Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES


Tamag, Vigan City
2700 Ilocos Sur

Office of the Laboratory Schools

SENIOR HIGH SCHOOL


1st Term, School Year 2018-2019

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

Panukalang Proyekto

Bañaga, Jessy A.
12- STEM B

Mrs. Rosalina Pascua


Guro
I. Proponent ng Proyekto
Pinamumunuan ni: Jessy Bañaga
Lokasyon ng Proyekto: Tamag, Vigan City
Email address: banagajessy@icloud.com
Petsa: Nobyembre 27, 2020

II. Pamagat ng Proyekto

“Hydroponics para sa Bahay-Pangkabuhayan”


III. Obhetibo ng Proyekto
Ang Proyektong ito ay naglalayong masunod ang mga obhetibo:

 Upang mapa-lawig ang mga kakayahang pang-agrikultura ng mga pamilyang


kabilang sa proyekto.
 Ang Proyektong ito’y naglalayong mapalawak ang mga kasanayan ng katutubo o
mamamyan sa ibang klase ng pagtatanim.

IV. Mga Materyales

Kagamitan Bilang
Coir Dust 200 kilos
Tomato Seedlings 50
Water 400,000 ml
SNAP Solution 200 ml
Plastic Cover 5 pieces
Trowel 5 pieces
Cutter 5 pieces
Plastic Bottle 800 Bottles

V. Kabuuang Pondong Kailangan

Kabuuan
Kagamitan Bilang Halaga g Halaga
Coir Dust 200 kilos 10 2000
Tomato Seedlings 50 50 2500
Water 400,000 ml 0 0
SNAP Solution 200 ml 250/25 2000
Plastic Cover 5 pieces 12 60
Trowel 5 pieces 75 375
Cutter 5 pieces 20 100
Plastic Bottle 800 Bottles 0 0
Grand Total ₱ 7035
Ang pribadong sector ng AgriBusiness ang siyang pagkukunan ng Pondo.
VI. Rasyonal ng Proyekto

Ang Barangay Tamag sa kasalukuyang lumalago mula sa mga pasilidad ng paaralan,


milk tea o coffee shops, mga restawran ng Indian, sari-sari stores, mga bahay pa ng mga
ninuno, mga karinderia sa bangketa, samo’t saring ukay-ukay, mga computer shops, mga
dormitory at mga apartment, hospital, at iba pa. Ang nalalabing kakulangan sa paglago ng
komunidad ay ang mga lupang pang-agrikultura, kung saan maiaangat ang mga magsasaka,
ang kanilang kakayahan sa pagtanim hanggang sap ag-aani, na maaaring mapkapagbigay ng
sapat sa kanilang kailangan.

VII. Deskripsyon ng Proyekto

Isa sa mga kasanayan ng pagtatanim ay ang hydroponics, ginagamit na ito ng ilang


sibilisasyon sa nakaraan. Ang mga panlupa na pananim ay lumalago lamang dahil sa mga ugat
nito na pinananatili ng mga solusyon na may sapat na mineral sa mga kinakailangan ng halaman,
at ito’y sinusuportahan ng graba o inert medium. Ang pag-angat ng ekonomiya ng isang
komunidad ay nagsisimula sa bawat pamilya o sambahayan. Ang proyektong ito ay
makakatulong sa mga pamilyang nais ang magtanim ng bawas espasyo sa inaasahan, at
magtanim ng mga halaman na kanilang ninanais, mas mababang pondo sa inaasahan. May 100
na hydroponic plants na maipapamahagi sa bawat mamamayan ng Barangay, ang bawat sa kanila
ay maaaring makalikom ng sapat na paninda. Ang ponding kakailanganin ay ipapamahagi ng
pribadong sector ng AgriBusiness. Para naman sa mga plastic na bote ito’y malilikom sa tulong
ng mga Sanggunian ng Kabataan. Ang proyektong ito’y makakalikha din ng “Bayanihan sa
Plastic ni Juan”, dahil sa pagbawas ng plastic sa Barangay, makakatulong din ito sa pagbenta sa
mga apartment o dormitory sa loob at labas ng Barangay.

VIII. Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto

Una sa mga benepisyong dulot ng proyekto ay ang pagbabawas ng mga plastic sa kapaligiran
ng komunidad, isa sa mga sanhi ng pagbaha at karumihan sa kapaligiran ay ang pagtatapon ng
mga plastic na maaaring magipit sa mga kanal.
Ikalawa ay ang pagdagdag ng maiaambag sa ekonomiya ng Barangay pati na rin sa mismong
tahanan o pamilya.
Ikatlo, ang pagkakaroon ng “Green environment” sa kabila ng pagbabagong nagaganap sa
Barangay.

IX. Mga Taong Kabilang sa Proyekto

Ang Proyektong ito ay magiging matagumpay sa tulong ng mga indibidwal at pamilya,


kabilang ang Punong Barangay ng Barangay Tamag kasama ng mga Konsehal ng Barangay, at
iba pang kawani ng komunidad.
Inihanda ni:

Jessy Bañaga
Residente ng Barangay Tamag, Vigan City Ilocos Sur 2700

Inaprobahan ni:

Renato Rabot
Punong Barangay ng Tamag Vigan City Ilocos Sur 2700

You might also like