Professional Documents
Culture Documents
Fil10 q1 Week1 4 Edited Final
Fil10 q1 Week1 4 Edited Final
MODYUL SA FILIPINO 10
Unang Markahan (Linggo 1-4)
DRAFT ONLY
Pangalan
Baitang at Pangkat
Paaralan
Guro
MODYUL 1 LINGGO 1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
1
Alamin Natin
Subukin Natin
A. Panuto. Basahin mabuti ang mga tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ang Cupid at Psyche ay isang akdang pampanitikan na:
A. Sanaysay B. Nobela C. Mitolohiya D. Dula
2. Ang Hari ng mga Diyos, ang sandata niya at ang kulog at kidlat na asawa ni Juno.
A. Poseidon B. Ares C. Zeus D. Apollo
3. Si Venus ay Diyosa ng Kagandahan, Si Psyche ay Diyosa ng Kaluluwa. Saan Diyosa
si Athena?
A. Mangangaso B. Karagatan C. Karunungan D. kabundukan
4. Ang Mitolohiyang, “Si Cupid at Si Psyche” ay nagmula sa Imperyong Romano na
isinalin sa Tagalog ni:
A. Angelo Ong B. Andrea Ong C. Angelika Ong D. Angela Ong
5. Ang tema ng mitolohiyang, “Si Cupid at Si Psyche” ay tumatalakay sa:
A. Tungkol sa pagmamahal ng magulang ni Cupid at ni Psyche.
B. Tungkol sa mga tao kulang sa pagmamahal at pag-aaruga ng magulang nila.
C. Tungkol sa mga taong naghahanap ng pagmamahal at magmamahal sa kanila
D. Tungkol sa wagas na pag-ibig na nababalutan ng katapatan at pagtitiwala sa isa't-isa
upang mapanatili itong matatag.
6. “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala,” wika ni Cupid bago tuluyang
lumipad papalayo.
A. Paalala B. Pagkagalit C. Pagkalungkot D. Pagtitiwala
7.“Siya ang asawa ko. Ako na isang hamak lamang ay hindi tumupad sa aking
pangako sa kaniya. Mawawala na nga ba siya sa akin nang tuluyan?”
A. Pagkatakot B. Pangamba C. Pang-aasar D. Pagkagalit
8.“Nagpunta ka ba rito upang maghanap ng mapapangasawa? Tiyak kong ang dati mong
asawa ay wala nang pakialam sa iyo, sapagkat muntik na siyang mamatay dahil sa
natamong sugat mula sa kumukulong langis na dulot moIsa kang kasumpa-sumpang
nilalang. Kailanman ay hindi ka magkakaroon ng asawa kung hindi ka daraan sa butas
ng karayom.”
A. Pagkatakot B. Pangamba C. Pangkutya D. Pagkalungkot
9. “Darating ang iyong mga kapatid upang magluksa sa lugar kung saan ka nila iniwan,”
wika ng asawa “Subalit huwag na huwag kang magpapakita sa kanila sapagkat
magbubunga ito ng matinding kalungkutan sa akin at kasiraan sa iyo,” habilin ng
lalaki. Nangako naman si Psyche na tatalima sa kagustuhan ng asawa.
A. Pagtataka B. Paalala C. Pangamba D. Pagsumamo
10.“Dapat noon pa ay iniyakan na ninyo ako. Ang taglay kong kagandahan ang sanhi ng
panibugho ng langit,” sumbat niya sa kaniyang ama.
A. Pagkalungkot B. Pagkabahala C. Pagkatakot D. Pagtatampo
2
A. titik ng tamang sagot.
A. Kilos, Aksyon at Gawa B. Karanasan C. Pangyayari
_____ 11. Upang makatiyak, lumipad si Cupid sa itaas ng bundok ng Olympus at siya
mismo ang nakipag-usap kay Jupiter.
_____ 12. Sinuong ni Psyche ang kadiliman ng gabi sa paghahanap sa asawa sa malayo
at malawak na lupain.
_____ 13. Naguguluhan si Psyche kung paniniwalaan niya ang kanyang kapatid na
halimaw ang kanyang napangasawa.
_____ 14. Habang si Psyche ay nakaupo sa tuktok ng bundok, umiiyak at nanginginig sa
takot di niya alam kung ano na ang mangyayari.
_____ 15. Dahil sa galit at selos ni Venus, nag-isip ng paraan kung paano niya pahihirapan
si Psyche.
Modyul
Mitolohiya mula sa Rome
1
Balikan Natin
Tuklasin Natin
Basahin at alamin natin ang maikling pinagmulan ng mitolohiya at katangiang taglay nito sa paglalahad
ng kuwento. At pagkatapos na kasunod na bahagi ay bilugan ang titik ng tamang sagot.
Ang salitang Mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito/myth at
alamat. Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na
naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila
at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek na muthos,
na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng
tunog sa bibig. Sa klasikal na mitolohiya, ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na
pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga sinaunang
tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo ng tao, ng mga katangian ng iba pang mga nilalang.
Ipinaliliwanag rin dito ang nakakatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig – tulad ng pagpapalit ng
panahon, kidlat, baha, kamatayan, apoy.
3
Ang Mitolohiya ng Taga-Rome
Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang nauukol sa politika, ritwal, at moralidad na
naaayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa sinaunang Taga-Rome hanggang ang
katutubong relihiyon ay napalitan na ng
Kristiyanismo. Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. Itinuring ng mga
Sinaunang Taga-Rome na nangyari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga mitolohiya kahit
ang mga ito ay mahimala at may elementong supernatural.
Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa bansang Greece na kanilang sinakop. Labis
nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin nilang parang kanila at
pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng bagong pangalan ang karamihan sa mga diyos at diyosa
ayon sa kanilang paniniwala at kultura.
4 PABABA
7. Diyos ng impyerno, kapatid ni Jupiter
8. Hari ng mga Diyos, Diyos ng kalawakan
5 at ng panahon
9. Diyos ng kagandahan
6 10.Mensahero ng mga Diyos, manlalakbay,
mangangalakal at siyensya
11. Reyna ng Diyos at asawa ni Jupiter
12. Diyos ng digmaan
4
Talakayin Natin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Pagbasa sa Lunsarang Teksto. Handa ka na ba at sabik nang basahin ang kuwentong mitolohiya
mula sa Miditerranean. Ikinagagalak ko na ang gagawin mong pagbasa ay makatutulong nang malaki.
Halina’t magbasa at maglibang o maaaring
panoorin.(https://www.youtube.com/watch?v=hteaGOOA_3A&featue=share
Noong unang panahon, may hari na may tatlong magagandang anak na babae. Ang
pinakamaganda sa tatlo ang bunsong si Psyche. Labis siyang hinahangaan at sinasamba ng
kalalakihan. Sinasabi nilang kahit si Venus, ang diyosa ng kagandahan, ay hindi makapapantay
sa ganda nito. Nalimot na rin ng kalalakihan na magbigay ng alay at magpuri sa diyosa. Gayundin,
ang kaniyang templo ay wala nang mga alay, naging marumi, at unti-unti nang nasisira. Lahat ng
papuri’t karangalang dapat sa kaniya ay napunta na lahat sa isang mortal. Nagalit si Venus at
inutusan niya si Cupid, ang kaniyang anak upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na
nilalang. Hindi na niya naisip ang maaaring maidulot ng kagandahan ng dalaga sa kaniyang anak.
Agad tumalima si Cupid
at hinanap ang nasabing babae. Umibig siya kay Psyche nang nasilayan niya ang kagandahan ng
dalaga. Tila ba napana niya ang kaniyang sariling puso.
Nang makauwi si Cupid, inilihim niya sa kaniyang ina ang nangyari. Labis namang
nagtitiwala si Venus at hindi na rin nito inusisa ang anak. Nanabik ang diyosa ng kagandahan sa
kahihinatnan ng buhay ni Psyche.
Gayunman, hindi naganap ang inaasahan ni Venus. Hindi umibig si Psyche sa isang
nakatatakot na nilalang o kahit kanino. Ang isa pang nakapagtataka ay walang umiibig sa kaniya.
Kontento nang pagmasdan at sambahin siya ng mga lalaki subalit hindi ang ibigin siya. Ang
kaniyang dalawang kapatid na malayo ang hitsura sa taglay niyang kagandahan ay nakapag-
asawa na ng hari at namumuhay nang masaya sa kani-kaniyang palasyo. Naging malungkot si
Psyche sa kaniyang pag-iisa. Tila walang nais magmahal sa kaniya.
Nabahala ang magulang ni Psyche. Naglakbay ang haring ama ni Psyche upang humingi
ng tulong kay Apollo. Hiniling niyang payuhan siya ni Apollo kung paano makahahanap ng
mabuting lalaking iibig sa kaniyang anak. Lingid sa kaalaman ng hari naunang humingi ng tulong
si Cupid kay Apollo. Sinabi niya ang kaniyang sitwasyon at nagmakaawang tulungan siya. Kaya
sinabi ni Apollo sa hari na makapangangasawa si Psyche ng isang nakakatakot na nilalang.
Pinayuhan niya ang hari na bihisan ng pamburol si Psyche, dalhin siya sa tuktok ng bundok at
iwan nang mag-isa. Doon ay susunduin siya ng kaniyang mapapangasawa na isang halimaw,
isang ahas na may pakpak.
Labis na kalumbayan ang baon ng hari sa kaniyang pagbabalik sa palasyo subalit agad
pa rin siyang tumalima sa payo ni Apollo. Ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda
niyang damit. Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid
sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng bundok. Habang naglalakbay sila, nagluluksa ang lahat
sa maaaring mangyari kay Psyche. Sa kabila naman ng mabigat na sitwasyon, buong tapang na
hinarap ng dalaga ang kaniyang kapalaran. “Dapat noon pa ay iniyakan na ninyo ako. Ang taglay
kong kagandahan ang sanhi ng panibugho ng langit,” sumbat niya sa kaniyang ama. Pagkatapos
nito ay pinaalis na ni Psyche ang kaniyang mga kasama at sinabing masaya niyang haharapin ang
kaniyang katapusan.
Naghintay si Psyche habang unti-unting nilalamon ng dilim ang buong bundok. Takot na
takot siya sapagkat hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya. Patuloy siyang tumatangis
at nanginginig sa takot hanggang sa dumating ang malambing na ihip ng hangin ni Zephyr. Inilipad
siya nito at inilapag sa isang damuhang parang na kasinlambot ng kama at pinahalimuyak ng
mababangong bulaklak. Napakapayapa ng lugar na tila nawala ang lahat ng kaniyang
kalungkutan. Nakatulog siya sa kapayapaan ng gabi. Nang magising si Psyche sa tabi ng ilog,
natanaw niya sa pampang nito ang isang mansiyon na parang ipinatayo para sa mga diyos.
5
Nagmasid-masid siya at labis ang kaniyang pagkamangha sa kagandahan nito. Yari sa pilak at
ginto ang mga haligi, at ang sahig ay napalamutian ng mga hiyas. Nag-aalinlangan niyang buksan
ang pinto subalit may tinig na nangusap sa kaniya. “Pumasok ka, para sa iyo ang mansiyong ito.
Maligo ka, magbihis, at ihahanda namin ang piging para sa iyo. Kami ang iyong mga alipin,” wika
ng mga tinig.
Nalibang si Psyche sa mansiyon, kumain siya ng masasarap na pagkain. Buong araw
siyang inaliw ng mga musika ng lira at ng mga awitin ng koro na hindi niya nakikita. Maliban sa
mga tinig na kaniyang mga kasama, nag-iisa siya sa mansiyon. Subalit sa hindi maipaliwanag na
dahilan, batid niyang sa pagsapit ng gabi ay darating ang kaniyang mapapangasawa. Lumipas
ang maghapon nang hindi niya namamalayan. Pagsapit ng gabi nangyari nga ang inaasahan niya.
Naramdaman niya ang pagdating ng lalaki. Tulad ng mga tinig hindi niya ito nakikita. Bumulong
ang lalaki sa kaniyang tainga. Nang marinig niya ang tinig ng lalaki, nawala ang lahat ng takot na
kaniyang nararamdaman. Sa kaniyang paniniwala, hindi halimaw ang lalaki kundi isang
mangingibig at asawang matagal na niyang hinihintay.
Isang gabi ay kinausap siya nang masinsinan ng lalaki. Binalaan siyang may panganib na
darating sa pamamagitan ng dalawa niyang kapatid. “Darating ang iyong mga kapatid upang
magluksa sa lugar kung saan ka nila iniwan,” wika ng asawa. “Subalit huwag na huwag kang
magpapakita sa kanila sapagkat magbubunga ito ng matinding kalungkutan sa akin at kasiraan sa
iyo,” habilin ng lalaki. Nangako naman si Psyche na tatalima sa kagustuhan ng asawa.
Kinabukasan, narinig ni Psyche ang panangis ng kaniyang mga kapatid. Labis na naantig
ang kaniyang damdamin sa kanilang pagluluksa. Nais niyang ibsan ang kanilang kalungkutan at
patahanin sila sa pag-iyak. Hanggang sa maging siya ay umiiyak na rin. Kinagabihan ay inabutan
pa siya ng kaniyang asawa na umiiyak. Sinabi ng lalaki na maaari na niyang makita ang kaniyang
mga kapatid subalit mahigpit pa rin ang kaniyang babala. “Sige gawin mo ang iyong nais subalit
parang hinahanap mo ang sarili mong kapahamakan,” wika ng lalaki. Pinayuhan siya nang
masinsinan na huwag siyang pabubuyo kaninuman na subuking sulyapan ang mukha ng lalaki.
Kung mangyayari ito, magdurusa si Psyche sa pagkakawalay sa kaniya. “Nanaisin kong mamatay
nang isandaang beses kaysa mabuhay nang wala ka sa aking piling. Pagbigyan mo lang ang
kaligayahan kong muling makapiling ang aking mga kapatid,” buong pagmamakaawang hiling ni
Psyche. Malungkot na sumang-ayon ang lalaki.
Kinaumagahan, inihatid ng ihip ng hangin ni Zephyr ang dalawang kapatid ni Psyche.
Hindi magkamayaw sa iyakan at yakapan ang magkakapatid. Walang mapagsidlan ang nag-
uumapaw nilang kaligayahan. Nang pumasok na sila sa mansiyon labis na pagkamangha ang
naramdaman ng magkapatid. Sila ay nakatira sa palasyo subalit walang kasingganda ang
mansiyon na ito. Nag-usisa sila kung sino ang napangasawa ni Psyche. Tulad ng kaniyang
ipinangako inilihim ni Psyche ang tunay na pagkatao ng asawa. Nang matapos na ang pagdalaw
ng kaniyang mga kapatid, dumakot si Psyche ng mga ginto at hiyas upang ibigay sa kaniyang mga
kapatid. Ipinahatid niyang muli ang mga kapatid kay Zephyr. Labis na pangingimbulo ang
naramdaman ng mga ate ni Psyche sa kaniya. Ang kanilang kayamanan ay hindi maihahambing
sa kayamanang kanilang nakita sa tahanan ni Psyche. Binalot nang labis na inggit ang kanilang
puso na humantong sa pagpaplano nila ng ikapapahamak ng kanilang bunsong kapatid.
Noong gabi ring iyon, muling kinausap ng lalaki si Psyche. Nagmakaawa siyang huwag
na muling patuluyin sa kanilang tahanan ang kaniyang mga kapatid. “Tandaan mong hindi mo na
ako makikitang muli kapag binali mo ang iyong pangako,” masidhing paalala ng kaniyang asawa.
“Bawal na kitang makita, pati ba naman ang mga mahal kong kapatid?” pagmamaktol na sumbat
ni Pysche. Muling pinagbigyan ng lalaki ang asawa na makita ang kaniyang mga kapatid.
Kinabukasan, muling dumalaw ang dalawang kapatid na may nabuo nang malagim na
balak sa kanilang bunsong kapatid. Nag-usisa sila nang nag-usisa hanggang malito na si Psyche
sa kaniyang mga pagsisinungaling. Napilitan siyang sabihin ang katotohanang bawal niyang
makita ang mukha ng kaniyang asawa at hindi niya alam ang anyo nito. Ikinumpisal ng magkapatid
na alam na nila noon pa na ang asawa ni Psyche ay isang halimaw batay sa sinabi ng orakulo ni
Apollo.
Nagsisisi sila kung bakit nila ito inilihim kay Psyche. Binuyo nila si Psyche na dapat na
niyang malaman ang katotohanan bago mahuli ang lahat. Mabait lamang daw ang kaniyang asawa
ngayon subalit darating ang araw na siya ay kakainin nitoTakot ang nangibabaw sa puso ni Psyche
sa halip na pagmamahal. Ngayon lamang niya napagtagni-tagni ang katanungan sa kaniyang isip.
Kaya pala pinagbabawalan siyang makita ang hitsura ng kaniyang asawa sapagkat halimaw ito.
At kung hindi man ito halimaw, bakit ito hindi nagpapakita sa liwanag? Magkahalong takot at
pagkalito ang naramdaman ni Psyche. Humingi siya ng payo sa kaniyang kapatid. Isinagawa na
ng nakatatandang mga kapatid ang masama nilang balak.
6
Pinayuhan nila si Psyche na magtago ng punyal at lampara sa kaniyang silid. Kapag
natutulog na ang kaniyang asawa sindihan niya ang lampara at buong tapang niyang itarak ang
punyal sa dibdib ng asawa. Humingi lamang daw si Psyche ng tulong at nasa di kalayuan lamang
ang dalawa. Kapag napatay na ni Psyche ang asawa sasamahan siya ng kaniyang mga kapatid
sa pagtakas. Iniwan nila si Psyche na litong-lito. Mahal na mahal niya ang kaniyang asawa subalit
paano kung halimaw nga ito? Nabuo ang isang desisyon sa kaniya. Kailangan niyang makita ang
hitsura ng kaniyang asawa.
Sa wakas, nang mahimbing nang natutulog ang lalaki, patiyad na naglakad si Psyche
patungo sa pinaglagyan niya ng punyal at lampara. Kinuha niya ang mga ito. Sinindihan niya ang
lampara. Dahan-dahan siyang lumapit sa kaniyang asawa. Laking ginhawa at kaligayahan ang
nag-uumapaw sa kaniyang puso nang masilayan niya sa unang pagkakataon ang hitsura ng
kaniyang asawa. Hindi halimaw ang kaniyang nakita kundi pinakaguwapong nilalang sa mundo.
Nang madapuan ng liwanag ang kagandahan ng lalaki ay tila ba mas lalong tumingkad ang liwanag
ng lampara. Sa labis na kahihiyan at kawalan ng pagtitiwala, lumuhod siya at binalak na saksakin
ang sarili. Nang akma na niyang itatarak ang punyal sa kaniyang dibdib, nanginig ang kaniyang
kamay, at nahulog ang punyal. Ang panginginig ng kaniyang kamay ay kapwa nagligtas at
nagtaksil sa kaniya. Sa pagnanais niyang pagmasdan pa ang kaguwapuhan ng kaniyang asawa,
inilapit niya ang lampara at natuluan ng mainit na langis ang balikat nito. Nagising ang lalaki at
natuklasan ang kaniyang pagtataksil. Lumisan ang lalaki nang hindi nagsasalita.
Sinundan ni Psyche ang asawa subalit paglabas niya, hindi na niya nakita ang lalaki.
Narinig na lamang niya ang tinig ng asawa. Ipinaliwanag nito kung sino siyang talaga. “Hindi
mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala,” wika niya bago tuluyang lumipad papalayo. “Si
Cupid, ang diyos ng pag-ibig!” ang naisip ni Psyche. “Siya ang asawa ko. Ako na isang hamak
lamang ay hindi tumupad sa aking pangako sa kaniya.
Mawawala na nga ba siya sa akin nang tuluyan?” wika niya sa kaniyang sarili. Inipon niya
ang lahat ng nalalabi niyang lakas at nagwikang “Ibubuhos ko ang bawat patak ng aking buhay
upang hanapin siya. Kung wala na siyang natitirang pagmamahal sa akin, maipakikita ko sa kaniya
kung gaano ko siya kamahal.” At sinimulan ni Psyche ang kaniyang paglalakbay.
Sa kabilang banda, umuwi si Cupid sa kaniyang ina upang pagalingin ang kaniyang sugat.
Isinalaysay niya sa kaniyang ina ang nangyari. Nagpupuyos sa galit si Venus at lalong sumidhi
ang pagseselos niya kay Psyche. Iniwan niya si Cupid nang hindi man lang tinulungang gamutin
ang sugat nito. Determinado si Venus na ipakita kay Psyche kung paano magalit ang isang diyosa
kapag hindi nasiyahan sa isang mortal.
Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang panig ng mga diyos. Siya ay
palagiang nag-aalay ng marubdob na panalangin sa mga diyos subalit wala sa kanila ang nais
maging kaaway si Venus. Nararamdaman ni Psyche na wala siyang pag-asa sa lupa o sa langit
man. Kaya minabuti niyang magtungo sa kaharian ni Venus at ialay ang kaniyang sarili na maging
isang alipin. Sa ganitong paraan ay umaasa siyang lalambot din ang puso ni Venus at huhupa rin
ang kaniyang galit. Nagbabakasakali rin siyang naroon sa kaniyang ina si Cupid. Sinimulan na
niya ang paglalakbay.
Nang dumating si Psyche sa palasyo ni Venus, humalakhak nang malakas ang diyosa.
Pakutya niyang tinanong si Psyche, “Nagpunta ka ba rito upang maghanap ng mapapangasawa?
Tiyak kong ang dati mong asawa ay wala nang pakialam sa iyo, sapagkat muntik na siyang
mamatay dahil sa natamong sugat mula sa kumukulong langis na dulot mo. Isa kang kasumpa-
sumpang nilalang. Kailanman ay hindi ka magkakaroon ng asawa kung hindi ka daraan sa butas
ng karayom.” Sinabi ng diyosa na tutulungan niya si Psyche sa pagsasanay. Ibinuhos niya sa
harap ni Psyche ang isang malaking lalagyan na puno ng iba’t ibang uri ng maliliit na butong
pinaghalo-halo niya. Inutusan niya si Pysche na bago dumilim dapat ay napagsama-sama na niya
ang magkakauring buto. Agad lumisan ang diyosa.
Tinitigan lamang ni Psyche ang malaking tumpok ng mga buto. Napaka-imposible ng
ipinagagawa sa kaniya ng diyosa. Nasa ganitong pagmumuni si Psyche nang pagmasdan siya ng
mga langgam. Kung ang mga mortal at imortal ay hindi naaawa sa kaniya, hindi ang maliliit na
nilalang. Nagtawag ang mga langgam ng kanilang mga kasama at sinimulan ang pagbubukod-
bukod ng mga buto. Agad natapos ang gawain. Pagdating ni Venus, hindi siya nasiyahan sa
kaniyang nakita. Sinabi niyang hindi pa tapos ang mga pagsubok ni Psyche. Binigyan niya si
Psyche ng matigas na tinapay. Sinabi rin ng diyosa na sa sahig siya matutulog. Inisip ng diyosa
na kung pahihirapan at gugutumin niya si Psyche mauubos rin ang nakaiinis nitong ganda.
Samantala, tiniyak ni Venus na hindi makalalabas si Cupid sa kaniyang silid habang pinahihilom
nito ang kaniyang sugat. Nasisiyahan si Venus sa magandang takbo ng mga pangyayari.
7
Kinaumagahan, isang mapanganib na pagsubok ang ipinagawa ni Venus kay Psyche.
Pinakukuha niya si Psyche ng gintong balahibo ng mga tupa sa tabi ng ilog. Ang mga tupa ay
mababangis at mapanganib. Nang marating ni Psyche ang ilog, natutukso siyang tumalon at
magpalunod na lamang upang matapos na ang kaniyang paghihirap. Nakarinig siya ng tinig mula
sa halamang nasa tabi ng ilog. “Huwag kang magpapakamatay. Hindi naman ganoon kahirap ang
ipinagagawa sa iyo. Kailangan mo lang maghintay ng tamang panahon upang makakuha ng
gintong balahibo ng tupa. Pagsapit ng hapon ang lahat ng tupa mula sa malalabay na halamanan
ay magtutungo dito sa ilog upang magpahinga. Magtungo ka sa halamanan at doon ka kumuha
ng mga gintong balahibong nasabit sa mga sanga.” Sinunod ni Psyche ang payo ng halamang
nasa tabi ng ilog. Umuwi siya sa kaharian ni Venus na dala ang mga gintong balahibo ng tupa.
“May tumulong sa iyo!” sumbat ni Venus kay Psyche. “Hindi mo ginagawa nang mag-isa
ang mga pinagagawa ko sa iyo. Hindi bale, bibigyan kita ng pagkakataong patunayan na sadyang
mapagkunwari kang may mabuting puso at magaling.” Itinuro ni Venus sa malayo ang itim na tubig
ng talon. Binigyan niya si Psyche ng praskoat pupunuin ito ng itim na tubig. Nagtungo si Psyche
sa ilog ng Styx. Nakita niyang malalim ang bangin at mabato. Tanging may pakpak lamang ang
maaaring makaigib ng tubig. Sa lahat ng kaniyang pagsubok, ito na ang pinakamapanganib. Tulad
ng inaasahan may tumulong kay Psyche. Isang agila ang dumagit sa praskong tangan ni Psyche
at lumipad malapit sa talon. Pagbalik ng agila, puno na ng itim na tubig ang prasko.
Hindi pa rin sumusuko si Venus sa pagpapahirap kay Psyche. Ayaw niyang magmukhang
tanga sa harap ng madla. Ipinagpatuloy niya ang pagpapahirap sa kawawang mortal. Binigyan
niya si Psyche ng isang kahon na paglalagyan niya ng kagandahang kukunin ni Psyche mula kay
Proserpine, ang reyna sa ilalim ng lupa. Inutos ni Venus na sabihin ni Psyche na kailangan niya
ito sapagkat napagod siya sa pag-aalaga ng kaniyang anak na maysakit. Katulad ng mga nauna
agad tumalima si Psyche. Dala ang kahon, tinalunton niya ang daan papunta sa kaharian ni Hades.
Tinulungan siya ng isang tore na nagbigay sa kaniya ng detalyadong hakbang patungo sa
kaharian sa ilalim ng lupa. Una, kailangan niyang pumasok sa isang butas na lagusan patungo sa
ilalim ng lupa sa tabi ng ilog ng kamatayan. Kailangan niyang sumakay sa isang bangkang ang
bangkero ay si Charon. Kailangan niyang bayaran ng pera si Charon upang siya ay makatawid.
Makikita na niya ang lansangan patungo sa palasyo. Sa pintuan ng palasyo may nagbabantay na
isang asong tatlong ulo. Kapag binigyan ng cake ang aso ito ay magiging maamo at papayag nang
magpapasok sa palasyo.
Nagawa lahat ni Psyche ang ipinaliwanag ng tore. Pinaunlakan din ni Proserpine ang
kahilingan ni Venus. Agad nakabalik si Psyche nang mas mabilis pa kaysa kaniyang pagbaba.
Gayunman, nasubok muli ang karupukan ni Psyche. Sa paghahangad niya ng karagdagang
kagandahan upang umibig muli si Cupid sa kaniya, natukso siyang kumuha ng kaunting ganda sa
loob ng kahon. Nang buksan niya ito, tila walang laman subalit nakadama siya ng matinding
panghihina at agad nakatulog.
Sa mga panahong ito ay magaling na si Cupid. Sabik na siyang makita ang kaniyang
asawa subalit ibinilanggo siya ng kaniyang ina. Mahirap bihagin ang pagmamahal. Kaya humanap
si Cupid ng paraan upang makatakas. Nakita niya ang bukas na bintana at doon siya nakatakas.
Nahanap niya agad si Psyche malapit sa palasyo. Agad niyang pinawi ang pagtulog ng asawa at
agad sinilid ang gayuma sa kahon. Bahagya niyang tinusok ng kaniyang busog si Psyche upang
magising. Pinagalitan niyang muli ang kaniyang asawa dahil sa pagiging mausisa nito na
humantong muli sa kaniyang kapahamakan. Sinabi niyang magtungo si Psyche sa kaniyang ina
at ibigay ang kahon. Dito na magtatapos ang pagpapahirap ng kaniyang ina.
Masayang nagtungo si Psyche sa palasyo samantalang si Cupid naman ay lumipad
patungo sa kaharian ni Jupiter, ang diyos ng mga diyos at tao. Hiniling niya na tiyaking hindi na
sila gagambalain ng kaniyang ina. Pumayag si Jupiter.
Nagpatawag si Jupiter ng pagpupulong ng mga diyos at diyosa kasama na si Venus.
Ipinahayag niya sa lahat na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal at wala nang dapat
gumambala sa kanila maging si Venus. Dinala ni Mercury si Psyche sa kaharian ng mga diyos.
Dito iniabot ni Jupiter kay Psyche ang ambrosia, ang pagkain ng mga diyos upang maging imortal.
Naging panatag na rin si Venus na maging manugang si Psyche sapagkat isa na itong diyosa. At
kung maninirahan na ang manugang sa kaharian ng mga diyos, hindi na muling makagagambala
si Psyche sa pagsamba ng tao kay Venus.
Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na
pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman.
8
Gawain 4. Talasan mo, Isipan mo!
Panuto. Hanapin ang kasingkahulugan ng salitang maysalungguhit sa loob ng pangungusap at bilugan
ang tamang sagot. Pagkatapos, gamitin sa wastong pangungusap ang salitang may salungguhit.
1. Nahapis ang ama sa pagkalayo ni Psyche sa kanyang pamilya.
A. Natuwa C. Nalungkot
B. Nayamot D. Nagkasakit
Pangungusap: ______________________________________________________
2. Si Psyche ang magandang babae na tumalima agad sa lahat ng pinag-uutos ni
Venus.
A. Tumakbo C. Nahulog
B. Sumunod D. Lumipad
Pangungusap:
3. Nagpupuyos sa galit na umalis si Cupid dahil sa nakitang kataksilan ni Psyche.
A. Nagagalit C. Natatakot
B. Naiiyak D. Nagwawala
Pangungusap:
4. Ang mga langgam ay nakadama ng simpatiya kay Psyche kaya inihiwalay ng mga
ito ang binhi.
A. Nakikiisa C. Nahihiya
B. Nagtataka D. Natatakot
Pangungusap:
5. Si Venus ay tinuturing na Diyosa ng kagandahan ay nagkaroon ng pangingimbulo
kay Psyche dahil sa dami ng tagahanga nito kaya tinawag niya ang anak na si
Cupid na panain si Psyche
A. Naiinis C. Nagpupuyos
B. Naiiiyak D. Nagseselos
Pangungusap:
Sarili Magulang
Kapwa Mamamayan
Pagyamanin Natin
Si Proserpina ay anak ni Zeus (ang Diyos ng mga Diyos)
9
at Demeter (Diyosa ng Anihan).
10
Kaugalian: Kulturang Pilipino:
2. Kulturang Romano: Si Venus ay tinuturing na Diyosa ng kagandahan ay napabayaan na naging
madumi at ang paboritong siyudad ay naging magulo na, ang lahat ng tagahanga ni Venus ay
pawang naging tagahanga ni Psyche.Kaya inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid na
panain upang mapaibig sa pinakasusuklamang nilalang sa lupa.
Kaugalian: Kulturang Pilipino:
3. Kulturang Romano: Dahil gusto ng ama ni Psyche na makapg-asawa na siya. Pagkagaling ng
nito kay Apollo, nahapis ito at pinarating sa pamilya ang nakalulungkot na balita. Binihisan nila
si Psyche ng damit na panluksa at dadalhin siya sa tuktok ng bundok, na kung saan ililipad siya
ng serpyenteng may pakpak, mas malakas pa kaysa sa mga Diyos upang maging asawa.
Kaugalian: Kulturang Pilipino:
4. Kulturang Romano: Tumungo si Cupid sa kanyang Iang si Venus upang ipagamot ang kanyang
sugat. Nang malaman ng ina ang nangyari, iniwanan siya sa gitna ng sakit, sapagkat lalo itong
napuno ng selos. Isinumpa niyang ipakita kay Psyche kung ano ang maaaring mangyari na ang
poot ng isang diyosa ay ilalagay sa pagsubok.
Kaugalian: Kulturang Pilipino:
WIKA AT GRAMATIKA
ANGKOP NA GAMIT NG PANDIWA
Bilang Aksiyon, Karanasan at Pangyayari
1. Kilos, Aksiyon o Gawa
• May aksiyon, kilos o galawang pandiwa kapag may aktor o Tagaganap ng aksiyon,
tao man o bagay.
• Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um, mag-,
ma-, mang-, maki-, mag-an.
Halimbawa:
A. Nag-isip si Pluto na mag asawa na at magkaroon ng kasama sa
kaharian.
B. Sumang-ayon na si Demeter na anim na buwan si Proserpina sa
kanya at anim na buwan kay Pluto.
Pandiwa: Nag-isip Sumang-ayon
Aktor: Pluto Demeter
2. Karanasan
• Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin o
saloobin. Dahil dito may tagaranas ng damdamin o saloobin gayon na
inihuhudyat ng pandiwa.
Halimbawa:
A. Nasiyahan si Pluto kay Proserfina dahil naging asawa na niya ito.
B. Nakiusap si Demeter kay Zeus na kuhanin si Proserfina kay Pluto.
Damdamin: Nasiyahan Nag-alala
Tagaranas ng Damdamin: si Pluto Demeter
3. Pangyayari
• Kapag nagsasabing isang pangyayariang pandiwa, may proseso ng
nagaganap, Ipinahihiwatig na naapektuhan ng naturang proseso na karaniwang
sadya o di-sadya, nilikas o di-likas. Tatawaging tagatanggap ng proseso ang bagay na
naaapektuhan na tinatawag na pangyayari.
Halimbawa:
A. “Natatakot ako?” Ang sabi ni Demeter kay Zeus
B. Mamamatay si Proserfina dahil nakakain na ito ng anim na buto ng
granada.
Pagsusuri: Natatakot Mamamatay
Tagatanggap: Demeter Proserfina
Gayunpaman, may mga pandiwang naghahayag ng mga pangyayari na hindi tinitiyak
ang tagatanggap ng pangyayari tulad ng pandiwang nagpapahayag ng mga pangyayaring
naganap sa kalikasan.
Halimbawa:
A. Lumilindol! B. Nasusunog!
11
Gawain 8. Panuto. Bilugan ang mga salitang nagsasaad ng kilos at pagkatapos tukuyin kung anong
angkop na gamit nito. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
A. Kilos, Aksyon at Gawa B. Karanasan C. Pangyayari
____1. Naglalakbay si Psyche dahil iniwanan siya ni Cupid sa hindi inaasahang
pangyayari.
____2. Inaayos ni Cupid ang ang pag-iibigan nila ni Psyche kaya pinuntahan
niya si Jupiter.
____3. Gusto ni Venus na maghiwalay sina Cupid at Psyche dahil nalalamangan
siya ni Psyche sa kagandahan nito.
____4. Hinahanap ni Psyche si Cupid upang humingi ng tawad kay Cupid.
____5. Dinala ni Venus ang kahon na walang laman ngunit ito’y naging sanhi ng
pagkawalang malay niya.
Tandaan Natin
Gawain 9. Panuto. Sa nalaman at natunghayan natin sa kuwento, may ilang bahagi na nakapaloob
ang tungkol sa gamit ang mito na nabanggit sa akda. Kung ikaw ay gagawing Diyos sa sangkatauhan
sa apat na nabanggit sa ibaba. Paano mo babaguhin ang sarili, pangangalagaan ang kalikasan,
pananatilihin ang kabutihan at abutin ang pangarap ng mga tao. Isulat sa kahon at gumamit ng angkop
ng pandiwa.
Isabuhay natin
Gawain 10. Guhit mo, Kuwento mo!
Panuto. Sa Maikling kasaysayan ng Mitolohiya at mga halimbawa ng kuwento nito. Gumuhit ng sariling
pangalan ng Diyos o Diyosa. Pagkatapos sumulat ng sariling kuwentong mitolohiya na ang karakter ay
ang sarili pangalan na ginuhit mo. Sa Pagsasalaysay gamitin at salungguhitan ang mga salitang angkop
na pandiwa bilang aksyon, pangyayari at karanasan nito. Basahin ang pamantayan na nakakahon sa
bandang ibaba.
12
Tayahin Natin
A. Panuto. Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng nasa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B
___1. Diyosa ng Kagandahan A. Psyche
___2. Diyos ng mga Diyos B. Demeter
___3. Diyosa ng Kaluluwa C. Venus
___4. Diyosa ng Pagtatanim D. Cupid
___5. Diyos ng Pag-ibig E. Jupiter
B. Panuto. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang ikinilos ng mga tauhan sa akda. MALI naman
kung hindi wasto ang ikinilos ng mga tauhan sa akdang “Cupid at Psyche”.
_____1. Isang gabi ay kinausap siya nang masinsinan ng lalaki. Binalaan siyang may panganib na
darating sa pamamagitan ng dalawa niyang kapatid.
_____2. Lahat ng papuri’t karangalang dapat kay Venus napunta na lahat sa isang mortal na si Psyche
ang lahat na humanga sa kanya. Nagalit si Venus at inutusan niya si Cupid na panain ito upang paibigin
si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang.
_____3. Nabahala ang magulang ni Psyche dahil wala pa itong asawa. Naglakbay ang haring ama ni
Psyche upang humingi ng tulong kay Jupiter. Hiniling niyang payuhan siya ni Jupiter kung paano
makahahanap ng mabuting lalaking iibig sa kaniyang anak.
_____4. Masayang nagtungo si Psyche sa palasyo samantalang si Cupid naman ay lumipad patungo
sa kaharian ni Apollo, ang diyos ng mga diyos at tao. Hiniling niya na tiyaking hindi na sila gagambalain
ng kaniyang ina.
_____5. Naghintay si Psyche habang unti-unting nilalamon ng dilim ang buong bundok. Takot na takot
siya sapagkat hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya. Patuloy siyang tumatangis at
nanginginig sa takot hanggang sa dumating ang malambing na ihip ng hangin ni Zephyr.
C. Panuto. Punan ng angkop na pandiwa ang talata upang mabuo ang diwa nito. Hanapin sa kahon
ang tamang sagot.
Gawin Natin
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Magsaliksik Tayo!
Sa gawaing ito, sumulat ng isang
kuwentong mitolohiya ng iyong
bayan o barangay, probinsya.
Magtanong sa mga nakatatanda,
magsaliksik o sariling gawa. Gamit
ang angkop na gamit ng pandiwa.
isulat sa malinis na papel at
sumunod sa pamantayan. 13
Pamantayan
1. Orihinal 40
2. Kaakit-akit na panimula at wakas 30
3. Maayos at pagkakasunod-sunod
ng pangyayari 30
___
100
Sanggunian
KAYUMANGGI - Batay sa Kurikulum na K-12
Kayumanggi 10 ni Ms. Gloria Alday, Angela Ong, Magdela O. Jocson at
Dr. Ana Maria Cabuhat
Leo-Ross Publication. No.1 Broine St, Block 39, Lot 33Phase III,
Golden City, Imus Cavite
Teksto/Babasahin/Video
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/cupid-at-psyche-mitolohiya-
panitikang.html
https://brainly.ph/question/1597697#readmore
https://www.youtube.com/watch?v=hteaGOOA_3A&featue=share
14
MODYUL 2 LINGGO 2
Alamin Natin
Pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
➢ Nabibigyang reaksyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda.
(F10PB-Ic-d-64).
➢ Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan. (F10PT-
Ic-d-63).
➢ Nababasa nang may damdamin piling saknong na ginawa (F10PS-Ie-f-67).
➢ Naibabahagi ang sariling reaksyon sa ilang mahahalagang ideyang nakapaloob sa
binasang akda (F10-Ic-66).
➢ Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa mga napapanahong isyung
pandaigdig (F10PU-Ic-d-66).
➢ Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pahayag.
(F10WG-Ic-d-59).
Subukin Natin
15
10. Ito’y pagsasalaysay ng isang “sanay.” Ito ay anyong sulating hiram. Noong 1580,
isinilang ito sa France at si Michel de Montaigne ang tinaguriang ama nito. Ito ay
pagtatangka, isang pagsubok, isang pagtuklas sa anyong pagsulat. Ito ay ipinahayag ng
isang pilipinong manunulat. tungkol sa sanaysay.
A. Alejandro G. Abadilla C. Lope K. Santos
B. Jose P. Rizal D. Severino Reyes
Modyul
Sanaysay mula sa Greece
2
Panitikan: Ang Alegorya ng Yungib
Mula sa Allegory of the Cave ni Pato
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Gramatika at Retorika: Ekspresyong Nagpapahayag ng Pananaw at Mga
Ekspresyong Nagpapahiwatig
Balikan Natin
Gawain 1. Balik Alaala
16
Tuklasin Natin
Gawain 2.
A. Panuto. Basahin at kilalanin natin ang pilosopong si Plato ng Griyego, kung kinakailangan
saliksikin pa ang kanyang talambuhay.
17
5.Ang mga pinakatiyak na nakapagimpluwensiya kay Plato na maging pilosopo ay sina:
A. Aristotle, Socrates, Charles at Phythagoras
B. Socrates, Parmenides, Heraclitus at Pythagoras
C.Socrates, Galgamesh, Parmenides at Heraclitus
D. Socrates, Aristotle, Heraclitus at Charles
PANITIKANG SANAYSAY
ANG SANAYSAY
Akda ito sa tuluyan na naglalaman ng matalinong pagkukuro ng sumulat na
inilahad sa isang makatuwiran at nakahihikayat na paraan.
Pinapaksa nito ang tungkol sa kaugalian o tradisyon, kilusan, kabutihang-asal o
anomang may kinalaman sa uri at halagang buhay na maaaring lapatan ng sariling
palagay, opinion at damdamin ng sumulat. Makatutulong ang mga ito sa pagbuo ng
sariling pananaw.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y pagsasalaysay ng isang “sanay.” Ito ay
anyong sulating hiram. Noong 1580, isinilang ito sa France at si Michel de Montaigne ang
tinaguriang ama nito. Ito ay pagtatangka, isang pagsubok, isang pagtuklas sa anyong
pagsulat.
SANGKAP NG SANAYSAY
1. TEMA AT NILALAMAN – Anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na
paksa dahil sa layunin ng pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi. Dapat na may
kaisahan ang tono, pagkakabuo, at pagpapakahulugan. Sa bawat bahagi, dapat na
naaaninag ang nabubuong tema.
2. ANYO AT ISTRUKTURA – Isang mahalagang sangkap sapagkat nakakaapekto sa
pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang maayos at lohikal na pagkakasunod-sunod ng
mga ideya o pangyayari ay nakatutulong sa mambabasa kung paano mauunawaan ang
sanaysay.
3. WIKA AT ESTILO – Ang payak, natural at matapat na pahayag ay makatutulong sa
mabilis napag-unawa ng mga mambabasa sa pagbasa ng sanaysay.
18
Talakayin Natin
19
At kung ipinalalagay pang muli na siya ay atubiling hinila pataas sa matarik at bako-
bakong daan hanggang sapilitan siyang makarating sa harap mismo ng araw, hindi ba siya
mahihirapan at magagalit? Kapag nilapitan niya ang liwanag, ang kaniyang mga mata ay
maaaring masilaw at hindi niya magagawang makita ang mga bagay-bagay sa kasalukuyan
- ang katotohanan.
Hindi muna sa kasalukuyan, sabi niya.
Kailangang mahirati ang kaniyang paningin sa dakong itaas ng mundo. At makita
niya nang maliwanag ang mga anino, kasunod ay ang repleksiyon ng tao at iba pang bagay
sa tubig, at ang mismong mga bagay. Pagkatapos, tititig siya sa liwanag ng buwan at mga
bituin, at sa maningning na kalangitan; at kaniyang makikita ang ulap at mga bituin sa gabi
nang mas maningning kaysa liwanag ng araw na hatid ng umaga.
Tiyak.
Higit sa lahat, magkakaroon siya ng kakayahang makita ang araw, hindi lamang ang
repleksiyon niya sa tubig kundi makikita niya ang sarili sa kinaroroonan, at hindi sa iba pa
man, at siya ay makapagninilay-nilay kung sino siya.
Tiyak.
At siya ay makararating sa pagtatalo na siya mismo ay naglaan ng panahon. At ang
gumagabay sa lahat ng ito ay yaong nakikita sa mundo, na naging dahilan upang siya at
ang kaniyang kapwa ay masanay sa pagtitig.
Maliwanag, sabi niya, una niyang makikita ang liwanag pagkatapos ang dahilan
tungkol sa kaniyang sarili. At kung maalala niya ang dating tahanan, at ang karunungan sa
yungib pati ang mga kapuwa bilanggo, hindi ba niya maipalalagay na mapaliligaya niya ang
sarili sa pagbabago at kaawaan na lamang sila?
Tiyak at tumpak.
At kung sila ay nasanay na sa pagtanggap ng mga karangalan sa kung sino sa
kanila ang mabilis na makapuna sa pagdaan ng mga anino at makapagsabi kung sino ang
nakaranas niyon dati? Kung sinuman ang makapagpapasiya nang mahusay para sa
kinabukasan, sa iyo bang palagay sino ang makapag-iingat sa tinatawag na dangal at
kaluwalhatian? O kaya’y kainggitan ba ang may taglay nito? Hindi ba niya babanggitin ang
tinuran ni Homer.
“Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.” At matututuhang
tiisin ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilang ginagawa at mamuhay katulad ng kanilang
gawi?
Oo, ang sabi niya. Sa palagay ko ay pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga
huwad na akala at mabuhay sa kahabag-habag na kalagayan.
Para makatiyak, sabi niya.
At kung mayroon mang paligsahan, at kailangan niyang makipagtagisan sa
pagsukat sa mga anino kasama ang mga bilanggo na kailanman ay di nakalaya mula sa
yungib. Sa sandaling ang paningin ay nananatiling mahina, at bago ito maging matatag
(may dapat isaalang – alang sa panahon na kakailanganin upang makamit ang bagong
kalagayan ng paningin) hindi ba siya katawa-tawa? Sasabihin ng tao sa kaniya na ang
pagpunta at pagdating niya nang wala ang mga paningin ay mas mabuti na hindi na lamang
isaisip ang pag-unlad. At kung sinuman ang sumubok na palayain ang iba at
gabayan patungo sa liwanag; hayaang hulihin ang nagkasala at dalhin nila sa kamatayan.
Walang tanong, ang sabi niya.
Ito ang kabuuan ng alegorya, ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal kong
Glaucon ang mga dating katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng
apoy ay ang araw. Hindi mo ako mamamali kung ipakakahulugan mo na ang paglalakbay
papataas ay maging pag-ahon ng kaluluwa patungo sa intelektuwal na mundo batay sa
mahina kong paniniwala. Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos maging tama man o
mali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking opinyon sa mundo ng karunungan ay ito, ang
ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi;
at kapag ito’y natagpuan, ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang
pangunahing pinagmumulan ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang may
20
kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay. Samakatuwid
kailangan na ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon para sa mga bagay na ito.
Sumasang-ayon ako, sabi niya, hanggat may kakayahan akong maunawaan ka.
At ang sabi ko, huwag kang magtaka sa iba na may magandang pananaw na ayaw
man lang magbahagi para sa kapakanan ng tao; para sa kanilang kaluluwa sa itaas ng
mundo ay madali lamang kung saan sila’y naghahangad na manirahan; magiging likas ang
kanilang paghahangad, kung ang ating alegorya ay mapagkakatiwalaan.
Oo, tunay na likas.
At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula sa banal
na pagninilay-nilay patungo sa makasalanan nilang kalagayan o gumawa ng labag sa
kagandahang-asal? Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay kumukurap bago siya
mahirati sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar, tungkol sa
anino ng imahe ng katarungan at magpupunyaging maunawaan nang ganap ang
katarungan.
Anuman, ngunit kamangha-mangha ang kaniyang tugon.
Sinuman ang may wastong pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga
paningin ay dalawang uri o nanggaling sa dalawang dahilan, maaaring mula sa paglabas
ng liwanag o patungo sa liwanag. Kapag nakita niya na sinuman na may pananaw na
magulo at mahina ay masasabing hindi pa handang humalakhak. Una niyang itatanong
kung ang kaluluwa ba ng tao ay maghahatid nang maliwanag na buhay? O kaya’y
maglalapit mula kadiliman patungo sa araw na labis na nakasisilaw? At kaniyang bibilangin
ang maligayang kalagayan niya, at siya ay maaawa sa iba, o kung nasa isipan man niyang
pagtawanan ang kaluluwa na nanggaling mula ilalim patungo sa liwanag, mayroon pang
mga dahilan bukod dito kaysa mga halakhak na bumati sa kaniya at bumalik mula sa itaas
ng liwanag patungo sa yungib. Iyan, ang sabi niya na dapat itangi.
21
4. Bakit nabanggit sa akda sina Socrates at Glaucon? Ipaliwanag. ___________________
5. Sa inyong palagay, bakit ito pinamagatang “Alegorya ng Kuweba”? _________________
Gawin 4. Simbolo
Panuto. Ibigay ang kahulugan ng ilang simbolo na nakapaloob sa Sanaysay.
Simbolo Kahulugan mula sa Sanaysay
Yungib
Bilangguan
Anino
Liwanag
Bilanggo
Pagyamanin Natin
22
isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapwa’y marahil naman isang magnanakaw;
marahil sa ilalim ng kanyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay
natatago ang isang pusong sukaban. Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghirap sa
pinapasan? Tayo’y mapapangiti at isasaloob: Saan kaya ninakaw? Datapwa’y maliwanag
nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan na siya’y
nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay. Ay! Sa ating pang-uuga-ugali ay lubhang
nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag.
Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga nayan ay namumuhay sa
hinagpis at dalita. Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang mga loob na inaakay ng
kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalong-lalo na ang
mga hari at mga Pinuno na pinagkakatiwalaan ng sa ikagiginhawa ng kanilang mga
kampon, at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihang sukdang ikanais at
ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kanila ng kapangyarihang ito.
23
6. Bilang isang kabataan, paano ka makakaiwas upang hindi ka mabighani ng
ningning ng kasikatan at kapangyarihan.
___________________________________________________________________
3. Manood ng video clip tungkol sa mga isyung pandaigdig. Pumili ng isang video,
magsulat ng lima (5) pananaw/pangangatwiran na iyong naobserbahan. Gamitin
ang tsart.
Obserbasyon Pananaw/ Pangangatwiran
Isyung
Pandaigdigan
WIKA AT GRAMATIKA
Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Pananaw at Mga Ekspresyong
Nagpapahiwatig ng Pagbabago o Pag-iibang Paksa at/o Pananaw
1. Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Konsepto o Pananaw
Halimbawa:
A. Ayon/ Batay/sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinasang Filipino ang
Pambansang wika at isa sa opisyal na wikang komunikason at sistema ng
edukasyon.
24
B. Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagayni/ ng Pangulong Quezon
mas mabutiang mala-impiyernong bansa sa pamamahalang mga Pilipino kaysa
mala-
langit na Pilipino na pinamumunuan ng mga dayuhan.
C. Inakala/ inaniwalaan/ Inisip kong hindi isinabuhay ng mga dumalo sa seminar ang
mga natutuhan.
D. Sagana ng akin/ sa tingin/ akala/ palagayko, walang tatalo pa sa ginawa niyang
proyekto.
Gawain 7.
A. Panuto. Basahin natin ang dayalogo ng dalawang mag-aaral
Oo nga, Sa paniniwala
Ang ganda ng
ko naiintindihan din ng
talakayan natin
kanina tungkol sa mga kaklase natin ang
dalawang sanaysay. mas mahalagang bagay
Sa palagay ko, na dapat nating
marami sa atin ang pagtuonan ng pansin
magkakaroon ng
bagong pananaw sa
buhay dahil sa akda
25
Tandaan Natin
Gawain 8. Panuto. Punan ang sagot upang mabuo ang diwa nito.
Ano sa palagay mo ang mababago at nababago sa iyo matapos mong mabasa o
matalakay ang dalawang akdang sanaysay “Ang Alegorya ng Kuweba” ni Plato at Ningning
at Liwanag ni Emilio Jacinto?
Natutuhan ko __________________________________
Nalaman ko ____________________________________________________
Kaya babaguhin ko ______________________________________________
Isabuhay natin
Gawain 8. Panuto. Maraming mga pangyayaring naganap sa ating mundo, Maliban sa virus
na COVID-19. Isa na rito ang Rasismo na nararanasan ng ibang tao o lahi, hindi lamang sa
pagkamatay ng isang ameikano na si George Floyd, maging ang mga intsik at mga taong
taga- Asian Country ay naranasan ito dulot ng COVID-19. Kaya sumulat ng isang
napapanahong sanaysay. Gumamit ng bahagi at sangkap ng Sanaysay.
Pamantayan sa pagagawa ng
Sanaysay
1. Orihinal 30
2. wasto at maayos ang salita 30
3. Gamit ang sangkap at bahagi ng sanaysay 30
4. May salitang ekspresyong naglalahad ng
pananaw 10
Kabuuan 100
Tayahin Natin
26
___4. Ang payak, natural at matapat na pahayag ay makatutulong sa mabilis napag-
unawa ng mga mambabasa sa pagbasa ng sanaysay. Anong sangkap ng sanaysay
ito?
A. Nilalaman B. Istruktura C. Estilo D. Banghay
___5. Nakapaloob ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa
mga patunay at mgakatuwiran.
A. Panimula B. Gitna C. Banghay D. Wakas
___6. Ayon kay Homer, “mabuti pang maging maralita ng tagapaglingkod ng Isang
maralitang amo tiisin ang anumang pasakit kaysa mag-isip at mamuhay sa paraang
tulad nila. Alin salita ang ginamit sa nagpapahayag ng pananaw o konsepto.
A. Tulad B. Anuman C. Ayon kay D. Maging
___7. Sa palagay ko, dapat lamang dakilain ang isang Emilio Jacinto na naglakas-loob na
sumulat at naghayag ng mga kabulukang ginawa ng mga Espanyol sa bayan. Alin
salita ang ginamit sa nagpapahayag ng pananaw o konsepto.?
A. Naglakas-loob B. Sa palagay ko C. Sapat lang D. Ng mga
___8. Si Plato ang tagapagtatag ng Kanluraning pilosopiyang politikal, ilan sa mga
pinakamaagang pagtalakay ng mga katanungang politikal mula sa isang pilosopikal
na perspektibo na kanyang sinulat.
A. Republic and Laws C. Constitutions and Laws
B. Platonic Law D. Cnstitutions and Republic Law
___9. Isang klasikong Griyegong pilosopo, matematiko, estudyante ni Socrates, manunulat
ng mga pilosopikal na dialogo.
A. Aristotle B. Gilgamesh C. Plato D. Charles
___10. Ang mga pinakatiyak na nakapagimpluwensiya kay Plato na maging pilosopo ay
sina:
A. Aristotle, Socrates, Charles at Phythagoras
B. Socrates, Parmenides, Heraclitus at Pythagoras
C.Socrates, Galgamesh, Parmenides at Heraclitus
D. Socrates, Aristotle, Heraclitus at Charles
27
Gawin natin
Paggawa ng Photo Essay
Panuto. Naunawaan at naintindihan natin ang sanaysay na tumatalakay sa pandaigdigang
suliranin natin mula sa politika, mamamayan, sarili at iba pa. Ngayon gumawa ng photo essay.
Unawain:
Ang Photo essay (sanaysay na larawan)- Isang koleksyon ng mga imahe na
inilagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang pag-
unlad ng mga kaganapan mga damdamin at mga konsepto sa pinakapayak na
pagpaphayag.
Sanggunian
KAYUMANGGI 10 - Batay sa Kurikulum na K-12
ni Ms. Gloria Alday, Angela Ong, Magdela O. Jocson at Dr. Ana Maria Cabuhat.
Leo-Ross Publication. No.1 Broine St, Block 39, Lot 33 Phase III, Golden City, Imus Cavite
Pinagyamang Pluma 7
Aileen G. Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Carmela H. Esguerra at Alma M. Dayag
PHOENIX Publishing House Inc. 927 Quezon City Avenue. Quezon City.
Teksto/Babasahin/Imahe
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-alegorya-ng-yungib.html
https://tl.wikipedia.org/wiki/Platon
https://images.app.goo.gl/ybVNvj467MAfak3j8
https://images.app.goo.gl/Pm9jf1vcLdQvUTyz9
https://images.app.goo.gl/K5rr5P7WTX6yExrn8
https://images.app.goo.gl/ncUcRyXgvW8mEwps9
https://images.app.goo.gl/2xsShYHDSbtVq6PN7 https://images.app.goo.gl/vJQHNxRQ8n8xJtzt7
https://images.app.goo.gl/piF7EBFEtrTsZfU87
https://images.app.goo.gl/hQdb2q75VqwtQkvQA
https://images.app.goo.gl/vx6eFgPbKMsRDKUE9
28
MODYUL 3 LINGGO 3
Alamin Natin
Pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
➢ Nasusuri ang tiyak na bahaging napakinggang parabula na naglalahad ng
katotohanan, kabutihan at kagandahang asal (F10PN-Ib-C-63).
➢ Nabibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at ekspresyong
ginagamit sa akda (F10PT-Ib-c-62).
➢ Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang
mga ibinigay na tanong (F10PB-Ib-c-63).
➢ Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay.
➢ (pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas) (F10WG-Ib-c-
58).
➢ Naipapakita ang kakayahan sa pagsasalita sa paggamit ng mga berbal at di-
berbal na estratehiya (F10PS-Ib-c-65).
➢ Nakasusulat na may maayos na paliwanag ang kaugnay na collage na may
kaugnayan sa paksa gamit ang mga salitang pandiskurso (F10PU-Ib-c-65).
Subukin Natin
A. Panuto. Basahin mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay matandang salita na madalas na hango sa Banal na Kasulatan at kuwetong
umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay.
A. Pabula B. Sanaysay C.Parabula D. Talambuhay
2.“Ang Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin” at “Ang Talinhaga Tungkol sa Pariseo
at Publikano” ang mga halimbawa ng:
A. Parabula B. Sanaysay C.Pabula D. Talambuhay
3. Nakatutulong ang panandang pandiskurso sa pagpapadaloy ng mga pangyayari ng isang
akdag pampanitikan at madali rin matutukoy ang mensaheng nais ikintal sa isipan ng
mga ma mambabasa. Ano mga salita ito?
A. Rin, Daw B. Ang mga, Mga C.Sina, Nila D. Saka, Bunga nito
4. Ang parabula ay gumagamit ng ______ bilang tauhan sa kuwento, subalit ito ay hindi
gaanong binibigyan ng malalim na kahulugan bagkus ang binibigyang-din ay aral.
A. Hayop B. Bagay C.Tao D. Maligno
5. Ang salitang parabole na pinakilala at lumaganap sa ating bansa ay galing sa bansang:
A. Pransiya B. Griyego C.Italia D. India
29
10. “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang
nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay
kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.
A. Ngunit B. Sapagkat C. Ng mga D. Kayo
B. Panuto: Basahin ang isang maikling kuwento. Sagutan ang mga sumusunod na
tanong sa ibaba. Bilugan ang tamang sagot.
Ang Taong Di-Marunong Magpatawad
Isang hari ang nagpasyang alamin ang pagkakautang sa kanya ng kanyang mga alagad.
Nagsisimula pa lamang siya nang biglang iharap sa kanya ang isa sa kanyang mga alagad
dahil sa milyung-milyong dolyar na utang nito sa hari. Ang alagad ay walang maibayad sa
napakalaking pagkakautang nito, kaya ipinag-utos ng hari na ipagbili ito bilang alipin
kasama ang kanyang asawa at mga anak. Gayundin, ang lahat ng kanyang ari-arian ay
iniutos na kunin upang maidagdag sa bayad sa hari. Lumuhod at nagmakaawa sa hari ang
lalaki. "Bigyan ninyo po ako ng panahon at babayaran ko kayo," pagsusumamo nito sa hari.
Naawa naman sa kanya ang hari kaya't siya ay pinatawad sa kanyang pagkakautang.
Nang lumabas ang lalaki upang umuwi na ay nasalubong niya ang isang kapwa alagad na
may utang sa kanyang ilang dolyar. Agad niya itong hinawakan at sinimulang sakalin.
"Bayaran mo ang utang mo sa akin," matigas na sabi nito. Lumuhod ang kanyang
kapwa alagad at nagmakaawa sa kanya. "Bigyan mo ako ng panahon at babayaran kita,"
pagmamakaawa nito. Ngunit hindi niya ito pinatawad at sa halip ay kanyang ipinakulong.
Nagalit ang ibang alagad ng hari nang mabatid nila ang pangyayari. Ipinaalam nila sa hari
ang ginawa ng lalaki sa kanyang kapwa alagad na may utang sa kanya. Ang lalaki ay
ipinatawag ng hari. "Ikaw ay isang walang kwentang alipin! Pinatawad kita sa lahat ng iyong
pagkakautang dahil nagmakaawa ka sa akin. Dapat ay naawa ka rin sa iyong kapwa alagad
tulad ng pagkaawa ko sa iyo," wika ng hari. Dahil sa galit, ipinabilanggo ng hari ang lalaki
hanggang sa mabayaran nito ang kanyang pagkakautang.
Modyul
Parabula mula sa Syria
3
Panitikan: Ang Tusong Katiwala
Pabula mula sa Syria
Gramatika at Retorika: Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay (Pagsisimula,
Pagpapadaloy ng Pangyayari, Pagwawakas)
30
Balikan Natin
Gawain 1. Alalahanin ang Nakaraan.
Panuto. Balikan natin ang Sanaysay na “Ang Alegorya ng Yungib”. Nagtataglay ang sanaysay
ng tatlong mahahalagang bahagi o balangkas.
Tuklasin Natin
Gawain 2. Panoorin Mo Siya!
A. Panuto. Panoorin ang isang parabulang, “Ang Alibughang Anak” mula sa link ng
youtube.
B. Panuto. Mula sa napanood na parabula na “Ang Alibughang Anak”. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong
31
C. Panuto. Gamit ang story frame, isalaysay ang mahahalagang pangyayaring nagaganap
sa parabulang “Alibughang Anak”
.
STORY
FRAME
Pagsisimula
Daloy ng
Pangyaayri
Pagwawakas
PANITIKANG PARABULA
Maraming aral na kapupulutan tayo na makukuha sa bibliya. Hindi lang mga
magagandag salita kundi mga istoryang kapupulutan natin ng magandang ugali at asal.
Ang salitang parabola ay buhat sa salitang Griyego na parabole. Ito’y matandang
salita na nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin. Ito’y
gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan ng diin ang
kahulugan. Ang parabola ay madalas na hango sa Banal na Kasulatan at kuwentong
umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay. Di tulad ng pabula, ang parabola ay
gumagamit ng tao bilang mga tauhan, kung ito’y gumagamit ng hayop o ito’y nananatili sa
kani-kanilang kaanyuan.
Ang mga detalye at mga tauhan ay hindi nagbibigay ng malalim na kahulugan; ang
binibigyan ng diin ay aral sa kuwento.
ELEMENTO NG PARABULA
Apat na Elemento ng Kuwentong Parabula:
1. Tauhan - Sila ang gumaganap o ang mga gumaganap sa isang kuwento na
hinago sa banal na bibliya na maaring makapagbigay ng magandang
aral sa mga mambabasa.
2. Tagpuan - Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaring ito ay tumutukoy sa
lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon. Ang tagpuan ay
puwedeng maging marami depende sa istorya.
• Sa parabula madalas hindi agad nasasabi ang tagpuan ng kwento o may mga
pagkakataong hindi na ito nababangit sa parabula.
3. Banghay -Ito ang paglalahad ng pagka sunod-sunod ng pangyayaring naganap
sa kuwento
4. Aral o Magandang Kaisipan - Ito ang matututunan ng isang tao matapos
mabasa ang isang kwento. Marami ang gustong iparating ng parabula
sa atin kaya dapat natin itong isabuhay lalo pa at ito ay nakasulat sa
banal na bibliya
Talakayin Natin
32
1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may
isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. 2)
Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo?
Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong
tungkulin.’ 3) Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng
aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong
magpalimos. 4) Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may
tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.
33
____1. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
mangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin” sabi ng
mayamang amo.
____ 2. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi
Ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos.”
____ 3. “Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito.”
____ 4. “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos
ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga
ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.
Pagyamanin Natin
34
5. Ano ang mensahe nito para sa mga tao? Ipaliwanag
WIKA AT GRAMATIKA
Nakatutulong ang mga panandang pandiskurso sa pagpapadaloy ng mga pangyayari
ng isang akdang pampanitikan. Madali ring matutukoy ang mensaheng nais ikintal sa
isipan ng mga mambabasa. Pagpapadaloy ng mga Pangyayari
1. Pagkakasunod-sunod – nagsasaad ng pag-pupuno o pagdaragdag ng
impormasyon. Halimbawa: At, saka, pati, bukod pa, una, sa dakong huli,
sumunod, isa pa, gayon din
A. Ipinatawag ng may-ari ng negosyo, ang katiwala at sinabing tatanggalin na
siya sa gawain.
B. Hindi niya kayang magbungkal ng lupa saka mamalimos.
2. Pagpapahayag ng kinasapitan/ kinalabasan ng mga pangyayari.
Halimbawa: Kaya, bunga nito, dahil sa, tuloy, kaya naman, sa dakong huli, sa
wakas, kung gayon, sapagkat, kasi
A. Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahilan sa katalinuhang ipinamalas nito.
B. Kinutya nila si Hesus sapagkat sakim sila sa salapi.
35
ang nawawala hanggang matagpuan.
2. Magkakaroon ang higit na kagalakan (dahil sa, bunga nito, tuloy) makasalanang
tumalikod ngunit nagbalik loob.
3. Natagpuan ang nawawalang tupa (at, kaya naman, pati) dapat salubungin ng
kagalakan.
4. Inanyayahan ang mga kapitbahay (isa pa, una, saka) ipinagdiwang ang pagkakatagpo
sa tupa.
5. (isa pa, pati, kung gayon) ang taong nagkasala ay maari pa ring magbalik-loob sa
dakilang lumikha
Tandaan Natin
Isabuhay natin
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
__
36
Pamantayan sa Paggawa/Pagsulat ng Komposiyon
10 NAPAKAHUSAY - Buo ang kaisipan, konsistent, kumpleto ang detalye at
malinaw (gumamit ng wastong bantas at panandang pandiskurso)
8 MAHUSAY - May kaisahan at sapat na detalye, May malinaw na intensyon
(gumamit ng wastong bantas at panandang pandiskurso)
6 KATAMTAMAN - Konsistent, may kaisiahan, kulang sa detalye at di gaanong
Malinaw ang intensyon (gumamit ng wastong bantas at panandang
pandiskurso)
4 MAHINA – Hindi ganap ang pagkakabuo, kulang ang detalye, Di malinaw
ang Intensyon hindi wasto ang batas na ginamit at walang panandang
pandiskurso.
Tayahin Natin
1. ______ ni Jen na huwag nang maulit ang pagkalason ng pagtagas ng mga langis sa
malalking bapor.
2. Kami ay ________na masikhay na ipatutupad ang mga probisyon sa Clean Air Act.
3. _________ maging seryoso tayo sa pamamahala sa basura.
4. _________ niya, mula pa noon tumutulong na siya sa pagpaparami ng mga hayop na
nanganagnib ng tuluyang maglaho sa mundo.
5. _________ iwasan natin ang paggamit ng mga bagay na nakapipinsala sa mundo.
6. Mas maraming oras ang inilaan ni Roselle sa panonood ng TV, ___________ hindi niya
malaman kung paano niya maipasa ang mahabang pagsusulit ngayong lingo.
7. Hindi naman kaitiman ang kulay ng maraming Pilipino. Malayung-malayo rin sa puti ng
mga karaniwang Amerikano o Europeo. Ang kulay nila _________ kayumanggi,
kayumangging kaligatan.
8. _________ patuloy na sisirain at dudungisan ang mundo, darating ng napakahirap nang
ibalik ito sa dating kaanyuan.
9. Naghanda ba kayo sa pagsusulit natin? Kailangan nating galingan dahil ito na ang huling
markahan. ________, mag-iisang lingo nang liban si Ronnie ah. Ano na kaya ang
nangyari sa kanya.
10.Nag-iisa akong tagapagmana, kaya’t sa isip ko, kayang kaya kong magliwaliw at
maglibang. Kahit araw-araw. Bilhin ang anumang magustuhan. ________ dumating ang
puntong natauhan ako, ano ba talaga ang puntong natauhan ako, ano ba talaga ang
saysay ng buhay ko?
Kaya Alalaong baga’y Kung Maiba ako
Pero Noon pa man Nais Umaasam
Sana Hangad niya Hanggat maaari Sa pangkalahatan
B. Panuto. Punan ang patlang ng tamang sagot
___11. Ito ay matandang salita na madalas na hango sa Banal na Kasulatan at kuwetong
umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay.
A. Piksyon B. Sanaysay C. Pabula D. Parabula
___12. Ito ay mga salitang pananda na naktutulong sa pagdaloy ng mga pangyayari ng
isang akdang pampanitikan.
A. Pansemantika C. Pandiskurso
B. Pangkritikal D. Pandiwa
37
___13. Ang parabula ay gumagamit ng ______ bilang tauhan sa kuwento.
Subalit ang mga detalye at tauhan ay hindi binibigyan ng malalim na
kahulugan bagkus ang binibigyang-diin ay aral sa kuwento.
A. Tao B. Hayop C. Bagay D. Insekto
___14. Ang salitang parabole ay galing sa bansang _______
A. Gresya B. Syria C. France D. Italya
___15. “Magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit _______ isang
makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa siyamnapu’t siyam na
matuwid na di nangangailangang magsisi.” Dugtungan ng panandang
pandiskurso.
A. Ayon sa B. Dahil sa C. Bukod sa D. Gaya sa
Gawin natin
Sanggunian
KAYUMANGGI - Batay sa Kurikulum na K-12
Kayumanggi 10 ni Ms. Gloria Alday, Angela Ong, Magdela O. Jocson at
Dr. Ana Maria Cabuhat
Leo-Ross Publication. No.1 Broine St, Block 39, Lot 33Phase III,
Golden City, Imus Cavite
38
MODYUL 4 LINGGO 4
Alamin Natin
Pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
➢ Naipapaliwanag ang ilang pangyayaring napakinggan na may kaugnayan sa
kasalukuyang mga pangyayari sa daigdig (F10PN-If-g-66).
➢ Napapatunayang ang mga pangyayari sa akda ay maaaring maganap sa tunay na
buhay (F10PB-If-g-67).
➢ Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay
sa konteksto ng pangungusap (F10PB-If-g-67).
➢ Naisusulat ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdigan na iniuugnay sa buhay ng
mga Pilipino (F10PU-If-g-68).
➢ Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan.
(F10PS-If-g-61).
Subukin Natin
A. Panuto. Basahin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ang maunawain at mapagbigay na asawa ni Matilda.
A. G. Louise B. G. Loisel C. G. Lowel D. G. Lorren
2. Ang matalik na kaibigan ni Matilde na nagpahiram ng kwintas sa kanya.
A. Forestier B. Florester C. Floraline D. Florinda
3. May iniabot na malaking sobre ang asawa ni Matilde upang hindi ito mainip. Ano ang
nilalaman ng sobre?
A. Pera B. Kuwintas C. Paanyaya D. Tula ng pag-ibig
4. Ang halaga ng kuwintas na nawala na ipinalit ni mag-asawang Matilde
A. 500 prangko B. 18,000 prangko C. 28,000 prangko D. 36,000 prangko
5. Ang Maikling Kuwento na Kuwintas na isinulat ni Guy de Maupassant ay galing sa
bansang?
A. Gresya B. Pransya C. Italya D. Syria
6. Ang kuwento ng tauhan. Sa uri nito, ang higit na binibigyang-diin ay ang kilos o galaw,
ang pagsasalita at kaisipan ng tauhan. Nagbibigay ito o naglalarawan ng iisang
kakintalan sa taong pinapaksa o inilalarawan. Nangingibabaw sa uring ito ang isang
masusing pag-aaral at paglalarawn sa tunay na pagkatao ng tahan sa katha. Anong uri
ng tauhan si Matilde?
A. Bilog B. Lapad C. Antagonista D. Protagonista
7. Ito’y isang panandang kohersyon na ang panghalip ay ginagamit sa hulihan ng
pangungusap bilang pananda sa hinalinhan.
A. Katapora B. Anapora C. Panghalip D. Pangngalan
8. Ito’ isang panandang kohersyon na ang panghalip ay ginagamit sa unahan ng
pangungusap bilang pananda sa hinalinhan
A. Katapora B. Anapora C. Panghalip D. Pangngalan
9.“O, kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon
lamang, puwit lamang ng baso. Ang pinakamataas na maihahalaga roon marahil ay
limang daang prangko.” Ano ang damdamin ni Matilde nang marinig ito mula sa kanyang
kaibigan?
A. Nagalit B. Nagsisisi C. Nanghinayang D. Naghinanakit
10.“Mahal, akala ko’y ikatutuwa mo ang pagkakakuha ko sa paanyaya. Nais ko lamang
na malibang ka, kailanma’y hindi ka nakapaglilibang at naisip kong ito’y isang
mabuting pagkakataon para sa iyo.” Ayon sa asawa ni Matilde
A. Naiinis B. Nagtataka C. Nagsusumamo D. Nag-aalala
39
B. Panuto: Isulat sa patlang kung TAMA ang pahayag at MALI kung hindi wasto ang
pahayag mula sa kasaysayan ng France.
_________11. Pagkain at alak ang sentro ng buhay sa France anumang antas ng lipunan at
maraming pakikisalamuha ang nagaganap sa gitna ng matagal ang kainan, hapunan man o
pananghalian.
_________12. English ang pangunahing wikang may 65.4 milyong residente, ngunit may ilang
pagkakaiba batay sa rehiyon. French ang opisyal na wika, ang unang wikang 88 porsiyentong
populasyon at kinagisnang pangalawang wika ng mga ginagamit ng ibang wika.
_________13. Kilala ang Paris bilang sentro ng mga tahanan ng matataas na uring modang
kasuotan. Di matutuhan ang kisig o pagka-elegante sa kasuotan ng mga taga-France.
_________14. Katolisismo ang pangunahing relihiyon ng France; mga 80 porsyento ang
itinuturing ang mga sarili bilang katoliko, bagama’t mataas ang bilang ng mga katoliko na
secular o hindi sarado katoliko, at hindi nagsisimba nang regular. Kabilang sa iba pang
pangunahing relihiyon ang Islam, kinabibilangan ng nakararaming migrante mula sa Hilagang
Afrika, Protestantismo at Judaismo.
_________15. Ipinagdiriwang ng mga taga-France ang tradisyunal na pista opisyal ng mga
Kristiyano, tulad ng Paskong Kapanganakan at Paskong Pagkabuhay ni Kristo.
Ipinagdiriwang din ang May Day o Araw ng Paggawa tuwing Mayo 1, Victory In Europe
(UE) Day tuwing Mayo 8, pag-alala sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigsa
Europa.
Modyul
Maikling Kuwento mula sa France
4
Panitikan: Ang Kuwintas ni Guy de Maupassant
Isinalin sa Filipino ni Mariano C. Pascual
Gramatika at Retorika: Panghalip Bilang Panuring sa mga Tauhan
Balikan Natin
Gawain 1. Magbuo Tayo!
A. Panuto. Buuin ang salitang Parabula ayon sa mga nabasa at nalaman mo.
B. Panuto. Panoorin ang dalawang Parabula mula Youtube. Suriin ito ayon sa element ng
parabula (Tauhan, Tagpuan, Banghay at Aral o Mensahe). Isulat sa malinis na papel.
Binigay na ito bilang takdang aralin.
40
Tuklasin Natin
Gawain 2. Magbasa at Unawain
Panuto: Basahin at suriin ang mitolohiya na nagsasalaysay ng pagkakakilala ng pagkakalikha
ng mundo. Pagkatapos, sa kasunod na bahagi ay bilugan ang letra ng tamang sagot.
41
ginagampanan sa pamilya at negosyo, sa tingin ng marami ay nangingibabaw pa rin ang
kapangyarihan ng kalalakihan at kulturang France.
Ang France ay larawan ng pag-iibigan at kapusukan, at may bukas na saloobin sa
pakikipagtalik ng mga hindi kasal. Sinasabing, maging ang mga kilalang politico sa bansa
ay nakikipag-kalaguyon ang hayagan. Katunayan, halos kalahati ng bata ay isinilang sa
mga nagtalik nang hindi kasal.
Niyayakap ng mga Pranses ang estilo at urbanidad at ipinagmamalaki ang
katotohanang maging ang mga pampublikong lugar ay mala-panghari.
Naniniwalaang mga taga France sapagkat kapantay-pantay (“egalite”) ng tao,
bahaging pambansang motto: “Liberte, Egalite, Fraternite”). Marami ang nagsasabi na mas
pinahahalagahan nila ang pagkakapantay-pantay, kaysa kalayaan (“liberte”) at kapatiran (”
fraternite”).
Mga Lutong Pagkain sa France
Pagkain at alak ang sentro ng buhay sa France anumang antas ng lipunan at
maraming pakikisalamuha ang nagaganap sa gitna ng matagal ang kainan, hapunan man
o pananghalian.
Tinapay ang pangunahing pagkain sa anumang kainan at madalas makitang bitbit
sa tahanan ang mga “baguettes” (mahalagang tinapay). Naroroon din ang keso sa lahat
ng kainan.
Bagama’t ang istilo ng pagluluto ay nagiging mas simple, marami pa rin ang
iniuugnay ang lutong French sa malapot na mga sarsa at komplikadong preparasyon.
Angilansamgakilalangputaheng French ay ang “boeuf bourguignon; bakanapinalambot at
pinakatassamahinangapoy, sabayngpulangalak, at tinimplahanngbawang, sibuyas, at
mushroom; at “coq au vin”, putahengmanok, alak burgundy, lardon (maliliit na strip o cube
ng taba ng baboy), button mushroom, sibuyas at maaaring may bawang o wala.
Pananamit ng taga-France
Kilala ang Paris bilang sentro ng mga tahanan ng matataas na uring moda ng
kasuotan. Di matutuhan ang kisig o pagka-elegante sa kasuotan ng mga taga-France.
Maraming French ang nagsusuot ng pormal, propesyonal at pusturyosong estilong
pananamit, kahit hindi naman masyadong maselan. Ang kasuotang tipikal ay magagarang
damit, terno, mahabang coat o panlabas, bandana at “berets” (mga uring head cap).
Sining sa France
Ang sining ay nasa lahat ng lugar sa France, lalo nasa Paris at iba pang
pangunahing lungsod. Mababakas ang mga impuwensiyang Gothic, Romanesque Rococo
at Neoclassic sa maraming simbahan at gusaling pampubliko.
Marami sa pinakakilalang alagad ng sining sa kasaysayan, kabilang ang Espanyol
na si Pablo Picasso at isang Dutch nasi Vincent Van Gogh, ang nagpasimula ng
tradisyong Impresionismo sa Paris.
Ang Lourve Museum sa Paris ay isa sa malalaking museo sa mundo at tahanan
ng maraming kilalang obra maestro ng sining, kabilang ang Mona Lisa at Venus de Milo.
Mga Pista Opisyal at Pagdiriwang
Ipinagdiriwang ng mga taga-France ang tradisyunal na pista opisyal ng mga
Kristiyano, tulad ng Paskong Kapanganakan at Paskong Pagkabuhay ni Kristo.
Ipinagdiriwang din ang May Day o Araw ng Paggawa tuwing Mayo 1, Victory in Europe
(UE) Daytuwing Mayo 8, pag-alala sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigsa
Europa. Ang Bastille Day ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo 14, araw kung kalian ang muog
ng Bastille ay sinalakay ng mga rebolusyunaryong French, hudyat ng simulang
Rebolusyong French.
42
2. Ang isa sa malalaking museo sa mundo at tahanan ng maraming kilalang obra
maestro ng sining, kabilang ang Mona Lisa at Venus de Milo.
A. Louve Museum C.Lourve Museum
B. Louie Museum D. France Museum
3. Ipinagdiriwang tuwing Hulyo 14 ng mga Taga-France ito, araw kung kalian
sinalakay ng mga rebolusyunaryong French, hudyat ng alaala ng simulang
Rebolusyong French.
A. Pasko ng Pagkabuhay C. France Rebolusyon
B. Bastille Day D. Victory Europe Day
4. Ang pangunahing relihiyon ng France; halos mga 80 porsyento bagama’t mataas
ang bilang sa relihiyong ito, hindi sila nagsisimba nang regular.
A. Protestantismo C. Judaismo
B. Islamic D. Katolisismo
5.Ang sentro ng buhay ng mga taga-France anumang antas ng lipunan at maraming
pakikisalamuha ang nagaganap sa gitna ng matagal ang kainan, hapunan man o
pananghalian.
A. Pagkain at Alak C. Damit at Alahas
C. Pakain at Damit D. Bahay at Pagkain
43
Sa kabilang dako, sa pamamagitan pa rin ng tauhan, nagkakaroon ng
pinakambisang paglalarawa ang kanyang katauhan. Nagagawa niyang mailarawan ang
kanyang katauhan sa pamamagitan ng kanyang reaksyon o saloobin tungkol sa isang tiyak
na pangyayari.
Talakayin Natin
44
pa riyan!” Ang nasa isip niya sa mga gayong sandali ay ang nakakainggit na masarap na
hapunan, ang mga nagkikinangang kubyertos at ang marangyang kapaligiran. Kaagad na
naiisip din niya ang mga malinamnam na pagkaing nakalagay sa magagandang pinggan.
Naiisip din niya ang mga papuring ibinubulong sa kaniya na kunwari’y hindi niya napapansin
ngunit sa katotohanan ay nakakikiliti sa kaniyang damdamin samantalang nilalasap niya
ang malinamnam na mamula-mulang laman ng isda o kaya’y pakpak ng pugo.
45
palagay ko’y maaari na ang apat na raang prangko.” Natigilan sumandali ang lalaki at
bahagyang namutla sapagkat ang natitipon niyang gayong halaga ay ipambibili niya ng
isang baril na pang-ibon. Binabalak niyang mamaril ng ibon sa Kapatagan ng Nanterre sa
darating na tag-araw. Sasama siya sa ilang kaibigang dati nang namamaril ng mga ibon
doon. Gayunpaman ay sinabi niya sa asawa, “Ayos na, ibibigay ko sa iyo ang apat na raang
prangko. Bumili ka ng isang bestidong maganda.”
Malapit na ang araw ng sayawan ngunit waring malungkot si Mathilde, hindi siya
mapalagay at tila may suliraning gumugulo sa isipan. Nakahanda na ang bestidong
kaniyang gagamitin. Napansin ito ng lalaki at isang gabi’y inusisa ang asawa. “Magtapat ka
sa akin, anong nangyayari sa iyo? Tatlong araw nang kakaiba ang kilos mo.” Payamot na
sumagot ang babae, “Mabuti pa kaya’y huwag na akong dumalo sa sayawan. Wala man
lamang akong maisusuot kahit isang hiyas. Magmumukha akong kaawa-awa.” “Usong-uso
ang mga sariwang bulaklak sa ganitong panahon. Maaaring iyon ang isuot mo. Sapat na
ang sampung prangko upang makabili ka ng dalawa o tatlong alehandriya.” Waring hindi
sang-ayon ang babae at ang sabi, “Hindi! Wala nang kahabag-habag na kalagayan kung
hindi magmukhang maralita sa gitna ng mga babaing maykaya sa buhay.”
46
gumawa sila ng paraan upang makilala si Mathilde. Ninais siyang makasayaw ng lahat ng
kagawad ng gabinete. Nag-ukol sa kaniya ng pansin pati ang ministro. Buong pagkahaling
siyang nakipagsayaw, lasing na lasing sa kaluwalhatian ng tagumpay na tinamo sa
pamumukod ng kaniyang kagandahan. Tila siya lumulutang sa ulap dahil sa paghanga ng
lahat sa kaniya na napakatamis at walang katumbas sa puso ng isang babaing katulad niya.
Mag-iikaapat na ng madaling araw nang silang mag-asawa ay umuwi. Hatinggabi
pa lamang, ang asawa niya kasama ng tatlong lalaking ang mga asawa’y nagpapakalunod
din sa kaligayahan, ay nakatulog na sa isang maliit na tanggapan. Ibinalabal ng asawa sa
balikat ni Mathilde ang isang abang pangginaw na ginagamit ng mga karaniwang tao, isang
pangginaw na nakapupusyaw sa karangyaan ng pananamit ni Mathilde. Dinamdam niya
ang pagkakaroon ng abang pangginaw at ninais niyang makatalilis agad upang hindi siya
maging kapansin-pansin sa ibang babaing dumalo na nagsisipagsuot ng mamahalin nilang
balabal. Pinigil siya ng lalaki, “Hintayin mo ako rito sandali, sisipunin ka sa labas. Tatawag
ako ng sasakyan.” Ngunit hindi niya pinansin ang asawa at nagdudumali siyang nanaog sa
hagdanan. Hindi sila nakakita ng sasakyan sa lansangan at sila’y nagsimulang maghanap.
Tinahak nila ang daang patungo sa pampang ng ilog Seine.
47
kasalukuyan pang ipinapagawa upang magkapanahon silang makapag-isip-isip. Ginawa
naman ng babae ang payo ng asawa.
Pagkalipas ng isang linggo ay lubusan na silang pinanawan ng pag-asa. Sa maikling
panahong iyon tumanda si M. Loisel nang limang taon. Nagpahayag ang lalaki sa asawa
na kailangang isipin nila kung paano mapapalitan ang nawalang kuwintas. Kinabukasan,
ang mag-asawa’y nagtungo sa tanggapan ng alaherong nakasulat ang pangalan at
direksyon sa loob ng kahon ng kuwintas. Hinanap ng alahero sa kaniyang talaan ang
sinasabing kuwintas.
“Hindi ako ang nagbili ng kuwintas na ipinagtatanong ninyo, wala pong nanggaling
sa akin kundi ang sisidlan lamang,” ang wika ng alahero kay Madame Loisel. Pinuntahan
ng mag-asawa ang lahat ng mga maghihiyas upang makakita ng katulad ng nawala na ang
anyo ay buong pagsisikap na inalala samantalang kapwa sila nanlulupaypay sa pagkabigo
at paghihirap ng kalooban. Nakatagpo sila sa isang tindahan sa Palais Royal ng isang tuhog
ng diyamanteng sa palagay nila ay katulad ng kanilang pinaghahanap na kuwintas.
Nagkakahalaga ito ng apatnapung libong prangko, ngunit ibibigay na sa kanila sa halagang
tatlumpu’t anim na libo. Pinakiusapan ng mag-asawa ang may-ari ng tindahan na huwag
munang ipagbili ang kuwintas sa loob ng tatlong araw. Pinakiusapan din nila ang may-ari
ngtindahan na kung sakaling bago magtapos ng buwan ng Pebrero ay makita nila ang
nawawalang kuwintas, matapos nilang bayaran ang bagong kuwintas ay bibilhin itong muli
ng may-ari ng tindahan sa halagang tatlumpu’t apat na libong prangko.
May namanang labingwalong libong prangko si M. Loisel sa namatay na ama.
Hiniram niya ang kapupunan nito. Gayon din ang ginawa ng lalaki. Kung kani-kanino siya
nanghiram, lumagda sa mga kasulatan, pinasok kahit na ang mga gipit na kasunduan,
kumuha ng mga patubuan at pumatol sa lahat ng uri ng manghuhuthot.Inilagay niya ang
buong buhay niya sa alanganing katayuan, nakipagsapalaran sa paglagda sa gayong hindi
niya natitiyak kung matutupad o hindi ang nilagdaan at ngayo’y nanggigipuspos siya dahil
sa mga hirap na maaari pa niyang sapitin, ng nakaambang pagdurusa ng pangitain ng
bukas na puspos ng pagsasalat at paghihirap ng kalooban. Nang matipon nang lahat ang
halagang kinakailangan ay tinungo ni M. Loisel ang tindahan ng kuwintas at ibinagsak sa
mesang bilangan ng may-ari ng tindahan ng mga hiyas ang tatlumpu’t anim na libong
prangko.
Malamig ang pagtanggap ni Madame Forestier kay Mathilde nang isauli niya ang
kuwintas. Nagsalita ito sa tuyot na tinig ng “Isinauli mo sana agad ang kuwintas, baka
sakaling kinailangan ko ito.” Hindi na binuksan ng kaibigan ang kahon ng kuwintas. Naisip
ni Matilde na kung sakaling nahalata ng kaibigan ang pagkakapalit ng kuwintas, ano kaya
ang aakalain at sasabihin nito sa kaniya? Hindi kaya iisiping siya’y magnanakaw?
Ngayo’y lubos na naunawaan ni Mathilde ang mamuhay sa gitna ng tunay na
karalitaan. Nabigla man siya sa bagong papel na kailangan niyang gampanan ay tinanggap
niya iyon at buong tatag na ginampanan. Dapat mabayaran ang napakalaki nilang
pagkakautang. Pinaalis nila ang kanilang utusan, lumipat ng ibang tirahan, nagtiis sila sa
pangungupahan sa isang maliit na silid sa kaituktukan ng isang bahay-paupahan.
Naranasan ni Mathilde ang mabibigat na gawain; ang nakayayamot na pangangasiwa sa
kusina, paghuhugas ng mga pingggan, paglilinis ng mga kaldero at kawaling mamantika,
paglalaba ng mga damit, mantel, serbilyeta at pamunas.
Ipinapanaog niya sa lansangan ang kanilang kakaning baboy sa tuwing umaga at
nagpapanhik siya ng tubig na gamit nila sa itaas. Suot niya ang pananamit ng
pangkaraniwang babae, siya’y nagtutungo sa tindahan ng prutas, de lata, at sa
48
magkakarne. Nakasabit sa isang braso ang pangnan, nakikipagtawaran siya, nilalait at
ipinakikipaglaban ang kakarampot niyang pamalengke. May pagkakautang silang
binabayaran nang buwanan, may pinagkakautangan silang pinakikiusapan, humihingi ng
kaunti pang panahon sa pagbabayad. Pagsapit ng gabi, habang maaga pa’y inaayos na ni
M. Loisel ang talaang tuusan ng sinumang mangangalakal na nangangailangan ng gayong
paglilingkod at sa kalaliman ng gabi sa halagang limang sentimos isang pahina na
ginagawa naman niya ang mga salin ng mga katha.
Ano ang dumating na suliranin sa mag-asawa? Tama ba ang ginawa nilang paraan?
__________________________________________________________________
Tumagal ng sampung taon ang ganito nilang pamumuhay na mag-asawa. Sa wakas
ay nabayaran din nila ang buong pagkakautang, kasama na ang mga tubo at nagkapatong-
patong na tubo ng mga tubo. Mukhang matanda na ngayon si Madame Loisel. Isa na siyang
tunay na babae ng mga maralitang tahanan – matipuno ang katawan, matigas ang mga
laman at magaspang ang mga kamay na namumula. Nakasabog ang kaniyang buhok at
patabingi ang kaniyang saya. Matinis ang kaniyang tinig.
Nanlalamira ang sahig kung siya’y mag-isis. Paminsan-minsan, kung nakaalis na
ang asawa patungong opisina, si Madame Loisel ay nauupo sa tabi ng bintana.
Pinagbabalikan niya sa gunita ang napakasayang gabing iyon na malaon nang nakalipas.
Ang kaniyang kagandahang naging tampok sa sayawan at naging dahilan upang siya’y
maging tampulan ng paghanga. Ano ang maaaring nangyari kung hindi nawala ang
kuwintas? Sino ang nakaaalam? Tunay na ang buhay ay kakatwa at mahiwaga! Sukat ang
isang maliit na bagay upang tayo’y mapahamak at mapabuti!
Ano ang natutuhan ni Matide sa kanyang buhay? Sa palagay ninyo may pagsisisi ba
siya sa kanyang sarili? Ipaliwanag
___________________________________________________________________
Isang araw ng Linggo, samantalang si Mathilde ay naglalakad sa Champs Elysees,
nagliliwaliw naman siya pagkatapos ng isang linggong singkad ng mga gawain sa bahay ay
namataan niya ang isang babaing may akay-akay na bata. Ang babae’y si Madame
Forestier, bata pa rin ang anyo, maganda pa ring katulad ng dati at taglay pa rin ang
panghalina.
Nakangiti niyang sinalubong ang kaibigan at binati. “Magandang araw sa iyo,
Jeanne.” Labis na nagtaka si Madame Forestier. Hindi siya nakilala nito at pinagtakhan ang
palagay sa loob na pagbati sa kaniya ng isang maralitang babae. Pauntol-untol na wika
nito, “Ngunit ginang, hindi ko kayo nakikilala. Marahil ay nagkakamali kayo.” “Hindi! Ako’y
si Mathilde Loisel.”
Napabulalas ang kaibigan. “O, kaawa-awa kong Matilde! Kay laki ng ipinagbago
mo!”
“Oo nga, mahabang panahon ang ipinagtiis ko ng hirap mula nang huli nating
pagkikita, at labis na kalungkutan ang dinanas ko… at ikaw ang dahilan ng lahat.
Napamulagat si Madame Forestier, “Dahil sa akin! Paano nangyari iyon?”
“Naaalaala mo pa ba ang hiniram kong kuwintas na diyamanteng isinuot ko sa
sayawan sa kagawaran?”
“Oo, ay ano?”
“Ano pa, naiwala ko ang kuwintas na iyon.”
“Anong ibig mong sabihin? Isinauli mo sa akin ang kuwintas?”
49
“Isinauli ko sa iyo ang isang kuwintas na katulad na katulad ng hiniram ko sa iyo.
Sampung taon kaming nagbayad ng mga utang. Alam mo namang hindi madali sa katulad
naming mahirap ang gayong bagay. Ngunit nakalipas na ang lahat ng iyon at ngayon ay
galak na galak na ako.”
Natigilan si Madame Forestier.
“Sabi mo’y bumili ka ng kuwintas na diyamante na ipinalit mo sa hiniram mo sa akin
na naiwala mo?”
“Oo, samakatuwid ay hindi mo pala napansin. Talagang kamukhang-kamukha iyon
ng hiniram ko sa iyo.”
Ngumiti si Matilde nang may pagmamalaki, isang ngiting puspos ng kawalang-malay
katulad ng ngiti ng isang paslit. Nabagbag nang gayon na lamang ang kalooban ng kaibigan.
“O, kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay
imitasyon lamang, puwit lamang ng baso. Ang pinakamataas na maihahalaga roon marahil
ay limang daang prangko.”
Ano ang naramdaman ni Matilde ng marinig mismo kay Madam Forestier ang totoo?
Bakit hindi siya kumibo bagkus umalis na lang siya. Ipaliwanag.
______________________________________________________________________
Babae -
Matilde
Asawa -
2. Ano-ano ang nais mangyari ni Matilde sa kanyang buhay? Naupad ba ang mga ito?
Bakit? _____________________________________________________
50
3. Kung ikaw ang pangunahing tauhan, ano ang iyong gagawin upang matupad ang
iyong pangarap? _______________________________________________
4. Sang-ayon ba kayo sa wakas ng kuwento? Kung ikaw ang manunulat, Paano mo ito
wawakasan? Ipaliwanag. __________________________________________
Pagyamanin Natin
Saranggola
ni Efren R. Abueg
Rading, Paquito, Nelson… pakinggan ninyo ang kwentong ito. May isang lalaki,
walong taong gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang guryon.
52
“Ngayon anak…bibigyan kita ng limampung libong piso. Gamitin mo sa
paghahanapbuhay,” sabi ng kanyang ama nang makuha na niya ang lisensiya
bilang mechanical engineer.
Namangha siya.
“Alam kong malaki ang hinanakit mo sa iyong ama. Gayunman, ibig kong isaisip
mong, ang kinabukasan mo ang lagi niyang inaalala.”
May isang taon ding nagtiyaga ang binata sa pamamahala ng kanyang maliit na
machine shop sa dulong bayan. Kakaunti ang kanyang parokyano dahil higit na
malaki ang machine shop ng kanyang ama at mahusay ang mga tauhan nito.
Nagkautang tuloy siya ng labindalawang libo sa mga kinukunan niya ng
materyales. Nang hindi siya makabayad, inilit ang mga makinang kanyang
ginagamit.
“Nabigyan na kita ng pang-umpisang puhunan. Hindi ka sumunod sa mungkahi
ko na umiwas sa kumpetisyon. Subukin mo namang maghanap ng puhunan sa
sarili mong pagsisikap.”
Noon nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya ang paggalang sa mga magulang.
Dumabog siya sa harap ng ama.
53
“Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis ang inyong anak? Kasiyahan ba
ninyong makitang nahihirapan ako?”
“Ibig kong matutuhan mo ang lahat ng nangyayari sa buhay na ito. Hindi madali
ang mabuhay sa mundo, anak.”
“Hindi ba kaya may mga magulang ay para gumaan ang buhay ng mga anak?”
“Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi nasa
mga itinuturo nila sa mga ito.”
Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man
lamang nagpaalam kahit sa ina. Nagpalipat-lipat sa kung saan-saang trabaho
hanggang pagkaraan ng limang taon, nakaipon siya ng sampung libong piso at
nakabili ng maliit na machine shop. Kumuntrata siya ng paggawa ng tambutso sa
isang auto assembler at kumita siya nang malaki. Sa loob ng tatlong taon,
gumawa na rin ang machine shop niya ng mga partes ng kotse.
Ang dugo ay dugo, anang kasabihan, kaya dinadalaw ang lalaki ng kanyang may
edad nang ina. Isang araw, dumating ito sa kanilang bahay, gaya ng dati may
pasalubong sa tatlong apong lalaki.
“Ibig ng Itay mong makita ang kanyang mga apo, pero hindi siya makadalaw dahil
sa hinanakit mo,” sabi ng kanyang ina.
“Kung gayon… baka hindi na kayo magkita, anak!” nawika nito bago umalis.
“May dalawang ulit na hong regular silang nagpupunta roon. Dinadalaw ang
inyong matanda.”
54
masasayang sandali sa piling nito. Nagunita niya ang pagpapalipad nila ng
saranggola.
Magdamag siyang hindi mapalagay. Lagi niyang naiisip ang sinabing iyon ng
kanyang ama. Kinabukasan, sakay ng kanyang kotse, nagbalik siya sa bayang
sinilangan.
“Wa-walang hinanakit?”
“Oo, anak… dahil natupad na ang pangarap niya. Nasa itaas ka na. At sabi niya
sa akin, pati sa asawa mo… nakatitiyak siya na makapananatili ka roon.”
Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito, parang
lumundag ang kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod niyon,
nagunita na naman niya ang pagpapalipad nila ng saranggola.
“Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas.
Hayaan mo… tuturuan kita!” paliwanag na ama.
Rading, Paquito, Nelson…tandaan ninyo ang kwentong iyan. Kwento ‘yan namin
ng inyong namatay na lolo. Kwento naming dalawa.
55
6. Sa tulong ng Fishbone ilahad ang sanhi at bunga mula sa binasang teksto.
sanhi
Kuwintas
bunga
sanhi
Saranggola
bunga
7. Iguhit ang simbolong makikita sa dalawang kuwento at ipaliwanag ang mga ito.
8. Dahil ito ay kuwentong tauhan. Ano ang kaugalian ipinakita ng dalawang pangunahing
tauhan na si Matilde at batang lalaki ang masasabi mong tatak ng kulturang Pilipino?
Isa-isahin
Matilde Batang
Lalaki
WIKA AT GRAMATIKA
Panghalip bilang Panuring sa mga Tauhan
Ang mga panghalip ay mga salitang ginamit bilang panuring sa mga tauhan sa maikling
kuwentong “Ang Kuwintas”, na nakatulong upang maging malinaw ang paglalahad ng
56
mga pangyayari sa kuwento at ganap na mailalarawan nito ang kalakasan at kahinaan ng
pangunahing tauhan at iba pang mahalagang tauhan ng nabanggit na kuwento.
Mga Panandang Kohesyong Gramatikal na Anapora at Katapora
Ang siya, niya, sila, nila at ito ay mga panghalip na ginamit bilang mga panandang
kohesyong gramatikal. Pagpapatungkol ang tawag dito upang maiwasan ang paulit-ulit na
paggamit ng mga pangngalan sa pangungusap o teksto.
_______ 1. Si G. Loisel ay mapagmahal na asawa. Lagi niyang iniisip ang mga bagay na
makapagpapaligaya dito.
_______ 2. Sila’yy tunay na nagmamahal kay Matilde. Si G. Loisel at Gng. Forestier
ay lagi nang nagbibigay kay Matilde ng mga bagay na sa kaniya ay
makapagpapaligaya.
_______ 3. Naiwala ni Matilde ang dyamanteng kwintas kaya naman pinalitan agad
niya ito sa kaibigan.
_______ 4. Nalungkot si Matilde sa kapalarang nangyari sa buhay, kung di dahil sa
kagustuhan niya, hindi sila mababaon sa utang na mag-asawa.
_______ 5. Gagawin niya lahat ng bagay sa kanyang minamahal na si Matilde, kaya
naman si G. Loisel nagtiis ng hirap sa pagtatrabaho para lang mabayaran
ang kanilang utang.
Tandaan Natin
57
ng iyong pamilya at maging ang iyong sarili sa panahon ng krisis na nararanasan dulot ng
pandemik. Isulat sa loob ng puso ang mga positibong bagay na nagpabago sa iyong gawi,
ugali o asal.
Isabuhay natin
Gawain 9. Blogger
Panuto. Dahil sa pananakop ng kanluraning bansa tulad ng France malaki ang
naiambag nito sa pagbabago ng kultura ng mga Pilipino, lalo na sa mga kababaihang
Pilipino tulad ng pagkahilig sa iba’t ibang uri ng pagkain, pananamit at alahas, pagdalo
ng mga okasyon at iba pa. Kaya gumawa ng isang blog na may kaugnayan sa paksa
tinalakay na nagpabago sa kulturang Pilipino mula sa kanlurining bansa.
Pamantayan sa Paggawa/Pagsulat ng Komposiyon
Gawin natin
58
Pamantayan
1.Maayos at Malinaw ang graphing frame 40
2. Wasto ang budget na nakalaan 30
3. May panghalip na panuring na ginamit 30
kabuuan 100
Sanggunian
KAYUMANGGI - Batay sa Kurikulum na K-12
Kayumanggi 10 ni Ms. Gloria Alday, Angela Ong, Magdela O. Jocson at
Dr. Ana Maria Cabuhat
Leo-Ross Publication. No.1 Broine St, Block 39, Lot 33Phase III,
Golden City, Imus Cavite
Teksto/Babasahin
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-kuwintas.html
https://www.tagalogshortstories.net/efren-abueg---saranggola.html
Video/ panoorin
https://www.youtube.com/watch?v=iIZnWyu_8MI Mula sa Hiyas ng Wika nina Dominguez et.al. 1990.
Abiva Publishin
http://www.youtube.com/watch?v=m-KJpqBio24&feature=share
http://youtu.be/frUZa3lvgQY
https://www.youtube.com/watch?v=iIZnWyu_8MI
Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City
Telefax: 8384251
59