Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

KAHULUGAN NG PAGBASA

Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na Becoming a Nation of Readers,


ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na
teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng
ibat-ibang magkakaugnayan na pinagmulan ng impormasyon.
Ayon naman kay Wixson et al (1987) sa artikulong “New Direction in
Statewide Reading Assesment” na naitlaha sa pahayagang The Reading Teacher ang
mga pinagmumula ng kaalam sa pagbasa.

1.) Imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa


2.) Impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa;
3.) Konsteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa

INTENSIBO AT EKSTENSIBONG PAGBASA


*INTENSIBONG
Ipinaliwanag ni Douglas Brown (1994) sa kanyang aklat na Teaching by
Principles: An Interactive Approach to Language Pedagogy na ang intensibong
pagbasa ay pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang diskurso at iba pang
detalye sa estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan implikasyon.
*EKSTENSIBO
Pagbabasa kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang
babasahin na ayon sa kaniyang interes, mga babasahing kadalasang hindi kahingian
sa loob ng klase o itinakda sa anomang asignatura.

“TOP TEN PRINCIPLES FOR TEACHING EXTENSIVE READING”

1. Angkop ang materyales sa kakayahang panglinggwistika (bokabolaryo at


gramatika) ng mga mag-aaral
2. Myroong magagamit na sari-saring materyales sa iba’t ibang paksa.
3. Pinipili ng mag-aaral ang gusto nilang basahin.
4. Nagbabasa ang mga mag-aaral ng napakaraming teksto hangga’t maari
5. Ang layunin ng pagbabasa ay may kaugnayan sa interes at kasiyahang-loob ng
mambabasa, pagkuha ng impormasyon , at pangkalahatang pagunawa
6. Ang nakamit na pagkatuto ang mismong gantimpala sa pagbabasa at hindi ang
ano pa mang grado o premyo.
7. Mabilis ang pagbasa.
8. Ang pagbasa ay indibiduwal at tahimik.
9. Ipinapaliwanag ng guro sa mga magaaral ang kabuuang layunin ng programa.
10. Ang guro ay modelo ng mga magaaral sa kasikhayan sa pagbasa
Scanning at skimming na pagbasa.
1. Ang scanning ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang
ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa
2. Ang Skimming naman ay mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang
kahulugan na kabuuang tesksto. Kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang
diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw ay layunin ng manunulat.

Mga Antas sa Pagbasa

1. Primarya- Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulog upang makamit


ang literasi sa pagbasa. Ang mga kakayahan sa pagbasa sa antas na ito ay
kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon
gaya ng petsa, setting, lugar, o mga tauhan sa isang teksto.
2. Mapagsiyasat- Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang
teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito. Sa pamamagitan
nito, nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang
teksto ang mambabasa upang matukoy kung kakailanganin niya ito at kung maari
itong basahin nang mas malalim.
3. Analitikal - Sa antas na ito ng pagbasa ginagamit ang mapanuri o kritiaklna
pagiisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o
pananaw ng manunulat, bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan,
kaangkupan, at kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto.
4. Sintopikal- Ang salitang syntopical ay binuo ni MOrtimer Adler mula sa salitang
syntopicon na inimbento at ginamit nya sa aklat na “A Syntopicon: An Index to The
Great Ideas’ (1952), na ngangahulugang “koleksiyon ng mga paksa.
5. Pagsisiyasat- mahalaga ang pagsisiyasat tungkol sa sintopikal na pagbasa.
Kailangan mong tukuyin agad ang lahat ng mahahalagang akda hinggil sa isang
paksang nais mong pag-aralan.
6. Asimilasyon- sa pamamagitan ng paraang ito tinutukoy mo ang uri ng wika at
mahahalagang terminong ginamit ng may akda upang ipaliwanag ang kaniyang
kaisipan.
7.

You might also like