Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

MASUSING BANGHAY ARALIN SA

ARALING PANLIPUNAN 10
Mga Kontemporaryong Isyu

I.                   Layunin
Sa pagtatapos ng 60-minutong aralin nang may 80% katumpakan, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
a.       Natutukoy kung ano ang mga diskriminasyong kinakaharap ng mga lalaki, babae at LGBT sa
kasalukuyan.
b.      Nakikilahok sa mga pangkatang gawaing may kinalaman sa mga kakayahan at gawaing para sa
lalaki, babae at LGBT.
c.       Nakapagbibigay ng mga ideya at pamamaraan upang masugpo at maiwasan ang diskriminasyon
sa kasarian.
d.      Napahahalagahan at nauunawaan ang pagkakapantay-pantay sa karapatan at kasarian tungo sa
pagkakaisa.

II.                Paksang Aralin/Gawain sa Pagkatuto

a.       Pangkalahatang Paksa: Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan


Ispesipikong Paksa: Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT
b.      Sanggunian:    1. Araling Panlipunan 10 Learning Material p. 284-293
2. Mga Kontemporaryong Isyu ni Jens Micah de Guzman
    388 McArthur Highway, Dalandanan, Valenzuela City
    JO-ES Publishing House Inc., 2017 (p. 191-192)
3. http://www.bbc.com/news/world-south-asia
    https://en.wikipedia.org/wiki/Taliban
4. https://www.slideshare.net/diskriminasyon
                       
Mga Kagamitan: kagamitang biswal, laptop, projector, speakers, yeso.

III.             Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Pang-araw-araw na Gawain
a. Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa ating panalangin.


(Tatawag ng mag-aaral upang pangunahan ang
pagdarasal) Handa na ba kayong magdasal mga kamag-aral?

Handa na!

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo,


…..Amen

b. Pagbati
Maraming Salamat! Magandang araw sa inyong lahat! Magandang araw rin po, Sir Paulo!

c. Pagtatala ng Liban

Mayroon bang liban sa ating klase? Wala po!

Magaling kung gayon!

d. Pagbabalik-Aral

Bago natin simulan ang ating aralin ngayong araw,


atin munang babalikan ang ating katatapos na aralin
tungkol sa gender roles sa ibat-ibang panig ng mundo.

Alin sa tingin ninyo ang dahilan kung bakit mahigpit


para sa mga kababaihan at LGBT ang lipunan sa
maraming lugar sa daigdig?
Dahil po sa kultura na nakagisnan ng marami sa mga
lipunang ito.
Magaling! Anong katangian ng isang lipunan ang
karaniwang nagdudulot ng ganitong kalagayan ng mga
kababaihan at LGBT?
Patriarchal society po na kung saan mas dominante at
may pagkiling sa mga kalalakihan ang lipunan.
Mahusay! Ano naman ang naging implikasyon ng
FGM o Female Genital Mutilation sa mga kababaihan
sa Africa?
Ito po ay nagsilbing pahirap at abuso sa mga
kababaihan sa Africa na kung saan nilapastangan na
ang kanilang pagkababae, wala pang benepisyong
medikal na natatanggap.
Tama! Sa tingin nyo ba, naging madali para sa kanila
ang ganitong sitwasyon?
Hindi po. Dahil sa labis na pisikal at emosyonal na
kahirapang dinaranas nila gamit ang prosesong FGM.
Tama! Ano ang take home o natutunan mong aral
mula sa nakaraang paksa?
Natutunan ko po na kultura ang may malaking
impluwensya kung bakit ganito ang gampanin ng
bawat kasarian lalo na ang mga kababaihan at LGBT.
Magaling! Mukhang marami na kayong natutunan
mula sa nakalipas na aralin. Mayroon pa ba kayong
katanungan?
Wala na po!
Kung wala na ay sisimulan na natin ang ating bagong
aralin.
B. Pagganyak

May ipaparinig akong awitin sa inyo na pinamagatang


“Ituloy Mo Lang” ng Siakol. Inaasahang masasagot
ninyo sa pagtatapos ng awitin ang katanungang:

1. Ano ang mensaheng nais iparating ng awitin?


2. Paano inilalarawan ang kalagayan ng LGBT sa
napakinggang awitin?

Handa na?
Handa na po!
Noong bata ka pa si Darna ang ginagaya (Makikinig ang lahat sa awitin at ito ay susuriin)
Minsan nama’y nagbi-bistida
Maging sa laruan, manika ang napag-tripan
Ayaw mo ng baril-barilan
‘Di ka nila sinasali
Hindi ka raw tunay na lalaki
Gusto ng tatay mo na ika’y mag-sundalo
Pero babae ang puso mo
Kahit lunurin ka, wala ring napala sila
Nung sabi mong ika’y sirena
‘Wag kang mag-alala
Matatanggap ka rin nila

[Chorus:]
At kahit na ano pa ang gusto mo
Basta wala ka bang tinatapakan na tao
Ituloy mo lang ito
Ang mahalaga ikaw ay masaya
‘Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
Sila ang may problema
Walang pumapansin sa natatangi mong galing
Mas madalas ka pang laitin
Pinapakita mo na may silbi ka sa mundo
Ngunit walang rumirespeto
Lagi na lang iisipin
Sila na lang ang unawain
[Chorus:]

(Matapos mapakinggan ang awitin, tatawag ng mga


mag-aaral upang magbigay ng kani-kanilang mga
ideya)
Ngayong napakinggan ninyo ang awitin, ano sa tingin
ninyo ang mensaheng nais iparating ng awitin? Ang nais pong iparating ng awitin ay ituloy lamang
natin ang ating mga nais maging sa ating kasarian
lalo’t higit na wala naman tayong tinatapakan o
sinasaktang mga tao.

Tama! Paano naman inilalarawan ang kalagayan ng


LGBT sa awitin? Hindi po makatarungan ang kanilang kalagayan ayon
sa awitin. Dahil may diskriminasyon pong
nagaganap.
Mahusay! Mula sa inyong napakinggan, may ideya
naba kayo kung ano ang paksa ng ating aralin ngayong
araw? Ang atin pong paksa ngayong araw ay patungkol sa
diskriminasyon.

Tama! Partikular na anong uri ng diskriminasyon? Diskriminasyon sa kasarian po.

Magaling! Ang tatalakayin natin ngayong araw ay


diskriminasyon sa mga hindi lamang sa LGBT,
maging sa mga kababaihan at kalalakihan.

C. Mga Gawain

Para sa inyo ba, ano ang diskriminasyon? Ang diskriminasyon po ay mababang pagtingin sa
isang tao. Ito po ay tumutukoy sa mga negatibo at di
makatarungang pagturing o pagtrato sa isang tao base
sa kanyang mga katangian.

Tama! Nabanggit ng inyong mga kamag-aral na


binabase sa katangian ng isang tao kung kaya’t
nagkakaroon ng diskriminasyon. Diyan papasok ang
mga salik na nagiging dahilan ng diskriminasyon.

Ngayon, upang matalakay natin ang mga salik ng


diskriminasyon, may ipapakita akong mga larawan sa
inyo. Sila ang personalidad na naging matagumpay sa
kani-kanilang mga napiling larangan sa kabila ng mga
diskriminasyon sa kanilang kinaharap.

Sino ang taong nakikita nyo at ano ang alam nyo Siya po si Former Vice President Jejomar Binay. Ang
tungkol sa kanya? dating Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.
Tama! Sa tingin ninyo, anong diskriminasyon ang
kinaharap ni VP Jejomar Binay bago nya narating ang
tagumpay?
Magaling! Maari ba kayong magbigay ng iba pang
halimbawa ng diskriminasyon sa pisikal na kaanyuan?

Naging biktima po siya ng diskriminasyon sa pisikal


na kaanyuan.

Mahusay! Sino naman ito?


Sir halimbawa po ay pambubully dahil sa itsura o di
Magaling! Anong uri ng diskriminasyon ang kaya’y kulay ng balat ng isang tao. Pwede rin po ang
pinagdaanan ni Pacquiao bago marating ang kanyang pangangatawan ng isang tao. (mataba, payat, maitim
tinatamasa ngayon? etc.)

Si Manny Pacquiao po! Siya po ang tinaguriang


Tama! May iba pa ba kayong alam na halimbawa na Pambansang Kamao at Pound for Pound King. Siya
tumutukoy sa diskriminasyon sa edukasyon? din po ay kasalukuyang senador ng ating bansa. Siya
po ang isa sa mga tagapagbigay karangalan sa
Pilipinas.
Mahusay! Sino naman ito?
Tama! Sa inyong palagay, anong uri ng
diskriminasyon ang kinaharap ni Steph Curry bago
niya maabot ang tagumpay ngayon? Naging biktima po siya ng diskriminasyon sa
edukasyon na bunga narin po ng kanilang kahirapan
bago siya sumabak sa larangan ng boxing.

Mahusay! Maaari pa ba kayong magbigay ng ibang Halimbawa po sir ang antas ng pinag-aralan o di
halimbawa ng diskriminasyon sa relihiyon o kultura? kaya’y kahinaan o kakulangan sa katalinuhan ng
isang tao.

Siya po si Steph Curry, isa po siyang sikat na


basketball player.

Magaling! Ito namang susunod.

Magaling! Maaari nyo bang sabihin kung ano ang


diskriminasyong kinaharap niya bago sya naging host Siya po ay naging biktima ng diskriminasyon sa
at bigtime personality ngayon? relihiyon. Ngunit sa kabila ng mapanuring mata ng
lipunan ay nagawa po niyang mapanindigan ang
kanyang paniniwala at nagtagumpay parin sa buhay.
Tama! Magbigay nga kayo ng halimbawa o sitwasyon
na kakikitaan ng diskriminasyon sa trabaho o
hanapbuhay.

Sir, isa na pong halimbawa diyan ang kasalukuyang


Tama! At para sa ating huling larawan… nangyayari sa Pilipinas na kapag iba ang relihiyon
mo sa iba o di kaya iba ang nakagisnan mong kultura,
Magaling! Anong diskriminasyon naman ang kanyang nagiging sanhi din po ito ng diskriminasyon. Madalas
pinagdaanan bago nya naabot ang kanyang pong patampulan ng pangungutya ang ilan nating
kinalalagyan? mga katutubo dahil sa iba ang kanilang kultura
kumpara sa nakasanayan natin.

Sa tingin ninyo, bakit maaaring maging dahilan ng


diskriminasyon ang kasarian ng isang tao? Siya po si Willie Revillame. Isa po siyang sikat na
host/artista sa telebisyon.

Mahusay! Ano ang nais kong iparating sa inyo nang


ipakita ko ang mga larawan ng mga personalidad na
iyon?

Tama! Naging biktima din po siya ng diskriminasyon sa


trabaho.
Matapos nating makilala ang ilan sa mga personalidad
na naging matagumpay sa ibat-ibang larangan,
magkakaroon tayo ng isang gawain kung saan aalamin
natin kung ano ba ang mga kakayahan o mga gawaing
angkop at kayang gawin ng mga kalalakihan, Kapag maliit po o hindi kalakihan ang sahod madalas
kababaihan at LGBT. Para sa gawaing ito, gagamit po ay nagiging sanhi ng diskriminasyon.
kayo ng meta cards na ididikit sa modelong mapipili.
Isusulat lamang ng mga miyembro ng bawat pangkat Siya po si Geraldine Roman! Siya po ay ang kauna-
ang mga trabaho at gawaing sa tingin nila ay angkop unahang transgender na mambabatas sa Pilipinas.
sa napili o naitalaga. Siya po ang pangunahing tagapagtaguyod ng Anti-
Discrimination Bill sa Kamara.
Unang Pangkat- Babae
Ikalawang Pangkat- Lalaki
Ikatlong Pangkat- LGBT

Ipaikot na pabilog ang inyong mga upuan bawat


grupo. Bibigyan ko kayo ng limang (5) minuto upang Sir, naging biktima po siya ng diskriminasyon sa
gawin ang ating activity. May tanong pa ba? kasarian dahil sa kanyang gender identity.
Handa na ba kayo sa gawain?
Dahil po mayroon pa rin pong mga babae, lalaki at
Kung gayon, maari na kayong magsimula. miyembro ng LGBT na nasasaktan dulot ng iba’t
ibang uri ng karahasan, berbal na asunto at iba pa.
(Matapos ang limang minuto)

Okay, ayusin nang muli ang mga upuan at ipaskil na


ang inyong mga gawa sa pisara. Na hindi po hadlang ang kasarian at mga
diskriminasyong pinagdaanan upang maging
matagumpay sa anumang larangan na ating tatahakin.
(Susuriin ng klase ang bawat gawa at paghahambingin Na kahit makaranas tayo ng diskriminasyon ay
ang tatlong modelo. Inaasahang masagot at maaari tayong magtagumpay sa buhay.
maipaliwanag ang walong mga katanungan upang mas
maging kapaki-pakinabang ang gawain.)

1. Anu-ano ang trabahong inilagay ng bawat pangkat


sa kasariang itinalaga sa kanila? Ipaliwanag.

2. Naging madali ba sa grupo ang gawain? Ipaliwanag.

3. May mga trabaho bang katulad din sa trabahong


naisulat ng ibang pangkat? Bakit may mga
pagkakatulad?

4. May mga trabaho bang wala sa ibang pangkat?


Ipaliwanag.

5. May kilala ka bang babae na matagumpay sa


larangang itinuturing na para sa lalaki (halimbawa,
piloto, engineer, boksingero, astronaut)? Ipakilala sila
sa klase.
Wala na po!
6. May kilala ka bang lalaki na matagumpay sa
larangang itinuturing na para sa babae? Ipakilala sila Opo!
sa klase.

7. May kilala ka bang miyembro ng LGBT na


matagumpay sa larangang kanilang napili? Ipakilala sa
klase.
(Ipapaskil ng lahat ng pangkat ang kanilang gawa)
8. Batay sa mga naibahagi sa klase, ang kasarian ba ay
batayan sa trabahong papasukan? Ipaliwanag. (Halimbawa ng mga gawa bawat pangkat)
Maliwanag na ba sa inyo ang ating tinalakay ngayong Unang Pangkat- Babae
araw?          Paglalaba
         Pagluluto
Mayroon pa ba kayong mga katanungan?
         Volleyball
         Nurse
D. Paglalapat          Pulis
Upang lagumin ang ating talakayan, may katanungan          Guro
ako para sa inyo:
Ikalawang Pangkat- Lalaki
“Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin         Pagluluto
upang masugpo o maiwasan ang diskriminasyon lalo          Karpintero
na sa aspetong pangkasarian?”          Sundalo
         Guro
         Basketball
         Volleyball

Mahusay! Ano pa? Ikatlong Pangkat- LGBT


         Pagluluto
         Gawaing bahay
         Basketball
         Volleyball
Tama! Halimbawa, may kamag-aral o ka-eskwela na
         Nurse
binubully o kinuktya dahil sa kanyang pisikal na
         Doktor
kaanyuan, ano ang iyong gagawin bilang isang
mabuting mag-aaral?

Mahusay! Maaari nating magamit ang araling ito sa


maraming pagkakataon tulad ng iyong ideya.

E. Pagpapahalaga

Gaano kahalaga ang pag-aaral natin ng


diskriminasyon? Opo!

Wala na po!

Tama! Gaano naman kahalaga ang pagkakaroon ng


pagkakapantay-pantay sa lipunan?

Magaling! Mahalaga bang mawala ang diskriminasyon


sa kasarian?
Bilang isang mag-aaral, magagawa ko po itong
Sa inyong palagay, paano ka makakaiwas sa masugpo at maiwasan sa pamamagitan ng
ganitong uri ng diskriminasyon? paghahayag ng mga adbokasiya “halimbawa, maaari
kong gamitin ang social media at ang impluwensya
ko bilang tao.

Bilang isang mag-aaral, maaari akong makatulong sa


mga simpleng bagay tulad ng hindi pangungutya at
Magaling! Ngayon balikan nating muli ang mga pambubully. Kailangan pong simulan sa ating sarili
larawan na pinag-aralan natin kanina. ang pagbabago.

Gaya nila, paano ka babangon o uunlad sa kabila ng


ng mga posibleng diskriminasyon na maranasan mo?

Sir, bilang isang mag-aaral, ipagtatanggol ko po ang


kamag-aral kong iyon at sasabihin sa mga
Mahusay! Natutuwa ako na inyong edad ay nangungutyang mali ang kanilang ginagawa. Sa
nakapaglalahad kayo ng isang makabuluhang mga ganoong paraan po ay magagamit ko ang ating
ideya. tinalakay ngayong araw.

May tanong pa ba tungkol sa ating aralin?

Magaling!

Mahalaga pong pag-aralan ang diskriminasyon upang


mas maging maalam po tayo bilang indibidwal sa
mga maaari nitong maidulot sa ating lipunan.

Opo. Dahil ito po ay maaring maging tulay o daan sa


pagkakaisa ng lipunan.

Sa akin pong palagay, ang kailangan ko lamang


gawin ay ang mag-aral ng mabuti at makahanap ng
trabaho nang sa gayon po ay mapaunlad ko ang aking
sarili at sa ganitong paraan ay makakaiwas tayo sa
diskriminasyon.
Magpagtatagumpayan ko po ito sa pamamagitan ng
determinasyon, tiwala sa sarili at pagpapatuloy sa
aking landas sa kabila ng mga nakaambang na
pangungutya at pagmamaliit sakin.

Wala na po!

You might also like