Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Sanaysay

patungkol sa
awiting
Pitong Gatang ni
Fred Panopio

Guro,Alamina T.
BSED 1-1M
Mr. Christian Perlado

1
Ang buhay natin ay parang isang patalastas o pelikula para sa iba dahil sa walang
sawang pagsubaybay at pag-aabang nila sa mga pangyayaring nagaganap sa atin. Hindi
natin maiiwasan na pag-usapan ng iba lalo na kung sila’y mga wala namang ginagawa
sa buhay kung hindi ang tumambay at panoorin lamang ang mga tao sa paligid para
maghanap ng mga mapupuna nila. Karaniwang nagaganap ito sa lugar na tulad ng mga
barangay o squatter area kung saan laganap ang mga taong tambay at mga tsismoso’t
tsismosa na parang parte na nang pamumuhay nila ang pag-usapan ang buhay ng ibang
tao.
Ang mga pangyayaring ito ay maaaring mailarawan sa kantang, “Pitong Gatang”
ni Fred Panopio na ang nilalaman ng mensahe nito ay patungkol sa pamumuhay ng mga
tao sa lugar ng pitong gatang na kung saan hindi maubos-ubos ang mga kwento at kuro-
kuro o tsismis tungkol sa buhay ng mga naninirahan din doon.
Tunay na ang mga ganitong pangyayari ay nararanasan pa rin natin hanggang
ngayon. Likas na sa ating mga tao na pag-usapan ang buhay ng iba lalo na sa mga bagay
na hindi kaaya-aya para sa ating mga pananaw. Ang pagkakalat ng mga kwento ay hindi
na bago sa atin lalo na sa mga klase ng tao na wala namang ginagawa sa buhay kung
hindi ang punain ang buhay ng iba kaya hindi sila nauubusan ng mga baon na kwento at
tsismis para sa iba. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng kapaligiran ay hindi
nakakabuti para sa iyong pamumuhay lalo na kung ikaw ay may maikli na pasensya dahil
mauuwi lamang ito sa gulo na magiging simula ulit ng panibagong isyu na pag-uusapan
ng lahat.
Ang pagbabahagi ng mga kwento sa iba ay hindi naman talaga masama kung ito’y
pawang katotohanan lamang at hindi nakakasira ng pagkatao ng iba ngunit hindi rin
naman mabuti ang pagpuna sa paraan ng pamumuhay ng iba lalo na kung wala naman
tayong gaanong nalalaman patungkol sakanila. Kaya marapat lamang na mas
pagtuunan natin ng pansin ang sarili nating pamumuhay kaysa sa buhay ng iba.

You might also like