Sanaysay NG Aking Karanasan Sa Pagsagawa NG Pagsusulit

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Aking Karanasan sa Pagsagawa ng Pagsusulit

Ayon sa pananaw sa Teoryang Kognitib ni Jean Piaget, ang pagkatuto ng isang wika ay isang
prosesong dinamiko kung saan ang mag-aaral ng wika ay palaging nangangai-langang mag-isip at gawing
may saysay ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang pumailaim na tuntunin at mailapat ang
mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap.

Ibig sabihin lamang nito na ang pagbibigay at pagpapalawak ng kaalaman sa mga kabataan ay
isang hamon sa isang guro. Ito ay nangangailangan ng masusi at malalimang proseso ang naipunlang
kaalaman bago ito yumabong ng tuluyan. Nakasalig sa teoryang Kognitib ni Piaget na hindi lamang
pahapyaw na uri ng talakayan ng mga kaalaman ang kailangang makuha ng isang bata kundi mabusisi
upang siya mismo ay makabuo ng sariling pagpapasya sa isang paksang pinag-uusapan. Kung natamo
niya ba ang nais iparating nito sa kaniya o wala.

Kaugnay nito, bilang isang guro, isang malaking hamon at pagsubok ang pagtatangka na gumawa
ng isang pagsusulit para sa mga mag-aaral. Isa ito sa mga maaaring batayan kung ang pagtuturo ba ay
napagtagumpayan o lubos na natamo ang mga naging layunin sa isang paksa o aralin. Ito na marahil ang
magiging husga mo rin mismo sa iyong sariling kakayahan bilang tagapagdaloy ng asignaturang
nakaatang sa iyo.

Sa loob ng mahigit dalawang taon kong pagtuturo, ang pagsagawa ng pagsusulit o ang
pagdidisenyo ng mga gawain para sa mga mag-aaral ay isa sa mga malaking hamon nga naman sa akin.
Sa kadahilanang, maraming mga aspeto ang lugod kong binibigyan ng tuon muna bago ako maghatol ng
pinal na uri ng pagsusulit para sa aking mga mag-aaral. Yaong kailangang isaalang-alang ko ang kanilang
mental na kapasidad o hindi naman kaya ay ang kanilang kahandaan sa pagkuha ng pagsusulit o
pagtataya.

Marahil ang iba sa kanila ay talaga namang madaling matuto sa mga aralin na aming tinatalakay,
ngunit karamihan sa kanila ay nahihirapan sa kadahilanang mas tatas sila sa wikang Ingles kaysa sa
sariling wika. Mas binibigyan nila ng tuon ang wikang ito na hindi nila mas nauunawaan ang kahalagahn
sa pag-alam muna sa sariling wika. Ito mismo ang aking nakikitang ddahilan kung bakit ang karamihan sa
kanila ay nahihirapang intindihan ang pagsusulit, partikular na mismo ang mga markahan at lagumang
pagsusulit na aking ibinibigay.

Ika nga mula sa websayt na https://tl.warbletoncouncil.org/examen-3336ang, “ang pagsusulit


ay  pagsubok upang maipakita ang nakamit sa mga pag-aaral.

Isinasaad lamang na ang pagsusulit ay isang kasangkapan upang maipamulat sa guro at mag-
aaral nito kung ang mga layunin ba sa isang paksa o aralin at lubos na natamo o wala.

Sa pagsangguni ko sa puntong ito, maraming iba't ibang mga pagsusuri ang dapat natin subukin
sa mga mag-aaral upang mas malaman natin ang kanilang abilidad at matukoy ang kanilang mga
kahinaan. Sa pamamagitan kasi ng pagbukas sa kanilang kalakasan at kahinaan ay mas mapaigting pa
natin ang mga ito upang ang kanilang kalakasan ay mas mapayabong pa at ang kanilang kahinaan at
mapagsumikapan paunlarin ito.
Kung kaya naman, sa bawat pagsagawa ko ng mga lagumang pagsusulit o kaya naman ay mga
markahang pagsusulit ay talaga namang isang hamon sa aking kakayahan ang pagsagawa nito. Iyong
akala ko na tapos na ay marami pa palang dapat baguhin at wastuhin. Ito ay nagpapakita lamang na
kailangan talaga nating pakinisin muna ang ating mga gawa lalo na sa ganitong uri na mga gawain bilang
isang guro. Dahilan na hindi lahat ng ating mga mag-aaral ay pareho ang kanilang mga kapasidad na
matamo ang layunin natin sa isang aralin.

Sa kabuuan, bilang isang guro na siyang tagapagdaloy ng mga pagtataya’t pagsusulit, ugaliin
nating maging bukas ang ating isipan sa kung ano ang angkop na mga gawain at pagsusulit ang
kailangang nating ibigay sa ating mga mag-aaral. Yaong makapagpalago at mapalawak ang kanilang
angking talino’t kakanyahan. Gawin natin itong kasangkapan upang mas mahasa pa ang kanilang mga
abilidad na kung saan mas pinatunayan ito sa teoryang kognitib ni Piaget.

You might also like