Aralin 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Filipino 11 MODULE 2

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

ARALIN 2: Pagbuo ng Konseptong Papel

Mga Inaasahang Bunga:

1. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat isang


konseptong papel batay sa layunin, gamit, metodo, at etika.
2. Nakabubuo ng isang konseptong papel na napapanahon ang paksa.
3. Nakapagpapalitan ng kuro-kuro kaugnay mh modelong konseptong
papel.

Paksa/ Talakayan

Pagbuo ng Konseptong Papel

Batayang tuntungan sa pagbuo ng pananaliksik ang konseptong


papel. Dito matutukoy ang mga bagay o konsepto sa sasaliksikin. Nakaugat
sa tagumpay ng pananaliksik ang mga simulain at hakbang kaugnay ng
pagbuo ng komprehensibo at epektibong konseptong papel.

Konseptong Papel: Mula Plano Patungong Proseso.

Katumbas ng isang mungkahi o rekomendasyon sa gagawing


pananaliksik ang konseptong papel. Ang sumusunod ay ang nilalaman ng
konseptong papel:
 Kabuuang ideya
 Balangkas o framework
 Nais patunayan sa pag-aaral
 Gawaing binabalak sa pananaliksik
 Halagang magagastos sa proyekto

Dahil ito ay mungkahi, hamak na mas maikli ito sa orihinal na papel


pananaliksik. Maikli rin ang guguguling panahon sa paggawa nito sapagkat
ditto hahalawin ang magiging daloy ng pinal na papel na sasaliksikin.
Tinatayang limang pahina lamang karaniwan ang isang konseptong papel.

Bahagi ng Konseptong Papel

1. Rasyonal

Isinasaad ang dahilan ang pagpili ng paksa. Maaaring nabatay ito sa


sariling interes o pangangailangan ng kompanya, organisasyon, o
institusyong maaaring paglingkuran sa hinaharap. Mula rito,
magmumula ang mga konsepto sa bubuuing pananaliksik..

FILIPINO 11|Aralin 2 Page 1|4


Filipino 11 MODULE 2
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
2. Layunin

Nakapaloob dito ang mga hinihinging katanungan na sasagutin sa


pag-aaral. Madalas ay binubuo ng tatlo hanggang limang
katanungan. Kinakailangan ang mga katanungan ay nakahanay
batay sa diin o bigat ng mga kasagutan at hindi dapat masasagot ng
“oo” o “hindi” ang inihandang mga tanong.

3. Metodolohiya

Itinatakda sa bahaging ito ang pamamaraang gagamitin sa


pangangalap ng datos o impormasyon. Nakapaloob dito ang
gagamiting disenyo at kaugnay pang mga pamamaraan upang
maisakatuparan ang pananaliksik.

4. Inaasahang Bunga

Inilalahad sa bahaging ito ang resulta o inaasahang kalalabasan ng


pananaliksik.

Hakbang sa Pagbuo ng Konseptong Papel

1. Magplano at Magsiguro

Planuhin kung ano ang nais pag-aralan o gagawing proyekto.


Nakabatay dapat sa plano ang katiyakang matatapos ang
pananaliksik sapagkat ibinatay ito sa kakayahan, interes, kagamitan,
karanasan, at panahon.

2. Mag-isip at magmuni-muni

Isiping mabuti ang paksang sasaliksikin. Ito ba ay para lamang sa sarili


na maipasa at mabigyan ng karampatang grado o may maiaambag
sa lipunan? Mahalagang tingnan ang mga posibilidad na maiaambag
ng pananaliksik bilang pagsasakabuluhan nito tungo sa
kapakinabangang pansarili, pampamilya, pampamayanan, at
pambansa.

3. Maghanda at mangolekta

Payabungin ang kaalaman upang mapalawak ang sasaliksiking paksa.


Mangolekta ng mga sangguniang maaaring pagbatayan ng sariling
pag-aaral. Tiyaking ang mga makukuhang batayan ay tumatalakay sa
konseptuwal o teoritikal na batayan. Dito matutukoy ang kaugnayan ng
ginagawang pag-aaral at bahagi na dapat punan sa mga kakulangan
ng nakalipas na pananaliksik.

FILIPINO 11|Aralin 2 Page 2|4


Filipino 11 MODULE 2
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

4. Magtanong at magmungkahi

Humanap ng makakausap upang ipasuri ang planong paksa. Mainam


na may makakausap upang magpalitan ng ideya at kuro-kuro. Sa
simula pa lamang ay agad nang makikita ang mga potensiyal na butas
o kahinaan na dapat punan o palakasin. Ibahagi rin ang iyong
kakayahan o konstruktibong pagbibigay-puna sa gawa ng iba.
Kailangang ang ginagawang konseptong papel ay lapat at sapat sa
pamantayan ng guro at unibersidad na pinapasukan.

Katangian ng Konseptong Papel

1. Maikli ngunit Malinaw

Sa limitadong panahon at pahina kailangang maging tiyak ang paksa,


at mailahad ang layunin, kahalagahan, at iba pa. Kailangang maging
magkakaugnay ang bahagi o element ng konseptong papel upang
malinaw na maipabatid ang nilalaman at patutunguhan nito.

2. Makatotohanan at Makatarungan

Panahon ang batayan ng katangiang ito. Gaano man kaganda ang


paksa, ang pinakamahalagang batayan ay ang kakayahang matapos
o maisakatuparan ang gagawing pananaliksik. Matatapos ba ito nang
mag-isa o pangkatan? Kung hindi ito maisasakatuparan, balewala ang
gagawing pananaliksik.

3. Mapagmulat at Mapaglaya

Mahalaga sa panukalang proyekto o pananaliksik pa lamang ay litaw


na ang ambag o kahalagahan ng pag-aaral. Kailangang
makatutulong ang pananaliksik sa pagtataguyod o pagpapaunlad ng
larangang kinabibilangan. Marapat na may kontribusyon ito sa mali o
hindi tamang kalagayan ng paksang bibigyan ng akmang solusyonn o
kasagutan.

4. Makapangyarihan

Magbubukas ang konseptong papel upang magsulong ng mga


adbokasiyang dapat itaguyod sa pag-aaral. Magiging bukas din itong
pagkakataon para sa mga susunod na mananaliksik na ipagpatuloy
ang isinagawang pag-aaral upang lalong palawakin at paigtingin ang
hatid nitong ambag sa kaalaman at katarungan.

FILIPINO 11|Aralin 2 Page 3|4


Filipino 11 MODULE 2
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Mahalaga ang kaalaman at kasanayan sa paglikha ng konseptong
papel. Isa itong tiyak na paghahanda upang mas pahusayin ang
pananaliksik. Inihahanda ng konseptong papel ang mga posibilidad na
kakaharapin ng pananaliksik. Sa huli, nagiging gabay ang konseptong papel
sa tunguhin ng komprehensibo at epektibong pananaliksik.
Sa konseptong papel, malinaw na mailalahad ang pangkalahatan at
tiyak na ideya na lalamanin ng isasagawang pananaliksik. Tunay na hakbang
ang konseptong papel sa pagsasakatuparan ng plano at proseso ng
akademikong pananaliksik.

Gabay na mga tanong:

1. Ano-ano ang kaugnayan ng konseptong papel sa akademikong


pananaliksik?
2. Ano-ano ang katangian at kahalagahan ng konseptong papel?
3. Bakit mahalagang makatotohanan at makatarungan ang konseptong
papel?
4. Paano magiging simple at malinaw ang rasyonal, layunin,
metodolohiya, at inaasahang bunga ng konseptong papel?
5. Kung ilalapat ang kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng konseptong
papel, paano nito maaapektuhan ang buong akademikong
pananaliksik?

FILIPINO 11|Aralin 2 Page 4|4

You might also like