First Quarter Modules Esp 9

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 58

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao

1
Unang Markahan – Modyul 1:
Tulong sa Bayan, Isulong
Aralin

1 Tulong sa Bayan, Isulong

Ang modyul na ito ay ginawa upang mapahusay ang kaalaman at kakayahan sa


Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat na naaayon sa pamantayan ng araling
Edukasyon sa Pagpapakatao sa ika-9 na baitang.

Simulan ang modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na


nasa tekstong nasa ibaba.

Handa ka na ba?

Balikan

Narinig mo na ba ang kantang pinasikat ng Apo Hiking Society na


pinamagatang “Batang Batang Ka Pa” na may linyang, “marami ka pang kailangang
malaman at intindihin sa mundo”? Ibig sabihin na may mga bagay sa iyong paligid na
hindi mo maaring pakialaman dahil bata ka pa.

Napapansin mo ba ang sarili sa kasalukuyan? Nagkakaroon ka ba ng reaksyon


mo sa mga pangyayari sa iyong paligid? Kung oo, ibig sabihin ay mayroon ka nang
pakialam sa lipunang kinabibilangan mo. Nakikilala mo na hindi ka lamang
nabubuhay para sa iyong sarili; ikaw ay bahagi ng isang malawak na mundong iyong
kinabibilangan. Kung hindi naman, huwag kang mag-alala at darating din ang
pagkakataong mababago ang iyong pananaw sa buhay. Maaring naghihintay lamang
ito ng tamang pagkakataon. Maaaring makatulong ng malaki sa iyo ang aralin na ito.

2
Tuklasin

Gawain 1
Naaalala mo pa ba ang napag- aralan sa asignaturang Araling Panlipunan
patungkol sa iba’t ibang institusyong panlipunan? Sa pagkakataong ito ituon ang pansin
sa mga sumusunod:

• Paaralan

• Simbahan
• Pamilya
• Negosyo
• Pamahalaan

PANUTO: Gawin Mo!

1. Sumulat ng maikling paglalarawan ng bawat isang institusyon o sector


ng lipunan na naitala.

2. Pagkatapos, magsagawa ng pagsasaliksik sa mga ito, maaring sa internet


upang matukoy ang mga sumusunod:
3. Ano ang layunin ng bawat sektor?
4. Ano ang kontribusyon nito sa lipunan?
5. Ano ang nakikitang tunguhin ng mga ito sa kasalukuyan?
6. Ano ang kasalukuyang kalagayan nito sa ating bansa?
7. Nakatutulong ba ito sa pagkamit ng mga layunan ng lipunan?
Ipaliwanang ang bawat kasagutan.
Matapos maisagawa ang kabuuang proseso, sagutin ang sumusunod na mga
tanong:

1. Ano ang maaring maganap kung hindi matutupad ng mga sektor na ito
ang kanilang mga tungkulin sa lipunan?
2. Paano makatityak na makatutulong ang lahat ng sektor na ito upang
gawing matiwasay ang isang lipunan?
3. Kung magkakaroon ng iisang layunin ang lahat ng sektor na nabanggit,

3
ano kaya ang layunin na ito?
4. Paano makatutulong ang mga sektor na ito ng lipunan sa pagkamit ng
kaganapan ng iyong pagkatao?

Suriin

Ang ating pagiging kasama-ng-kapwa ay isang pagpapahalaga na nagbibigay ng


tunay na kaganapan sa ating pagkatao. Makakamit lamang ito kung makikilahok at
makikipamuhay ka sa kapwa.

TUNAY NA TUNGUHIN NG LIPUNAN

Ang kabutihan ng komunidad ay


nararapat bumalik sa lahat ng
indibidwal na kasapi nito.

KABUTIHANG PANLAHAT

“Kabutihang naayon sa moralidad ng tao at Likas na Batas Moral”

MGA ELEMENTO NG KABUTIHANG PANLAHAT


(Compendium of the Social Doctrine of the Church)

1. Ang paggalang sa indibidwal na tao – Dahil ang kabutihang panlahat ay


nagpapahalaga sa kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral kung hindi kilalanin
at pahahalagahan ang kaniyang dignidad.

2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan- Ang pag-unlad ang kabuuang


pokus ng panlipunang tungkuling kailangan maibigay sa mga tao. Karaniwang
sinusukat ito halimbawa sa mga pampublikong sistema ng

4
pangangalaga sa kalusugan; epektibong pampublikong pangkaligtasan at
seguridad; kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa mundo;
makatarungang sistemang legal at pampulitika; malinis na kapaligiran at
umuunlad na sistemang pang-ekonomiya.

3. Ang Kapayapaan- Ang pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan o kawalan ng


kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay tulad ng isip, kalooban,
pamilya, lipunang ginagalawan at iba pa, subalit ang kapayapaan ay resulta ng
pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan at kawalan ng kaguluhan. Ang
kapayapaan ay indikasyon ng pagkakaroon ng ng kabutihang panlahat

Pagyamanin

Gawain 2
Ayon kay John F. Kennedy- Dating pangulo ng Amerika, “Huwag mong itanong
kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang
magagawa mo para sa iyong bansa.”

1. Bilang isang mag-aaral, ano ang nagagawa mo para sa bayan lalo na sa panahon
ngayong may pandemic?
2. Iguhit ang iyong sagot.
3. Ipaliwanag ang iyong ginuhit upang mas maunawaan ng mga
mambabasa.

MGA PAMANTAYAN SA ISAHANG GAWAIN

Nilalaman – 10 puntos
Organisasyon-10 puntos
Presentasyon-5 puntos
Kabuuan - 25 puntos

5
Unang Markahan – Modyul 2: Sektor ng
Lipunan: Salamin ng Pagkatao at
Kabutihan
Aralin
Sektor ng Lipunan: Salamin ng
1 Pagkatao at Kabutihan

Sa dalawang taon mong pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao, nagkaroon ka ng


pagkakataong masuri ang iyong pananagutan sa sarili at sa iyong kapuwa. Ngayong
taon ay mamumulat ang iyong mga mata sa lipunang iyong ginagalawan. Napag-
aralan mo sa asignaturang Araling Panlipunan ang maraming bagay tungkol sa
lipunan, ang kahulugan nito, layunin at marami pang iba. Sa pagkakataong ito,
mauunawaan mo ang pagkakaiba at pagkakaugnay nito sa aralin sa Edukasyon sa
Pagpapakatao sa baitang na ito.

Balikan

Kung natatandaan mo, iyong natutunan ang kahalagahan ng mga Elemento Ng


KabutihangPanlahatsa unang aralin. Ang kabutihang panlahat ay naaayon sa moralidad ng
tao at Likas na Batas Moral.
Sa kasalukuyan, paano mo naipapakita ang paggalang sa iyong mga magulang
o sa mga nakatatanda sa iyo? Nagagawa mo ba ang pagmamano at pagsagot ng may
“po” at “opo”? Paano mo naipapakita na ikaw ay may paggalang sa iyong lipunang
kinabibilangan? Sinusunod mo ba ang mga alituntunin at mga batas na pinaiiral ng
ating pamahalaan? Sa anong paraan? Paano ka nakatutulong sa pagpapalaganap at
pagpapanatili ng kapayapaan? Sa anu-anong paraan mo naipapakita ang mga
gawaing ito?
Ito ang mga paraan upang napatunayan mo na iyong isinasaalang-alang ang
mga kabutihang panlahat.

6
Suriin

Ngayon, ating susuriin at tatalakayin ang unang gawain na iyong ginawa- ang
paggawa ng iskrip na binubuo ng ibat-ibang senaryo na nakapapaloob sa mga
elemento ng kabutihang panlahat.

Unang Senaryo

Naglalarawan ng isang buong pamilya na kung saan ipinapakita ang pag gabay
ng mga magulang sa kanilang mga anak katulad ng pagtuturo ng mabubuting asal,
pagtatama sa mga mali, pagpapaalala, at ang paghubog sa ating pagkatao.

Pangalawang Senaryo

Tinutulungan ng guro ang isang mag-aaral. Ang paaralan ang pangalawang


tahanan ng mga mag-aaral kung saan sila ay natututo at nagpapalago ng kaalaman.
Tulad ng tahanan, ang paaralan ay isang institusyon na gumagabay sa mga estudyante
upang mabuo ang kanilang mga pangarap kasabay sa paglinang ng kanilang ganap na
pagkatao.

Pangatlong Senaryo

Kalakalan. Pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa. Ito ang dahilan sa pag-


unlad ng ating komunidad sa tulong ng iba’t ibang mangangalakal na tumutugon sa
bawat pangangailangan ng mamamayan.

Pang-apat na Senaryo

Pag-ibig sa kapwa ang siyang dahilan kung bakit tayo ay hindi napapagod na
magbigay at mag-alay ng kung anumang mayroon tayo. Dito natin naipapamalas ang
malasakit sa mas higit na nangangailangan. Tumutugon tayo sa hinaing ng mga
nangangailangan kahit sa gitna ng unos.

Panglimang Senaryo

Hinaing ng masa. Ang bawat indibidwal ay may kanya kanyang prinsipyong


pinapairal. Sa pagkakaibang ito, ang pagtawag ng pansin sa ating pamahalaan ay
siyang daan upang marinig ang ating boses at matugunan ng naaayon upang
mapanatili ang kapayapaan at pagkakaisa.

Pang-anim na Senaryo
Pananampalataya. Magkakaiba man tayo ng paniniwala, ang ating
pananampalataya ang gumagabay sa atin upang igalang ang iba pang paniniwala.

7
Halimabawa: Ang pagkakaiba ng relihiyon ay hindi hadlang sa pagkamit ng
pagkakaisa at paggalang sa kapwa.
“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”. Kinakailangan ng taong
makibahagi at mamuhay sa LIPUNAN.
Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., isang propesor ng Pilosopiya, ang buhay ng tao ay
panlipunan.

Ano ang iyong sariling opinyon ukol sa mga katagang ito:


“Binubuo ng TAO ang LIPUNAN,
Binubuo ng LIPUNAN ang TAO”
Ipinapahiwatig ng mga katagang ito na walang lipunang mabubuo kung wala
ang mga tao dahil saklaw ng lipunan ang mga taong nasasakupan nito. Kinakailangan
ng taong makibahagi at mamuhay sa lipunan.

Ano nga ba ang Lipunan? LIPUNAN


a. nagmula sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang pangkat
b. Ang mga tao ay may kinabibilangang pangkat na mayroong iisang
tunguhin o layunin.

Ano naman ang Komunidad?

KOMUNIDAD
• nagmula sa salitang Latin na communis
• common o nagkakapareho
• binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali, o
pagpapahalaga na bahagi ng isang partikular na lugar
• mas nabibigyang-halaga ang natatanging katangian ng mga kasapi o
kabahagi

Ano ang Kabutihang Panlahat?


• Ito ay ang kabutihan para sa bawat isang indibdwal na nasa lipunan.
• Ito ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa
kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan.
• Ito ay tumutukoy sa kabutihang naaayon sa moralidad ng tao, sa Likas
na Batas Moral.
Napapansin mo ba kung ano na ang nangyayari sa ating lipunan? Maraming
mga bagay na hindi nagkakasundo o nagkakaroon ng alitan hindi lamang sa ating
bansa kundi maging sa buong mundo. Paano ba makakamit at mapananatili ang
kabutihang panlahat? Bakit mahalagang ito ay makamit at mapanatili?
Nakahanda ka na bang makaalam at makialam sa lipunang iyong ginagalawan?
Kung gayon, nakahanda na ang mga gawain para sa iyo.
Simulan mo na!

8
Pagyamanin

Gawain 1: Paghahanay
PANUTO. Hanapin sa HANAY B ang tinutukoy sa HANAY A.

HANAY A HANAY B

a. paaralan a. batas
b. simbahan b. magulang
c. pamilya c. paniniwala
d. mga negosyo d. pangkat ng tao
e. pamahalaan e. malasakit sa iba
f. lipunan f. kaalaman
g. institusyon g. ekononomiya
h. pakikipagkapwa-tao h. organisasyon
i. kabutihan i. pagbigay-galang
j. respeto j. malinis na kalooban

Gawain 2: Photo Collage


Panuto:

a. Bumuo ng photo collage na naglalarawan ng kabutihang panlahat gamit


ang recyclable materials sa isang cartolina.
b. Ipaliwanag ang mensahe ng iyang awtput at anong aral ang naidudulot nito
sa iyo at sa kapwa mo mag-aaral.
Pamantayan 5 7 10
Pagkamalikhain Hindi naging Naging malikhain Lubusang nagpamalas
malikhain sa sa pagbuo ng ng pagiging malikhain sa
pagbuo ng collage collage pagbuo ng collage
Kaangkupan sa Hindi angkop ang Angkop ang ilang Lubusang napakaangkop
paksa nabuong collage bahagi ng collage ng
nabuong collage
Presentasyon Hindi naging Naging malinaw Lubusang malinaw ang
malinaw ang ang intensyon o intensyon o detalyeng
intensyon o detalyeng ipinahahayag ng collage
detalyeng ipinahahayag ng
ipinahayag ng collage
collage
Mensahe Hindi angkop ang Angkop ang Lubusang angkop na
mensaheng mensaheng angkop ang mensahe
ipinahahatid ng ipinahahatid ng ng collage
collage collage
Kalinisan at Di malinis at Naging malinis at Lubusang napakalinis at
Kaayusan maayos ang maayos ang maayos ang
pagkakabuo ng pagkakabuo ng pagkakaguhit ng
collage collage collage
9
Gawain 3: Puno ng Kabutihang Panlahat
Panuto:
a. Lagyan ng angkop na salita ang mga parte ng puno gamit ang mga
elemento ng kabutihang panlahat. Gumamit ng malinis na papel (bond
paper).
b. Bigyan ng interpretasyon ang iyong ginawa.

Puno ng Kabutihan

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang


10 7 5
Nilalaman- 20% May
tuwirang kaugnayan Nagpamalas ng 4 Nagpamalas ng 3 Nagpamalas ng 2 mula
sa paksa Buo ang diwa mula sa 4 na mula sa 4 na sa 4 na pamantayan
Magkakaugnay pamantayan pamantayan
Makatotohanan

Pagbibigay ng Napakahusay at Mahusay at angkop Hindi mahusay at


interpretasyon- 10% napakaangkop sa sa diwa ng nilalaman hindi angkop sa diwa
diwa ng nilalaman ang ng nilalaman ang
ang pagpapakahulugan/ pagpapakahulugan/
pagpapakahulugan/ interpretasyon interpretasyon
interpretasyon

10
Unang Markahan – Modyul 3:
Pinagtagpi-tagping Baro
Aralin
Layunin ng Lipunan:
1 Kabutihang Panlahat
Ang modyul na ito ay ginawa upang mapahusay ang kaalaman at kakayahan sa
Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat sa pamagat na “Pinagtagpi-tagping Baro”
na naaayon sa pamantayan ng araling Edukasyon sa Pagpapakatao sa ika-9 na
baitang.

Simulan ang modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nasa


tekstong nasa ibaba.

Balikan

Narinig mo na ba ang kantang pinasikat ng Apo Hiking Society na


pinamagatang “Batang Batang Ka Pa” na may linyang, “marami ka pang kailangang
malaman at intindihin sa mundo”. Ibig sabihin na may mga bagay sa iyong paligid na
hindi mo maaring pakialaman dahil bata ka pa.

Napapansin mo ba ang sarili sa kasalukuyan? Nagkakaroon ka ba ng reaksyon


mo sa mga pangyayari sa iyong paligid? Kung oo, ibig sabihin ay mayroon ka ng
pakialam sa lipunang kinabibilangan mo. Nakikilala mo na hindi ka lamang
nabubuhay para sa iyong sarili, ikaw ay bahagi ng isang malawak na mundong iyong
kinabibilangan. Kung hindi naman, huwag kang mag-alala at darating din ang
pagkakataong mababago ang iyong pananaw sa buhay. Maaring naghihintay lamang
ito ng tamang pagkakataon. Maaaring makatulong nang malaki sa iyo ang aralin na
ito.

Tuklasin

Gawain 1:

1. Gamitin ang sariling imahinasyon sa paglalarawan ng isang matiwasay o


maayos na lipunan o komunidad.
2. Ipakita ito sa pamamagitan ng pagguhit sa iyong kwaderno.

11
Suriin

Ang pagiging kasama-ng-kapwa ay isang pagpapahalaga na nagbibigay ng


tunay na kaganapan sa ating pagkatao. Makakamit lamang ito kung makikilahok at
makikipamuhay ka sa kapwa.

LIPUNAN

-lipon

-pangkat

Ang mga taong mayroong kinabibilangang pangkat na mayroong iisang


tunguhin. Ang lipunan o pangkat ng mga indibidwal ay patungo sa iisang layunin.

KOLEKTIBO

Ang pagtingin sa bawat kasapi nito ngunit hindi binubura ang indididwalidad
ng mga kasapi.

KOMUNIDAD

-communis
-common
-Nagkakapareho
-Binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali, o
pagpapaphalagang bahagi ng isang partikular na lugar.
-Mas nabibigyang halaga ang natatanging katangian ng mga kasapi o
kabahagi

2 Mahalagang Dahilan sa Paghahanap ng Mabuhay sa Lipunan


(Jacques Maritain – The Person and the Common Good)

1. Dahil sa katotohanang hindi siya nilikhang perpekto at dahil likas sa


kanya ang magbahagi sa kanyang kapwa ng kaalaman at pagmamahal.

2. Hinahanap ng taong mamuhay sa lipunan dahil sa kanyang


pangangailangan mula sa materyal na kalikasan.

“Binubuo ng TAO ang LIPUNAN,


Binubuo ng LIPUNAN ang TAO

Tunay na Tunguhin ng Lipunan

Ang kabutihan ng komunidad ay nararapat bumalik sa lahat ng indibidwal


na kasapi nito.

12
Kabutihang Panlahat

Kabutihang naayon sa moralidad ng tao at Likas na Batas Moral.

Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat


(Compendium of the Social Doctrine of the Church)

1. Ang paggalang sa indibidwalidad ng tao


2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan
3. Ang Kapayapaan

Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat

1. Nakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit


tinatangihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.
2. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.
3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya
kaysa nagagawa ng iba.

Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat


(Social Morals – Joseph de Torre)

1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang


malaya gabay ang diyalogo, pagmamahal at katarungan.

2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na pahalagahan.

3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kanyang


kaganapan.

“Hindi namimili ng edad o antas sa buhay ang pagtiyak na mananaig ang kabutihang
panlahat. Ito ay nakabatay sa iyong puso at pagmamalasakit sa iyong kapwa.”

Pagyamanin

Gawain 2:
1. Mula sa larawang iginuhit sa Gawain 1, isulat ang mga bagay na
nagpapakita ng isang matiwasay na lipunan.

2. Batay sa larawang inyong iginuhit, ipaliwanag kung paano ito


nakatulong upang makabuo ng isang matiwasay na lipunan.

13
– 25 puntos

Karagdagang Gawain

Pagkakawang-gawa
1. Pumili ng isang gawain na iyong maitutulong sa panahon ng krisis o pandemia
(Covid-19):

o Gumawa ng mga mask at PPE.


o Gumawa ng Slogan/video ng pagpapasalamat para sa mga frontliners
o Sumama sa mga kilusan ng barangay sa pamamahagi ng relief goods
o Mamahagi ng mga pangunahing pangangailangan sa mga lubos na
nangangailangan
2. Gumawa/Lakipan ng dokyumentasyon mula sa napiling gawain sa itaas.

10 7 4 1
Nilalaman Ang Di gaanong Medyo Walang
mensahe ay naipakita ang magulo ang mensaheng
mabisang mensahe mensahe naipakita
naipakita
Kaugnayan May Di gaanong Kaunti lang Walang
malaking may ang kaugnayan
kaugnayan kaugnayan kaugnayan sa paksa
sa paksa sa paksa sa paksa
Kalinisan Malinis na Malinis ang Di gaanong Marumi ang
malinis ang pagkakabuo malinis ang pagkakabuo
kabuuan pagkakabuo
Kabuuan

14
Unang Markahan – Modyul 4:
Layunin ng Lipunan:
Kabutihang Panlahat, Lahat
Maiaangat

aralin Layunin ng Lipunan: Kabutihang


Panlahat, Lahat
1 Maiaangat
Ang modyul na ito ay ginawa upang mapahusay ang kaalaman at kakayahan sa Layunin
ng Lipunan: Kabutihang Panlahat na naaayon sa pamantayan ng araling Edukasyon sa
Pagpapakatao sa ika-9 na baitang.

Simulan ang modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nasa


tekstong nasa ibaba.

Balikan

Iyong natutunan ang kahalagahan ng mga Elemento Ng Kabutihang Panglahat sa


unang aralin. Ang kabutihang panglahat ay naaayon sa moralidad ng tao at Likas na Batas
Moral.
Sa kasalukuyan, paano mo naipakikita ang paggalang sa iyong mga magulang o sa mga
nakatatanda sa iyo? Nagagawa mo ba ang pagmamano at pagsasagot ng may “po” at “opo”?
Paano mo naipakikita na ikaw ay may paggalang sa iyong lipunang kinabibilangan? Sinusunod
mo ba ang mga alituntunin at mga batas na pinaiiral ng ating pamahalaan? Sa anong paraan?
Paano ka nakatutulong sa pagpapalaganap at pagpapanatili ng kapayapaan? Sa anu-anong
paraan mo naipapakita ang mga gawaing ito?

Ito ang mga paraan upang napatuyan mo na iyong isinasaalang-alang ang mga
kabutihang panglahat.

15
Suriin

Ang ating pagiging kasama-ng-kapwa ay isang pagpapahalaga na nagbibigay ng tunay


na kaganapan sa ating pagkatao. Makakamit lamang ito kung makikilahok at makikipamuhay
ka sa kapwa.
Magbigay ng sariling opinion ukol sa mga katagang ito:
“Binubuo ng TAO ang LIPUNAN, Binubuo ng LIPUNAN ang TAO”

Ipinapahiwatig ng mga katagang ito na walang lipunang mabubuo kung wala ang mga
tao dahil saklaw ng lipunan ang mga taong nasasakupan nito.
PAMILYA
- Pangunahing yunit ng lipunan
- Lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang tao na magkaugnay sa dugo, sa bisa ng
sakramento ng kasal o sa pamamagitan ng pag-aampon o paninirahan sa isang
tirahan.

PAARALAN
- Isang organisasyon, institusyon o lugar kung saan hinuhubog at nililinang ang
kaisipang moral, pisikal at spiritual ng mga mag-aaral.

LIPUNAN
- Isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga
huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang
kultura at/o mga institusyon.

KOMUNIDAD
- Ito ay maaaring isang pangkat ng nag-uugnayang mga tao, na nabubuhay na
magkakalapit, na ang kalapitan ay ayon sa puwang, oras o ugnayan.

KABUTIHANG PANLAHAT
MGA HADLANG SA PAGKAMIT NG KABUTIHANG PANLAHAT

1. Nakikinabang sa benepisyo hatid ng kabutihang panlahat, subalit


tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit
nito.
2. Mga indibidwal na may personal na mithiin.
3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiambag sa
organisasyong mithiin.

16
Isaisip

Gawain 1:
PANUTO. Piliin ang titik na may tamang kahulugan na nasa kahon at isulat sa patlang ng
bawat aytem.

a. Tulong c. Pamayanan e. Batas


b. Bayanihan d. Anti-korapsyon f. Karapatan

1. Nagpapakita ng pagtutulungan, pagdadamayan at pagkakaisa.


2. Pamamahagi ng pagkain, damit at pera sa mga mahihirap.
3. Ito ay karaniwang tumutukoy sa isang yunit na panlipunan o pakikipagkapwa na
mas malaki kaysa sa isang tahanan, mag-anak o pamamahay na may pinagsasaluhang
karaniwang mga pagpapahalaga at may matibay na pagsasamahang panlipunan.
4. Ito ay mga alituntunin sa magandang asal na nag-uutos o nagbabawal sa pagitan
ng tao at kapisan.
5. Ang kapangyarihan o kalayaan na matarog na ipinagkaloob ng sinuman.

Unang Markahan – Modyul 5:


Tayo’y Sumunod at Makiisa
Aralin
Lipunang Pang-pulitikal
1
Lipunang Pulitikal
Ano ba ang lipunang pulitikal? Gaano ba ito kahalaga? Ano naman ang
prinsipyong subsidiarity? Mahalaga ba ito? Anu-ano naman ang epekto nito sa ating
lipunan? Ano naman ang prinsipyo ng pagkakaisa? Gaano ito kahalaga at anu-ano
naman ang epekto nito sa ating lipunan? Madaming mga indibidwal ang nagtatanong
kung ano talaga ang halaga nang politika sa lipunan. Anu- ano ang mga papel na
ginagampanan nito sa lipunan? Minsan napapatanong sila kung kailangan pa ba
talaga ng mga mamamayan nang lipunang pulitikal?

Ang salitang pulitika ay tumutukoy sa mga pinuno ng gobyerno, mga


mambabatas at ang lipunan at mamamayan. Ang salitang pulitika ay mula sa Greek
na salitang “polis” na nagpapahiwatig ng parehong elemento ng pamahalaan at
katulad ng pamayanang pang-estado sa lahat. Ang politika ay talagang naroroon
17
kapag mayroong isang koleksyon ng mga tao na bumubuo ng isang pamayanan. Ang
lipunang pulitikal ay sinasabing isang hanay ng mga aksyon o pangyayari na nag-
aangat ng mga katanungan sa komunidad o lipunan sa kabuuan. Ang kanilang mga
gawain, pagplaplano at desisyon ay may malaking epekto sa pangkalahatang
populasyon sa isang partikular na oras.

Ito ay ang kasanayan at teorya na mang-impluwensya ng mga tao, civic man o


indibidwal na mga antas - ito ay tumutukoy sa pagkamit ng katungkulan,
kapangyarihan at mga posisyon ng pamumuno- maituturing na organisadong kontrol
sa isang tao sa komunidad, lalo na sa estado. May iba't ibang pamamaraan para
trabahuhin ang pulitika, kung saan kasama sa pagpo-promote ng sarili nitong
persepsyon, pag-aayos ng iba pang mga pampulitikang paksa, paggawa ng mga batas,
at paggamit ng kapangyarihan/puwersa, at kabilang ang digma laban sa mga
adbersaryo.

Ang lipunang pulitikal ay binubuo ng mga pinuno at lider ng gobyerno. Ang mga
indibidwal na ito ay nagbubuo ng mga panukalang batas, nagmumungkahi ng mga
patakaran at nagtataguyod ng kanilang mga pananaw sa kung paano mapahusay ang
pagganap ng ekonomiya ng bansa. Minsan ang ating lipunang pulitikal ang
nakakatulong sa atin na makamit natin ang mga pangangailangan gaya nang
edukasyon, tahimik na pamayanan at iba pang importanteng serbisyo sa komunidad.
Madami ang hindi nakakaintindi sa tunay na halaga nang lipunang pulitikal dahil sa
mga maling hakahaka ukol sa mga kontirbusyon nito sa pamayanan.

Ang lipunang pulitikal ay may kakayahang gumawa ng mga pagbabago batay


sa kanilang mga pananaw sa kung paano dapat pangasiwaan ang mga importanteng
mga pangangailangan ng isang komunidad. Ang lipunang pulitikal ay laging
nauugnay sa salitang kapangyarihan. Ito ay nangangasiwa ng ating pamayanan, ang
mga material na pangangailangan nito at lalo na ang katahimikan at kapayapaan. Ito
ay naglalayon na paganahin ang mga miyembro ng isang lipunan na kolektibong
makamit ang mga mahahalagang layunin ng tao na hindi nila makamit nang paisa-
isa. Ang ating mga pinuno ang siyang taga gawa ng mga hakbang at plano ukol sa mga
programang makakatulong sa mga mamamayan na magkaroon nang matiwasay na
pamumuhay.

Ito ay ginagamit sa isang malawak na hanay ng mga sosyal na antas, mula sa


tribo ng tradisyonal na lipunan, sa pamamagitan ng modernong mga lokal na
pamahalaan, mga kumpanya at institusyon ng hanggang sa pinakamataas na punong-
estado hanggang sa pang-internasyonal na antas. Isang pampulitikang sistema ay
tumutukoy sa katanggap-tanggap na mga pamamaraang pampulitika sa loob ng isang
tiyak na lipunan. - sa kasaysayan, ito ay pag-iisip na mahihinuha mula sa sinaunang
panahon na matagumpay na gumana tulad ng Republika ni Plato, pulitika ni Aristotle
at ang opus ni Confucius.

Ang prinsipyo ng subsidiarity ay ang pakikipagtulungan ng pamahalaan sa mga


mamamayan para sa ikauunlad nito. Maaaring pairalin ang prinsipyo ng subsidiarity
sa pamilya kung ang lahat ng miyembro nito ay makikipagtulungan sa bawat isa.
Halimbawa, ang mga gawaing-bahay na maaaring paghatian ng bawat isa, tiyak
18
makatutulong ito sa ikauunlad at pagkakabuklod ng pamilya. Ang pagkakaroon ng
pagkakaisa sa bawat pamilya ang simula upang mas maisagawa ito sa ating lipunan.
Nagmula ito sa salitang subsidium (Latin) na ang kahulugan ay tulong. Ito ay
ipinakikita na likas sa isang panlipunang gawain ang pagbibigay- tulong o suporta sa
lahat ng kasapi ng lipunan. Ang subsidiarity ay nangangahulugan na ang mga bagay ay
naisasagawa sa antas ng pamayanan sa tulong ng mga naroroon sa mas mataas na
antas ng lipunan, hangga’t maaari. Ang pagtulong ay isang virtue na taglay ng isang
tao na handang ialay kahit ang sarili para sa kabutihang panlahat. Ang
pagmamamalasakit ay nakikita sa mga pagsuporta tulad ng pakikilahok sa programa
ng komunidad na makatutulong sa paglutas ng mga suliranin nito.

Balikan
Gawain 1: Pagtatapat- tapat.

Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap sa Hanay A at itapat ito sa mga salitang
tinutukoy nito na nasa Hanay B. Isulat ang letra ng iyong sagot sa patlang bago ang
bawat aytem.

Hanay A Hanay B
1. Tumutukoy ng parehong element ng a. Estado
pamahalaan at katulad ng pamayanang b. John Dewey
pang-estado sa lahat c. Polis
2. Salitang lagging nauugnay sa pulitika d. Batas
3. Philosopher na nagsimula sa konseptong e. Programa
pulitika f. Kapangyarihan
4. Pinapangasiwaan ng mga pinuno ng g. Pamayanan
pulitika h. Aristole
5. Mga sinasagawa ng mga pinuno upang matiyak i. Politiko
ang matiwasay na pamumuhay ng
mga mamamayan

Suriin

Ano an g idea mo ng prinsipyong Ano


subsidiarity? naman ang prinsipyong kakaisa?
solidarity o pag
sipyo ng subsidiarity ay tinatawag na secondary importance. Likas
Ang prin
sa mga tao na pangunahing tuonan ng pansin ang kanilang mga sarili at pamilya.
Mahalagang maging isa sa ating mga pagpapahalaga ang maiukol sa pamayanan
bilang bahagi ng komunidad, sapagkat makatutulong ito sa proseso ng lipunan.

Ang tungkulin ng pamahalaan ay matulungan ang mga mamamayan na


magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila. Ang mga tungkulin naman ng mga
mamamayan ay ang magtulungan. Mahalaga ang bayan sa bawat isa kaya dapat na
19
pahalagahan din natin ito. Higit na makakatulong sa pagtataguyod ng isang maunlad
at mapayapang pamayanan, ganoon din sa ating pamilya ang dalawang prinsipyo na
ito.

Ang prinsipyo ng solidarity ay tinatawag ding prinsipyo ng pagkakaisa. Sa


prinsipyo na ito, kung ano ang gusto ng mga pinamumunuan o mamamayan ay siyang
gagawin ng pinuno at ang pinamumunuan ay kailangan na sumusunod sa giya ng
kanilang pinuno. Ito ay tungkol sa interes kung saan ang pinakamahalaga ay ang
kapakanan ng lahat at kung ano ang interes ng nakararami ay siyang papangibabawin.
Ito rin ay tungkol sa responsibilidad kung saan ganap na tinutugunan ng bawat
indibidwal ang gampaning nakaatang sa kanya. Ito ay mahalaga upang magkaroon ng
mabilis na pag-unlad ang pamayanang kanyang kinabibilangan.

Isaisip
Gawain 2: Punan ang Patlang
Panuto: Basahing maigi ang mga pangungusap. Punan ng tamang sagot ang bawat
patlang na makikita sa loob ng kahon sa ibaba.

1. Kapag tayo ay may pagkakaisa, tayo ay nagiging at buo.


2. Ang pagkakaisa ay isang gawain na naglalayon ng iisang puso, iisang
damdamin at iisang .
3. Tayo ay nagkakaroon ng hindi lamang sa ating sarili, sa pamilya
pati na rin sa ating bayan.
4. Tayo rin ay hindi lamang sa pamilya kundi pati sa ating
ekonomiya.
5. I-rerespeto ang mga ng bawat isa at pakinggan ang ng
bawat isa.
6. Kung sa eskwelahan, halimbawa mayroon kayong project na pinapagawa ng
iyong guro, mas kinakailangan na mayroon kayong pagkakaisa sa paggawa ng
dapat gawin upang maging maganda ang nito.
7. Kung sa ating bansa naman, mas mabuti ang magkaisa upang hindi magkaroon
ng hindi .
8. Ang nagkakaisang bansa ay mayroong mabuti at masaganang .
9. Tayo ay nagkakaroon ng iisang mithiin na nagdudulot ng at
sa ating bansa.
Isagawa
Gawain 3. Paggawa ng SLOGAN
Layunin:
1. Mailarawan ang dahilan ng pagkakaroon ng lipunang pulitikal
2. Mailarawan ang kahulugan ng prinsipyo ng subdisiarity at pagkakaisa
3. Maikukumpara ang dalawang prinsipyo sa pamamagitan ng mga halimbawa

Mga Gagamitin:
Kartolina, Krayola, Water Color, Lapis, Permanent Marker, Ruler
20
Panuto: Basahin ang nasa ibaba.
1. Sa isang Kartolina gumawa ng isang slogan na magpapakita ng iyong
naintindihan tungkol sa paksa ng lipunang pulitikal. Ipakita din ang kahulugan
ng pinsipyong subsidiarity at pagkakaisa.
2. Ang iyong output ay susuriin gamit ang Rubrics na ito:
MGA Puntos
KRAYTERYA 4 3 2 1
Pagkamalikhain Lubos na Naging Hindi gaanong Walang
nagpamalas ng malikhain sa naging ipinamalas na
pagkamalikhai n paghahanda. malikhain sa pagkamalikha in
sa paghahanda. sa paghahanda.
paghahanda.

Pamamahala Ginamit ang Ginamit ang Naisumite Hindi handa


ng Oras sapat na oras sa oras na dahil at hindi
paggawa ng itinakda sa binantayan tapos.
sariling disenyo paggawa at ng guro
sa naibigay sa
gawain. tamang oras.
Presentasyon Lubhang naging Naging malinaw Hindi Hindi naging
malinaw ang ang pagbigkas at gaanong malinaw ang
pagbigkas at paghahatid ng malinaw ang pagbigkas/pa
paghahatid ng mensahe. pagbigkas at ghahatid ng
mensahe. paghahatid mensahe.
ng mensahe.
Organisasyon Buo ang May kaishan at Konsistent, Hindi ganap ang
kaisipan may sapat na may pagkakabuo,
konsistent, detalye at kaisahan, kulang ang
kumpleto ang malinaw na kulang sa detalye at di-
detalye at intension. detalye at malinaw ang
napalinaw. hindi gaanong intensyon
malinaw ang
intension
Kaangkupan Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
sa Paksa angkop ang mga salita o angkop ang ang mga salita
mga salita islogan sa mga salita at larawan sa
(islogan) at larawan ng atlarawan sa paksa.
larawan sa paksa. paksa
paksa.
Kabuuang
Puntos

21
Tayahin
Gawain 4: Pagpapasya
Isulat sa patlang ang TAMA kung ang isinasaad ng mga pangungusap ay
katotohanan at MALI kung hindi.

1. Ang layunin ng politika ay upang paganahin ang mga miyembro ng isang


lipunan na kolektibong makamit ang mga mahahalagang layunin ng tao
na hindi nila makamit nang paisa-isa.

2. Ang ating mga pinuno ang siyang tagagawa nang mga hakbang at plano
ukol sa mga programang makakatulong sa mga mamamayan na
magkaroon nang matiwasay na pamumuhay.

3. Pag wala ang lipunang pulitikal kaya pa ring makamtan ang


kapayapaan at matiwasay na pamumuhay sa isang baryo o lungsod.

4. Isa sa magandang epekto ng sistemang pulitikal na ginagamit ang


prinsipyong subsidiarity ay ang inisyatibo ng indibidwal at grupo ay
nabibigyan ng maximum na saklaw upang malutas ang mga problema.

5. Madami ang hindi nakakaintindi sa tunay na halaga ng lipunang


pulitikal dahil sa mga maling hakahaka ukol sa mga kontirbusyon nito
sa pamayanan.

6. Ang lipunang pulitikal ay laging nauugnay sa salitang


kapangyarihan.

7. Sa isang lipunan maaring sundin natin ang kahit sinong magbibigay


nang panuto, gabay o batas at opinion nang kahit sinong myemro nito
kahit na ito ay magdudulot nang kaguluhan.

8. Ang lipunang pulitikal ay ang nangangasiwa ng ating pamayanan, ang


mga material na pangangailangan nito at lalo na ang katahimikan at
kapayapaan.

9. Minsan ang ating lipunang pulitikal ang nakakatulong sa atin na


makamit natin ang mga pangangailangan gaya nang edukasyon,
tahimik na pamayanan at iba pang importanteng serbisyo sa
komunidad.

10. Ang ating lipunang pulitikal ang siyang pangangasiwaan ng mga


mamamayan upang magkaroon sila nang magandang kabuhayan.

22
Unang Markahan – Modyul 6
Salamin ng Lipunan

Aralin LIPUNANG PAMPOLITIKA,


PRINSIPYO NG
SUBSIDIARITY AT

Ang modyul na ito ay ginawa upang mapahusay ang kaalaman at kakayahan sa


Salamin at Lipunan na naaayon sa pamantayan ng araling Edukasyon sa
Pagpapakatao sa ika-9 na baitang.
Simulan ang modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nasa
tekstong nasa ibaba.

Balikan
Iyong natutunan ang kahalagahan ng mga Elemento Ng Kabutihang Panglahat
sa unang aralin. Ang kabutihang panglahat ay naaayon sa moralidad ng tao at Likas
na Batas Moral.
Sa kasalukuyan, paano mo naipakikita ang paggalang sa iyong mga magulang o sa
mga nakatatanda sa iyo? Nagagawa mo ba ang pagmamano at pagsagot ng may “po”
at “opo”? Paano mo naipakikita na ikaw ay may paggalang sa iyong lipunang
kinabibilangan? Sinusunod mo ba ang mga alituntunin at mga batas na pinaiiral ng
ating pamahalaan? Sa anong paraan? Paano ka nakatutulong sa pagpapalaganap at
pagpapanatili ng kapayapaan? Sa anu-anong paraan mo naipapakita ang mga
gawaing ito?
Ito ang mga paraan upang napatuyan mo na iyong isinasaalang-alang ang mga
kabutihang panglahat.

Suriin
Narinig mo na ba ang kasabihang, “Ang tanging kailangan upang magtagumpay ang
kasamaan ay ang hindi pagkilos ng mga mabubuting tao.” (All that is necessary for
the triumph of evil is that good men do nothing)? Kung minsan, hindi naman
sinasadya ng mga tao na wala silang gawin. Kung minsan, hindi lamang nila alam
kung ano ang papel nila at kung paano sila makatutulong. Kung minsan, akala nila ay
may iba nang gagawa. Sa takot na makagulo pa, lumalayo na lamang sila sa eksena.
Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang mahalagang tanong na: Paano
matutugunan o makakamit ng tao ang kaniyang pangangailangang pangkabuhayan,
pangkultura at pangkapayapaan? Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng
Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa?
23
Kung pagpapatakbo ng lipunan ang pag-uusapan, sino nga ba ang dapat manguna
dito? Ano ba ang inaasahan sa iyo bilang mabuting mamamayan? Ano ba ang
inaasahan ng taumbayan sa pamahalaan?
PAMILYA

- Pangunahing yunit ng lipunan


- Lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang tao na magkaugnay sa dugo, sa bisa
ng sakramento ng kasal o sa pamamagitan ng pag-aampon o paninirahan
sa isang tirahan.

PAARALAN

- Isang organisasyon, institusyon o lugar kung saan hinuhubog at nililinang


ang kaisipang moral, pisikal at spiritual ng mga mag-aaral.

LIPUNAN

- Isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa


mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang
naiibang kultura at/o mga institusyon.
- Ang Lipunan din ay isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at
nagkakaisa. Mas malawak, isang ekonomika, panlipunan at
imprastrakturang industriyal ang lipunan, na binubuo ng isang
magkakaibang maraming tao.

PAMAYANAN/KOMUNIDAD

- Ito ay maaaring isang pangkat ng nag-uugnayang mga tao, na nabubuhay


na magkakalapit, na ang kalapitan ay ayon sa puwang, oras, o ugnayan.
- Ang pamayanan ay pangkaraniwang tumutukoy sa isang yunit na
panlipunan o pakikipagkapwa na mas malaki kaysa sa isang
tahanan, mag-anak, o pamamahay (kabahayan) na may pinasasaluhang
karaniwang mga pagpapahalaga at may matibay na pagsasamahang
panlipunan (kohesyong panlipunan). Ang kataga ay maaari ring tumukoy
sa pambansang pamayanan o sa pandaigdigang pamayanan (pamayanang
internasyunal). Ang pangalawang pangunahing kahulugan ng pamayanan
ay ang pagiging isang pangkat ng mga organismo, maaaring ibang
hayop na bukod pa sa tao, na may interaksiyon o ugnayan na
namumuhay at nagsasalo ng isang kapaligirang may populasyon.
BANSA

- bansa (mula sa Sanskrito: वं श[vanśa]) ay isang pagkakahating pampolitika ng


isang entidad pang-heograpiya, isang soberanyang sakop, na mas karaniwang
kumakabit sa mga kaisipang estado o nasyon at pamahalaan. Ang pormal na
pagkikilala bilang estado ay nangangailangan ng pagganap ng teoriyang
konstitutibo ng pagka-estado, na nangangilangan ng isang estado ng pagkilala
mula sa ibang mga estado na, mula sa iyon, ay kinikilala rin ng ibang mga
lehitimong estado, upang maging isang estado.

24
PRINSIPYO NG PAGKAKAISA AT SUBSIDIARITY

- Ang prinsipyo ng pagkakaisa ay nagbibigay diin sa kabutihang panlahat,


tungkulin, kooperasyon, at pagkakapantay-pantay. Ito ang mag-aakay sa
estado upang itaguyod ang kabutihang panlahat kahit na kung minsan ay
maisakripisyo ang kapakinabangan ng ilang indibidwal.
- Ang prinsipyo ng subsidiarity ay nagbibigay diin sa katauhan ng isang
indibidwal, karapatan, privacy, at kalayaan. Ito ang mag-aakay sa estado na
igalang at pangalagaan ang mga likas na karapatan ng bawat indibidwal at ng
pamilya na naaayon sa kabutihang panlahat. Dagdag pa niya, mahalagang
panatilihin ang balanse ng dalawang ito upang higit na mabigyang pansin ang
pagkakamit ng kabutihang panlahat at pagkilala sa dignidad ng tao.

Isaisip
Gawain 1:
PANUTO. Piliin ang titik ng may tamang kahulugan na nasa kahon at isulat sa
patlang ng bawat aytem.

1. Lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang tao na magkaugnay sa dugo, sa bisa ng


sakramento ng kasal o sa pamamagitan ng pag-aampon o paninirahan sa isang
tirahan.
2. Nagbibigay diin sa katauhan ng isang indibidwal, karapatan, privacy, at
kalayaan.
3. Isang organisasyon, institusyon o lugar kung saan hinuhubog at nililinang ang
kaisipang moral, pisikal at spiritual ng mga mag-aaral.
4. Isang pagkakahating pampolitika ng isang entidad pang-heograpiya, isang
soberanyang sakop, na mas karaniwang kumakabit sa mga kaisipang estado
o nasyon at pamahalaan.
5. Isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga
huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang
kultura at/o mga institusyon.

25
Unang Markahan – Modyul 7:
Liwanag sa Dilim
Aralin Lipunang Pampulitika,
Prinsipyo ng Subsidiarity at
Prinsipyo ng Pagkakaisa

Balikan

Panuto:
1. Ibigay ang mga kahulugan ng mga acronym sa ibaba.
2. Isangguni sa guro kung tama ang iyong sagot at ibahagi sa klase.
3. Mga katanungan:
a. Saan maiuugnay ang mga acronyms na ito?
b. May karanasan ka ba sa ganitong mga pangyayari?
c. Anu-ano ang mga natutunan mo sa mga kaganapang ito?

Tuklasin

Bayanihan to Heal as One Act

Isa sa mga pinakamahalagang tulong ng pamahalaan na pinangungunahan ng


ibat-ibang ahensya ng gobyerno ay napasailalim sa Bayanihan to Heal as One Act. Ito
ay upang matulungan ang mga pangangailangan sa mga taong nawalan ng trabaho ng
dahil sa pandemya COVID-19.
Bukod sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ang Department of
Social Welfare and Development (DSWD) ay inatasan ng pamhalaan at iba pang mga
ahensiya upang maipaabot ang tulong sa mga vulnerable sectors sa pamamagitan ng
Social Amelioration Program (SAP). Ang SAP ay isang programa sa ilalim ng
Bayanihan to Heal as One Act na isinasagawa sa kalagitnaan ng COVID-19 crisis. Sa
26
programang ito ang mga benepisyaryo ng SAP aid ay makakakuha ng emergency cash
subsidy.
Mga departamento at iba pang ahensya na nagtutulungan ay DOLE,
Agriculture, DOH,, DILG, Deped at iba pang ahensyang nakibayanihan upang
makatulong kahit papaano. Katulad ng grupo ng mga guro sa Distrito ng Mabuhay,
nagbigay ng kontribusyon para makatulong ng konti sa mga kababayan tulad ng
bigas, noodles, canned goods at iba pa. Para sa mga frontliners namimigay din ang
mga guro dito ng facemask at mineral water.
Karamihan sa mga Probinsya ng bansa ay namimigay din ng mga relief goods
at itoy malaking tulong sa atin at marami pang mga pribadong sector ng bansa ang
tumutulong. Dito natin makikita ang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino.
Ang pamahalaan ang nagpapatupad ng batas upang matiyak at mapanatili ang
siguridad ng ating bansa ngunit ang mga ibat ibat ahensiya at departamento ang
kailangan upang maisagawa at maisakatuparan ito.
Tungkulin nating magtulungan tungo sa pag-unlad ng ating lipunan.

Mga Pagpapahalagang Kaugnay ng Solidarity at Subsidiarity

1. Pakikipagkapwa tao
Binubuo hindi ng isang indibidwal lmang kundi ng mga samasamang tao ang
isang komunidad. Mahalagang isagawa at isapuso ang pagpapahalagang ito
upang makasiguro ng matibay na samahan.

2. Pagkakaisa
Paano nga makapagtatagumpay ang isang samahan kung walang pagkakaisa?
Isa rin itong mahalagang salik na makapgsasabi kung magtatagumpay ang
isang pamayanan.

3. Interest
Kailangang maging malinaw ang layunin o hangarin hindi lang ng isang
indibidwal kundi maging ng buong pamayanan.

4. Pagiging Responsable
Mahalaga ito upang mapabilis ng pag-unlad ng pamayanan. Kung ang bawat
isa ay magiging responsable sa kanilang mga gampanin bilang bahagi nito,
tiyak na magtatagumpay.

5. Matatag Na Samahan
Mawawalang saysay din ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity kung hindi
rin matatag and samhang magkakapitbahayan. Kung namumuno sa kanilang
pagitan ang napakatibay na bigkis, na di basta-bastang mapapatid, ay
magiging epektibo ang lahat ng mga layuning maganda ng bawat isa na
makatutulong sa pagpapanday ng maunlad at masaganang pamaynan.

27
Unang Markahan – Modyul 8:
Tulong Mo, Tulong Ko: Ang
Sasagip sa Mundo

Aralin Lipunang Pampolitika, Prinsipyo ng

1 Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa

Narinig mo na ba ang kasabihang, “Ang tanging kailangan upang magtagumpay ang


kasamaan ay ang hindi pagkilos ng mga mabubuting tao.” (All that is necessary for
the triumph of evil is that good men do nothing)? Kung minsan, hindi naman
sinasadya ng mga tao na wala silang gawin. Kung minsan, hindi lamang nila alam
kung ano ang papel nila at kung paano sila makatutulong. Kung minsan, akala nila ay
may iba nang gagawa. Sa takot na makagulo pa, lumalayo na lamang sila sa eksena.

Tuklasin

Lipunang Pampolitika, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa


(Solidarity)

Isa sa pinakamasayang bahagi ng buhay-high-school ang paghahanap ng mga


matatalik na kaibigan. Mahirap manimbang sa simula subalit kapag naging kaibigan
mo na, tuloy-tuloy na ang ligaya. Sila ang kasamang sumusubok ng maraming
karanasan. Sila ang kabiruan at kaasaran. Sila ang kakuwentuhan sa maraming mga
seryoso at malalim na kaisipan. Sila ang kasamang pumalaot sa higit pang dakilang
tunguhin sa buhay.

Natanong mo na ba kung paano nagsimula ang inyong barkada? Paano kayo


naging magkakaibigan? Bakit sila ang naging matatalik mong mga kaibigan?

Sa isang mahiwagang paraan, nagsasama-sama ang mga magkakatulad.


Maaaring magkakatulad ng interes, ng hilig, o ng mga pangarap. Maaaring
magkakatulad ng pananampalataya o ng pilosopiya sa buhay. Sino pa nga ba ang
28
magsasama-sama, halimbawa, sa panonood ng sine, kundi ang mga katulad na may
gusto kay John Lloyd at Bea?

Subalit may pagkakataon ding nagsasama ang hindi magkakilala. Dahil sa


nakababagot na paghihintay sa pag-usad ng pila sa sine, maya-maya’y nag-uusap na
ang magkatabi. Hindi sila magkakakilala. Nagkataong magkasunod, parehong
naiinip. Sa pila natagpuan ang bagong kaibigan. Baka nga mamaya, maging
kasintahan pa! Napalalalim ng isang pinagdaanan ang pagsasama. Ang parehong
karanasan ang naging dahilan ng pagkakakilala at pag-uugnayan. Ganyan nabubuo
ang barkada. Magkakapareho at kaiba rin. Umuusad at lumalalim ang pagkakaibigan
sa paglipas ng panahon dahil sa mas marami pang pagkukwentuhan at sama-samang
pagdanas.

Isang malaking barkada


Hawig sa barkadahan ang isang pamayanan. Pinagsama-sama sila, una na, ng
kanilang kinatatayuang lugar. Halimbawa, Barangay Katapatan! Doon sila nakatira
at doo’y sama-sama silang bumubuo ng mga sistema kung paano haharapin ang mga
hamon sa buhay. May mga kuwento silang pinagdadaanan. May kuwento silang
binubuo. Ang valedictorian na anak ni Aling Norma, tagumpay ng buong
kapitbahayan. Ang aksidente ni Manuel sa motor ay lubhang ipinag-alala ng buong
baranggay. Ang pagliligawan nina Eric at Jenny, ikinakilig ng lahat. Ang problema sa
patubig ang laman ng usapan sa barberya at palengke.

Kultura ang tawag Ang kuwentong nililikha nila at ang mga pagkilos
sa mga nabuong
gawi ng upang ingatan at paunlarin ang kanilang pamayanan ay kilos
pamayanan. ng pagbuo ng kultura. Kultura ang tawag sa mga nabuong
gawi ng pamayanan. Ito ang mga tradisyon, naka-
sanayan, mga pamamaraan ng pagpapasya, at mga hangarin na kanilang mag-
bahaginan sa paglipas ng panahon. Iniukit ang mga ito sa mga awit, sining, at ritwal
upang huwag makalimutan. Gabay ang mga tradisyong ito sa mga hamon sa
kinabukasan.

Lipunang Pampolitika

Habang lumalaki ang mga grupo, nagiging mas mahirap na pakinggan ang lahat
at panatilihin ang dating nakukuha lamang sa bigayan at pasensiyahan. Kung ang
magkakabarkada ay nagkakaunawaan na sa kindatan at ang magkakapit-bahay sa
pakiramdaman at delikadesa, sa isang lipunan, nangangailangan na ng isang mas
malinaw na sistema ng pagpapasya at pagpapatakbo. Sa dami ng interes na
kailangang pansinin at pakinggan, sa dami ng nagkakaiba-ibang pananaw, sa laki ng
lugar na nasasakop, mas masalimuot na ang sitwasyon. Hindi na lamang iisang
kultura ang mayroon, marami pang nagkakaiba-iba at nagbabanggaang kultura ang
umiiral na pare-parehong nagnanasa ng pagyabong. Ito ang kinakaharap ng lipunan:
paano siya makagagawa at magiging produktibo sa harap ng maraming mga
kulturang ito? Paano magiging isa pa rin ang direksyon ng bayan sa dami ng mga tinig
at lugar na gustong tunguhan ng mga tao?
29
Ito ang kinakaharap ng lipunan ang makagawa at maging produktibo sa harap ng maraming mga
kulturang ito. Maging isa pa rin ang direksyon ng bayan sa dami ng mga tinig at lugar na gustong
tunguhan ng mga tao.

Sa barkada at pamayanan, basta sumusunod ang mga kasapi sa mga


tumatayong lider kahit sa una'y ayaw naman talaga. Bakit? Mayroong nakikita sa
kanilang pag-aalab ng kalooban. May matatayog silang pangarap na nakikita nilang
maaaring maabot sa pakikipagtulungan sa iba. May talas sila ng paningin upang
makita ang potensiyal ng grupo o pamayanan. Malay sila sa layuning komyunal.
Mulat sila sa mga katutubong yaman ng grupo at ang mga potensyal sa pag-unlad nila
nang sama-sama. May husay sila sa pagsasalita upang ipahayag ang kanilang nakikita
at may kakayahan silang pag-alabin din ang damdamin ng kanilang mga kasama
tungo sa isang hangarin. Hindi lahat ng tao ay ganyan. At ang mga ganyan, ang mga
Tonio at Aling Cora, ang natural na nagiging pinuno ng lipunan.

Tayo
Isang pagpapabaya ang isipin na ang mga gawain nina Tonio at Aling Cora na
lamang ang dapat magpatakbo ng lipunan, na ilagak na lamang sa kanilang mga
kamay ang kasalukuyan at kinabukasan nating lahat dahil sa pagtitiwalang magaling
sila. Ang lipunan ay hindi pinapatakbo ng iilan. Kailangan pa ring makilahok ng
taumbayan, gawin ang kayang gawin ng bawat isa, at ibahagi ang bunga ng paggawa
sa bayan. Maaaring mahusay na pinuno si Tonio, ngunit kailangan niya ng katuwang
upang maisagawa ang malalaki niyang proyekto. Ang totoo, hindi naman talaga sa
kaniya ang proyektong kaniyang pinasisimulan. Ang mga ito ay proyekto ng kaniyang
mga kasamahan na nagkataong siya lamang ang nakapagpaliwanag at nanguna sa
paggawa. Ang proyekto ng pinuno ay hindi proyektong para sa kanyang sarili. Ito ay
proyekto ng at para sa kaniyang pinamumunuan.

Kaya’t hindi mula sa “itaas” patungo sa “baba” ang prinsipyo ng mahusay na


pamamahala. Kailangan ang pakikipagtalaban ng nasa “itaas” sa mga nasa “ibaba.”
Ang gagawin ng pinuno ay ang gusto ng mga pinamumunuan at ang pinamumunuan
naman ay susumunod din sa giya ng kanilang pinuno. Gabay sa ugnayang ito ang
Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa (Solidarity) na pangunahing kondisyon
upang maging maayos ang lipunan. Sa Prinsipyo ng Subsidiarity, tutulungan ng
pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila.
Sisiguraduhin nito na walang hahadlang sa kalayaan ng mga mamamayan mula sa
mga pinuno sa pamamagitan ng pag-aambag sa estado ng kanilang buwis, lakas at
talino. Hindi panghihimasukan ng mga lider ng pamahalaan kung paano mapauunlad
ng mga mamamayan ang kanilang sarili.

Sa Prinsipyo ng Pagkakaisa, tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan


at ng pamahalaan ang magtayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan
ang mga mamamayan. Mailalagay sa ganitong balangkas ang Prinsipyo ng
Pagkakaisa: “May kailangan kang gawing hindi mo kayang gawing mag- isa, tungkulin
ko ngayong tulungan ka sa abot ng makakaya ko. Ako naman ay may kailangang
gawin nang mag-isa, tungkulin mo ngayon na tulungan ako sa abot ng makakaya mo”.
Tungkulin nating magtulungan tungo sa pag-unlad ng ating lipunan.

30
Kapwa-Pananagutan
Ang lipunang pampolitika ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan-
ang pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng
pamayanan. Iginagawad sa kanila ng buong pamayanan ang tiwala na pangunahan
ang grupo—ang pangunguna sa pupuntahan, ang paglingap sa pangangailangan ng
bawat kasapi, ang pangangasiwa sa pagsasama ng grupo. Kasama nito ang
pananagutan ng mga kasapi sa lipunan na maging mabuting kasapi sa lipunan. Kung
hindi tutuparin ng mga kasapi ang kanilang papel, kung hindi sila makikisali sa pag-
iisip at pagpapasya, kung hindi sila makikilahok sa mga komyunal na gawain, kung
hindi sila magiging maigi sa kanilang mga paghahanap-buhay, hindi rin tatakbo ang
pamahalaan at lipunan.

Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng pag-
aambag ng talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap nglipunan

Dagdag na Komplikasyon
Marahil may magtatanong kung bakit pa siya makikilahok kung sa huli’t huli
ay ang mayorya naman ang masusunod. Sasabihin niya, "Hindi rin naman mahalagang
magsalita pa. Nag-iisa lang naman ako. Ang masusunod naman ay ang marami."

Kailangan pa ring magsalita kahit isang mumunting tinig lamang ang sa iyo.
Hindi mabubuo ang marami kung wala ang iilan. Sa kabila ng dunong ng pinuno at/o
ng mayorya, kung minsan, mula sa isang salungat na opinyon isinisilang ang
pinakamahusay na karunungan. Si Ninoy ay isang tinig lamang na nagpasimula ng
pagsasalita ng marami pang ibang sinisikil ng diktadurang Marcos. Si Martin Luther
King ay isang tinig lamang ng mga African-American na sumigaw ng pagkilala sa tao
lagpas sa kulay ng balat. Si MalalaYousafzai ay isang tinig ng musmos na
naninindigan para sa karapatan ng mga kababaihan na makapag-aral sa Pakistan sa
kabila ng pagtatangka sa kaniyang buhay. Hindi mabubuo ang walis-tingting kung wala
ang isang tangkay.

Maaaring tututol pang muli ang nawalan na ng loob. Kaniyang sasabihin:


"Matagal na akong tumutulong sa pamahalaan. Tapat ako sa pagbabayad ng buwis. Naglilingkod
ako nang wagas sa bayan. Ang lahat ng paghihirap ko ay inuubos lamang ng mga kurap sa
pamahalaan." Lalong higit tuloy ngayon kailangang gumising at magbantay. Sa harap
ng garapal at talamak na kurapsyon, kailangang maging mas maingat ang taumbayan
sa pagbibigay ng tiwala. Ang pagtitiwala ay ipinagkakaloob at maaari ring bawiin.
Hindi utang na loob ng taumbayan sa mga pinuno ng pamahalaan ang kanilang
paglilingkod."Baliktad ito: ang kapangyarihan ay ipinagkatiwala lamang sa mga
namumuno. Ang bayan ay ipinagkatiwala lamang sa mga namumuno. Ang
namumuno ay hindi espesyal na nilalang na hiwalay sa kasaysayan ng tao at ng bayan.
Nangunguna lamang sila sa grupo, hindi nasa itaas ng iba. Bahagi pa rin sila sa
kuwento at kinabukasan ng bayan. Utang na loob nila sa taumbayan na ipinaubaya
sa kanila ang pangunguna sa mga hangarin ng bayan.

31
Sino ang “boss”?
Sa unang talumpati ni Noynoy Aquino pagkatapos niyang manumpa bilang
pangulo ng bansa, sinabi niyang “Kayo (ang taumbayan) ang boss ko!” Kontra ito
sa nakasanayang pangingibabaw ng mga pinuno sa lipunan. Hudyat ito ng
pagbabago sa pagtingin sa pamahalaan bilang nasa itaas at ang mamamayan ang
nasa ibaba. Inilagay ang mga mamamayan sa pedestal; ang pangulo ang
maglilingkod sa kanila. Subalit, hindi pa rin maaalis ang katotohanang may higit
na kapangyarihan at lawak ng pananaw ang pinuno na kailangang yukuan at
pagtiwalaan ng ordinaryong mamamayan. Kaya’t sino talaga ang “boss”?

Kapwa “boss” ang pangulo at ang mamamayan. Tulad ng isang barkada,


walang sinuman ang nangunguna. Totoo, may mas bibo at may hindi aktibo, ngunit
kapwa silang nag-uugnayan sa loob ng barkada. Sa Lipunang Pampolitika ang ideal
ay mabigyang prayoridad at pagpapahalaga ang mga ugnayan sa loob nito. Hindi
ang mga personalidad ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang kabutihang panlahat,
ang pag-unlad ng bawat isa. Ang modelo ay ang relasyon ng magkakabarkada.
Walang "boss" sa barkada. Hindi ang pinuno, hindi ang mas marami, hindi rin
naman ang iilan."Boss"ng bayan ang pinuno—magtitiwala ang bayan sa
pangunguna ng pinuno dahil may nakikitang higit at dakila ang pinuno para sa
kasaysayan at kabutihang panlahat. "Boss" naman ng pinuno ang taumbayan—
walang gagawin ang pinuno kundi ingatan, payabungin, at paunlarin ang mga
karapatan at kalayaan ng mga tao sa bayan. Ngunit nakasukob sila sa kaisa-isang
kabutihang panlahat na nakikita at natutupad sa kanilang pag-uusap at
pagtutulungan. Ang Lipunang Pampolitika ay ang proseso ng paghahanap sa
kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na
matupad ang layuning ito. Ang tunay na “boss” ay ang kabutihang panlahat—ang
pag-iingat sa ugnayang pamayanan at ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng
lipunan.

Gawain 1
Panuto: Bumuo ng kaisipan ang bawat isa. Basahin ang isang sitwasyon sa ibaba.
Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

Noong Mayo 4, 2020


nagbigay ng bagong kautusan
ang pamahalaan na magpatuloy sa pananatili sa
tirahan hanggang Mayo 31, 2020.
Pinahihintulutan nito ang ilang mga negosyo na
magbukas na dati hindi tumatakbo sa ilalim ng Kautusan
noong Marso 31 at ang ilang mababang-panganib na
https://www.sccgov.org/sites aktibidad ay magpapatuloy. Pinapayagan pa rin kayong
/covid19/Pages/public- lumahok sa "mahahalagang aktibidad" o magtrabaho
health-orders-tl.aspx para sa isang "mahalagang negosyo" kung hindi kayo
maaaring magtrabaho sa bahay.

Nangangahulugan ito na pinahihintulutan kayong


umalis sa inyong bahay para sa mga tinukoy na kadahilanan - tulad ng tiyakin na
mayroon kayong mga pangangailangan sa buhay tulad ng pagkuha ng pagkain at
gamot, o magsagawa ng trabaho para sa isang mahalagang negosyo na hindi
32
makumpleto sa bahay. Pinapayagang lumabas upang alagaan ang alagang hayop o
mag-ehersisyo hangga't hindi magtitipon sa isang grupo at mapanatili ang hindi
bababa sa anim na talampakan na distansya sa pagitan ng ibang mga tao na hindi
bahagi ng inyong pamilya o tirahan. Pinapayagan din ng bagong Kautusan ang
"mga panlabas na negosyo" upang buksan ang kanilang mga pasilidad sa publiko.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong at talakayin sa isang pangkat


(panatilihing may distansya ang bawat-isa at nakasuot ng face mask)
1. Ano-ano ang mga katangiang nakikita sa sitwasyon na
hawig sa isang lipunan?
2. Mula sa mga katangiang ito, maari bang ituring na isang
lipunang pampolitika ang sitwasyong ito? Pangatwiranan.

Isaisip

Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan
sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:

1. Ipakita ang pagkakaiba ng pamayanan at lipunan.


2. Ano ang tungkulin ng pamahalaan?

3. Bakit mahalaga ang prinsipyo ng pakikipagtulungan at


pakikipagbukluran sa loob ng lipunan?
4. Bakit mahalagang makita ang pagpapatakbo sa lipunan bilang
kapwa- pananagutan ng pinuno at mamamayan?
5. Bakit may mga taong ayaw makilahok sa lipunan? Ano ang
dapat na gawi o kilos sa lipunan?
6. Bakit mahalaga kahit na ang maliit na tinig?
7. Bakit hindi dapat tumigil sa pakikilahok sa pagpapatakbo
ng estado kahit na marumi at magulo ang Lipunang
Pampolitika?
8. Paano ginagamit ang salitang “boss” upang ipaliwanag
ang paghaharing angkan sa pagpapatakbo ng estado?

33
Unang Markahan – Modyul 9:
Lipunang Pang-ekonomiya
Aralin
Lipunang Pang-ekonomiya

Sadyang magkakaiba ang mga tao. May mga magagaling sa Math. May
mauhusay sa pagguhit. May masinop sa gamit. May marunong sa pera. May
magaganda at makikisig ang katawan kahit na hindi nag-eehersisyo. Mayroon din
naming tabain at kailangang mag-ingat sa pagkain. Dahil sa pagkakaibang ito,
hindi maiiwasan ang paghahambing sa isa’t isa at pagkakaroon ng inggitan.
Nagkakaroon din ng pakiramdam ng pagiging mas angat sa isa’t isa. Natural ang
ganitong mga pakiramdam. Subalit bago lumalim ang pakiramdam at tumungo sa
sama ng loob, marahil magandang balikan ang karanasan at tingnang mabuti kung
nagkulang ba ng pagmamahal an gating magulang o sadyang naghahangad lang
tayo ng higit pa. ang karanasan sa pag-ibig ng magulang ay isang ekonomiya na
hindi malayo sa ekonomiya ng lipunan.

Tuklasin

Gawain 1: Tama ba o Mali

Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga pahayag.

1. Binibilhan ni Aling Maria ang kaniyang dalawang anak ng bagong


sapatos para sa Christmas party.
2. May mga tao na sobrang mayayabang kapag sila ay nakakangat na sa
buhay.
3. Lahat ng tao ay pantay-panty sa mata ng ating maykapal.
4. Ang tunay na mayayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng
kaniyang pagsisikap.
5. Kailangan maging patas ayon sa kakayahan at panganagilangan.

Suriin

PANLIPUNANG EKONOMIYA

Ang salitang ekonomiya ay galing sa griyegong salita na “oikos” (bahay) at


“nomos” (pamahalaan).

34
Ang ekonomiya ay tulad din ng pamamahala sa bahay. May sapat na budget
ang namamahay. Kailangan itong pagkasyahin sa lahat ng gastusin upang
makapamuhay nang mahusay ang mga tao sa bahay, maging buhay-tao(humane) ang
kanilang buhay sa bahay at upang maging tahanan ang bahay.

Sa isang panig, may nagsasabing pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng
Diyos, dahil tao tayo. Isa pa, dahil kung titingnan ang tao sa kaniyang hubad na anyo,
katulad lamang din siya ng iba.
Sa kabilang panig, may nagsasabi rin namang hindi pantay-pantay ang mga
tao. May mga taong mananatiling nasa itaas, dinudungaw ang mga tao sa ibaba. May
mga taong mayaman at patuloy na yayaman at may mga taong mahirap at mananatili
sa kanilang kahirapan dahil sadyang ganito ang kaayusan ng mundo.
Ayon kay Max Scheler, bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng
magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa hulma ng ating katawan ang kakayahang
maging isang sino. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos
na nagpapangyari sa kolektibong pag-unlad ng bansa.
Hindi lamang sariling tahanan ang binubuo ng mga tao sa loob ng Lipunang
Ekonomiya. Ginagawa rin nilang isang malaking tahanan ang bansa—isang tunay na
tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan (huminto, manahimik, pumanatag)
ang bawat isa sa pagsisikap nilang mahanap ang kanilang buhay. Tinatawag ito ni
Sto.Tomas De Aquino na prinsipyo ng proportion ang angkop na pagkakaloob ng
yaman ayon sa pangagailangan ng tao.
Ang Lipunang Pang-ekonomiya, sa mas malakihang pagtingin, ay ang mga
pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan. Pinapangunahan ito
ng estado na nangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng
bayan.

Pagyamanin

Gawain 2:

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Punan ng tamang sagot ang bawat
patlang gamit ang mga salitang makikita sa loob ng kahon sa ibaba.

Max Scheler Diyos babae buhay hanap-buhay

Proportion tinapay yaman patas pagkasyahin

bahay kapital paggawa bansa lipunan

1. Para kay bahagi ng pagiging ng tao ang pagkakaroon ng


magkakaibang lakas at kahinaan.
2. May nagsasabing pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng , dahil
35
tao tayo.
3. Ang ay mas may taglay na karisma upang manghalina kaysa lalaki.
4. Tinatawag ito ni Sto. Tomas de Aquino na prinsipyo ng o, ang
angkop na pagkakaloob ng ayon sa pangangailangan ng tao.
5. Una ang halaga ng tao bago ang .
6. May man ang tao o wala, may halaga pa rin siya bilang tao.
7. Nagtratrabaho siya upang maging produktibo sa kaniyang sarili. Ang tawag
natin dito ay “ .”
8. Ang ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili.
9. Ang , sa mas malakihang pagtingin, ay ang mga pagkilos
na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan.
10. Hindi pantay pero , ito ang prinsipyo ng lipunang pang-ekonomiya.

Isaisip

Gawain 4: Kilalanin Mo Ako?

Panuto: Ibigay ang salitang tinutukoy ng bawat pahayag.


1. Ito ay salitang Griyego na nangangahulugang “bahay”.
2. Siya ang nangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi
ng yaman ng bayan.
3. Para sa kaniya, bahagi ng pagiging tao ang pagkakaroon ng
magkaibang lakas at kahinaan.
4. Ang lipunan na nagsisikap na pangangasiwaan ang mga yaman
ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng
tao.
5. Ito ay prinsipyong angkop na pagkakaloob ng ayon sa
pangangailangan ng tao.
6. Ito ay unang bibigyang halaga bago ang tinapay.
7. Ito ay paraan sa pagkakasya sa lahat ng bayarin sa bahay.
8. Sa pamamagitan nito ay napapaunlad ang lahat at walang taong
sobrang mayaman at maraming mahirap.
9. Sino ang nagsasabi na ang prinsipyo ng proportion ay “ang
angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng
tao?”
10.Saan maaaring iugnay ang pag-unlad ng sarili?

36
Unang Markahan – Modyul 10:
Bukod Tanging Yaman
Aralin
Lipunang Pang-ekonomiya
Bukod Tanging Yaman

Sadyang magkakaiba ang mga tao. May mga magagaling sa Math. May
mahuhusay sa pagdrawing. May masinop sa gamit. May marunong sa pera. May
magaganda at makikisig ang katawan kahit na hindi nag-eehersisyo. Mayroon din
namang tabain at kailangang mag-ingat sa pagkain. Dahil sa pagkakaibang ito, hindi
maiiwasan ang paghahambing sa isa’t isa. Nagkakaroon ng inggitan. Nagkakaroon din
naman ng pakiramdam ng pagiging mas angat. Natural ang ganitong mga
pakiramdam. Subalit bago lumalim ang pakiramdam at tumungo sa sama ng loob,
marahil magandang balikan ang karanasan at tingnang mabuti kung nagkulang ba ng
pagmamahal ang ating mga magulang o sadyang naghahangad lang tayo ng higit pa.
Ang karanasan sa pagmamahal ng magulang ay isang ekonomiya na hindi malayo sa
ekonomiya ng lipunan.

Balikan

Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap at punan ang patlang ng tamang salita.

pamamahala pagkakaisa barkadahan pampolitika kultura

1. ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan. Ito ang mga tradisyon,
nakasanayan, mga pamamaraan ng pagpapasiya at mga hangarin na kanilang
pinagbahanginan sa paglipas ng panahon.
2. Hawig sa ang isang pamayanan.
3. Ang ay usapin ng pagkakaloob ng tiwala.
4. ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na
ang bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay.
5. Sa prinsipyo ng , tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ng
pamahalaan ang magtayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan
ang mga mamamayan.

37
Tuklasin

Gawain 1 (Word Puzzle)

Panuto: Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa paksang
pang-ekonomiya. Bilugan lamang ang mga ito.

L I P U N A N B B P
A S O B U D G E T A
R T R A B A H O B N
E K O N O M I Y A T
H O I S L T I G H A
I M P A T A S B A Y
B A Y A N 0 B U Y U
U M U N L A D H I O
P A G G A W W A B N

M A B U T I G Y G K
P R O P O R T I O E

Suriin

A. Ano ang pagkakaiba ng pantay at patas?


B. Ano ang kaibahan ng trabaho sa hanapbuhay?
C. Paano makakapanahan ang mga tao sa loob ng Lipunang Pang-ekonomiya

38
Hindi Pantay Pero Patas

Ito ang prinsipyong inuugnay ng Lipunang pang-ekonomiya. Ang lipunang ito ay


nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga
pangangailangan ng tao… “patas”.

Para kay Max Scheler, bahagi ng pagiging tao ang pagkakaroon ng magkakaibang
lakas at kahinaan. Nasa hulma ng ating katawan ang kakayahan nating maging isang
sino.

Ngunit, sinasabi din ni Scheler na dahil sa hindi pagkakapantay-pantay na ito,


kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng
yaman ng bayan.

Malabo? Gamitin nating halimbawa ang sitwasyon sa klase. Maaaring si Elmer ang
pinakamagaling sa Math ngunit hindi ito ibig sabihin na si Elmer na lamang ang
tuturuan ng guro ng Math. Pagsisikapan pa rin ng guro na ituro ang mga tuntunin sa
Math sa kapuwa mabilis matuto at sa mga mag-aaral na kailangan ng ibayong pag-
akay. Upang higit pang mapaunlad ang husay ni Elmer, maaaring bigyan siya ng
dagdag na mga Math problems na kaniyang pag-aaralan. Tugma ito sa tinatawag ni
Sto. Tomas de Aquino na prinsipyo ng proportio, angkop na pagkakaloob ng
naaayon sa pangangailangan ng tao. Sa madaling salita, hindi man pantay-pantay ang
mga tao, may angkop para sa kanila. Kailangan maging patas ayon sa kakayahan, ayon
sa pangangailangan.

Napakaganda ng salitang Filipino para sa trabaho. Ang tawag natin dito ay


“hanapbuhay”. Ang hinahanap ng gumagawa ay ang kaniyang buhay. Hindi siya
nagpapakapagod lamang para sa pera kundi para ito sa buhay na hinahanap niya. Ang
kaniyang pag-aari ay hindi lamang patunay ng kaniyang pagpapagal. Ito rin ay ang
mga gamit niya upang matulungan siyang mahanap ang kaniyang buhay. Mayroon
siyang videoke machine hindi para mag-ingay kundi para magamit niya sa kaniyang
pagpapahinga at muling pagpapalakas. Mayroon siyang telebisyon hindi upang
ipagmalaki ang kaniyang kakayahang makabili ng mamahaling gamit kundi upang
malibang at makakakuha ng bagong kaalaman na makatutulong sa muli niyang
pagbalik sa pagtratrabaho. Mayroon siyang damit hindi para ipang porma kundi dahil
kailangan niya ito upang gawing kaaya-aya ang kaniyang sarili sa trabaho at sa mga
nakakasalamuha niya. Marapat na ipaalala sa sarili na ang mga gamit sa paligid at
yamang pinagbabahaginan ay hindi iniipon para higit na palakihin lamang ang
yaman. Nariyan ang mga ito upang umayon sa mga layunin ng mga tao.

39
Pagyamanin

Gawain 2: Tama o Mali

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na


pahayag. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang pahayag
ay tama, MALI naman kung itoy hindi tama.

1. Nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng


tulong mula sa pamahalaan kahit na kaya naman nyang
bumili o hindi naman kailangan dahil karapatan naman nya
ito bilang mamamayang nagbayad ng buwis.

2. Dapat bang isaalang-alang ng pamahalaan ang


pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kanya kanyang
pangangailangan ng tao.

3. Karapatan ng bawat mamamayan na makatanggap ng


nararapat sa kanya.

4. Nagkakaroon ng maraming oportunidad ang isang tao


kung siya ay nagpapalit ng trabaho.

5. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng tao ay may


mabuting maidudulot sa pag unlad ng bansa.

6. Hindi pantay pero patas, ito ang prinsipyo ng lipunang


pang-ekonomiya.

7. Una ang halaga ng tinapay bago ang tao.

8. Tinatawag ni Sto. Tomas de Aquino na prinsipyo ng


proportio, ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa
pangangailangan ng tao.

9. Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili


sa bunga ng kaniyang paggawa.

10. Ang lipunang pang political sa mas malakihang pagtingin,


ay ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay
magiging tahanan.

40
Isagawa

Gawain 3

PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang sagot na nasa
loob ng saknong at guhitan ang tamang sagot.

1. Pangunahing kailangan ng isang bansa ang (pera, damit) para matustusan


ang pangangailangan ng bawat mamamayan.

2. (Masisipag na manggagawa, mababait na mamamayan) ang kailangan ng


bansa para umunlad ang ekonomiya.

3. (Mahusay, matitipid) na mga tao ang kailangan upang matapos agad ang
isang proyekto.

4. Kailangang (maayos, malinis) ang pamamahala sa iyong nasasakupan para


umunlad ang isang negosyo.

5. May nagsasabing pantay- pantay ang lahat dahil likha tayo ng (Diyos, bayan)
dahil tao tayo.

6. Ang ekonomiya ay tulad lamang ng pamamahala sa (lipunan, bahay).

7. Ang (buhay, bahay) ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili.

8. Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng


kaniyang (pagkahusay, paggawa)

9. Tinatawag ito ni Sto. Tomas de Aquino na prinsipyo ng (paggawa, proportio)


o, ang angkop na pagkakaloob ng ayon sa pangangailangan ng tao.

10. Ginagawa rin nilang isang malaking tahanan ang (lipunan, bansa)

41
Unang Markahan – Modyul 11:
Kabuhayan Natin,
Ating Pagyamanin
Aralin
Lipunang Pang-ekonomiya
Sadyang magkakaiba ang mga tao. May mga magagaling sa Math, may mahuhusay sa
pagdrowing, may masinop sa gamit, may marunong sa pera, may magaganda at
makikisig ang katawan kahit na hindi nag-eehersisyo at mayroon din namang tabain
at kailangang mag-ingat sa pagkain. Dahil sa pagkakaibang ito, hindi maiiwasan ang
paghahambing sa isa’t isa. Nagkakaroon ng inggitan at pakiramdam ng pagiging mas
angat.
Natural ang ganitong mga pakiramdam. Subalit bago lumalim ang
pakiramdam at tumungo sa sama ng loob, marahil magandang balikan ang karanasan
at tingnang mabuti kung nagkulang ba ng pagmamahal ang ating magulang o sadyang
naghahangad lang tayo ng higit pa. Ang karanasan sa pag-ibig ng magulang ay isang
ekonomiya na hindi malayo sa ekonomiya ng lipunan.

Ekonomiya

• Galing sa mga griyegong salita na “oikos” (bahay) at “nomos”


(pamamahala)

• Ang ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala sa


bahay. May sapat na budget ang namamahay. Kailangan
itong pagkasyahin sa lahat ng gastusin upang
makapamuhay nang mahusay ang mga tao sa bahay,
maging buhay-tao (humane) ang kanilang buhay sa
bahay at upang maging tahanan ang bahay.

Lipunang Pang-ekonomiya

• Ang lipunang pang-ekonomiya ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga


yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.

• Ito ay ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging


tahanan.

• Pinapangunahan ito ng estado na tumitiyak na maayos ang


pangangasiwa at patas ang pamamahagi ng yaman ng bayan.

• Sinisikap gawin ng estado na maging patas para sa nagkakaiba-ibang


tao ang mga pagkakataon upang malikha ang bawat isa ang kanilang
sarili ayon sa kani-kanilang tunguhin at kakayahan.
42
• Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na
nagpapangyari sa kolektibong pag-unlad ng bansa.

• Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan ang mga may


kapital na siyang lilikha ng higit pang mga pagkakataon para sa mga tao-
pagkakataong hindi lamang makagawa, kundi pagkakataon ding tumaas
ang antas ng kanilang pamumuhay.

• Sa lipunang pang-ekonomiya, ginagawa ng mga tao na malaking tahanan


ang bansa – isang tunay na tahanan kung saan maaaring tunay na
tumahan (huminto, manahimik, pumanatag) ang bawat isa sa pagsisikap
nilang mahanap ang kanilang mga buhay.

Isaisip
Gawain 1. Tama o Mali
Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga pahayag.

1. Lahat ng tao ay pantaypantay sa mata ng ating Panginoon.


2. Binibilhan ni Aling Maria ang kaniyang dalawang anak ng bagong
sapatos para sa Christmas party.
3. May mga tao na sobrang mayayabang kapag sila ay nakakaangat na sa
buhay.
4. Ang tunay na mayayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng
kaniyang paggawa.
5. Kailangan maging patas ayon sa kakayahan at pangangailangan

Isagawa

Gawain 2
Panuto:

1. Sa loob ng puso, isulat ang inyong mga pagpapahalaga sa buhay.


2. Pagkatapos, pumili ng pinakamahalaga sa iyo at isulat ito sa patlang sa
kanan ng arrow.
3. Isulat sa papel o kuwaderno.

Gawain 2.1
Panuto:
1. Isulat sa loob ng ulap ang iyong mga positibong katangian.
2. Pagkatapos, pumili ng isang katangian mo na gusting-gusto mo. Isulat ito sa
patlang sa kanan ng arrow.
43
3. Ipaliwanag mo kung bakit mo ito nagustuhan. Ano ang naitulong nito sayo?

Mga tanong:
1. Nakatulong ba ang iyong mga positibong katangian sa pagkamit ng
mabuting ekonomiya? Ipaliwanag
2. Paano mo gagamitin ang mga katangiang ito upang makamit ang
ang mabuting ekonomiya

44
Unang Markahan – Modyul 12:
Magsikap para sa Hinaharap
Aralin
Lipunang Pang-ekonomiya
Sadyang magkakaiba ang mga tao. May mga magagaling sa Math. May
mahuhusay sa pagdrowing. May masinop sa gamit. May marunong sa pera. May
magaganda at makikisig ang katawan kahit na hindi nag-eehersisyo. Mayroon din
namang tabain at kailangang mag-ingat sa pagkain. May masipag, mayroon namang
tamad. May nakapagtapos ng pag-aaral, meron namang hindi. May nakapagtrabaho,
meron namang umaasa lamang sa iba. Iba-iba rin ang tungkulin at propesyon o
trabaho.
Dahil sa pagkakaibang ito ng mga tao, hindi maiiwasan ang paghahambing sa
isa’t isa. Ang pag-unlad ng ekonomiya ay nagsisimula sa pagsisikap ng isang tao na
mapabuti ang sarili para sa magandang kinabukasan. Dito nakataya ang pag- unlad
ng lipunang pang-ekonomiya ng isang bayan o pamayanan.

Balikan

Gawain 1.

Panuto: Piliin sa hanay B ang tinutukoy sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B
1. Ito ay maaaring ihambing sa isang lipunan. a. relihiyon

2. Tungkulin nito na pangalagaan ang b. kultura


nabuong kasaysayan kinabukasan ng
pamayanan. c.barkadahan

3. Ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan d. pampolitika


ng pagpapasiya at mga hangarin ng isang
pamayanan. e. mamamayan

4. Ito ay ang kinikilala bilang tunay na boss sa f. batas


isang lipunang pampolitika.

5. Ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang


panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan
upang higit na matupad ang layuning ito.
Tuklasin

Gawain 2 : Scrambled Letters


Panuto: Ayusin ang mga ginulong salita upang makabuo ng mga salitang may
kaugnayan sa paksa. Isulat ang sagot sa patlang.

1. EMOKNIAYO -
2. ATRHOBA -
3. AHAPHBYAUN -
4. NPLIUNA -
5. HDOVELIOLI -
6. BATNAAKA -
7. IMDASNGGNIA -
8. LIUPS -
9. OGRU -
10. PYANMANAA -

Suriin

Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Ano ang
mabuting ekonomiya? Para saan ang ekonomiya? Paano ka makatutulong sa
pag-angat ng ekonomiya?

Ekonomiya

• Ang pinagmulan ng salitang “Ekonomiya” ay ang mga Griyegong salita na


“oikos” (bahay) at “nomos” (pamamahala).
• Ang ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala sa bahay. Mayroong
sapat na budget ang namamahay. Kailangan niya itong pagkasyahin sa lahat
ng bayarin (kuryente, tubig, pagkain, panlinis, ng bahay, at iba pa) upang
makapamuhay nang mahusay ang mga tao sa bahay, maging buhay-tao
(humane) ang kanilang buhay sa bahay at upang maging tahanan ang bahay.

Lipunang Pang-Ekonomiya

• Ang lipunang pang-ekonomiya ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman


ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
• Ito ay ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan.
• Pinapangunahan ito ng estado na tumitiyak na maayos ang pangangasiwa at
patas ang pamamahagi ng yaman ng bayan.
• Sinisikap gawin ng estado na maging patas para sa nagkakaiba-ibang tao ang
mga pagkakataon upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani-
kanilang mga tunguhin at kakayahan.

Mga ibat-ibang hanapbuhay sa komunidad

• Guro - nagtuturo sa atin upang matutong bumasa, sumulat at magbilang.


• Nars - katulong ng doktor sa pag-aalaga ng maysakit.
• Pulis - nangangalaga ng katahimikan at kapayapaan ng komunidad.
46
• Inhinyero - tumutulong sa paggawa ng mga gusali, tulay at mga kalsada.
• Dentista - binubunot niya ang mga ngiping sira at tumutulong sa pag-aalaga
ng ating ngipin.
• Tubero - inaayos ang mga sirang tubo ng tubig.
• Bombero - pinapatay niya ang apoy kapag may sunog.
• Kolektor ng basura - kinokolekta niya ang mga basura para hindi mangamoy
namaaaring magkalat ng mga sakit.
• Mangingisda - nanghuhuli ng mga isda at iba pang lamang dagat.
• Tindera - nagtitinda ng gulay, bigas, manok, baboy at iba pang mga kailangan
ng mga tao.
• Magsasaka - nagtatanim ng mais, palay, tubo at ibang halamang maaaring
makain o maibenta para kumita.

Mabuting ekonomiya

• Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na


nagpapangyari sa kolektibong pag-unlad ng bansa.
• Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan ang mga may kapital
na siyang lilikha ng higit pang mga pagkakataon para sa mga tao -
pagkakataon hindi lamang makagawa, kundi pagkakataon ding tumaas
ang antas ng kanilang pamumuhay.
• Sa lipunang pang-ekonomiya, ginagawa ng mga tao na isang malaking
tahanan ang bansa - isang tunay na tahanan kung saan maaaring tunay
na tumahan (huminto, manahimik, pumanatag) ang bawat isa sa
pagsisikap nilang mahanap ang kanilang mga buhay.
• Isa sa mga mabuting katangian ng isang kabataan para makamtan ang
isang mabuting ekonomiya ay ang pagiging masikap sa pag-aaral, sa
pamamagitan nito matatamo mismo ng indibidwal ang mithiin niyang
propesyon at pagdating ng takdang panahon ay makakatulong siya sa
pag-angat ng ekonomiya.

Pagyamanin

Gawain 3: Sagutin

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng hanapbuhay ang inilalarawan sa


pangungusap. Piliin ang sagot mula sa loob ng kahon sa ibaba at isulat
ito sa patlang.

nars kolektor ng basura tindera tubero


bombero dentista magsasaka panadero
pulis guro mangingisda

1. Pinapatay niya ang apoy kapag may sunog.


2. Kinokolekta niya ang mga basura para hindi mangamoy na maaaring
magdala ng sakit.
3. Nagtitinda ng gulay, bigas, manok, baboy at iba pang mga kailangan
ng tao.
4. Inaayos ang mga sirang tubo ng tubig.
47
5. Binubunot niya ang mga sirang ngipin.
6. Nagtatanim ng mais, palay, tubo at iba pang halamang maaaring
makain o maibenta para kumita.
7. Nangangalaga ng katahimikan at kapayapaan ng komunidad.
8. Nagtuturo sa atin upang matutong bumasa, sumulat at magbilang.
9. Nanghuhuli ng mga isda at iba pang lamang dagat.
10. Katulong ng doktor sa pag-aalaga ng maysakit.

Isaisip

Gawain 4: Kompletuhin ang pahayag o pangungusap.

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga pahayag at punan ang patlang ng tamang
salita. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. Ang bawat mahusay na ng mga tao ay kilos na nagpapangyari


sa kolektibong pag-unlad ng bansa.
2. Kung ang bansa, higit na mamumuhunan ang mga may kapital na
siyang lilikha ng higit pang mga pagkakataon para sa mga tao-pagkakataon
hindi lamang makagawa, kundi pagkakataon ding tumaas ang antas ng
kanilang pamumuhay.
3. Sa , ginagawa ng mga tao na malaking tahanan ang bansa-
isang tunay na tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan ang bawat
isa sa pagsisikap nilang mahanap ang kanilang mga buhay.
4. Sinisikap gawin ng na maging patas para sa nagkakaiba-ibang tao
ang mga pagkakataon upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon
sa kani-kanilang tunguhin at kakayahan.
5. Ang salitang “Ekonomiya” ay galing sa mga salita na “oikos” ( )at
“nomos” (pamamahala).

Unang Markahan – Modyul 13


Lipunang Sibil, Alamin at
Pagyamanin

Aralin
LIPUNANG SIBIL, MEDIA AT SIMBAHAN
1
Ang modyul na ito ay ginawa upang mapahusay ang kaalaman at
kakayahan ng Lipunang Sibil, Media at Simbahan na naaayon sa pamantayan
ng araling Edukasyon sa Pagpapakatao sa ika-9 na baitang.

48
Simulan ang modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong na nasa tekstong nasa ibaba.

Tuklasin

Gawain 1: I-R-F (Initial, Revise, Final) Chart


PANUTO:Isulat sa unang kolum (Alam Ko Ngayon) ng tsart ang iyong sagot
sa tanong na nasa loob ng kahon sa ibaba.

Paano ang lipunang sibil, media, at simbahan ay makatutulong sa pagkamit


kabutihang panlahat?

Alam Ko Ngayon Nadagdag Kong Ito na ako Ngayon


Kaalaman

“Ang ating lipunan ay puno ng batas upang ang mga mamamayan ay


mapabuti, pero marami ding panahon na nagkukulang ang ating pamahalaan
sa pagkamit nito. Kaya, ang bawat isa sa atin ay dapat tumugon o kumilos
para maka-ambag para sa ikauunlad ng buhay sa pamamagitan ng sama-
samang pagkilos. Suriin mo ang iyong sarili kung ano ang kaya mong gawin
upang makatulong sa lipunan o sa kapwa-tao.

Ngayon naman ay iyong linangin ang kaisipan tungkol sa ating


aralin. Halika na’t basahin at unawain mo ang teksto na nasa ibaba.

49
Ang Konsepto ng Lipunang Sibil,
Media at Simbahan at ang
mga Halimbawa Nito
Totoo rin ba sa iyong sarili na minsan ang iniisip mo lang ay ang iyong
sariling kapakanan? Totoo ito sa akin at ito ay nagiging sanhi sa pagkawatak-
watak sa lipunan at sa pamilya. Naniniwala ako na ang pinag-isang
pagsisikap ay makapagmultiplika ng resulta. Kailangan natin ang isa’t isa.

Ang lipunan ay likas na napakaraming mga batas na ginagawa o


ipinapatupad upang susundin ng mga tao nang sa gayon ay mapabuti at
maging matiwasay ang kanilang pamumuhay. Subalit sa maraming
pagkakataon, ito’y hindi rin nasusunod o di kaya’y nagkukulang ang
pamahalaan sa pagganap ng kanilang mga tungkulin sa napakarami ring
kadahilanan at pagkakataon.

Bunga ng pagyayaring ito, ang mga mamamayan ay nagkukusang loob


na gumawa ng pansariling paraan upang maisagawa ang isang adhikaing
naglalayong tugunan ang ilang suliraning hindi agarang natutugunan ng
ating pamahalaan, dahil dito nabuo ang konsepto ng lipunang sibil na may
layuning isulong ang ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan. Magkusang loob
tayong kumilos at tumulong upang makapag-ambag para sa ikabubuti ng
lahat sa pamamagitan ng ating pinagsama-samang lakas, talento, at
kakayahan. Bilang isang mamamayan, ano ang kaya mong maibigay, magawa
o maisakripisyo para sa kapwa upang makatulong sa komunidad para sa
kabutihang panlahat?

Ang Lipunang Sibil ay isang uri ng lipunan na kusang loob na nag-


oorganisa ng ating mga sarili tungo sa samasamang pagtuwang sa isa’t isa.
Tayong lahat ay kabilang sa isang lipunang sibil sapagkat tayo ay mayroong
pamilya at ang pamilya ang siyang pinaka pangunahing unit ng isang
lipunang sibil. Ang layunin ng lipunang Sibil ay mabigyang pansin ang
pagkukulang ng pamahalaan at gabayan ang mga mamamayan.

Ang media ay tumutukoy sa anumang bagay na nasa pagitan o


namamagitan sa nagpadala at pinadalhan. Sila ang naghahatid ng balita para
sa lahat ng mga mamamayan. Ito ay tinatawag na medium kung marami. Ang
mga halimbawa nito ay ang facebook, twitter, at instagram naglalayong
maghatid ng sari-saring impormasyon, balita, at iba pa. Sa pagpapalutang ng
mahahalagang impormasyon ay napanatili moa ng ikabubuti ng iba pang
50
kasapi ng lipunan. Ito ay pinaglalagakan lamang ng mga katotohanang
kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito. Hindi ikabubuti
ninuman ang kasinungalingang bunga ng pagdadagdag-bawas sa
katotohanan.

Ang simbahan ay nagsisilbing gabay natin sa espiritwal na kaganapan.


Ito rin ay panrelihiyong institusyon na siyang nagtataguyod sa ating
pagganap. Sa pagigigng pananampalataya mo ay hindi mawawala ang iyong
pagkamamamayan. Sa katunayan, ang iyong pananampalatay ay
naisasabuhay mo sa pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan, at pagtugon sa
pananawagan ng lahat.

Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman sa paksa, maaari ka nang


tumungo sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili
para sa mas malalim pang pag-unawa sa pamamagitan ng pagsagot sa
iba pang gawain.

51
Unang Markahan – Modyul 14:
Lipunang Sibil, Media, at Simbahan:
Adhikaing Panlipunan
Aralin Lipunang Sibil, Media, at
Simbahan: Adhikaing
1 Panlipunan
Ang modyul na ito ay ginawa upang mapahusay ang kaalaman at kakayahan sa
Lipunang Sibil, Media, at Simbahan: Adhikaing Panlipunan na naaayon sa
pamantayan ng araling Edukasyon sa Pagpapakatao sa ika-9 na baitang.

Tuklasin

Gawain 3: LARAWAN SURIIN


PANUTO: Itugma ang larawan ng lipunang sibil sa kanyang akmang adhikain tungo
sa kabutihang panlahat. Lagyan ng bilang ang larawan na katugma rin sa bilang sa
mga sumusunod na mga adhikain.

1. Empowered by people who are driven by faith and poverty,


Gawad Kalinga Community Development Foundation,Inc. (GK)
is a movement whose mission is to eradicate poverty for 5
million families, and restoring the human dignity of the poor.
Their road to eradicating poverty is in three steps: Social
Justice, Social Artistry, and Social Progress.
1.

2. One of the most popular volunteer organizations in the


Philippines, Red Cross aims to help people through its different
services. Some of these include national blood, disaster
management, safety, health, social, and youth services.
2.

3. PAWS are a registered nonprofit organization which is


dedicated to protect and promote humane treatment of all animals.
The organization helps rehabilitate animals by finding them new
homes. It also actively campaigns against animal fights and using
animals for entertainment.
3.

52
4. Green Peace Philippines is an active volunteer organization
that campaigns for their mission to save the environment. Some of
their campaigns include stopping climate change, saying no to
genetic engineering, and defending the ocean.
4.

5. Habitat for Humanity, a leader in answering the issues of


poverty in over 70 countries, has “helped more than 6.8 million
people find strength, stability, and independence through safe,
decent, and affordable shelter.”
5.

Panuto: Basahin at unawain ang mga konsepto tungkol sa lipunang sibil, media at
simbahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng supplemental copy.

LipunangSibil
Ito ay isang uri ng lipunan na kusang loob na nag-oorganisa ng ating mga sarili tungo
sa sama-samang pagtuwang sa isa't isa. Tayong lahat ay kabilang sa isang lipunang
sibil sapagkat tayo ay mayroong pamilya at ang pamilya ang siyang
pinakapangunahing yunit ng isang lipunang sibil.
Media
Ang media ay tumutukoy sa anumang bagay na nasa pagitan o namamagitan sa
nagpadala at pinadalhan. Sila ang naghahatid ng balita para sa lahat ng
mgamamamayan. Ito ay tinatawag na medium kung marami.
Simbahan
Ang simabahan ay nagsisilbing gabay natin sa ispiritwal na kaganapan. Ito rin ay
isang panrellihiyong institusyon na siyang nagtataguyod sa ating pagganap.

Ngayon naman ay iyong linangin ang kaisipan tungkol sa ating


aralin. Halika na’t basahin at unawain mo ang teksto na nasa ibaba.

Mga Adhikain ng Lipunang Sibil, Media, at Simbahan


Ang lipunang sibil ay kusang pag-oorganisa ng sarili tungo sa sama-samang
pag-tuwang sa isa’t –isa. Hindi ito isinusulong ng mga politiko o ng mga negosyante
na may pansariling interes. Ito ay binubunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na
matugunan ang kanilang mga pangangailangan na bigong tugunan ng pamahalaan at
kalakalan. Ito din ay nagsasagawa ng mga pag-tugon na sila mismo ang nagtataguyod
ng likas kaya ng pag-unlad (sustainable development) na hindi tulad ng minamadali
at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at kalakalan. Dahil sa dami ng
responsibilidad ng inaatang sa pamahalaan may mga pagkakataong nagkukulang ang
pamahalaan na tugunan ang mga ito. Kaya mahalagaang ginagampanan ng lipunang
sibil bilang katuwang ng pamahalaan sa pagsasaayos dito para sa ikabubuti ng
lipunan. Ang lipunang sibil ay ang mata ng lipunan.
Mga halimbawa ng Lipunang sibil:
1. Binuo ang Gabriella at nagkaroon sila ng kinatawan sa Kongreso. Sa kanilang
pagsusulong ay naisabatas ang mga sumusunod:
• Anti-Sexual Harassment Act (1995);
• Women in Development and Nation-Building Act (1995);
• Anti-Rape Law (1997);
53
• Rape Victims Assistance and Protection Act (1998);
• Anti- Trafficking of Persons Act (2003); at
• Anti-Violence Against Women and Their Children Act (2000)
2. Inorganisa ng Simbahang Katoliko sa Zamboanga, Basilan, Tawi-tawi at Sulu ang
Consultation on Peace and Justice. Matapos ang konsultasyon, nabuo ang Peace
Advocates Zamboanga (PAZ).

• Layunin ng adbokasiyang ito na palakasin ang mabuting ugnayan ng


mga Kristiyano at Muslim, at ng iba pang mga katutubo.
• Nagdaraos ito ng mga pagsulong ng kapayapaan, naglalathala ng
alternatibong pahayagan, at nagsasaliksik sa ugnayang Kristiyano at
Muslim.
• Matapos ang dalawampung araw na sagupaan ng MNLF at AFP/PNP sa
Zamboanga noong Setyembre 2013, idinaos ng PAZ ang “Forum on
Rehabilitation and Reconciliation” ng sumunod na buwan.
• Ikabubuti ng lahat ang muling pagbuo ng mga nawasak na tahanan, ang
muling pagbangon ng nalugmok na kabuhayan, at higit sa lahat, ang muling
pagpapasigla ng nanlamig na mga ugnayan.
3. Ang pangunahing layunin ng media bilang isang anyo ng lipunang sibil, ay
magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan. Ito ang dahilan kung bakit
tungkulin ng media ang pagsasabi ng buong katotohanan, at kagyat na pagtutuwid
sakali mang may naipahatid na maling impormasyon na maaaring maging batayan
ng iba sa pagpapasya ng ikikilos.
4. Simbahan. Sasama-sama nating paghahanap ay naoorganisa natin ang ating sarili
bilang isa pang anyo ng lipunang sibil, isang panrelihiyong institusyon, na tinatawag
ng marami bilang Simbahan.
Sa pamamagitan ng mga lider at iba pang mga kasapi ng Simbahan, nailalagay natin
sa mas mataas na antas ng kabuluhan ang mga materyal na bagay na ating
tinatamasa.

Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman sa paksa. Maaari ka nang


tumungo sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa
mas malalim pang pag-unawa sa pamamagitan ng pagsagot sa iba pang
gawain.

GAWAIN 5.2: Havey O Waley


PANUTO: Sagutin ng buong katapatan. Isulat sa patlang na nakalaan ang salitang
HAVEY kung TAMA ang pahayag at WALEY naman kung ang pahayag ay MALI.
1. Tanging ang simbahan lamang ang gumagabay sa tao sa ispiritwal
na kaganapan.
2.Lipunang Sibil ang naghahatid ng balita para sa lahat ng mga
mamamayan.
3. Ang Lipunang Sibil ang mata ng Lipunan.
4. Ang pangunahing layunin ng media bilang isang anyo ng lipunang sibil ay
magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan.
5. Binuo ang Gabriella at nagkaroon sila ng kinatawan sa Kongreso.

54
Unang Markahan – Modyul 15:
Hawak Kamay, Tungo sa
Tagumpay
Aralin
Lipunang Sibil, Media at
1 Simbahan
Ang mga Gawain sa bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang matuklasan mo ang
adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng mga ito kung paano ito
makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Upang higit na maging masaya at
makabuluhan ang bahaging ito ay simulan mong sagutin ang mga sumusunod na Gawain.
Tuklasin
Gawain 3: Kilalanin Mo ’to!
Panuto: Suriin ang mga layunin na nakalista sa ibaba at isulat sa tsart kung saan ito
napabilang (lipunang sibil, media, at simbahan). Gumamit ng ibang papel para sa iyong sagot
1. Layunin nito na makapagbigay ng tamang impormasyon sa nakakarami upang
mahubog ng tamang pag- iisip, opinion, layunin at kaalaman ng mga tao.
2. Layunin nitong maghatid balita sa mga tao at magbigay impormasyon.
3. Layunin nito na magbigay ng impormasyon kung ano ang mga nangyayari sa ating
paligid, mapa- local man o internasyonal.
4. Upang matututo ang mga tao sa paggawa ng kabutihan at salita ng Diyos.
5. Layunin nito na hubugin at iukit ang moralidad sa ating lipunan.
6. Layunin nito na malaman ng lipunan ang pamantayan ng Diyos.
7. Layunin nito ang pagtuturo ng tamang paraan ng pamumuno ay sa pamamagitan ng
pagiging mapagkumbaba, mabuting halimbawa, at pagkakaroon ng debosyon sa
kapakanan ng iba.
8. Layunin nito ang pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.
9. Pagbibigay – lunas sa suliranin ng karamihan.
10. Tugunan ang mga pangangailangan ng mga mamayan na hindi natugunan ng
pamahalaan.

Layunin ng Lipunang Layunin ng Media Layunin ng Simbahan


Sibil

Layunin ng Lipunang Sibil


Ang lipunang sibil bilang isang organisasyon ay binubuo ng mga grupo o mga
miyembro ng mga pribadong mamamayan na siyang may malaking ambag sa mga desisyon
sa isang pamayanan o bayan at nagsilbi ding katuwang ng pamahalaan sa paghahatid ng mga
basehang serbisyo, tulad ng edukasyon, pangkalusugan, at pangkabuhayan. Ito ay isang
55
organisasyon na kusang nag- oorganisa ng mga sarili para makatulong sa pagtugon sa mga
pangangailangan ng mga mamamayan na hindi kayang ibigay ng pamahalaan. Ang lipunang
sibil ay hindi napasailalim sa mga pulitiko na ang tanging pangunahing layunin ay
mapanatili sa puwesto. Hindi rin
ito hawak ng mga negosyante sa lipunan na ang pakay ay para laong mapalago ang kita.
Ilan sa mga layunin ng lipunang sibil ay ang mga sumusunod:

1). maisulong ang likas- kayang pag-unlad,


2). magkaroon ng isang ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga
panlipunang pagpapahalaga tulad ng katarungang panlipunan,
3). Maisulong ang pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability), 4).
Pakikilahok ng mga mamamayan
5). Pangangalaga ng kapaligiran
6). Kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender
equality) at ispiritwalidad.

Layunin ng Media
Ang media bilang isang anyo ng lipunang sibil ay itinuturing na may
napakamahalagang papel na ginagampanan sa ating lipunan. Sa pamamagitan nito
nalalaman natin ang mga mahahalagang pangyayari sa loob at labas ng bansa.
Halos lahat ng tao sa mundo, bata man o matanda, babae man o lalaki, may trabaho
o wala, lahat ay nawiwili sa pakikinig o panunuod ng balita na siyang nagaganap sa pang araw-
araw na buhay ng tao. Marami sa mga Pilipino ay ginagawa itong libangan lalong lalo na tuwing
gabi pagkatapos maghapunan, sama – sama ang mag-anak sa panonood ng balita.
Dahil sa media, nalalaman natin ang mga mahahalagang impormasyon ng ating
bansa tulad ng pagbibigay babala kung may paparating na bagyo para magkaroon ng
kaukulang paghahanda ang mga tao. Dito mo rin malalaman ang balita tungkol sa isyung
pulitikal, krimen, negosyo, isports, showbiz, opinion at iba pa. Ang media ay kailangang patas
at walang kinikilingan sa paghahatid ng balita. Sa pagpapalutang ng mahahalagang
impormasyon ay kailangang walang ginagawang pagbabawas o pagdaragdag ng
impormasyon dahil magdulot ito ng kawalan ng kumpyansa ng mga tao sa media at
mawawalan ng kabuluhan ang balita na ipinahahayag. Ang pangunahing layunin ng media
bilang isang anyo ng lipunang sibil ay ang pagsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan.
Tungkulin nito ang pagpapahayag ng katotohanan na maging basehan ng mga tao sa
matalinong pagpapasya at tamang pagkilos sa lipunan.

Layunin ng Simbahan
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na naniniwala at may takot sa Diyos. Sa katunayan,
napakarami nating relihiyon sa buong bansa na naging dahilan kung bakit napakaraming
simbahan sa Pilipinas. Nakasaad sa ating Konstitusyon na may separasyon ang estado at
simbahan kung kaya hindi nanghihimasok ang pamahalaan sa gawain ng simbahan. Lahat ng
tao sa Pilipinas ay malayang makapili kung ano at saang simbahan gusto umanib at
magsimba. Ang simbahan ay itinuturing na banal na lugar kung saan malayang maipahayag
ng mga tao ang kanilang pananampalataya. Sa panahon ngayon laganap na ang mga iba’t
ibang problema sa lipunan gaya ng krimen, korapsyon, illegal drugs, katiwalian, kawalan ng
trabaho, kahirapan, pagkalat ng iba’t ibang sakit, digmaan, at marami pang iba. Sa ganitong
mga pangyayari, ang simbahan ay may napakahalagang papel na ginagampanan sa ating
lipunan. Layunin ng simbahan na gabayan ang mga tao para maging mabuting mamamayan,
magkaroon ng pagmamahal at sa Panginoon, turuan ang mga tao sa paggawa ng kabutihan
batay sa salita ng Diyos, iukit ang moralidad ng mga tao sa pamamagitan ng pagkilos ayon
pamantayan ng Diyos. Ito ang nagsilbing tagapagpaalala na ang paggawa ng kabutihan sa
kapwa ay nagbibigay kasiyahan sa Diyos kung kaya kailangan ng bawat tao ang maging
mapagkumbaba at mapagpatawad. Ang simbahan ang siyang tumulong sa lipunan na
maitaguyod ang karapatang pantao.

56
Unang Markahan – Modyul 16:
Sama-samang Pagkilos, Sama-
samang Pag-unlad

Aralin
Sama-samang Pagkilos, Sama-
1 samang Pag-unlad
Ang mga Gawain sa bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang matuklasan mo ang
adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng mga ito kung paano ito
makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Upang higit na maging masaya at
makabuluhan ang bahaging ito ay simulan mong sagutin ang mga sumusunod na gawain.

Suriin

Ang Adbokasiya ng Iba’t ibang Lipunang Sibil Batay sa Kontribusyon


Ang mga adbokasiya (isinusulong na usapin) ng iba’t ibang lipunang sibil ay maiuuri
batay sa kontribusyon ng mga ito sa katarungang panlipunan, pang- ekonomiyang pag-unlad,
pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng
mga kasarian, at ispirituwalidad (mga pagpapahalagang kailangan sa isang sustainable
society).

Halimbawa ng lipunang sibil ang HARIBON Foundation, isang lokal na organisasyon


dito sa Pilipinas na isinusulong ang adbokasiya na ipagtanggol ang kalikasan laban sa
mapanirang gawa ng mga tao, kumpanya o sinumang indibidwal na walang patumanggi sa
pagsira sa kalikasan. Layunin ng HARIBON ang mapangalagaan ang kalikasan lalo na ang
mga “endemic species” na sa ating bansa lamang matatagpuan.

Ang “Bayan Mo I-Patrol Mo” (BMPM), ay nilikha na Programa ng ABS-CBN na isang


uri ng lipunang sibil. Ipinapakita nito sa sambayanan kung paano ipararating sa nakararami
ang nakalap na mahahalagaang impormasyon o balita gamit ang kani-kanilang cellphone. Sa
ganitong paraan ay maaaaring palutangin ng media, habang nangyayari, ang mga pandaraya
at katiwalian sa halalan at ang anomalya ay mapipigilan kapag ito ay naisisiwalat. Bahagi sa
adbokasiya ng programang ito ang pagpapalutang ng mga impormasyon hindi lamang sa
panahon ng halalan kundi
maging sa iba’t ibang sakuna at trahedya, paghahatid ng tulong, pagsasaayos ng mga daan at
pagtatayo ng mga sentrong pampamayanan (community centers).Sheryl T. Gayola et.al.
Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang.Modyul para sa mag-aaral Unang
Edisyon 2015

At ang Compassion International ay dedikado naman sa pangmatagalang


pagpapaunlad sa buhay ng mga kabataang nakatira sa mga bansang mahihirap; maaaring

57
may kinalaman sa pinansyal, material, ispiritual, emosyonal, at iba pa. https://en.m.wikipedia
.org./https://en.m.wiki.pediaorg›wiki›CompassionInternational.

Napakahalaga ng kontribusyon ng mga institusyon sa lipunan dahil sa mga


isinusulong na adbokasiyang napapanahon at direktang tumutugon sa mga pangunahing
pangangailangan ng tao upang mabuhay ng maayos sa lipunan. At higit sa lahat
nakakatulong ito na maabot ng tao ang mataas na antas ng pagsulong at pag-unlad at
sustainable society hindi lamang ng sarili kundi maging sa buong bansa sa kabuuan.

Karagdagang impormasyon tungkol sa Compassion International

Child-advocacy ministry pairing compassionate people with children living in extreme


poverty to release the children from spiritual, economic, social, and physical poverty.

Have the privilege of working worldwide with over 65 evangelical church and
missions organizations, along with scores of indigenous church fellowships through over
4,800 church-based child development centers. The approach is unique because we are:

• CHRIST CENTERED. Ensure that every child hears the gospel and has the
opportunity to trust Jesus.

• CHILD FOCUSED. The ministry directly engages each child as a complete person.

• CHURCH BASED. Every sponsored child is linked with a Christ-centered church in


his or her community. Church partners staff are Christians, and all child development
activities occur at the church project.

• COMMITTED TO INTEGRITY. Commit to excellence and integrity to best benefit the


children we serve. Commit to help children, families and churches create relevant child
development activities. And commit to the highest professional and biblical
principles.https://www.compassion.com.

Gawain 5: Dugtungan Mo!


PANUTO: Punan ang kulang sa pahayag upang mabuo ang konsepto.

1. Nakikita ko na ang adbokasiya ng LIPUNANG SIBIL ay


.
2. Naisip ko na ang adbokasiya ng MEDIA ay
.
3. Nadama ko na ang adbokasiya ng SIMBAHAN ay

58

You might also like