Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Apat na Teorya ng Pagbasa

1. Teoryang Bottom-Up

. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng nakasulat na mga simbolo upang
maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa
ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago malaman ang
kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at ang teksto ang
pinakamahalaga sa pagbasa.

2. Teoryang Top-Down

Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya . Ito ay dahil napatunayan ng maraming dalubhasa
na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto.
Tinatawag din ang teoryang ito na inside out o cenceptually-driven dahil ang kahulugan o
impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang
mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa
kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid.

3. Teoryang Interaktib

. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.. kung gayon, ang


interaksyon ay may dalawang direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang
pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto.

4. Teoryang Iskima

Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang
batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa
ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa
ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa
paksa.

Metoda

Matulin na pagbabasa/ Skimming:

o pinaraanang pagbasa ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao.

ahapyaw na Pagbasa/ Scanning:


tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa
na hindi hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga rito’y makita ang
hinahanap sa madali at mabilis na paraan.

Pagsusuring Pagbasa – (Analytical reading) :

nakasalalay sa mga materyales ang gawaing pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit dito ng matalino at
malalim na pag-iisip.

Pamumunang Pagbasa (Critical reading):

Dapat na matiyak ng mambabasa na naunawaan ang buong nilalaman ng akda. Sa pamumuna


hindi lamang ang nilalaman ng akda ang binibigyan ng pansin. Kasama rito ang pagpuna mula sa
pamagat, simula, katawan (nilalaman) at wakas ng akda

Batay sa paraan, ang pagbasa :

Tahimik:

mata lamang ang ginagamit sa pagbabasa.

Pasalita:

ginagamitan ng bibig, bukod sa mga mata kaya nagkakaroon ng tunog ang pagbasa.

Masinsinang Pagbasa o mabagal:

Ito ang pinakamabagal na pagbasa at ginagamit ito sa mahihirap na seleksyon.

Hal. Pag-unawa sa Panuto/ dokumento

Matulin na pagbabasa: 

Mahahalagang bahagi lamang ng isang teksto ang binabasa batay sa layunin ng bumabasa.
Pamamaraan

Limang uri ng istratehiya Pagtatanong (Questioning)- Bumuo ng mga tanong tungkol sa


(kasalukuyang) binabasa.

Paghuhula (Predicting)- Hulaan ang mga sagot sa mga tanong na nabuo sa iyong isipan

Paglilinaw (Clarifying)- Linawin kung tama o mali ang iyong mga ginawang hula o mga sagot sa
iyong mga tanong

Pag-uugnay (Assimilating)- Iugnay ang teksto sa iyong karanasan o kaalaman.

Paghuhusaga (Evaluating)- Husgahan/suriin ang mga element ng teksto.

You might also like