Professional Documents
Culture Documents
Edukasyon Sa Pagpapakatao: Ikalawang Markahan, Linggo 3 at 4 - Modyul 6
Edukasyon Sa Pagpapakatao: Ikalawang Markahan, Linggo 3 at 4 - Modyul 6
pert
Pro E
L
9
t
en
vern
m
R SA
Go
T FO
NO
NOT
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan, Linggo 3 at 4 -
Modyul 6
Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral
Department of Education ● Republic of the Philippines
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan, Linggo 3 at 4 - Modyul 6: Mga Batas na Nakabatay
sa Likas na Batas Moral
First Edition, 2020
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalty.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.
Mga Pahina
Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa
mga mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito. Sumunod nito ang pagtataya ng kaalaman
ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim (6) na antas ng Blooms Taxonomy ng
Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng
bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa nagdaang modyul
at ng kasalukuyang modyul sa bahaging Balikan.
Narito ang apat (4) na pangunahing bahagi ng modyul: Ang bahaging Tuklasin ay
tumataya sa mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa na nakabatay sa
kanilang karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang mga maling kaalaman
(misconceptions). Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang
Pampagkatuto (PKP1), na nakatuon sa pagsukat ng Kaalaman (Knowledge) sa Blooms
Taxonomy.
Mula kay: Luisita B. Peralta, “Power Point Presentation,” May 6, 2019, 49-57.
7
Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga
aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 kahit hindi ka makapasok sa paaralan
nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin
mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin:
5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng bahaging Alamin bago tumuloy sa ibang bahagi ng
modyul.
7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa
Edukasyon sa Pagpapakatao.
8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto,
mapaunlad ang sariling pagkatao, at makapagtapos ng pag-aaral sa lahat ng mga
gawain.
Mula kay: Luisita B. Peralta, “MS Word,” September 26, 2017, 1-2.
7
Mga Icon na Ginagamit sa Modyul
7
7
Modyul Mga Batas na Nakabatay sa
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 65.
Subukin
2
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang pinakatamang sagot.
1. Sino ang nagsabi na, “Lahat ng Tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may
kakayahang makaunawa sa kabutihan”?
A. Dr. Manuel Dy B. Robert Fulghum C. Max Scheler D. Santo Tomas de Aquino
3. Mahihirapang makapasa si Art sa Math sa Ikalawang Markahan. Ano ang gagawin niya?
A. Magkaroon ng mabuting paraan sa pag-intindi sa mga paksa sa Math
B. Mag-aral sa bahay ng Math kahit pa laging mapuyat sa gabi
C. Manghingi ng solusyon sa problema sa Math sa kaklase
D. Magpa-iskedyul ng remedial exam sa guro ng Math
8. May panukala ang mga mag-aaral sa Baitang 9 na alisin ang takdang aralin. Kaya may
nakatakdang miting para rito ang mga guro, mag-aaral at magulang. Ano ang nararapat
mong gawin upang maipakita na ang pasiya mo ay tungo sa kabutihang panlahat?
A. Pupunta sa miting at ibahagi ang paniniwalang mas makabubuting may takdang aralin
B. Pupunta sa miting upang magkaroon ng update sa mga pangyayari
C. Hindi pupunta sa miting dahil natatakot masali sa gulo
D. Pupunta upang ipilit na sang-ayunan ang panukala
10. Ano ang karapat-dapat gawin ng mga mambabatas para sa kabutihang panlahat?
A. Gawing batayan ang Likas na Batas Moral sa paggawa at pagpasa ng mga batas
B. Pakinggan ang lahat ng reklamo ng mga sektor ng lipunan
C. Magkampanya para sa karapatan ng mga mamamayan
D. Pagtibayin ang proseso ng eleksyon
Balikan
Tuklasin
Gawain 1
Panuto:
1. Magtala ng mga batas na ipinaiiral dahil sa Bagong Normal (New Normal) na kalagayan
ng bansa. Maaaring narinig mo ang mga ito sa radyo, napanood sa telebisyon o nabasa
sa Facebook.
a.
b.
c.
d.
2. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong:
a. Sumasang-ayon ka ba sa mga batas na ito? Pangatwiranan.
b. Sinusunod mo ba ang mga ito? Bakit?
c. Sa palagay mo, nakabatay ba ang mga batas na ito sa prinsipyo ng Likas na Batas
Moral na “Gawin ang mabuti at iwasan ang masama”? Sa paanong paraan?
d. Samakatuwid, anong batas ang dapat gawing gabay sa pagsunod o hindi pagsunod sa
umiiral na batas sa lipunan? Bakit?
Linangin
Gawain 2
2
Panuto:
1. Humingi ng panahon sa magulang o guardian upang makipagkuwentuhan sa kaniya
tungkol sa mga batas na ipinasusunod niya sa iyo bilang gabay sa paglaki mo.
2. Itala ang mga batas na binabanggit niya sa iyong kuwaderno.
3. Tanungin siya kung paano niya itinuturo ang mga ito sa iyo. Itanong din kung
nagiging madali o mahirap ba sa kaniya ang pagpasunod sa iyo.
4. Pansinin ang mga maaaring nararamdaman ng magulang o guardian habang
nagkukuwento siya sa iyo.
5. Alamin kung alin sa mga batas na ito ang tatlong itinuturing niyang pinakamahalagang
matutuhan mo sa buhay. Lagyan ang mga ito ng tsek sa iyong kuwaderno.
6. Humingi ng paliwanag kung bakit ang mga ito ang pinakamahalaga para sa kaniya.
7. Pagkatapos, magpasalamat sa magulang o guardian at bumalik sa lugar ng bahay kung
saan ka nag-aaral.
8. Pagnilayan at sagutin ang sumusunod na tanong sa kuwaderno:
a. Ano ang nararamdaman mo?
b. Sumasang-ayon ka ba sa tatlong pinakamahalagang batas ng iyong magulang?
Pangatwiranan.
c. Sinusunod mo ba ang mga ito sa lahat ng pagkakataon? Bakit?
d. Anong prinsipyo ng Likas na Batas Moral ang dapat maging sukatan sa pagsunod sa
mga batas na binuo ng tao?
e. Bakit dapat gawing sukatan ang Likas na Batas Moral sa pagsunod ng umiiral at
panukalang batas?
f. Paano malaman na nararapat sundin ang isang batas? Ipaliwanag.
Suriin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong
sa Pagyamanin.
Mapapatanong ka siguro kung bakit kailangan pa itong sabihin. Hindi ba't kaya nga
pinili ng mga doktor ang ganitong larangan dahil sa pagnanais na makapagpagaling at
makatulong? Walang doktor ang magbibigay ng payong medikal na nakakapagpalala
lamang ng kondisyon ng pasyente. Walang doktor ang papasok sa operasyon nang hindi
handa. Laging ang nasa isip nila ay ang makapagpagaling ng pasyente.
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat
ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan. Para sa pilosopong si Max Scheler,
ang pag-alam sa kabutihang ito ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi
sa larangan din ng pakiramdam. Ninanasa ng tao ang mabuti; hindi ang masama.
Walang sinuman ang magnanais na mapasama siya. Kahit na tinatamad akong mag-aral,
alam kong mabuti ang mag-aral. Kahit na natatakot akong magpatingin sa doktor, alam
2
kong mabuting gawin ito upang makita ang kalagayan ng aking kalusugan. Kahit gustong-
gusto kong kunin ang cellphone ng kapatid ko, hindi ko dapat gawin dahil alam kong
masama ito.
Paano ko nalaman kung ano ang mabuti at ano ang masama? Tinuro sa atin ng
ating mga magulang. Nakuha natin sa mga kapitbahay. Napanood sa telebisyon, nabasa o
narinig. Ang nakamamangha dito ay sa dami ng ating mga narinig o nalaman, may maliit na
tinig pa rin ng kasiguraduhan sa ating loob na nagsasabi sa atin kung ano ang mabuti.
Konsensya ba ito? Diyos ba ito? Takot ba ito sa aking magulang? Pressure mula
sa mga kaibigan? Tukso ng media? Isa ang totoo: naaakit ako sa alam kong mabuti.
Ang Mabuti
Pansinin na hindi pa talaga natin pinag-uusapan dito kung ano ang mabuti. Sinasabi
lang na may natural na pagkaakit ang tao sa mabuti. Ang mabuti ang laging pakay at layon
ng tao. Ang isip at puso ang gabay para kilatisin kung ano talaga ang mabuti. May
matinong pag-iisip, pagsusuri, pagtitimbang at paglilinis sa mga motibasyon ang kasabay ng
pagkilala sa mabuti. Mabuti bang tumulong sa gawaing bahay? Mabuti bang tumambay
kasama ng barkada? Mabuti bang uminom ng alak? Ang tanungin ang tanong na “Mabuti
ba?" bago pa gawin ang isang bagay ay tanda na ng masikap na paghahangad na matupad
ang mabuti. Hindi agad-agad lumulusong sa paggawa nang walang pagtitimpi at pagmumuni
sa kabutihan ng gagawin. Nakatatakot at delikado ang taong agad may sagot at hindi nag-
iisip dahil malamang, ang ginagawa niya ay piliin lamang ang pinakakawili-wili sa kaniya.
Ang nag-iisip ay namimilipit pa sa pagtimbang kung tama ba talaga ang pipiliin, kung ano
ang mga posibleng epekto ng pagpili, at kung mapaninindigan ba niya ang mga bungang
kaniyang kakaharapin. Sa pinakapayak na paliwanag, ang mabuti ay pagsisikap na laging
kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapaunlad ng sarili at ng mga ugnayan.
Iba ang mabuti sa tama. Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagbuo ng
sarili. Ang tama ay ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon, kasaysayan, lawak at
sitwasiyon. Tinitingnan dito ang mga pangangailangan at kakayahan ng gagawing pagpili.
Kung nakikita ni Ramil na makabubuti sa kaniya ang isports, hindi lang siya basta-basta
sasabak sa laro. Kailangan niyang tingnan ang kaniyang kakayahan bago siya magsimulang
magboksing. Kung nais nang magpakasal ni Estrella at Ruben, kailangan nilang
siguraduhing handa na ang kanilang loob para sa kanilang kinabukasan bilang mag-asawa -
ang bahay, ang pambayad ng koryente, ng tubig, pagkain, at iba pa. Mabuti ang mag-
2
asawa, tama na ba ito agad? Kahit sa gamot, mabuti ang uminom ng gamot. Ngunit
marapat ding tingnan ng doktor ang kakayahan ng pasyente na bumili ng gamot at ang mga
partikular na reaksiyon ng pasyente sa bisa ng gamot na ibibigay. Mabuti ang gamot, ngunit
may tamang gamot para sa tao. May ibang gamot na nagdudulot ng mga allergies sa mga
partikular na tao.
May mga gamot na hindi epektibo sa ibang tao. Ganito ang prinsipyo ng generics.
Ang pasyente na ang bahalang humanap ng hihiyang sa kaniya batay sa reseta ng doktor.
Tulad din sa Likas na Batas Moral, preskripsiyon ang mabuti, ang tama ay ang angkop sa
tao.
Wala nga ba? May liwanag ng karunungan yata tayong maaninag sa sinusumpaan
ng mga doktor: First Do No Harm. Anumang kalagayan kasadlakan ng tao, isa ang
babalikan natin: ang huwag manakit. Nagsasalubungan ang mabuti at tama sa prinsipyo ng
pag-iwas sa pananakit sa tao. Na ang pinakamahalaga at pinakamabuting dapat gawin ay
ingatan ang tao. Na iba-iba man ang pormula ng likas na batas moral, tinuturo nito ay isa
lamang: hindi ko kakasangkapanin ang tao. Na ituturing ko bilang may pinakamataas na
halaga ang tao. Na gagawin ko ang lahat upang ingatan at payabungin ang tao.
Likas sa tao ang hangarin ang mabuti. Ano ang ibig sabihin nito? Na likas sa atin na
maging makatao (panig sa tao): ito ang kaisa-isang batas na hindi dapat labagin ninoman.
Ang lumabag dito ay lumalabag din sa sarili niyang kalikasan.
Ang bawat estado (state) rin ay nagsisikap iangkop sa kani-kanilang mga kultura ang
pagkilala sa karapatang pantao. Ipinapahayag nila sa kanilang konstitusyon ang mga
karapatan ng bawat mamamayan at ang paggarantiya ng estado na bigyang proteksyon ang
mga karapatang ito. Ang mga batas naman na nililikha ng pamahalaan ay mga mekanismo
at pamamaraan upang isakongkreto ang unibersal at pangkalahatang pagpapahalaga sa
tao. Kaya may batas laban sa pananakit at pang-aabuso sa mga bata dahil tao ang mga
bata. Kaya may batas na magbibigay ng budget sa edukasyon dahil kailangang mahubog
ang pag-iisip at karakter ng mga tao. Kaya may batas na magtatalaga ng pinuno ng bayan
(eleksiyon) dahil mahalaga ang boses ng lahat ng tao sa pagpapatakbo ng kolektibong
kasaysayan. Ang lahat ng batas ay para sa tao, hindi ang kabaligtaran nito.
Likas na Batas Moral: Batayan ng mga Batas ng Tao
2
Nagtagumpay na ba ang mga bansa na tupdin ang pagpapahalagang ito? Isang
proseso ang pagtupad sa mabuti. Hindi laging tama. Madalas pa nga ay nagkukulang ang
mga estado sa pagtalima sa tawag ng mabuti. Dala na rin ito ng napakaraming mga tinig at
mukha na kailangan lahat pakinggan at tingnan. Hindi perpekto ang mga batas. Subalit,
muli, babalik tayo sa depinisiyon ng mabuti – sapat na ang laging pagtingin sa kabutihan at
ang pagsisikap na matupad ito.
Kung ang buhay sana ay tulad ng cellphone na may kasamang instruction manual,
madali na sana ang lahat. Kung ang katawan ay may instruction manual, madali na sana sa
doktor ang makatiyak sa gamot, nutrisyon, at pag-aalagang mabisa sa lahat. Sa
kasamaang palad, walang instruction manual ang tao at ang mundo. Ang Likas na Batas
Moral ay hindi instruction manual. Hindi ito isang malinaw na utos kung ano ang gagawin ng
tao sa iba't ibang pagkakataon. Gabay lamang ito upang makita ang halaga ng tao. Ang
konstitusyon at mga batas din ay hindi mga instruction manual. Naisatitik ng mga ito ang
anomang makatutulong sa pagpapayabong ng tao. Gabay din lamang ang mga ito na
natutuhan sa karanasan ng mga tao sa pagdaan ng panahon. Malayo sa pagiging
absolutong batas para sa pag-unlad at kaayusan ng lipunan. Matutupad ba natin ang Likas
na Batas Moral sa ating bayan? Isang simpleng sagot: habang may nakatingin sa
mabuti—nagtataka, nagtatanong—tiyak na hahakbang tayo papalapit sa mabuti.
Pagyamanin
2
Pagsunod sa
Batas
Isaisip
Panuto: Sumulat ng isang pagninilay gamit ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa kuwaderno.
Gawain 4: Pagninilay
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 70-76.
Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking pagkaunawa Ano-anong hakbang ang
kaalamang pumukaw sa at reyalisasyon sa bawat aking gagawin upang
akin? konsepto at kaalamang ito? mailapat ang mga pang-
unawa at reyalisasyong ito
sa aking buhay?
Likas na Batas Moral at
Batas ng Tao
Maging Makatao
Isagawa
Gawain 5: Pagganap
Panuto: Lubhang naaapektuhan ang pamumuhay ng mga mamamayan sa mga batas na
ipinaiiral ngayong panahon ng Bagong Normal.
1. Suriin ang mga batas na ipinatutupad ngayong panahon ng Bagong Normal sa
sumusunod na sektor ng lipunan na naririnig mo sa radyo, napanonood sa telebisyon o
nababasa sa Facebook:
a. Para sa mga drayber ng pampublikong sasakyan
b. Para sa mga mag-aaral
c. Para sa mga may-ari ng malls o tindahan
d. Para sa mga pribado at pampublikong manggagawa
2. Isulat ang dalawang batas na iyong sinasang-ayunan dahil naniniwala ka na tumutugon
ang mga ito sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
3. Isulat rin ang dalawang batas na iyong tinututulan dahil naniniwala ka na lumalabag ito sa
Likas na Batas Moral at hindi tumutugon sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
4. Magbigay ng dahilan sa iyong pasang-ayon o pagtutol.
5. Magmungkahi ng gagawing pagbabago sa batas na tinututulan mo.
6. Gamitin ang inihandang pormat sa ibaba.
Mga Batas Ngayong Mga Dahilan Mga Paglabag sa Mungkahing Gagawing
Bagong Normal Likas na Batas Pagbabago sa Batas
2
Moral na Tinututulan
(A.2, B.2, C.2 at D.2)
A.1. Ang sinasang-ayunan ko na mga batas para sa mga drayber ng pampublikong
sasakyan
a.
b.
A.2. Ang tinututulan ko
a.
b.
B.1. Ang sinasang-ayunan ko na mga batas para sa mga mag-aaral
a.
b.
B. 2. Ang tinututulan ko
a.
b.
C.1. Ang sinasang-ayunan ko na mga batas para sa mga may-ari ng mall o tindahan
a.
b.
C. 2. Ang tinututulan ko
a.
b.
D. 1. Ang sinasang-ayunan ko na mga batas para sa mga pribado at pampublikong
manggagawa
a.
b.
D. 2. Ang tinututulan ko
a.
b.
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 5:
1. Nakapagtala ng dalawang batas para sa bawat sektor ng lipunan na sinasang-ayunan at
tinututulan
2. Nakapagbigay ng makatuwirang dahilan sa pagsang-ayon o sa pagtutol
3. Makatotohanan ang binanggit na paglabag sa Likas na Batas Moral
4 Tiyak ang mga sinusuring batas
5. Naitala ang lahat ng hinihinging impormasyong kinakailangan sa tsart
Gawain 6: Pagsasabuhay
Panuto:
1. Kung mabibigyan ka ng pagkakataong magpaabot ng iyong panukala sa Pangulo ng
bansa para sa kabutihan ng mga kabataan batay sa Likas na Batas Moral, ano ang
ipapanukala mo? Pangatwiranan.
2. Gabay mo ang pormat sa ibaba.
2
Buod
Ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral (Natural Law),
gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon sa dignidad ng tao at
sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran, ay mahalaga upang makamit ang kabutihang
panlahat.
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang pinakatamang sagot.
1. Sino ang nagsabi na, “Lahat ng Tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may
kakayahang makaunawa sa kabutihan.”?
A. Dr. Manuel Dy B. Max Scheler C. Santo Tomas de Aquino D.Robert Fulghum
6. May panukala ang mga mag-aaral sa Baitang 9 na alisin ang takdang aralin. Kaya may
nakatakdang miting para rito ang mga guro, mag-aaral at magulang. Ano ang nararapat
mong gawin upang maipakita na ang pasiya mo ay tungo sa kabutihang panlahat?
A. Pupunta sa miting at ibahagi ang paniniwalang mas makabubuting may takdang aralin
B. Pupunta ka sa miting upang magkaroon ng update sa mga pangyayari
C. Hindi pupunta sa miting dahil natatakot masali sa gulo
D. Pupunta upang ipilit na sang-ayunan ang panukala
2
C. Gawin ito at ayusin din ang sistema ng basura sa bahay
D. Magkaroon ng ibang paraan sa pagtapon ng basura
8. Mahihirapang makapasa si Art sa Math sa Ikalawang Markahan. Ano ang gagawin niya?
A. Magkaroon ng mabuting paraan sa pag-intindi sa mga paksa sa Math
B. Mag-aral sa bahay ng Math kahit pa laging mapuyat sa gabi
C. Manghingi ng solusyon sa problema sa Math sa kaklase
D. Magpa-iskedyul ng remedial exam sa guro ng Math
9. Ano ang karapat-dapat gawin ng ating mga mambabatas para sa kabutihang panlahat?
A. Gawing batayan ang Likas na Batas Moral sa paggawa at pagpasa ng mga batas
B. Pakinggan ang lahat ng reklamo ng mga sector ng lipunan
C. Magkampanya para sa karapatan ng mga mamamayan
D. Pagtibayin ang proseso ng Eleksyon
10. Ano ang dapat gawin ng isang prinsipal sa mga mag-aaral na napatutunayang
gumagamit ng ilegal na droga?
A. Tanggihan ang mga mag-aaral na ito na mag-enrol sa darating na pasukan
B. Magkaroon ng programang counseling and rehabilitation ng nasabing mag-aaral
C. Paglaanan sila ng isang silid upang maihiwalay sila sa mga mabubuting mag-aaral
D. Ipakulong sila dahil sa paglabag sa batas at para hindi na makaimpluwensiya sa iba
Susi ng Pagwawasto
Subukin
2
Bilang ng Sagot Kasanayan/Skill
Aytem
1 D Paglalapat/Application
2 C Kaalaman/Knowledge
3 A Paglalapat/Application
4 C Pagsusuri/Analysis
5 B Pagtataya/Evaluation
6 B Pagsusuri/Analysis
7 C Pag-unawa/Comprehension
8 A Paglalapat/Application
9 A Pagsusuri/Analysis
10 A Pagtataya/Evaluation
Tayahin
Bilang ng Sagot Kasanayan/Skill
Aytem
1 C Kaalaman /Knowledge
2 C Pag-unawa/Comprehension
3 C Pagsusuri/Analysis
4 B Pagsusuri/Analysis
5 A Pagsusuri/Analysis
6 A Paglalapat/Application
7 C Paglalapat/Application
8 A Paglalapat/Application
9 A Pagtataya/Evaluation
10 B Pagtataya/Evaluation
Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa Mag-
aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.
Peralta, Luisita B. “Ang EsP Bilang Asignatura.” Powerpoint Presentation at the National
Training of Trainers on the K To 10 Critical Content in Edukasyon sa Pagpapakatao,
Guimaras Province, May 6, 2019.
2
Para sa mga katanungan at puna, maaaring sumulat o tumawag: