si Crtomir, ang makisig at matapang na
mandirigmang Pagano na labis na nagmamahal sa kanyang kasintahan at si

4
Bogomila, isang dalagang maganda, inosente, at mahinhin subalit may matatag na
paninindigan.
Nagkahiwalay ang dalawa dahil sa pagsabak ni Crtomir sa isang digmaan sa
pagitan ng Paganong pinamunuan niya at ang mga Kristiyanong pinamumunuan ni
Valjhun sa Lambak ng Bohinj noong taong 772. Naging madugo ang digmaan at
dahil malakas ang nakalabang hukbo bukod pa sa kulang sila sa pagkain, natalo ang
pangkat nina Crtomir. Sa pagtapos ng digmaan ay tanging si Crtomir lamang ang
nakaligtas nang buhay. Lingid sa kanyang kaalaman, ang kanya palang kasintahang
si Bogomila na dating alagad ng kanilang diyosang Ciba ay hindi na isang Pagano.
Nagpabinyag ang dalaga at ngayon ay isa ng Kristiyano.Sa kabilang dako, habang
nasa digmaan ang kasintahan ay nanalangin nang buong taimtim at nangako ang
dalaga sa Panginoon at sa Mahal na Birhen na kung makababalik pa ng buhay si
Crtomir ay iaalay niya ang kanyang sarili at ang buong buhay sa pagsisilbi sa
Panginoon.
Nanikluhod at sinuyo ni Crtomir ang kasintahan para mabago ang desisyon
nito subalit buo na ang desisyon ni Bogomila tunay na nagpakita ng paninindigan ito.
Sa halip, kinumbinsi niya si Crtomir na yakapin ang pananampalatayang Kristiyano
at magpabinyag din tulad niya. Sa matiyagang pangungumbinsi ni Bogomila ay
napapayag din niya si Crtomir. Naganap ang pagbibinyag sa binata sa Talon ng
Savica.Sa dakong huli si Crtomir ay naging isang paring Kristiyano at tulad ng
kanyang dating kasintahan ay nag-alay ng kanyang at pagsisilbi para sa Panginoon.

Marasigan, V. E. & Del Rosario, M. (2017). Pinagyamang Pluma 10, Phoenix Publishing House.

GAWAIN
Gawain 1 Katangian Ko, Patunayan Mo!
Panuto: Ipakilala nang lubusan ang tauhan sa pamamagitan ng CHARACTER MAP.
Pumili sa bahagi ng akda na nagpapatunay at ipaliwanag ito.Kopyahin sa
kwaderno ang organizer at doon ito sagutan.

Patunay
Katangian

Crtomir

5
Gawain 2 Itala, Interpret
Panuto: Sa tulong ng iyong kaibigan, magtala ng naging suliranin ng
tauhan sa akdang binasa at tukuyin kung sino sa mga kakilala ang
kahalintulad nang dinanas ng tauhan na nagpakita ng katapatan at
pananampalataya. Magbigay ng interpretasyon ukol dito. Isulat ang
iyong sagot sa kwaderno.

Tauhan: Pangalan ng Kilala


____________ ________________
_
Suliranin Interpretasyon

Tauhan: Pangalan ng Kilala


____________ _______________
________________
Suliranin
_ Interpretsayon

Tauhan: Pangalan ng Kilala


____________ ______________
________________
Suliranin
_ Interpretasyon

Gawain 3 Bayani na Ako!


Panuto: Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na maging bayani tulad ng mga
tauhan sa nabasa/napanood na epiko,ilahad mo ang mga hakbang na
iyong gagawin upang masolusyunan ang lumalalang suliranin sa
bansa.

______________________ _____________________
______________________ _____________________
______________________ _____________________
______________________ _____________________
______________________ _____________________
________________ _____________________

6
TANDAAN

Ang Epiko o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na matatagpuan sa


iba’t ibang grupong etniko. Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan. Kwento ito ng
kabayanihan noong unang panahon na punong-puno ng mga kagila-gilalas na
pangyayari. Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng katangiang
nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga diyos o
diyosa.
Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’.
Ang mga ito ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa
bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluraning epiko.
Nahahati ang epiko sa dalawang uri.
Sinauna
Tinatawag na Sinaunang uri ito sapagkat ang mga tao noon ay mahihilig sa
mahahaba, malalalim na mga pananalita. Kaya ang mga Sinaunang Epiko ng mga
Pilipino ay mas nararapat na tawaging ethno-epic. Ito ay dahil ang nilalaman nito ay
ang bawat pangkat etniko at tumatalakay sa mga bayani ng bawat rehiyon at tribo.
Ito rin ay maaaring gawin nang nag-iisa o kaya naman ay grupo ng mga tao na
katulad ng isang chorus, na tumatakbo ng maraming araw at oras.
Makabagong Epiko
Ang uri ng epikong ito ay kadalasang napapalawig ito sa ibang anyo ng sining,
tulad ng sa teatrong epiko, mga pelikula, musika, nobela, palabas sa telebisyon at
kahit sa mga larong bidyo. Ang mga tema ng kabayanihan ay nagiging simboliko,
ginagamitan ng mga teknolohiya, at maging ang wika ay kaayon ngayon. Ngunit ang
mga tema ay gaya pa rin ng kuwento ng kadakilaan ng kabayanihan.
https://brainly.ph/question/81409

Upang masukat natin ang iyong mga natandaan na mga kaalaman sa iyong
binasa gawin mo ang pag-alam sa mga natutuhan.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Isulat mo sa iyong kwaderno ang letrang T kung sa palagay mo ang


pangungusap o pahayag ay tama at letrang M naman kung sa tingin mo ay
mali.
______1. Ang epiko ay kuwento ng kabayanihan na puno ng kagila-gilalas na
pangyayari.
______2. Ito ay galing sa salitang Griyego na “epos” na kahulugan ay awit.
______3. Ang Sinaunang uri ng epiko ay napalalawig sa ibang anyo ng sining tulad
ng teatro, pelikula,musika at iba pa.
______4. Makabagong uri ang tawag sa epiko kapag ang tema ng kabayanihan ay
ginamitan ng simbolo.
______5. Makatotohanan at realidad ng buhay ang ipinapakita ng tauhan sa epiko.
______6. Ang epikong “Ang Pagbibinyag sa Savica” ay nauuri sa makabagong
epiko.

7
______7. Ang kabuuan ng epikong ito ay tumatalakay sa relihiyon.
______8. Sa dakong huli ay hindi pa rin sumang-ayon si Crtomir sa kagustuhan ni
Bogomila.
______9. Ipinakita ni Bogomila ang kanyang pagmamahal kay Crtomir sa
pamamagitan ng pag-aalay ng kanyang sarili sa Panginoon.
______10. Sa di pagsang-ayon ni Crtomir sa hiling ng kasintahan ay nagpapatunay
lamang ang katapatan niya sa mga Pagano.

Wow! Naririto ka na sa huling bahagi nang pag-aral mo ng modyul na ito.


Kaya natitiyak ko na magtatagumpay ka sa pagsusulit na kasunod nito.

PANGWAKAS NA PAGSUBOK

Panuto: Basahin at pillin ang tanong sagot na makikita sa loob ng kahon sa ibaba
para sa bawat bilang. Gawin ito sa kwaderno.
1. Ang kabayanihan ng tauhan sa akda ay naipakita sa paggamit ng______.
2. Batay sa epikong binasa ninyo ang karaniwang taglay ng tauhan
ay__________.
3. Sa pagbabasa ng epiko masasalamin sa isang bansa ang
kanilang__________.
4. Ang paksa ng epikong “Ang Pagbibinyag sa Savica” ay nakatuon
sa__________.
5. Makikita sa epikong ito ang paniniwala ng mga taga__________.
6. Marami sa atin ang katulad ni Crtomir na naiimpluwensiyahan ng mahal
sa buhay maipakikita na siya ay________.
7. Dahil sa nangyayari sa atin sa kasalukuyan, ang mga tao saanman panig ng
mundo ay tulad ni Bogomila na may pananalig at ________.
8. Sa anumang pakikipagkasundo ang pinakamahalagang katangian na hindi
dapat mawala ay ang______.
9. Sa bandang huli si Crtomir ay naging pari, tulad niya pag tinawag tayo ng
tungkulin ng Panginoon tayo rin ay magiging________.
10. Ang magandang katangian na ipinamalas ni Bogomila na dapat nating
tularan sa pagdedesisyon ay ang kanyang_______.

A. tagapaglingkod F. pananampalataya
B. katapatan G. katapangan
C. pag-iibigan H. mapagmahal
D. slovenia I. simbolismo
E. kultura J. paninindigan

8
PAPEL SA REPLEKTIBONG PAKATUTO

MYDAY
Kung ikaw ay nakaharap sa iyong gadget at kasalukuyang nakabukas ang
iyong social media account mag-Myday/Story ka sa pamamagitan ng pagbuo ng
isang collage kung saan maipahahayag mo ang iyong natutuhan sa araw na ito.

Aralin

2 Pagpapaliwanag sa Simbolo

INAASAHAN
Sa pagtatapos ng modyul na ito,ikaw ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang alegoryang ginamit sa binasang akda,
2. Natutukoy ang mga bahaging napanood na tiyakang nagpapakita ng
ugnayan ng mga tauhan sa puwersa ng kalikasan.
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Isulat sa iyong kwaderno ang simbolong masaya__ __ kung wasto
ang isinasaad ng pangungusap at kung hindi ang inyong isusulat naman
ay simbolong malungkot___ ___

_______1. Ang alegorya ay nakatuon lamang sa pagbibigay ng literal na kahulugan.


_______2. Nakatutulong ang alegorya sa pagpapahayag ng ideyang abstrak,
mabubuting kaugalian, tauhan at isang pangyayaring makasaysayan,
panrelihiyon at panlipunan.

9
_______3. Sa video clip ng “Trojan Horse” mula sa pelikulang “Troy” ginamit ang
Kabayo bilang simbolo ng paglililo.
_______4. Sa pelikula rin na ito ipinapakita ang kaugnayan ng kalikasan sa
nangyayari sa paligid.
_______5. Mahalaga sa buhay ng tao ang katapatan sa pakikipagkasundo.

BALIK-TANAW

Muli mong sukatin ang iyong kaalaman, sa pagkakataong ito gamitin mo ang
iyong imahinasyon. Bigyan mo ng kahulugan ang mga larawan na nasa ibaba.
Pagkatapos iugnay mo ito sa nakaraang mong aralin. Gawin ito sa kwaderno.

__________
_________ ____________
___
Natukoy mo ba kung anong simbolo na kumakatawan sa mga larawan?
Madali lang hindi ba? Iyan ay ang mga salitang nakasalamuha mo sa nagdaang
aralin na may kaugnayan sa epiko. Malaking tulong ang paggamit ng mga sagisag
sa pagbasa ng akda.
Sa araling ito dagdag kaalaman na naman ang iyong makukuha sa
pagpapatuloy mo sa mga susunod na gawain.

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Bago ka magpatuloy bigyan muna natin ng pagpapaliwanag kung ano ba ang


tawag sa mga simbolong ginamit sa akda. Pamilyar ka ba sa salitang alegorya?
Ang alegorya ay isang kwento kung saan ang mga elemento nito tulad ng
tauhan, tagpuan at kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong kahulugan
at ibig sabihin. Ito ay maaaring basahin sa dalawang pamamaraan, ang literal at
simboliko o masagisag. Ang literal ay tiyak at tunay na pakahulugan sa salita
samantalang ang simboliko ay nagpapakita ng mga tagong kahulugan o iba pang
pagpapakahulugan.
httpsnl://brainly.ph/question/129404

MGA GAWAIN
Gawain 1 TalaSimbolo
Literal Lang ba o May Simbolo?

10
Panuto 1: Mula sa nabasang epiko .Isulat sa iyong kwaderno ang literal at
simbolismo ng salitang pagbibinyag.

PAGBIBINYAG

Simbolismo

Literal Iba pang kahulugan

Literal Iba pang kahulugan

Panuto 2: Isalaysay mo ang naging bahagi ng kabayong ito sa naging digmaan


sa Troy. Iugnay mo ito sa mga karanasan ng iyong pamilya, kaibigan at
mga kilala mo. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

https://www.pinterest.ph/pin/379639443574244106/

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 3 Graphic Organizer


Panuto: Balikan mo ang bahaging ito ng pelikulang “Troy” (Trojan Horse Video
Clip) maaaring panoorin sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=Td1uPq9K--E)
Ibigay ang tiyak na pangyayari na nagpapakita ng ugnayan sa puwersa
ng kalikasan. Sipiin ang graphic organizer na ito sa iyong kwaderno at
dito mo rin sagutan.

11
TROJAN

PANGYAYARI 1 PANGYAYARI 2 PANGYAYARI 3

UGNAYAN SA UGNAYAN SA UGNAYAN SA


PUWERSA NG PUWERSA NG PUWERSA NG
KALIKASAN KALIKASAN KALIKASAN

TANDAAN

1. Ang alegorya ay maaaring magpahayag ng isang ideyang abstrak,


mabubuting mga kaugalian, tauhan at isang pangyayaring makasaysayan,
panrelihiyon, at panlipunan. Ito rin ay nagsasalaysay na kung saan ang
tao, bagay at mga pangyayari ay nagtataglay ng naiibang kahulugan na
karaniwan, Nililikha upang magturo sa atin ng kagandahang asal o
magbigay ng komento tungkol sa kabutihan at kasamaan at nagbibigay o
nagpapahayag ng makabuluhang aral sa ating buhay.
2. Ito ay isang kapansin-pansing istilo na gumagamit ng mga kathang-isip na
mga tauhan at mga kaganapan upang ilarawan ang ilang paksa sa
pamamagitan ng pagpapahiwatig ng mga pagkakahawig. Ang mga
tauhan, tagpuan at pangyayari at iba sa alegorya ay may mahalagang
sinasagisag o sinisimbolo.
3...Simbolo o Sagisag ay isang bagay na nagrerepresenta, tumatayo o kaya
naman ay nagpapahiwatig ng isang ideya, larawan, paniniwala, aksyon o
kaya naman ng isang bagay

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto : Sipiin sa kwaderno at sagutan ang graphic organizer. Magtala ng mga


tauhan,kilos,lugar o pangyayari sa nabasang epiko. Ipaliwanag ang
simbolo o sagisag na ginamit dito.

12
Pamagat ng Epiko
________________
__

Tauhan Simbolo/Sagisag Paliwanag

Kilos Simbolo/Sagisag Paliwanag

Tagpuan Simbolo/Sagisag Paliwanag

Pangyayari Simbolo/Sagisag Paliwanag

Panuto: Isulat ang wastong salita gamit ang mga simbolo sa bawat bilang.
Sa panahon na tayo ngayo’y nahaharap sa krisis marami sa atin ang
nabibilang na buhay na bayani ng bayan tulad ng mga tauhan natin sa binasang
epiko ay nagpamalas ng iba’t iba nilang katangian na siyang kailangang taglayin
natin sa ating panahon. Isa sa nagpamalas niyan ay ang ating frontliners tulad din ni

Crtomir sila ay 1. na humarap sa pagsubok hindi nila alintana ang 2.


mailigtas lamang ang kanilang kababayan. Kung ang mga tauhan ng akdang binasa

ay tulad din natin na may3. sa paglilingkod sa mamamayan na


nangangailangan. Sa epikong ating nabasa o napanood, kung ang mga pangyayari

ang pag-uusapan 4. natin na ang isinulat ng may-akda ay totoong nagaganap


sa ating buhay. Naiiba lamang ang kaganapan sa akdang binasa sa ating buhay

dahil sila ay nabubuhay sa mahika samantalang tayo ay sa 5

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Tukuyin kung ano ang sinisimbolo ng mga nakaitim na salita sa
pangungusap. Piliin sa kahon at isulat ang tamang sagot sa kwaderno.
1. Sa panahong may isyung kinakaharap ang mundo, ang panalangin ang
matibay nating sandata upang mapagtagumpayan ito.
2. Bawat araw ng ating pakikibaka sa buhay hindi natin maiiwasan na may

13
isang Achilles tayong makakasalamuha kaya’t lagi tayong maging handa.
3. Sa pagdedeklara ng palasyo ng total lockdown ang mamamayang Pilipino
ay maayos na sumunod sa Pangulo.
4. Nagkaroon ng paglilitis sa kongreso tungkol sa tamang pagbabayad ng
buwis,pinairal nila sa kanilang isip at puso si Reyna Sentensiyada upang
makinabang ang mayaman o mahirap man sa kanilang desisyon.
5. Sa akdang ating nabasa ginamit ng Spartans ang kabayo upang matalo
nila sa Trojan Wars ang kanilang kalaban.

bitag kapangyarihan
katapangan mapanlinlang
lakas pagkakapantay-pantay

Panuto: Pusuan_ _ang mga pangyayari kung ito ay nagpapakita ng ugnayan

sa puwersa ng kalikasan at baligtad na tatsulok_____ naman kung hindi.


Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
6. Naglalakbay sila sa karagatan ng bigla silang sagupain nang malakas na
alon ngunit salamat sa kanilang pananampalataya sila ay nakaligtas sa
gitna ng karagatan.
7. Sa pagpapalit niya ng relihiyon, sinubok ang kanyang pananampalataya,
sunod- sunod at patong-patong ang mga suliraning kinaharap niya sa
buhay.
8. Habang siya ay naglalakad ang hanging dumarampi sa kanyang mukha ay
unti-unting lumalakas wari’y hinihigop siya sa gitna papunta sa kalawakan
kaya naman nang makakita siya ng malaking puno inilabas niya lahat ng
kanyang lakas at yumakap siya rito.
9. Ginanyak si Crtomir ng kanyang kasintahan na magpabinyag sa kristiyano
at iwan ang pagiging Pagano. Nagtalo ang kanyang isip at puso hindi siya
makapagpasya kung ano ang nararapat gawin.
10. Maraming mamamayan ang patuloy na nakikidigma sa COVID-19 at dahil
wala pang bakuna laban dito kaya patuloy din dumarami ang nagagapi sa
laban na ito.
PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO
Simbolo ko, Guhit ko
Gumuhit ng bagay na sumisimbolo sa natutuhan mo sa aralin. Ipaliwanag
kung bakit iyon ang napili. Isulat sa sagutang papel.

14
SANGGUNIAN
Marasigan, V. E. & Del Rosario, M. (2017). Pinagyamang Pluma 10, Phoenix Publishing House.
https://brainly.ph/question/89401
https://brainly.ph/question/129404
https://filipino33.wordpress.com/2016/08/17/panitikang-mediterranean/
https://www.shutterstock.com/search/similar/400973776
https://www.kindpng.com/imgv/bbRRxx_frame-mirror-picture-baroque-empty-plane-black-mirror/

Pangkat ng Tagapamanihala at Paglinang sa SLeM

Tagapamanihala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Museta DR Dantes, PSDS


Lucelma O. Carpio, HT VI
Manunulat: Irene A. Ilagan, MT I
Tagalapat: Evangeline P. De Leon, HT VI

SUSI SA PAGWAWASTO

Aralin 1 Aralin 2

PAUNANG PAGSUBOK PAUNANG PAGSUBOK

1. B
1.
2. A
2.
3. B
4. B 3.
5. D
4.

5.
BALIK-TANAW
Patula BALIK-TANAW
Salaysay 1. katapangan
Bayani 2. bayani
Kultura 3. pananampalataya
Kapangyarihan
15
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
SIMBOLO KO, HULAAN MO!
1. T 6. M
1. Matapang
2. T 7. T
2. Sakit
3. M 8. M
3. Puso
4. T 9. T
4. Masasalamin
5. M 10. T
5. Pananampalataya

PANGWAKAS NA PAGSUBOK
PANGWAKAS NA PAGSUBOK 1. katapangan 6.
1. I 6. H
2. mapanlinlang 7.
2. G 7. F
3. kapangyarihan 8.
3. E 8. G
4. C 9. A 4. pagkakapantay-pantay 9.
5. D 10. J 5. bitag 10.

16

You might also like