FILIPINO 9 - Q1 - Mod3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 9
Nobela mula sa
Timog-Silangang Asya

Unang Markahan
Ikatlong Linggo
Modyul 3
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nasusuri ang mga pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang
tao vs. sarili sa binasang nobela,
2. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig at
nauuri ang mga tiyak na bahagi ng akda na nagpapakita ng
katotohanan, kabutihan at kagandahan batay sa
napakinggang bahagi ng nobela.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng iyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang iyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling pinag-aaralan.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri at magwasto sa iyong
mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang lawak ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong
maunawaan ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay magagamit mo
sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay at pakikipagtalastasan.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Panimulang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga
bagong kaalaman, kasanayan at konseptong kailangang malinang sa
kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo nang may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
ARALIN
Pagsusuri ng Tunggalian sa Nobela
1
Inaasahan
1. Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela.

Simulan natin ang ating gawain sa pagtukoy ng mga dati mong kaalaman sa
ating aralin. Humanda na at alam kong kayang-kaya mo itong sagutin!

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Piliin at isulat ang


titik ng wastong kasagutan sa kwaderno.

1. Ano ang tawag sa akdang tuluyan na nahahati sa kabanata?


A. Alamat B. Nobela C. Sanaysay D. Editoryal

2. Ito ay elemento sa akdang pampanitikan na tumutukoy sa suliranin ng


tauhan at kung papaano niya ito hinarap.
A. Tauhan B. Banghay C. Pananaw D. Tunggalian

3. “Ano ang aking gagawin, baka magalit ang aking magulang.” Ang bulong ni
Jahnna Jem sa sarili. Anong uri ng tunggalian ang ginamit sa pahayag?
A. Tunggalian ng tao laban sa tao
B. Tunggalian ng tao laban sa sarili
C. Tunggalian ng tao laban sa lipunan
D. Tunggalian ng tao laban sa kalikasan

4. Batay sa pangungusap bilang 3, ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na ito?


A. Nalilito ang tauhan
B. May natuklasan siya sa bahay
C. Magkaaway ang anak at magulang
D. Galit sa kaniya ang kaniyang magulang

5. Nagmakaawa ang kaniyang kaibigan na itago muna ang kaniyang


nasaksihan. Ano ang internal na suliranin ng tauhan sa pangyayaring ito?
A. Naaawa siya sa kaibigan.
B. Nag-aaway ang magkaibigan.
C. Nagtatalo ang kaniyang isip sa tamang gawin.
D. Nais niyang isiwalat ang problema ng kaibigan.

3
Balik-tanaw
Narinig mo na ba ang awiting “Manila” ng Hotdogs? Marahil ay napapaawit
ka na sa pagkakatong ito. Maliban sa mga nabanggit sa awitin. Itala ang mga sanhi
o dahilan kung bakit maraming mga probinsyano ang nagtutungo sa lungsod,
ibinubunga ng pagpunta sa lungsod at kinahihinatnan nila sa huli. Itala sa
kwaderno ang iyong kasagutan.

SANHI BUNGA

___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
_______________________ _______________________

SANHI BUNGA

___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
_______________________ _______________________

KINAKAHINATNAN

Nakabibilib at nalalaman mo ang mga pinagdaraanan ng mga kababayan


natin sa lungsod. Makatutulong ang mga ito upang maunawaan mo ang nilalaman
ng akdang bibigyang pansin!

Maikling Pagkilala sa Aralin

Kaugnay ng naunang gawain, may programang BALIK PROBINSYA, BAGONG


PAG-ASA ang ating pamahalaan. Ito ay ipinasang batas batay sa Executive Order
No.114 na naglalayong matulungan ang mga kababayan nating makabalik sa
kanilang probinsya na matagal nang naninirahan sa Kalakhang Maynila at
palakasin ang industriyang lokal ng ating bansa.
Alam mo bang hindi nalalayo sa ganitong sitwasyon ang bansang Vietnam?
Upang mapatunayan ito, basahin ang nobela sa ibaba na kinuha sa link na
http://supplemental9niwarville.blogspot.com/2017/05/mga-katulong-sa-
bahay.html?m=1.

4
MGA KATULONG SA BAHAY ni Vei Trong Phung
(Nobela mula sa Vietnam)
Buod ng Kabanata 6: Ang Liwanag ng Kalunsuran

Bumalik sa bahay-kainan ang tagapagsalaysay. Sa halip na tumuloy sa


kaniyang dating silid ay binulyawan siya ng mga tao roon at sinabihan siyang
bugaw. Hindi nabayaran ang kaniyang silid ng matandang babaeng nagdala ng
mga katulong.

Hindi na siya nakipagtalo at tumuloy nalamang siya sa lagusan kasama ang


higit sa sampung tao na nasa lugar. Nawika niya sa sarili, “Walang maaninag na
kariktan sa lugar na ito.” Bukod sa napakarumi ng paligid ay naghihirap ang mga
taong naroon. May mga batang nakahiga sa sahig, malungkot habang ang ilan ay
miserable. May matatanda at kabataang humihithit ng opyo, may nakatingalang
nakatingin sa mga bituin at may mga gusgusing magsasaka Sumasabay pa ang
tanawin ng kalangitan kaya nasabi niyang “Nalungkot ako sa liwanag ng buwan.”

Nanatili sila sa lagusan hindi dahil sa mabait ang may-ari. Maari silang
maglabas-pasok sa lagusan upang manlimos at makabili ng pagkain sa may-ari at
binibili nito ang mga nakulimbat nila sa Hanoi.

Napansin ng tagapagsalaysay ang pagdating ng labintatlong hindi taga-


siyuda. Ang labintatlong nilalang na ito ay katulad ng mga gamugamong nasilaw
sa liwanag ng kalunsuran. Nasisilaw ang mga tulad nila ng siyudad upang
maghanap ng trabaho maipagmamalaki nila. Ipinagpapalit ang kanilang buhay
para makarating sa Hanoi. Paikot-ikot sila sa lungsod hanggang sa sila’y mapagod,
maubusan ng pera at magutom dahil wala silang matutuluyan.

Hanggang sa matagpuan ang mga tulad nila ng isang mukhang matalinong


matandang babae, na may gintong hikaw, at tila mayaman ang dating, ang
kumaway, hudyat upang tumigil ang magsasaka. Tatawagin sila at pangangakuang
tutulungang makahanap sila ng trabaho. Sa ilang araw maayos silang nakakain
kapag naubos na ang kanilang pera at wala pa ring trabaho, napipilitan silang
magdilihensya at itaya ang sariling buhay. Mayroong nagnanakaw, nagbebenta ng
laman at nakagagawa ng krimen hanggang ang lahat sa kalauna’y nasadlak din sa
lagusan.

TUNGGALIAN SA NOBELA

Ang akdang nabasa ay tinatawag na nobela. Ayon kina Arrogante at


kaniyang mga kasama (2004), ang nobela ay karaniwang nahahati sa kabanata
at higit na nagiging kapana-panabik dahil sa mga nakapaloob na tunggalian.
Ito ay ang mga suliralin na kinakaharap ng tauhan sa akda na nagpapakita
kung papaano niya ito malulutas sa takbo ng kuwento. Batay sa aklat nina
Tapar at kaniyang mga kasama (2019), isa sa uri nito ay tunggalian ng tao
laban sa kaniyang sarili na nakararanas ng replektibong pagharap sa mga
suliranin ang tauhan tulad ng pagkalito sa mga desisyong kaniyang gagawin.
Sa kahit na anong uri ng panitikan makikita ang tunggalian na karaniwang
nagaganap din sa totoong buhay.

5
Sa pagkakataong ito, subukin mo ang iyong naunawaan sa aralin sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain.

Gawain
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa pagkaunawa sa
nabasang akda. Itala sa kwaderno ang iyong kasagutan.

1. Ilawaran ang tagpuan ng akda, paano sila napunta sa lugar na ito?


___________________________________________________________________________
2. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng mga tao sa lagusan.
___________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, bakit sa kabila ng kanilang kalagayan hindi magawang
umalis ng tagapagsalaysay sa lagusan?
___________________________________________________________________________
4. Paano inilarawan ng may-akda ang kalagayang panlipunan ng kanilang
bansa?
__________________________________________________________________________
5. Ipaliwanag ang ipinahihiwatig ng huling bahagi ng akda.
__________________________________________________________________________
Gawain 2
Panuto: Mula sa binasang nobela, itala mo ang mga pangyayari sa akda na
nagpapakita ang tagapagsalaysay ng replektibong pagharap sa kaniyang
suliranin. Ipaliwanag at isulat ang mo ang kasagutan sa kwaderno.

Pangyayari: Paliwanag:

Pangyayari: Paliwanag:

Pangyayari: Paliwanag:

Tandaan
1. Ang nobela ay isang uri ng panitikan na may mahabang kuwento at
nahahati sa kabanata.
2. Ang tunggalian sa isang akda ay nagsisilbing “spice” o pampalasa upang
higit na maging maganda at kapana-panabik ang takbo ng banghay ng
kuwento.
3. Ang tunggaliang tao laban sa sarili o panloob na tungggalian ay
nakararanas ang tauhan ng replektibong pagharap sa mga suliranin.

6
Pag-alam sa Natutuhan
Kalagayang Pesimistik, Optimistikong Pahayag (KPOP)

Panuto: Magsalaysay ng isang personal na pangyayari sa iyong buhay kung saan


nakaranas ng internal na tunggalian. Isalaysay kung paano ito nakatulong
sa iyong buhay. Isulat sa kwaderno ang iyong kasagutan.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Bibigyang-pansin sa pagmamarka ng gawain ang ss:

Nilalaman at kaangkupan sa paksa - 5 puntos


Pagpapalitaw ng internal na tunggalian - 3 puntos
Kaayusang gramatikal - 2 puntos
KABUUAN: 10 puntos

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik na
nagsasaad ng wastong kasagutan sa inyong kwaderno.

1. Ang akdang binasa, Kabanata 6: “Ang Liwanag ng Kalunsuran” ay bahagi ng


aklat na pinamagatang “Ang mga Katulong sa Bahay” ay halimbawa ng
__________.
A. Tula B. Nobela C. Sanaysay D. Editoryal

2. Ito ay nagsisilbing pampalasa sa akda upang maging maganda ang takbo ng


kuwento.
A. Tauhan B. Banghay C. Pahiwatig D. Tunggalian

3. Ito ay uri ng tunggalian na ang tauhan ay nakararanas ng replektibong


pagharap sa mga suliranin.
A. Tungaliang tao laban sa tao
B. Tungaliang tao lban sa sarili
C. Tunggaliang tao laban sa hayop
D. Tunggaliang tao laban sa lipunan

7
4. Alin sa mga sumusunod na pangyayari sa akdang binasa ang nagpapakita
ng tunggaliang tao laban sa sarili?
A. Pag-aaway ng mga tao sa lagusan.
B. Pagpapahirap ng amo sa kasambahay.
C. Ang mababang tingin ng mga tao sa mga tao sa lagusan.
D. Pagtatanong sa saili sa nakalaang kapalaran nila sa siyudad

5. Alin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan sa tunggalian?


A. Nagpapalitaw ito ng suliranin ng akda.
B. Nagpapakilala ito ng pag-uugali ng tauhan.
C. Nagsisilbi itong pampalasa sa takbo ng kuwento.
D. Nagpapakita ito ng paraan ng paglutas ng suliranin sa akda.

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Pagbati sa naipamalas mong kahusayan sa ating mga tinalakay na aralin!


Bilang pagtatapos, ibigay ang hinihingi sa talahanayan. Itala sa kwaderno ang
iyong kasagutan. (Pakikipagtalastasan at Pagbuo ng Katauhan)

Pukawin, Unawain, Sabihin, Hamunin (PUSH)

Pumukaw na bahagi
• Nagustuhang bahagi ng aralin

Unawain ang suliranin


• Ilahad ang kinaharap na
suliranin sa aralin

Sabihin ang nararamdam


• Ibahagi ang inyong
naramdaman

Hamong nakintal at nararapat gawin


• Natutuhan at napagnilayan sa
aralin

8
ARALIN Mga Pahiwatig, Katotohanan,
2 Kabutihan at Kagandahan ng Nobela

Inaasahan
1. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa
akda,
2. Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng
katotohanan, kabutihan at kagandahan batay sa napakinggang bahagi
ng nobela.

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Piliin at isulat ang


titik ng tamang sagot sa kwaderno.

1. “Matatapos din ang lahat ng ito.” Batay sa pahayag, alin sa mga sumusunod
ang ipinapahiwatig nito?
A. Nawawalan na siya ng pag-asa.
B. Nahihirapan na siyang tapusin ang gawain.
C. Malapit na siyang matapos sa kaniyang gawain.
D. Batid niyang matatapos din ang kaniyang pinagdadaanan.

2. Hindi siya makatingin ng diretso sa kaniyang ina matapos ang pangyayari.


Alin sa mga sumusunod ang ipinahihiwatig na nararamdaman ng taong ito?
A. Naiinis B. Nahihiya C. Napapagod D. Nakokonsensiya

3. Alin sa mga sumusunod ang maaring batayan sa pagiging makatotohanan ng


akda?
A. Ibinatay ito sa karanasan ng tao.
B. Karaniwang tagpuan ang ikatlong daigdig.
C. Isinulat gamit ang malikhaing imahinasyon.
D. Ang tauhan ay may kakaibang kapangyarihan.

4. Sa akdang ating nababasa, makikita natin ang kalakasan nito. Ano ang
tinutukoy ng salitang may salungguhit?
A. Kabutihan ng akda C. Katotohanan ng akda
B. Kagandahan ng akda D. Kapangyarihan ng akda

5. Karaniwang nag-iiwan ng magagandang mensahe ang akdang pampantikan.


Ano ang tinutukoy ng salitang may salungguhit?
A. Kabutihan ng akda C. Katotohanan ng akda
B. Kagandahan ng akda D. Kapangyarihan ng akda

9
Pagbati sa nakamit mong tagumpay sa unang pagsubok na ito! Ihanda ang
sarili sa mga susunod pa nating mga gawain.

Balik-tanaw

Sa mga akdang pampanitikan, karaniwang tumatatak sa ating mga isipan


ang mga binibitiwang pahayag o linya ng mga tauhan lalo na kung ito’y tumatagos
sa ating mga puso o di kaya’y may nakatagong kahulugan.

Ibahagi mo sa pagkakataong ito ang isang pahayag ng tauhan na iyong


napanood o nabasa na sadyang tumatak sa isipan at puso mo. Itala sa kwaderno
ang iyong kasagutan.
Pamagat ng akda: _______________________________________________________________

Pahayag ng tauhan:

Mensahe: ________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Maikling Pagpapakilala sa Aralin

Natatandaan mo pa ba ang mga pangyayari sa akdang ating binasa?


Napakaraming iniisip ng tagapagsalaysay at makahulugan ang mga ibinahagi
niyang paglalarawan sa tinatawag nilang lagusan. Makapangyarihan ang mga
salitang kaniyang binibitawan patungkol sa tagpuan at pinakilos nito ang ating
imahinasyon upang maunawaan ang akda.

MGA PAHIWATIG, KATOTOHAN, KABUTIHAN


AT KAGANDAHAN NG AKDA
Sa mga akdang pampanitikan tulad ng nobela, gumamit ang may-akda
ng mga pahayag na makapupukaw ng ating guniguni upang magpatuloy sa
pagbabasa. Ito ang mga pahiwatig sa akda.
Ayon kay Melba P. Maggay (2002), ang pahiwatig ay mga salita o paraan
ng komunikasyon sa di-tuwirang pagpapaabot ng mensahe. Naipamamalas
nito ang pagkamalikhain ng mambabasa sa paggamit ng kaniyang
imahinasyon sa kung ano ang mangyayari sa akda batay sa pahayag ng mga
tauhan.
Karaniwan ding ipinakikita sa akda ang katotohan, kabutihan at
kagandahan. Batay sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010), ang katotohanan ay
ano mang pangyayaring totoo o ibinatay sa karanasan ng tao. Ang kabutihan
ay mga pangyayaring nagpapakita ng pagiging mabuti o kahusayan sa isang
bagay. Samantalang ang kagandahan ay mga kondisyon ng mga katangiang
nakasisiya sa isipan o pamantayang moral.

10
Gawain
Gawain 1
Panuto: Ibigay ang iyong sariling interpretasyon sa mga sumusunod na pahiwatig.
Itala sa kwaderno ang iyong kasagutan.
1. Hindi na ako nakipagtalo sa kanila. ___________________________________
2. Buti na lamang hindi ako nag-iisa. ____________________________________
3. Nalulungkot ako sa liwanag ng buwan. ____________________________________
4. Isang gabing tinatanglawan ng liwanag ng buwan ang kalangitan.
___________________________________________________________________________
5. May labintatlong nilalang ang parang gamogamong nasilaw sa liwanag ng
lungsod. __________________________________________________________________

Gawain 2
Panuto: Itala ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng katotohanan,
kabutihan at kagandahan. Isulat mo ito sa kwaderno.
KATOTOHANAN
• __________________________________________________________________
KAGANDAHAN
• ___________________________________________________________________
KABUTIHAN
• ___________________________________________________________________

Tandaan

1. Ang mga pahiwatig sa akda ay mga salita o paraan ng komunikasyon sa


di-tuwirang pagpapaabot ng mensahe na nagpapamalas ng
pagkamalikhain ng mambabasa sa paggamit ng kaniyang imahinasyon.
2. Ang katotohanan sa akda ay tumutukoy sa ano mang pangyayaring
totoo o ibinatay sa karanasan ng tao.
3. Ang kabutihan sa akda ay mga pangyayaring nagpapakita ng pagiging
mabuti o kahusayan sa isang bagay.
4. Ang kagandahan sa akda ay mga kondisyon ng mga katangiang
nakasisiya sa isipan.

Pag-alam sa Natutuhan
Panuto: Itala mo sa kwaderno ang mga ipinahiwatig ng pahayag sa loob ng kahon
at iugnay ito sa sarili mong karanasan.

May Liwanag sa Likod ng mga Ulap

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

11
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin at isulat sa kwaderno


ang titik ng pinakawastong sagot.

1. Ito ay nagpapamalas ng pagkamalikhain ng mambabasa sa paggamit ng


kaniyang imahinasyon batay sa pangyayari sa akda.
A. Tauhan B. Banghay C. Pahiwatig D. Tunggalian

2. “Walang maaaninag na kariktan sa lugar na ito.” Ano ang ipinapahiwatig ng


pahayag na ito?
A. Luma ang mga kasangkapan at madilim.
B. Malaki ang bahay ngunit walang nakatira.
C. Hindi maayos ang pagkakalinis ng kasambahay.
D. Marumi ang paligid at lahat ng tao roon ay nahihirapan.

3. “Ang labintatlong nilalang na ito ay katulad ng mga gamugamong nasilaw sa


liwanag ng kalunsuran.” Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na ito?
A. Nakasisilaw ang mga pailaw sa lungsod.
B. Ang mga tao ay parang gamugamo sa lungsod.
C. May mga magsasaka na namang makikipagsapalaran sa lungsod.
D. Marami ang mula sa probinsya ang inaakalang maganda ang kapalaran
sa lungsod.

4. Isinalaysay ng tauhan sa akda ang mga karanasan nila sa Hanoi. Ano ang
binigyang-pansin sa pangyayaring ito?
A. Kabutihan ng akda C. Katotohanan ng akda
B. Kagandahan ng akda D. Kapangyarihan ng akda

5. Sa pangyayaring ibinahagi ng tagapagsalaysay ang mga natutuhan sa


pakikipagsapalaran sa Hanoi, ano ang binigyang-pansin??
A. Kabutihan ng akda C. Katotohanan ng akda
B. Kagandahan ng akda D. Kapangyarihan ng akda

Papel sa Replektibong Pagkatuto


Panuto: Mula sa ating mga tinalakay, itala sa talahanayan ang mga Positibo,
Kawili-wili at Negatibong natutuhan sa aralin. Isulat mo sa kwaderno ang
iyong sagot.

POSITIBO KAWILI-WILI NEGATIBO

12
Sanggunian
Almario, Virgilio. UP DIKSIYONARYONG FILIPINO. Quezon City: Anvil Publishing,
2010.
Maggay, Melba P. Pahiwatig: Kagawiang Komunikasyon ng Filipino. Quezon City:
Ateneo de manila University Press., 2002.
Arrogante, Jose A. et al. Panitikang Filipino Antalohiya. Mandaluyong City:
National Book Store, 2004.
Tapar, Isaac V. et al. FILIPINO ng LAHI. Makati City: DIWA Learning System
Inc., 2019.
https://lrmds.deped.gov.ph/grade/9
http://supplemental9niwarville.blogspot.com/2017/05/mga-katulong-sa-
bahay.html?m=1
https://www.slideshare.net/mobile/jmpalero/filipino-9-nobela-at-ang-mga-uri-ng-
tunggaliang-makikita-rito

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Museta DR Dantes, PSDS


Julieta DG Madera, HT VI
Manunulat: Wilma E. Hermogenes, MT II
Ilustrador: Wilma E. Hermogenes, MT II
Tagalapat: Evangeline P. De Leon, HT VI

13
Susi sa Pagwawasto
Aralin 1

Unang Pagsubok

1. B
2. D
3. B
4. A
5. C

BALIK-TANAW - Subhektibo, depende sa sagot ng bata.


GAWAIN 1
1. Napakarumi ng lagusan at dinala sila ng matandang babae.
2. Tila nahihirapan na siyang umalis sa tinatawag na lagusan.
3. Wala silang kakayahang umalis dahil sa takot.
4. Nagkukubli sa kagandahan ng Hanoi ang mga hindi magagandang
kapalaran ng mga galing sa probinsya.
5. May mga panibagong nilalang ang makikipagsapalaran sa siyudad.

GAWAIN 2 Depende sa pagsusuri ng mag-aaral. Mga posibleng kasagutan:

Tinanong niya ang sarili, ilang trabaho ba ang nakalaan para sa



nagnanais na pumasok sa kalakal ng mga kasambahay?
▪ Hindi na siya nakipagtalo sa taong humuhusga sa kaniya.
▪ Masuwerte pa raw silang pinayagan akong matulog sa tinatawag
na lagusan
PAG-ALAM SA NATUTUHAN- Depende sa sagot ng bata.
PAPEL SA REPELKTIBONG PAGKATUTO - Depende sa sagot ng bata.

Pangwakas na Pagsusulit

1. B
2. D
3. B
4. D
5. B

Aralin 2

Unang Pagsubok

1. D
2. D
3. A
4. B
5. A
14
BALIK-TANAW – Subhektibo, depende sa sagot ng bata.

GAWAIN 1

1. Ayaw na niya ng gulo kaya nanahimik na lamang siya.


2. Marami siyang kasama sa lagusan.
3. Nakadaragdag ng kaniyang kalungkutan ang liwanag ng buwan.
4. Nagbibigay pag-asa sa kanila na makakaahon sila sa kahirapan.
5. May mga bagong mabibiktima ang mapanlinlang na lungsod.

GAWAIN 2

KATOTOHANAN


Maraming taga-probinsya ang ninanais magtrabaho sa Hanoi.

Nasadlak sa pagnanakaw, paggawa ng krimen at prostitusyon
ang mga nakipagsapalaran sa lungsod.
KAGANDAHAN

• Maraming oportunidad sa lungsod ng Hani.


• Pagdadamayan ng ilang mga tao sa lagusan.
KABUTIHAN

• Natutuhan nilang huwag malawan ng pag-asa.


PAG-ALAM SA NATUTUHAN - Depende sa sagot ng bata.

• Lahat ng suliranin ay maroon solusyon.


• Pagkatapos ng paghihirap ay may kaginhawahan,

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO - Depende sa sagot ng bata.

Pangwakas na Pagsusulit

1. C
2. D
3. D
4. C
5. A

15

You might also like