Professional Documents
Culture Documents
M1 Aralin 4
M1 Aralin 4
Introduksyon
AKTIVITI
Gawain 1
Ang Aking Pamilya
Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang estruktura ng iyong pamilya, mula sa iyong lolo
at lola hanggang sa kasalukuyang henerasyon. Gumamit ng angkop na tsart o
grapikong representasyon. Maaaring lagyan ng larawan.
ANALISIS
Gawain 2
Pagpapaliwanag
1. Ano-ano ang bakgrawn at pinanggalingan ng iyong lolo at lola, gayundin ang
iyong mga magulang? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______________________________________________
ABSTRAKSYON
Noong 1594, natagpuan ang Binondo bilang bayan ng mga Tsino. Isang
ordinansa ng pagpapaalis sa mga Tsino sa Pilipinas ang ipinatupad, ngunit napag-
isip-isip ng gobernador ng Dasmariñas na malaki ang kawalan ng mga Espanyol na
nakatira sa Manila ang mawawala, Kaya naman ipinabalik ang maliit na grupo ng
mga Tsino para sa serbisyong pang-ekonomiya. Kaya, binili niya ang isang malawak
na sukat ng lupa sa kabilang ilog mula sa napapaderan na lungsod at ibinigay ito sa
kilalang grupo ng mga tsinong mangangalakal at artisan bilang batayan ng
panibagong tirahan ng mga ito. Sa simula ay walang katanungang panrelihiyon at
pangkultura ang lumabas, ngunit ang misyonerong kasipagan ng Spanish Dominican
na mga prayle ay ginawa ang Binondo bilang isang uri ng laboratoryo kung saan
ginawang komunidad ng mag-asawang Katolikong Tsino. Sa kabilang banda, ang
mga hindi katoliko sa lugar ng Binondo ay bininyagan, ikinasal at idinagdag sa
komunidad ng mga kasal na katoliko, na umabot sa limang daan o higit pa sa taong
1600. Natagpuan ng mga tsino ang Binondo sa pamamagitan ng lupain ng
Dasmarinas at naging dahilan ito upang maging libre sa buwis at hindi maikakait sa
mga hindi tsino at hindi mestiso.
Noong ika-17 na siglo ang Binondo ay nilalayon na panirahan para sa mga
Katolikong Tsino at ng kanilang mga ninuno. Ngunit nagsimula ring nanirahan sa
Binondo ang mga Indio. Dahil dito, nagkaroon ng hiwalay na komunidad para sa
mga mestizo at Indios sa Binondo. Sa paglipas ng panahon, nang lumaki ang
populasyon ng mga mestiso, ay pinutol nila ang kanilang ugnayan sa mga Tsino at
bumuo ng sariling samahan “Gremio de Mestizo de Binondo” noong 1741. Noong
1741, ang mga Tsinong Mestizo ay nakilala bilang katangi-tangi sa Pilipinas. Dahil
dito, naging sapat ang kanilang bilang upang magtatag at iuri ang kanilang
kabihasnan sa tatlong probinsya ng Luzon: Tondo, Bulacan, at Pampanga, sa
kabuuan ng Pilipinas ay mayroon 60% na Mestizo. Sa Tondo pa lamang ay
kinabibilangan na ito ng 30% ng populasyon. Halos lahat ng mestizo ay nasa Luzon
at kaunti lamang ang nasa Visayas at Mindanao. Samakatuwid 90% ng populasyon
ng mestizo ay nasa Luzon, at ang natitirang 10% na bilang ng mga mestizo ay
nagkalat sa ibang pulo, partikular na sa Cebu, Iloilo, Samar, at Capiz.
Sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo, ang katayuan ng mga Tsinong Mestizo sa
larangan sa ekonomiya at lipunan sa Pilipinas ay naging matatag at noong 1750-
1850, naghatid ito ng mga pagbabago sa kanilang heyograpikong distribusyon.
Bagamat marami pa ring mga populasyon sa Luzon ay umusbong din sila sa Abra
lalo na sa Nueva Ecija. Sa Visayas, noon ay mas maraming mga Tsinong Mestizo sa
Cebu, ngunit kalaunan ay may mga ilan din ang nasa Antique. Sa Mindanao,
namataan na rin sila sa silangang bahagi ng isla (Caraga Province) at sa Misamis
(Wickerberg, 1964).
Sa larangan ng Ekonomiya, naging matibay ang kanilang interest sa lupa at
naging mahusay sila sa monopolyo sa panloob na pangkalakal lalo pa’t ang
gobernador ng probinsya lamang ang kanilang katunggali. Ang mga Tsinong Mestiso
at Tsino ay ang eksklusibong namahala sa patingi-tinging komersyo ng Manila.
Naging aktibo rin sila sa pangmaramihang komersyo ng lungsod. Ayon kay Bowring,
sa kanyang pagbisita sa bansa, batid niya ang mga Tsinong Mestiso ay
pinakamasipag, matipid at malaki ang naging kontribusyon sa ekonomiya sa lahat ng
populasyon ng Pilipinas.
Ang mga mestizo ang naging dahilan sa pagyaman ng Cebu. Mula Cebu ay
ipinadala nila ang kanilang kinatawan patungong silangan ng Leyte at Samar,
patungong timog ng Caraga at Misamis, pakanluran ng Negros at Panay upang
bumili ng mga produkto upang ipamili sa mga banyagang nasa Manila. Mga
produktong binili: tobacco, sea slugs at mother-of-pearls, cacao, coconut oil, coffee
and wax, at iba pang katutubong produkto. Ang mga mestizo sa ibang bahagi ng
Visayas ay may sariling sasakyang-pandagat at namuhunan para sa pangangalakal.
Dahil sa malakas na impluwensya ng mga mestizo sa larangan ng ekonomiya ay
nakilala ang Pilipinas sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang mga produkto ay
iniluluwas sa merkado sa labas ng bansa gayon din ang ibang bansa ay
nagsimulang maghanap ng merkado sa Pilipinas.
Sa pamamagitan ng pag-usbong ng mestizo ay umusbong gayon din ang
kanilang naging kontribusyon sa larangan ng ekonomiya at katanyagan ng bansa.
Dahil sa yaman at pamamaraan ng mga mestizo, ay naging modelo sila sa paraan
ng pananamit ng taga-Manila at ng iba pang karatig lugar. Bagamat nakapag-ipon
sila, ngunit hindi maitatanggi, na ang mga Tsinong mestizo ay hibang na hibang sa
pagsusugal at pagpapasikat, lalo na sa pananamit. Bukod sa pag-aliw sa mga
kaibigan at iba pang masaganang piging, pamilya ng mga mestizo ay karaniwang
umuubos ng malaking halaga ng pera sa araw ng piging. Kaya naman, ang mga
prestihiyo ay umusbong upang tapakan ang mga mestizo. Sa katunayan, may mga
lugar sa Central Luzon kung saan lahat ng nasa rehiyon inaangkin na sila ay mga
mestizo. Ang pinakamagandang paglalarawan sa ganitong uri ng mestizo -
pagkahumaling na saloobin na nasa karakter ni Kapitan Tiyago sa nobela ni Rizal. Si
Kapitan Tiyago ay isang mahusay na halimbawa ng indio cacique na nagnanais na
ituring na Tsinong Mestiso at binili para sa kanyang sarili ang isang lugar sa
mayayaman at sikat na Cremio de Mestizos de Binondo (Wickerberg, 1964).
Ngunit hindi lahat ng Indios ay humahanga sa Mestizos. Dahil sa kakulangan
ng paghanga, mayroong umuusbong na pagtatalo sa pagitan ng mestizo at indio
gremios kaya naman ang kanilang usapin ay umabot ng dekada. Sa pag-angat ng
mga mestizo sa posisyon ng kasaganaan at prestilihiyo, ang kanilang ugnayan sa
mga Indios ay naging dahilan sa pagtaas ng pag-aalala sa mga Espanyol. Sa
panahong ito- sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo ay nagsimula ang paghahanap ng
“divide and rule” na tema sa kasulatan ng mga Espanyol. Ang mga Indios at
Mestizos ay panatilihing magkahiwalay. Ang utak at pera ng mga mestizo ay hindi
maaaring maging magkatulad sa halaga ng lakas ng mga Indios. Ang hiwalay na
gremios ay kinakailangang panatilihin at ang kanilang agawan hinihikayat na posible
kahit saan. Mula sa panahong ito at pasulong, ang mga espanyol na konserbatibo ay
natakot sa pamamagitan ng rebolusyon ng mga Indio na pinamunuan ng mga
mestizos sapagkat hindi na katangap-tangap ang ipinatupad na batas. Ang huling
kalahati ng 19th na siglo ay tinawag na “Period of Occupational Rearrangement and
Social Filipinization”. Itong dalawang pangyayari ay resulta ng pagbabago sa polisiya
ng Espanyol sa kalagitnaan ng 19th na siglo. Libreng pangangalakal ang naibigay na
oportunidad upang gawing kapaki-pakinabang na kolonya ang Pilipinas para sa
Espanya. Bilang bahagi ng pangkalahatang polisiya, noong 1844, binawi ng
pamahalaan ng Espanyol ang “The Indulto de Comercio” at simula noon ay
pinagbawalan ang mga opisyal ng Espanya na sa pangangalakal. Ang batas na iyon
ang nag-alis sa huling balakid sa mga mestizo sa kanilang pangingibabaw sa
internasyonal pangkalakal. Gayundin, isinantabi ng batas ng Espanya ang harang sa
imigrasyon ng tsino at paninirahan. Kaya, makakapunta ang mga tsino sa Pilipinas
ng walang kahit anong paghihigpit sa bilang at maging saang lugar man sila
manirahan sa bansa. Noong 1880s, ang populasyon ng tsino ay umabot na sa
100,000; matatagpuan ang mga tsino kahit saang parte ng Pilipinas (Wickerberg,
1964).
APPLIKASYON
Panglan:______________________________ Petsa:________________
Araw at Oras ng Klase:___________________
Ang mga pananaw at ideya ni Dr. Jose P. Rizal ay nahubog mula sa kanyang
lipunang ginagalawan. Anak ng kanyang karanasan at maging ng kanyang mga
ninuno ang talas at giting ng kanyang kamalayan dahil nakabuo siya ng mga akdang
may silbi sa lipunan. Transendental ang mga ideya ni Dr. Jose P. Rizal. Hindi man
kasinghirap ng kanyang naranasan ang kasalukuyang lipunan ng ating bansa ngunit
ang kanyang mga akda ay patuloy pa ring makabuluhan sa kasalukuyan.
Samakatwid, nilinaw sa bahaging ito ang kabuluhan ng kanyang pagiging “bayani” at
“kabayanihan” sa konteksto ng kasaysayan at lipunang Pilipino.
References
Agoncillo, T.A. (1990). History of the Filipino People. 8 th ed. Philippine: Garotech
Publishing.
Araneta, G.C. (2010). Legislating Rizal. Retrieved July 10, 2020, from https://
web.archive.org/web/20101230174413/https://www.mb.comph/articles/29510
3/legislating-rizal
National Commission for Culture and the Arts (2015). Selection and Proclamation of
National Heros and Laws Honoring Filipino Historical Figures. Retrieved July
25, 2020, form https//ncca.gov.gov,ph/about-culture-and-arts/culture-
frofile/selection-and-proclamation-of-national-heros-ang-laws-honoring-
filipino-historical-figures/
Pangalangan, R. (2010). The Intence Debate on the Rizal law. Retrieved December
5, 2017, Retrieved July 22 2020, from
https:/opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20101231-
311798/The-intens-debate-on-the-Rizal-Law
Phelan, J.L. (1959). The Hispanization of the Philippines: Spanish Aims and
resposes of the 1965-1700. Madison: The Wisconsin Press.
Schumacher, J. N. ( 1972). The Cavite Mutiny: an Essay on the Published Sources.
Philippine studies, 603-632.
Wickberg, E. (1964) The Chinese mestizo in Philippine history. Journal of Southeast
Asia history, 5(1), 62-100.
Vidal, J.M. (1904). Pilitical and Administrative Organization. In Emma H. Blair and
James A. Roberton. The Philippine Islands: 1493-1898. Volume XVII,
pp322-324. Cleveland: Arthur H. Clark Co.